Kitkat Reyes' POV
Kakatapos ko pa lang kumain sa bigay ni Aki. Tiningnan ko siya at mukhang nakatulog nga siya.
'Di ko na alam kung mga ilang minuto na ang lumipas kasi nag-eenjoy pa ako sa pag-relax dito. Mahangin kasi at naaamoy ko pa ang pabango niya. Pati ako nakaramdam ng antok eh.
Buti na lang talaga at nakatulog siya kasi naging komportable ako. Para kasing nakakahiyang kumain kung gising siya.
Sana gan'to na lang palagi. Parang na-relax ako saglit. Kung 'di lang sana mainit 'yong hangin okay na sana pero okay lang nakakagaan pa rin ng loob.
Mga ilang minuto na ang lumipas kaya naisipan kong tingnan ang phone ko para tingnan ang oras.
Kaso agad akong napatayo nang makitang five minutes na lang magsisimula na ang 4th subject namin. 'Di ko na namalayan ang oras na over break pala ako.
"Aki! Aki!" natataranta ko siyang ginising. Inaantok pa 'yong mukha niya nang tingnan ako.
"Aalis na ako! Late na ako sa klase! Salamat pala sa pagkain!" paalam ko at binitbit ang bag ko tsaka tumakbo.
"Let's meet up here again at the same time! Promise me okay?" pahabol niya.
"Okay!" balewalang sigaw ko sa kanya.
OMG! OMG! Nasa kabilang building pa naman 'yong classroom! 7th floor pa 'yon at wala pang elevator! Engot ko talaga ba't ditong rooftop ko pa naisipang pumunta?
'Yan kasi! Relax pa more!'
Pagbukas ko ng pinto, expected ko nang nakuha ko ang atensyon ng lahat. Binalewala ko na lang at humingi ng paumanhin sa prof namin.
Dahil kakarating lang din daw niya kinonsider niya ang late ko. At sa lahat ba naman ng upuan na vacant ay sa tabi lang ni Jax.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya nang makitang sinasamaan niya ako ng tingin. Hindi ko na lang siya tiningnan kasi habol-habol ko pa ang hininga ko. Kinuha ko ang face towel at pinunasan ang mukha at leeg.
Dahan-dahan kong ninakawan ng tingin si Jax kasi ramdam na ramdam ko ang titig niya sa gilid ng mata ko.
Agad ko ring iniwas kasi nakakatakot 'yong mukha niya. Ni minsan hindi pa siya na-late kaya siguro sobrang strikto niya sa mga lates.
'Anong problema niya? Guni-guni ko lang bang may pake siya? Ano ngayon kung ma-late ako? Ba't parang galit siya?'
Sa buong klase hindi ako humarap sa kanya na parang may kasalanan akong nagawa. Pagkaalis ng prof namin, nauna na akong lumabas para pumunta sa huling klase ngayong araw.
'Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ko ba siya iniiwasan?'
Pagkatapos ng huling subject namin, hindi ko na nakita pa si Jax. Busy siguro dahil sa upcoming event. Nagiging busy na siya sa pagiging student council.
'Hay! Na-miss ko tuloy siya!'
Gusto ko na siyang tanungin tungkol sa nangyari sa rooftop. Ang dami kong gustong itanong sa kanya kaso hindi ko alam kung paano. Kapag nakikita ko lang siya parang gusto ko lang siya iwasan. Ewan!
Medyo natuwa naman ako nang pagpunta ko sa gym, walang naglalaro na mga basketball player kaya mapayapa ang buhay ko sa mga oras na 'to habang naglilinis.
...
Apat na araw na rin ang lumipas ng gano'n ka payapa ang buhay ko. Walang gulo, walang mga gangsters, na nakakapagtaka kung ba't 'di ko sila nakikita. Pero sana gan'to na lang talaga.
Apat na araw na ring hindi ko nakakausap si Jax. Minsan na lang din kami nagkikita, tuwing hapon lang pagkatapos ng lunch. Exempted kasi siya sa klase kasi siya nag-aasikaso sa event para sa susunod na araw. Nakaka-proud din pagiging active niya bilang pres. Hehe!
Simula nang siya na 'yong president ng student council, parang medyo umaayos 'yong school. Wala na masyadong rule breakers. Hanggang ngayon din kasi missing in action ang tatlong gangsters.
Nakasalubong ko rin ng dalawang beses si Alfonso, nakita ko siya minsan na pumasok sa student council. Tuwing tinatanong ko naman kung ano ginagawa niya roon, sasabihin niya lang inaasar niya si Jax. Engot talaga! Nambabatok pa tuwing magkakalapit kami. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon!
Sa apat na araw na iyon, palagi kaming tumatambay ni Aki sa rooftop. Palagi din siyang may dalang pagkain kaya naman hindi rin ako tumanggi kasi nagtitipid din ako.
Sinabi ko nga sa kanya kahapon na babayaran ko siya balang araw o ako na maglilibre sa kanya kaso ayaw niya. 'Di raw niya tatanggapin.
Nagkwentuhan lang kami minsan pagkatapos kumain. Minsan matutulog lang siya o lumalayo siya sa 'kin kunti kung mag-yoyosi siya.
Na-miss ko nga lalo si Jax dahil sa kanya. Parang pareho sila ng habit kaso nga lang magkaiba ng ugali.
Hindi rin namin na-topic ang mga personal na bagay. Hindi ko rin naman siya nakita sa ibang lugar maliban lang sa rooftop. Sabi niya baka magkaiba ang schedule namin kaya 'di kami nagkikita. Sabi niya lang civil engineering 'yong kurso niya.
Pupunta ulit ako ngayon sa rooftop kaya n'ong nag-bell na para lunch, dali-dali akong lumabas ng room.
Pagkaliko ko sa may hagdan pababa, natigilan ako. Nakita ko si Jax at tumigil din siya nang makita ako. Tinaasan niya ako ng kilay pero umiwas lang ako ng tingin at nagtuloy sa paglalakad.
'OMG! OMG! Nagkasalubong lang tingin namin tumitibok na naman puso ko!'
Kaso para akong nakuryente nang hawakan niya ang braso ko.
'Bakit? Bakit nanghahawak siya? My God!'
"The next time you'll be late again this afternoon, I'll extend your punishment."
Nanglaki ang aking mata dahil sa sinabi niya.
May mga nakarinig na estudyante sa sinabi niya kaya nagbubulungan na naman sila.
"Hindi pwede!.. I-I mean h-hindi na m-mauulit!"
Tinitigan niya ako sa mata kaya napaiwas ako ng tingin. Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko sa kaba. Ito ang epekto niya sa 'kin eh!
Sunod-sunod na rin 'yong late ko sa 4th subject pero mga 5 minutes lang naman.
'At akala ko ba ayaw niyang pansinin ko siya, ba't siya itong namamansin? 'Di kaya na-miss niya rin ako 'tulad ng pagka-miss ko sa kanya?'
Binitawan na niya ako pero tinawag ko siya kaya sinamaan niya ulit ako ng tingin.
"Miss na kita!" sabi ko at dali-daling tumakbo.
'Ano ba 'yan Kitkat! Ano na naman iisipin niya sa 'yo?'
Bakit pa kasi may pahawak-hawak pa siya sa braso ko eh! 'Di ko tuloy napigilan ang damdamin ko!
Totoo naman, na-miss kong asarin siya at kausapin. Simula n'ong sinigawan niya ako sa hotel, hindi na ako makalapit sa kanya katulad noon. Gusto ko man pero nagdadalawang-isip ako.
Nang makarating ako sa rooftop, hindi pa dumating si Aki. Minsan kasi siya nauna, minsan ako.
Nang makaupo ako sa upuan ko, agad akong yumuko at nagpapadyak sa paa. Nagsisisi tuloy akong sinabi ko 'yon kay Jax! Ano nalang iisipin niya sa 'kin?
'Pero 'di naman siguro big deal sa kanya 'yon! 'Di nga siya naniwalang mahal ko siya!'
Bumuntong-hininga ako.
"Pft! You look bothered!"
Agad akong napalingon sa kakarating lang na si Aki at mukhang nagpipigil ng tawa.
"Wala!"
Inabot niya sa 'kin ang mga pagkain. Nag-improve nga kasi may softdrinks na. Pero tiningnan ko ang isa pang dala niya at gulat siyang tiningnan?
"Wag mong sabihing..."
"This? Want some?"
"Diba alcoholic drinks mga 'yan? Diba bawal 'yan dito?"
Ang dami pa niyang binili.
Tumawa siya at umupo sa upuan niya sa harapan ko.
"It's not if no one will know right? You want?"
Umiling lang ako habang nagtataka kung anong trip niya ngayon. Tanghaling tapat pa.
"How are you today Kitkat?"
Tuwing magtatambay kami rito, palagi niyang tinatanong 'yan sa 'kin. Nakakagaan lang ng loob sa simpleng tanong niya.
"Hmmm okay lang. Ikaw ba?"
"I'm fine. But I saw you earlier, you look bothered. Mind to share? I'm good at listening," sabi niya habang binubuksan ang isang alcoholic drink.
Inabot ko sa kanya ang pagkain niya tsaka binuksan na rin. Tulad ng dati, mainit pa rin ito. Ino-order niya daw kasi online at dine-deliver lang dito. Ibang klase talaga 'pag may kaya.
Habang nag-iisip pa ako pa'no i-open up sa kanya ang tungkol kay Jax, bigla siyang nagtanong.
"Are you and him okay?"
Kinunutan ko siya ng noo. "Him?"
"Jax, I mean."
Nanlaki ang mata ko. Ba't parang nababasa niya ang nasa isipi ko?
"Kilala mo si Jax?"
"Who wouldn't be? He's famous here... Like usual."
'Usual?'
"Anong ibig mong sabihin?"
"I know him personally," sabi niya tsaka uminom sa dala niyang alak. Binaba ko naman ang kutsara at gulat siyang tiningnan.
"We're classmates two years ago. We knew each other well 'cause we always hangout together."
Agad akong na-excite sa sinabi niya. Hindi ko aakalaing mami-meet ko ang isang friend ni Jax. Napaka-mysteryoso kasi n'on.
"Wow talaga? 'Di ko akalaing may kaibigan pala siya!"
Natawa naman siya sa naging reaction ko.
"Nagkita na ba kayo? Hindi ko pa kasi kayo nakitang magkasama. Miss ka na siguro n'on!"
"Pft! Hahaha you don't know him well, are you?"
"Ha?"
"He's a cold-hearted bastard hahaha! There's no way he would miss someone. I wanted to surprise him so let's still keep this a secret," natatawang sabi niya.
Agad akong tumango.
"Nagagalak pa rin akong makilala ka!" sabi ko sa kanya. Atleast diba may kakilala na akong kaibigan ni Jax.
"Pft! You love him?"
'Di ako nagdalawang-isip na tumango.
"Kaso nga lang ayaw niya sa 'kin. Tinataboy nga niya ako eh! Miss ko na nga siya!"
"Oh? I didn't thought someone would love that bastard!"
Masasabi ko talagang magkaibigan nga sila. Pareho silang harsh.
"Masungit 'yon pero alam kong mabait 'yon."
"How sure you are? You just don't know him! Hahaha! Don't trust him too much!You'll get hurt!"
Sinimangutan ko siya kaya natawa na naman siya.
"Nah! I'm warning you! He won't easily love someone."
Totoo ngang kilala nga niya si Jax. Alam na alam niya eh. Curious lang ako. Sa'n kaya galing 'tong mga 'to at ba't sila napadpad dito?
Bumuntong-hininga ako. "Alam ko naman 'yon eh! Ni minsan hindi 'yon naging mabait sa 'kin. Pero 'di ko alam ba't ako nagkagusto n'on. Alam mo 'yon? Ang hirap i-explain!"
Natawa siya at napapalingo.
Kakain na sana ako nang bigla siyang tumayo at pumunta sa gilid ng pinto bitbit ang bote ng alak na ipinagtataka ko.
Nilagay niya ang hinututuro niya sa kanyang bibig, sign na 'wag akong maingay.
Ilang segundo lang biglang lumabas mula sa pinto si Fourth, isang member ng Mysterious Knights. Isa sa napahiya ni Jax sa cafeteria.
Anong ginagawa niya rito? Bumalik na ba sila?
Nang makita niya ako agad niya akong nilapitan. 'Di man lang niya nakita si Aki sa gilid ng pinto. Buti na lang!
Tatakbo sana ako nang mabilis niyang nahawakan ang braso ko.
"Hinahanap ka ni Noreen! Sumama ka sa 'kin!"
"H-ha? Bakit? Anong bang kasalanan ko? Bitawan mo ako!"
Sinulyapan ko si Aki nang palihim pero nakakapagtakang umiinom lang ito ng drinks na dala niya habang nakatingin sa 'kin. Nag-sign ulit siyang manahimik ko.
Nakita kong papalapit siya sa amin nang palihim.
"Ilang araw lang kaming nawala, ang tapang mo na ah? Dahil ba ipagtatanggol ka n'ong mayabang na Jax na 'yon? Ha! Gising na! Ginamit ka lang n'on!"
Nagulat ako nang biglang hinampas ni Aki si Fourth sa ulo ng dala niyang bote. Napasigaw pa ako sa lakas ng impact.
Nabitawan ako ni Fourth dahil napahawak siya sa kanyang ulo. Lilingunin pa lang sana niya si Aki nang sinuntok siya nito sa mukha nang napakabilis.
"S-sino ka!"
Muli siyang sinuntok sa sikmura tsaka sinipa sa may tagiliran at sinuntok ulit sa mukha dahilan nang nawalan siya ng malay.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. Napahawak ako sa bibig dahil sa gulat.
"You've seen Jax doing something like this, don't you? It's fine because it's normal to us," simpleng paliwanag niya habang ako naman nanginginig pa rin ang tuhod ko.
Hindi ko inakalang gan'to rin si Aki!
Kinaladkad niya ang walang malay na katawan ni Fourth sa pinakasulok nitong rooftop at tinabunan ng mga armchair.
Bumalik siya sa 'kin at ngumiti. "Don't worry. He's not dead!"
"B-bakit mo ginulpi?"
"For the past few days, I've learned anything about you. So I know what they did to you."
"Bakit?"
"I don't want anyone will hurt you... especially from Jax."
'Di ko narinig ang huling sinabi niya kasi sobrang hina nito. Nakita ko lang na nag-smirk siya at natawa.
"Because you're my friend. I want you safe," dagdag pa niya.
Kumuha siya ng isang bote ng alcohol at binuksan. Inabot niya iyon sa 'kin kaya nagtataka ko itong kinuha.
"Drink it, so that you'll forget what happened here."
"H-hindi pa ako umiinom ng ganito."
"That's fine! I'm here don't worry! Just skip the class and let's talk about life pft Hahahaha!" pagkatapos n'on ginulo niya ang buhok ko at natatawa.
"Your reactions are all epic! Hahaha! Don't worry about class. Teachers are busy right now preparing for the event. They'll just give you notes to copy. Just like yesterday right? It's the same thing for me. It's boring!"
Nagdadalawang-isip ako n'ong una pero pumayag na lang din ako.
Gusto ko lang tikman ng kunti. Curious kasi ako sa lasa nito.
.
.
...
Bigla akong nagising. Nakatulog pala ako rito sa armchair habang hinihintay si Aki. Sabi niya kasi bibili raw siya ng snacks.
Medyo nahihilo pa ako ng kunti dahil sa drinks na ininom namin. First time kong na-experience ito kasi ngayon ko pa lang nasubukan uminom.
'Anong oras na ba? Ba't madilim na?'
Titingnan ko sana ang phone ko nang mapatalon ako sa gulat nang makitang nasa harapan ko na siya.
Sobrang sama ng kanyang tingin sa 'kin. Nagkasalubong pa ang mga kilay niya habang naka-crossed arms.
"J-Jax? A-anong ginagawa mo rito?"
"That's what I wanted to ask! Explain it to me every foolish thing you did here, Ms. Reyes!"
Bawat salitang binanggit niya, may diin!
Anong nangyayari? Nasaan si Aki at ba't si Jax ang nandito?
...
Itutuloy...