Chapter 3
- Diana's POV -
"Dad, tama ba yon?" Tanong ko habang nakaturo sa dinaanan ni Amira. "Napakabastos nya." Dagdag ko habang bumuga ng hangin at pinag-krus ang brasong sumandal sa upuan ko.
"Hayaan mo na ang ate mo." Sabi nya at bumalik na sa ginagawa nya na parang walang nangyari. Mapairap ako sa hangin at lumabas sa office nya.
Kahit kelan talaga.
Paglabas ko ng office ni Dad ay agad na tumambad sa akin ang ate kong pinapagalitan naman ang new secretary nya ngayon.
Tsk. Good luck nalang sa kanya. Muhkang isang buwan lang din ang isang to.
Napangisi ako dahil sa naisip ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso sa parking lot. Pupuntahan ko yung namatayan naming empleyado.
- Amira's POV -
Kakatapos ko lang magalit ulit sa mundo at kay Loreen ko binuhos lahat iyon. Lahat ng galit ay binuhos sa kanya kahit na alam kong naman talaga syang kasalanan sa mga nangyari sa akin.
Well, meron naman talaga...
Simula ng mangyari ang araw na yon ay naging normal ulit ang buhay ko. Pagkagising sa umaga trabaho na agad ang nasa isip ko. Hindi ko iniisip ang ibang bagay na alam kong importante.
Hindi din bumibisita si Winller sa akin at shempre, lagi kong pinapagalitan si Loreen. Ewan ko pero meron kasi sa akin na gustong-gusto syang sumbatan kahit na ay wala syang kasalanan sa mga bagay na ikinagagalit ko ngayon.
Kahit na hindi naman sya masyadong nagkakamali sa trabaho nya, kahit na focused sya dito, hindi parin sya pinanghihinaan ng loob na kausapin ako kahit alam nyang sisigawan ko lang din sya.
Biglang natagpuan ko nalang ang sarili ko sa office habang may inaasikasong kung ano-ano. Biglang bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ng lalaking nagpapainit ng dugo ko at ng secretary ko.
"Sir, bawal nga po. Bakit ba hindi kayo nakikinig?! Lumabas na kayo!" Sigaw ni Loreen.
"Ayoko." Madiing sagot ni Luke. Ngumiti ito ng nasa harap ko na sya.
"Amira---" tumikim si Loreen bago nagsalita ulit. "Ma'am Amira, I'm reall sorry po. Bigla nalang po kasing pumasok ang lalaki na to dito." Sabi nya habang madiin ang pagkakasabi sa salitang lalaki.
"Ano nanaman bang ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong kay Luke.
"I'm here because your dad wants me to tell you that we have a dinner meeting. Be there." Sabi nito at matunog na pinitik ang kanyang mga daliri. Parang nagporma itong check.
"Dahil nasabi mo na. You can leave now." Mataray ko pang sabi.
"7pm. Bawal ang male-late. Baka matanggal ka." Nang-aasar nyang sabi saka lumabas ng office. Nakasunod na sa kanya si Loreen kaya hindi ko na sya nasigawan.
Lumipas ang mga oras at tumingin ako sa wall clock sa may gilid ko. 6pm na. Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Paglabas ko ay nakahanda na din si Loreen.
"Wow. Excited ka?" Sarkastikong tanong ko. Nakangiting tumango ito.
Tsk. Of course, Amira! Loreen is Loreen.
"Ikaw ang mag-drive." Sabi ko at ibinigay ang susi sa kanya. Kinuha nya ito saka na kami naglakad palabas ng building. Pagdating namin ay kami palang ang naroon, lumipas ang ilang minuto ay dumating bigla si Winller.
"Hi." Bati nya at lumapit sa akin saka yumakap at bumeso. "How are you? Sorry, hindi na kita na vi-visit. I've been so busy this past few days." Pagpapaliwanag nito.
"I don't care." Nakangiwing sabi ko. Inalalayan nya akong maupo at si Loreen.
"How's your anxiety?" Biglang tanong nya.
"Ganon parin. Malungkot kasi bahay ko, pag-uuwi ako parang wala akong kasama. Sobrang lungkot." Sagot ko.
"Try mo kayang isama ang secretary mo sa bahay mo? Kasi doon umaataki ang anxiety mo, baka kailangan mo pang ng makakasama." Sabi pa nya.
"Hmm... I'll try it." Sabi ko at tumingin sa gawi ni Loreen na nakatingin sa menu.
"Hello there." Pagkausap ni Winller kay Loreen. Lihim akong natawa dahil tinaasan lang sya nito ng kilay at bumalik ang atensyon ni Loreen sa menu. "I think wala sya sa mood makipag-usap." Napapahiyang sabi ni Winller sa akin.
Maya-maya pa ay dumating na din ang iba naming ka meeting. Dumating na si Diana, kuya, Luke, at huling dumating ay si Dad.
"Ikaw ang nagpatawag, ikaw din naman ang late." Mataray kong sabi. Hindi nalang sumagot si Daddy at tumikim nalang ito at naupo na sa harap namin.
"Um-order na ba kayo?" Tanong ni Dad at isa-isa kaming tiningnan.
"Hindi pa po, chairman." Magalang na sabi ni Winller. Napairap naman ako sa hangin.
Tsk.
"Kumusta ang pinagagawa ko sayong research, Amira?" Tanong nito sa akin. Umirap naman ako sa hangin at maarteng pinitik ang kamay ko.
"Of course, it's not done yet." Mataray kong sagot.
"Pwede bang sumagot ka ng maayos kay Daddy?" Sabat ni Diana.
"Pwede bang wag kang sumabat? Nagpapabida ka nanaman, ehh." Mataray kong sabi at tinaasan sya ng kilay.
"Amira... Tama na..." Nananaway na sabi ni Winller. Inirapan ko lang sya. Hindi kami nakapagsalita ulit dahil dumating na ang order namin.
- Loreen's POV -
Lahat kami ay dumating na ang order. Kasama ng mga boss ang mga secretary nila, kaya kasama din ako. Naiilang ako dahil parang hindi ko na talaga kilala ang Amira na kasama ko.
Nag-appetizer muna kaming lahat dahil medyo matagal pa ang pagkain naming lahat. Masyadong awkward ang atmosphere sa lamesang iyon. Nagkanya-kanya naman ng usap ang mga tao.
Biglang napatingin ako sa lalaking katabi ko. Yung lalaking nagtatanong kay Amira tungkol sa anxiety. Bigla akong nalungkot nang malaman kong may anxiety pala si Amira.
"Hi there, miss secretary." Biglang bulong nito. "I'm Winller. You can call me Win." Nakangiting sabi nito at inilahad ang kamay nya sa akin.
"I'm not interested." Mataray kong sabi at hinawi ang kamay nya.
"What's your name?" Magiliw na tanong nito.
"None of your business." Mataray ko paring sagot.
"Alam mo, I think magtatagal ka kay Amira. Parehas na kasi kayo ng ugali." Natatawang bulong nito. Napatingin naman ako kay Amira. Nakikipag-argumento ito ngayon sa lalaking pumunta ng office nya kanina.
"That's Luke. He's my cousin." Sabi nito ng mapansing nakatingin ako sa lalaking kaaway ni Amira. "He's handsome, right? But I look better than him." Mayabang na sabi pa nito.
"You're over confident. Nakakamatay yan." Sabi ko at uminom ng iced tea.
"Really?" Nakangiting tanong nito. Ginantihan ko naman sya ng sarkastikong ngiti tapos umirap sa hangin.
"Si Luke, sya ang ex-husband ni Amira." Mahinang sabi nito na ikinagulat ko.
"Ano?" Gulat kong tanong.
"Yup. You heard me right." Nakangiting sabi pa nito. Hindi na ako nakapagsalita kasi dumating na ang irder namin. Ewan ko pero biglang bumaling ang atensyon ko kay Amira.
Nakita ko at pagkilatis nya sa dish na in-order nya at nakita ko din ang maarteng pagkuha nito ng tinidor, ang pag-amoy nito at pag-subo nito ng pagkain. Ngumuya-nguya ito at napatango-tango na parang nagustuhan ang kinain.
Lumipat sya sa isa nya pang in-order at ganon ulit ang ginawa. Maarteng kinilatis nya ito tapos inamoy pa, napapikit pa sya. Tapos dahan-dahan syang kumuha ng piraso non at kinain iyon.
Napansin kong nakatingin din pala sa kanya ang lahat ng pasimple kong iikot ang paningin ko. Muhka kasing sya food critic kung tumikim ng pagkain.
Bigla akong naging alisto ng biglang mataranta si Amira. Biglang itong naghanap ng kung ano, ako naman ay kumuha ng tissue at inabot sa kanya. Nang makuha nya ang tissue ay agad nyang idinura ang kinain nya.
Bigla na din kaming nataranta dahil sa kanya. Kahit na natataranta ay mas naging alerto ako. Napatingin ulit ako kay Amira, nakahawak sya sa dibdib nya at namumula na.
"Excuse me!" Sigaw ko at tumayo pa, walang pakialam kung may nakatingin sa akin.
"Yes, ma'am." Agad itong lumapit sa akin.
"Pwedeng pahingi ng tubig, please? Salamat." Sabi ko at nginitian sya. Agad naman itong kumilos tapos bumaling ako kay Amira. "Amira, nasaan ang gamot mo?" Tanong ko.
"S-s-sa b-bag." Hirap na hirap nyang sabi. "L-Loreen, I-I can't b-b-breath..." Mahinang sabi nya, nagsisimula na din syang umiyak.
"Shh... I'm here. I'm here." Pagpapalakas ko ng loob nya. Nagsimula na din akong hanapin ang gamot nya at saktong pagdating ng waitress ay nahanap ko na din ang gamot nya.
"Here." Sabi ko at ibinigay sa kanya ang gamot. Agad nya iyong inimon at inabot ko sa kanya ang tubig. Ang mga kasama namin ay nanonood lang pero natataranta din.
"Meron bang cayenne ba ang dish na to?" Tanong ko sa waitress.
"O-Opo, ma'am..." Sagot ng waitress. Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Amira. Pulang-pula na sya at labas na ang mga ugat.
"Ano ba ang nangyayari?" Tanong ni Tito.
"Allergic po sa cayenne si Amira, Tito." Sagot ko.
"Loreen..." Tawag ni Amira sa akin. Bumaling naman ako sa lalaki na kaaway nya kanina.
"Diba, ikaw ang asawa nya?" Tanong ko. Tumango naman ito. "Alalayan mo sya. Kasi hihimatayin pa yan maya-maya." Sabi ko na agad nyang sinunod.
"Ako nang bahala sa kanya, Iuuwi ko na sya." Sabi nito at kinuha na ang mga gamit ni Amira, tapos binuhat nya ito na parang pa-bridal at saka inilabas ng restaurant. Ako naman ay sumunod sa kanila.
- To Be Continued -
(Wed, May 19, 2021)