Final Chapter
- Amira's POV -
Gabi na ngayon at nakaupo kami ni Loreen sa harap ng bonfire at nagkwentuhan. Habang nasa gilid at harap namin ang iba, nakikipagkwentuhan din sa kanila.
"Ito ang totoong epik." Biglang sabi ni Loreen, may panibagong kwento nanaman. "Noong nasa highschool kami, may nagsabi kay Amira na kung pwede daw syang makadate. Tapos sabi ni Amira, 'ayoko nga, ang pangit-pangit mo kaya.' tapos hindi pa nakuntento ng loka, sinampal nya pa. Hahahaha."
"Nakakatawa ba yon?" Mataray na sabi ni Diana. "Mas muhka ka pang lasing kesa sa mga lalaki dyan sa gilid, ehh." Sabi pa nya.
"Ok, titigil na nga, ehh." Nakangusong sabi ni Loreen.
"Bes, ok ka lang ba?" Tanong ko.
"Mood swings lang ata to, ehh." Mahinang sabi nya. Malamlam na iyon at muhkang ganon na nga ang nangyari. "Ahh! Miss ko na ang Yohan ko." Malungkot nyang sabi.
"Harmones mo lang yan, sis. Kaya mo yan." Sabi ko.
"Pwede ko ba syang papuntahin?" Tanong nya sa akin.
"Wag na. Uuwi naman na tayo bukas." Sabi ko. Nginisuan na naman ako tapos sabay kaming napatingin sa tatlong lalaking nag-iinoman.
"Dad, tama na yan. Yung puso nyo." Pigil ni Diana kay Daddy.
"Tama na yan, Dad. Kuya, isusumbong kita sa asawa mo. Hoy, ikaw, Luke. Tama na yan, at lasing ka na." Mataray kong sabi ko.
"Hi, my beautiful wife. Nandyan ka pala?" Lasing nyang sabi.
"Ohh? Ano nanaman?" Tanong ko.
"I love you." Mahina at malambing nyang sabi.
"I love you more. Tara na, tulog na tayo." Sabi ko at inakay na sya.
"Ayaw... I love you, Amira. Will you marry me again?" Tanong ko.
"Ayoko. Tayo na."
"Bakit?" Pasigaw nyang tanong.
"Gusto mo na bang magkaanak?" Tanong ko.
"Oo." Maikling sagot nya habang tumatango-tango.
"Edi, gawa na tayo." Nakangisi kong sabi.
"G*ga ka!" Sigaw ni Loreen at tinuro-turo ang tyan ko. Kinindatan ko lang sya at alam na nya kung ano ang sagot.
"Teka nga! Nasaan na ba si Winller?!"
- Diana's POV -
Napakunot ang noo ko ng isigaw iyon ni Ate. Hinahanap nya si Winller at nagtataka talaga ako kung bakit lasing ang tatlong ito, ehh, hindi naman sila uminom at wala din silang dalang alak.
Parang masama ang kutob ko dito, ahh?
Medyo ganito din ang nangyari noong nagpropose si Luke kay Ate. Sa beach din pero hindi sila naglasing noon. Piniringan nila si Ate hanggang sa makarating ng dalampasigan at doon na nagpropose sa kanya si Luke.
"Diana, hanapin mo nga muna si Winller. Sabihin mo lasing ang tatlong to. Hindi natin kaya ang tatlong to." Sabi ni Ate.
"Tatlong babae naman tayo, ahh? Kaya natin yan." Sabi ko.
"Basta hanapin mo nalang sya. Tignan mo sa may bandang cottage nyo baka natutulog na sya." Sabi nya. Umirap ako sa hangin at naglakad na. Sinunod ko sya at pumunta ako ng kwarto ni Winller.
Pagdating ko doon ay wala akong nadatnang Winller. Ang tanging nadatnan ko ay isang glow in the dark na sticky note na may nakasulat na...
'Would you mind walking with me in the aisle?'
Pinalibot ko ang paningin ko kung may makikita akong tao pero wala talaga akong makita. Nang umabas ako ay may nakita akong panibagong sticky note sa may gilid ng kahoy na poste.
'Thank you for patience, mahal. You're very worth it, I love you.'
Iyon ang nakasulat sa pangalawang sticky note na nakita ko. Hindi alam pero parang may kutob na talaga ako dito, ehh. Parang may balak na si Winller sa akin pero ayoko lang talagang umasa.
Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa may makita akong daan na maraming ilaw. Hindi ko alam kung kandila ba iyon pero hindi ko kasi maamoy ang amoy ng kandila.
'I still remember the time that I confessed to myself that I'm finally inlove with you.'
Iyon naman ang nakasulat sa pangatlong sticky note na nakita ko. Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa may makita nanaman akong bago.
'Yung feeling na ayaw nalang kitang makitang nalulungkot. Gusto kitang palaging masaya dahil kapag masaya ka ay masaya din ako.'
Naglakad ako at may nahanap nanaman panibago.
'Hindi ko alam na sa sobrang focus ko sa bestfriend ko, naiinlove na pala ako sa kapatid nya. Paano mo ba kasi ginawa to sa akin?'
Medyo natawa ako dahil sa isinulat nya pero nag-uunahan na ang mga luha ko. Medyo mahaba pa ang lalakarin ko pero siguro ay marami pang ganito. Nagpatuloy pa ako hanggang sa may makita nanaman akong isa.
'Akala ko, ate mo na ang nakita kong pinakamaganda. Ikaw pala. Akala ko, gusto ko na ang ate mo, ikaw pala. Hindi lang gusto, kung hindi mahal na din.'
Lalong nag-unahan ng tulo ang mgauha ko at para na akong may gripo sa muhka. Naglakad pa ako at may nakita nanaman kong bago.
'Patawad kong naghintay ka ng matagal. After 5 years of waiting, you're going to wear a white dress with me in my tux while walking in the middle of the aisle.'
Napatakip na ako ng bibig ko para pigilan ang hikbi ko. Napatingin ako sa harap ko at nandoon na si Winller habang emosyonal na nakatingin sa akin. Naglakad ulit ako at lumapit sa kanya.
"Hi there, my love." Nakangiting sabi nya. Naluluha naman ako sa kanyang yumakap. Tatawa-tawa naman nya akong nilayo sa kanya. "Wala pa. Excited ka naman, ehh." Natatawa pero emosyonal nyang sabi.
"Sorry na." Naiiyak pero natatawang sabi ko. Nginitian nya ako at lumuhod sa harap ko dahilan para lalo akong maiyak.
"Diana Errie Trevino, will you be my Mrs. Winller James Hale?" Tanong nya habang panay parin ang hikbi ko. "Mahal, will you marry me?" Tanong nya pa.
"Yes..." Umiiyak kong sabi habang tumatango-tango. Nakangiting nyang isinuot sa daliri ko ang singsing at dali-daling yumakap sa akin.
"I love you so much, Diana."
"I love you too." Sagot ko.
"Mabuhay ang bagong kasal!!" Sigaw ni Kuya.
"Engaged palang, kasal ka naman." Mataray na sabi ni Ate. Lahat sila ay papalapit na dito, kasama si Daddy.
"Congratulations." Nakangiting sabi ni Daddy.
"Salamat po, tito." Nakangiting sagot ni Winller.
"Umayos ka. Alam kong hindi mo papabayaan ang kapatid ko pero umayos ka talaga." Maangas na sabi ni Ate habang dinuro-duro pa si Winller. "Congrats, princess." Nakangiting sabi nya sa akin tapos niyakap ako.
Lalo akong naiyak dahil ito ang unang beses na tinawag nya ulit akong ganon. Ayaw nya kasing may ibang prinsesa bukod sa kanya.
"Thank you nga pala, Amira. Tinulungan nyo akong lahat, lalo na ikaw." Nakangiting sabi nya kay Ate.
"Pasalamat ka talaga magaling kaming umarte." Mayabang na sabi ni Kuya.
"Anong magaling? Alam ko ngang nagkunwari lang kayo, ehh. Wala kayong dalang alak at pinagbawal ko din ang alak dito kaya wala kayong mabibilihan sa buong area." Mataray kong sabi.
"Good luck, Win." Natatawang sabi ni Ate.
"Ehh, ganyan ka din naman, ehh." Biglang sabi ni Luke. Dahan-dahan atang nilingon ni Ate na may masamang tingin.
"Anong sabi mo?" Nakakatakot na tanong ni Ate.
"Ang sabi ko, ganyan kadin nama--- a-aray!!" Sigaw ni Luke sa pamimilipit dahil piningot sya ni Ate. "Love, please, tama na! Aray!" Sigaw pa nya. Maya-maya pa ay binitawan na din sya ni Ate.
"Ano? May sinasabi ka?" Tanong ni Ate.
"Wala po." Nakangusong sabi ni Luke. Napailing naman kami.
- Luke's POV -
5 Years Later...
Maingay ngayon dahil ngayon ang ikalawang kaarawan ng anak nila Winller at Diana. Kami-kami lang din ang mga narito, sila tito at tita, ako at ang mag-ina ko, pamilya ni Loreen at sila Stacy.
"Grabe, dalawang taon ka na pala. Hindi lang magtatagal papasok ka na sa school." Natatawang sabi ng asawa ko. Bigla ko tuloy naalala yung panahon na nagresign sila ng bestfriend nya.
- Flaskback -
"Bakit?" Tanong namin habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Ehh, kasi... Ayaw na naming mag-trabaho." Pagdadahilan ni Amira at habang hindi makatingin sa amin.
"Ehh, diba gusto mo maging president? Tapos ngayon ayaw mo na? Suko ka na?" Nakangising tanong ko, nang-aasar. Ngumuso sya tapos tumango. Umawang naman ang labi ko.
"Ayaw ko na. Naii-stress na ako masyado." Nakangusong sabi nya.
"Ano ba talaga ang dahilan nyo? Bakit mag-re-resign na kayo?" Tanong ni Tito.
"Kasi po buntis ako. At hindi na po ako pinayagan ng asawa ko." Sagot ni Loreen.
"Ehh, ikaw naman?" Tanong ni Tito kay Amira.
"A-Ahm..." Nauutal nyang sabi.
"Ano nga?" Makapangyarihang tanong ni Tito.
"A-Ahh... A-Ano kasi, Dad---"
"Buntis din po sya." Si Loreen na ang sumagot para sa kanya.
- End of Flashback -
Napangiti ako dahil naalala ko nanaman ang nangyaro noon. Masyado nang naging masaya ang buhay namin matapos ang pagsubok na daan. Mabuti nalang at talagang maganda ang naging kinalabasan ng istoryang to.
Talagang ikinagulat namin ang biglang pag-re-resign nila at talagang agad akong pumayag ng malaman kong buntis na pala sya kaya sya mag-re-resign.
"Ano ba? Para kang tangang nakangiti dyan?" Kunot-noong sabi ng asawa ko.
"Wala. Naalala ko lang iyong nagresign ka." Nakangiting sabi ko.
"Ahh... Naalala mo pala. Kaya pala para kang baliw dyan." Sabi nya pa.
"Mommy, I love you." Bulong ko at yumakap sa kanya.
"Hmm... Love you more."
Ngayon masasabi kong malakas at matibay na alaga ang pamilya namin.
- The End -
(Wed, May 26, 2021)