Rose POV
Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon nga ang simula ng aking unang araw sa akin trabaho bilang sales lady dito sa Bourgeoisie, ang gaganda ng mga sales lady dito, parang feeling ko nga ako yata ang pinakapangit sa kanila, si maam samatha grabe ang bait niya at may libri pang pagkain dito kaya hindi ko na kailangan magbaon na pagkain ko araw araw makakatipid ako ng malaki
Ng ipaalam ko kina nanay na lilipat na ako ng trabaho at sinabi ko sa kanila na halos magiging double ang sahod ko kumpara doon sa dati ko pinagtratrabahohan natuwa sila para sa akin , sa wakas mas makakatulong na ako kina inay at sa mga kapatid ko kasi dati ang sahod ko ay sasapat lang sa amin ng aking anak, ngayon na nging dobli na ito ,tuluyan na nga akong makakatulong kina inay at sa dalawa kong kapatid.
Naging mabait naman ang aking mga kasama sa trabaho kaya naging maayos aking trabaho, hindi ko din nilihim sa mga kasama ko sa trbaho na may anak na ko, sabi nga nila ang pagsasama ng tapat pagsasama ng maluwag
Sobrang bilis lumipas ng mga araw , naka dalawang buwan na pala ako sa trabaho, at ngayon araw na ito darating ang aming boss, ipapakilala kami sa kanya sabi ni Maam Samantha mabait daw ang aming totoong may-ari ng Burgoise , ngayon ko lang nalaman ang aming boss at si maam samantha ay magkaibigan pala., ano nga ba ang pangalan ng amin boss ay naku nakalimutan kong itanong, peroa ng sabi kanina lalaki ito at napakabait daw yung iilan sa amin nakilala na nila si sir
Ano kaya ang pangalan ng aking boss, itatanong ko nalang mamaya kay badet, baka kilala niya , itatanong ko nalang mamayang lunch break tutal siya naman kasama ko sa lunch break namin, sabi din ni maam samantha birthday daw ng boss namin ngayon september 26, hmmm.. parang may kabirthday siya yung dating kong boss na si Miguel, aba ngayon ang September 26 ibig bang sabihin ngayon kami dadalo sa birthday ng boss , hmmm baka nagkataon lang yunm marami naman talagang tao na magkakabirthday , sa mansyon na aking pinatrbahuhan dati tuwing september 26 pinagcecelebrate ito ng bonga, ang boss ko na dating minahal ko ng higit sa sarili ko ay inigay ko ang aking sarili na walang pag-aalinlangan, na umasa ako na mamahalin nito ako kahit kaunti lang, na mabaling sa akin ang kanyang pagmamahal pero nagkamali ako, ayy naku tuwing naalala ko siya parang bumabalik sa akin ang lahat nakaraan na pilit ko nilimut, nakaraan na punong puno na pait at pighati , nakaraan na pilit ko binubura sa akig isipan dahil sa sakit nitong na dulot sa akin, yung bawat imaymay ng aking pagkatao parang dinudurog at parang pinagpipiraso. Ilang taon na ang lumipas pero ang sakit parang kailan lang, ang sakit sakit sa akin ng nangyari , sobrang sakit, napapikit ako kasi nararamdaman ko naman ang sakit, parang pinipiga ang aking puso, parang hindi ako makahinga, kaya mas ginusto ko na kalimutan ito dahil tuwing naalala ko ito bumabalik din kasabay nito ang nakaraan, nakaraan na muntik kong ikabaliw, buti nalang nandiyan sina inay at mga kapatid ko, sa kanila ako humugot ng lakas ng loob at lakas kaya napagtagumpayan ko ang nakaraan na yun na muntik ko ng ikabaliw
Sana ang panalangin ko hindi ko na siya makita kahit kailan yun ang aking piping dalanagin, para wala ng bumalik masamang pangyayari ng nakaraan, nagsisi ako bakit ko ba siya nakilala , bakit ko siya minahal, bakit ko inayaan mahulog ang lobb ko sa kanya, bakit sa kabila ng pananakit niya ng damdamin ko, ndi ko siya tuluyan makalimutan ng puso ko, bakit ko inayahan ang katangahan ko, bakit ko nga ba binigay ang sarili ko sa kanya, pero naisip ko din kung hindi ko binigay sa kanya ang aking sarili, wala naman akong miguelito ngayon na yung pagsisi ko sa nangyari napalitan na pasasalamat
Dumaan ang lunch break namin , ayyy naku nakalimutan kong itanong ang pangalan ng boss namin, ayyy makakalimutin na talaga ako, di bale ipapakilala din siya mamaya sa amin, dahil mamaya pupunta kami sa restaurant kung saan pagdarausan ang kanyang kaarawan
Ng matapos na aming trabaho sabay sabay na kami pumunta sa restaurant na pagadadausan ng celebrtaion ng birthday ng boss namin. May sumundo sa aming van na puti at nagpakilala yung driver kay maam samantha siya daw si Lito ang driver nila ngayon gabi at pinapasundo daw sila, yung restaurant na pagdadausan daw birthdayng ni sir ay pag-aari din daw ni sir yun, naku napakayaman naman ng boss namin , ndi na aako mabibigla kung maarami pa itong ibang negosyo, kasya kami sa van bali lahat kami sa loob ay seventeen bali kinse kaming sales lady, ang driver at si maam Samantha, maluwag at maaliwalas ang van halatang pangmayaman ang loob na istraktura nito may nakita akong nakapaskil na logo ng van " The Height Hotel" mukhang pag-aari din ito ng aming boss, naku ang yaman talaga, sabi nga nila ang mayaman ay para din sa mayaman.
Pagkababa palang naman sa namin sa van, sinalubong na kami ng mga nagtratrabaho doon, dinala kami sa isang malaking lamesa na kasya kaming kinseng sales lady at si maam samantha, napansin ko marami din kaming nandito kasi bawat lamesa meron nakaupo, sabi ni maam samantha sa amin, mga nagtratrabaho din daw ang mga yun sa hotel , office at sa ibang pang business ni sir. Sobrang yaman ni sir, ano nga ba ang pangalaan, itatanong ko na nga kay maam samantha baka makalimutan ko pang itanong , tatawagin ko na sana ang pangalan ni maam samantha ng saktong ibubuka ko ang aking labi para magtanong kay maam samatha, biglang nagsalita ang emcee ng paluntunan na yun at bigla niyang sinabi dumating na daw ang boss , ang sabi ng emcee Miguel Dela Fuente Santiago daw ang pangalan ng birthday celebrant , ang boss naming lahat, tama ba ang narinig ko MIGUEL Dela Fuente SANTIAGO , biglang nawalan ng kulay ang aking mukha , biglang nanginig ang aking mga tuhod , ganoon din ang aking labi bigla ito umawang at ganoon din namilog ang aking mata dahil sa aking narinig buti nalang hindi ako napansin ng mga kasama ko sa lamesa na ito dahil bigla kaming pinatayo ng emcee apra magbigay galang sa bagong dating,biglang nanginig ang aking kalamnan, nanginig din ang mga tuhod ko, nakuyom ko ang aking kamaho dahil bumalik na naman ang sakit na mtagal ko nakinakalimutan , ano ba yan sinusundan ba ako ng aking nakaraan, kahit anong iwas mo pala sa iyong nakaraan susundan ka nito na parang multo
At unti unting itonh pumasok sa restaurant na yun , ang laalaking sinamba ko noon , ang lalaking minahal ko noon, ang lalaking nagbigay ng pasakit sa akin noon, ang lalaking kinabaliwan ko noon, ang lalaking pinagarap ko noon at higit sa lahat ang ama ng anak ko. At dumetcho na ito sa stage, nakangiti ito
Habang nasa stage ito malaya ko itong pinagmasdan, pinagmasdan ko itong maigi habang nakaupo ako, dahil pinaupo na kami ng emcee, ganoon pa rin ang itchura niya na kinakabaliwan ng lahat ng babae, yung mukha niyang hahangaan o kakaingitan ng kahit na sinong kalahi ni adan at sasambahin ng lahat ng kalahi ni eba, yung mukha niyang malaanghel pero malademonyo niyang ugali dahil sa dinanas ko na sakit dito, kahit naiinis ako dito ndi ko pa rin maalis ang aking mata at hangahan ang kanyang mga mata na malalam, labing mapupula, ilong na matangos, maputi at makinis na balat, matiponong pangangatawan at katakaraan nito na aabot ng 6'1 na ndi nalalayo sa aking taas na 5'8, ewan ba bakit ang tangkad , sabagay matangkad ang aking ama
Habang tinitignan ko ito nabuling sa aking sarili na wala pa rin ito pinagbago.
Binati ito ng mga nandoon, ang mga tao doon isa isang nagsilapitan sa kanya, at si maam samantha tumayo na ito para batihin din sir sir miguel, yung mga kasama namin sa trabaho, nagsitahuyan din para batihin din daw si sir, niyaya nila ako pero tumangi ako sabi ko nahihiya ako, ndi pa ako handang makita ito sa malapitan baka ano pa isipan nito na sinadya kong mapalapit dito dahil nagtrabaho ako sa botique nito, naku ndi ko nga alam na siya ang may-ari noon, kung alam ko lang di sna ndi na ako ng-apply ng tranaho doon
Iniisip ko kung magpapatuloy ako sa aking trabaho, makikita at makikita ko siya, pero naisip ko din na isang beses sa isang buwan lang naman ito pupunta doon kaya siguradong hindi ko ito makikita at pwede naman akong magdahilan pagppunta siya doon at liliban nalang ako sa trabaho noon.
Mabilis lumipas ang buong selebrasyon ni sir , buti nalang hindi niya ako nakita baka palayasin pa niya ako dito, nakakahiya pag nangyari yun.