Kitkat Reyes' POV
'Bakit siya ang nandito? Nasaan ba si Aki?'
Nilibot ko ang aking paningin sa buong rooftop para hanapin siya pero hindi ko siya makita. Tiningnan ko rin 'yong may mga nagpatong-patong na armchair pero wala na rin doon si Fourth.
Ano bang nangyayari?
"J-Jax..." kinakabahan kong tawag sa kanya para subukang magpaliwanag pero napatigil lang ako nang makita kong binilang niya ang mga bote ng alak sa sahig.
Nanginginig ako umupong muli sa upuan sa harapan niya. Kinakabahan ako nang husto. Nang tumingin na siya sa 'kin, tumingin ako sa sahig. Hindi ko kayang tingnan siya! Natatakot ako!
"You promised you'll never be late again... You did because you absent. You also didn't do your punishment at the gym. Then here, I found out you violated another rule again. Drinking alcohol inside the campus is obviously prohibited," sabi niya at in-emphasize ang 'obviously.'
Napapalunok na lang ako ng laway nang wala sa oras. Kinakabahan ako sa magiging parusa niya. Ano na kaya magiging punishment ko? Gagawin na niya ba akong janitor dito sa campus?
Mabilis ko siyang sinulyapan para tingnan ang mukha niya. Napakakalmado lang nito pero nakakatakot pa rin. Hindi naman ito 'yong inaasahan kong papansinin niya ako.
Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya? Nagkita na ba sila ni Aki? Sabi kasi nito susurpresahin niya si Jax pero 'di ako sigurado kung nagkita na ba sila. 'Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Wala akong maisip na dahilan. Wala akong maipaliwanag. Parang na-blanko utak ko!
Masakit pa 'yong ulo ko at medyo nahihilo pa ako ng kunti. Ito na siguro epekto ng alak. Ilang oras ba akong nakatulog?
Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko sa bulsa habang nakatingin pa rin sa sapatos niya. Baka kasi malingat lang ako, patay na agad ako. Hindi kasi ako makatingin sa mukha niya.
Laking gulat ko nang makitang 8pm na sa phone ko.
'Six hours akong nakatulog? Ilang oras na bang nandito si Jax? Kakarating pa lang ba niya?'
"I wonder who's your drinking buddy? Is that person the reason why you always go somewhere during lunch and always being late during 4th period?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat sa katalinuhan niya. Pa'no niya nalaman?
"Ibig sabihin hindi kayo nagkita?"
Kumunot ang kanyang noo kaya akala ko papagalitan na naman ako. Kaso iniwas niya ang kanyang tingin at sinuri ang bote ng alak kaya nagka-chance akong tingnan ang mukha niya.
"These drinks are so expensive," kumento niya. 'Di ko alam kung namamangha ba siya dito.
Tumingin siya sa 'kin at mukhang may sasabihin pa kasi bumuka ang bibig niya pero agad naman niya itong tinikom. Kumunot ang noo niya at 'di ko alam kung bakit.
"Really testing me huh!"
Masama niya akong tiningnan tsaka tumayo. Gusto ko sanang umatras pero 'di ko na magawa dahil bigla-bigla niyang hinablot ang neckline ng damit ko tsaka ako hinila patayo.
Dahil sa gulat sa ginawa niya, napasigaw ako.
"J-Jax! Baka n-nakalimutan mong babae ako! Hehe! 'D-di ka naman s-siguro pumapatol ng babae no?"
Sinubukan ko siyang pakalmahin pero ngumisi lang siya sa 'kin na ikinanginig ng tuhod ko. Huhu!
"You think so?"
Mas hinigpitan niya ang paghawak sa neckline ng damit ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. 'Di ko magawang kiligin sa sitwasyon na ito. Buhay ko na nakasalalay dito!
Paano ba tumakas? Huhu!
"Listen! I want you to act unconscious at the count of three! One! Two!.." mabilis niyang bulong sa 'kin kaya 'di ko magawang mag-react.
"Three!"
Kahit naguguluhan ako sa mga pinaggagawa niya, agad kong ipinikit ang mga mata ko nang bigla niya akong parang sinuntok sa tiyan. Dinampi niya lang ito kaya 'di ako nasaktan.
Naramdaman kong sinalo niya ako at binuhat na parang pangkasal.
"Don't you dare smile, you idiot! You're unconscious! Damn it!" gigil niyang bulong sa 'kin.
'Di ko pa nga nagawa, inunahan na ako! Minsan talaga sumasagi sa isip ko kung tao pa ba si Jax.
Ano ba itong ginagawa niya? Bakit niya ako binubuhat at pina-acting na walang malay? Di ko talaga siya maintindihan!
Saan niya ako dadalhin? Hindi kaya may mas nakakatakot na parusa pa ang nakaabang sa 'kin at gagawin niya iyon sa labas ng campus? Papatayin ba niya ako?
"Jax, hindi mo naman siguro ako papatayin no? Kahit papatayin mo ako, mahal pa rin kita. Pero sana 'wag mo akong patayin para mamahalin kita nang matagal,' bulong ko habang ibinubuka nang kunti ang bibig ko. Baka kasi may makaalam pang may malay pala ako...
Teka...
"Jax may nanunuod ba sa 'tin?"
"Oh! Thank you for noticing." Damang-dama ko ang pagiging sarcastic niya.
Gusto ko sanang mag-react pero dahil sa sinabi niya ay 'di na ako nagsalita pa. Kailangan kong galingan ang pag-acting para naman kahit papaano may maitulong ako sa kanya kahit 'di ko alam kung ba't namin ginagawa ito.
'Pa'no kung kini-kidnap pala niya ako? Imbes na sana magsaklolo ako sa nanunuod sa 'min, mas tinulungan ko pa siya sa plano niyang masama! Huhu!
"It's not what you think! Just calm!"
'Convince na ako! 'Di talaga tao si Jax!'
Ilang minuto pa kaming ga'non at naramdaman ko na lang na pumasok kami sa isang sasakyan.
"Ohhh! Sweet lover boy! Is she the girl you cared for Mr. Wild... Mr. Connor? Pft!" May narinig akong isa pang boses ng lalaki na parang inaasar kami.
"Someone's following us. Just drive!" utos niya sa lalaki.
'Ano? Magpapanggap pa rin ba akong walang malay dito?'
"You can now stop pretending!" Sabi niya at basta-basta na lang niya akong itinabi sa gilid niya na parang isa akong bagay.
'Di ba niya alam na tao ako?'
Nang makaupo ako nang maayos, nalaman kong nasa isang van kami. Agad ko ring tiningnan ang lalaking nagsalita kanina na nagd-drive sa harapan.
Nagkatinginan kami sa front view mirror tsaka niya ako nginitian. "Hi Milady! I'm Jax's friend! Call me Kern!" pakilala niya.
"Ken?" pag-uulit ko baka kasi namali ako ng rinig.
"Kern, short for Kernel. Pareho kayo ni Lava! Napagkamalan akong Ken. Sa ganda ng pangalan ko, tinu-torture niyo!"
"Lava?"
"Lava! Lavandeir, Jax's bestfriend!"
Napanganga ako sa gulat at agad na tiningnan si Jax. Naka-crossed arms lang ito at nakapikit.
Muli kong tiningnan si Kern. Na-e-excite ako nang malaman kong may mga kaibigan nga si Jax.
"Hindi ko inakalang ang dami niya palang kaibigan! Magbarkada din ba kayong tatlo ni Jax at Lavandeir?"
"Yes. Actually, mas pinaka-close ni Jax ay si Lavandeir. Sa sobrang close nila, muntik na silang magpatayan..."
"Ha?"
"Joke lang! Hahaha! Alam mo 'yon? 'Yong magkaibigang nag-aasaran at nagkikilitian... gamit ang patalim."
Hindi ko masyadong marinig ang huli niyang sinabi kasi ibinulong niya lang iyon.
"Nakakainggit naman si Lavandeir!" sabi ko na ikinatawa lang ni Kern.
Pero atleast diba? May good side pa rin si Jax kasi may mga kaibigan pa siya kahit sobrang suplado niya.
"Kasama din ba si Aki sa grupo ni'yo?"
Gusto ko rin malaman kung barkada din ba sila. Kahit papaano natutuwa ako na nakilala ko 'yon.
"Aki?"
"Oo, kaklase rin siya ni Jax noon. Kilalang-kilala nila ang isa't-isa eh. Kasali siya sa grupo ni'yo?"
"Aki... Ahh! Si Aki? Hahaha syempre naman! Na-miss na nga namin ang gagong 'yon!" sabi niya tsaka tiningnan si Jax mula sa front view mirror.
Dahil d'on napatakip ako sa bibig ko at tiningnan si Jax.
'Patay! Bawal pala ipaalam sa kanya! 'Di pa naman sila nagkita! Naku! Ba't ba kasi ang daldal ko!'
"When did you meet him? Why he didn't tell me anything?"
Tiningnan ko si Jax na nakakunot ang noo habang nakatingin sa 'kin.
'Lagot ako kay Aki nito!'
"Five days ago. N'ong first time akong ma-late. Susurpresahin ka niya sana kaso hays... 'Di pa ba kayo nagkita kanina sa rooftop?" ulit kong tanong sa kanya.
"I see... I told you to trust no one!"
"Siya kaya unang lumapit sa 'kin. Mabait din naman siya. Palagi nga niya akong nililibre ng lunch."
"So that's the place you're always dating with him?"
Nagulat ako sa pinagbintang niya. Si Kern naman tumikhim habang natawa.
"Hindi ah!" Hindi na siya nagsalita pa kaya tinanong ko siya kung saan kami pupunta.
"Jax's coffee shop. We're meeting Lava there!" sagot ni Kernel.
"What? Why?"
Agad kong tiningnan si Jax na mukhang naiinis. Bakit ganyan siya kung maka-react? 'Di ba siya excited makita bestfriend niya?
"I don't know. She called me a while ago that she wanted to hangout there."
"What about the two?"
"They're already there. So I told her that Clent and Veign also wanted to see you so that she won't suspect anything."
Parang na-badtrip si Jax pero ako naman ay natutuwa. Excited akong makilala mga kaibigan niya!
"Me, Clent, and Veign will transfer to your school next month. Just in case you need us."
"I don't fucking need you! Stick to the plan!"
"Nah! We already processed our papers the moment we received Exseven's order."
"Damn it! She's listening!"
...
Nang makarating kami sa shop ni Jax, 'di ko maiwasang mamangha. Malaki kasi ito at parang pang mayaman lang. 'Yong mga gamit pa ang mga class. Madami ring customers. Hindi pa rin ako makapaniwalang sa kanya 'to. Gaano kaya siya kayaman?
Kumaway si Kern sa isang table na may isang babae at dalawang lalaki. Akala ko lalapit na kami sa kanila pero bigla na lang akong hinila ni Jax papasok sa parang crew room.
Pagpasok namin sa loob agad siyang lumapit sa 'kin at tiningnan ako nang mariin.
"Don't tell Lavandeir anything what you heard in the car! As much as you can, keep quiet!"
"Saan d'on? Na lilipat sina Kern sa school natin next month or 'yong tungkol sa utos ni Exseven?"
"Both! Especially, don't mention that name to Lavandeir!"
"Bakit ko naman i-mention 'yan sa kanya?"
"You're very much talkative!"
Sinimangutan ko siya. "Bakit naman bawal sabihin ang pangalan na 'yon sa bestfriend mo?"
Huminga siya nang malalim at hinilot ang kanyang noo. "The moment you will mention it, I will really kill you!"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"So just cooperate if you still want to live!"
May kinuha siya sa isang locker dito habang ako nanatiling nakatayo. Bakit basta-basta niya lang sasabihin 'yon? Hindi ba niya alam ang meaning ng pagpatay?
"Damn that Kernel! Why would he bring that woman here!" gigil niyang sabi habang kumuha ng white t-shirt sa locker at hinagis sa 'kin.
"Fuck that Exseven! He's giving us these fucking missions yet he let his fucking girlfriend wandering around here! I'mma just kill them both!" gigil na bulong niya na hindi ko masiyadong marinig. Narinig ko lang ay missions at kill them.
Anong missions pinagsasabi niya?
Minsan talaga napapaisip na lang ako kung gan'to lang ba magalit si Jax o sadyang pumapatay ba talaga siya. Nakakatakot namang isipin 'yon.
Alam kong nakakatakot siya pero impossible namang pumapatay siya. Isang malaking kasalanan na iyon. Ayoko ring isiping gan'on siya. Natatakot ako...
Natatakot ako sa maging reaction ko kung sakali.
Dahil kasi sa nakita ko kung paano siya magaling makipag-away at kung pa'no niya binugbog si Alfonso noon, parang nagdududa na rin ako. Lalo na n'ong sinabi ni Aki kanina na normal lang daw 'yon sa kanila ni Jax n'ong time na binugbog niya rin si Fourth.
"Fix yourself in five minutes, I'll wait for you outside!"
...
Nang matapos akong magbihis ng t-shirt na binigay niya, nilagay ko ang blouse ko sa bagpack ko at nakita kong nandoon pa ang jogging pants ni Jax. Buti binitbit niya itong bag kanina.
Mamaya ko na lang ito isuli sa kanya.
Naghilamos na din ako rito sa may sink para medyo mawala ang antok ko. Ayoko ring magmukhang haggard sa harap ng mga kaibigan niya.
Paglabas ko, naghihintay siya sa 'kin. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa table nila.
Nahihiya pa ako kasi nakatingin silang tatlo sa 'min, lalo na sa kamay naming magkahawak. Kung makatingin kasi sila parang 'di sila makapaniwalang makikita kaming gan'to.
Hindi ko na kasalanan 'to! Si Jax na mismo ang humawak sa 'kin. Siya na 'yong dumada-moves.
Nang makaupo kami, nginitian ako n'ong tatlo.
"Hi! Ako pala si Lavandeir! You can call me Lav," pagpapakilala ng isang babae. Nakangiti siya at sobrang hinhin din niya. Maganda din siya at kahit simple lang, mukha pa rin siyang class.
"I'm Kitkat!" pagpapakilala ko. Ipinakilala niya rin ang dalawang lalaki. Sila pala 'yong Veign at Clent. Pareho silang mukhang mayaman at mga gwapo.
Wala ba silang pangit sa circle of friends nila? Pati si Aki eh gwapo rin 'yon. 'Yong mga kutis nila ang gaganda pa.
"Why the fuck are you all here? You're disturbing my peaceful life!" inis na sabi ni Jax kaya sumimangot ulit ako. Para namang sanay na silang tatlo sa ugali nito.
Kahit kailan talaga ang suplado niya. 'Buti nga meron pa siyang mga kaibigan.
"It's been a long time, Jax," sabi n'ong nagngangalang Clent. Hindi ko ma-explain pero parang may malaking meaning iyon. Nagkatinginan kasi sila nang matagal.
"Yes, how are you?" tanong niya pabalik. Si Veign naman parang walang paki at relax lang kung umiinom ng kape.
"I'm now fine. I'm thankful we both survive. Glad to see you again."
Parang may something sa kanila na hindi ko ma-explain. Tumango lang si Jax at muling uminom ng kape.
Dumating naman si Kern na may dalang dalawang drinks.
"Hot tea and iced choco for the two princesses." Inilagay niya sa harapan ko ang hot tea at iced choco kay Lavandeir.
"Who wants popcorn?" tanong niya sa amin kaya agad akong nagtaas ng kamay. Bigla naman akong nahiya nang ako lang nagtaas habang natatawa si Lavandeir.
"You like popcorn? Yes! We're now popcorn buddies! Let's hangout next time at the club! I welcome you to join the Popcorn Club. Umiinom ka ba?" masiglang tanong ni Kern sa 'kin na sinamaan lang ng tingin ni Lavandeir.
"Wag na wag kang makikinig sa mais na 'yan!" payo niya sa 'kin.
"Ay! Nagseselos ang mahal na prinsesa! 'Wag kang mag-alala ikaw pa rin ang number 1 popcorn buddies ko! Hahaha! Nag-recruit lang ako para the more the merrier." Ginulo pa niya ang buhok nito.
Humarap sa 'kin si Lavandeir. "Alam mo bang may mahal siyang engaged na dahil pinakawalan niya?" kwento niya sa 'kin.
"Lavandeir? Really?" 'di makapaniwalang tanong ni Kernel. Naiinis din ang itsura niya. Natawa lang si Lav sa kanya. "Until this time, you're still using that against me?"
Napapangiti naman ako sa kanila. Ang cute kasi nila. Masasabi kong napa-close nilang dalawa.
"If you two won't shut up, leave my shop!" biglang sabi ni Jax sa kanilang dalawa kaya natahimik sila at umalis din si Kern.
"Pagpasensyahan mo na ang abnoy na 'yon!" pagpaumanhin ni Lav sa 'kin na ikinailing ko.
"Okay lang. Natutuwa nga ako sa inyo eh."
Tiningnan ko ang tatlo pero hindi sila nag-uusap. Parang tumatambay lang habang umiinom ng kape.
Nabigla ako nang tumayo si Lav at inaya akong sumama sa kanya sa kabilang table. "Halika may ikikwento ako sa 'yo. Mahilig ka ba sa aso? Ipapakita ko ang picture ng aso ko."
Tiningnan ko si Jax para sana magpaalam.
"Ayokong makipagkwentuhan kung nandiyan sila. Boring sila kasama," dagdag pa ni Lav.
"Fine, just don't believe anything she says!" sabi ni Jax kaya sumimangot kaming dalawa.
Tumayo na lang ako at nginitian sina Clent at Veign na nakangiti din sa 'kin. Parang hindi pa sila makapanilawa sa sinabi ni Jax. Bakit ano bang meron?
"Hindi ko pa rin in-expect na medyo nagbago na siya. Pft!" bulong ni Lav sa 'kin tsaka kami pumunta sa kabilang table malayo sa table nina Jax.
Nang makaupo kami, muli niyang sinulyapan sina Jax. "Para kasing may importante silang pag-uusapan kaya lumayo tayo."
"Ha? Paano mo nasabi?"
"Feel ko lang need nila ng privacy. Tingnan mo, nag-uusap na sila."
Tiningnan ko rin ang gawi nila at nakikita kong nag-uusap na nga sila. Gulat pa akong tumingin silang tatlo sa 'min.
"Ba't parang narinig nila tayo?"
"Nalaman lang nilang nakatingin tayo," sabi niya at natawa. Hindi ko naman ma-gets pero nakakamangha. Ganyan kasi minsan si Jax eh. Parang may kapangyarihan.
"Kumusta naman kayo ni Jax? Nakikita kong naging caring na siya sa 'yo," excited niyang tanong sa 'kin. Ang hinhin talaga ng boses niya parang babasagin. Mukha din kasi siyang mahiyain n'ong una pero n'ong makita ko sila kanina ni Kern, nawala na sa isipan ko.
"Talaga? Hindi naman kami okay. Hindi rin naging kami..." malungkot kong kwento. "Ilang araw din kaming hindi nagpansinan at alam kong galit siya sa 'kin. Akala ko nga paparusahan niya ako dahil lumabag ako sa rules eh. Kaya nagtataka ako ba't niya ako dinala rito."
"Ganyan talaga siya, perfectionist. Pero atleast nakikita kong nag-improve na siya at alam kong dahil din iyon sa 'yo. Nakikita ko ring gusto mo talaga siya kahit suplado."
Medyo nahiya ako sa sinabi niya. "Obvious ba talaga ako?"
"Hahaha! Parang gan'on. Sinasaktan ka ba niya? Sabihin mo lang sa 'kin, back-up mo ako."
"Hindi naman. Ako lang mag-isang nasasaktan hehe. Kasalanan ko naman lahat. Kasi sa simula pa lang wala talaga siyang gusto sa 'kin. Ako lang itong desperada na dumidikit sa kanya. Nakakahiya ako no? Pero wala akong magawa eh, mahal ko siya."
No'ng mga time na hindi ko na siya pinapansin o kinakausap, na-realize ko 'yon. Kasi 'di niya ako sinasaktan kung lalayuan ko lang siya. Isa pa ako lang itong palaging nangdidisturbo sa kanya.
Kaya minsan nagi-guilty rin ako. Hindi ko man lang pinansin ang damdamin ni Jax at palaging pinipilit ang sarili ko sa kanya kahit ayaw niya sa 'kin. Masakit mang isipin pero unti-unti ko namang natatanggap. Ang importante lang sa 'kin, okay siya at masaya.
"Hindi naman nakakahiya 'yan. Nagmahal ka lang naman. Nagpapasalamat din ako sa 'yo kasi palagi kang nandiyan sa tabi niya. Kanina hinintay ka niya sa labas ng crew room. Di rin kami makapaniwala kung pa'no ka niya hawakan sa kamay. Ibang-iba talaga siya kesa noon. Marunong na siyang mag-alala sa ibang tao maliban sa sarili niya."
Parang may something akong nararamdaman dahil sa pag-i-encourage niya. Para tuloy akong maiiyak na na-touch. Sana ganyan din iniisip ni Jax kaso nga lang hindi.
"...sana makita niya improvements ni Jax ngayon," dagdag niya.
"Niya?" tanong ko.
Yumuko naman siya at ngumiti. "Boyfriend ko."
Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat. "OMG! May boyfriend ka na?"
Nahihiya siyang tumango, "Miss ko na 'yon," sabi pa niya na mas lalong ikinangiti ko.
Natawa naman kaming dalawa. Para kasing ang cheesy namin dito.
Gusto ko sanang tanungin kung nasaan boyfriend niya kaso baka feeling close pa ako. Hindi na rin naman siya nagbanggit tungkol sa boyfriend niya.
Ipinakita rin niya sa 'kin ang picture ng aso niya na sinasabi niya kanina. Hindi pa ako makapaniwalang nakakatakot ang aso niya. Dalawa iyon at sabi niya bigay daw iyon ng boyfriend niya.
Wala kasi sa itsura niyang may alaga siyang dalawang K9.
"Kapag magkaroon ng anak ang aso ko, bigya kita ng isa para may magbabantay sa 'yo."
Tumango ako sa kanya at nagpasalamat kahit medyo kinabahan. Hindi ko alam pa'no i-handle ang asong gan'on.
Marami pa akong nakwento sa kanya. Tulad n'ong una naming pagkikita ni Jax hanggang ngayon. Kung paano siya na-involve sa 'kin dahil sa tatlong gangs. Pati na ang sistema ng paaralan nakwento ko kasi curious din siya. Masarap din siya ka kwentuhan.
"Kahit pala sa paaralan ni'yo may ganyang sistema. Ganoon din sa dating paaralan ko noon eh. Mga naghahari sa school."
"Talaga? Akala ko sa paaralan lang namin," sabi ko.
Hindi ko lang sinabi lahat ng mga narinig ko na tinutukoy ni Jax lalo na 'yong tungkol kay Exseven kasi alam kong magagalit na naman 'yon sa 'kin.
Hanggang sa naikwento ko rin ang tungkol kay Aki. Napunta kami sa usapan na ito kasi nasabi ko sa kanya na nagalit si Jax sa 'kin dahil sa mga lates ko at sa pag-inom ko ng alak.
"Kaklase siya ni Jax two years ago?"
"Oo 'yon sabi niya."
"Sure ka bang kaibigan 'yon ni Jax?" nakakunot niyang tanong.
"Kilalang-kilala niya si Jax eh. Na-confirm ko rin kay Kern kanina."
"Wag na wag kang magtitiwala kahit sino lalo na kung kakakilala mo lang," payo niya sa 'kin.
"Talaga? Palagi din 'yang sinasabi sa 'kin ni Jax."
"Ganyan din ako noon mabilis magtiwala eh. Basta huwag ka kaagad magtiwala lalo na kapag involve si Jax. Marami kasi naiinggit sa kanya dati kaya maraming sumisira sa kanya."
"T-talaga? Ayoko pa naman masaktan siya. Hanggang ngayon kasi napaka-mysteryoso ni Jax sa 'kin kaya wala talaga akong alam. Ngayon ko lang nalaman na marami palang gusto siyang saktan."
Parang medyo natatakot ako kay Jax na medyo naaawa. Hindi ko man alam mga pinagdaanan niya pero may clue na ako ngayon na hindi iyon naging maganda. Isa siguro 'yon sa dahilan kung bakit siya napadpad dito.
Hiniram naman ni Lav ang phone ko at may tinipa doon tsaka muling binalik sa 'kin. "Sinave ko number ko diyan. Kung gusto mong humingi ng tulong pwede mo akong tawagan. Lalo na kung sasaktan ka ni Jax," nakangiti niyang sabi na ikinatawa ko.
Ang bait niya talaga. Parang handang-handa siyang tumulong sa 'kin kahit kakakilala pa namin. Isa pa hindi nama siguro ako sasaktan talaga ni Jax.
"Salamat talaga. 'Buti na lang nalaman kong marami palang kaaway si Jax kaya mag-iingat na ako ngayon."
Hindi ko naman gustong pagdududahan si Aki kasi sobrang bait niya sa 'kin. May mga times lang talaga na nagdududa ako kasi maliban sa rooftop, hindi ko siya makita kahit saan sa campus. Paano pa niya naipasok ang mga alak na iyon na nasa plastic lang eh marami namang estudyante.
Hay! Hindi ko na alam!
"Mahal mo talaga siya no? Mabuti naman," sabi niya na parang may naalala. "Mahirap lang siyang intindihin kasi 'di siya nagpapakita ng emosyon. Sana nandiyan ka pa rin sa tabi niya. Kailangan niya lang siguro ng isang taong umintindi sa kanya. Mas gusto ko na ang Jax ngayon kesa noon."
"Ano po ba siya noon? Pwede ko po bang malaman?"
Desperado na siguro ako kaya natanong ko iyon.
Nginitian niya ako. "Wala akong karapatan magsabi eh. Mas maganda kung sa kanya mo iyon marinig. Kung siya mismo ang mag-open up sa 'yo. Kung mangyari iyon, that means mahalaga ka sa kanya. Mahirap kasi mag-open up ang isang tao tungkol sa past nila lalo na kung hindi maganda. Katulad din ng boyfriend ko noon."
Tumatango-tango ako sa kanya. Ang matured talaga niya mag-isip kaya humahanga na ako sa kanya. Habang ako palaging tinatawag na idiot ni Jax.
Bigla siyang huminga nang malalim. "Pwede ba Mais umalis ka dito! Chismosa nito!" Nilingon niya ang likuran niya at nakita namin si Kern na nakatalikod na nakaupo habang nagbabasa ng magazine.
'Ba't 'di ko namalayang nandiyan siya? Paano rin siya napansin ni Lavandeir eh nakatalikod siya rito. Ako nga 'di ko nakita na nakaharap ako sa gawi ni Kern eh.'
Natatawa naman siyang tumayo. "Ayiieeh! Boyfriend ko! Hahaha! Sana all may boyfriend ko! Hahahaha! Na-miss mo lang nagiging cheesy ka na! Pero n'ong magkasama pa kayo, hindi ka man lang naging sweet do'n!" pang-aasar niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Lav.
"Bweset! Umalis ka nga dito! Chismosa nito! Kaya 'di ka nagkaka-girlfriend! Isip bata!"
"Umiibig ang mahal na prinsesa!" pang-asar pa niya tsaka tumawa.
Tumingin si Kern sa 'kin at binigyan ako ng popcorn. "Pasensya na Milady natagalan ang popcorn. Busy kasi ako sa pagbabasa ng magazine!" Pinakita pa niya ang magazine na hawak niya tsaka natatawang lumapit sa table nina Jax.
"Abnoy na 'yon!" namumula sa inis at hiya si Lav sa pang-aasar ni Kern. Ako naman ay napapangiti na lang.
Muli na naman kaming nagkwentohan. May naikwento din siya ng kunti tungkol sa boyfriend niya pero hindi masyado. Na-curious tuloy ako sino boyfriend niya. Masasabi ko pang sobra niya itong na-miss.
Napapatingin din kami minsan kina Jax pero seryoso pa rin sila sa pag-uusap.
Nalaman ko na 2 years older pala si Lav sa 'kin habang si Jax ay 3 years agwat namin. Wala naman siyang masiyadong nakwento tungkol sa pagkakaibigan nila. Curious pa naman ako kung pa'no sila naging close.
Pinakahindi ko makakalimutan niyang tanong ay, "If ever may malalaman kang hindi maganda sa past ni Jax, kaya mo pa rin ba siyang tanggapin? Kaya mo pa ba siyang mahalin kahit may mga nagawa siya dati?"
Dahil sa tanong na iyon ni Lavandeir, alam kong may nangyari talagang 'di maganda kay Jax. Kaya siguro nagugulat na lang ako minsan sa mga kaya niyang gawin o sa mga inakto niya kasi 'di ko pa talaga siya lubusang kilala.
Naalala ko pa ang sinabi ni Aki sa 'kin kanina, "You've seen Jax doing something like this, don't you? It's fine because it's normal to us."
Alam ko...
Alam kong iba talaga ang pagkakakilala ko kay Jax.
"Di ko alam kung anong magiging reaction ko o mararamdaman ko sa oras na malaman ko iyon. Ang mahalaga lang sa 'kin ngayon ay mahal ko siya nang sobra. Kahit na minsan nasasaktan na ako, hindi pa rin nag-iba ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam ba't nagkagan'to ako. Sa kanya lang ako nagmahal ng gan'to, na kahit ako 'di ko ma-explain kung ba't ako nahulog sa kanya," iyon ang naging sagot ko kay Lav na ikinangiti niya.
Ilang minuto lang pagkatapos kong sabihin iyon, bigla na lang akong hinila ni Jax palabas kasi aalis daw kami.
Kaya nandito kami ngayon sa kotse ni Kernel na hiniram niya. Kanina ko pa siya tinitingnan habang nagda-drive siya. Hindi naman niya sinabi kung saan na naman kami pupunta. Hindi na rin ako nagtanong. Hinihintay ko lang kasi siyang mauna magsalita.
'Ano kayang iniisip niya ngayon?'
"You have something to ask? You kept on sneaking glances on me."
Marami akong gustong itanong pero ayoko munang itanong sa kanya. Sabi nga ni Lav na hihintayin ko siyang mag-open up. Sana nga mangyari iyon.
"Kilala mo ba ang boyfriend ni Lavandeir?" 'yon na lang naging tanong ko.
"Yes. He's an asshole!" walang pagdadalawang-isip niyang sagot.
'Hay! Kahit kailan na lang talaga!'
"Nasaan pala siya ngayon? Nakikita ko kasing miss na siya ni Lav."
"He's already dead. She should have just take her life to meet him in hell. That way, they'll be forever."
"Hay! Kahit kailan talaga!" sabi ko habang nakasimangot.
"Sinunod ko pala utos mo! Hindi ko binanggit pangalan na Exseven kay Lav kanina. 'Di ko rin sinabi tungkol sa paglipat nina Kern next month sa paaralan natin."
"Wow..." walang gana niyang reaction.
Tumahimik ulit ako pero ilang minuto lang lumipas may naalala ako.
"Jax, paparusahan mo ba ako?"
As usual, hindi siya umiimik at seryoso lang na nagda-drive.
"Sorry."
Wala akong ibang masabi o maipaliwanag kasi kahit anong gawin ko, kasalanan ko naman talaga. Alam ko nagalit siya kaya nag-sorry ako.
"Galit ka pa rin ba sa 'kin? Bawal pa rin ba akong lumapit at makipag-usap sa 'yo?"
"Pero Jax, susundin pa rin kita. Kung gusto mong lumayo ako sa 'yo, lalayo ako basta okay ka lang. Kahit ano pang rason mo, tatanggapin ko."
Simula nang magkwentuhan kami kanina ni Lav, marami pa akong na-realize na hindi ko na-realize noon. Baka nga may malalim siyang rason kung ba't niya ako pinapalayo sa kanya.
Na-realize ko ring ang selfish ko pala. Pilit kong dinidikit ang sarili ko sa taong ayaw sa 'kin.
"Sa'yo ba talaga ang coffee shop na 'yon? Parang mga mayayaman lang maka-afford n'on. Nakita ko pa ang menu, sobrang mahal. Ang yaman mo siguro." sabi ko.
Nakaka-miss din 'yong gan'to. 'Yong marami akong kinukwento sa kanya habang siya walang pakialam.
Susulitin ko na kasi pagbalik sa paaralan bukas, hindi ko na siya kayang pansinin kasi alam kong mas gusto niya iyon.
"Jax alam mo ba? Para kang isang bituin sa ibang universe. Ang hirap mong lapitan, hirap mong kausapin. Ang hirap mong intindihin at ang hirap mong abutin. Ba't ba kasi naging pangarap kita?"
Ito na nga, sinasamaan na niya ako ng tingin.
"Don't test me while I'm still composed, you idiot!"
Umiwas ako ng tingin. Sabi ko nga.
Ilang minuto ang lumipas, muli ko siyang sinulyapan ng tingin at napalunok ng laway.
"Nakikita ko kanina ang daming customers sa shop mo... Baka need mo ng employee, mag-a-apply sana ako. Hehe!'
"I'll talk to Kernel."
"Talaga?" excited kong tanong. Hindi man lang niya tinanong kung bakit. Buti naman. 'Di ko kasi masabi sa kanyang gipit na ako.
"Papayag ka ba? Kelan ako mag-start? Pwede ba part time? Saturday at Sunday? O tuwing out sa klase?"
"We'll discuss it later. Just sleep."
"Yes! Okay!"
...
Nang magising ako, nasa labas si Jax ng kotse habang nagyoyosi. Nang makita niyang nagising na ako, binuksan niya ang pinto ng kotse tsaka ako lumabas.
Pero...
"Jax! Anong klaseng trip ito?" natatakot kong tanong sa kanya.
Nalaman ko na lang nasa cementeryo pala kami.
Nauna siyang pumasok sa isang malaking gate. Ayoko sanang sumunod pero mas nakakatakot maiwan mag-isa.
Gusto ko sana hawakan kamay niya pero pinigilan ko sarili ko. Baka magalit na naman siya.
Dahil sa bilis niyang maglakad, nahuhuli ako. Ilang minuto pa kaming naglalakad hanggang sa huminto siya sa isang lapida.
Binasa ko naman ang pangalan na nakasulat dito.
"Reid Smith?"
Tiningnan ko siya. Kahit madilim dito, nakikita ko ang expression niya. At ngayon ko lang ito nakita simula noon.
Seryoso lang siyang nakatitig pero alam kong malungkot ang mga mata niya.
'Jax..'
...
Itutuloy...