Chapter 5
- Amira's POV -
Umaga palang at busy na agad ako. Marami akong ginagawa at alam kong matatapos ko naman ang lahat ng ito. Sa kalagitnaan ng pagta-trabaho ko ay biglang pumasok si Loreen.
"Ami." Masayang tawag nito sa akin. Nag-angat ako ng tingin at natigilan. May dala kasi syang cake habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Cake mo. Happy birthday." Nakangiti at puno ng galak nyang sabi. Ako naman ay napatingin sa kalendaryo sa tabi ko at nakita kong kaarawan ko nga ngayon.
"Ahh..." Mahinang sabi ko at tumayo. Lumapit ako sa kanya at nakita ko doon ang cake na may nakasulat ng 'happy birthday, Ami. •‿•'. "Haha. Nag-abala ka pa." Kunwari nanatawa kong sabi pero umiinit na ang gilid ng mata ko.
"Sige na. Mag-wish ka na." Nakangiting sabi nya. Nakangiting tumango ako. Pumikit ako at humiling.
Sana maging masaya na ako.
Hinipan ko ang kandila at nang magmulat ako at parang napahiya naman si Loreen.
"Bakit?" Di ko mapigilang tanungin sya.
"Ehh, kasi papalakpak sana ako, ehh. Kaso hawak ko yung cake." Nakangiwing sabi nya. Natawa naman ako. "Punta na tayo don?" Tanong nya at nginuso ang favorite spot ko. Tumango naman ako.
Sabay kaming pumunta doon at nakangiti akong natigilan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil hindi pa sya umupo.
"Bakit hindi ka pa umuupo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Kukunin ko pa kasi yung mga pagkain na pinadeliver ko. Sige, hintayin mo muna ako, ha? Inom ka muna ng wine dyan." Nakangiting sabi nya. Tumango nalang ako. Lumabas na sya at maya-maya pa ay pumasok na din sya.
"Bakit kasi dito pa sa office? Pwede naman kasing lumabas nalang tayo." Nahihiyang sabi ko.
"Busy kasi tayo. Mamaya marami pa tayong tatapusin kaya dito nalang." Natatawang sabi nya. Napangiti ako tumingin sa gilid ko. Napakaganda talaga ng building na tinayuan ni Daddy.
Kahit kasi maraming building ang nakapaligid dito, makikita mo parin ang kabundukan sa malayo. Kaya ito ang paborito kong spot ng opisina ko. Nakakawala kasi ng stress ang nakikita ko sa malayo.
"Miss ko na si Sam. Nasaan na ba sya?" Biglang tanong ni Loreen. Unti-unting nawala ang ngiti ko habang kumakain kami.
"Siguro masaya na sya kung nasaan na sya ngayon." Mapait kong sabi. Pinipigilang maiyak.
"Nasaan na ba sya? May contact ka ba nya? Tawagan mo kaya?" Nakangiti at excited nya sabi habang ako ay mapait na nakangiti lang sa kanya. Biglang nawala ang ngiti nya at takang tumingin sa akin. "What's the matter? Is there's something wrong? Did I say something bad?" Sunod-sunod nyang tanong na may pag-aalala.
Kahit ayaw ko man ay tumulo na ang isang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit parang tinu-torture ako ngayon. Bumalik nanaman ang sakit na akala ko ay kaya ko na, pero heto at unti-unti na akong humagolgol ng iyak.
"O-Oyy, Ami.... A-Anong problema?" Nag-aalala nyang sabi.
"K-Kasi... Naiinis ako sayo." Hindi ko mapigilang sabihin iyon sa kanya. Sya naman ay nanatili nalang nakaupo sa kinauupuan nya kanina.
"Bakit?" Inosenteng tanong nya.
"K-Kasi.... K-Kasi iniwan m-mo kami ni Sam." Naiiyak kong sabi. Nagbaba ko ng tingin at hinayaang mag-breakdown ako sa harap nya. Mas komportable kasi akong umiyak sa harap nya, sa harap nila ni Sam.
"I'm sorry..." Mahinang sabi nya habang nakatingin sa akin na puno ng pag-sisisi at guilt. "I'm sorry." Sabi nya habang umiiyak na din katulad ko.
"You don't have to say sorry." Nakangiting sabi ko. "It's doesn't anyone's fault. Its not yours, it's not mine, and it's not Sam's." Naiiyak kong sabi. "It's just that, naipit lang tayong lahat. And I'm sorry. I'm really sorry kasi ngayon, may galit parin akong nararamdaman sa biglang pagkawala mo."
"I'm sorry... I'm so sorry." Naiiyak pa nyang sabi at lumuhod na sa harap ko. Tumayo naman ako para tumungan syang tumayo.
"Hey... It's ok. I know that this not your fault. But I can't help to feel mad. Kasi... I feel so lonely... Hindi ko kayang mag-isa."
"I'm sorry..." Naiiyak nyang sabi ulit at niyakap ako. "I'm sorry kasi iniwan ko kayo. I'm sorry kasi naramdaman mong mag-isa ka. I'm sorry..."
"It's not your fault." Nakangiting sabi ko nanaman. "Alam mo ba yung feeling? Feeling ko, mag-isa nalang ako. Feeling ko, wala na akong rason mabuhay. Lahat kasi iniwan ako..."
"A-Ano bang nangyari?" Naiiyak nyang tanong.
"Naalala mo yung araw na bigla kang nawala? Hinahanap ka namin non. Kasi kailangan namin ni Sam." Panimula ko. "Na-diagnose kasi sya non na may cancer. Iyak sya ng iyak non, sabi nya gusto ka daw nyang makita. Tapos hinahanap ka na namin pero hindi ka namin mahanap. After three months, patuloy lang kami sa paghahanap tapos nagpapatreatment na si Sam non." Tumigil ako at ngumiti. "After one year, naging ok na sya. Sobrang saya n-namin. N-Nadischarge na sya sa ospital tapos naghanap parin kami sayo." Ngumiti ako sa kanya. "Alam mo ba, nungmismong araw na sinabi nyang ayaw ka na nyang hanapin. Yun din yung araw na n-namatay sya." Humagolgol na kami pareho. "Hindi namin alam, kaya lang sya sumama kasi gusto ka na nyang makita. Pero kinagabihan, hindi na namin sya magising." Ayon at humagolgol nanaman kami. "Ang tagal ka naming hinahanap. Pero bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon ka lang kung kailan tapos na ang lahat?" Humahagolgol kong tanong sa kanya tapos nag-iwas ng tingin. "Loreen, iniwan din ako ni Sam. Iniwan nyo na ako pareho. Kala ko ba walang iwanan? Akala ko ba hindi nyo ako iiwan? Kasi ako baby nyo?"
"I'm sorry. Hindi ko alam." Umiiyak at umiiling-iling nyang sabi habang nakapikit at nakatungo.
"Alam mo bang akala ko, magiging masaya na ako nung nakilala ko si Stacy. Sya yung naging kaibigan ko nung mawala kayo. Mabait sya. Pero iba kasi, ehh. Hindi ko alam pero parang kulang. Parang nakukulangan ako sa kanya. Siguro kasi, hindi kayo kayo yon, hindi kayo sya." Pilit ngiti kong sabi pero patuloy parin ang pagtulo ng luha kong malagripo. "Tapos, nakilala namin si Luke. Sya yung taong nasasabihan ko na ng mga bagay na sa inyo ko lang kayang sabihin. Sya yung naging komportable ako kasama, parang kayo. Sya kanya ko nahanap ang hinahanap kong alaga nyo."
"Ami..." Mahinang tawag nya sa akin habang natingin sa akin ng may halong awa.
"Pero iniwan nya din ako!" Hindi ko mapigilang maglakas ng boses at parang gusto ko na ding magwala pero hindi ko magawa kasi kasama ko si Loreen at pinipigilan nya din ako. "Nung mismong anniversary namin. 3rd anniversary, nahuli ko sya at si Stacy na naghahalikan. Imbis na magdahilan, mas pinili nya nalang akong titigan. At alam mo ba kung ano yung mas masakit?" Tanong ko.
"Ano?" Mahinang sagot nya.
"Nakunan ako." Na-angat ako ng tingin pero alam kong tutulo lang din naman ng tutulo ang luha ko. Ngayon nalang kasi ako nakaiyak ng ganito. Hindi ko din ito nagawa kay Stacy kasi kahit kaibigan ang turing ko sa kanya, hindi ko sya maipapantay kila Sam dahil sa kanina ay komportable ako. "Lahat na lang kayo nawala. Lahat kayo iniwan nyo ako. Una, si Sam. Ikaw... Si Stacy... Si Luke... Yung anak ko... Ayoko na..." Ginagat ko ang labi para pigilan ang sarili ko. "Ayoko na maging mag-isa. Ayoko nang maiwan." Ayon at hindi ko na napigilan pa. "Wag mo na akong iwan, please, Lor. Hindi ko na kaya..." Naiiyak kong sabi. Magkakasunod syang tumango at lumapit sakin saka niyakap ako.
"Hindi na kita iiwan. Pangako yan." Sabi nya habang yakap ako at hinihimas ang likod ko. "Tama na. Birthday mo to, ehh. Wag ka nang umiyak. Sige na, tama na." Pang-aalo nya sa akin. Patuloy lang kami sa pag-iyak hanggang sa mapagod na kami kakaiyak.
Actually, ako lang naman ang umiyak ng umiyak. At, ako lang din ang napagod. Nagpatuloy nalang kami sa pagcecelebrate at sobrang gumaan talaga ng pag-hinga ko. Matagal na kasi ang huling beses na umiyak ako. Siguro ay nung maghiwalay kami ni Luke, which is 3 years ago pa.
Nag-inom kami ng nag-inom hanggang sa makaubos kami ng limang bote ng wine. Nagkwentuhan kahit na hindi magkaintindihan, at nagtawanan na parang mga baliw.
- Luke's POV -
Papasok na ako ng office ko ng makitang may dalang cake ang secretary ni Amira. Nakangiti ito ngayon ay inaayos ang pagkakalagay ng cake sa ilalim ng desk nya.
Ano naman kayang meron?
Nagpatuloy na ako sa pagpasok ko ng office ko at saka ko ibinabad ang sarili ko sa trabaho. Pero hindi talaga mawala sa isip ko kung anong meron ngayong araw at kailangan pang magdala ng secretary ni Amira ng cake.
"Siguro family matters." Pangungumbinsi ko sa sarili ko saka ako nagtrabaho ulit. Pero hindi talaga ako makapagfocus. Hanggang natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa harap ng office nya.
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang dalawang babae sa kinauupuan nila. Kapwa itong nakangiti sa isa't isa at parang sobrang saya nila. Lalo tuloy akong napaisip.
Ano nga bang meron ngayon?
"Bakit kasi dito pa sa office? Pwede naman kasing lumabas nalang tayo." Rinig kong sabi ni Amira. Parang nahihiya pa.
"Busy kasi tayo. Mamaya marami pa tayong tatapusin kaya dito nalang." Sagot ng secretary nya. Nakangiti at makikita mong masaya talaga sila. Tapos kapwa silang tumingin sa labas. At sandaling natahimik, bago mag-salita ang isa sa kanila.
"Miss ko na si Sam. Nasaan na ba sya?" Nakangiting sabi pa ng secretary nya. Nakita ko namang unti-unting nawala ang masayang ngiti nya. Ang kaninang genuine nyang ngiti ay naging pilit.
Sino si Sam? Lalaki ba yon?
"Siguro masaya na sya kung nasaan na sya ngayon." Sagot ni Amira. Parang gusto na nitong umiyak, pinipigilan nya lang.
Naalala ko tuloy ang nangyari 3 years ago, akala ko talaga hindi nya ako mahal kasi hindi nya ako binibigyan ng anak. Pero muhkang mali ako dahil nakita ko, sa mismong harap ko umiyak ng umiyak si Amira. Sobrang sakit makita at sobrang sakit pakinggan ng hagolgol nya. Para kasi syang bata.
"Nasaan na ba sya? May contact ka ba nya? Tawagan mo kaya?" Biglang sabi pa ng secretary nya. Ang ngiti nito ay biglang nawala at napalitan ng pag-aalala. "What's the matter? Is there's something wrong? Did I say something bad?" Tanong nito.
Nagulat ako ng biglang tumulo ang luha ni Amira. Hanggang sa sunod-sunod na itong mahulog at ang tangi ko nalang narinig ay ang malakas nitong paghagolgol, hagolgol na parang bata.
- To Be Continued -
(Fri, May 21, 2021)