Chapter 2
- Kirsten's POV -
"Bakit mo ako hinalikan? Ulit?" Tanong ko. Alam kong mapula ako ngayon pero sya din naman.
"S-sabi mo kasi, g-gusto mo pa." Saad nito.
"Tara na nga." Saad ko at dali-daling lumabas ng kotse nya. May himila nanaman sa bewang ko at si Rence nanaman iyon.
"Hahatid na kita sa loob nyo." Saad nito at kumatok sa gate ng bahay nila.
"Hindi na. Sige na, umuwi ka na." Saad kohabang hinihila ko pabalik ng kotse nya.
"Ok lang. Baka magtanong ang parents mo about dyan sa kamay mo, ehh. Ako nalang ang magsasabi." Saad nito.
"Hindi, ok lang." Saad ko habang hinihila sya pabalik ng kotse.
"Ako na ngang bahala. Baka magalit pa ang parents mo." Saad nito at pilit na bumabalik sa harap ng gate.
"Ok na nga. Sige na. Umuwi ka na. Gabi na, ohh." Saad ko habang hinihila parin sya.
"Ok lang. Tyaka hindi pa tumatawag si Mommy. Wala pa yon sa bahay---" naputol ang sinasabi nya at ang paghila ko sa kanya ng biglang may tumikim. Sabay kaming lumingin doon at tumambad sa amin sila Mom, Dad, at si Kuya. Si Mom ay parang kinikilig habang sila Dad at Kuya ay madilim ang muhka.
"Kailan ka pa natutong umuwi ng ganitong oras, ha, Kirsten? At sino yang kasama mo, ha?" Tanong ni Kuya.
"Ano ba, Karl. Respeto naman sa bisita ni Kirsten." Saad ni Mom at hinila si Lawrence. "Hello, hijo. Ako ang Mommy ni Kirsten." Saad ni Mommy kay Lawrence. Lumingon si Lawrence at ngumiti tapos humarap kay Mommy.
"Kaya po pala ang ganda ng anak nyo kasi nagmana sa inyo." Saad ni Lawrence. Bigla namang nag-init ang pisnge ko at napahawak nalang ako doon.
"Haha. I like you na agad." Saad ni Mommy at pinaupo si Lawrence sa sofa. Bigla naman akong napabusangot.
"Mom, ako ang anak mo. Bakit sya ang pinaupo mo?" Parang bata kong tanong.
"Alam mo, idiota ka talaga. Bisita ka ba? Ipukpok ko sayo tong lamesa, ehh." Saad ni Mommy at inirapan ako. Parang bata naman ako lumapit at nagmaktol sa kanya.
"Hindi mo na ba ako love?"
"Ehh, kung itakwil kita?"
"Dad, ohh. Si Mommy." Sumbong ko kay Daddy.
"Luh? Nananahimik ako dito, ahh." Saad ni Daddy.
"Haha. Takot ka pala kay Mommy, Dad, ehh." Pang-aasar ni Kuya kay Daddy.
- Lawrence's POV -
Parang gusto ko nang kainin ng lupa dahil hindi ko inaasahan ang pag-aasikaso sa akin ng Mommy ng crush ko.
"Kaya pala ang ganda ng anak nyo kasi nagmana sa iyo." Saad ko at lumingon kay Kirsten.
"Haha. I like you na agad." Saad nito at pinaupo ako sa sofa. Nagulat ako ng biglang magpapadyak si Kirsten.
"Mom, ako ang anak mo. Bakit sya ang pinaupo mo?" Parang batang saad nito.
"Alam mo, idiota ka talaga. Bisita ka ba? Ipukpok ko sayo tong lamesa, ehh." Saad ni Tita. Lumapit si Kirsten sa Mommy nya at yumakap dito habang nagpapapadyak ang paa.
"Hindi mo na ba ako love?" Saad ni Kirsten at umaarteng parang bata.
A Few Moments Later. . .
"Kayo na ba?" Biglang tanong ng Mommy nya. Biglang nag-init ang muhka ko at napahawak ako doon at pinaglandas ang kamay ko hanggang sa batok ko.
"Hindi pa po." Saad ko at uminom ng juice dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko.
"Ahm... Kuya, may ipapa-publish na pala ako. Gusto ko pagka-publish ay i-benta mo agad." Saad ni Kirsten kaya napatingin ako sa kanya. Kumakain ito ng ensaymada at may cheese na naiwan sa gilid ng labi nya. Wala sa sariling inalis ko iyon gamit ang hinlalaki ko at wala parin sa sariling isinubo iyon.
Nakita kong nagulat sya at biglang namula na parang kamatis. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya na parang ayoko nang alisin ng mata ko sa kanya.
"Aherm. Baka naman matunaw ang anak ko dahil sa titig mo? Tapos langgamin dahil sa mga pinaggagagawa mo?" Masungit na saad ng Daddy nya.
"I-Im sorry po." Saad ko. At sumubo ulit ng ensaymada.
"Anong oras ka ba uuwi?" Tanong ng Kuya nya.
"Ahh. Pag nag-8:00 na." Saad ko at tumingin ng relo ko. 7:56 palang. Lumapit ako ng bahagya kay Kirsten at bumulong. "Kirs, yung pangako mo bukas, ha? Te-text kita." Bulong ko.
"Ano pangako yun?" Biglang tanong ng kuya ni Kirsten. "Wag mong sabihing..."
"Hindi ganon yon!" Biglang sigaw ni Kirsten. "Bibigyan ko sya ng autograph." Saad nito.
"Akala ko ba ako muna?" Tanong ng Daddy nila.
"Dad, yung kanya, yung mga luma kong stories yon. Yung sayo kasi napirmahan ko na lahat. Yung bagong ipu-publish ni Kuya, ikaw ang una kong bibigyan ng autograph doon." Saad nito
"Ok. Ipaliwanag mo kasi." Saad nito na parang nakahinga ng maluwag.
"Sige, bukas." Sagot nito at lumingon sa akin. "Pero sa uwian na. Sunduin mo nalang ako sa classroom ko." Saad nito.
"A-ahh... Kirs, m-magkaklase tayo..." Saad ko na medyo may kirot na nararamdaman.
"T-talaga? Sorry. D-di ko alam." Saad nito.
"O-ok lang. S-sige, see ya. Ahm... Una na ako." Saad ko at tumango sa pamilya nya bago tumayo at lumabas.
"Rence, wait!" Sigaw nito at patakbong lumapit sa akin. "Ito, ohh. Dalhin mo. Kung gusto mo pa nyan bukas, sabihan mo lang ako, bibigyan kita. By the way, yung promise ko, bukas na lang ha?" Nagulat ako ng bigla nya akong gawaran ng mabilis na halik sa labi. "See you!" Saad nito at nagmamadaling pumasok ulit ng bahay.
"B-baka madapa ka!" Sigaw ko habang nakatingin sa kanya. Nasa daanan na ako ng bigla akong mapatingin sa side mirror ko at mabilis din akong nagbalik ng tingin sa daan.
Nakangiti akong pumasok ng kotse ko at umuwi ng bahay. Pag-uwi ko ay nandoon parin ang ngiti ko at bumati kay Mommy at sa mga kapatid ko. Nag-asawa na kasi si Mommy pagkatapos nilang maghiwalay ni Daddy.
Noong una ay hindi ko tanggap pero unti-unti ay natanggap ko na din dahil mabait naman si Daddy. Daddy na rin ang tawag ko sa kanya. Mas naramdaman ko ang tatay ng maging step-father ko si Daddy at mas sumaya pa ako ng magkaroon ako ng baby sister, si Laurein. Isinunod sa pangalan ni Mommy.
"Ang ganda ng ngiti ng baby ko, ahh?" Saad ni Mommy.
"Ahh, wala po to." Saad ko at binigay kay Lauren ang isang ensaymada. "Ohh, Pasalubong ni Kuya." Saad ko at hinalikan sya sa noo.
"Salamat, Kuya!!" Masayang saad nito at yumakap sa akin. Nang bumitaw sya ay binigyan ko din si Mommy at si Daddy.
"Ayan naman ang sa inyo. Hindi pwede kalimutan." Saad ko. "Aakyat na po ako." Paalam ko at kumaway tapos umakyat na ng kwarto ko. Pagkatapos kong magbihis ay ti-next ko si Kirsten.
Hey, I'm home.
Kirs:
Ok. See you tomorrow.
Pagkatapos kong mabasa iyon ay nahiga na ako at ipinikit ang mata ko at doon na ako nakatulog.
- Kirsten's POV -
Nandito ako ngayon sa classroom habang pinapakiramdaman ko ulit ang mga kaklase ko. Wala akong paki sa kanila dahil may hindi ako maintindihan sa sarili ko. Parang may inaantay akong dumating?
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito ako ngayon?
"Owemji! Nandyan na si Lawrence!" Parang kiti-kiting nagsigawalan ang mga babaeng kaklase nya at sya naman ay ibinalik nalang akong atensyon sa kuya nyang kausap nya sa telepono.
"Ang dami-dami mo naman kasing penen-ding dapat kasi binigay mo na lahat. Akala mo ba kaya ko to ng isang araw lang?" Saad nito at parang galit talaga ito. "Well, kaya ko naman na isang araw lang pero marami pa akong ibang ginagawa bukod dyan!" Sigaw nito.
"Kuya, what is the purpose of your employees? Ipagawa mo sa kanila ang iba tapos ikaw gawin mo yong iba mong gagawin." Saad ko. Natahimik naman ang kuya ko sa kabilang linya.
"Oo nga, ano? Sige. By tomorrow, published na lahat yan." Saad ni Kuya.
"By the way, si Daddy ang una mong bigyan. Dahil alam mo naman ang ugali non. Pag hindi sya nabigyan, bibili yon ng 20 copies." Saad ko tapos sumang-ayon naman ito.
"Bye na." Saad ko at binaba na ang linya. Pero halos mapatalo ako ng may biglang magsalita.
"Hi." Saad nito. Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko at nakita ko syang biglang namula. Tapos bigla nya hinubad ang jacket nya at isinuot sa may palda ko. "Lods, may dalaw ka." Bulong nito at dinala ako sa may cr ng babae. "Bibili lang muna ako ng napkin mo. Dito ka lang, ha?" Saad nito at nagulat ako ng bigla nya akong halikan sa pisnge.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik sya na may cellophane. Tapos pumasok sya ng cr at ini-lock ang door sabay abot sa akin ng cellophane na dala nya.
"Ayan na ang napkin, bagong panty, at bagong palda. Magpalit ka na bilis. By the way, hindi ko alam kung anong ginagamit mong napkin. Minsan kasi may wings or wala. Kaya binili ko nalang pareho. Overnight yung isa dyan, para hindi mo na kailangang magpalit. Sige na, pumasok ka na." Mahabang saad nito at saka ako pumasok ng cubicle. Pagkatapos kong magpalit ay nandoon parin sya at may kinakalikot ito doon. Dahil masyado syang tutok sa phone nya ay hindi nya napansing nakalapit na ako sa kanya.
'New stories of Miss Invisible is now published and it's 20 stories in just 3 months?' pagbasa nya sa binabasang article ni Rence.
"Ayy, anak ng tipaklong!" Gulat na saad ni Rence ng makita sya nitong malapit na malapit sa kanya.
"Haha. Ang cute mo magulat." Natatawang saad ko habang tinutusok-tusok ang mga pisnge nya. Binuksan na nito ang pinto at saka kami lumabas ng CR. Good thing walang mga nagCR ng mga panahong nasa loob kami.
"Ano yung binabasa mo?" Tanong ko.
"It's about you, lods. May bago ka daw stories." Saad nito at ipinakita sa akin ang article.
"Oo, iyon yung pinag-uusapan namin ni kuya kagabi. Sabi sayo 20 stories iyon." Saad ko habang nakangiti at may pagmamalaki.
"Tsk. Oo na. Bibili agad ako para mapirmahan mo agad mamaya." Masayang saad nito habang naglalakad kami.
"Oww, by the way, may ginagawa ka nanaman bang story?" Tanong nito ng makalapit kami sa upuan ko.
"Ahh. Wala." Saad ko.
"Talaga lang, ha?" Sakrastikong saad nito at tumingin sa lamesa kong punong-puno ng notes. Umirap naman ako sa hangin.
"Fine. Oo na." Saad ko at naupo na.
"Oyy, bro. Sino yan, girlfriend mo?" Tanong ng isang lalaking lumapit kay Rence.
"Hindi pa." Sagot nito at tumabi sa akin.
"Grabe, bro. Yung idol mo, may 20 stories nanaman? 20 stories sa loob ng tatlong buwan? Ang sipag nya masyado." Saad ng lalaki.
"Alam ko na yan." Simpleng sagot ni Rence.
"Tsk! Ikaw pa ba? Ehh, ikaw nga ang biggest fan ng Miss Invisible na yan, ehh." Saad nito at sandaling tumahimik pero nagsalita din naman ulit. "Tingin mo maganda sya?" Tanong naman nito.
"Oo. Sonbrang ganda." Saad ni Rence na nakapagpapula ng pisnge ko.
"Parang kilala mo talaga ang Miss Invisible na yan, ahh? Sana all, brad. Sana all." Saad pa ng lalaki. "Bibili ka ulit ng bagong books ni Miss Invisible?" Tanong pa ng lalaki.
"Shempre." Sagot ni Rence.
"Tsk! Shempre! Hindi na ako magugustuhan! Ikaw kaya si Rence, ang biggest fan ni Miss Invisible." Saad nito pagkatapos ay umiling-iling.
"Sige na. Andyan na ang Lecturer natin, ohh." Saad ni Rence at itinuro ang pinto at doon na pumasok ang guro nila.
- To Be Continued -