Third Person's POV
Magkahiwalay na bumalik sina Jax at Kernel sa Aeon's Lab pagkatapos nilang iligaw 'yong stalker na sumusunod kay Jax.
Kernel didn't utter any word or ask any question to Jax. He's just waiting for him to open up. Dumiretso ito sa sofa sa living room at agad na humilata nang hindi tinatanggal ang helmet. Nawiwirduhan namang tiningnan ni Jax ito.
Napapailing na lang siya at agad na pumunta sa room ni Kitkat. Nadatnan niya si Violy na pinupunasan ang braso ng dalaga.
"How are you?" casual na tanong ni Violy nang hindi lumilingon sa gawi ni Jax. Napakunot pa ang noo niya dahil inakala ng binata na tatanungin siya nito kung saan sila galing.
'They really value each others privacy and business,' sa isip ni Jax habang tumabi kay Violy. 'Yong mga mata niya ay nakatuon agad kay Kitkat.
"I'm fine... How is she?"
"I didn't let Kernel spray it again to them. It's too dangerous for their health. Instead, I injected something same as the effect of the spray. They'll wake up tomorrow. Not sure what time."
Hindi naman tumugon si Jax.
"Let me." Inilahad niya ang kanyang kamay kay Violy at napangiti naman itong inabot ang pampunas.
Umupo siya sa gilid ng kama ni Kitkat at sinimulang punasan ang braso nito. Seryosong-seryoso habang sumusulyap sa mukha ng dalaga.
"As what I expected, you're sweet and caring. To think that you cannot move on for years because of a girl, even though she already passed away. I know the way you love is too much. That's why when you're hurt, you can't easily let go and move on."
Seryoso pa rin ang mukha ng binata habang nakikinig sa sinabi ni Violy. Gusto na niyang umalis ito sa room para mapayapa ang kanyang loob pero may something sa kanya na hindi niya ito mapaalis. Somehow, what she said is right.
"We understand you Jax. We all have mistakes in our past that it's hard to forget. But we change for good and learn of that mistake. I hope you'll be like one of us. Choose to be happy. We're always here."
"I don't need your words of wisdom."
Nanatili siyang seryoso sa pagpupunas ng kabilang braso ng dalaga. Pati mukha nito pinunasan din niya. Ingat na ingat.
He felt something strange because of what Violy said. It's like it's his first time hearing it from someone and he doesn't know what to react. The feeling is unfamiliar.
Nagpaalam si Violy na aalis na at tsaka tumalikod.
"She is being targeted by some enemies because of me..." biglang sabi niya na ikinahinto ni Violy. "...Thank you for taking care of her."
"Small things," nakangiting tugon ni Violy tsaka tuluyan nang lumabas ng room.
Pagkatapos niyang punasan ang dalaga. Agad siyang naligo at nagbihis na rin sa banyo sa loob lang din ng kwarto. Umupo siya sa maliit na sofa sa gilid tsaka nag-crossed arms at kunot na kunot ang noo na nakatitig kay Kitkat.
Again, his mind are at peace when staring at her. Sa dami ng nangyari na dapat niyang isipin at pagplanohang gawin ay hindi niya magawa. Parang naging blanko ang kanyang isipan.
Huminga siya nang malalim at sumandal sa sofa.
'Am I really falling for that idiot? When? How?'
...
Nang lumabas si Jax sa kwarto para hanapin si Kernel, nakita niya si Veign at ang isang lalaking pamilyar na mukha. Napatingin ang dalawa sa kanya nang lumapit siya sa mga ito.
Nakatitig lang si Jax kay Kevin na sobrang sama kung makatingin sa kanya. Tumayo bigla si Kevin at nagpaalam kay Veign na umalis. Hindi man lang siya pinansin nito.
Bumuntong-hininga si Veign at iniligpit ang C2 na wala ng laman. "Remember Kevin?"
Nakakunot-noo lang na tumango si Jax at hindi umimik. "He loves Casey way back then," simpleng sabi ni Veign.
Nang makuha ni Jax ang ipinupunto ni Veign, napahinga na lang siya nang malalim. Hindi niya alam kung anong sasabihin kaya nanahimik na lang siya. Alam niyang siya ang dahilan kung ba't namatay si Casey noon kaya alam niyang galit pa rin si Kevin sa kanya.
'If saying sorry will suffice,' sa isip niya.
"Where's Kernel?"
Hindi pa nakasagot si Veign sa tanong ni Jax nang sumulpot bigla si Kernel mula sa kwarto nito. Dala-dala pa niya ang kanyang susi ng kotse at parang ready nang umalis. Tinaasan niya ito ng kilay.
"I know you'll ask me to help you get the two back to their houses."
Hindi naman makapaniwalang napatitig si Jax sa kanya. "Were you really that bored?" tanong niya nang makitang mukha itong excited at ngiting-ngiti pa.
"Nope! You just owe me an explanation. Don't forget Jaxie, detailed by detailed," nakangisi nitong sabi at binigyan siya ng nakakalokong tingin. Lumiliit pa ang mga mata nito. Ilang segundo ay natawa ito tsaka pumunta sa room ni Alfonso.
Bumuntong-hininga naman si Jax at pupunta na sana sa room ni Kitkat nang biglang nagsalita si Veign.
"I'm part of the mission too. You can ask help from me," walang gana nitong sabi.
Napangisi naman si Jax. "We know we're not that comfortable with each other. But you can help us by always accompanying Lavandeir."
Bigla namang sumama ang mukha ni Veign kaya natawa si Jax. "Exseven wanted us to protect his love of his life. And you can help that when you stop her coming near us. Make sure she won't find out anything. We know she's clever." Nginitian naman ni Jax nang nang-aasar na ngiti si Veign at pumunta na sa room ng dalaga.
...
Nang makapasok na si Jax sa kotse ni Kernel habang buhat-buhat si Kitkat, curious namang napatingin si Kernel sa kanya nang makita siyang ngiting-ngiti.
Si Kernel ang nagd-drive habang katabi niya ang walang malay na si Alfonso. Sina Jax naman ang nasa likod.
"What are you thinking?" natatawang tanong nito. Tumingin naman si Jax sa kanya at mas lalong napangisi.
"If Exseven contact us again and still don't want to meet us... Let's scare that bastard!" nakangisi pa ring tugon ni Jax.
"What is it?" nakangiti ring tanong ni Kernel. Excited na excited pa ang mukha nito.
"Let's tell him that Veign is taking his chances to Lavandeir while he's away. Let's see if he still don't want to show up."
Natawa naman nang malakas si Kernel dahil sa idea ni Jax. Habang si Jax ay napangisi na lang.
"Oh! His one and only weakness! HAHAHAHA!"
'I'm excited to see what the asshole's reaction!' sa isip ni Jax. Gusto pa niya itong asarin dahil naiinis siyang hindi na ito muling tumawag sa kanila at sa envelope lang pinadala ang mensahe.
...
Tiningnan muna nila sa mula malayo ang paligid ng bahay ni Kitkat. Sinuri kung may nagmamasid pa ba dito. Kweninto kasi ni Jax lahat ng impormasyon na nalaman niya mula kay Franz at Noreen. Sinabi niyang inakit nga siya ni Noreen pero hindi na niya idenitalye pa. Hindi niya sana sasabihin ang parteng iyon pero kilala niya na si Kernel.
Nang makitang walang nagmamasid sa labas ay inihatid sila ni Kernel sa mismong harap ng bahay ng dalaga. Bago lumabas si Jax ay inasar pa siya ng binata.
"Alam kong isa sa dahilan kung ba't hindi ka nagdala ng motor. Kasi dito ka na matutulog? Hahaha!"
"Tsk! If in case someone is trying to lurk here, they can't see my motor."
Tumatango-tango naman si Kernel na parang naiintindihan niya ito. "Reasooon!" pakanta niyang asar dito tsaka umalis na.
Dala ni Jax ang maliit na bag ng dalaga. Nandoon na rin ang cellphone at susi ng bahay nito kaya hindi siya nahirapang makapasok. Nang makapunta na siya sa room nito ay dahan-dahan at maingat niya itong inilapag sa kama. Kinumutan niya ito tsaka inayos ang buhok.
He sighed and looked around the room. He's amazed on how clean it is and the things are very well arranged. The only thing that bothers him are the picture frames with his stolen picture that were hanged in the wall.
'This idiot is really obsessed with me.'
Hindi niya alam pero napapailing na lang siya at hindi mapigilang mapangiti.
As always he found himself staring at her. No other thoughts. His mind is at peace again.
Pumunta siya sa gilid ng kama nito at umupo sa sahig. Sumandal siya sa kama at tsaka nag-crossed arms. Ilang minuto lang ay ipinikit niya ang kanyang mata para makatulog. Kahit hindi sigurado kung makakatulog ba siya sa posisyong iyon.
'It's safer if I stay while she's still unconscious.'
Just like what Violy said. When he love someone, he'll love too much. He's scared but he wanted to take a risk.
...
The next day, Jax decided to attend school so that Noreen won't think that he know where's Kitkat. He already found out that Noreen publish the CCTV footage to their school's website. She even made a rumor about them having a one night stand. The headline also stated that he and Kitkat were not really in a relationship.
He already expected this outcome.
Everyone already know how much Noreen hated Kitkat. Everyone know the issues of the two that's why he chose Noreen to have the footage. It's better to use Noreen than anyone else.
He wanted to create a problem so that Kitkat will stay away from him. It's better to be bad to her for the sake of her safety.
The moment he arrived at the campus, many of the students were gossiping about the issue and their attentions were on him.
There were others who were obviously afraid of him especially students who happened to witness what he did in the court.
He didn't mind them at all.
What he mind is that he can still feel that someone, no, many of them were still observing him. Too many to recognize their whereabouts. He remained calm yet vigilant.
...
They doesn't have class in first subject that's why he decided to take a nap in a quiet place.
He was about to go near at the back of the school to take a nap for a a while, when suddenly he heard voices from the students.
Tahimik ang gawi na ito dahil walang estudyante ang madalas na tumatambay dito. Puno ito ng mga abandonadong kagamitan ng paaralan na mga sira-sira na. Malapit din ang gawi nito papunta sa forbidden place kaya walang tumatambay dito.
Hindi na sana niya papansinin ang mga iyon pero bigla niyang narinig ang boses ng Head of Committee dahilan na ikinahinto niya.
Wala sa sariling tiningnan niya ito tsaka nakita ang limang estudyanteng naninigarilyo at may dala pang mga alak na hindi pa nabubuksan, habang sinisita sila ng Head of Committee. Apat na lalaki at isang babae.
Sumandal si Jax sa dingding ng building na malapit sa kanila at nag-crossed arms habang bored na tinitingnan ang mga ito. He's usually like this. He doesn't care about other people. He just wanted to observe the situation.
"Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa loob ng paaralan! Lalo na ang pag-iinom! O kahit ang pagdadala ng alak!" galit nitong sabi pero dahil sa hindi ito ginagalang ng halos lahat ng estudyante ay pinagtatawanan lang siya.
"Ilang beses ko na kayong nahuli. Itigil niyo na ito kung ayaw ninyong ipatawag ko ang mga magulang ninyo! It is for your own good!"
Tumayo 'yung isa mula sa pagkakaupo sa isang sirang upuan at nagmamayabang na lumapit sa matanda.
"Huwag mo nga kaming pakialaman! Pakialamerong matanda!" sabi nito at medyo itinulak ng kunti. "Kami ang nagbabayad ng tuition dito kaya kailangan niyo kami para magkapera!"
Nagsitawanan ang iba nilang kasama kaya palihim na natawa si Jax. Hindi dahil sa sitwasyon ng matanda kundi dahil sa sinabi ng estudyante.
Itinapon ng isang lalaki estudyante ang kanyang paubos na na yosi sa matanda at natamaan ito sa kanyang braso.
Napaaray ang professor at napahawak sa kanyang braso. Kunti lang ito pero mahapdi pa rin nang matamaan siya ng nagbabaga na dulo ng yosi at napaso ng kunti.
Jax always know how the student disrespect the professors here. Because of the system that made by the gangs, students were more afraid and respect the gangs. Even the student council were afraid of them. He just didn't mind them before because it's not his business to mind.
"Pwede ko kayong ipa-drop kung sa susunod na mahuli ko pa kayo!"
"Kung kaya mo! Kilala mo naman siguro ang mga ama namin?"
Kalma namang lumapit si Jax sa mga ito na natatawa pa. Natawa siya dahil lang sa pagbanggit ng isa tungkol sa kanilang mga ama.
Napalingon naman ang lahat sa gawi niya. Nagtama ang tingin nila ng head of Committee. Kunot-noo siyang tiningnan nito. Hindi niya ito pinansin at tinignan ang mga estudyante.
Mabilis niyang hinablot ang isang yosi na hawak ng babae at ang bote ng alak. "These look cheap!" komento niya pagkatapos suriin. "Well, it suits to cheap people so it's okay."
Agad namang lumapit sa kanya ang lalaking nagtapon ng yosi sa head ng committee kay Jax at hahawakan na sana siya kwelyo nang agad niyang idinampi ang nagbabagang dulo ng yosi sa dibdib nito. Diniinan niya pa ang pagdampi nito.
Napaatras ito at napasigaw sa sakit dahil sa pagkapaso nito, dahilan nang napatayo ang lahat mula sa inuupuan nila.
Nanlaki ulit ang mata ng matanda dahil sa hindi inaasahang ginawa ni Jax. He didn't expect that Jax will do this even though he knew that there's something unique about him. Nakikita niya kasing sa lahat ng estudyante ay ang binata lang ang walang paki at walang takot na lumaban sa mga gangsters at siya lang din ang nagtagal sa paaralan na kumalaban sa mga ito.
Hinawakan ni Jax ang sa may bibig ng bote at binasag ang katawan nito. Napaatras naman ang matanda dahil sa kanyang ginawa. Lahat sila ay nagulat at 'yong isa ay napaatras. Hindi sila makapaniwala sa nakita.
Isa pa, napakatahimik lang din ng top 1 na si Jax kaya first time nila itong makitang ganito.
"Who are your fathers anyway?" walang ganang tanong ni Jax. Nag-iwas agad ng tingin 'yong lalaking takot sa kanya. Habang ang 3 tatlong lalaki at ang babae ay nakakunot-noo pa ring nakatingin sa kanya.
Ipinakita niya ang basag na bote tsaka nakangising binalingan ang mga ito. "Will your fathers be able to save you when I kill you using this?"
Sa hindi malamang dahilan ay pareho silang kinabahan sa sinabi nito. Seryosong-seryoso pa at napakalamig ng boses. Yung matanda naman parang mahihimatay sa gulat.
Sino ba namang mag-aakalang ang top 1 at lagi niyang maaasahan ay makakagawa nito?
"Ang hambog nito ah!" sabi nong isa nang makabawi mula sa pagkagulat at agad na lumapit kay Jax para sana suntukin, nang mabilis na itinutok niya ang basag na bote sa leeg nito. Namutla naman ito nang makitang lumapat ang matalim na bahagi ng bote at isang diin pa ni Jax ay dudugo na ito.
'Ang bilis! Tangna!' sa isip ng ibang nakakita.
"If you're just going to act shits here then build your own school with the statue of your father and leave this place!" Malamig na may diin na pagkakasabi niya dahilan ng panayuan na ng balahibo ang estudyanteng tinutukan niya ng basag na bote.
'Yung isang kasama naman nilang alam ang kayang gawin ni Jax ay mabilis na humingi ng tawad at aalis na sana nang mabilis itong pinigilan ng binata.
"Stop! Did I tell you to get away?" Agad na nanlambot ang tuhod nito dahil sa sobrang sama ng tingin ni Jax.
Dahil nasa kanya ang atensyon ni Jax, mabilis na umatake ang dalawa pang lalaki sa kabilang banda niya. Agad niyang itinulak ang lalaking tinutukan niya ng bote tsaka tumalon nang malakas at tinadyakan ang isa. Agad din niya siniko sa leeg ang isa dahilan nang mapaluhod ito at napaubo. Ganoon ka simple niyang gawin iyon.
Hindi naman malaman ng head of committee kung mamamangha ba ito o matatakot.
Binalingan niya naman ang babae at mabilis na hinablot ang cellphone nito. "You'll call your brother? Call him! I'm curious to see how will he react seeing you lifeless..." Nakangisi niyang tugon na ikinalaki ng mata ng babae dahil sa takot. Nangiginig pa ito. "I don't mind if you're a woman," pananakot niyang bulong rito at umepekto naman.
Nang binalingan niya ang ibang lalaki ay napangisi na lang siya nang nakaluhod na ang mga ito at humihingi ng tawad kay Jax.
Tinakot niya pa ang mga ito na sisipain ulit pero nagsimakaawa na itong tigilan na. Sa isang atake lang ni Jax ay napakasakit na ng impact sa kanilang katawan.
Nag-crossed arms siya tsaka bored na tiningnan ang mga ito. Pinagdidikit niya ang lima habang nakaluhod sa kanyang harapan. "Even high schools know that it's forbidden to drink and smoke inside the campus..." Inilapit niya ang mukha sa kanila na mas lalong ikinayuko ng mga ito. "But if you really wanted to do these things, you can do it inside the forbidden place," bulong niya para mas lalong takutin ang mga ito.
"P-patawad! H-hindi na mauulit!" nag-uunahang sabi ng mga ito. Tumayo naman nang tuwid si Jax at tiningnan ang Head of Committee na hanggang ngayon parang nanaginip sa kanyang nakikita.
Nang magtama ang paningin nila, Jax rolled his eyes heavenward tsaka muli niyang binalingan ang lima.
"Whoever disrespect any of the staffs, teachers, janitors, student council inside this school! It's me they're going to face! And I won't let them drop out... alive!" bulong niya sa huling salita na mas lalong ikinanindig ng balahibo ng lima.
"Understand?" tanong niya na agad nagsitanguan ng mga ito.
"Now apologize to the head of the committee and clean this place before leaving. If I get back again here and can see even a little piece of glass, you know what will happen!"
Tumalikod si Jax sa kanila. Agad namang humingi ng tawad ang mga ito sa matanda. At nagmamadaling pulutin ang mga basura.
"Spread my words to everyone!" utos niya bago niya nilapitan ang matanda.
"They mistreated you because you let them! Use your power being the head of the committee so they'll stop disrespecting you, old man!" pagsesermon niya sa matanda.
Mas lalong nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Namamangha siya pero hindi niya maiwasang magulat. "Pero..."
"I know you're afraid of them because of the background of their families, but they're only few. And you let the gangs control the system because they threatened you to ruin the school's image. If you won't be able to change this kind of system... resign from your position!" sobrang seryoso niyang sabi.
Ilang sandali, napakunot ang noo ni Jax nang makitang umiyak ang matanda. Nagulat pa siya nang makitang hinawakan nito ang mga kamay niya. "If my son was as strong as you, hindi siya mamamatay dahil sa mga gangsters."
Mas lalong kumunot ang noo ni Jax sa sinabi nito. Nakarinig na siya noon na may anak ang Head ng Committee pero namatay na. Hindi lang siya aware na may kinalaman sa gangsters.
"Alam ko ang lahat ng nangyayari sa paaralan. Isa ang anak ko sa namatay sa forbidden place. Pero ipinalabas lang na nagpakamatay ito sa lugar na iyon."
Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa narinig. "And when did that happen?"
Nagtataka siya kung bakit wala siyang alam dito tungkol sa head committee. Wala din naman siyang paki kung sinu-sino ang mga namatay sa pagsali sa recruitment. Hindi din siya masyadong interesado sa buhay ng matanda kaya wala siyang alam. Wala din naman siyang narinig na pinag-uusapan ito ng mga estudyante.
"2 years ago nagsimula nang may mga namatay na estudyante. Walang nakakaalam kung anong tunay na nangyari. Wala kaming alam lahat dito na may mga gangsters na pala sa loob ng paaralan at mga estudyante pa. Nalaman ko na lang dahil sa nahuli ko ang anak kong gustong sumali sa kanila. Pero huli na ang lahat nang malaman ko!" naiiyak nitong sabi.
Kitang-kita ni Jax ang emotion ng matanda. Nasasaktan ito nang matindi.
'Grief...' sa isip niya. 'I never thought there are still fathers who grief like this when it comes to their son.'
'Two years ago? It was only eight months after the fight of Yumi and Dakumasuta. And from what I have had hear from the students, gangsters already existed several years ago without the teachers' knowledge. But the system was changed exactly two years ago. That time when Franz transfered here. Noreen transferred a year after Franz.'
Lalo siyang naguluhan tungkol sa ugnayan ng dalawa.
Binigyan naman ni Jax ng panyo ang matanda. Natawa naman itong tinanggap ng matanda at sumisinghot pa. "Pasensya na iho kung naging emosyonal ako."
"Tsk!"
Tumalikod si Jax at aalis na sana nang muli siyang tinawag ng professor.
"Inaasahan ko pa rin ang desisyon mo sa offer ko bilang student council president."
Napahinto si Jax at napaisip. Muli niyang naalala ang rumor nila ni Kitkat. Kung tatanggapin niya ang offer, mako-control niya ang lahat ng estudyante. Dahil sa sinabi ng matanda, nagkaroon siya ng idea kung anong dapat gawin sa mga oras na ito.
Hinarap niya ang matanda at seryosong tiningnan. "I will accept your offer. If you want me to change the system back, I will do everything I can. But, in my own way."
Nakita niyang ngumiti nang totoo ang matanda at agad na lumapit sa kanya. "Hindi ko alam kung anong nagpapabago ng iyong isipan pero oo, pahihintulutan kitang gawin ang gusto mong paraan para lang maibalik sa dati ang sistema, iho."
Labis ang tuwa na nakikita ang ni Jax sa mga mata ng matanda. Nakikita niyang mahal nga ng matanda ang paaralan niya.
"I'll do it for the school and for the students."
"And for her..." nakangiting dagdag ng matanda na ikinakunot lalo ng noo ni Jax. He knew what the old man meant.
"Narinig ko ang mga pinag-uusapan ng estudyante tungkol sa iyo at ni Ms. Reyes. I know you were bothered about those, Mr. Connor. I always saw you looking at her. You're not just aware but you are already interested in her way back then. Sa lahat ng babaeng gustong lumapit sa 'yo, siya lang ang ipinaghintulutan mo," mahinhin na sabi ng matanda.
Mabilis niyang pinigilan ang pagkagulat nang maramdaman niyang tumibok ang kanyang puso dahil sa narinig. Hindi niya kasi inakalang maririnig niya ito mula sa head ng committee.
"I don't need your opinion, professor!" naiinis niyang tugon at umalis na. Natatawa naman ang matanda.
Interesado na ang matanda sa kanya. Hindi lang siya kundi ang lahat ng guro ay gusto si Jax bilang estudyante dahil sa angking talino nito. Magalang din ito sa mga guro at mabait sa ibang staffs.
...
Isang subject bago mag-lunch ay ipinatawag ang lahat ng estudyante dahil ipinaalam ng lahat na si Jax na ang bagong president ng student council. Saglit lang itong nagpakilala dahil agad niyang sinabi ang kanyang mga new rules ng paaralan. Tinakot niya pa ang mga ito na may mahaharap na parusa ang sinumang sumuway o lumabag sa mga rules na iyon.
Simple lang naman, katulad lang ng ibang paaralan ang mga rules. No physical fighting. No bullying. Drinking alcoholic drinks and smoking are prohibited. Respect all the teachers, staff, student council, especially ang head of the committee.
At dahil maraming estudyante ang mga naka-witness sa nangyari sa court noon, alam nilang hindi nagbibiro si Jax.
...
Itutuloy...