Chapter 11:
Sophie & Ace
- Ace's POV -
Nakaupo ang ngayon sa labas ng delivery room. Masyado akong kinakabahan dahil baka hindi kayanin ni Sophie at sumuko sya agad.
Maikli pa naman ang pasensya nya. Sana kayanin nya.
Bigla akong napatingin sa altar at saka ko sya kinausap.
Wag nyo pong pabayaan ang mag-ina ko. Hindi na po ako uulit sa mga maling ginawa ko basta wag nyo lang po silang kunin agad sa akin.
Bigla akong patayo ng biglang lumabas ang OB-Gyne ni Sophie.
"Kumusta po ang asawa ko?" Tanong ko na may kaba at nanginginig pa.
"Ok na sila. Paki bigay nalang sa staff ang gamit ng mga bata. Mauna na po ako, Mr. Rosales." Saad nito at tinanguan ko lang sya saka ako dumungaw sa nakaawang na pinto.
Nakita ko ang lumuluhang asawa ko habang nakatingin sa sangol na hawak ng nurse at nililinisan. Biglang bumukas ang pinto at inilabas doon si Sophie. Pinahinto nya muna ang stretcher at saka nya kinausap si Sophie.
"You did a great job, Sophie. Matulog ka na. Bumawi ka." Saad ko at hinalikan sya sa noo. Tapos maluha-luha tiningnan ang anak kong dala ng nurse.
"Ace..." Mahinang saad ni Sophie. Napatingin ako sa kanya at nginitian sya.
"Bakit?"
"Y-yung g-gamit n-n-ni b-b-baby..... N-nandoon s-sa.... S-sa b-bahay." Hinang-hinang saad nito. Tumango naman ako.
"Kukunin ko. Magpahinga ka muna. Ako nang bahala sa lahat." Saad ko at hinalikan sya sa labi. Saka ko na sila pinatuloy.
NANDITO AKO NGAYON SA KWARTO ni Sophie habang sya ay natutulog lang. Masyadong nakuha ang lakas nya dahil sa panganganak nya kaya matagal na syang natutulog.
Nakatingin lang ako sa kanya ng may biglang kumatok. Pagkatapos ay pumasok din. Agad akong tumayo ng makita kong sila Mom and Dad iyon.
"Anak." Tawag nito sa akin tapos yumakap. "How are you? How's Sophie?" Tanong ni Mom.
"I'm fine. She's fine too. Nasa nursery pa si Baby pero dadalhin din naman sya dito agad." Saad ko.
"Buti at ayos lang ang panganganak nya." Saad ni Mom at tumingin kay Sophie na natutulog parin. Napatingin kami sa pinto ng may biglang pumasok ulit. Mommy at Daddy naman iyon ni Sophie.
"Oh my god! What happened?" Gulat na tanong ng Mommy nya.
"Ok lang po sya. Nagpapahinga nalang po sya kasi masyadong nawala ang lahat ng lakas nya." Saad ko. "Magiging ok naman po sya. Pagpahingahin nalang natin sya." Saad ko pa.
"I'm confused." Saad ng Mommy ni Sophie. "Mahilig syang magmakaawa sayo at hingi ng hingi ng pera pero maraming nagbibigay sa kanya. Kami, ang parents mo, ikaw, at si Irish."
"Si Irish?" Takang tanong ko.
"Yeah. Ang huling nagpadala sa kanya ng pera ay si Irish. Kami kasi ang humahawak ng bank account nya. At nakalagay doon na si Irish ang huling nagpadala." Saad pa nya kaya lalo akong nagtaka.
Madami kaming nagpapadala pero hingi nya ng hingi sa akin? Ano bang meron?
- Sophie's POV -
Simula ng mabuntis ako at iwan ako ni Ace ay parang gumuho na ang buong mundo ko. Buti nalang at nakakasama ko sya kapag magbibigay sya ng pera.
Habang ang nagbubuntis ako sa anak namin ni Ace ay parang ayoko nalang magising kinabukasan. Dahil kapag lumabas na ang batang nasa sinapupunan ko ay wala parin namang mangyayari.
Pero nagbago ang lahat ng makita ko ang anak ko sa unang pagkakataon. Napuno ng tuwa ang mundo at puso ko ng makita ko syang umatungal ng iyak at ihiga sya sa tabi ko ng doktor ko.
Nakita ko ng malapitan ang matangos nyang ilong, ang maganda nyang mata, ang maganda nyang mga labi, at ang mga maliliit nitong mga kamay at paa. Bigla akong naalimpungatan dahil sa ingay na naririnig ko.
Pagdilat ko ay agad na tumambad sa akin ang mag-ama ko, ang mga magulang ni Ace, at ang mga magulang ko. Masaya silang nilalaro ang batang hawak ni Ace at kahit nanghihina ako ay napangiti parin ako. Biglang lumingon si Ace at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Gising ka na pala." Saad nito at itinabi sa akin ang bata. Napangiti ako ng makita ko ang anak kong nakapikit.
"Hello, baby." Mangiyak-ngiyak kong saad. "Ako ang Mommy mo." Naiiyak kong saad habang nakangiti.
"Baby, gising na si Mommy, ohh." Saad ni Ace pero hindi ko sya pinansin. Nasa anak ko lang ang buong atensyon ko at tinititigan ko lang ang muhka nya.
"Uuwi na muna kami. Mag-ingat kayo." Saad ng mga magulang nila pero hindi parin nya pinansin ang mga iyon. Nasa anak parin nya ang atensyon nya.
"Ang gwapo nya." Saad ko habang pinaglalakbay ko ang daliri ko sa buong muhka nya.
"Tama. Nama sya sa akin." Saad ni Ace. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Ano pang ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba aalis? Umalis ka na. Hindi ka na namin kailangan." Saad ko at inirapan sya.
"Gusto lang kitang makasama. Pati narin si Baby. Wag mo naman ipagkait sa akin yung pagkakataong meron ako." Saad nito. Nag-iwas lang ako ng tingin. Napaigtad ako ng biglang umiyak ang batang nasa tabi ko. Tumingin ako kay Ace.
"Padede-in mo na sya. Gutom na ata sya." Saad nya. Dahan-dahan ko namang itinaas ang damit ko at pinasubo sa anak ko ang dibdib ko. Napatingin ako kay Ace na nasa tabi ko lang.
"Bakit nandyan ka? Umalis ka kaya muna?" Saad ko habang nakakunot ang noo.
"I'm fine. Gusto ko lang kayong bantayan ni Baby kasi papasok na ako bukas." Saad nito habang inaayos ang buhok ni Baby.
"M-masakit." Saad ko at inulayo ang dibdib ko sa bibig ni Baby tapos umatungal ito ng iyak. Ibinalik ko ulit sa may bibig nya ang dibdib ko saka nya ulit sinuso iyon.
"Ok ka lang ba?" Tanong nya. Tumango lang ako.
"Bakit ayaw mo pang umalis? Diba, hindi pa kayo ok ni Irish. Bakit hindi mo sya habulin at pabayaan kami ni Baby kagaya ng madalas mong gawin." May pagtatampo kong saad.
"Haha. Wag ka ng magtampo. Hindi ko na pinupuntahan si Irish. Tyaka, trabaho lang talaga ang gagawin ko bukas. Kailangan ko ng doblehin ang pagkayod dahil may dumakdag ulit sa pamilya ko." Nakangiting saad nito at nihimas ang buhok ni Baby. Bumaling ito sa akin at ang buhok ko naman ang pinakailaman nya. "Sophie, pagkalabas mo dito. Pakasal na tayo, ha?" Saad nito na ikinagulat ko.
"A-ano?"
"Sabi ko, paglabas mo, pakasal na tayo." Saad niti at nginitian ako. "Tyaka, may kasalanan ka sa akin. Bakit mo tinatawagan si Irish para manghingi ng pera? Tatlo-tatlong na nga kaming nagbibigay sayo, ehh." Saad nito.
"Ehh, sa kanya ka lang naman nakikinig, ehh." Saad ko.
"Alam mo bang pagtinatawagan mo sya hindi nya ako tinatawagan? Sya mismo ang nagpapadala ng pera. Hindi ako." Saad nito.
"Pero...."
"Haha. Wag na nga natin sya pag-usapan. Ang mahalaga next 2 months ikakasal na tayo." Saad nito hindi parin ako nakakabawi sa gulat.
"A-anong t-two months?"
"Wag ka nang humindi, Sophie. Naka-schedule na yon sa susunod na dalawang buwan. Wag ka nang tumanggi." Saad nito at parang batang nagmamakaawa.
"A-alam mo, ang dami mong pinag-gagagawa ng hindi ko alam." Saad ko at inirapan sya.
"Ikaw din naman, ehh." Saad nya na parang bata habang nakanguso pa.
"Tigilan mo nga ako sa pagpapacute mo, Ace. May anak ka na't lahat-lahat, napaka-immature mo parin." Saad ko at umirap sa kanya. Napansin ko namang parang hindi na mahapdi ang suso ko kaya tumingin ako sa anak namin.
"Tulog na pala. Muhkang napasarap sa pakikinig sa atin." Saad ko at ibinaba na ang damit ko.
"Sophie." Tawag nya sa akin dahilan para lingonin ko sya. "Will you marry me?" Tanong nito na parang nagmamakaawa pero may pagkaseryoso din.
"Alam mo naman kung anong sagot ko diba?" Saad ko.
"Gusto ko paring marinig galing sayo." Saad nito. .
"Shempre, hindi." Saad ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko namang parang tumamlay sya kaya bahagya akong natawa. "Hinding-hindi kita tatanggihan." Saad ko at nginisihan sya. Biglang nagliwanag ang muhka nito at biglang tumayo saka sumigaw.
"Yes!! She said yes!!" Sigaw ni Ace habang tumatalon-talon pa at sumusuntok-suntok pa sa hangin. Napaigtad ako at napatigil sa pagtalon si Ace ng biglang umatungal ng iyak ang anak naming nasa tabi ko. Napangiti si Ace at binuhat ang anak namin.
"I'm sorry, anak. Daddy is just happy because magiging husband and wife na kami ng Mommy mo." Saad nito at lumingon sa akin habang nakangiti. Napangiti din ako dahil sa sinabi nya.
- To Be Continued-