Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13

- Theo's POV -

Nakaupo lang kami ni Irish sa teresa habang nakatingin sya sa kung saan. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Kagabi ay katabi ko din syang natulog dahil sa pag-iyak nya kagabi.

Nakikita kong wala padin sya sa mood ngayon dahil sobrang tahimik parin nya ngayon. Nakatingin lang sya lagi sa malayo at parang sobrang lalim ng iniisip.

Sana ako nalang ang isipin mo.

"Theo." Tawag nya na nakapagpabalik sa akin sa tamang huwisyon. "Kumain na tayo. Gutom na talaga ako." Saad nito.

"S-sige. Halika na." Saad ko at hinila na sya. Habang naglalakad kami ay naiilang ako sa klase ng pagtitig nya sa akin. Nang makarating kami ng kusina ay doon na sya nagsalita.

"Bakit ka nga pala nakiiyak kagabi? Anong problema mo?" Tanong nito.

"H-ha?"

"Tsk. May gusto ka ba sakin?" Tanong nito na ikinagulat ko. Nag-iwas ako ng tingin at saka akp humugot ng malalim na hininga.

"Oo!" Sigaw ko habang nakapikit. Pagmulat ko ay nakita kong bakas ang gulat sa muhka ni Irish.

"N-nagbibiro lang naman ako. W-wag mong seryosohin." Saad nito at nag-iwas ng tingin.

What the f*ck?!

"H-hindi ako n-nakikipag-biruan sayo, Irish." Saad ko na may pagkadismaya.

"E-ehh, ikaw naman kasi. Nagbibiro lang naman ako tapos umamin ka naman?" Saad nito habang mapulang-mapula ang pisnge.

"E-ehh, bakit ka naman kasi nagbibiro? H-hindi nakakatawa ang biro mo." Saad ko at kunwaring inirapan sya.

"Tsk. Ikaw nga tong umamin, ehh. Nagbibiro lang naman ako." Saad nito at umirap din sa akin.

"Tsk. Kumain ka na lang dyan. Baka halikan kita, sige ka." Pananakot ko sa kanya. Hindi na sya nagsalita at tahimik na kumain. Ganon nalang din ang ginawa ko dahil masyadong mainit ang mga pisnge ko ngayon.

NANG MATAPOS KAMING KUMAIN ay nanood nalang kami ng movie. Magkatabi kami ngayon habang nanonood. Wala kasing ibang tao dito sa bahay bukod sa amin. Umalis lahat ng tao maliban sa amin. Habang nanonood kami ay may hawak na popcorn si Irish at pareho kaming kinakain iyon.

("Bakit ba nagrereklamo ka?! Bakit kung maka-react ka, wagas!? Ano bang nangyayari---")

("Kasi mahal kita!!")

Sigaw ng lalaking bida na nakapagpatahimik sa babae. Natutop ito sa kinatatayuan at talagang ang pula ng muhka ng babae ngayon.

"Tsk. Patayin mo na nga yan. Alam ko na ang mangyayari dyan. Sino ba ang namili nyan?!" Saad ni Irish habang nakangiwing nakatingin sa pinapanood namin.

"Ahm... Irish, ikaw ang namili nyan." Saad ko habang kinakalikot ang monitor.

"Tsk. Ilipat mo nalang." Saad nya at inirapan ako. Pagkatapos kong mamili ng movie ay sumandal ulit ako ng sofa at akmang kukuha ako ng popcorn ay biglang may nahawakan akong kamay.

Napatingin ako sa kanya at agad ding akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong namumula na ang pisnge ko. Unti-unti kong hinawakan ng mabuti ang kamay nya at napasigaw ako sa utak ko ng maayos kong mahawakan ang kamay nya.

Tumingin ako sa kanya at nakatingin sya sa movie na pinapanood namin. Parang may sariling isip ang katawan ko dahil bigla kong binitawan ang kamay ni Irish at hinawakan ang mga pisnge nya sabay halik sa kanya.

Iginalaw ko ang labi ko at naramdaman kong gumalaw din ang kanya. Nang ilayo ko ang labi ko ay pareho kaming naghahabol ng hininga. Dahil pumikit kami pareho, iminulat ko na ang mata ko at nagtama ang paningin namin.

"I really like you, Irish." Wala sa sariling saad ko. Lumapit sya sa akin at ginawaran ako ng halik sa pisnge.

"Kunting hintay lang, Theo. Ako mismo ang magsasabi sayo." Saad nito.

"Ahm... Irish, c-can I c-court you?" Nahihiya at namumulang tanong ko.

"Haha. Muhkang nahihiya ka pa, ahh. Haha." Natatawang saad nito habang tinutusok-tusok pa ang pisnge ko. "Sige na nga." Saad nito dahilan para napaigtad ako.

"A-anong s-sabi mo?" Saad ko. "N-nagkamali ata ako ng dinig, ehh." Saad ko pa.

"Ahh, sabi ko. Oo na." Saad nito habang nakangiti. Tumayo ako ng kinauupuan ko at ng nagsisisigaw.

"Yes! Wohoo!!" Sigaw ko sa tuwa.

"Hoy, tumigil ka nga. Hindi pa ako pumapayag magpakasal sayo, ganyan na ang reaksyon mo. Umupo ka na nga dito." Natatawang saad nito.

"Haha. Masaya lang talaga ako, Irish. Biruin mo, manliligaw mo na ako ngayon. Ang saya-saya ko ngayon." Saad ko sa tuwa.

"Tsk. Halata namang masaya ka. Tumahimik ka na. Nanonood ako, ehh." Saad nito at inirapan ako pero nakangiti. Nakangiti akong umayos ng upo at nakinood na din kay Irish.

- Irish's POV -

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang buhat ako. Iminulat ko ang mata ko at agad iyong tumama sa gwapong muhka ni Theo.

Bakit nya ba ako binubuhat? Ano bang prolema nya?

Naramdaman kong ibinaba nya ako at saka ako nakaramdam ng pagkacomportable. Nasa kama na ako ngayon. Naramdaman kong nahiga ito sa tabi ko at saka ako niyakap.

Namimihasa na ang lalaking ito, ah. Palagi nalang akong katabi matulog.

Yumakap ako sa kanya at muhkang maramdaman nya iyon dahil tumingin sya sa akin.

"Gising ka na pala?" Tanong nito sabay halik sa noo ko.

"Tsk. Bakit binuhat mo pa ako? Pwede mo naman akong gisingin." Saad ko at inirapan sya.

"Mas gusto kong buhatin ka." Saad nito at isiniksik ang muhka nya sa leeg ko.

"Ano bang ginagawa mo?"

"Wala lang. Gusto ko lang gawin, to. Ang bango- bango mo kasi." Saad nito habang nandoon parin sa leeg ko ang muhka nya.

"Tsk. Tulog na nga lang ulit tayo." Saad ko at niyakap sya.

KINABUKASAN. . . .

"Magkatabi nanaman kayong natulog?" Tanong ni Ethan sa kanya.

Bakit nga ba nandito ang gonggong na to?

"Oo. Bakit ba?" Tanong ko.

"Tsk. Baka naman ibinigay mo na sa kanya ang hindi mo binigay kay Ace?!"

"Ano naman? Tsk. Wag kang mag-alala. Hindi mangyayari yon." Saad ko.

"Siguradohin mo lang." Saad nito at uminom ng kape. By the way, nandito kami ngayon sa isang café na paborito namin. "Sya nga pala, nabalitaan mo na bang kasal na si Ace at Sophie?"

"Yes. Actually, kahapon pa."

"Are you ok?" Tanong nito na may pag-aalala.

"I'm fine. Tyaka nandyan naman si Theo, ehh." Saad ko.

"Irish, wag mong gawing rebound si Theo. Hindi maganda yan." Saad nito.

"Bakit naman sya magiging rebound kung gusto ko naman talaga sya?"

"Ano?"

"Wala. Kalimutan mo na yon. Balik nalang tayo doon sa pinag-uusapan natin kanina."

"Irish, hindi mo ako sinasagot ng maayos. Anong sinabi mo?"

"Bingi ka ba?"

"Irish, hindi ko kasi maintindihan, ehh. Ang bilis mong mag-salita. Anong sinabi mo kanina?"

"Ang sabi ko gusto ko sya!" Sigaw ko. Napatingin naman ang ibang costumers sa amin pero hindi ko sila pinansin.

"F-for real?" Tanong nya.

"Muhka ba akong nagbibiro?" Nakataas ang isang kilay kong saad.

"Haha. G-gusto mo si Theo?"

"T*ng*na. Paulit-ulit lang tayo dito, Ethan." Saad ko at sumubo ng cake.

"Hindi ako makapaniwala sa sinabi mo." Saad nito.

"Edi don't."

- To Be Continued -