Chereads / The Former Villain / Chapter 26 - Chapter 24

Chapter 26 - Chapter 24

Kitkat's POV

Hindi sana ako papasok ngayon kasi wala namang klase. May program lang at iba pang activities. Kaso dahil sa favor ni Exseven kagabi, naisipan ko na lang pumasok.

Nakaupo ako ngayon sa room ng fourth class namin mag-isa. Wala kasi akong ibang mapuntahan at wala din akong gana mag-enjoy sa mga booth sa ibaba kaya dito na lang ako tumatambay.

Nagdadalawang-isip ako kung baka uuwi na lang ako o ano. Kasi wala naman talaga akong ibang purpose para pumasok, ang ibigay lang kay Jax ang envelope.

Hindi ko nga alam kung pa'no ko 'to ibigay sa kanya kung sakaling makita ko siya. Gusto ko siyang iwasan ngayon pero may part din sa 'king gusto ko siyang makita.  Ang hirap i-explain ng aking nararamdaman.

Bumuntong-hininga ako at nilabas ang envelope at tiningnan. Dahil dito, nadagdagan pa ang mga iniisip ko. Matagal nga akong natulog kagabi.

Sino ba kasing mag-aakalang sa dami ng hihingan niya ng favor eh sa 'kin pa siya lumapit? Okay sana 'yon pero ngayong nag-promise pa ako sa sarili na hindi ko na papansinin si Jax, nahihirapan ako.

At isa pa, pa'no niya ako nakilala?

Siya pala si Exseven na ipinagbabawal ni Jax sa 'kin na sabihin ang pangalan niya sa harap ni Lavandeir. Siya din pala 'yong boyfriend ni Lavandeir na sobrang na-miss niya.

Pero bakit bawal sabihin ang pangalan niya sa girlfriend niya?

"If you happen to meet my girlfriend, Lavandeir... Tell her I love her and I miss her."

Napangiti na lang ako nang maalala ko ang sinabi niya. Kahit medyo nakaka-intimidate ang itsura niya, ang sweet niya pa rin kay Lavandeir. Swerte niya naman.

Hindi katulad ni Jax na sobrang sungit. Mukhang 'di nga marunong ngumiti, ang umibig pa kaya?

Teka? Ba't niya pala sa 'kin pinapasabi eh pwede niya naman mismo sabihin kay Lav? May something talaga.

Itinaas ko ang envelope at itatapat sana sa may bintana para mailawan ng araw pero agad akong natigilan nang nakita ko si Jax sa labas at nakakunot ang noo na nakatingin sa 'kin.

Para akong nawalan ng hininga saglit sa gulat. Hindi nga ako nakagalaw nang pumasok na siya sa room.

Sa mga oras na 'to, nagdadalawang-isip akong ibigay sa kanya ang envelope. Nakatingin lang ako sa kanya pero sa loob-loob ko, natataranta na ang aking puso at isipan.

'Kanina pa kaya siya?'

"Why are you here?"

Tanong niya pero hindi ako sumagot. Muli namang bumukas ang pinto at nagulat ako nang bumungad si Noreen. Parang nagulat pa siya nang makita ako.

'Di na ako nagdalawang-isip na kunin ang bag ko para umalis. Ayokong makita ang babaeng 'yan. Maliban sa takot pa rin ako sa kanya, kinaiinisan ko din siya.

Big deal na nga sa 'kin na inagaw niya si Clark sa 'kin; nakuha pa niya si Jax, pero 'yong mas nagpapainis sa 'kin eh sinabay niya pa silang dalawa. Wala ba silang halaga sa kanya? Proud ba siyang dalawa boyfriend niya?

At ilang beses na ba silang sekretong nagkikita?

"Look who's here?" maarte niyang sabi habang nakataas pa ang isang kilay. "I've been expecting you to show up in front of me to ask an apology these past few days, then now you suddenly appeared when this time I don't want you to show up?"

'Anong sorry ang hihingin ko?'

Kinunutan ko lang siya ng noo at iniwas din ang aking tingin. Hindi ko siya pinansin at naglakad patungo sa pintuan para sana makaalis na dito pero bigla niya akong hinila tsaka hinablot ang envelope na kanina ko pa hawak.

Nanlaki ang aking mata at agad siyang hinarap. Hindi pwedeng makita niya ang laman niyan. Maiging binilin sa 'kin ni Exseven na kay Jax ko lang mismo ito ibigay.

"Ibigay mo sa 'kin 'yan!"

"What's this awful thing? You wanted to give your stupid love letter to Jax? You're still obsess with him?" maarte siyang natawa. "Now that I know you and him aren't really together, I realized you're the only one who's obsessed and he hates it!"

Medyo nasaktan pa rin ako sa sinabi niya kasi alam kong totoo iyon. Pero hindi ako masyadong nagpapaapekto, naka-focus lang ako kung pa 'no ko mabawi sa kanya ang envelope.

"Akin na sabi!" sigaw ko tsaka sinubukan kong hablutin ito pero hindi ko nakuha.

Nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako nagulat din na nagawa ko iyon sa kanya.

"Ibalik mo sa 'kin 'yan!"

"What's so important with this cheap love letter? Jax won't accept it, you obsessive bitch!"

"Alam ko! Kaya akin na!"

Wala man akong idea kung anong laman niyan, alam kong importante 'yan. May kutob talaga akong may mali sa Exseven na iyon. Dahil sa sinabi niya kagabi, alam kong hindi siya kaaway ni Jax at alam ko hindi siya masamang tao.

Sinubukan niyang buksan ang envelope at dahil sa taranta ko, bigla kong hinablot ang isang monobloc na upuan at hinagis sa kanya.

In-expect ko nang maiilagan niya lang iyon, hindi ko lang in-expect ay ba't ko 'yon nagawa? Saan ako kumuha ng lakas ng loob?

'OMG! Si Noreen 'yan Kitkat!'

Parang papatayin niya ako nang tiningnan niya ako nang masama. Tinapon niya ang envelope sa sahig tsaka mabilis akong nilapitan at sinampal.

Agad akong napahawak sa 'king pisngi. Mga malulutong na mura ang aking natanggap pero pilit kong pinipigilan ang aking luha. Ayokong maiyak na naman sa harap ni Jax. Hindi ko nga siya magawang tingnan kaya 'di ko alam kung anong reaction niya.

Siguro iniisip niyang sobrang obsess ko na siguro sa kanya. Iniisip niyang love letter ko talaga ito.

Sinipa ko si Noreen sa kanyang binti at dahil 'di niya iyon inasahan, hindi niya ito nailagan at napaatras siya. Nakakainis pa eh sinalo pa siya ni Jax.

'Wow ang caring!'

Susugod pa sana ang girlfriend niya sa 'kin pero pinigilan niya.

"That's enough babe! Don't be jealous, she knows about us."

Babe na pala tawagan nila? Hindi ako masasaktan! Hindi ako maiinggit! Hindi bagay kay Jax magsabi n'on!

"Oh sorry! My bad!"

Hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon at pinulot ko na ang envelope sa sahig. Pagtingin ko ulit sa kanila, nakita ko nalang niyayakap na siya ni Jax.

Ang OA naman! Kelangan talaga yakapin?

Hindi dapat ako nasasaktan! Dapat galit ako eh! Wala nga sabi akong karapatang masaktan!

Tiningnan ko muli si Jax habang nakatalikod sa 'kin si Noreen dahil nakayakap siya dito.

Pero nagtataka ako nang ngumiti siya sa 'kin na parang proud siya sa 'king ginawa. Tiningnan niya kasi ang monobloc na hinagis ko kanina tsaka nag-smirk.

Hindi ko pinansin ang mga nginingiti-ngiti niya at tinalikuran sila. Mahigpit kong hinawakan ang envelope at agad na lumabas sa room na iyon.

Pagkaliko ko sa may hallway, walang tao maliban sa 'kin kaya napahinga ako nang malalim at medyo napaupo. Sobrang nanginginig ang aking kamay at nanghihina ang aking tuhod.

Inaamin ko, natatakot talaga ako kay Noreen. Lalo na alam kong 'di siya titigil na saktan ako dahil sa ginawa ko. Naging mabait lang 'yon dahil nanunuod si Jax. Katulad lang din sa nangyari kay Clark.

Nasasaktan ako ng sobra. Lalo na't na-realize ko ngayon lang na ginagawa ni Jax ang mga ginagawa ni Clark.

Agad kong tiningnan ang envelope. 'Di ko alam kung kailan ang susunod na magkakaroon ako ng pagkakataong ibigay ito sa kanya. Sa ngayon, parang ayoko pang harapin siya.

...

Sabado at linggo, nasa bahay lang ako at walang ibang ginagawa kundi ang matulog. Kapag magigising naman mag-o-over think lang ako kaya mas gustuhin ko na lang matulog. Lumalabas lang ako minsan para bumili ng pagkain.

Hindi na rin muling nagpakita sa akin si Exseven. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko pa naibigay kay Jax ang pinapaabot niya?

Dalawang araw din akong hindi pumasok. Gusto kong iwasan si Jax pero hindi ko magawa kasi kaklase ko siya sa lahat ng subject kaya naisipan ko na lang umabsent. Bahala na ang consequences ko.  Sobrang babaw lang ng aking dahilan pero 'di rin naman kasi ako makakapag-focus sa klase.

Wednesday ngayon at nakayuko lang akong naglalakad papuntang first subject. Kahit medyo hindi na pinag-uusapan ng iba 'yong naging issue ko, marami pa ring tumitingin sa 'kin na kakaiba.

'Yon din ang ikinatuwa ko na wala pang nakakaalam na iba tungkol kay Jax at Noreen kasi kapag nalaman iyon ng iba, alam kong matulad lang din sa dati na kinakawawa ako ng karamihan.

Hindi rin kasi nila ma-public 'yong relasyon nila kasi sila pa ni Clark!

Bakit ba kasi pumatol si Jax sa kanya? Medyo natu-turn off ako kasi alam niyang may boyfriend si Noreen at kaaway pa niya si Clark.

Bakit ba kasi 'di na lang ako lubusang ma-turn off?

Minsan pa naaalala ko 'yong time kung paano siya nag-alala sa 'kin n'ong pinalibutan kami ng kalaban. No'ng muntik na akong masama sa pagsabog.

Parang totoong-totoo 'yong mga emosyon niya n'ong time na 'yon. Na parang nag-aalala talaga siya sa 'kin.

Ilang araw ko na ring iniisip kung ano talaga siya or ano ang kanyang totoong buhay.

Pagpasok ko sa room, nakita ko siya kaagad at iniwas ko lang ang aking tingin nang tingnan niya ako.

Dahil sa umiiwas ako sa kanya, hindi ako umupo sa kanyang tabi.

Habang nagtuturo din ang prof namin, 'yong head ng committee, naalala ko na naman 'yong narinig ko n'ong mga nakaraang araw ang tungkol sa ginawa ni Jax kaya lahat ng estudyante rito ay gumagalang na sa aming prof.

Nakakainis lang kasi palagi kong naalala ang mga bagay na mga ginawa niya na nagpapasaya sa 'kin. 'Yong time na nagtatago kami sa likod ng puno n'ong nasa forbidden place kami. N'ong time na ipinagtatanggol niya ako kay Lance, kahit 'di na ako sigurado kung ako ba talaga ang dahilan ba't niya kinalaban si Lance noon.

'Yong mga naging expression niyang masungit. Yong paghawak niya ng kamay sa akin noon. 'Yong pagyakap niya.

Bakit ba ang hina-hina ko pagdating sa kanya? Kahit anong pilit ko, hindi ko siya magawang kamuhian. Kahit na n'ong nalaman kong pumapatay din pala siya.

Bakit gan'to ako sa kanya? Kung pwede sana diktahan ang damdamin ko, ginawa ko na.

Nang matapos na ang klase, gusto ko sana siyang i-text at sasabihin sa kanyang may ibibigay ako. Kaso naalala kong nasama pala 'yong phone niya sa pagsabog.

Naglalakad kaming lahat patungo sa next class namin. Lumapit ako sa kanyang likuran at naglakas-loob na hawakan ang laylayan ng kanyang polo. Dahil 'don napatigil siya at tiningnan ako.

Mabilis akong umiwas ng tingin bago ko masalubong ang kanyang mata.

"May ibibigay ako sa 'yong importante pagkatapos ng 3rd class. Magkita na lang tayo malapit sa forbidden place," mahinang sabi ko sa kanya.

Inaantay ko siyang magsalita pero wala siyang sinabi. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatitig lang siya sa 'kin.

"May sasabihin din akong importante kaya ikaw lang dapat mag-isa..." Gusto ko pa sanang sabihin na hindi niya dapat isama si Noreen pero pinigilan ko ang sarili ko.

Oo na! Bitter pa rin ako!

"I will still punish you for what you did! Drinking alcohol inside the campus is prohibited!"

Nagtaka ako nang sinabi niya iyon nang medyo malakas dahilan nang napatingin sa min 'yong iba.

"Idiot! Don't take it hard. Someone's just observing us! Now go and act like you're hurt by me!" bulong niya sa 'kin tsaka sinasamaan ako ng tingin. "Go!"

Mabilis akong lumakad palayo habang kinakagat ang aking labi. Hindi dahil sa umaakto akong nasasaktan pero dahil sa kinakabahan ako. Naalala ko na naman kasi 'yong mga lalaking pumalibot sa 'min noon.

Pati ba dito may kalaban si Jax?

At pwede niya naman akong saktan ng totoo total palagi niya iyong ginagawa sa 'kin. Sinasaktan ako sa mga salita niya...

Pero ba't ngayon, nagpapaliwanag siya?

...

Pagkatapos ng 2nd class namin, pumunta muna ako ng comfort room kasi kanina pa ako naiihi. Pagkatapos kong mag-flush, tiningnan ko ulit ang envelope sa bulsa ng aking blazer. Dala-dala ko na ito simula nang malaman kong may nagmamasid pala kay Jax.

Baka nga may sumusunod din sa 'kin. Nagiging paranoid na kasi ako dahil sa nangyari noon.

Paglabas ko ng cubicle, sobra akong nagulat nang makita si Clark na nakatayo na parang hinihintay niya ako.

"A-anong ginagawa mo rito!"

Bakit siya pumapasok sa ladies room?

Tiningnan ko ang ibang cubicle, nalaman kong kami lang ang tao rito. Nakasara din 'yong pinto ng comfort room.

"I'm here to talk to you! I wanted to warn you!"

"Wala na tayong pag-uusapan pa!"

Aalis na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang aking braso.

"Stay away from Jax Blaine!"

Natigilan ako sa sinabi niya at nagtataka siyang tiningnan.

"Anong sabi mo?"

"I don't want you to get involve with him. He's dangerous so stay away from him!"

Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak niya sa aking braso tsaka mapaklang natawa.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Dangerous? Eh mas dangerous ka pa sa paningin ko! At isa pa ba't ka na nag-aalala sa 'kin ngayon? Hindi mo na ba feel ang girlfriend mo?" tukoy ko kay Noreen.

Bigla niyang hinawakan ang aking magkabilang balikat at seryoso akong tiningnan. Medyo nagulat pa ako nang makita ang kanyang mga mata na nagsasabing nag-aalala siya.

"All I care right now is you should stay away from him! It's okay if you push me away from you! I'll stay out of your life and treat me as a stranger if you want! Don't forgive me! Hate me all you can...

...But I just want you to believe me this time! I know about their relationship! Noreen and him! And that doesn't even matter to me!"

Nagmumukha siyang desperate sa kanyang sinabi.

Sa sobrang tagal na; simula ng kausapin niya ako, parang nakalimutan kong may ganito siyang side.

"A-anong ibig mong sabihin? A-anong..."

"There are so many things you don't know about and it's hard to explain every details to you! Just stay away from him..."

"...Noreen manipulates me, but he's able to control her and it made me felt free for the first time but no... I won't trust him for you. He's more dangerous than us!"

Sobra akong naguluhan sa kanyang mga sinasabi. Na kahit isa wala akong maintindihan. Mukha pa siyang nagmamadali na ewan.

"T-teka nga! Ba't ako maniniwala sa 'yo? Kung sinasabi mong dangerous, ikaw ang naiisip ko! Lalo na sa ginawa mo sa bestfriend ko! Pinatay mo siya kahit alam mong kaibigan ko 'yon!"

"It wasn't me! Noreen did it!"

Napatakip ako ng bibig dahil sa kanyang sinabi. Huminga siya nang malalim.

"Yes! I regret the decision I made that time when Noreen offered me something! I really regret it... especially seeing you being hurt because of me and I can't do anything about it! I am so sorry!"

Sa ilang buwan na ang nagdaan pagkatapos niya akong iwan at saktan, ni minsan hindi ko siya nakitang naghinayang sa ginawa niya sa 'kin.

Kahit isang beses, hindi niya ako nagawang tulungan mula sa pambu-bully ng members niya at ni Noreen. Tapos ngayon makikita ko siyang gan'to? 

Sobrang gulo...

Hindi ko na alam kung ano talaga ang totoo! Kahit ngayon ay hindi ko nga siya magawang paniwalaan!

"I will tell you everything you wanted to know when the time comes. But for now, please stay way from him."

Umiling ako sa kanya at itinulak siya palayo sa akin. "Ayoko nang maniwala sa 'yo!" sabi ko at tinalikuran siya.

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may sinabi siyang nagpatigil sa akin.

"Jax is the reason why Noreen got the video of you and him exiting the hotel."

"A-ano?"

"He's just using you to get her... He's the reason why you suffered from those issues with him! I don't have proof but Aki told me everything about him."

"Kilala mo si Aki?"

"He's the one who helped me. He also showed me photos and videos of them together. They already met up many times these days," pagtukoy niya kina Jax at Noreen.

Para akong nawalan ng kaluluwa sa aking narinig. Ayoko siyang paniwalaan pero parang automatic na lang nag-function lahat ng nerves ko sa katawan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Kahit wala akong tiwala sa mga sinasabi niya, nasasaktan pa rin ako.

"B-bakit niya..."

"You don't see the three gangsters gathering at the cafeteria these past few days right? It's because he killed most of them..."

"Please wag... wag mong ituloy ang sasabihin mo!"

Tinitigan niya ako sa mata at nakikita ko ang pag-aalala niya sa 'kin.

"Jax killed them! Only few of us left."

...

Itutuloy...

...

"To beat the villain, you have to be the better villain." - Jax ( quote inspired by Stefan Salvatore)