Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14

- Theo's POV -

Nandito na ako sa bahay ngayon at kakagaling lang namin ng school. Hindi pumasok si Irish kaya nag-aalala ako ngayon.

"Ano ba, Theo? Pwede bang maupo ka naman? Kanina ka pa lakad ng lakad." Saad ni Neil.

"Paano ako hindi matataranta? Si Irish, hindi pumasok. Tapos pag-uwi natin hindi parin umuuwi?"

"Kumalma ka namang kasi, bud." Saad ni Seiji.

"Pano ko kakal---"

"Oyy, nandito na pala kayo?" Saad galing sa kung saan. Tumingin ako sa pinanggalingan noon at doon ko nakita si Irish na may dala-dala. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang mga dala nya tapos saka ko sya niyakap.

"Saan ka ba galing? Bakit di ka ba pumasok?" Tanong ko habang yakap sya at puno ng pag-aalala.

"Tsk. Theo, graduation na natin next three months. Gusto ko naman mag-pahinga kahit kunti." Saad nito. Kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Hoy. Hindi porket ganon, pwede ka nang umalis ng hindi nagpapaalam! Kanina, pag-gising ko, wala ka! Wag mo nang uulitin yon, ha?!"

"Oo na. Napaka-OA mo." Natatawang saad nito. Umalis na sya at pumunta na ng kusina. Naiwan naman ako sa parang tanga na nakatayo at nakatingin sa dinaanan nya.

"Maka-react, akala mo boyfriend." Saad ni Senji.

"Hoy, Senji. Pasalamat ka at marunong ka na mag-tagalog dahil sa FUTURE GIRLFRIEND KO!" Saad ko at diniinan ang pagkakasabi ng 'future girlfriend ko'.

"Bakit? Naku, si Theo, nananaginip ng gising." Saad pa ni Dexter.

"Tsk. Nililigawan ko na kaya si Irish." Saad ko habang nakatingin sa kung saan.

"Ano?!" Sabay-sabay nilang saad.

"Kelan pa?"

"Bakit di mo kami sinabihan?"

"Paki ko naman sa inyo." Saad ko at inirapan sila saka ako pumasok ng kusina.

- Irish's POV -

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Theo habang nakatingin lang sa kisame. Habang nakatingin ako doon ay pinakikiramdaman ko ang lalaking katabi ko. Alam kong tulog sya dahil sa malalim nyang paghinga.

Hayts.

Humarap ako sa kanya at hinaplos at pinakatitigan ang muhka nya.

"Napakagwapo mo talaga. Bakit ba kanya ka kagwapo?" Tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang muhka nya. "Tsk. Pakasal na din kaya tayo? Feeling ko kasi mahal na kita, ehh." Saad ko habang pinakatitigan at hinahaplos ang muhka nya.

"Yan ba ang gusto mo?" Saad nito na ikinagulat ko.

"A-anong...."

"Tsk. Kung anong gusto mo? Papayag naman akong pakasalan ka." Saad nito.

"Theo..."

"Alam kong masakit parin ang nararamdaman mo. Pero alam mo kasi, Irish. Hindi yan sakit dahil mahal mo pa sya. Nasasaktan ka, kasi ikaw nga ang hinahabol nya pero hindi parin ikaw ang pinili nya." Saad nito sabay ngiti sa akin. "Baby, you can let go all the memories you have with Ace.... Cause baby, we can have our own memories. We can build ours that he doesn't exist. Baby, I love you so damn much, and I hate to see you like this. That you're thinking Ace even if I'm here for you." Saad pa nya habang nakangiti pero may nangingilid na mga luha at may pagkapiyok din ang pagsasalita.

"I'm sorry." Saad ko at pinunasan ang luhang pumatak na galing sa mata nya. "I'm in love with you right now. And all I know is just that I have you. Tama na ang english, please? Dumudugo na ang ilong ko, ehh." Saad ko at hinalikan sya sa pisnge.

"So.... Tayo na ba?" Tanong nya naikinagulat ko.

"Hala? Kahapon pa lang kita pinayagang manligaw, ahh?"

"Ehhh! Sige na. Sagutin mo na ako, please!" Saad ni Theo na parang bata.

"Haha! Bahala ka dyan." Saad ko at tumayo na sa kama at lumabas ng kwarto. Naramdaman ko namang sumunod sya sa akin.

"Hoy! Irish! Sige na! Sagutin mo na ako!" Sigaw pa nya habang hinahabol ako.

"Ayoko nga!" Sigaw ko at nagsimula ng tumakbo ng makarating kami ng garden.

"Hoy, Irish! Sige na! Sagutin mo na ako!" Sigaw nya habang hinahabol ako.

"Luh! Ayoko nga!" Sigaw ko habang tumatakbo parin.

"Hoy! Ang lalandi nyo! Pumasok na kayo! Nandito ang mommy nyo! Naghahabolan pa kayo dyan! Para kayong mga bata!!" Sigaw ni Ethan na baka ang inis sa muhka.

"Yes, boss!" Sigaw ko at sumaludo pa. Sinamaan ako ng tingin nito at umirap bago pumasok ulit sa loob.

"Grabe, bakit ganon sya kagalit pag naglalambingan tayo? May gusto ba sayo yon?" Tanong ni Theo habang pareho kaming nakatingin sa kinatatayuan kanina ni Ethan.

"Haha! Hindi, ahh! Mahal na mahal kaya non ang ate mo." Saad ko at lumapit sa kanya at ninakawan sya ng halik sabay karipas ng takbo.

"Hoy! Magnanakaw! Magnanakaw ng halik!" Sigaw ni Theo habang tumatakbo ako papasok ng bahay at hinahabol nya ako. Nang makarating ako sa sala ay agad akong naupo sa may hita ni Mommy.

"Mommy, ohh. Si Theo, pinagbibintangan akong magnanakaw." Saad ko na parang batang nagsusumbong at itinuro pa si Theo.

"Theo!" Sigaw ni Tita sa kanya.

"Sya naman nagnakaw ng halik, ehh." Pagdadahilan ni Theo.

"Sinungaling ka. Ikaw nga tong lagi akong hinahalikan." Saad ko at bumelat pa sa kanya. Hinila naman nya ako ng marahan at ngayon ay magkaharap na kami.

"Ikaw talagang babae ka! Isa pa! Sa altar na bagsak mo!" Saad nito habang nakahawak parin sa braso ko.

"Edi pakasalan mo ko. Wala akong paki." Saad ko habang nagpipigil ng ngiti. Bigla namang ngumiti si Theo kaya di ko na napigilan ang ngiti ko.

"Ano ba yan! Ang daming langgam dito! Hindi ba kayo naglilinis?!" Sigaw ni Mommy.

"Oo nga! Baka naman kasi puro sweet!" Sigaw naman ni Tita. Nagkatinginan kami ni Theo at pareho kaming natawa. Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Theo paupo.

"Ano ba?!" Sigaw ko at sinamaan sya ng tingin pero hindi nya ako pinansin.

"Mommy, tita. Magpapakasal na po kami ni Irish." Saad ni Theo na ikinagulat ko.

"H-hoy, ano ba? T-tumigil ka nga." Saad ko habang sinisiko-siko sya.

"Seryoso kayo dyan? Kailan nyo naman gusto?" Saad ni Mommy.

"Pagkatapos po ng graduation." Saad ni Theo.

"Teka! Hindi! Ayoko pa! Pagnagpakasal agad kami nyan, bibigyan agad ako ng baby nyan. Pano na ako makakapagtrabaho?" Saad ko.

"Ang idiota mo. Pwede kang magtrabaho pagkatapos mong manganak." Saad ni Mommy.

"Oo nga naman, baby. Pumayag ka na." Saad ni Theo na parang nagmamakaawa pa.

"Ayoko. Kung gusto mo, ikaw ang magpakasal." Saad ko.

"Tsk. Pano yon? Wala ang bride ko?" Saad nya.

"Tsk." Singhal ko. "Ehh!!! Kasi naman, ehh!" Saad ko habang sinasabunutan nya. "Basta pagkapanganak ko wala munang pangalawa, ha? After mga 3 years muna." Saad ko tumango lang sya.

"So.... Kelan na tayo mag-aayos para sa wedding?" Tanong ni Theo.

"Bukas na bukas din." Saad ni Mommy.

"Aalis na kami. Magtawagan nalang tayo for the updates." Saad ni Tita at bumiso sa akin at kay Theo. Ganon din si Mommy.

"Ingat!" Sabay naming saad ni Theo.

"Grabe. Di ko alam na. Ako na pala ang susunod sa ex ko." Saad ko habang nakahawak sa pisnge ko.

"At ako ang gwapo mong groom." Saad ni Theo at hinalikan ako sa pisnge.

"I love you, Theo." Saad ko.

"I love you more, Irish." Saad nya at hinalikan ako sa labi.

- To Be Continued -