"Hanggang kailan ba kita mamahalin Sir Miguel? Hanggang kailan ako magpapakatanga sayo? Hanggang kailan ba titigil ang puso ko sa pagmamahal sayo, Hanngang Kailan ba? Pag ubos na ubos na ba ako? Hanggang kailan ko ba tatangapin na hanggang panaginip lang kita? Hanggang kailan ba ako magpapanggap na ako na ang mahal mo na hindi lang ako panakip butas?" Tanong ni Rose kay Sir Miguel
"Wag mo akong mahalin, sinabi ko bang mahalin mo ako, YOU jump into my Bed tapos magdedemand ka ngayon na mahalin kita, Una palang sinabi ko na sayo wala kang mapapala sa akin, pero makulit ka, Alam mo hanggang ngayon mahal ko pa rin ang aking asawa" mabalaksik niyang sabi,habang sinasabi ni Sir Miguel yun parang kandila akong nauubos, parang ayaw ko ng mabuhay pa, ang sakit ng mga salita niya, sino ba naman ako para mahalin ng isang milyonaryo, isang lamang akong mababang uring babae dahil katulong lang ako sa kanilang mansyon at sabi nga nya mahal niya ang kanyang asawa na matagal ng patay, ang sakit sakit parang hinhiwa ang puso ko sa bawat salitang binibigkas niya, yung bawat salita niya parang kutsilyo na humihiwa sa aking puso at sa aking buong pagkatao
Tatlong taon ang nakakaraan simula ng mangyari yun bakit hanggang ngayon patuloy ko pa rin napapananginipan, matagal ko na yun kinalimutan, bakit parang sa akin panangip, parang kailan lang nangyari.
Sa lumipas na tatlong taon simula ng umalis ako sa mansyon nila Sir Miguel, naging maayos naman ang buhay ko at ng naging anak namin, Hindi ko akalain na buntis pala ako noon ng umalis ako sa mansyon nila. Para sa akin isang maganda alaala ang binigay niya sa akin dahil nagkaroon ako ng isang munting anghel na kamukha niya, napagwapo ng aking anak, manang man aito sa kanyang ama.
"nanay nanay" bigkas ng anak ko, gising na pala siya at nagpapakarga sa akin, muli naman akong napatingin sa aking anak , naku talagang kamukha ng kanyang ama at wala man ni isang namana sa akin tong batang ito., napakaswerte naman ng lalaking iyon siya ang kamukha pero ako ang naghirap sa pagbubuntis sa batang to pero ang kamukha ang kanyang ama
"napacute mo naman miguelito , gusto mo na ba kumain" sabi ko habang karga ko ito
" opo nanay usto ko po ng hatdok at iklog" saad ng anak ko habang ako napapangiti ang cute ng anak ko , ndi niya mabigkas ang mga salita
Agad ko siya dinala sa kusina , nandoon na rin si Inay at dalawa kong kapatid na lalaki, Ang kasama ko nalang sa buhay si Inay at yung dalawa kong kapatid na lalaki, matapos mamatay si tatay noong bata ako, Alam ko ng nagbuntis at manganak ako lalong humirap ang buhay namin dahil ndi ako nakapagtrabaho ,kaya si Andrei na aking kapatid ang umako sa responsibildad ng ako'y nabuntis siya ang nagtrabaho at tumigil siya sa pag-aaral, hanggang ngayon ndi pa rin siya nakakabalik sa pag aaral dahil tinutulungan niya ako sa gastusin ko sa anak ko, nakokonsensya na nga ako,kung hindi ko sana sinunod ang puso ko noon di sana naghihirap ang kapatid at nakakapag aral siya.Kaya nga pangako sa sarili hahanap ako ng mas maayos na trabaho para makabalik na si Andrei sa pag-aaral
"Kain na kayo ate " sabi ni andrei doon lang bumalik ako sa kasalukuyan, napalalim na pala ang pag-iisip ko ng hindi ko namalayan.
"Salamat Andrei" sabi ko kay Andrei ko kay andrei na may ngiti sa aking labi, naku hanggang nagyon nakokonsyensya pa rin ako dahil sa akin natigil ito sa pag-aaral dahil sa akin
Matapos kumain, nagligpit na ko at hinugasan ko na mga platong nagamit namin, habang si inay siya na nagbantay sa aking anak, pagtapos ko mghugas ng pinggan, naligo na ko.
"inay alis na po ako" paalam ko kay inay at ngmano ako dito at para makhingi ng basbas sa aking pagbalas o pag-alis
" Sige anak, ingat ka" Sabi ni inay sa akin na may ngiti sa labi
"Opo Inay" sabi ko kay inay sabay halik sa pingi ni inay at sa aking anak
Isa akong sales lady ngayon sa isang pamilihan ng mga damit,bali dalawang taon na akong nagtratrabaho doon simula ng makapanganak ako, yung shop na pinapasukan ko ay pangmayaman , pero hind ganoon kalaki ang sahod ko, kya nais ko maghanap ng ibang trabaho.
Pagpasok ko sa akin painagtratrabahuhan agad ako sinalubong na isa sa aking kasama sa trabaho si badet sabay bulong sa akin " diba naghahanap ka din ng ibang trabaho na mas malaki ang kita"sabi niya sa akin sinasabi niya ang mga katagang yun na may ngiti siya sa labi, Agad naman akong sumagot ng "Oo sana , may alam ka ba friend" sabi ko sa kanya na may ngiti sa aking labi, base sa pagkakangiti ni badet , may alam itong trabaho."meron nga friend kaya nagreresign na ako dito, ang babang magpasahod ni sir at maam kahit na malaki naman ang kinikita ng store nila, kuripot kasi" sabi ni badet sa akin at ngumiti ito ng tipid, " saan friend , baka pwedeng irekomenda mo naman ako, alam mo na dahil may anak medyo malaki ang gastos, kailangan ko ng mas mataas na sahod" sabi ko sa kanya na may ngiti sa aking mga labi "oo naman sinabi na kita sa magiging boss ko at pumayag siya, alam mo ba ang sahod 15,000 a month "sabi niya sa akin na may ningning ang kanyang mga mata at may kislap pa, kabagay sino ba aang hindi magnining ang mata kung mataas ang sahod, paano kaya dito sa aming trbahao namin 8,500 lang ang sahod namin, ang baba lang.at doble kung makakapasok kami doon
Agad na kmi tumigil sa amin pag-uusap ng makita namin ang maing mga ibang kasamahan sa trabaho. Baka isumbong pa kami
"mag-usap nalang tayo friend mamaya" sabi ni badet sa akin sabay kindat at umalis na ito sa aking harapan
"oo friend' sagot ko ng may ngiti sa labi
Ng magtanghalian nga , doon namin tinuloy ang aming usapan pero tinignan muna namin ang aming paligid baka may nakikinig, at doon nga sinabi sa akin ni badet pgnagustuhan daw ng may ari noong shop ang aming mga trabaho , may tyansa pa na lumaki ang sahod namin,yung shop na papasukan namin pangmayaman din ito, mayayaman at maiinfluwensyang tao ang bawat customers ng shop na yun, sabi din ni badet , next week daw pwede na akong magsimulang magtrabaho at siya bukas na siya pwedeng magtrabaho doon, siya dahil dalawang linggo na ang nakakalipas noong nagpaalam siya sa boss namin habang ako mamaya palang magpapaalam. Bourgeoisie ang pangalan ng shop na pagtrabahahun namin, ang namamahala daw doon si maam samantha ang manager ng shop na yun, ang totoong may-ari minsan sa isang buwan lang pumunta doon para tignan ang galaw ng shop, ang mga binebenta daw doon mga damit, sapatos at bag na sobrang mahal ng mga presyo, kaya talagang pang mayaman nga
Naging maayos naman ang aming buong araw na trabaho at pagdating nga ng hapon nagpaalam na ko sa aking boss, noong una ayaw niya pumayag , pero nakumbinsi ko din ito bandang huli kaya napapayaga ko ito