Rose POV
Ng makaupo na kami agad na ang order si Aron ng pagkain namin, Ito ang pinag order ko kasi dahil pagkakita ko sa mga nakasulat sa mga menu ay ndi ko maintindihan ang mga nakasulat at mukhang mahal ang presyo at ng makita ko ang menu kaagad ko itong binitawan kasi nabigla ako sa presyo nito, totoo ngang mahal ang mga presyo, ayy naku bakit ang mhal ng presyo sobra naman na ganito kamahal ang mga pagkain dito bakit two thousand ang presyo ng isang meal dito , eh yung two thousand na yun ay pang isa hanggang dalawang linggo na namin budget sa pagkain iyon, an restaurant na pinagdalhan niya sa akin ay restaurant na pangmayaman, walang duda ang kasama ko ngayon ay mayaman, pero paano naging classmate ni badet ito kung mayaman ito possible bang mayaman din si badet pero bakit ito nagtyatyaga sa aming pinapasukan? At possible din galing sa mayaman angkan si badet, kaya ng ndi ako mapakali kaagad na akong nagtanong dito
"klasmate mo si badet noong high school at noong 4th year college " tanong ko sa kanya at ayan na naman yung ngiti nito, ang gwapo nito pag ngumingiti , kaya nagtataka ako kung talaga bang wala itong girlfriend at agad ko nmaan naiisip na ndi naman ako ipapahamak ni badet kung may girlfriend man ito at sigurado akong hindi naman niya ako ipapakilala si aron sa akin kung may girlfriend ito
"actually ang totoo nyan ndi ko naging classmate si badet noong high school , noong college oo, baka sinabi lang niya sayo na classmate ko siya ng High school para ndi ka na masyadong magatnong sa kanya ng ibang tanong" sagot nito sa akin
"saan mo siya naging classmate? Anong school?" tanong ko ulit dito at ganoon nalang ang aking pagkakabigla ng sagutin niya ang tanong ko dahil ang alam ko sa paaralana na yun ay mayayaman lang ang nakakafford at kaya nasisigurado ko na may kaya si badet pero bigla akong napaisip, bakit gusto ni badet ang maging sales lady kung may kaya naman ito sa buhay, sumakit ang ulo ko sa kakaisip ng sagot kaya nagpasya ako na ipapagpabukas ko nalang itatanong kay badet, nabigla ako ng bigla itong magsalita at itanong nito si miguelito, agad kong tinignan ang lamesa kung saan nakaupo si sir miguel baka kasi narinig nito ang tanong ni Aron , lagot ako kung nagkataon, sa pagsilip ko dito ndi ako makapaniwala na nakatingin din ito sa akin pero ang iba ang tingin nito may kasamang matatalim na tingin, naku napano naman kaya ito, bad trip ba ito sa kasama nito bakit sa akin naman niya binaling ang inis niya
"Kumusta na si miguelito"tanong nito sa akin ulit dahil ko nasagot ang tanong nito dahil nakatingin ako kay sir Miguel
"okay naman siya , naghihingi nga ng pasalubong sa akin mamaya, ibibili ko nga siya mamaya, pwede mo ba akong tulungan " sabi ko sa kanya
"nga pala bakit ndi mo siya kanina binili sa department store?" sabi nito sa akin , nahihiya man akong sabihin dito na ndi sapat ang budget sa mahal na laruan na yun , pero nasabi ko din sabay kamot ng aking noo
"hindi kasi kasya ang budget ko para doon" sabi ko dito
"ako din gusto ko din siyang ibili" sabi nito sa akin na ikinatingin ko dito at ngumiti ng simple
"baka makasanayan ng anak ko yan ah" sabi ko dito na may kasamang asar ko sa kanya
"mabuti kung masanay siya, gusto ko maging anak yung anak mo, napakabait ng batang yun" sabi nito sa akin sabay hawak ng kamay ko sa lamesa kaagad kong iniwas ang aking kamay pra kasing bigla akong nakuryente sa ginawa niya
"pasyensya na , nabigla ba kita?" sabi nito na may pagsisi sa kanyang boses at sa kanyang mukha
"okay lang, nabigla lang ako ng kaunti " sabi ko dito na may ngiti sa labi, baka kasi mailang ito, mabait naman ito kasu masyado itong vocal na gusto nito ako at ang aaking anak medyo nakakailang lang
Nang napatingin ako sa gilid ko nakita ko sir sir miguel na nakatingin din ito sa amin at nakatingin ito ng matalim at ng muli mapadako ang tingin ko sa kanila nakita ko sinusubuan ni maam chloe si sir, hmmmm napakasweet naman ng mga ito at kagad ko iniwas ang aking mata at ibinaling ko ito kay Aron, at ilang minuto ang mabilis na lumipas kaagad naman mapadako ang aking mata sa lamesa nila nakita ko naman na nakatingin ito sa amin , bahagyan nakatalikod si maam chloe kaya hind nito ako napapansin at ndi nito napapansin na sa iba nakatingin si sir miguel
Tama ba ang aking nakita sa kanyang mga mata para dumaan ang selos , Parang nakita ko na nagseselos ito, Totoo ba ang aking nkaikita o dinadaya ako ng aking mga mata, pero feeling ko dinadaya ako ng aking mata kasi napaka imposssible mangyari yun , Ang magselos siya ay isang suntuk sa buwan
Nagmatapos kami kuamain , nagpaalam akong pupunta sa comfort room upang mag-ayo ng aking sarili, tatayo pa lamang ako nakita ko sa gilid ng aking mata na nagpaalam si sir Miguel kay maam chloe parang pupunta din ito sa comfort room , sinadya ba nito iyon o nataon lang na kailangan din nitong gumamit ng comfort room
Ng nasa pathway na kami agad nito akong tinignan mula ulo hanggang paa, nakita nitong nakadress ako na pula, alam kong maganda ang pagkakaayos ko ngayon at lutang na luntang ang aking ganda, nakita ko sa kanyang mga mata ang paghanga, tama ba ang nakikita ko o nililang lang ako ng aking paningin, sigurado yung pangalawa , ng tuluyan akong pumasok sa comfort room nakita ko pang nakasunod ang kanyang tingin
Nagmatpos akong mag-ayos ng aking sarili kaagad na akong lumabas ng comfort room, muntik pa akong mapasigaw ng may tamaan ako, pero tinamaan ko ay matigas na pader, padere nga ba bakit mukha itong katawan ng siang lalaki, may matitigas na dibdib, bahagyan ko pa itong pinisil at ng mag-angat ako ng tingin , ganoon nalang aking pagsisi dahil si Sir Miguel ang natamaan ko o nakabungo ko at kanya din dibdib ang aking pinisil kanina nina lang , naku nakakahiya, lupa lamunin mo ako, para makaalis na doon agad akong nagpaalam dito na aalis na at bago ako umalis ay nagpasorry pa ako dito dahil sa pagkakabanga ko dito
Ngtumango ito dali dali akong umalis sa kanyang harapan, kahit nakatalikod na ako nararamdaman kong nakatitig pa rin ito sa akin,
Ng makabalik ako sa aming pwesto kanina nagpahinga lang kami ng ilang menuto at pagkatpos ay nagbayad na ito sa aming kinain at nagpasya ng umalis
Pagdating namin sa parking lot, nabigla ako sa sasakyan niya , ang alam ko mahal ang sasakyan ana ganito at ang presyo ng ganyan sasakyan sampung milyon
Kaya bigla akong nahiya sa aking sarili at lumiit ang tingin ko sa aking sarili
Agad na niya ako niyayang lumabas, gentle maan ito nakaalalay pa rin ito sa akin , tulad ng nasa department store kami, ng nasa cinema kami, tinanong pa nito ako saan kami susunod na pupunta, kaya agad kong sinabi sa palengke, agad naman itong tumango at wala man itong kaarte arte ng dalhin ko ito sa palengke, ng matapos kong bilhin ng laruan an aking anak ay nmalengke na din ako, itong palengke na ito ay meron laging paninda kahit anong oras, sa iban palengke na tuwing umaga lang nag ooperate, ng matapos kami kaagad na akong nagpaalam dito sabay sabing
"baka hinahanap na ako ng aking anak" sabi ko sa kanya at kaagad namnan ako nitong ginaya o dinala sa sasakyan niya para ihatid sa amin kaagad ako nio tinignan, at agad ako nitong sinakay sa kanyang sasakyan naku simula kanina napansin ko na napakalamig ng sasakyan niy at napakaganda nito halatang pang mayaman, agad nitong nahulan ang naglalaro sa aking isipan at agad nitong tinama
"alam mo hindi ako ang mayaman , kundi ang magulang ko" sabi nito sa akin para mawala ang inisip ko o ang nagalalaro sa akig isipan
Napakabilis ko yatang basahin , kasi agad nitong nahulaan ang aking iniisp, Ngumiti ako ng bahagya sa kanya at inihatid na ako nito sa bahay, bumaba pa ito sa sasakyan nito, kaya wala ako nagawa kung ndi pinakilala ko ito sa aking inay at sa dalawa kong kapatid, medyo nahiya pa ako kasi maliit lang ang inuupahan naming bahay at medyo marumi ito kasi yung kalat ng aking anak ay nasa sala pa
Yung mga tao sa banda namin, nabigla ng may ganoon sasakyan na nakapark sa tapat ng aming inuupahan na apartment, Oo apartment lang ang bahay na tinutuluyan namin , Nagtagal pa ito ng isang oras sa bahay namin , nakipaglaro pa ito sa aking anak, naku ang dami pa nila nilaro at nangako pa ito sa aking anak na babalik dito ulit upang makipaglaro dito na agad naman kinasaya ng aking anak, mukha nga ito mabait, kung sakali man alam kong magiging mabuti ito sa akin anak.