Chapter 7 - 7

Chapter 7

- Luke's POV -

Nang maihiga ko si Amira sa kama ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Tumabi ako ng higa sa kanya at mabilis syang pumatong sa akin. Tinitigan ko sya at hinalikan ang noo nya.

Maya-maya lang nakatulog na sya sa ibabaw ko. Pareho din kaming wala pang saplot at ang tanging tumatakip sa katawan namin ay kumot lang at wala nang iba.

Tumayo na ako at nabihis. Pagkatapos kong magbihis ay tumayo ako ng kama at naghanda mg tanghalian namin ni Amira. Pagka-akyat ko ng kwarto ay biglang tumunog ang phone ko.

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya. Hindi ko kasi nakita ang caller.

"It's me, Luke."

"Oww. Hello po, tito. Napatawag po kayo?" Tanong ko.

"I just want to say take care of my daughter. Don't worry, you don't have to go here. Just stay there and have a good day."

"Sige po, tito. Ako na pong bahala kay Amira."

"Sige. Mag-ingat kayo."

"Kayo din po." Yon lang at binabaan na ako ni Tito ng tawag. Ako naman ay ginising ko na ang asawa ko. "Hon. Hon." Mahinang pagtawag ko sa kanya habang marahan ko syang niyoyogyog.

"Hmm..." Mahinang ungol nya.

"Kain ka na. Wag ka na ngang matulog." Sabi ko.

"Ayoko. Antok ako." Parang batang sabi nya.

Lasing pa talaga sya.

- Diana's POV -

"Lasing?" Gulat na tanong ni Winller. "Bakit naman naglasing sila ng secretary nya?" Tanong nya pa.

"It's her birthday today." Si kuya ang sumagot sa kanya.

"Really?"

"Yup." Mataray kong sabi.

"Ayan ka nanaman, Diana. Mag-aaway nanaman ba tayo ngayon?" Tanong ni Winller.

"Wala naman akong ginagawa, ahh?" Depensa ko.

"Nagseselos lang yan kay Amira. Palagi mo kasing inuuna ang bestfriend mo kesa sa girlfriend mo." Pang-aasar ni Kuya.

"Because she needs me more. Amira has anxiety and depression and you, Diana, my girlfriend, has nothing above. So, I'm giving her all my attention because she needs it. She feels so lonely. But, her secretary is such a blessing."

"Yung secretary ni Ate, yung Loreen ba yon? She's familiar." Sabat ko.

"Of course, she is. She's your ate's long lost bestfriend." Sabat ni Daddy.

"Bestfriend? Nagkabestfriend pala sya?"

"Haha. Wag mong ipapakita ang ganyang ugali sa harap ng secretary ng ate mo. Warfreak din yon, katulad ng ate mo kaya mag-ingat ka." Nataawang sabi ni Dad. Umirap nalang ako sa hangin.

"Nakabalik na ba si Luke?" Tanong ko.

"Hindi ko na sya pinapasok. Sabi ko, asikasuhin nalang ang ate mo." Sabi ni Dad. Napatango-tango naman ako. Tapos bigla kong naalala ang tawag nya kay Luke kanina.

Hon... Halatang mahal parin nila ang isa't isa.

Wala sa sariling lumingon ako kay Winller.

Ehh, ikaw? Mahal mo din ba ako? Kelan ka ba mag-po-propose?

Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Luke na hingal na hingal.

"Ohh, what happened?" Tanong ni Kuya.

"S-Si Amira." Naghabol muna sya ng hininga bago nagsalita ulit. "Nawawala."

"What?!" Gulat naming tanong.

"Ehh, kasi. Galing ako ng mini-mart kasi nagpabili sya ng cup noodles. Tapos pag-uwi ko, wala na sya sa bahay." Kwento nito sa amin.

"Ehh, saan naman kaya pupunta iyon?" Tanong ni Dad at sinapo ang ulo. Lumapit ako sa kanya at inalalayan namin sya pateho ni Winller.

"Wala ba kayong alam na pwede nyang puntahan?" Tanong ni Winller.

"Wala akong alam." Sagot ni Luke at kuya.

"Me too." Sagot ko pa.

"Yung secretary nya. Diba, bestfriend nya yon? Tawagan nyo nga." Sabi ni Winller.

"Ako na ang tatawag." Sabat ni kuya. Kinuha nya ang phone nya at may tinawagan. "Hello? Ano?! Wag! Hindi! Wag nyong gagawin yan!" Sigaw nya na nagpakaba sa amin. Ibinaba nya ang phone nya saka kami tiningnan.

"Ano? Bakit ka sumisigaw?" Nag-aalalang tanong ni Daddy.

"Wala na pala akong load. Hehe. Pahiram nga ng phone, Diana."

"Kuya naman, ehh!" Sigaw ko.

"Binibiro lang naman kayo."

"Hindi maganda ang biro mo, kuya." Sabi ko pa.

"Hello? Sorry, this is Amira's big brother. Yeah. Hinahanap kasi namin sya. I just want to ask if she's there? Wala? Ohh. Ok, thanks." Binaba na nya ang phone. "Wala daw, ehh."

"Narinig namin, kuya." Mataray kong sabi. Nagulat kami ng biglang tumunog ang phone. "Who is that?" Tanong ko.

"It's mom." Sagot nya at sinagot ang phone. "Yes, mom? Nawawala kasi si Amira, naubusan ako ng load kaya himiram ko muna phone ni Diana. What? She's there? Ahh, sige." Binaba na nya.

"Anong sabi ni Mommy?" Tanong ko.

"Amira is there. She's with mom. She's at home." Dahil sa sinabi ni kuya ay nakahinga kami ng maluwag. As in, lahat kami.

- Amira's POV -

Ngayon ay nagtataka ako kung bakit ako pumunta dito. Siguro ay gusto lang makita si Mommy. Busy kasi sya sa mga kung ano-ano nya dahil dati syang beauty queen.

"Kumain ka na. May kukunin lang ako sa itaas." Nakangiting sabi nya saka ako iniwan sa sala. Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid at napangiti.

Masaya kami noon. Hanggang sa mangyari ang biglaang paghihiwalay nila Mommy and Daddy. Lagi na kaming nagpapalit-palit ni Kuya. Pag si Kuya na kay Daddy, ako naman ang kay Mommy. Salitan ba kung baga.

Hanggang sa bigla nalang umiyak noon si Mommy. Dahil bata pa ako ay wala akong alam kung bakit. Pero dahil pala nabuo si Diana. Dahil sa kanya nabuo muli ang pamilya namin. Pero ako ang naging kawawa.

Dati, ako ang lagi na i-spoiled. Lahat ng gusto ko binibigay agad nila. Pero nagbago yon ng dumating si Diana. Ang atensyon na dapat na sa akin nila binaling, lahat binigay nila kay Diana.

Seven palang ako noon. At nakilala ko sila Loreen noong first year high school ako. Tapos hindi na kami napaghiwalay noon. Pero bigla nalang nawala si Loreen noong third year na kami at noon din namatay si Sam.

Kaya nung forth year na ako, naging mag-isa nanaman ako. Tapos si Stacy, nakilala ko sya ng mag-senior high na ako. Sya yung tinuring kong kaibigan pero hindi katulad ng kila Sam.

Ang totoo ay sya talaga ang unang nagkagusto kay Luke pero ako parin ang niligawan pero sya ang parin ang pinili ni Luke. Bigla namang pumasok si Mommy kaya natigil ako sa pagmumuni-muni.

"Ito, ohh. Happy birthday." Nakangiting sabi nya. Hindi ko naman namalayang tumulo na ang luha ko.

"Thank you, Mom." Naiiyak kong sabi.

"Shh... Haha. It's ok. Hindi mo kailangang umiyak." Natatawang sabi nya at pinunasan ang pisnge ko.

"Mom..."

"Hmm?"

"Gusto ko na po magka-baby."

"Ha?" Tanong nya.

"Gusto ko na po magka-baby." Pag-ulit ko.

"It's not that easy. Saka, hiwalay parin kayo ni Luke, hindi ba?" Tanong nya.

"Opo. Alam ko naman pong mahirap pero gusto ko na po talaga." Sabi ko.

"Anak, wag mong pilitin. Mahirap, lalo ma yung work mo. Hindi ka pwedeng ma-stress kung buntis ka kaya kailangan mo yung i-give up." Pangaral nya.

"Ayan nga po ang plano ko. Siguro ay hahayaan ko nalang muna ang sarili ko, hanggat hindi pa ako nagbubuntis, magpapakasaya muna ako." Nakangiti kong sabi. Napalingon kami pareho sa pinto ng biglang bumukas iyon at iniluwa sila Daddy, Luke, Kuya, Diana, at Winller.

"Ohh, thank god, nandito ka lang." Sabi ni Luke. Lumapit sya at tinignan ang kabuuan ko.

"Haha. Ok lang. Kompleto pa ako." Natatawang sabi ko.

"Pwede bang magpaalam ka naman nex time? Pinag-aalala mo kami, ehh." Sabi pa nya.

"Pakialam ko sa inyo." Mataray kong sabi at inirapan sya. Tumayo ako at bigla din akong napaupo dahil bigla akong nahilo.

"Ohh, ano? Masakit?" Masungit nyang sabi. Inirapan ko nalang sya.

"Lumayo ka sa akin. Naaalibadbaran ako sayo." Kunot-noong sabi ko. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat tapos bumaling kila Daddy.

"Iuuwi ko na po to. Masyadong pasaway." Sabi nya at pinukulan ako ng masamang tingin. Inirapan ko nalang sya sa ako naglakad mag-isa. Maya-maya pa ay kasunod ko na sya.

- To Be Continued -

(Sun, April 23, 2021)