Chapter 6 - 6

Chapter 6

- Luke's POV -

Nakatulala ako sa isang bagay at ang isip ko ay lumilipad. Naalala ko kasi ang muhka ni Amira habang umiiyak ito. Kakaiba talaga sya mag-breakdown. Parang bata.

"Luke?" Biglang sabi ni Tito. Napalingon ako sa kanya at pilibot ko ang mata ko. "Are you with us?" Tanong ni Tito.

"I'm sorry po..." Mahinang sabi ko.

"Nasaan ba ang utak mo?" Seryosong tanong ni Tito.

"May iniisip lang po ako. Sorry po. Nagfo-focus na po ako."

"Sige." Seryosong sabi nya. Nakinig na ako pero wala namang pumasok sa utak ko. Hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko sa opisina ko. Biglang tumunog naman ang cellphone ko. Nagtaka ako dahil si Amira ang tumatawag.

"Hello?" Kunot-noong tanong ko sa kabilang linya.

"O-Oyy, a-anong sasabihin ko?"

Lasing ba sya?

"Amira?" Tanong ko.

"Mahal kita."

Dahil sa sinabi nya ay natulala ako. Hindi ko nga din napansing binabaan na nya ako ng tawag. Muli ko nanamang naalala hitsura nya nung umiiyak sya. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa harap ng office nya.

Actually, hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila kanina. Hindi ko alam kung sino ang sam na yon, pero sana, hindi sya lalaki. Umalis na ako kanina ng makita kong nag-iiyakan na ang dalawa.

Pagpasok ko ay agad na tumambad sa akin ang dalawang babaeng natutulog sa harap ng lamesa at muhkang lasing pa. Paglapit ko ay may nakita akong limang wine sa lamesa.

"Ano ba naman tong mga babaeng to. Limang wine?" Kinuha ko ang isang bote at pinagmasdan iyon bago lingunin ulit ang dalawang babae. "Bakit naman kasi ginawa nyong beer ang wine? Ang mahal-mahal kaya nito. It costs 200 million dollars." Pang-sesermon ko sa kanila. Nakakatakot kasi ang mga babae kapag nagalit, kulang nalang gilitan ka.

Nagulat ako ng sabay silang mag-angat ng ulo. Sabay na gumalaw ang mga ulo nila, animong nahihilo na. Nagkatinginan ang dalawang iyon tapos bigla silang tumawa na parang mga baliw. Lumingon sila sa gawi ko at tatawa-tawa akong tinuro ng secretary nya.

"Eto na pala yong ashawa mo, ehh." Lasing na sabi nito.

"Anong paki ko?" Sabi nito tsaka tumawa tapos tumawa din ang secretary nya.

"Diba, mahal mo sya?" Tanong bigla ng secretary nya.

"Mahal na mahal." Sagot ni Amira saka ngumiti na parang may naaalala.

"Pero, mahaba ba?" Biglang tanong ng secretary nya.

"Mahaba." Sagot nya at humagikgik. "Hindi nga ako nakalakad ng isang linggo noong honeymoon namin, ehh." Dagdag nya pa tapos humahagikgik nanaman.

Ano bang pinag-uusapan nila?

"Yung asawa ko, mahaba din tapos mataba." Biglang sabi ng secretary nya.

"May asawa ka na pala?" Tanong ni Amira.

"Meron, sobrang gwapo. Actually, doktor sya." Nakangiting sagot ng secretary nya.

"Hindi man lang ako naka-attend ng wedding mo." Nakangusong sabi ni Amira.

"Oo nga, ehh. Wag kang mag-alala. Mag-ninang ka nalang kapag nagkababy na kami."

Bakit nga ako ulit nandito?

"Sayang. Wala si Sam sa mga importanteng okasyon natin." Nakangusong sabi ng asawa ko. "Dati, kapag birthday ko, kahit hindi maalala ng pamilya ko, ok lang. Kasi mas masaya ako kahit kayo lang ang kasama ko." Nakangiting dagdag nya pa.

"Nakakamiss si Sam. Sana ok lang sya." Malungkot na sabi ng secretary nya.

Ahm... What's happening? Ahm... Hey, I'm here!

"Hoy!" Biglang sigaw ng secretary ng asawa ko.

"Bakit?" Tanong ko. Nagulat ako ng tumayo ito at suntukin ang balikat ko. Hindi sya malakas pero hindi din mahina.

"Bakit mo sinaktan si Amira?" Maangas nyang tanong. "Alam mo bang baby namin yan ni Sam? Tapos sasaktan mo lang?" Maangas parin nitong tanong. Nagulat ako ng tumawa bigla ang asawa ko.

"Naalala ko tuloy nung high school. Sabi ng mga schoolmates natin para daw tayong pamilyang tatlo. Ako ang baby, si Sam ang Mommy, tapos ikaw ng Daddy." Natatawang sabi nya saka sila tumawa ng secretary nya.

Nagulat ako ng may biglang pumasok. Isang lalaking naka-doctor gown. Taka kaming tumingin sa isa't isa habang naglalakad sya papalapit sa kinatatayuan ko.

"Who are you?" Tanong nito.

"Ako si Luke Justin Hale." Mayabang kong sabi.

"Ahh, ikaw pala yon?" Nakangiwing sabi nya. "I'm Yohan. Asawa ko yan." Turo nya sa babaeng katabi ng asawa ko, yung secretary nya. "Hoy, babae. Diba, sabi sayong wag kang maglasing ata may duty ako?" Masungit nyang sabi sa secretary ng asawa ko.

"Alam mo, ang sungit mo talaga. Buti pa nga si Luke nakikinig lang. Ikaw nagagalit pa." Nakangusong sabi ng secretary nya.

"Diba, sabing wag kang iinom? Bakit ba kasi uminom ka? Paano kung buntis ka na pala? Mapapano kayo ng anak natin nyan, ehh." Masungit paring sabi nito sa asawa nya.

"Opo, sir."

"I'm sorry." Hingi nito ng tawad sa akin. "Umiwi na tayo. At baka matanggal ka pa." Bulong pa nya habang inaalalayan ang asawa nya. Lumabas na sila at hindi nagpaalam sa amin. Nilingon ko si Amira at napailing.

She's so f*cked up.

- Diana's POV -

"Oyy, sino yon?" Biglang sabi ng empleyadong katabi ko.

Muhkang nag-chi-chismisan nanaman sila.

Nandito kaming tatlo ngayon sa likod nila. Tatlo kami nila Dad. Si Kuya, Ako, at si Dad.

"He's a doctor. Sino kaya pinuntahan nya?" Tanong pa ng iba.

"Baka si Ma'am Amira. Alam mo namang ang karisma ng soon-to-be-president natin diba?" Sabi a ng isa.

Tsk!

"Ehh, diba, kakapasok lang ni Sir Luke?" Biglang sabi pa ng isa. Lumabas na ang lalaking pumasok sa office ni Ate kanina. Muhkang inaaway nya ang secretary ni Ate. Tapos ay kasunod na lumabas si Luke at Ate.

"Ayoko pang umuwi!" Parang batang nagwawalang sabi ni Ate.

Lasing ba sya??

"Lasing ka na nga, umuwi na tayo." Sabi ni Luke habang pinipigilan ang malilikot na kamay ni Ate.

"Sige na, hon. Inom pa tayo, birthday ko naman ngayon, ehh. Pagbigyan mo na ako." Parang batang nagmamakaawang bigyan ng candy si Ate ngayon. Dahil sa sinabi nya ay napatingin ako sa phone ko at nakita kong may reminder nga doon na birthday ni Ate.

Hala! Hindi man lang namin napansin.

"Hindi na nga pwede. Lasing ka na." Pagpigil sa kanya ni Luke.

"Pero gusto ko pa nga, ehh. Birthday ko nga kasi ngayon! Pagbigyan mo na nga lang ako!" Sigaw ni Ate. Napatingin sya sa amin at ngumuso sa harap ni Daddy. "Daddy, si Luke po, ohh." Parang batang sabi nya tapos tinuro pa si Luke. "Gusto ko pa uminom." Parang bata nanaman syang nagpapapadyak.

"Ate, tama na." Saway ko. Lumingon sya sa akin at dahan-dahang lumapit. Umakbay ito sakin kaya napatakip ako ng ilong ko, amoy alak kasi sya.

"Inom tayo, sis?" Yaya nya sa akin.

Ayos, ahh? Parang tropa lang tayo?

"Tsk! Ate, umuwi ka na nga, lasing ka na." Sabi ko at pilit sya pinapatayo mag-isa. Bumitaw ito at humarap kay Kuya. Pero inilingan lang sya ni kuya. Sumimangot si Ate at ngumuso kay Daddy tapis bumaling kay Luke.

"Uwi na tayo, hon." Mahinang sabi nya.

Hon? Yuck! So cheesy.

"Ano ba, Luke!" Biglang sigaw ni Ate.

"Sige na, ito na nga, ehh." Sabi nya at inakay si Ate. "Uwi ko lang po to, tito!" Paalam nya sa amin pero hindi na sya humarap, kumaway na lang sya.

Tsk. Ate talaga, ohh.

"Iba ang ugali nya kapag nalalasing." Hindi ko mapigilang sabihin iyon.

"First time, ehh." Natatawang sabi ni Kuya. Si Dad ay tatawa-tawang umiling.

- To Be Continued -

(Sat, May 22, 2021)