Chereads / Wild Wild Rose / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Rose POV

"sir miguel" sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa kanya

Nabibingi ako sa tibok ng puso ko, bakit ganoon galit ako sa kanya pero hindi ko mapigilan tumibok ng mabilis ang aking puso, para itong tinatambol ng malakas. Parang pansamatalang humiwalay ang kaluluwa ko sa akin pagkatao.

Wala akong mabasa sa kanyang mukha , walang emosyon, wala din emosyo makikita sa kanyang mga mata. Para ng hindi na niya ako kilala , kasi kung pagbabasihan ang kanyang mga tingin, hindi niya ako kilala. At kung babasihan ang kanyang kilos hindi rin niya ako kilala, nakatingin din sa akin ng blangko

" hindi ko inayahan na saktan ang mga tauhan ko , lalo na sa akin harapan miss at anong kaguluhan na nangyayari dito"sabi niya sa maatoridad na boses at kasabay ng tanong niya.sa kanyang boses kahit sino manginginig sa takot at sa boses nito kahit sino manginginig sa tigas ng boses nito ata malamig na pagkakabigkas

"Yang babaeng yan, alam mo ba ang ginawa pinasuot ako ng damit na sira, tapos sasabihin niya , nacheck niya daw ito pero 15 minutes ko siya kinakausap kanina pagdating ko dito parang tanga nakatingin sa kawalan, buti nandito ka , mas maayos ka naman sigurung kausap keysa sa tangang ito" sabi nito sabay duro sa akin, nakakahiya lalo, sabi niya sa maarteng boses nito ,mukha itong spoiled brat , habang sinasabi nito ang mga katagang mga yun, nakatas pa ang isang kilay nito.

" ganoon ba ang nangyari miss, ipapacheck ko sa cctv ang nagyari, kung sino man ang may kasalanan kailangan managot, narinig ko sa kasi kanina ang sales lady ko kanina ang sabi ni nacheck naman niya ang damit, kung nacheck niya ito ng maayos, wala siyang pananagutan dahil nagawa niya ang kanyang trabaho ng maayos, pero kung napatunayan na ikaw ang nakasira nito miss, pananagutan mo ito maliban sa iyo machcharge ang bayarin diyan sa nasira , triple ko ito ipapabayad at sa pagpapahiya mo sa aking tauhan, panglalait sa kanya at pagtawag sa kanya ng tanga at pagmumura , pinababa mo ang tingin sa kanya ng iba bali ibang kabayaran sisingilin ko sayo idedemanda kita , bali sa ginawa mo niyurakan mo ang pagkkatao ng tauhan ko , ako mismo magpapakulong sayo, wala akong pakialam kung anak ka ng kahit na sinong pilantropo" sabi ni sir miguel sa babeng sopistikada na yun, nakita ko namutla ito, at parang bigla ito nahirapan huminga, ganoon talaga ang epekto ni sir miguel kahit kaninu, at nakita ko naman si sir miguel na naiinis at nakita kong kumuyom ang kanyang kamao tanda ng galit ito parang handang manakit .

Sa ganoon pagkakatao lumapit si maam samantha sa amin, at bigla sabi kay sir miguel

" pasyensya ka na miguel, may inaayos kasi akong financial statement sa loob ng office, kaya hindi ko alam na may nangyayari na palang gulo dito, buti nalang nandito ka, napigil mo possibleng paglala nitong problema" sabi nito kay sir miguel at bigla ito bumaling sa akin at sabay bigkas ng mga salita sa akin

" anong nangyari dito rose?" sabi niya sa akin , habang nakatingin sa akin, hindi ito mukhang galit, kalmado lang ito, siguru nasanay na ito sa mga gulong ganito, kaya napangiti ako dahil sa ibang paraan na paghawak nito ng problema

Agad akong nagpaliwanag kay maam samantha, kahit nanginginig ang boses ko hindi sa takot sa sophistikadadng babae ito kung hindi dahil takot sa tingin sa akin ni sir miguel, ang tingin nito para itong nangangain ng tao, nakakatakot, nakakanerbyos, ang kanyang mga kilay salubong, ang tingin nito parang gusto mo nalang lamunin ka ng lupa , ang kanyang walang emosyon mukhaa mas nakakadagdag sa kaba ko at takot ko, mukha yata akong mahihi sa aking salawal sa ginawa nito pagtititg sa akin, nakakakaba

Yung mga ibang customer inassist ng kapwa ko sales lady at kami si maam samantha , si sir miguel at yung sophistikadang baabe yun at ako ay lahat kami ay nasa opisina at sabay sabay namin pinanood ang CCTV at nakita nga namin sa CCTV lahat ng nangyari at doon sa parte na nasa loob na siya ng cubicle para magsukat , yung parte doon hindi na namin nakita sa CCTV kasi masayadong na yun pribado, iniisip ko kung ndi makikita yung video kung saan nasira ang damit na yun, ako ang mapapagbintagan sa pagkasira ng damit na yun at ang masama pa maalis ako sa trabaho at magbabayad ako ng mahal, dahil nasa 59,000 yung damit na nasira bakit ang mahal ng damit na yun, sweldo ko ng ilang buwan yun, sigurado dahil hindi ko yun mababayaran ikakaltas nalang yun sa sasahurin ko , pag minalas ka nga naman sunod sunod, pero ng tignan yun damit na may sira nga ito at tignan ni maam samantha yung kuko ng babaeng yun may nakita silang hibla doon ng tela ng damit na yun, biglang ngumiti si maam samantha sa akin para sabihin sa akin na okay na, ayos na ang problema mo, napatunayan mo na ang pagiging inosente mo, halata ba sa mukha ko na kinakabahan ako at natatakot ako, ang dali naman sa iba na basahin ang naglalaro sa aking isipan, kala ko sa pagdaan ng panahon nagbago ko na yun, napapagkanulu pa rin pala ako ng damdamin ko, dahil sa ngiting yun nakahinga ako ng maluwag at naging matiwasay na ang aking paghinga at bumaliksa normal ang tibok ng aking puso

Tinawag ang pamilya ng babaeng yun, at doon ko lang nalaman anak pala ito ng mayaman politiko at yung babaeng sophistikada na yun, anak niya pala sa naunang naging asawa nito na namayapa at napabayahan ito kaya naging pasaway, humingi sa akin personal ng depensa ang Senator na yun, ayy para ako nastarstruck kasi ang gwapo ng senator na yun at first time kong makakita ng politiko sa malapitan at humingi ng paumanhin pa sa akin, at balak niya pa akong bigyan ng pera para ginawa ng kanyang anak na pagpapahiya sa akin, hindi ko naman ito tinaggap dahil hindi naman ako tumatanggap ng pera na ndi ko pinagpaguran kahit mahirap lang ako mataas naman ang tingin ko sa sarili ko

Nakaalis na pala sa harapan ko ang senator pero nakangiti pa rin ako , kaya nabigla ako ng biglang may magsalita sa gilid ko, kahit ndi ako nakaharap sa kanya, alam ko si sir miguel ito. Naauna ng pumasok si maam samantha , kasi wala na siya sa aming paligid ng iagala ko ang aking mga mata, tanging kami nalang ni sir miguel ang nandito sa labas, sa may parking lot