Chereads / The Former Villain / Chapter 24 - Chapter 22

Chapter 24 - Chapter 22

Kitkat's POV

Kalahating oras na siyang nakatitig sa lapida ni Reid Smith. Nakatayo lang siya at walang binigkas na salita simula kanina. Hindi ko rin mabasa kung anong nasa isip niya.

Gusto ko sanang tanuning kung kaibigan ba niya si Reid or kaanu-ano niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko kasing privacy niya 'yon. 'Di ko alam kung bakit. Siguro nga ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Nakatayo lang ako sa tabi niya habang nakatingin lang sa kanya. Pinagmamasdan ang kanyang mukha.

'May emosyon pa rin pala siya.'

Ano kayang nangyari? Bakit kaya namatay si Reid ng ganyan kaaga? Nakita ko kasi na two years ago siya namatay. Magkasing edad lang din sila ni Jax. Three years kasi agwat namin.

Ano kaya talaga ang mga pinagdadaanan ni Jax noon? Ang dami ko pa talagang walang alam sa kanya. Mas lalo siyang naging mysteryoso sa 'kin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita ko siyang pumikit at nagbuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit ko 'to naramdaman sa simpleng galaw niya. Lalo na't tumatama sa kanyang mukha ang ilaw ng buwan. Parang nagslowmo iyon sa paningin ko.

"Have you ever regret something foolish you've done before?"

Nagulat ako sa biglaang pagtanong niya.

"H-ha?"

Tumingin siya sa gawi ko at mas lalong tumibok ang puso ko nang magtama ang tingin namin. Hindi ko matukoy ang emosyon niya pero base sa nakikita ko sa mga mata niya, alam kong nasasaktan siya.

"...That you cannot find a way to make things right and don't have a choice but to regret?"

"Jax..." wala akong ibang masabi kundi ang banggitin ang pangalan niya. Wala akong alam sa mga pinagsasabi niya pero alam kong nasasaktan siya. At nasasaktan ako kasi alam kong pinipigilan lang niya ang sarili niyang maiyak.

Nagtutubig kasi ang mga mata niya.

Bigla siyang umiwas ng tingin at muling tumingin sa lapida ni Reid. Nasasaktan ako para sa kanya. Baka katulad ko rin siya na walang mapagsabihan na iba.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya para iparamdam sa kanya na nandito lang ako sa kanyang tabi. Hindi naman niya ako sinuway. Siguro dahil hindi ito big deal sa kanya sa mga oras na ito.

Gusto kong malaman kung ano ang mga pinagdadaanan niya... At hihintayin ko ang araw na willing siyang i-share sa akin ang mga iyon.

Sana nga dumating ang araw na iyon.

Nakatingila lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ang mukha niya. Ilang segundo lang ay tiningnan niya ako at kumunot ang kanyang noo na ipinagtataka ko.

"Why are you crying?" nagtataka niyang tanong. Parang bumalik agad ang pagiging strikto niya.

Agad ko namang pinahid ang luha sa 'king mga mata. "Wala... Nalulungkot lang akong makita kang malungkot. First time ko kasing nakita kang ganyan!"

Dahil do'n, sarcastic niya akong tiningnan. "That's why you look like an idiot! Let's go!" sabi niya at hinila ako.

Napangiti naman ako dahil parang bumalik siya sa totoong siya kahit minsan nakakainis.

"Jax, may emosyon ka rin pala?" walang kwenta kong tanong. Para naman hindi niya masiyadong maisip ang mga bagay na mas nagpapalungkot sa kanya.

"What kind of question is that?"

"Hehe!" Expected ko na kasi 'yong maging reaction niya. Napatingin din ako sa kamay ko na mahigpit niya pa ring hinawakan.

Pagkatapos n'on, hindi na ako muling nagsalita pa hanggang sa makasakay kami ulit sa kotse.

Halos 30 minutes na ang lumipas simula ng umalis kami sa sementeryo. Tahimik lang na nagda-drive si Jax habang ako tahimik na nag-iisip sa nangyari kanina.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang emosyong pinakita niya kanina. 'Yong mga mata niyang malulungkot. 'Yong pagpikit niya, at 'yong biglaan niyang pagtanong.

Alam kong mahalaga si Reid sa kanya. Kaibigan niya kaya iyon?

Habang pinagmamasdan ko ang daan, tinanong ko siya kung saan niya ako dadalhin pero hindi niya ako sinagot.

"Reid is my friend," biglang sabi niya at in-emphasize pa niya ang 'is.'

Agad ko siyang tiningnan.

"I visited him for the first time to ask an apology... which obviously he cannot give. He must be laughing right now," paliwanag niya. Kung di ko pa alam na patay na si Reid, aakalain kong buhay pa 'yon dahil sa way ng kanyang pagkasabi.

At ngayong araw, 'di ko na mabilang kung ilang beses na akong walang nai-comment. Hindi ko kasi alam kung anong dapat sabihin. Kung iko-comfort ko ba siya o ano. Isa pa, 'di ako makapaniwalang sinasabi niya ito sa 'kin.

Eh kasi kanina parang papatayin niya ako sa nagawa ko n'ong nahuli niya ako sa rooftop.

"Na..." umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lang sa bintana. "Nakikita kong mahalaga siya sa 'yo." mahina kong sabi.

"He is," maikli niyang sagot na ikinatango ko. Simula no'n, wala na ulit nagsalita sa aming dalawa.

Muli ko siyang sinulyapan. Nacu-curious ako sa kung anong mga nararamdaman niya ngayon. Sa kung anong mga iniisip niya. Hindi ko nga inakalang may ganito siyang side.

Kahit ganito, masaya na ako na ako ang nasa kanyang tabi. Alam ko kasi ang pakiramdam mawalan ng kaibigan.

Ilang sandali, nakita kong kumunot ang kanyang noo at nagtaka ako nang hininto niya ang sasakyan.

Nagulat ako nang tiningnan niya ako nang seryoso tsaka hinawakan ang pisngi ko. Bumilis naman agad ang tibok ng puso ko sa pinaggagawa niya habang naguguluhan ko siyang tiningnan.

"A-anong..."

"Listen carefully! Whatever happens, don't get out and just call Kernel..." sobrang seryoso niyang sabi. Nakikita ko sa mata niya na parang nag-aalala siya na ewan.

"B-bakit..."

"Even if something happens to me, don't get out and keep calling him! Do you understand?"

Nagsimula na akong mataranta sa mga pinagsasabi niya kasi parang nagmamadali siya na ewan. Napatingin siya sa likuran namin kaya sinundan ko ang kanyang tiningnan. Nagulat ako na may maraming nakamotor ang nasa likuran namin at huminto rin sila. Nagsimula pang nagsibabaan ang mga ito.

Napatingin din ako sa harapan at may mga naka-motor ding huminto. Sino sila at bakit parang pinapaligiran nila kami?

Hinawakan ni Jax ang magkabila kong pisngi at pinaharap niya ako sa kanya. "Breath! Stay calm and do what I told you to do!"

"P-paano ako kakalma kung..."

"Please..."

Natigilan ako nang makita ko siyang nagpakiusap. Hindi ko in-expect na magagawa niya ito.

"Here!" Binigay niya sa 'kin ang phone niya at sinabi rin niya ang pincode nito. Bago siya bumaba, nagulat akong may kinuha siyang baril sa drawer nitong kotse.

"Stay here!" sabi niya at nagmamadaling lumabas ng kotse. Sinundan ko siya ng tingin at nakapagtataka na kalmado lang siyang naglakad sa gitna ng daan.

Agad ko namang in-open ang phone niya para sana tawagan si Kernel pero nagulat ako nang makita ko ang kanyang wallpaper.

'B-bakit?'

Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib pero binalewala ko muna iyon tsaka nanginginig na tinawagan ang number ni Kernel.

'Kailan pa naging sila? May nangyari na ba sa kanila?'

Wala pang tatlong segundo ay sinagot agad ni Kernel ang tawag.

"T-tulungan mo kami! P-pina..." 'di ko natuloy ang sinasabi ko kasi tuluyan na akong naiyak. Sinubukan kong huminga nang malalim.

"Hey what happened? I'm gonna trace you! I'll be there!" nagmamadali niyang sabi kahit 'di pa niya alam kung anong nangyari.

"P-pinapalibutan kami! A-ng dami nila!" Natataranta kong sabi. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ngayon.

Pero 'yong sakit na nararamdaman ko kanina, napalitan agad ito ng pagkabahala nang makita kong sinugod ng mga 'di ko kilalang mga lalaki si Jax. May dala pa itong mga baseball bat at mga patalim.

"Hey Kitty Katty! Wag na wag mong papatayin ang tawag. Makinig ka sa 'king mabuti!" dinig kong sabi ni Kernel mula sa kabilang linya.

"N-nakikinig ako! P-pero pinapalibutan nila si Jax! Mag-isa lang siya!... Jax!"

Bubuksan ko sana ang pinto nang makita kong natamaan siya ng patalim sa may braso niya kaso tumingin siya sa may gawi ko at sinamaan ako ng tingin.

"Idiot!" 'Di ko man narinig pero alam ko 'yan ang sinabi niya.

Napahinga ako nang maluwag nang makailag siya sa isa pang baseball bat na ihahampas sana sa kanya. Nasipa din niya ang mukha ng isa pang kalaban.

"Don't worry milady! A former villain can handle those low-class extras! Just stay there and relax. Kernel Santos is coming!" Hindi ako sigurado pero parang excited ang boses ni Kernel. 

Hindi na ako nakapagsalita pa nang nakita ko kung paano nakipaglaban si Jax na mag-isa. Sa dami ng kalaban niya, mabilis niya itong napatumba. Ginamit niya ang baril panghampas pero hindi niya ito ginamit para patayin ang mga kalaban.

Nalilito na ako kung mag-aalala pa ba ako sa kanya o mamamangha. Bawat may kalabang lumalapit sa kotse na sinasakyan ko ay kinakalaban niya agad o pinapatumba. Hindi man lang makalapit ang mga ito sa gawi ko.

Nakita ko na siya noon na nakipaglaban kay Lance pero saglit lang iyon. Ngayon ko lang siya nakitang totoong nakikipaglaban... at 'di ko maiwasan ang mamahangha.

First impression ko kasi sa kanya ay tahimik at sobrang seryoso sa lahat ng bagay. Ayaw sa gulo at walang paki sa negosyo ng ibang tao. Hindi ko talaga inakalang magaling din siya makipaglaban.

Ano pa ba ang kaya niyang gawin? Ano pa ba ang talentong tinatago niya? Parang lahat ay magaling siya. Sa klase, sa pag-manage ng student council at sa pagkikipag-away.

"Trust him. This might be the reason for you to see how good he is," sabi ni Kernel mula sa kabilang linya na muntik ko nang makalimutan na katawag ko pa rin pala siya.

Tumango ako sa kanya kahit 'di niya makita.

Isa na lang ang natirang kalaban na 'di ko namalayang kanina pa pala natumba 'yong iba. Pareho sila ni Jax na hinihingal at nakatitig lang sa isa't-isa.

Nagtaka ako nang may nilabas itong cellphone at inihagis malapit kay Jax. Agad din naman niyang pinulot nang hindi inalis ang kanyang tingin sa kalaban.

Nilagay niya ang cellphone sa may tenga at parang may kausap siya sa kabilang linya. Pinagmamasdan ko ang kanyang mukha at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Napatingin siya sa gawi ko at nagtama ang aming tingin.

Napasinghap ako nang makita ko ang kalaban na may itinutok na baril kay Jax. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse at lumabas para sabihan si Jax pero napatigil ako nang biglang binaril ni Jax ang kalaban nang walang pagdadalawang-isip. Sapol sa noo at agad humilata sa semento.

"Kitkat!"

Nabaling ang tingin ko kay Jax nang sumigaw siya tsaka mabilis tumakbo papunta sa akin. Bigla niyang hinablot ang braso ko tsaka hinila paalis malayo sa kotse. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit at wala pang tatlong sigundo, nakarinig ako nang sobrang lakas na pagsabog.

"A-anong nangyari?" naiiyak kong tanong nang humiwalay ako sa kanyang yakap.

Agad kong tiningnan ang sasakyan at nakita kong ito pala ang sumabog. Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

"Are you okay?"

Hindi pa ako nakapagsalita nang bigla niyang tinutok ang baril sa may likuran ko at walang pagdadalawang-isip ay pinaputok niya ito ng tatlong beses.

"Damn it!"

Muli na naman akong nagulat dahil sa ginawa niya. Tiningnan ko ang binaril niya, at agad na nanghina ang tuhod ko sa aking nakita. 'Yong isang kalaban kanina, hindi ko ma-describe ang itsura niya.

Lumayo siya sa 'kin tsaka hinagis niya ang cellphone na bigay nong kalaban at walang tigil na pinaputokan ng baril hanggang sa mawasak. Ako naman ay takot na napatakip sa tenga habang natatakot kay Jax.

Galit na galit siya at ramdam ko ang panggigigil niya. Ngayon lang ako natakot sa kanyang presensya. Yong mukha niyang sobrang seryoso, mga mata niyang parang papatay sa tingin, at mukha niyang punong-puno ng dugo.

Kinuha pa niya ang isang patalim sa semento at dahan-dahang nilapitan ang walang malay na kalaban na pinatumba niya kanina. Alam kong buhay pa 'yon kasi hindi niya ito binaril. Pero...

Natatakot ako sa naisip ko sa kanyang susunod na gagawin.

Hinawakan niya ang kwelyo nito at sasaksakin na sana nang 'di ko mapigilang awatin siya.

"Jax wag!" sigaw ko dahilan nang mapatigil siya. Binitawan niya ang kalaban at dahan-dahang tumayo at lumapit sa 'kin.

Natatakot ako sa kanya ngayon. Parang may sumapi sa kanyang masamang espirito. Ayoko rin tingnan ang mukha niya ngayon. Natatakot ako!

"J-Jax!" kinakabahan kong tawag sa kanya habang papalapit siya sa 'kin na may hawak na patalim.

Hindi ko rin napigilan ang mga luha ko. Natatakot ako. Sobra. Naalala ko pa ang pagsabog kanina at ang itsura n'ong lalaking binaril niya ng tatlong beses, at siya na parang wala sa sarili habang lumalapit sa 'kin.

Nang nasa harapan ko na siya, itinapon niya ang kanyang hawak na patalim at hinawakan niya ang bewang ko para tulungang tumayo.

"J-Jax!" Naiiyak kong banggit sa kanyang pangalan.

Wala siyang sinabi kahit isang salita. Nakikita ko lang ang pag-aalala ng mukha niya nang hinawakan niya ang mukha ko.

"Natatakot ako..."

"I know. I'm sor..."

"Natatakot ako sa 'yo," pag-amin ko habang  sinalubong ang kanyang tingin. Hindi niya inasahan ang aking sinabi kasi nagulat siya at parang natigilan saglit.

Hindi siya nagsalita at hinimas lang niya ang luha sa pisngi ko. Sobrang seryoso lang ang tingin niya at hindi ko ma-explain ang expression ng kanyang mukha.

Umiwas ako ng tingin at yumuko. Mas lalo akong napaiyak. Gusto ko na lang umiyak. Gusto kong isipin na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sa dami ng nangyari ngayong araw, parang ang hirap i-process sa utak ko.

Nakita ko ang kanyang braso na may malaking sugat dahil natamaan ito ng patalim kanina. Bigla akong kinabahan sa dami ng dugong lumabas dito. Agad kong hinawakan ang braso niya tsaka nag-aalala ko siyang tiningnan.

"Jax! 'Yong braso mo! Jusko!" natataranta kong sabi tsaka naghanap ng pwedeng gamitin pang takip sa kanyang sugat.

Sinubukan kong punitin ang t-shirt na suot ko pero hindi ko ito mapunit. Natataranta na ako at mas lalong naiyak dahil hanggang dito wala akong maitulong sa kanya.

"Pa'no kung mawalan ka ng malay dahil sa daming dugo ang lumabas sa katawan mo?"

Bigla niyang hinawakan ang laylayan ng damit ko at siya na mismo ang nagpunit nito na ikinatigil ko. Pero agad ko itong kinuha at ibinalot sa braso niyang may sugat.

"I thought you're scared of me?" tanong niya pero 'di ko siya tiningnan at seryosong tinali ang tela.

"Oo! Sino ba namang 'di matakot sa ginawa mo... Pero 'di ko maiwasang mag-aalala sa 'yo!" naiiyak ko pa ring sabi sa kanya.

Bakit 'di pa maubos 'tong mga luha ko?

Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. "I don't know what I'm gonna do if I'm late by seconds to pull you away from explosion. This is the reason you cannot love me.  I told you, loving me will only put you in danger..."

Sa mga oras na ito, alam ko lang na humahagulhol na ako habang yumakap pabalik sa kanya.

'Naisip niya pa iyan?'

"You lift my feet off the ground... Spin me around."

Mabilis kaming napahiwalay ni Jax sa pagyakap. Agad kaming napatingin kay Kernel na nasa motor pa niya at parang kinukuhanan kami ng video gamit ang cellphone niya habang kumakanta pa.

Nakakahiya! Ba't 'di namin namalayan ang pagdating niya?

"You make me crazier... Crazier oh oh!" kanta niya.

"Okay cut! Nice acting! I'm impressed! Now let's proceed to the bed scene!" sabi pa niya na parang isang director ng pelikula.

Natatawa siyang bumaba sa motor at tiningnan kami nang nakakaasar.

"Hindi ba ninyo namalayan ang aking pagdating dahil sa inyong labis na pagmamahalan binibini at ginoo? Ako ba ay nahuli sa unang eksena ng inyong novela dito sa lugar ng inyong pag-iibigan?" pang-aasar pa niyang sabi habang nilibot ang kanyang tingin sa mga kalabang wala ng malay.

Bakit parang wala lang ito sa kanya?

"This brilliant and oh so handsome man named Kernel Santos here is quite confuse of your story's genre. Is it love story or action or... What the fuck!"

Bigla siyang napasigaw habang dali-dali niyang nilapitan ang kotse na sumabog kanina. Napaluhod siya sa harap nito habang ginugulo ang kanyang buhok.

"What happened to my car Jax Blaine?" sigaw niya at galit na binalingan si Jax na nag-shrugged lang pabalik.

"Are you okay?" tanong ni Jax sa 'kin at hindi na muli pang tiningnan si Kernel.

Tumango ako sa kanya.

"Jax... Naiwan ko pala ang cellphone mo kanina sa kotse. Pasensya na," paghingi ko ng tawad. Nasama kasi ito sa pagsabog.

"It's fine."

Tumango lang ako at hindi pinahalata sa kanya na nakita ko ang wallpaper ng cellphone niya.

...

Itutuloy...