Kitkat's POV
"I'm already suspecting you being an idiot. I now realize, I'm right!"
"Is that how you thank me?"
"For what? For bringing this stupid motorcycle?"
"Nahihiya naman po akong makipagsagutan sa 'yo sa ginawa mo sa kotse ko! For your information, mag-iisang taon na 'yon bukas! You killed him the day before his birthday!"
"Tsk!"
Dahil isang motor lang ang dala ni Kernel, nakaangkas kaming dalawa ni Jax sa kanyang motor. Siya 'yong nag-drive, si Jax nasa harapan ko at ako ang nasa dulo. Kaya nagrereklamo si Jax dahil sa sobrang sikip.
Nakahawak lang ako sa laylayan ng damit ni Jax habang pina-process pa rin sa utak ko ang nangyari kanina. Wala akong ganang magsalita o makinig sa pinag-uusapan nila.
Ang hirap paniwalaan na pumapatay pala siya at parang normal lang din iyon ni Kernel. Hindi man lang siya nagulat kanina sa nangyari.
Ano ba talaga sila? Sino ba sila?
Akala ko mas brutal ang mga gangsters na kilala ko pero feeling ko mas grabe pa si Jax. Parang normal lang sa kanya ang lahat. Hindi man lang nagdalawang-isip na pumatay.
At iyong mga lalaki na kumalaban kay Jax kanina? Sino ang mga iyon? Anong pakay nila sa amin? Anong pakay nila sa kanya? Sinusundan ba nila kami o inaabangan? Paano nila napasabog ang kotse na iyon?
Sino ang tumawag kay Jax?
Bumuntong-hininga ako at pinikit ang aking mata. Sumusakit ang ulo ko sa dami ng nangyari kanina. Nagulat ako nang hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinayakap niya ako sa kanyang bewang.
"If you're going to sleep, hold me tight."
'Pa'no niya nalamang pumikit ako?'
Hindi ako sumagot at sinunod lang siya. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang likod at pumikit saglit. 'Di ko alam kung makakatulog ba ako nito.
Muli akong nagbuntong-hininga.
Gusto ko mang alisin sa isipan ko ang nakita kong wallpaper sa cellphone niya, pero ayaw maalis. At hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Hindi ko kasi maiwasang mag-overthink.
Kailan ko pa ba kaya matanggap na wala talaga siyang gusto sa 'kin? Na hindi talaga kami karapat-dapat sa isa't-isa? Lalo na sa nakita kong side niya ngayon, mas lalong naging malaki ang agwat ng pagitan namin.
Na parang pinapamukha talaga sa 'kin wala talaga akong pag-asa kay Jax. Ngayong sure na ako na delikado pinaggagawa niya; na medyo magkatulad sila ni Clark, alam kong mas qualified si Noreen para sa kanya kumpara sa akin.
Bakit ba siya na lang palagi?
Dahil ba pareho sila ng pinaggagawa? Dahil sobrang inosente ko lang sa mga ganoong bagay?
Ang bigat ng nararamdaman ko. Gusto ko na lang umiyak pero pinipigilan ko. Ayokong malaman ni Jax na umiiyak ako. Gusto kong magpapakatatag sa harapan niya.
Ayokong isipin niya ang hina-hina ko. Alam kong isa 'yon sa dahilan kung ba't ayaw niya sa 'kin.
...
"Jax! Maawa ka sa 'kin! Please wag!"
Nakita ko siyang ngumisi ng kakaiba habang dahan-dahang lumapit sa 'kin na may hawak na baril.
"Why would I care?"
"A-alam kong hindi mo 'yan gagawin! Kahit ayaw mo sa 'kin, hindi mo ko kayang patayin!"
Bigla niyang hinawakan ang aking mukha at tiningnan ako diretso sa mata. "Yong mga mata niyang walang emosyon. Na parang anytime ay magagawa niya akong patayin.
"What makes you so sure? Who are you anyway?"
Agad niyang hinampas sa ulo ko ang baril tsaka itunutok niya ito sa 'kin. Nang magkasalubong ang aming tingin, alam kong hindi ko na mabago ang isip niya.
"WAG!"
Bigla akong napabalikwas ng bangon habang habol-habol ang aking hininga. Napahawak ako sa aking dibdib dahil ramdam ko ang sobrang pagtibok ng puso ko sa kaba.
'Panaginip lang pala!'
"You're now awake."
Gulat kong tiningnan si Jax na nakaupo sa aking tabi nang bigla siyang magsalita. Agad din akong napaatras nang makita kong may hawak siyang baril at parang ina-assemble niya ito.
"N-nasaan ako? A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan at taranta kong tanong sa kanya nang makababa ako sa higaan at nagtataka siyang tiningnan.
"You're in my room. Are you hungry?"
In-assemble niya ang huling pieces ng baril tsaka nilapag sa higaan sa tabi niya at tiningnan ako.
Tiningnan ko lang siya pabalik. Nagulat ako nang naging pamilyar sa 'kin ang position ni Jax na nakasandal sa headboard. Pati 'yong kulay ng headboard.
Kaya pala...
Same sa picture nila ni Noreen sa wallpaper niya. Naka-topless lang si Jax n'on habang nakasandal sa kanyang dibdib si Noreen at nakangiti.
So dito pala 'yon. Nakapunta na pala dito si Noreen.
Iniwas ko ang tingin kay Jax tsaka siya tinanong kung anong oras na. Simple lang din naman niya akong sinagot ng 1pm.
Dahil naiilang ako sa klase ng tingin niya, naghanap ako ng pwedeng ma-topic.
"Kumusta na 'yong braso mo?"
Bakit hindi siya sumagot? Naiilang na ako. Anong meron sa 'kin at wagas siya kung makatingin?
"N-nasaan pala si Kernel?"
Tumalikod ako sa kanya at bubuksan sana ang pinto para umalis sa kwarto niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan.
"You saw it, don't you?"
Napahigpit ang hawak ko sa doorknob dahil sa tanong niya. Alam ko kung anong tinutukoy niya.
"Ha? Ang alin?" Kunwari kong tanong tsaka siya hinarap habang nakataas ang kilay.
Tumayo naman siya at lumapit sa 'kin. Kinakabahan naman ako ng sobra dahil sa paglapit niya.
'OMG! Ba't ba siya lumalapit?'
Sinulyapan ko ang baril na nakalapag sa higaan. Sinigurado ko lang na hindi niya dala. Natatakot kasi ako. Naalala ko lang 'yong kalaban na kanyang binaril nang walang pagdadalawang-isip.
Nang makalapit na siya sa harapan ko, pinilit ko ang sariling salubongin ang kanyang mga tingin para maniwala siyang wala akong idea sa sinabi niya.
"Di ba may program bukas? Ano pala plano mo ba't hindi ka pumasok ngayon? Kailangan mo ba ng assistant? Ako na mag-assist sa 'yo! Or baka kulang kayo ng tauhan sa student council, pwede ako tumulong mag-decorate sa mga props! At tsaka..."
"You saw my wallpaper, don't you?" seryoso niyang tanong dahilan nang napatango na lang ako bigla.
Nakaramdam na naman ako ng pagkirot sa aking dibdib. Naalala ko na naman kasi. At dahil in-open up niya, na-realize kong totoo nga talaga iyon. May parte pa kasi sa akin na iniisip na baka edit lang iyon, kahit alam kong malabo kasi palaging seryoso si Jax. Umaasa pa rin ako kahit papaano.
Pero ngayon..
"Ano naman kung nakita ko wallpaper mo? Big deal ba 'yon? Gusto mo din ba makita wallpaper ko? Teka nasaan pala 'yong phone ko?" Tinulak ko siya para makaalis sa harapan niya at agad hinanap ang cellphone ko.
Hinawakan niya naman ang braso ko tsaka hinila ako papalapit sa kanya at nakita kong hawak-hawak niya ang phone ko. In-on niya ang screen nito at lumabas ang stolen picture niya na ginamit ko bilang wallpaper matagal na.
"Ay! Haha! Nasa 'yo pala?"
Kinuha ko ito agad tsaka tumalikod sa kanya. "OMG! Nakakahiya! Nalaman mo pa ikaw 'yong wallpaper ko!" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko para ipakita sa kanyang hindi ako affected.
Wala namang kami kaya wala akong karapatang maging affected. Ayokong isipin niya na obsess ako sa kanya. Na pinipilit ko ang sarili ko sa kanya. Sinabi niya 'yon sa 'kin na isa iyon sa mga dahilan kung ba't ayaw niya sa 'kin. Sinabi niya iyon noong nasa hotel kami.
"Yes. Noreen and I are together."
Hindi ko na napigilan pa ang nga luha kong tumulo. Napakagat ako sa labi para pigilan ang sariling maiyak pa. Ang sakit. Ang bigat sa pakiramdam.
"B-bakit mo sinasabi s-sa 'kin 'yan? Hindi naman ako curious." Hindi ko pa rin siya nilingon. Ayoko siyang tingnan. Baka kung magkasalubong ang tingin namin, 'di ko na talaga mapigilang maiyak sa harapan niya.
"I just wanted you to know for you to stop assuming... To remind you again that you and I can never be together."
Napapikit ako ng mata. Nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. Sobrang sakit lalo na't galing mismo sa kanya.
Pinahid ko ang aking luha at huminga nang malalim. Hinarap ko siya at sinalubong ang kanyang tingin.
"Pinilit kong..." at kahit anong pagpipigil ko, kusa na lang nagsilabasan ang mga luha ko. "Pinilit kong kamuhian ka. Kahit na ngayong nalaman kong pumapatay ka rin 'tulad ni Clark. Or kahit siguro pumasok na sa isip ko na mas worst ka pa kay Clark eh! Pinilit ko ring dumistansya sa 'yo. Gusto kong ma-turn off sa 'yo..."
"Kaso kahit natatakot ako sa 'yo, alam kong mahal pa rin kita. Kahit masaktan man ako kung may iba kang gusto, pipilitin kong intindihin ka..."
Pinahid ko ang mga luha ko. Para na akong baliw sa harapan niya. Alam kong sobra na siyang na-turn off sa pagiging obsessed ko pero wala na akong paki. Gusto ko lang sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman sa mga oras na ito.
"...Pero bakit sa kanya pa? Hindi siya matinong girlfriend! Sila pa ni Clark at ngayon naging girlfriend mo rin? Alam mong niloloko na niya si Clark, alam mong tino-two time niya kayo pero bakit pumatol ka pa sa kanya? Ang dami naman diyang iba!" Umiwas ako ng tingin.
"...Siguro dito na nga ako matu-turn off sa 'yo. Ang taas pa naman ng tingin ko sa 'yo."
Lumabas na ako ng kwarto kasi hindi ko na makayanan pa. Paglabas ko, nagulat ako nang makita si Kernel na parang nagulat din sa pag-walk out ko.
"Ah hehe! Hindi ko intensyong makinig! Hehe!"
Mas lalo tuloy akong naiyak nang makita siya. Hindi ko alam, gusto ko na lang umiyak. Gusto kong huminga. O kahit tanggalin man lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
'Yong feeling na hindi pa nga naging kami pero hiniwalayan agad ako.
"The only comfort I know when a woman is broken hearted is to bring her with me to a club and get wasted but in your situation, I don't think you need it. Instead, I can offer you a ride home if you want?"
Hindi na ako nagdalawang isip at pumayag agad sa offer niya.
Gusto ko lang munang umuwi para hindi ko man lang siya makita. Habang nakaangkas ako sa motor ni Kernel, bigla siyang nagsalita.
"Cherish what you're feeling right now because hurting is equivalent to loving. When you love, other emotions will follow. You'll be hurt, you'll be happy. Sometimes, it will make you crazy. But that's normal. We're humans and we're gifted with emotions..."
Dahil sa sinabi niya, medyo gumagaan ang aking pakiramdam. Nakikinig lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Hindi pa seryoso 'yong pagkakasabi niya kaya napapangiti ako. Di ko alam kung sinadya ba niya para pagaanin ang loob ko or ganyan lang talaga siya ka bebo.
"I will tell you a secret because you're now a member of Popcorn club and obviously we're now popcorn buddies..." Ba't parang nakakatawa 'yong way ng pagkasabi niya? Seryosong-seryoso kasi siya.
"...Don't tell it to anyone. I really wish that in my next life, I don't want to be human again. I just want to become an onion so that I can make human cry when they chop me. HAHAHAH! My perfect revenge!"
'Di ko napigilan ang sarili at natawa na lang sa sinabi niya. Ang lakas pa niyang tumawa sa kanyang joke. Hindi ko akalaing may gan'tong klaseng kaibigan si Jax.
"Wait! Did you just laugh at my dreams?"
Dahil sa tanong niya ay natawa na naman ako.
Mga kalahating oras pa bago kami nakarating sa tapat ng bahay ko. Nang ibigay ko sa kanya ang helmet, bigla siyang napatingin sa bahay ko na walang ilaw. Ako lang kasi mag-isa dito.
Tiningnan niya ako habang nakakunot ang kanyang noo. "I think we need plan B. When you're alone, you can think a lot of things but when we go clubbing right now... Haha Joke!"
Natawa ako ulit tsaka nagpasalamat sa kanyang paghatid sa 'kin. Bago siya umalis ay may pahabol pa siyang sinabi.
"You can think a lot of things! When you do, you will realize you have brain afterall! Hahahah!"
Napailing na lang ako habang nakangiti. Pagpasok ko sa loob ng bahay, napawi agad ang aking ngiti.
Napaupo na lang ako sa sahig at nagsimula na namang nagsibagsakan ang aking mga luha.
Bakit ba kasi ang hina-hina ko!
Ilang sandali lang, may kumatok sa aking pinto. Mabilis kong pinunasan ang aking luha at inayos ang sarili.
Bumalik si Kernel?
Pagbukas ko, hindi si Kernel ang aking nakita kundi isang gwapo at hindi ko kilalang lalaki.
"S-sino ka?"
"I'm here to ask you a favor. Can you please give this to Jax Blaine?" sabi niya at may inabot sa aking papel. "Give it to him when you have time. Don't give it to anyone. Give this directly to him."
Tinanggap ko ang envelope kahit nagtataka.
"Kilala mo si Jax? Kaibigan mo siya?"
Umiling naman siya na ikinagulat ko. "I don't have a coward and idiot friend like him."
Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. First time ko pa yatang marinig na may tumawag kay Jax na idiot. Eh siya itong paliging tumatawag sa amin ni Alfonso na idiot eh.
"Ahm ano... Hindi siguro ako ang makakagawa ng favor mo. Kasi... 'di ko na alam kung kakaus..."
"You can give it to him anytime. It's up to you. I can wait because it's one of my fault why he did those things to you."
"Anong ibig mong sabihin?"
"If you continue loving him, I'm sure you'll know someday. He already lose someone he love before and he's afraid to lose another one. I just didn't know he's this coward. As long as you accept his past and who he is, nothing else matter."
Wala akong naintindihan sa anong gusto niyang iparating.
Sinuot na niya ang black cap niya at tsaka mask at tumalikod. Tatawagin ko sana siya pero humarap siya ulit sa 'kin.
Kahit mata lang nakikita ko sa mukha niya, parang nai-intimidate ako na ewan. Pareho sila ni Jax na walang emosyon pero parang mas nakakatakot siya. Kaya kahit may gusto akong itanong sa kanya, hindi ko magawa. Parang natameme na lang ako bigla.
"If you happen to meet my girlfriend, Lavandeir... Tell her I love her and I miss her."
Nanlaki ang aking mata dahil sa kanyang sinabi.
"OMG! A-ano pala name mo?" Di ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na itanong iyon sa kanya.
"Call me Exseven."
...