Warning SPG : slight sexual and violence.
Please vote and enjoy reading! Lame update. - Frans
...
Third Person's POV
Magkahiwalay sina Kernel, Veign, at Jax nang dumating sila sa lugar malapit sa address na binigay ni Noreen. Kailangan pa nilang i-park ang sasakyan ng dalawa at ang motor ni Jax bago pumasok sa isang makitid na eskinita.
Dikit-dikit ang mga establishments nito at bawat madadaanan nila ay may mga bar, club, at inuman. Marami pang mga nag-iinuman at nagsasayawan kahit nasa tabi ng daan. Maraming tao, lalo na mga binatilyo at dalaga.
Isang lugar na hindi nila inaasahan. Inaasahan kasi nilang katulad n'ong sa casino at hotel ang pupuntahan nila.
Pumasok naman si Veign sa isang club habang si Kernel ay agad na nakipagsayawan sa mga kababaihan kahit nasa labas pa.
Nagpatuloy naman si Jax sa paglalakad hanggang matunton niya ang mismong address na tinutukoy sa card na binigay ni Noreen.
Nagmamasid ang dalawa sa paligid at back-up din sila ni Jax if ever may hindi magandang mangyari sa meet up. They're just this careful.
Tiningnan ni Jax ang dalawang nagsilbing guard na malalaki ang katawan na nakatayo sa harap ng pintuan papasok sa lugar kung saan nakatukoy ang address. Sinubukan niyang pumasok sa loob pero hinarangan siya ng mga ito.
Sinubukan rin niyang ipakita ang card na bigay ni Noreen at parehong nagkatinginan ang dalawang bantay tsaka kinuha ang card na hawak niya. 'Yong card na may nakalagay na 'The Blues.'
Pero hindi pa rin siya nito pinapasok at tinanong pa siya kung sino ang nagbigay nito sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo dahil naiinip na siya sa mga ito at gusto niya na lang itong patulugin. Kaso hindi pwede. Madaming tao sa labas kaya madaming makakakita. Hindi niya rin alam kung anong meron sa lugar na 'to. Simula pa n'ong pumasok sila sa eskinitang ito ay wala siyang makitang kahit isang CCTV.
"He's with us!"
Nilingon ni Jax ang kinaroroonan ng boses at nakita niyang si Noreen ito kasama si Clark. Agad siyang nginitian ng dalaga habang si Clark naman ay masama lang siyang tinitigan. Kinunotan pa siya nito ng noo.
Pinagmasdan naman ni Jax ang paligid nang makapasok na sila sa loob. Nagiging alerto din siya dahil baka isa lang itong patibong para sa kanya. Mga katulad ni Noreen ay hindi dapat pagkakatiwalaan.
Napakalakas ng tugtog ng disco music ang sumalubong sa kanila. Iba't-ibang kulay ng ilaw ang nagsisilbing liwanag sa loob. Typical club. Maraming nag-iinuman, nagsasayawan, napakaingay ng ibang naghihiyawan habang sumasayaw sa dance floor. Mausok dahil sa daming nagyoyosi at nagvi-vape.
'The Blues,' basa niya sa kanyang isipan nang makita ang napakalaking sign sa likod ng DJ kung saan nasa ibabaw ng stage.
Nasabi niya na rin kanina kina Veign at Kernel ang tungkol sa nabanggit ni Clark na may tinatakbuhan sina Franz at Noreen.
'As long as we convince The Blues then we can no longer be afraid.'
Naalala niya pa ang narinig niyang sinabi ito ni Franz kay Noreen noon. And as what they had analyze, The Blues were the one supporting the two right now. That might also be the organization that Kernel's ex was talking about.
Investigating Noreen leads them to The Blues.
And they need to investigate further. Until now they don't have any clues or ideas what they're looking for. What they need to search for. Exseven's order was vague.
Habang sinusundan niya sina Noreen, alam niyang maraming nagnanakaw ng tingin sa kanya mula sa mga tao sa loob nitong club.
'They made me feel like an idiot. Tss!' sa isip ni Jax nang damang-dama niya ang mga tingin ng mga ito.
There's a possibility that all people here were just waiting for him to arrive. And Jax was aware of that.
Nakita niya ang mga pamilyar na mga mukha nang huminto si Noreen sa isang table na pinapalibutan ng apat na
sofa.
"You cannot leave the moment you join!" sekretong bulong ni Clark sa kanya at naunang umupo sa sofa katabi ni Noreen.
Hindi umimik si Jax pero alam niya ang ibig sabihin ng sinabi ni Clark sa kanya.
"Yoww! Nandito na ang hambog!"
"What is this place?" kunwaring tanong niya kay Noreen at hindi pinansin ang sinigaw ni Lance.
Pasimple niyang nilibot ang loob, nakita niyang kumpleto ang tatlong gang pero magkahiwa-hiwalay ang mga ito. Tiningnan niya ang 2nd floor, nandoon ang table nina Franz. Kinawayan pa ito ni Jax at nginisihan nang magtama ang kanilang paningin.
Sa may gilid malapit sa DJ naman, nandoon si Neil at ang iba pang myembro ng The Demons.
"This is one of the businesses of our organization," bulong ni Noreen sa kanya nang pinaupo siya sa tabi nito.
Kunwaring nagtataka si Jax sa sinabi nito. "Organization? What organization?"
"The Blues is an underground organization and this is one of their businesses. All people here belongs to the org. No outsiders can enter. Except you, since you and our boss has some business to do."
Tumango-tango si Jax habang kunwari nakakunot pa rin ang noo. "When can I meet that higher ups you were talking about?"
Ngumiti naman si Noreen sa kanya. "Relax! Our boss will arrive soon!" sabi nito tsaka kumuha ng maiinom.
Hindi umimik si Jax at napatingin lang siya kay Clark nang inabutan siya nito ng maliit na glass na may lamang alak. Nakita niya pang lahat ng members nila ay sobrang sama ng tingin sa kanya.
"If you were to join our organization, which one of us will you join?" seryosong tanong ni Clark sa kanya.
Inabot niya ang baso ng alak tsaka nagdududang tiningnan si Clark na baka may kung anong laso ang inuming iyon. Umiling lang ito sa kanya kaya napangisi na lang siya at sinagot ang tanong nito.
"I won't choose between the three gangs! My skills are very much expensive to be part of it..." natatawang sabi nito. Narinig ito ng katabi niyang isang membro nila kaya agad itong nagalit.
"Anong sabi mong hambog ka?" sabi nito at binato pa ang isang bote sa sahig dahil sa galit.
"You cheap ones!" nakangisi nitong pang-iinsulto. Dahil doon nagsitayuan sina Lance, Fourth at iba pang members.
Nagulat si Jax nang biglang tumigil ang lahat ng mga tao sa loob ng club, pati na ang tugtog ng DJ at lahat nakatingin sa kanilang gawi. Lahat as in lahat na pati ang mga servers at mga naglalakihang katawan na mga guard ay napatingin sa kanila. Na parang sinusuri nila ang susunod na gagawin ng binata.
'They're this alert just because of me?'
Malakas namang natawa si Jax habang itinataas ang mga kamay. Nilibot niya ang tingin sa paligid at sinalubong ang tingin nina Franz, Neil, Clark at sa huli ay si Noreen.
"It seems that I am very much welcome here!" sarcastic niyang tugon sa dalaga na ikinakunot nito ng noo. Muli niyang hinarap ang mga tao. "Hahahaha! Chillax! You make me think that I was set into your traps! I feel like I am a special guest." In-emphasize pa niya ang 'special.'
Natatawa pa rin siya habang kinuha ang isang baso ng alak tsaka sinalinan ito at agad na ininum. Ilang sandali ay bumalik na ang mga tao sa kanilang pinagagagawa.
Muling bumalik ang malakas na tugtog ng DJ at muling nagsasayawan ang lahat sa dance floor.
Pareho namang nakakunot ang noo ng tatlong leaders at si Noreen. Hindi nila inaasahang sobrang bilis nitong makaramdam at ngayon alam na nilang sinadya iyong i-provoke ni Jax para malaman na siya lang ang sinadya nilang lahat.
Pinagpagan pa ng binata ang damit n'ong katabi niyang galit na galit sa kanya tsaka nginisihan. "You were too hot headed! Chill!" Pinisil-pisil pa niya ang balikat nito na mas lalong ikinainis nito.
Dahil katabi niya si Noreen sa kabilang side, mas lalong dumikit si Jax rito at ipinulupot ang kanyang braso sa bewang nito tsaka dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamay sa legs ng dalaga.
Damang-dama niya ang pagkabigla ng dalaga. Sinalubong niya rin ang seryosong tingin ni Clark sa kanya na nakaupo lang din sa kabilang side ni Noreen. Inilapit niya ang mukha niya sa may batok ng dalaga habang hindi niya inalis ang pang-aasar niyang ngisi kay Clark.
"Let your boyfriend prepare your burial after this!" Sinadya niyang lakasan ang pagkakasabi niya para marinig iyon ni Clark.
Inalis niya na ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang nito tsaka muling kumuha ng maiinom.
Alam na ni Noreen na nagalit ang binata. "I didn't put you in a trap if that's what you think! We were like this when someone's gonna join the organization! We were just making sure!" naiinis na sabi ni Noreen.
Wala siyang sinabihan tungkol sa confrontation nila na nangyari sa student council. Hindi niya rin sinabi kay Franz ang tungkol sa may alam na si Jax na isa siyang Forbes dati.
Hinding-hindi niya maiisahan ang binata dahil sa talas nitong makiramdam. Kinakabahan na siya ngayon nang magsinungaling siya sa binata kanina. Ang totoo ay nagmamasid lang ang kanilang boss kay Jax simula pa nang pumasok sila dito.
Dalawang oras at kalahati na ang lumipas at patuloy pa rin silang umiinom. Nginingisihan ni Jax sina Lance, pino-provoke ng sadya para maasar ang mga ito.
"So what now? Even if I join you, I will still stick to my new rules in the campus. And whoever disobey those, I won't stay still!"
Natawa naman si Clark sa sinabi rito. Kahit alam niyang magaling nga si Jax at nakikita niya rin ang kakayahan nitong makipaglaban, naiinsulto pa rin siya.
"You cannot easily change the system! Even if you did change the rules, the student will and still obey us than you!" Sabi ni Clark at nagtawanan naman ang ibang mga kasama.
"Makikita mo ring hambog ka kung sinong binangga mo! Hindi kami natatakot sa 'yo dahil lang sa ginawa mo doon sa recruitment."
"Well, let's see about that!" nakangising tugon ni Jax.
Nagiging suspicious na rin siya nang nadagdagan pa ng isang oras ang lumipas at hindi pa rin dumating ang boss na sinasabi ni Noreen. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang mga tinginan ng karamihan sa kanya pero hindi na katulad kanina na damang-dama niya ang lahat ng atensyon.
At kanina pa rin niya napapansin na palagi siyang binibigyan ng alak kahit kakainom niya pa lang. Alam niyang nilalasing siya ng mga ito at alam niyang may hinihintay lang ang mga ito na tamang pagkakataon. And he needs to find out what is it.
'It's because of their stupid acts made them readable. They're obviously exchanging glances to one another. They were all idiots!'
"So this is it? Hahaha! I'm bored!" kunwaring lasing na pagkasabi niya tsaka dahan-dahang tumayo. Sinambot pa niya ang isang bote ng alak at itinungga ang kalahating laman nito at umalis sa table nila.
'Why am I going through this hell?! Damn it!'
Nagre-reklamo siya nang ma-imagine ang sarili na para siyang isang baguhan na binigyan ng napakawalang-kwentang misyon. Ang magpanggap na lasing sa mga bibwit sa paligid!
'What are they waiting for?' naiinis niyang tanong sa kanyang isipan.
Palihim namang nagkatinginan ang mga tao sa loob ng pumunta si Jax sa dance floor at basta-basta na lang nakipag-partner ng sayawan sa mga babae.
Nagngisihan pa sila nang makitang lasing na ang binata. Pinaalam naman ni Franz ang kanilang boss na si Mr. Summit na umaayon ang kanilang plano. Nasa 2nd floor lang si Mr. Summit kasama ang nakababatang kapatid na lalaki na nasa mid 30s.
Madilim ang paligid at tanging ilaw lang ng disco lights ang nagsisilbing liwanag sa loob. Ipinagpatuloy niya ang pag-dirty dance sa partner niyang babae na nakatingin din sa kanya na may pagnanasa sa mata. Masasabi pang medyo natatamaan na ito ng alak. Hinawakan niya ang pwet nito para mas lalong makalapit sa kanya tsaka kunwaring inaamoy-amoy ang leeg nito.
Iginapang niya ang isang kamay sa may neckline ng blouse tsaka hinawakan ang sleeve nito at ibinaba. Dinadampian niya ng maliliit na halik ang balikat nito tsaka niya palihim na tiningnan ang ibabaw ng dibdib ng dalaga.
'She doesn't have that eye tattoo...'
Pagkatapos n'on ay inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti nang nakakaloko sa dalaga. "I don't like you! You're cheap!" sabi nito tsaka iniwan ang babae at humanap ng iba.
Ganoon din ang kanyang ginawa sa dalawa pang mga babae at mas lalo siyang nagtaka nang makitang wala itong mga eye tattoo na katulad n'ong nauna at katulad kay Noreen.
'What the hell! There's a possibility that this organization and those unknown assholes with eye tattoo aren't the same! What's going on?' gulong-gulo niyang tanong sa isipan.
Naalala pa niya ang narinig niya mula kay Noreen noon, 'Make sure to find out about those guys who were also after them.'
'I get it! She's preferring to that assholes who raided us that night! If those were not The Blues, who are they?'
Habang nakikipagsayaw siya sa isa pang babae, biglang may dumaan na babaeng server sa tabi nila at hindi niya ipinahalatang nagulat siya nang makita ang pamilyar na mukha nito. Sakto namang tinawag ito ng kasayawan niya at kumuha ng drinks dito.
Napatingin naman ang babaeng server sa kanya tsaka tinaasan ng kilay. 'You know me?' she mouthed those words yet Jax was able to understand her. He was impressed on how she easily noticed him staring.
He didn't give her a reply and just look away when his partner finished drinking the alcohol and put the glass back to the server's tray.
'She's...'
Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin sa isipan nang hinawakan ng babaeng kasayawan niya ang kanyang mukha. Hahalikan na sana siya nito pero inunahan niya itong hawakan ang magkabilang pisngi. "You're hot," kunwaring lasing na pagkasabi niya. Kinagat pa niya ang kanyang labi habang inaakit ang babae.
"Mind to have some quicky?" tanong niya rito at nginingisihan. Hindi pa nga ito nakasagot nang hinila niya ito papunta sa comfort room sa loob habang tinataas-taas ang maikli nitong dress at hinihimas ang legs nito.
Napapailing na lang ang mga members ng tatlong gang nang makita si Jax na pumasok sa comfort room kasama ang babae. At alam nilang magme-make out ang mga ito.
Noreen rolled her eyes heavenward. 'If I knew he'll be like that when too drunk, I might as well let him drink that night to seduce him! Boys are always boys!'
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya matanggap na naisahan siya ni Jax. Sobrang pagkapahiya ang naramdaman niya at naiinis pa rin siya dahil naapakan ang kanyang ego!
"What's going on between you two?" curious na tanong ni Clark sa kanya na ikinatawa niya nang mapakla.
"Don't tell me you're now jealous?" nakangisi niyang tanong dito. Tumayo siya tsaka umupo mismo sa kandungan ng binata. "Don't be babe! I am all yours!" dagdag niya at agad na hinalikan si Clark.
Dahil sanay na siya at palagi na nila itong ginagawa kahit nasa paligid pa nila ang members nila ay hindi na nila big deal ang ginagawa nilang ito.
Gusto lang malaman ni Clark ang pagitan ng dalawa hindi dahil sa nagseselos siya sa kanila. Kundi gusto niyang gamitin ito para layuan si Jax ni Kitkat.
Simula nang makita niya kung anong klaseng tao si Jax, n'ong makita niyang basta-basta na lang itong pumatay at napagtanto niyang hindi ito ordinaryong estudyante 'tulad ng nakikita ng lahat sa image ni Jax, napagdesisyonan niyang kunin muli ang loob ni Kitkat.
Dahil kung mahuhulog lang naman ang loob ng dalaga sa taong katulad ni Jax, ay gusto niyang sa kanya na lang mismo. Gagawin niya ang lahat mabawi lang ito.
At first he let Kitkat stick with him because he looks like a good student and doesn't care about Kitkat's presence. He's kind towards the teachers and doesn't always care about anything else.
But it's not. Clark know Jax are worse than what he expected.
...
Nang mai-lock ni Jax ang pinto ng comfort room, mahigpit na tinakpan ni Jax ang bibig ng babaeng kasayawan niya. Nagulat ito pero agad niyang sinuntok nang malakas ang sikmura nito at ilang sandali lang ay nawalan ito ng malay.
"Ahh! Ahh!"
Kunot na kunot ang kanyang noo habang maingat niyang ipinasok ang walang malay na babae sa loob ng cubicle. Nilabas niya ang maliit na spray na nakatago sa bulsa ng kanyang pants at nilapitan ang dalawang nag-iingay sa kabilang cubicle.
"Hmm! Faster!"
Tinakpan niya ang kanyang bibig at ilong tsaka ini-spray sa ibabaw na space ng cubicle. Inakyat niya ito at nakita ang isang babae na nakapatong sa kandungan ng lalaki habang nakaupo ito sa toilet bowl. Sarap na sarap pa ang dalawa sa kanilang pinaggagagawa.
Nagulat pa ang dalawa nang makita siya at 'di kalaunan ay nawalan ang mga ito ng malay.
"Tsk!" diring-diri namang bumaba si Jax at tiningnan ang dibdib ng dalawa. Katulad din ito ng mga nauna. Parehong walang mga eye tattoo.
Dahil nakahubad na ang mga ito, nakita niyang kahit sa ibang parteng katawan ay wala itong tattoo na pareho sa mga taong humahabol sa kanila sa hotel.
Agad niyang tinawagan si Kernel habang chini-check ang iba pang cubicle kung may tao pa ba.
"Wait for awhile baby!" dinig ni Jax na nagpaalam pa si Kernel sa babae. "Oh? You need us?" Malakas pa ang sounds mula sa phone at alam niyang nakikipagsayawan ito.
Jax rolled his eyes heavenward when he knew Kernel is enjoying his night.
"Anyway, I think you're in trouble! There were more men who entered in the club you're in!" paalala ng binata mula sa phone tsaka bigla itong tumawa.
"Deeyym! Veign already found some hot babe! They're having a sweet night talk! Oh! Naghalikan na ang mga powta! Hahahaha! Hindi pa nga naka-move on kay Lava ang isang 'to!" dagdag pa nito.
Bumuntong-hininga naman si Jax para pigilan ang inis. Gusto niyang puntahan ang mga ito at pagsasapakin!
"Shut up will you! I'm gonna turn my tracing device on! Trace me if I cannot contact you within an hour!"
Napag-isipan na nila itong gawin in case na niloloko lang siya ni Noreen.
"Copy! We're being alert and always ready! We asked from anyone here, no one can enter that club unless if you were a member. But we already found a way where to enter in to that club."
"The club was just a façade. We're right! The Blues were an underground organization. Same as Noreen, all their members doesn't have an eye tattoo! I suspected that those assholes who were following me were not belong to this org!"
"Good! So what happened? You were there for almost four hours already! We thought you were already murdered! Sayang! Mag-aalala na sana kami!"
Mas lalong nainis si Jax nang makuha pa nitong makipagbiruan. Kahit kailan, hindi pa rin siya nasasanay sa ugali ni Kernel.
"I was being observed! I was put into their trap yet they didn't do anything yet! These bastards are still waiting for something!"
"Okay! I'll inform Veign and we'll get ready! Hindi maganda ang kutob ko sa mga pumasok na mga lalaki diyan! We care for you Jaxie! We're family! Hinding-hindi ka namin pababayaan kamahalan!" natatawang sabi ni Kernel.
"And I saw your ex here..."
Bigla namang tumigil si Kernel sa pagtawa dahil sa kanyang sinabi. Napangisi si Jax nang ma-imagine niyang naglaho ang mga ngiti nito.
"She's pretending to be one of the servers. I think you really need to confront her or find out anything connected between her and this The Blues organization! Also... Bastard!" reklamo ni Jax nang hindi pa nga siya tapos magsalita ay binabaan na siya ng tawag.
Eksakto namang may kumatok sa pinto. Tinatawag siya ni Noreen kaya mabilis niyang binura ang call history at itinago ang cellphone sa bulsa sa harap ng black jeans.
Nang binuksan ni Jax ang pinto, agad namang sinalo ni Noreen ang binata nang para na itong matumba sa kalasingan. Napayakap pa ito rito.
Napangisi naman ang dalaga nang mapagtanto niyang alcohol lang pala katapat ng binata. Agad niyang tiningnan ang mga kasama niya tsaka tinanguan. 'Yung iba naman ay patuloy lang sa pakikipagsayaw, maliban sa tatlong members ng gang na nagsitayuan at pumasok sa isa pang room sa 2nd floor.
Pinagtulungan naman nilang inalalayan si Jax papunta sa kung saan naghihintay si Mr. Summit.
Patapong itinulak nila si Jax sa harap ng sinasabi nilang boss. Natatawa pa ito habang iginagala ang tingin sa paligid. Nagpapanggap pa ring lasing at nahihirapang tumayo.
Nakita niya ang dalawang lalaki, 'yong isa ay iyong matandang Mr. Summit na nakita nila Kernel doon sa hotel. Ang isa naman ay ngayon niya lang nakita.
'They're one of the higher ups.' panghuhula niya.
"You cornered me?" tanong niya gamit ang lasing na tono. Dahan-dahan pa siyang tumayo at kunwari na o-outbalanced pa.
Napagtanto niya ring naging tahimik ang paligid at hindi ito katulad ng mga VIP room sa club. Napakalawak at napakalaki ang room na ito. Walang ibang bagay ang nandito maliban sa isang mamahaling desk at dalawang sofa. Hindi rin nila marinig ang ingay sa baba.
'I did not think there's a room like this here.'
"Jax Blaine Connor..." mahinang banggit n'ong nasa mid 30s tsaka pinagmasdan siyang maigi nito.
"Are you sure he's that good, brother?" tanong ng matandang Mr. Summit sa katabi niya.
'The Summit Brothers! Why are they eager to recruit me?' sa isip ni Jax.
"Yes it's him. I saw him at the recruitment," sagot n'ong nakababatang kapatid. Nagtaka naman si Jax dahil hindi niya ito napansin sa court noong gabing iyon.
"Then let me see his skills before letting him join us. If he can't survive then you know what to do next," utos ni Mr. Summit kina Franz.
'So this was it? The reason that those who didn't pass the recruitment will be killed by them?' sa isip ni Jax nang makuha niya agad ang meaning sa sinabi nito.
It's an organization so they won't let anyone find out about them not unless they're members. If someone cannot pass, they need to eliminate it to safety their information.
'They have a very weird and inhuman way of recruiting! It's so unfair to those who will gonna join!' sa isip niya.
Napaka-unfair talaga. Dahil aside sa ma-recruit sila ng tatlong gangsters ay dadaan muna sila sa ganito. Silang lahat na kasali sa gang ay dumaan sa ganito noong time na dumating si Noreen sa kanilang campus.
Pero kapag nakapasok na sa organisasyon, ay malaki namang suporta ang binibigay ng mga ito lalong-lalo na sa financial.
Kinakabahan naman sina Franz at si Noreen, dahil sa oras na hindi matanggap si Jax sa organisasyon, the higher ups won't grant their personal request from The Blues that no one knows about. They were also promised that they'll be part of the VIP if they're able to recruit Jax.
Noreen and Franz were The Blues' recruiters that's why they recruit Clark and Neil's gangs. They don't have an idea why their boss was so eager to recruit Jax to the organization pagkatapos n'ong mangyari sa court. Noong una ay gusto lang ni Noreen na i-recruit ito bilang kasali sa grupo nila ng Mysterious Knights. Namamangha kasi siya sa tapang nito.
Kahit kasi nasa isang org sila ay magkalaban-laban pa rin ang tatlong gangsters. Magkalaban na kasi sila simula noon pa bago dumating si Noreen. Nagpapataasan ng pride. Kahit nabago ang system ng recruitment, sa loob ng campus ay mas nirerespeto pa rin ng mga estudyante ang rank 1.
Lalo pa't every month ay may evaluation ang org. Doon ay naglalaban ang tatlong gangsters. Malas kung mamamatay ito. Swerte naman 'yong mananalo dahil may pabuya ang organisasyon.
"Y-you want to see my skills in my state right now? Hahaha! How unfair!" Sinubukan niyang lumapit nang pagiwang-giwang sa mga Summit at sinusuri kunwari ang kanilang mukha. "Who are you anyway?"
Hindi siya sinagot nito at tinanguan lang si Franz. Nagkatinginan naman ang mga gangsters at tsaka nauunang umatake si Lance.
Mabilis niyang sinipa mula sa likod si Jax dahilan nang mapatalsik ito at napagulong malapit sa mga Summit. Habang si Lance naman ay proud na proud sa kanyang ginawa.
"Ouch! Hahahaha!" pang-aasar ni Jax sa mga ito habang hindi inaalis ang tingin kay Mr. Summit. Para pa rin itong lasing at namumungay ang mga mata. "Be careful! You might lose your minions! Hahaha!" parang baliw itong tumawa na ikinakunot ng noo ni Mr. Summit.
Iyong kapatid naman nito ay mas lalong natuwa sa inasta ni Jax. Kahit nahihirapan na ito sa kalasingan, nakuha pang magyabang.
Muli namang sumugod si Lance habang hindi pa nakatayo si Jax at sa pangalawang pagkakataon, nasipa niya ito sa tiyan at nasuntok nang malakas sa mukha. Pero mas lalo lang silang nainis nang muli itong tumawa nang nakakaloko kahit nahihirapan itong bumangon.
"Hahaha! Weak!" pang-aasar nitong muli kay Lance. Tumingin si Jax sa mga Summit at muling tinawanan. "You recruited these weaklings into your org? Hahaha! What are you trying to make? A dance group?" pang-iinsulto pa niya habang tinuturo ang mga gangsters.
"Hambog mong potangna!" sigaw ni Neil sa kanya.
"I don't really want to waste my time with these weaklings! But whoever wanna fight me now, I won't have mercy!"
Nagtawanan naman ang mga gangsters. Pati na ang isa sa mga Summit ay natawa sa pinagsasabi nito.
"Nanakot pa ang gago! 'Di na nga makatayo! Alcohol lang pala katapat! Hahaha!"
"Akala mo kung sinong nagtatapang-tapangan!"
Nagtawanan ang lahat maliban kina Clark, Franz, at Noreen.
Suminyas naman si Mr. Summit na bugbugin si Jax. Pinagmamasdan niya ang lasing at mukhang nanghihina na si Jax Blaine.
Nauuna namang sumugod kay Jax ay iyong members ng The Demons na napahiya niya sa paglalaban nila sa recruitment noon. Sabay-sabay ang tatlo na lumapit sa kanya at pagsisipain na sana ng mga ito ang binata nang bigla itong tumayo at paikot na humarap sa kanila.
Napatigil sa paglapit ang dalawa nang makitang bigla na lang bumagsak ang isa nilang kasama habang may hiwa na sa leeg nito at umaagos ang dugo. Dahil doon napatigil silang lahat at napatingin kay Jax at sa hawak nitong dagger na may dugo na hindi alam kung saan niya ito nakuha.
"I already warned you! I won't have mercy!" nakangisi niyang sabi sa kanila.
Nakita pa nilang yumuko ito at may kinuha pang patalim sa kabilang paa na nakaipit sa sapatos at natatakpan ng dulo ng pantalon.
"You think you can get me drunk with those drinks with low alcohol percentage?"
Nanlaki naman ang mga mata nila nang lumapit ang isa sa body guard ng mga Summit at babarilin na sana siya nang mabilis niyang tinarget ang noo nito gamit kanyang dagger. Hindi pa nakapag-react ang lahat sa kanilang nakita nang maagaw na ni Jax ang baril mula sa body guard.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, namalayan na lang nilang nakatutok na ang baril nito sa ulo ng matandang Mr. Summit.
"When I said weaklings, you were one of those! I was wondering if you were really one of the higher ups or just a mere recruiter!" seryosong sabi niya habang nakatingin kay Mr. Summit.
Nanlalaki naman ang mata nang matanda nang makitang hindi pala ito lasing. Lalo na't nakatutok sa kanyang ulo ang baril nito. Sobrang sama ng tingin ni Jax rito at nakaka-intimidate itong tingnan.
Ilang sandali, naagaw ang pansin ng lahat nang tumawa ang bunsong kapatid ni Mr. Summit.
"I told you brother! Jax Blaine is alive..."
Naguguluhan naman ang lahat ng mga gangsters sa pinagsasabi ng mga ito.
Nagtataka namang tumingin si Jax sa nakangising bunsong kapatid nang may idea nang pumasok sa kanyang isipan dahil sa sinabi nito.
'No way...'
"I am Stanley Summit, younger brother of Steph Summit," pagtutukoy nito sa matandang tinutukan ni Jax ng baril. "It's nice to finally meet you, Jax Blaine Wilder. Leader of the rank 1 group in Yumi Mafia, The Elites."
...
Itutuloy