Chapter 15 - Epilogue

Epilogue

- Theo's POV -

"Nasaan na ba kasi sila?" Kinakabahang saad ko.

"Pwedeng kumalma ka? Natataranta na din kami dito, ehh." Saad ni ate.

"Sumagot na ba?" Tanong ko kay Mommy.

"Pwede ba, anak, calm down. For sure nagkaaberya lang." Saad ni Mommy habang kino-contact sila tita.

"Mommy, what if hindi sya um-attend. Baka tinakbuhan na nya ako." Nanginginig kong saad.

"No. Don't say that. Mahal ka ni Irish, kaya alam kong papakasalan nya ako." Pagpapagaan ng look ko ni Mommy.

"P-pero, mommy, bakit w-wala pa sya?" Saad ko at pumipiyok na ang boses.

"Anak, magtiwala ka lang kay Irish. Dadating din sya." Saad ni Mommy. "Maghintay tayo ng mga 5 minutes pa. Pag hindi pa sya dumating umuwi na tayo." Saad ni Mommy. Pilit namin silang tinatawagan hanggang sa may dumating na taxi. Tapos bumaba doon si Tita at Tito kasama si Irish.

"I'm sorry, were late. N-nasiraan k-kasi kami t-tapos m-mahirap pang makakuha doon ng s-sakyan. I-Im sorry, T-theo." Naiiyak na saad ni Irish habang nandito parin. Dali-dali akong lumapit at niyakap sya. "I-im sorry..." Lumuluhang saad ni Irish habang yakap-yakap ko sya.

"Shh. Wag ka nang umiyak. It's ok." Saad ko habang yakap sya at hinalikan ang gilid ng noo nya. Kinalas ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang mga luha nya.

"Hahaha. Ayoko na. Hindi na ako iiyak. Sayang ang make-up." Saad ni Irish at niyakap ulit ako.

"Tayo na. Ituloy na natin ang kasal." Saad ni Mommy at hinila na ako papunta ng altar. Isinara nila ang pinto at pinatunog ulit ang musika sabay bukas ng pinto.

(Now playing: Stick with you by: The Pussycats Dolls)

Don't wanna go another day

So I'm telling you exactly what is on my mind

Seems like everybody's breaking up

And throwing their love away

But I know I got a good thing right here

That's why I say

Doon na naglakad ang babaeng mahal ko habang ako naman ay nakatingin at nakangiti pero dumadaloy na ang luha sa mga mata ko.

Nakangiti pero lumuluha din sa saya ang babaeng mahal ko habang naglalakad papalapit sa akin at makikita mo din sa mga mata nya saya habang nakatingin sa akin.

Nobody gonna love me better

I must stick with you forever

Nobody gonna take me higher

I must stick with you

You know how to appreciate me

I must stick with you, my baby

Nobody ever made me feel this way

I must stick with you

"Ingatan mo ang anak namin, ha?" Saad ni tito. Naluluha pero nakangiti naman akong tumango.

"Wag mo syang saktan, ha? Mahalin mo sya." Saad ni tita at hinawakan ang pisnge ko at saka sila umupo ng sabay ni Tito. Naiwan naman sa bisig ko si Irish.

"Masaya ka, ahh?" Saad ni Irish.

"Ikakasal na tayo, ehh." Saad ko at nginitian sya tapos sabay kaming naglakad papunta sa harap ng altar.

10 Years Later. . .

"Daddy!!" Sigaw ng mga bata.

"Ohh. Akala ko hindi ka uuwi?" Tanong ni Irish sa akin sabay yakap at halik sa akin.

Ito ang dahilan kung bakit gusto ko laging umuwi. Palaging may kiss and hug galing sa mga importanteng tao sa buhay ko.

"Daddy!" Saad ni Thea sabay takbo papalapit sa akin sabay takbo at talon ng yakap sa akin.

"Hi mga baby ko." Saad ko sabay halik sa kanila isa-isa.

"Daddy, asan po pasalubong ko?" Tanong ni Thea.

"Daddy, yung cake ko po?" Tanong ni Risha.

"Hay, tigilan nyo nga ang dadddy nyo. Pagod yan, ehh. Galing pa sya ng work. Sige na, maglaro na kayo sa garden." Saad ng asawa ko. Hinatid namin ng tingin ang anak namin at nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. "How's work?" Tanong nito.

"Everything is fine." Saad ko sabay halik sa hilid ng ulo nya. "Alam mo namang kung kailangan kong tapusin lahat ng trabaho ko para lang makasama kayo ng mga anak ko."

"Hayts. Hanggang ngayon ganyan ka parin mag-salita." Saad ni Irish.

"It's been 10 years since we get married but everything is just like the same. Ang nagbago lang ay nagkaanak tayo." Saad ko. "Ganyan talaga ang nagmamahal, Irish. Ganon kita kamahal." Saad ko pa.

"Mommy!! Gusto po namin ng cheesecake!!" Sigaw ng kambal namin.

"Ohh, yeah. Let's go. Kain ka din ng ginawa kong cheesecake." Saad ni Irish tapos marahan akong hinila papunta sa garden.

"Daddy, look. Si Mommy po may ginawang chessecake for you." Saad ni Thea.

"Daddy, may secret po si Mommy. Sabi nya po bawal daw po namin sabihin." Saad ni Risha na ikinatingin ko sa asawa ko. Tapos binalik ko at tingin ko sa mga anak ko.

"Ano yun, baby?" Saad ko.

"She's pregnant daw po at magkakaroon na daw kami ng baby sister or baby brother." Masayang saad ng kambal. Nakangisi akong tumingin sa asawa ko.

"Minsan talaga naiinis ako sa sobrang pagiging honest ng mga anak natin." Saad ni Irish habang nanliliit ang mga mata sa mga anak namin.

"Haha. Hayaan mo na nga ang mga anak mo." Saad ko at niyakap nya. "Another blessing nanaman." Saad ko at habang yakap-yakap at nagagalak ang asawa ko.

"Tsk. Pag nag pitong buwan na ang bata o mga batang nandito sa tyan ko hindi ka na makaka-score." Panakot ni Irish sa akin.

"So, what? Nakaya ko naman yan noong ipinagbubuntis mo ang kambal. Makakaya ko din yan." Saad ko at hinawakan ang tyan nya. "By the way, ilang buwan na ang baby natin dito?" Tanong ko pa.

"Six." Saad nya na ikinagulat ko.

- The End -