Rose POV
Simula ng nakita ko siya ng gabing yun hindi naman ako makatulog ng payapa, isang linggo na rin ang nakakaraan simula ng mangyari yung selebrasyon ng kaarawan ni sir miguel, isang linggo na rin akong parang wala sa aking sarili, simula ng nakita ko siya, lagi kong napapananginipan yun nangyaring noong nakaraan, dati lagi ko lang ito napapanaginipan isang beses sa isang linggo pero ngayon napapadalas na halos gabi gabi na itong napapanaginipan , ano bang nagyari sa akin?
Yung sagutan namin na hindi mawala wala sa akin isipan, sa akin isipan at higit sa aking puso , parang nakaukit na ang mga yun doon
"Hanggang kailan ba kita mamahalin Sir Miguel? Hanggang kailan ako magpapakatanga sayo? Hanggang kailan ba titigil ang puso ko sa pagmamahal sayo, Hanggang Kailan ba? Pag ubos na ubos na ba ako? Hanggang kailan ko ba tatangapin na hanggang panaginip lang kita? Hanggang kailan ba ako magpapanggap na ako na ang mahal mo na hindi lang ako panakip butas?" Tanong ni Rose kay Sir Miguel
"Wag mo akong mahalin, sinabi ko bang mahalin mo ako, YOU jump into my Bed tapos magdedemand ka ngayon na mahalin kita, Una palang sinabi ko na sayo wala kang mapapala sa akin, pero makulit kaa at mapilit ka, Alam mo hanggang ngayon mahal ko pa rin ang aking dating kasintahan/ asawa " mabalaksik niyang sabi,habang sinasabi ni Sir Miguel yun parang kandila akong nauubos, parang ayaw ko ng mabuhay pa, ang sakit ng mga salita niya, sino ba naman ako para mahalin ng isang milyonaryo, isang lamang akong mababang uring babae dahil katulong lang ako sa kanilang mansyon at sabi nga niya mahal niya ang kanyang asawa/ kasintahan na matagal ng patay, ang sakit sakit parang hinihiwa ang aking puso ko sa bawat salitang binibigkas niya.
Naalala ko na man , ayan bumabalik naman, kaya mabilis ko ipiniling ang aking ulo, para mawala ito sa akin isipin, at bahagyan napakuyom ang aking kamao, at may nangilid na luha sa akin mata, agad kong pinunasaan ang mga luha naglandas sa aking mga mata. Ano bang mga luha na 'to bigla na lang lumilitaw.
Nabigla ako ng bigla akong sigawan ng isang babaeng maganda na nasa aking harapan, galit a galit ito, napaano naman ito, sa sobrang lalim ng aking iniisip hindi ko na namalayan may customer pala ako sa akaing harapan at mukha itong galit na galit , at dahil wala naman ako sa sarili ko kaya hindi ko napansin ito kanina, tinignan kong mabuti itong napaganda ng aking customer , ang napansin ko sa kanya ang kanyan tangkad at seksing katawan mukha ito model at yung mukha niya na alam mo talagang head turner ito kasi taglay nito ang mga mata na parang nakikiusap, matangos na ilong, pilikmata na tama sa pagkakakurba, manipis at mapupulang labi, kutis na malaporselana, kilay na parang ginuhit ng magaling na manlililok, dibdib na malalaki, puwit na matambok, kurba ng katawan na kahit nasinong lalaki ay lilingon dito, katangian na sasaambahin at mamahalin na kahit sino anak ni adan.
"bingi ka ba " nakataas kilay na sabi niya sa akin, kala ko pa naman mabait ito ang taray naman pala, ang dami ko pamong nasabi na magagandang katangian sa kanya yun naman pala ito isang supladang babae.
"pasyensya na po may , may iniisip lang po ako" hingi ko ng pasyensya sa kanya sa katangahan na ginawa ko sa kanyang harapan, ndi naman ako bingi pero dahil sa lalim ng aking iniisip kanina kaya yan nagalit ang aking customer
" alam mo bang 15 minutes na kitang kinakausap ni hindi mo man ako pinapansin, gusto mo bang patanggal kita sa trabaho mo" sabi niya sa akin na walang ngiti sa kanyang labi, alam ko siryoso siya sa kanyang sinasabi at natatakot ako sa kanyang pagbabanta kasi baka totohanin nito pagnagkataon mawawalan ako ng trabaho, ang hirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon
" pasyensya na po talaga ma'am, may iniisip lang po talaga ako, pasyensya na po maam kailangan ko po kasi ang trabaho ito" sabi ko sa kanya ng may pakiusap sa aking salita, kasi baka totothanin niya at halata talaga sa kanyang mukha na totohanin nito ang mga sinabi nito
" gusto ko subukan ito, ito , ito iassist mo ako" sabi niya habang tinuturo niya ang mga gusto niya subukan na mga damit, agad akong sumunod sa kanya at tinulungan ko siya, nakahinga ako ng maluwag ng pumasok na siya sa fitting area at sinubukan na niya ang mga damit na tinuru niya
Paglabas niya ng fitting area, bigla itong nagsissigaw sabi niya sa akin sabay turu "walang hiya kang babae ka , ang ipapasukat mo sa akin ay may sira, tignan mo ito " sabi niya sa akin sabay duru sa akin , parang nanliit ako sa aking sarili dahil sa pagduru niya sa akin at pagpapahiya ako sa mga taong nakatingin sa amin, alam ko sa kanyang sigaw kanina nakakuwa na kami ng atensyon
"maam ng tignan ko po kanina yan , bago ko po ibinigay sa inyo, hindi po yan sira" sabi ko sa kanya kasi nacheck ko ito kanina bago ko binigay kay maam, kahit minamadali niya ako kanina , nacheck ko yun, kasi alam ko ang presyo ng mga damit dito kaya bago ko ipasukat sa aming customer nagchcheck muna ako, kasi nakwento na ng mga kasama ko na sales lady na may ganyan daw na nagiging scenario kaya maingat ako bago ko ito binigay sa kanya.
"Anong gusto mong sabihin , sinungaling ako" sabi niya at lalo pa niya nilakas ang boses niya at yumuko ako , kasi nakakakuwa na kami ng maraming atensyon, at sabay pa nitong dinuru ang sarili ng sabihin nitong siya ba daw ang sinungaling
" pasyensya na po maam hindi ko naman po sinasabing sinungaling kayo, pero nacheck ko po talaga yan bago ko po binigay sainyo kanina" sabi ko sa kanya sa mababang tono at pilit na kinakalma ang aking sarili
"walang hiya ka, talagang pinapalitaw mo na sinungaling talaga ako, nasaan ang manager dito?" sabi niya na lalong lumakas ang boses niya at lalaong nangangalaiti siya sa galit sa akin, para sa akin wala naman akong sinabi mali,totoo naman ang sinabi ko. Naku tlagang lalaki ito dahil pati manager hinahanap din nito, naku nakainis ang magandang babae na ito, ng mapadako ang aking tingin sa kanya nakita ko ang inis s kanyng tingin at galit sa kanyang mukha at ng mapadako ang aking tingin sa kanyang leeg nakita ko ang mga ugat nito na halatang halatang galit na ito
Akma na niya akong sasampalin dahil napupuyos na ito ng galit sa akin, inaasahan ko na masasaampal ako, hinintay ko ang kanyang palad na lumapat sa akin mukha , pero bakit walang palad na sumpal sa akin mukha, at parang may mali, possible bang may pumigil sa kamay kaya ndi niya ako nasampal. Sino kaya? Sino kaya ang nangahas na pingilan ito? Sino ang naglakas loob na pingilan itong galit na galit na customer ko? Sino ba ang taong ito, para mapasalamatan ko? Sino ang tagapagligtas ko? At doon ko untiunting inangat kong iniangat ang aking mukha at ng nakita ko ang lalaking pumigil sa kamay na yun(oo lalaki, lalaki ang pumigil) at biglang namilog ang aking mga mata, hindi ko inaasahan napumugil dito ay si MIGUEL
Kaya bigla ko nabangit ang kanyang pangalan sa mainang tinig