Chereads / Wild Wild Rose / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Rose POV

" yes po sir miguel , may kailangan po kayo" sabi ko kay sir miguel, bilib na bilib na ako sa aking sarili nagagawa kong makipag usap sa kanya kahit na nanginginig ang aking mga tuhod, at sobrang lakas ng tambol ng aking puso, parang may mga kabayong naghahabulan sa loob ng aking dibdib, ano ba otng nangyayari sa akin , agad ko pinagalitan ang sarili ko sabi ko sa sarili ko tumigil ka huwag mo ng isipan pa ang pagtatangol niya sa iyo, walang ibang ibig sabihin yun, walang ibang kahulugan yun. Kaya agad ko piniling ang aking ulo, para mawala sa aakin isipan ang mga bagay na yun

" baka gusto mo ng pumasok sa loob, kasi kanina pa sila umalis, next time ayusin mo ang trabaho mo para ndi ka na masangkot sa gulong pinasaok mo kanina, para hindi napapahiya ang buong shop/ botique " sabi ni sir miguel sa mabalagkis na boses at punong puno ng awtoridad , yung boes niya manginginig ka sa takot

Hanggang ba ngyon ganoon parin ang epekto nito sa akin, agad kong ipinikit ang aking mga mata, kasi para akong maiiyak sa kanyang harapan, pagkatpos niya akong ipagtanggol, ngayon para naman niyang niyuyurakan ang aking pagkatao ang hirap talagang intindihin ang mga ganitong tao, walag emosyon ang kanyang mukha ndi mo mababasa ang naglalaro sa kanyang isipan.

"opo sir " sagot ko kay sir miguel ,kakatapus ko lang sabihin ang mga katagang iyo ay agad na siyang umalis sa aking harapan. Agad naman akong pumasok sa loob , ng makapasok na ako, nakatingin sa akin ang mga kapwa ko mga sales lady , may mga ingit sa kanilang mga mata, ndi ko mawari para saan ang mga inggit nila sa kanilang mga mata. At parang nababasa ko sa mga mata ng mga kasama ko sa trabaho ay galit, maliban kay badet ang mukha nito ay masaya, nakangiti ito ng todo sa akin at parang sa mga labi nito may naglalarong pilyong ngiti, at kasabay noon kumindat pa siya sa akin ,anong ibig sabihin ng mga kindat parang alam ko na magtatanong ito kung ano nangyari kanina at bakit ako pinatanggol ni Sir Miguel, gumanti nalang ako ng ngiti sa kanya. At sabay lakad papunta sa aking pwesto para ipagpatuloy ko ang aking naiwan trabaho.

Ng magluch break nga ndi ako tinigilan sa kakatanong ni badet , at sabi din niya sa akin ang swerte ko daw at nakilala ko sir at pinagtanggol ako ng isang tulad ni sir Miguel , ang loka kinikilig siya, paano pa kaya kung malaman nito na kilala ko si sir Miguel at naging boss ko ito ng magtrabaho ako bilang katulong sa mansyon ng mga dela fuente santiago, paano din kung nalaman nito na si sir miguel ang ama ng aking anak na si miguelito, ano kaya ang magiging reaksyon niya pagsinabi ko sa kanya ang mga bagay na yun siguradong mabibigla ito, baka magtitili ito at baka sumigaw pa ito sa sobrang pagkabigla , kilala ko ito may pagka eskandalosa pa naman ito pag nabibigla . hindi ko sasabihin kay badet baka madulas ito sa iba, tungkol sa tinatango kong lihim at maging dahilan pa ito para may mga makaalitan pa ako dito dahil halata sa mga tingin nila kay sir Miguel kanina na may gusto sila dito, sabi nga ni badet nainggit daw sa akin kanina ang mga kasama ko sa trabaho ng bigla akong ipagtanggol ni sir, kasi first time daw itong gawin ni sir, kasi pang anim na beses na daw na may nangyari ganoon gulo, first time na sinangkot ni sir ang kanyang sarili at walang kasiguraduhan kung tama ako sa naglalaro sa aking isipan at patuluy pa rin daw sinuong ni sir ang kanyang sarili kahit ayaw daw nito nasasangkot ang sarili nito sa bagay na yun , ang tanong ni badet ano espesyal sa akin para gawin ni sir iyon. Kaya ndi ko masisi ang mga kasama ko sa trabaho bakit ganoon nalang ingit nila at galit na meron sila sa kanilang mga mata kanina.

Pagtapos namin kumain at makapagpahinga kami saglit at bumalik na kami sa aming mga pwesto. At mabilis naman lumipas ang kalahating araw.

Pagod na pagod sa buong maghapon na trabaho kaya gusto ko na agad umuwi at magpahinga , gusto ko na masilayan ang mukha ng aking anak para matangal ang aking pagod

Lahat ng pagod ko sa buong maghapon agad itong naiibsan o nawawala kapag nakikita ko ang anak ko na si Miguelito , napabibo kasi nito at higit sa lahat napakagwapo, parang kaharap mo na rin si sir Migeul kung titignan mo ito

Napagwapo ng aking anak , kamukha ng kanyang ama, lahat ay nakuwa nito , Hindi nakakasawang tignan ang aking anak

Kapag niyakap ako ng aking mahal na anak , lahat ng pagod ay nawawala, Ang anak ko ang charge ko ng aking enerhiya, Pag-uwi ko agad na nakaabang ang nak ko sa pinto kasama si nanay, Agad nito ako niyakap at naglalambing na nagtatanong kung may pasalubong ako sa kanya, Parang biglang nagtampo ang anak ko, nalungkot kasi wla akong dalang pasalubong dito, Agad ako nakadama din ng lungkot kasi wala akong pasalubong sa aking anak, kaya sinabi ko na lang na bukas bibigyan ko siya ng pasalubong, Agad nawala ang tampo ng anak ko dahil wala akong pasalubong sa kanya , agad itong ngumiti sa akin at naglalaming na yumakap, Napakatamis ng ngiti ng anak ko, sana ganoon din ang ngiti ng kanyang ama, Pero kabaligtaran ito ng kanyang ama , malayong malayo

Kinabukasan ng pumasok ako sa trabaho , pinakatinginan ako ng mga kasama ko sa trabaho , hindi pa ba sila nakakamove on sa nangyrai kahapon, Agad nila ako linapitan at yung isang kasama mo may sinabi na kinatingin ko sa kanya

"Anong ginawa mo kay sir Muguel ,Rose" tanong niya sa akin , ako naman ang napatingin sa kanya na naguguluhan

"wala naman akong ginawa kay sir, bakit mae" sabi ko kay mae

"alam mo ba first time na may ipagtanggol si sir na sales lady" sabi niya sa akin na halata sa boses na hindi ito makapaniwala sa nangyari kahapon

"First time?" sabi ko sa kanya, so totoo nga ang nakalap na salita ni badet na talagang unang beses na ginawa ni sir Miguel ang bagay kahapon

" matagal na ako nagtratrabaho dito, isa ako sa pinakamatagal sa atin lahat, kaya alam kong first time, ksi sa tagal ko dito kapag may naabutan na ganoon na eksena si sir agad niya pinapatawag si maam samantha" sabi niya sa akin

Na agad ko naman kinalaki ang mata at kinabuka ng aking mga labi, Ibig sabihin kilala pa rin ako ni sir, at baka possible pinapahalagahan pa niya siguru ako, Agad kong binura sa aking isipan iyon kasi , ayaw ko ng umasa pa , Tapos na yung yugto niya sa buhay ko yung tagpong umasa ako at paasa si sir,At gusto kongmananatili nala mang iyong lihim yung nakaraan namin at sana ni isa dito ay walang makaalam

At sana ndi rin malaman ni sir na nakaanak kmai Dahil kahit anong mangyari , hindi ko ipaapalam na may anak kami sa kanya, Kasi baka kunin niya sa akin ang aking anak, alam kong kaya niya itong gawin, na ayaw ko naman mangyari, alam kong makapangyarihan ito at kaya nitong bilhin anga batas

Ikakamatay ko kapag nawalay sa akin ang aking anak

"ah ganoon ba mae, baka nagkataon lang yun" sabi ko kay mae para malis ang kanyang ang ibang bagay na alam kong may naglalarong kakaiba doon

"sabagay " sabi ni mae

Nakahinga ako ng maluwag na sabihin nito ang katagang yun, at least nawala na sa kanyang isipan na baka espesyal ako, kaya pinagtanggol ni sir Miguel kahapon

At ilang sandali lang nagsimula na kaming magtrabaho