Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Hot Miss Invisible (Tagalog)

🇵🇭Gummy_Sunny
5
Completed
--
NOT RATINGS
14.4k
Views
Synopsis
Miss Invisible. Yan ang maitatawag ni Kirsten Ellaine Chavez. Sya ang lonely girl kung tawagin. Walang kaibigan. Walang kaaway. Walang nakakapansin. Parang bang hindi sya nag-e-exist. Pero paano kung biglang magulo ang buhay nyang matagal nang tahimik? After 17 years na walang nakakaalam ng existence nya ay may isang taong nakakakilala sa kanya bukod sa pamilya nya. May biglang papasok sa buhay nya na hindi nya inaasahan. Maging Miss Invisible parin ba sya o tuluyan nya nang ihayag ang existence nya? Tayo na at tuklasing ang buhay ni Miss Invisible. WARNING: Matured Content
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Chapter 1

- Lawrence's POV -

Nakangiti akong papasok habang kasama ko ang mga kaibigan. Ako si Lawrence Paul Smith. I'm the most famous Heartthrob in our School. Well, I am a sporty kind of guy, I'm a smart too. Naglalakad kami ngayon ng mga kaibigan ko habang kumakaway at ngumingiti sa mga babaeng nagkakandarapa sa amin.

"Bro, pili ka na, ohh. Lahat ata sila magaganda ehh." Natatawang saad nito.

"Haha. Ayoko, bro. Gusto ko ng wild." Saad ko sabay tawa. Tumawa naman sila.

"Oyy. May practice daw tayo ngayon." Saad ng isa ko pang kaibigan.

"Saan?" Tanong ko.

"Baseball." Sagot nito at saka ito lumihis ng daan. "Mamaya pang uwian yon! Sige na! Hahanap lang ako ng pwedeng ikama!" Pahabol na sigaw nito na ikinaling ko.

Hindi ako gagalaw ng babaeng hindi ko magiging asawa.

Kahit naman babaero ako ay may respeto parin naman ako sa mga babae. Alam ko kasi ang pakiramdam ng masaktan. Nangyari na kasi iyon sa Mommy ko.

Niloko na din kasi sya ng ko at iniwan kami pero nagsusustento parin sya sakin kaya kahit galit ako sa kanya ay natutuwa parin ako dahil hindi nya kami pinapabayaan ni Mommy.

Simula ng lokohin at iwan kami ni Daddy ay nangako ako sa sarili kong hindi na ako mananakit ng babae dahil alam ko at nakita ko sa Mommy ko ang sakit na dulot ng panloloko ng mga babae. Kaya kahit muhka akong babaero ay hindi pa talaga ako nagkakagirlfriend.

- Kirsten's POV -

Nakaupo ako ngayon sa loob ng classroom namin habang ako ay nagbabasa at pinakikiradaman ang nangyayari sa paligid ko. Napabuntong-hininga ako dahil sa naisip ko.

Tatlong buwan na pala. Kailangan ko ng i-submit ang mga istoryang natapos ko.

I'm Miss Invisible. Im a Novel writer and I'm in demand now. Marami ang bumibili ng mga libro ko at hindi ko iyon inaahasan. Noong una ay dapat pala lang sa katuwaan pero bigla nalang itong umingay at dumami na ang tumangkilik.

"Ang ganda talaga nito, no?" Rinig kong pag-uusap ng mga babaeng nasa harap ko. Nanatiling nasa libro ang mata ko pero nakikinig ako sa mga pinag-uusapan nila.

"Oo nga, ehh. Akala ko nga namatay yung bida, ehh. Naprank lang pala tayo." Saad pa ng isa kong kaklase. Hindi ko sya kilala dahil hindi naman ako friendly at hindi din ako approachable kaya wala akong masyadong kilala sa kanila.

Ganon din naman sila sa akin. Hindi din nila ako kilala dahil hindi naman ako maganda at hindi din naman ako sikat at mayaman kaya hindi ko nalang din sila kikilalanin dahil ayaw din naman nila sa akin.

"Sino kaya ang writer nito, no?"

"Oo nga. Wala pa daw nakakakilala sa writer ng mga istoryang yan. Sabi nila ang publisher lang daw ang nakakaalam kung sino ang writer. Yung CEO ba ng publishing company."

"Bakit kaya ayaw nyang magpakita?"

Dahil ayoko ng magulong buhay.

"Baka pangit sya. Hahaha." Saad ng isa at nagsitawanan silang lahat. Umirap nalang ako sa hangin dahil sa mga idiotang iyon.

Ang galing mang-jugde ng tao. Hindi naman matalino.

Itinuon ko nalang ang buong pansin ko sa klase at ng matapos ang klase ay napag-desisyonan kong tumambay nalang muna sa open field. Doon ako tumatambay kapag gumagawa ako ng mga stories na i-su-submit ko kay Kuya.

Dito kasi nawawala ang lahat ng iniisip ko at mas nakakapagfocus ako ng maayos. So... Sa makalipas na tatlong buwan simula ng matapos at sumikat ang huli kong istorya ay wala pa akong ibang naisu-submit. Meron na akong ipapa-publish kay Kuya na twenty stories.

You read it right. Twenty (20) stories.

- Lawrence's POV -

Ngayon ay nandito kami sa open field at dito kami mag-pra-practice ng baseball namin. Habang naghahanda ako ay nakatingin ako sa isang babaeng nakaupo sa may parteng malayo sa ibang estudyante.

Nakasalamin ito at parang may importanteng ginagawa. Nandoon sya sa bandang taas at nakikita kong maraming notebook ang nakakalat sa tabi nya. Bigla nyang tinanggal ang salamin nya at doon ko mapagtantong pamilyar sya sa akin.

"I LOVE YOU, LAWRENCE!!" sigaw ng mga fans ko dahilan para lingunin ko sila at kawayan.

"Kanina pa kita nakikitang may tinitignan, ahhh? May na tripan ka na?"

"Tsk. Tumigil ka nga." Singhal ko sa kanya at inihanda na ang saliri ko.

"We Love You, Gold Batters!!" Sigaw ng mga fans namin.

"Ready!" Saad ni Coach at pinito na tanda na simula na ang practice. Hinati kami sa dalawang team at ngayon ay magkakaroon kami ng practice dual. Magaling ang pitcher ng kabilang team kaya medyo nahihirapan ang ibang members.

May technic kasi ang pitcher namin ngayon na madali mong makikita kong ikaw ang nasa paligid pero hindi mo makikita ng maayos pag ikaw ang kaharap ng pitcher.

Nang ako na ang magiging batter ay hindi din naging madali ito para sa akin. Nakaisang strike na ang kalaban ay pero hindi parin sya nakakatama. Tumira ulit ang bater at natamaan ko na iyon. Agad kong binitawan ang bat ko at mabilis na imikot sa field.

"Wow!" Namamanghang saad ng pitcher habang nakatingin sa kung saan. Tumingin ako doon at nakita ko ang babaeng tinitingnan ko kanina, hawak ang bola.

"N-nasalo nya ang bola." Saad ng katabi ko. Nakasalamin ito ngayon at tumingin ito sa gawi namin. Hindi ko alam kong bakit parang bumabagal ang paligid at tangin sya lang ang nakikita ko.

Dahan-dahan nyang inalis ang salamin sa mata nya at nagtama ang paningin namin.

Sya... Sya yung babaeng gusto ko since high school...

Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya at bumalik ako sa realidad dahil narinig kong sumigaw si Coach.

"Ano ba, Lawrence?!" Galit na sigaw ni Coach. "Kanina pa kita tinatawag, hindi ka man lang gumalaw!"

"I'm sorry po Coach!" Sigaw ko at bumalik na ulit ng pwesto ko.

- Kirsten's POV -

Magtatakip-silim na pero hindi pa ako kumikilos dahil tinatapos ko pa ang istoryang isu-submit ko para maipublish. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa ginagawa ko at nagulat ako dahil gabi na.

Nagpalinga-linga ako at nakita kong wala nang tao dito sa kung nasaan ako. Tiningnan ko ang phone ko at nakita kong alas-syete na ng gabi. Nagmadali akong iligpit ang gamit ko at nang mailigpit ko iyon ay tumayo ako pero hindi ko napansing nandoon pala ang istoryang isu-submit ko.

Kukuhanin ko na sana ng biglang may nauna sa aking kuhanin iyon at nang lingonin ko iyon ay lalaki pala. Pagtingin ko sa kanya ay parang pamilyar sya sa akin. Tumingin ito sa sakin at inabot ang isinusulat ko kanina.

"You're familiar." Saad ko at itinuro sya. Nagulat naman ako dahil bigla syang namula.

"Y-yung nakasulat dyan? P-para saan yan?" Pag-iiba nya sa usapan.

"It's private." Saad ko at inilagay na sa bag ko at mga papel na may nakasulat. "Salamat nga pala." Saad ko. Nagitla ako at hindi ako makagalaw ng biglang nyang hawakan ang pisnge ko at gulat parin akong lumingon sa kanya.

"S-Sorry." Namumulang saad nito. Bigla ding nag-init ang muhka ko at nag-iwas ng tingin. Masyadong mainit ang kamay nya at ng lumapat ito sa pisnge ko ay parang may ilang libong bultahin ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.

"A-ahh... Isasabay na kita. G-gabi na kasi. Tyaka dilikado kasi kung i-ikaw lang mag-isa. B-babae ka pa naman." Saad nito habang nakatingin sa akin at mapula parin na parang kamatis.

"A-ahh... S-sigee..." Pagpayag ko at isinukbit na ng maayos ang bag ko.

"A-ang galing mo kanina. N-nasalo mo yung bola." Saad nito habang naglalakad kaming dalawa.

"A-ahh. Hehe. Tyamba lang yon." Saad ko at nahihiya at napakamot sa batok ko.

"Nakakabilib lang. Kasi... Ako nga hindi ko kaya yon kahit ako ang captain ng team. Pero hindi ko kayang saluhin iyon ng ganon kalayo at wala pang gloves. Kaya alam kong masakit iyon. Patingin nga ng kamay mo!" Hindi ko alam pero parang may galit ang pananalita nya o ako lang talaga iyon.

Bigla nyang kinuha ang dalawang kamay ko at tinignan at hinimas ang kamay kong sumalo kanina ng bola. Medyo masakit ito at may kaunting sugat-sugat din dahil sa malayo nanggaling ang bola at talagang malakas ang impact non.

"Pumunta tayo ng clinic. Gagamutin muna natin ang sugat mo at baka mainfection yan. Ang dami pa namang sugat." Saad nito habang hinihila ako papunta ng clinic.

Nang makarating kami ng clinic ay agad nya akong pinaupo sa isang stretcher at saka kumuha ng first aid kit.

"Dapat kasi kanina mo pa to ginamot. Kung ano-ano pa kasing iniisip mo. Hindi ka ba nasasaktan, ha?" Madilim ang muhka nya habang tinatanong nya ako.

"May ginawa lang kasi ako. Kailangan na kasi yan bukas. Isa-submit na yan sa publisher bukas, ehh." Saad ko habang nakatingin sa muhka nya habang sya ay nasa kamay ko parin ang pansin nya.

"Anong publisher? Writer ka?" Tanong nito.

"Yup." Walang alinlangan kong sagot.

"Talaga? Anong story na ang nagawa mo?" Tanong nito.

"Ahh. Yung sikat na story ngayon. Magsu-submit ako ng bago sa publisher at antayin mo yung bago kong story." Saad ko habang nakangiti.

"I-ikaw si Miss Invisible?" Tanong nito.

"Oo." Saad ko at pinagsiklop ang kamay namin at namula nanaman sya na parang kamatis. "Secret lang natin, ha?" Tanong ko. Tumango lang ito sa akin.

"Alam mo bang fan mo ako?" Namumulang saad nito.

"Haha. Talaga?" Natatawang saad ko. "Bumili ka ng lahat ng book ko tapos pi-pirmahan ko lahat pa Thank you dahil ginamot mo ang kamay ko." Nakangiting saad ko at kinalas na ang kamay namin. Nagulat ako ng may iabot syang phone sa akin at gulat parin ang nagtaas ng tingin sa kanya.

"Ilagay mo ang phone number mo para pwede kita i-check. Ngayon palang hindi mo na pinapansin ang sugat mo, pano pa kaya kung sa mga susunod na araw pa." Saad nito na parang may galit.

"Galit ka ba?"

"Hindi!" Biglang sigaw nito. Hindi ko alam pero bigla nalang may luhang tumulo sa mata ko dahil sa pagsigaw nya. "H-hey, I'm not mad. Shh... Don't cry." Saad nito at niyakap ako. Makalipas ang ilang minuto ay bumitaw na ito sa akin. "Ilagay mo na ang phone number mo para tatawagan kita bukas. Ako na maglilinis nyang sugat mo." Saad nito.

"Ok." Saad ko at inilagay na ang phone number ko at nakita kong 7:30PM na. "A-ahh... 7:30 na. Uuwi na ako." Saad ko at dali-daling sinukbit ang bag ko sa balikat ko.

"Wait!" Saad nito at patakbong lumapit sa akin. "What's your name?" Tanong nito. "Im Lawrence, by the way." Saad nito.

"I'm Kirsten. And uuwi na ako." Saad ko at naglakad na papalayo sa kanya. Nagulat ako ng may biglang humawak sa bewang ko at bigla akong pinaikot. Biglang nag-init ang buong katawan ko nang makita ko kung sino ang gumawa non. Ang kaba ko ay napalitan ng init na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Hey, ahm... Sabay ka na sakin... I-i mean h-hatid na kita." Saad nito. Hindi na ako nakasagot dahil hinila na nya ako papapunta ng parking lot.

NANDITO na kami ngayon sa daan at nag-uusap sa tungkol sa mga bagay na tungkol sa amin.

"Alam mo bang kompleto ako ng mga libro mo?" Nakangiting saad nito.

"Haha. Seryoso?" Natatawang saad ko.

"Oo. Ang ganda kasi. Parang ikaw." Saad nito na nakapagpapula sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at ng ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay mapula narin sya.

"Alam mo? Ikaw palang ang nagsabi nyan." Saad ko.

"Maganda ka. Every woman has a crown and every woman deserve to be respected. Wag mong i-down ang sarili mo dahil lang sa mga sinasabi ng iba about you. You know you. Imbis na i-down mo ang sarili mo dahil sa mga sinasabi nila, use their thoughts to let you up. Use it all to help you raise up." Saad nya.

"You know, ang sarap pakinggan na galing yan sa isang lalaki. Most of the guy nowadays are playboys and fuckboys." Saad ko.

"Do you have a current relationship? I mean... Ex or Boyfriend?" Tanong nito.

"No boyfriend since birth here." Saad ko at itinaas pa ang kamay ko.

"Oww. We're here." Saad nito at tumingin naman ako sa labas.

"Patay ako nito kay papa." Bulong ko.

"Bakit?" Tanong nito. Nagulat ako ng lumingon ako at sobrang lapit ng labi nya at mas nagulat ako ng bigla nyang ilapat ang labi nya sa labi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakapikit at dinadama ang masarap na pakiramdam ng labi nya sa mga labi ko.

Makalipas ang ilang minuto pa ay sya din ang pumutol ng halik at pagdilat ko ay parehas kaming mapula na parang kamatis. Ilang minuto pa muna kaming hindi nagsalita ng biglang nyang putulin ang katahimikan sa kotse nya.

"Ahm... I-te-text nalang kita pag nakauwi na ako. Tara na ihahatid na kita." Saad ni Rence at sya na ang nagtanggal ng seatbelt ko at saka nya tinanggal ang kanya. "I-im sorry nga pala. K-kasi h-hinalikan kita." Nauutal na saad nito.

"A-ahh... O-ok lang." Saad ko. "Gusto ko pa nga, ehh." Bulong ko. Nagulat ulit ako ng bigla nya ulit akong halikan.

- To Be Continued -