Kitkat's POV
Hindi ko magawang magsalita dahil sa aking narinig. Muli kong naalala ang gabing nakita ko siyang pumatay ng tao nang walang pagdadalawang-isip. Ayoko mang paniwalaan ang sinabi ni Clark, kaso alam kong may possibility na magagawa talaga ni Jax iyon.
Nakapagtataka lang ay hindi na masyadong big deal para sa akin ang aking narinig. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit ginawa ni Jax 'yon sa 'kin? Totoo bang ginamit niya lang ako para makuha niya si Noreen?
"Hinding-hindi ako maniniwala sa 'yo!" galit kong sabi sa kanya at lumabas na ng comfort room.
Habang naglalakad ako papunta sa 3rd class namin, pilit kong pinipigilan ang aking emosyon. Naramdaman ko rin ang panlalamig ng aking kamay at hindi maipaliwanag na nararamadaman ko sa aking puso.
Ayoko nang makaranas ng gan'to! Ang hirap huminga!
"Where have you been?"
Napahinto ako sa paglakad nang marinig ko ang boses niya sa 'king likuran.
Nang makasabay na siya sa 'kin, hindi ko siya tiningnan at nagsimula rin akong maglakad.
"CR lang."
'Himala! Siya 'yong unang namansin. Tinatanong pa niya saan ako galing.'
Hindi sa hindi ko siya kayang tingnan, ayoko lang talagang makita ang mukha niya. Baka 'di ko pa mapigilan ang sarili ko at itanong sa kanya kung totoo bang siya ang nagbigay kay Noreen ng video.
Nang makapasok na kami sa classroom, hindi ko na pinansin ang tinginan ng mga kaklase namin. Sinadya ko ring hindi tumabi sa kanya pero nagulat ako nang siya mismo ang tumabi sa 'kin.
For the first time in history.
Nanatili akong nakikinig sa klase para ma-distract ang aking sarili sa aking iniisip. Minsan nararamdaman kong lumilingon siya sa gawi ko pero hindi ako tumitingin.
Bakit ngayon parang binibigyan niya na ako ng pansin?
Pagkatapos ng klase, nilapitan ko siya at mahinang sinabihan na ako na ang mauna doon para hindi kami maka-attract ng attention ng iba.
Nang makapunta na ako sa harap ng forbidden place, mahigpit kong hinawakan ang strap ng aking bag. Kinakabahan ako na ewan. Nanlalamig din masyado ang aking kamay.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, lalo na siguro kung malaman ko ang totoo.
Pagkatapos kong maibigay sa kanya ang envelope, lalayuan ko na siya.
Tiningnan ko ang wall ng forbidden place. Muli kong naalala 'yong time na una niya akong pinansin at kinalaban niya si Lance, 'yon 'din 'yong time na dinala niya ako rito.
Nong time na wala akong ibang nararamdaman kundi ang maging masaya sa simpleng bagay na pinapakita niya.
Pero nang unti-unti ko siyang nakilala; nang ma-involve na rin siya sa gangsters, nagsimulang nagbago ang lahat.
At alam kong ako ang dahilan n'on.
"Kitkat..."
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses niya. Nagsimula na namang tumibok ang puso ko. Sa kaba or sa simpleng pagtawag niya.
Huminga ako nang malalim tsaka siya nilingon. Sinalubong ko ang tingin niya at dahil do'n, parang nagdadalawang-isip akong komprontahin siya.
"May gusto muna akong itanong sa 'yo bago ko ibigay ang pinapabigay niya," mahinahon kong sabi. Pinipilit ko talaga ang sarili kong pakalmahin.
Kumunot ang kanyang noo. "From who?"
Hindi ako sumagot at nanataling nakatitig sa kanyang mga matang walang emosyon. 'Di pa nga ako nagsimula, parang gusto ko nang umiyak.
"Ilang buwan akong nagpapapansin sa 'yo, pero 'di mo ako binigyan ng pansin. Kahit isang beses wala kang pake sa 'kin. Nakikita mo akong binu-bully nina Lance at ng iba pero kahit isang beses, hindi mo ako tinulungan..."
Alam kong naguguluhan siya sa 'king sinasabi dahil nanatili lang siyang tahimik habang nakakunot ang kanyang noo. Mabuti na lang hinayaan niya akong magsalita.
"...at alam kong kinalaban mo si Lance noon hindi dahil sa gusto mo akong tulungan. Ano ba talaga ang kailangan mo sa 'kin?"
Ilang segundo siyang nakatitig sa 'kin na parang binabasa niya ang nasa isip ko o ano. Hindi ko rin iniwas ang aking tingin para makita ang expression at maging reaction niya.
"It's true! I didn't do it for you that time; I did it for my own."
Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya pero hindi ko na ginawa. Kasi alam ko, any moment maiiyak na naman ako sa harapan niya. At ayokong makita niya 'yon.
"Totoo bang ikaw ang gumawa n'on? Na binigay mo kay Noreen ang video natin na lumabas sa hotel?" direktang sabi ko.
Nakita kong medyo nagbago ang kanyang expression. At dahil do'n, alam ko nang totoo nga.
Alam kong alam niya ang mga pinagdaanan ko dahil lang d'on sa issue na 'yon. Nagtataka pa ako n'on kung sino ang nag-post at paano nakuha ang CCTV footage sa hotel. Si Noreen lang pala at si Jax ang nagbigay sa kanya.
Bakit ba sobra ang galit ng babaeng 'yon sa 'kin eh nasa kanya na ang lahat?
"Bakit? Para makuha mo ang loob niya, gan'on ba? Na ginamit mo lang ako para mapasayo ang babaeng 'yon? Minahal kita nang totoo eh pero sinasamantala mo lang ang feelings ko sa 'yo."
Umiwas na ako ng tingin. At kinagat ang aking labi. Pilit pinapakalma ang aking sarili para hindi maiyak.
"Yes, I did it... but for different reason," pag amin niya kaya muli akong napatingin sa kanya.
Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Hindi ko mabasa kung anong mga iniisip niya sa mga oras na ito. Kung may pake ba talaga siya sa nararamdaman ko ngayon o wala. Kasi lahat naman ng tungkol sa akin wala siyang pake.
Tumatango ako sa sinabi niya para ipakita na gets ko na ang gusto niyang iparating. Kahit anong rason pa iyon, alam ko kasing hindi ako kabilang sa rason na 'yon.
Kinuha ko ang envelope sa bulsa ng aking blazer at inabot sa kanya. Nakita kong nagulat siya nang mapagtanto niyang ito 'yong napagkamalan ni Noreen na love letter ko.
"Wag kang mag-alala, hinding-hindi na ako lalapit sa 'yo. Hindi ko rin ipagsasabi sa lahat ang relasyon ninyong dalawa. Lahat ng mga nalaman ko tungkol sa 'yo; n'ong mga nangyari n'ong pinalibutan tayo ng kalaban, sa akin lang iyon at walang makakaalam na iba."
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang aking kamay at parang may sasabihin siya pero hindi niya tinuloy.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay. "Pinuntahan ako ng kaibigan mo pagkaalis ni Kernel n'ong time na hinatid niya ako sa 'min. Humingi siya sa 'kin ng pabor at dapat ko raw maibigay iyan sa 'yo mismo. Alam kong mahalaga 'yan." sabi ko para matuon ang atensyon niya sa envelope.
Inalis niya ang tingin sa 'kin at binuksan ang envelope. Mga larawan lang ang laman nito. Nang tiningnan niya ang unang larawan, nagtaka ako nang biglang nagbago ang kanyang expression.
Kumunot ang kanyang noo at parang nagulat na parang hindi siya makapaniwala.
"Tell me, is this Aki you're talking about?"
Iniharap niya ang larawan sa 'kin at pati ako ay nagulat nang makita ko ito. Nasa rooftop kami ni Aki at nagtatawanan. Isang stolen picture.
"O-oo! P-pa'no!"
"Shit!" mura niya tsaka tiningnan ang ibang mga larawan at mabilis ding binalik sa envelope.
Pagkatapos n'on, bigla niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Hindi! Para siyang natatakot na nag-aalala.
"Who gave you this?"
"Exseven."
Nang binanggit ko ang pangalan na iyon, muli na namang nagbago ang kanyang expression. Mula sa pagkakakunot ng noo, napalitan ito ng pagkagulat at di kalauna'y, naging kalmado ang kanyang mukha.
"That bastard! So he's already here!"
At dahil nga sa expression niya, tama nga akong kaibigan niya talaga si Exseven.
"Tama nga akong kaibigan mo siya," sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya sa aking balikat. "Mabuti naman," mahina kong sabi. Medyo gumaan ang aking loob na may mga tao pa ring nagpapahalaga sa kanya kahit hindi maintindihan ng iba ang ugali niya.
"Why are you like that? If you hate me, you should hate me for both of us to move on!"
seryoso niyang sabi.
"Hindi ko alam... Oo galit ako sa 'yo at gusto ko pang magalit sa 'yo pero siguro mas gusto kong makita kang okay at masaya..." mahina kong sabi.
Tinitigan ko siya sa mata ng ilang segundo tsaka huminga nang malalim. "...pero Jax, ayoko na."
Kanina gusto ko siyang sigawan pero ngayong magkaharap kami, hindi ko magawa! Nakakainis!
Tinalikuran ko na siya at umalis na sa lugar na 'yon. Nang pagliko ko sa isang building, nakasalubong ko si Noreen.
Noong una ay tinaasan niya ako ng kilay pero nang makita niya akong umiiyak, natawa siya.
"So I guess, Jax is really there. Seeing you like that makes me know about the result. He rejected your stupid love letter, isn't he?"
Pagkatapos no'n ay umalis na siya at pumunta sa kinaroroonan ni Jax. Umalis na rin ako nang hindi ko na sila nilingon pa.
Dahil sa wala akong gana pumasok, naisipan ko na lang umuwi. Parang nanghihina din kasi ang katawan ko sa mga nalaman ko.
Hindi ko pa rin kasi matanggap na ginamit niya lang ako.
Habang naglalakad, may biglang humila sa 'kin at tinakpan ang aking ilong at bibig ng panyo. 'Di nagtagal, nawalan na ako ng hininga.
...
Bigla akong nagising sa isang lugar na wala akong idea kung saan. Hindi ko rin magalaw ang aking mga braso kasi nakatali ito pati na rin ang mga paa ko. May takip din ang aking bibig.
May mga lalaking busy sa kanilang ginagawa at alam kong sila ang kumidnap sa 'kin kanina. Napakarami pa nila.
Tiningnan ko ang paligid. Parang nasa isang abandonadong building kami. Nakikita ko pa sa gilid na walang dinding ang ibang parte ng building at mukhang nasa itaas kami na floor.
Dahil nagrehistro na sa 'king utak kung anong nangyayari, nagsimula na akong kabahan.
'OMG! Bakit ako kini-kidnap? Sino ang may gawa nito?'
Napatingin sa 'kin ang isang lalaki at nilapitan ako. Meron siyang tinawagan at narinig ko ang sinabi niya. "Boss, she's awake!"
'Boss?'
Tumango ito tsaka pinatay ang tawag. Takot na takot ako nang lumapit siya sa 'kin. Gusto ko sanang sumigaw kaso nakatakip ang aking bibig.
Bigla niyang tinanggal ang tape sa bibig ko at napaaray ako dahil masakit iyon.
"Bakit niyo ako dinala rito? Nasaan ako?"
Hindi nagsalita ang lalaki at muling may tinawagan sa phone. Nakapagtataka lang ay hindi siya nagsalita at ini-loudspeak niya lang ito.
"Who's this?"
Napatikom ako ng bibig nang marinig ko ang boses ni Jax sa kabilang linya.
Bakit nila tinawagan si Jax?
Napatingin ako sa mga lalaking nandito. At ngayon ko lang napagtanto na parang same sila sa mga lalaking nakaaway ni Jax noon.
Ibig bang sabihin nito papupuntahin nila si Jax dito at ako ang gagamitin nila para mangyari 'yon?
Hindi ba nila alam na wala namang pake si Jax sa 'kin? Pero kahit may pake o wala, ayokong pumunta si Jax rito. Mapapahamak lang siya.
Bigla akong sinampal nang malakas n'ong isang lalaki. Sobrang lakas n'on dahilan nang napaluha ako. Gusto kong sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko kung anong balak nilang gawin kung ba't nila ako sinampal.
"Kitkat Reyes. We have her!" sabi n'ong isa na ikinakunot ng noo ko. Tama nga ako na hindi sila 'yong simpleng mga gangsters lang.
"Where is she?" kalmado na may halong pagbabanta ang narinig kong tanong ni Jax sa kabilang linya.
Tiningnan ako ng isa sa kanila at muling sinampal. Pinilit ko ring hindi makasigaw sa sakit para hindi maniwala si Jax sa kanila.
Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking nanampal sa 'kin.
"Punch her!"
Napaiyak na ako sa takot dahil sa sinabi n'ong may hawak ng phone. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'kin dito. Nabalot lang ako ng takot. Todo iling ang ginawa ko para hindi nila itutuloy ang balak nilang gawin.
"You don't have any idea what will happen if you touch her! Where are you? I'll come!" pagbabantang sabi ni Jax.
Gusto ko sanang sabihin na hindi na siya dapat pang pumunta rito kasi sa dami ng mga maging kaaway niya, alam kong dehado siya. Hindi pa rin ako nagsalita baka sakali pang hindi siya maniwalang nandito ako.
Hinila ako n'ong isa tsaka tumingin sa lalaking may hawak ng phone. Tumango ito tsaka ilang sandali ay sinuntok niya ako.
Parang nawalan ako ng hininga saglit sa sobrang sakit. Napaluhod ako sa sahig at napaiyak. Susundan pa sana niya iyon pero nakiusap na ako.
"T-tama na po!" mahina kong sabi habang naiiyak na nakahilata sa sahig. Sobrang sakit pa ng aking katawan dahil sa mahigpit na tali sa aking paa at kamay.
"Fuck you! I said where the hell are you?" narinig kong sigaw niya sa kabilang linya.
"J-Jax wag! Ang dami nila rito! H-hindi..." hindi ko natapos ang aking sinabi nang muli akong sinuntok ng isa sa sikmura.
Hindi ko na masyadong alam ang nangyayari kasi nanghihina na ako at medyo nahihilo. Naging blur din ang paningin ko.
Kahit medyo lumalabo ang aking paningin, nakita ko na lang na may tinawagan 'yong isang kasama nila. Tinanguan niya ang lalaking tumawag kay Jax tsaka siya may sinabi sa phone.
"We already sent Jax Blaine the address. Everything is working well boss. What do we do to this woman?"
Dahil sa aking narinig, lalo akong nawalan ng pag-asa. Wala akong paki kung anong gagawin nila sa 'kin. Dinalangin ko lang na hindi pupunta si Jax dito.
Alam kong marunong siyang makipaglaban pero dehado siya sa dami ng kalaban dito.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit siya pumapatay. Ganito pala 'yong mga kalaban niya. Marami palang naghahabol sa kanya. Sobrang magkaiba nga ang mundo namin.
Ilang sandali, may biglang nagbato ng isang bagay sa gitna at hindi ko alam kung ano iyon. May lumabas na maraming usok dito at narinig kong naging alerto ang mga kalaban.
Hanggang sa napapaubo na lang ako sa sobrang dami ng usok at 'di ko na makita ang paligid.
Biglang may humawak sa 'kin at mabilis akong tinanggalan ng tali sa kamay at paa. Bigla niya akong hinila sa 'di ko alam kung saan tsaka niya inabot ang patalim sa 'kin.
"Try to defend yourself and don't make a noise!" mahina at mabilis niyang bulong sa 'kin.
Napaka-familiar ng boses niya kasi parang ma-autoridad ito pero malamig pakinggan.
Pagkatapos n'on ay bigla siyang nawala sa tabi ko. Dahil sa sobrang dami ng usok, napaluhod ako sa sahig dahil sa hirap na akong huminga. Kahit nanghihina ako, pinipilit ko ang sariling tumayo.
May narinig akong nakikipaglaban at isang tunog na hindi ko narinig noon. Hindi ko ma-explain.
Mga 15 minutes ay humupa ng kunti ang usok kaya nakikita ko siya...
Si Exseven.
'P-Paano?'
Binaril niya ang mga kalaban ng sobrang bilis. Tinatapat pa niya mismo sa noo ng mga ito bago barilin. Ang tunog na narinig ko ay tunog pala ng baril niyang may silencer. Alam ko 'yon kasi nakita ko na si Noreen na may hawak na ganyan n'ong nasa forbidden place kami ni Jax.
Ito ba talaga sila? 'Yan ba 'yong pinaggagawa nila? Akala ko na nakakatakot na sina Clark at ng gangsters n'on. Hindi ko akalaing may mas delikado pa pala sa kanila.
Napasigaw ako nang may humawak sa akin na isang kalaban pero agad itong nalapitan ni Exseven at walang pagdadalawang-isip na sinaksak nang paulit-ulit ng patalim na hawak-hawak niya.
Napanganga pa ako sa gulat.
"If you want to survive, don't hesitate to attack them. No need to kill them if that's what you're worrying for."
Umalis siya sa 'king tabi at muling binaril ang mga kalaban. Hindi ko alam kung paano niya nailagan ang mga atake ng mga ito. Nakita ko rin sa sahig na ang daming baril ng mga kalaban na nagkalat.
Kailan at paano niya napaalis sa mga kamay ng kalaban ang mga baril na 'yan?
Ilang minuto pa, napanganga na naman ako sa gulat nang lahat ng kalaban kanina ay wala ng mga malay. At deep inside, napahanga ako.
Sa sobrang dami nila... paano?
Sinuri pa niya ang mga katawan nito at pinagbabaril sa ulo. Pagkatapos ay lumapit siya sa 'kin at tinulungan akong itayo.
"B-bakit mo sila binaril ulit?"
"To leave no witnesses," simpleng sagot niya.
Mabilis kaming bumaba sa abandonadong building. Pinaangkas niya ako sa motor niya tsaka kami umalis.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Dahil sa nangyari, sobra akong nanghihina at inaantok ako.
...
Bigla na lang ako nagising. Inilibot ko ang aking paningin at hindi ko ma-explain kung nasaan ako. Puro puti lang kasi ang aking nakikita. May mga nakatusok pa sa 'kin at parang nasa hospital ako.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Exseven. May dala siyang pagkain at tubig. May mga gamot din.
"You slept 49 hours. How are you?"
"Ha? Dalawang araw? Paano? At nasaan ako?"
"The doctor gave you pills to regain your strength. You're in a hospital. Eat first then we'll talk after."
Pagkatapos n'on ay umalis na siya. Huminga ako nang malalim. Bakit parang mas takot ako sa kanya kesa kay Jax? Mukha naman siyang mabait.
...
"The one whom you call Aki."
Napaupo ako sa sofa dito sa room nang marinig ko ang sinabi ni Exseven. Hindi ako makapaniwala na si Aki ang nagpa-kidnap sa 'kin.
"He's one of Jax's members back then which we thought was dead. He will do everything to get Jax down."
Bigla akong nagalit sa 'king sarili dahil hinayaan kong maging kaibigan ang isang taong gustong saktan si Jax. Iba talaga ang pagkakatiwala ko kay Aki. Naging mabait kasi siya sa 'kin. May mga times lang na ang mysteryoso niya. Lalo na n'ong sa rooftop ko lang siya nakikita.
Kaya pala lagi niyang sinasabi sa 'kin na huwag basta-basta magtitiwala kahit sino.
"Wherever you are or whom you're with, you're already involved in Jax's life. Anyone will come after you any moment. So Jax decided to do things which he thinks was right. Whatever he did, he just did it in your case."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat i-react kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong naiintindihan.
Isa pa, ang hirap isiping ginawa iyon ni Jax dahil sa 'kin. Alam ko wala siyang paki sa akin. At kung totoo man, bakit para sa 'kin?
"Because I tried so hard to protect my girlfriend and I don't want her to get involve, I asked help from Jax instead than to ask from our organization. I warned him about our enemies' new organization. I didn't know that time that he already had someone he must protect. That's the reason I protected you. And I will save and protect you at all cost because he did all he can to protect mine."
Itatanong ko na sana kung bakit ako ang po-protektahan niya eh dapat si Jax mismo, kaso sinabi niya na ang sagot.
"I know him too well and saving you will save him... But in order to do that, I need someone to work with me and you are the perfect person who fits the role."
Nagtataka ko siyang tiningnan.
"...and if you want to do it, I need you to set aside your emotions while working with me. In order to save Jax, you need to do everything I told you. If you will do it, I will tell you everything you wanted to know."
Nakatitig lang ako sa kanya habang hinahanap ang tamang salita na pwede kong sabihin.
"Kapag tungkol kay Jax, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Pero may isa lang akong tanong sa 'yo na hindi tungkol sa 'kin."
"What is it?"
"Masasabi kong miss niyo na ang isa't-isa, bakit hindi ka nagpapakita kay Lav?"
Hula ko lang naman na hindi siya nagpapakita kina Lavandeir at nina Jax dahil sa reaction ni Jax n'on.
"As much as I wanted to, I can't."
...
Itutuloy...