+0.2, +0.1, +0.1, +0.3, +0.1, +0.3, +0.2, +0.2, +0.1, +0.1, +0.2... Iyan lamang ang naririnig ng binatang si Harrie Hernandez sa kaniyang tenga na mayroong Geno points earpiece kung saan nakakadetect ito ng Geno points. Isa din ito sa dahilan para malaman niya kung ilang geno points ang nakokolekta niya sa kaniyang katawan.
Nagsisilbi din kasi ang Geno points earpiece niya bilang isa sa mga registered citizens ng mundong ito. Napaka-high tech ng mundong ito kahit na sobrang delikado ng mga lugar dito at maraming mga Geno Beasts ang nabubuhay kasama nila. Ano pa ba ang aasahan nila lalo na ang Geno points ang batayan para lumakas ang bawat cultivators dito upang magkaroon ng evolution ang kanilang katawan upang mag-evolve at magkaroon ng mga abilidad upang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mapamuksang mga Geno Beasts na nanggugulo sa mga District Cities.
Patuloy lamang sa pagdagdag ng points si Harrie sa kaniyang katawan pero kadalasan ay wala siyang nakukuhang mga geno points sa mga malalaking langgam na ito idagdag pang halos ordinaryong langgam na nga ito. Magkagayon man ay lubos pa rin ang kasiyahan niya kahit ramdom points lamang ang nakukuha niya.
Mabilis na tiningnan ni Harrie ang Gene watch niya kung saan ay itong device na ito ay may function na bumilang ng Geno points ng isang citizen at ang Evolution Requirements nito.
Geno Points Acquired: 7.6 Geno points
Evolution Requirements: 100 Geno points
Special Geno Points: None
Napahinga na lamang ng malalim si Harrie nang malaman niya ang requirements na ito. Hindi madaling mangolekta ng 100 Geno points lalo na at newbie pa lamang siya at wala pang kasama sa pag-hunt ng Gene Beasts kaya talagang mahirap mangolekta nito. all he can do now is to consistent at maging pasensyoso dahil hindi niya maaaring ilagay sa kapahamakan ang buhay niya.
Mabilis na ring umalis si Harrie sa lugar na ito at naglakad pa papasok ng kagubatan. Masasabi niyang hindi pa sapat ang Geno points na nakuha niya. He's not greedy pero kailangan niyang makakolekta ng 20 Geno Points o mataas pa sa araw na ito para hindi na siya maapi at bantaan ng magaling niyang tiyahin at ng dalawang anak nitong kapareho nito ng ugali.
"Hintayin niyo lang ang pagbabalik ko dahil papalayasin ko din kayo sa pamamahay ng yumao kong ama. Hindi ko aakalaing kayo din ang nagpahirap kay Sylvan noong nabubuhay pa siya dito." Galit na sambit ni Harrie habang hindi nito mapigilang makaramdam ng awa sa yumaong orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito. Ang kailangan niya muna ay mangolekta ng maraming Geno points upang mapaalis niya ang mga ito ng sapilitan sa pamamahay na pamana ng mga magulang niya na gusto pang kunin sa kaniya ng tiyahin niya.
Maya-maya pa ay napansin ni Harrie ang isang lugar kung saan ay maraming mga malalaking mga lizard na tinatawag na Green Lizard. Halos kasing laki ito ng bayawak ngunit ito ay napaka-aggresibo ngunit mapaminsala din ang Geno Beasts na ito lalo na at may taglay na lason ang balat nito na kayang kumitil sa mga kagubatan dito at kayang manglason ng katubigan dito sa loob ng kagubatang ito.
Mabilis namang sinugod ito ni Harrie upang paslangin. Kung hindi siya nagkamali ay makakakolekta siya ng 0.5 points hanggang 1.0 points bawat isa sa mga ito kung papalarin siya.
Slash! Slash! Slash!
Mabilis na kinitilan ng buhay ni Harrie ang mga parasitikong halimaw na ito. Hindi naman siya manghihinayang lalo na at halos lahat ng nabubuhay sa kagubatang ito ay puro Green Lizard.
+0.5 +1.5 +1.0 +1.0 +1.0+0.5 ...
Sunod-sunod na pagtunog ng Geno points earpiece niya ang narinig niya sa kaniyang tenga habang nagsasalita ang mechanical voice sa nasabing geno points na nakukuha niya sa napaslang niyang mga Geno Beasts na Green Lizards.
Nasa tatlumpong Green Lizard ang napaslang niya kung saan ay nakakuha siya ng napakaraming points ngunit ang ilan sa mga ito ay wala siyang nakuhang geno points.
Geno Points Acquired: 20 Geno points
Evolution Requirements: 100 Geno points
Special Geno Points: None
Natuwa naman si Harrie lalo na at nakaabot siya sa 20 Geno points kaagad. Medyo nadismaya siya lalo pa't naalala niyang hanggang 20 points lang limitasyon ng pagpatay sa mga mababang uri ng mga Geno Beast. Ito rin ang dahilan kung bakit wala ng silbi ang mababang uri ng mga Geno Beasts sa mga Gene Cultivators na nakatapak na sa 20 points pataas.
...
Walang alinlangan namang nilisan na kaagad ni Harrie ang lugar na ito lalo pa't wala na rin siyang mapapala kung mananatili pa siya rito dahil tapos na rin ang layunin niya sa pagpunta niya rito. Sa edad niyang labinwalong taong gulang ay madali lamang talaga siyang makakakolekta ng 20 Geno points dahil ang 5 Geno Points niya ay ang actual points niya na hindi nadagdagan over a period of time.
Isa sa dahilan ay dahil na rin sa tiyahin niyang bantay sarado ang bawat galaw niya noon pero nang makaabot siya ng labingpitong taong gulang ay hindi na siya nakikitang banta ng mga ito lalo na at kapag natapos na ang kaarawan ng sinuman nang hindi nadadagdagan ang points niya at mawawalan ng silbi ang Geno points niya. Ngunit ang kaarawan niya ay sa susunod na buwan pa at labing-anim na kaya napatawa na lamang ang binatang si Harrie habang naiisip ang mga bagay na ito.
"La la la la... Siguradong magugulat ang pesteng tiyahin ni Sylvan at ng mga anak niya sa pasabog na ipapakita ko sa kanila. Sisiguraduhin kong sa oras na ito ay mapapaalis ko sila sa sariling pamamahay ni Sylvan!" Sambit ni Harrie Hernandez habang nakakuyom ang mga kamay nito. Hindi na siyang makapaghintay na mawala sa landas niya ang mapang-abusong kamag-anak niya sa huling pamana ng kaniyang mga magulang.
...
Nakarating na sa tapat ng malaking bahay si Harrie Hernandez. Hindi niya pa rin maiiwasang mamangha sa nakikita niyang laki at ganda ng mansyong kaniyang natatanaw.
"Napakaganda talaga ng bahay na ito ni Sylvan ngunit ako rin pala iyon noh haha... Sisiguraduhin kong mapapaalis ko na talaga sila ngayon para maiwasan ko ang pananatili ng ahas sa pamamahay ng mga yumao mga magulang at mismong si Sylvan." Sambit ni Harrie Hernandez sa kaniyang sariling isipan. Ang tinutukoy niya ay ang orihinal na nagmamay-ari ng katawan niya at ang mga magulang nitong yumao dahil sa isang kahindik-hindik na aksidente. Bilang respeto sa mga ito ay kailangan niyang protektahan ang mga bagay na naiwan ng pamilyang ito lalo na at hindi siya makakapunta sa mundong ito dahil kay Sylvan na kaedaran niya.
Kahit papaano ay marunong siyang tumanaw ng utang na loob noh hindi kagaya ng tiyahin ng yumaong orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito na ang kakapal ng mukha na daig pa ang kapal ng libro sa kakapalan. Idagdag pa ang dalawang damuhong anak nito na mga batugan na kala mo ay mga senyorito ng malaking bahay na ito.
Ito na ang hinihintay niyang oras ng komprontasyon niya sa mga ito.
Mabilis na kinuha ang susi ng bahay mula sa maliit na bulsa ng pantalon ni Sylvan. Halatang masaya siya sa mga oras na ito. Hindi naman siya ang mismong Sylvan na inaapi at nagpapaapi. Not in this way. Pagod na siyang magpaapi o magbingi-bingihan sa mga problema.
Sisiguraduhin niyang sa pangalawang pagkakataon ay palagi na siyang lalaban sa anumang klaseng hamon ng buhay o sitwasyon na kalalagyan niya.
Sigurado siyang magugulat ang mga ito sa pagdating niya. It time for him to avenge the original Sylvan Darvell of this world.
...
"Ma, may magnanakaw ata ma!" Pagtakbong sambit ni Elton Bates. Nakita niya kasing kumalansing ang tunog ng gate nila habang nakita niya na lamang itong bukas. Hindi naman kasi imposibleng hindi niya makita iyon dahil malapit lang naman siya sa malaking glass wall ng second floor ng bahay na ito. Buong araw siyang nakahilata sa malaking kutson na palagi niyang ginagawa. Ang motto niya sa buhay ay kain tulog gala, yun lang. Patungkol sa Cultivation ay wala siyang pakialam dito dahil ayaw niyang maging Gene Cultivator noh.
"Tingnan mo kaya doon Dal hindi yung puro ka sustpetsa." Sambit ng ina nitong si Priscilla Bates sa anak nitong si Elton. Talagang napakatamad ng anak nito.
Abala kasi si Priscilla sa malaking lamesa kung saan ay nakalapag ang napakaraming mga koleksyon ng mamahaling mga alahas na meron siya. Those treasures are her belongings. Ganito siya kaluho sa bagay na sa tingin niya ay pagmamay-ari niya. Ang motto niya ay lahat ng naiwan ng kapatid niya ay sa kaniya mapupunta.
"Tad, tingnan mo yung gate natin!" Malakas na sambit nito sa isa pa nitong anak na si Tad Bates. Gusto talaga nitong pagsusuntuntukin ang mga ito dahil sa katamaran ng mga ito. Ni hindi niya mautusan ang mga ito kahit sa simpleng bagay lamang.
"Ma naman, busy pa ko sa assignments ko eh. Si Elton nalang pls." Sambit ni Tad Bates na nasa sala habang may ginagawa itong school works sa kanila.
Si Tad Bates ang panganay sa kanilang magkapatid na mayroong labing-siyam na taong gulang habang ang kapatid nitong si Elton Bates naman ay labimpitong taong gulang na. Ang tatay nila ay nanlayas dahil hindi nito matagalan ang ina nitong bugangera at pinagpalit ito sa mas magandang babae. Wala ring hilig sa Cultivation si Tad Bates ngunit mayroon na rin itong pundasyon sa kaniyang sariling cultivation. Naniniwala siyang magagamit niya din ito sa pagprotekta sa sarili niya laban sa mga kaaway niya. Ngunit ang pangarap ni Tad Bates ay nais nitong makapag-aral sa prestirhiyosong paaralan ngunit yun lang ay may masama din itong pag-uugali at nakapaself-centered nito.
"Hay naku Elton, tularan mo nga ang nakakatandang kapatid mo hindi yung nakahilata ka lang diyan. Makukurot kita ng wala sa oras diyan eh. Pag nanakawan ang bahay natin, sinasabi ko sa'yo, sa daan kita papatulugin!" Sambit ng bugangera nitong ina na si Priscilla Bates sa anak nitong si Elton Bates na kala mo ay machine gun ang bibig nito dahil sa walang prenong pagsasalita nito. Ang mga kilay nga nito ay animo'y nasa three centimeters above sea level ng noo nito.
Nagulat na lamang sila ng bumukas ang malaking pintuan sa harap nila at bumungad sa kanila ang mukha ng isang nilalang na akala nila ay hindi na nila makikita pang muli. Kapwa natigilan ang tiyahin maging ang dalawang anak nito sa bulto ng nilalang na pumasok sa loob ng inaangkin nilang bahay.
"Akala ko ay patay ka nang hayop na Eun ka. Bakit bumangon ka pa sa hukay kung saan ay mapapasakin na sana ang titulo ng bahay na ito. Bwiset!" Sambit ni Priscilla Bates sa kaniyang isipan lamang. Akala niya talaga ay napaslang na ito lalo pa't ibinalita pa sa kaniya na napaslang na si Sylvan Darvell na siyang pamangkin niya matapos itong kainin ng halimaw sa dagat. Iyon ang pangalawang magandang balitang nalaman niya matapos maaksidente ang mga magulang nito. Pero it turns out na buhay at nakaligtas pala ito mula sa kahindik-hindik na kaganapan sa buhay ng pesteng pamangkin niya.
"Paanong--- Sylvan, okay ka lang ba, bakit ngayon ka lang? Sambit ni Priscilla Bates na kung saan ay makikitang pinapagana na naman nito ang pagiging best actress nito sa larangan ng pagdadrama. Halatang pinaplastikan lamang nito ang paglitaw ng taong akala niya ay napaslang na nitong nakaraang araw lamang.
Kitang-kita kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na tila naawa sa naging kalagayan ng pamangkin nitong si Sylvan.
"Bwiset naman to'ng hayop na Sylvan na 'to. Perma na lamang ni mama ang kulang sa pag-aasikaso ng papeles pero it turns out na buhay pa pala ang animal na 'to hmmp!" Gigil na sambit ni Tad sa isipan niya lamang habang pilit pinapakalma ang sarili niya. Akala niya ay nabura na talaga si Sylvan sa buhay nila.
Plano nila sanang angkinin at kamkamin ang yaman ng pamilya Darvell lalo na at malaki ang perang nakapondo sa Gene Banks na iniwan ng kapatid ng ina niyang tatay ni Sylvan Darvell maging ng ina nito na isang joint account para sa anak nila. Isang emergency Gene Bank savings iyon na para kay Sylvan Darvell at para lamang ito sa binata. Siyempre hindi nila hahayaang malaman ito ni Sylvan at wala silang rason upang sabihin ito dahil gusto nilang makuha ito.
"Pag tinaman ka nga naman ng kamalasan ho. Akala ko talaga ay patay na tong Sylvan na 'to!" Simpleng sambit ni Elton Bates sa kaniyang sariling isipan lamang. Halatang hindi nito alam ang gagawin niya. Pero alam niyang hindi papayag ang ina at kapatid niya na mawala sa kanila ang lahat ng pinaghirapan nilang makuhang yaman ng pamilya ni Sylvan Darvell.
"Mabuti naman at buhay ka Sylvan. Akala ko talaga ay napaslang ka na dahil sa aksidente." Sambit ni Tad Bates na nagpapanggap pa itong natutuwa.
"Sylvan, akala ko talaga ay totoo ang balitang iyon. Mabuti at ligtas kang nakabalik sa pamamahay namin este natin." Sambit ng lalaking si Elton na nagdrama din katulad ng ina nitong si Priscilla at nakakatandang kapatid nito na si Tad Bates.