Chereads / March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 13 - Chapter 13: Happy birthday Jin

Chapter 13 - Chapter 13: Happy birthday Jin

Date: April 6, 2020

Time: 7:30 A.M.

Alarm Ringing!

Kagigising lamang ni Jin at kinakapa ang kanyang phone sa ilalim ng unan at hinahanap ito habang nakapikit pa ang kanyang mga mata, upang i-turn off ang alarm.

Nang makuha niya na ang kanyang phone sa ilalim ng unan, dumilat na siya para patayin ang alarm. Napansin niya ang reminder na nakalagay sa alarm—April 6, 2020 7:30 a.m. Monday: Normal and same old boring day!

Para kay Jin, ang birthday niya ay isang normal na araw lamang dahil nasanay na siya hindi ito i-celebrate simula nang mawala ang parents niya.

Binuksan niya ang kanyang Facebook at Messenger app sa phone upang tingnan kung may mga bumati ba sa kanya.

"Aba! Walang bumati kahit isa ah? Haha! Wala na sigurong nakaalala kasi hindi ko naman nace-celebrate 'to. Hayaan mo na nga, normal na araw lang naman 'para sa akin!"

Ni-lock niya na ang kanyang phone at inilapag ito sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama. Sinuot niya na rin ang kanyang t-shirt na nasa tabi ng kanyang unan at pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Nadatnan niyang wala si Jon sa bahay dahil tuwing lalabas siya ng kwarto pagkagising sa umaga, ay nagluluto ito madalas ng breakfast nila. Tumungo na lamang siya sa kitchen upang magluto para sa kanyang sarili. Kukuha na sana siya ng hotdog sa freezer ng ref sa kitchen, nang may mapansin siyang sticky note na nakadisplay sa pinto nito.

"Naubusan na tayo ng mga supplies. Pumunta lang ako ng grocery. Ikaw na bahala kung ano gusto mo kainin, may food akong iniwan sa microwave. Initin mo na lang—Jin Pogi"

"Nice! Buti naman naisipan mong bumili ng supplies, tanda! Wala na pala akong gagawin mamaya pag-uwi. Matutulog na lang ako agad."

Iniwan lang ni Jin ang note sa pinto ng ref at tumungo sa kitchen counter kung saan nakalagay ang microwave oven at binuksan ito para kunin ang garlic fried rice at hotdog na hinanda ni Jon bago umalis. Kinapa ni Jin kung mainit pa ang food para malaman kung kailangan niya pa ito initin, "Medyo mainit init pa. Okay na 'to, sayang lang sa kuryente kung papainitin ko pa!"

Kinuha ni Jin ang food mula sa microwave at kumuha na rin ng spoon and fork sa kanyang green na cabinet kung saan nakalagay ang mga plates, spoon and fork, baso, at kung ano-ano pa. Pagkatapos ay umupo na siya sa table at bago kumain binuksan niya ang kanyang phone at naghanap ng cooking videos para panoorin ito habang kumakain. Para sa kanya, mas ginaganahan siya kumain kapag nakakakita siya ng mga masasarap na food na niluluto and at the same time, natututo din siya ng iba't ibang ways ng pagluluto sa mga dishes. Nang makapili na siya ng video na kanyang nagustuhan, nagsimula na rin siya kumain.

Nang matapos si Jin kumain at nakapag-ayos na rin at lahat lahat, hindi pa rin nakakauwi si Jon. Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone at nakitang 8:30 a.m. na at oras na rin para siya ay umalis papunta sa office. Lumabas na siya ng bahay at nilock ang pinto dahil may duplicate na susi si Jon para makapasok sa bahay.

Nang makarating na si Jin sa office building, nasa lobby na siya at naglalakad patungong elevator nang matanaw niya si Rjay na nakatayo sa loob ng elevator.

"Rjay!" 

Sinigawan niya si Rjay at kumakaway na rin para mapansin siya nito.

Habang nasa loob si Rjay ng elevator mag-isa, tila narinig niya ang boses ni Jin, at nakita nga niya ito na nasa lobby at patungo na sa elevator na sinasakyan niya.

"Patay! sa lahat pa naman ng makakasalubong ko, bakit si Jin pa! Plano ko nga siyang hindi makita ngayong araw para hindi ako mahirapan na hindi pansinin! Kainis!" bulong ni Rjay sa kanyang sarili. Naisip niya na kunwari ay hindi niya napansin si Jin, at agad niyang pinindot ang close button ng elevator para magsara na ang pinto ng elevator bago pa makalapit si Jin.

"Mamaya na lang ako magso-sorry sa'yo, Jin." nahihiyang sinabi ni Rjay sa kanyang sarili habang nakikita niya si Jin na tumatakbo at nagmamadali dahil papasara na ang pinto ng elevator.

Hindi na nakapasok si Jin sa elevator na sinasakyan ni Rjay dahil nagsara na ito bago pa siya makapasok.

"Malakas naman pagkakasigaw ko ah? Pati mga tao sa paligid ko napatingin sa akin. Hindi siguro narinig ni Rjay sa loob o baka hindi niya ko napansin talaga? Hayaan mo na nga! Hintayin ko nalang yung susunod." sinabi ni Jin sa kanyang sarili habang nakatayo sa tapat ng elevator at naghihintay na bumukas itong muli. Habang naghihintay siya sa muling pagbaba ng elevator, kararating lang rin ni Luna sa office building.

Nasa lobby na si Luna nang mapansin niya si Jin na nakatalikod sa kanya at naghihintay ng elevator.

"Si Jin pa talaga ang makikita ko first thing in the morning! My God! Oh well, I already have a plan in case this happens. Haha!"

Inayos muna ni Luna ang kanyang tayo. Chin up and with resting bitch face. Inayos niya rin ang kanyang mahaba at straight na buhok at nag high ponytail na style. Nagsimula na siyang maglakad na feeling niya ay isa siya sa mga maldita o suplada sa mga palabas. Tumayo siya sa kanan ni Jin ngunit hindi niya ito pinapansin.

Nang mapalingon si Jin sa kanan, nakita niya si Luna na nakatayo at diretso lang ang tingin na tila galit sa buong mundo at hindi mo makakausap.

"Luna, ikaw pala yan! Ano, gusto mo ba uminom mamaya?" nakangiting tanong ni Jin.

Nakatingin pa rin sa harap si Luna at ang mga mata niya lang ang gumalaw at tinignan dahan dahan Jin.

"Jin, please, I'm not in the mood. I have dysmenorrhoea, kaya please lang, mainit ulo ko today!" sagot ni Luna na tila nagtataray at may kasama pang eye roll.

Nabalisa si Jin kay Luna nang makita niya itong nagsusungit at nawala ang kanyang mga ngiti.

"Sabi ko nga eh, mukhang hindi pwede lapitan si Luna ngayon. Baka mawala ako sa mundo ng wala sa oras. Mag isa na nga lang ako iinom mamaya pampatulog!" nasa isip ni Jin.

Bumukas na ang elevator at pumasok na silang dalawa kasabay ng iba pang mga sasakay. Pagkapasok sa elevator, magkatabi sila ngunit hindi nag-uusap. Gusto sana makipagkwentuhan ni Jin ngunit dahil nalaman niya na wala sa mood si Luna at hindi maganda ang pakiramdam nito, medyo nalulungkot siya. Si Luna naman ay game pa rin sa pagpapanggap, ngunit sa loob niya ay gusto niya nang sabihin kay Jin na prank lang ang pagiging mataray niya.

"Masyado ko ata ginagalingan ung acting ko! Naaawa ako sa itsura ni Jin. Parang feeling ko super disappointed siya! Haha. Mamaya na lang ako magsosorry sa'yo Jin! Love love love!" nasa isip ni Luna.

Elevator Chime - 17th floor

Nauna na lumabas ng elevator si Luna dahil mas nauuna ang floor nila kesa kila Jin. Hindi siya nagpaalam at hindi rin niya talaga pinansin si Jin paglakabas at pinanindigan ang kanyang act. Tila para silang hindi magkaiban at walang pinagsamahan.

"Mukang wala talaga sa mood si Luna. Hayaan mo na nga 'yun. Baka bukas okay na siguro siya ulit. Mamaya masigawan pa ko ng wala sa oras at mapahiya pa ko." nasa isip ni Jin habang pinagmamasdan niya si Luna palabas ng elevator.

Elevator Chime - 19th floor

Nang makarating na si Jin sa Operations room, wala pa si Chris nang mapadaan siya sa desk nito kaya tumungo na siya kanyang swivel chair sa tapat sa pwesto niya upang makapag-ayos ng mga gamit. Pagkaupo niya ay agad siyang kinausap ni Jade na katabi lang ng kanyang desk at nagme-makeup.

"Good morning Jin. Kamusta naman ang ating sexy baby boy?" nakangiting tanong ni Jade habang nag lalagay ng blush on sa kanyang cheeks.

"Ito po. Normal na araw lang, gaya ng dati pa rin po." matamlay na sagot ni Jin. 

"Why the long face? Parang hindi ka masaya ah? What's the problem?" nag-aalala na tanong ni Jade at napatigil siya sa pag lagay ng blush-on at saka tumingin kay Jin.

"'Yung dalawa ko kasing kaibigan, hindi ko nakausap ng maayos kanina. 'Yung isa hindi ata ako napansin. Ang isa naman po wala sa mood kasi may dysmenorrhoea daw siya."

"Hala! Kawawa naman! Don't worry, may isa ka pa namang "Friend" na kakausap sa'yo, kaya chill ka lang d'yan. Okay?" sagot ni Jade at tumingin na sa mirror na nakapatong sa kanyang desk at nagpatuloy sa pag make-up.

"Sana nga po. Pero hayaan niyo na po yun. Okay lang ako." nakangiting sagot ni Jin, pero sa loob niya ay unti-unti na siyang nadidisappoint. Habang nakatingin lang si Jin sa kanyang harapan at tila malungkot, biglang dumating si Chris na kakapasok lamang sa Operations room.

Ang Jin na kanina'y nalulungkot ay biglang naging masaya ulit. Hinihintay niya kung maaalala ni Chris na birthday niya at batiin siya nito. Laging binabati ni Chris si Jin noon tuwing birthday niya kahit hindi sila gaanong nag-uusap dati.

Habang naglalakad si Chris papunta sa desk niya, hindi niya napigilang mapatingin kay Jin. Napansin niya na nakatingin ito sa kanya at tila hinihintay siyang magsalita. Ngunit para kay sa kanya, kailangan niya maging matatag. Kailangan niya tiisin si Jin para surprise party nito.

"Jin, sobrang sorry talaga! 'Wag ka mag alala, mamaya magso-sorry ako ng tuloy tuloy. Kahit lumuhod pa sa harap mo gagawin ko. Ayaw ko lang talaga masira ang surprise namin sa'yo." nasa isip ni Chris at alalang alala na siya dahil baka magtampo sa kanya si Jin which is ayaw na ayaw niyang mangyari.

Nakarating si Chris sa kanyang desk nang hindi kinakausap si Jin. Pagkaupo niya sa kanyang swivel chair ay huminga siya ng malalim dahil sa pagpipigil na hindi batiin si Jin.

Ang kaninang Jin na nakangiti pagdating ni Chris, ngayo'y balisa at wala na namang gana.

"Pati ba naman si Chris hindi ako pinapansin? Eh dati rati nakangiti 'yan sa akin 'pag papasok ng room. Baka may nangyari nanaman sa bahay nila, o baka may nagawa na naman akong hindi maganda." bulong ni Jin sa kanyang sarili.

Habang nagmamake-up si Jade, palihim niyang tiningnan si Jin at Chris at natunugan niyang may something nanaman sa dalawa.

"Something's not right!" sigaw ni Jade sa kanyang isip.

Habang malungkot si Jin sa kanyang desk at nakatingin lang sa harapan at si Jade na patuloy sa pag-makeup, nilapitan sila ni Chris.

Nang makatayo na si Chris sa pwesto nila, hindi niya pa rin kinakausap si Jin na nasa harapan niya lamang at tila hindi ito nakikita. Si Jade ang kanyang agad na kinamusta at kinausap.

"Ms. Jade, good morning po! May itatanong po sana ko sa inyo tungkol sa pinapagawa sa akin ni Sir Mike na task. Wala daw po kasi siya ngayon, kaya sa'yo daw po ako magtanong sabi niya. Okay lang po ba?" tanong ni Chris kay Jade.

"Good morning and sure, cutie! Tara sa desk mo." nakangiting bati ni Jade.

Nauna na bumalik si Chris sa kanyang desk at walang pansinang naganap sa kanila ni Jin, at kahit simpleng ngitian ay hindi rin nangyari. Tumayo na si Jade sa kanyang upuan at tiningnan muna si Jin. Tinaasan niya ng kilay ito na nagpapahiwatig na "We'll talk later" at saka siya tumungo sa pwesto ni Chris.

Pagkarating na pagkarating ni Jade sa pwesto ni Chris, agad siyang nagsalita ngunit hininaan niya lamang ang kanyang boses.

"So Chris, spill the tea! Alam ko may something that's bothering you and alam ko na hindi ka nagpapatulong sa mga tasks dahil hindi nagbibigay si Mike ng tasks pag wala siya. So ano na nga 'yun?"

"Sorry po Ms. Jade. Hindi ko po sinasadya, pero ganito po kasi 'yun—"

Habang nag-uusap sina Chris at Jade, tinitingnan lang sila ni Jin sa malayo, nalulungkot at nadi-disappoint. Nagtatampo na siya dahil hindi siya kinakausap ng mga kaibigan niya at tila nakalimutan siyang batiin sa birthday niya.

"Ano kaya pinag-uusapan nila ni Ms. Jade? Gusto ko sana lumapit sa kanila, kaso baka mapahiya lang ako." bulong ni Jin sa kanyang sarili habang pinapanood ang dalawa na naguusap sa di kalayuang pwesto.

"Ms. Jade, birthday po kasi ni Jin ngayon." bulong ni Chris kay Jade.

"Oh talaga? Hindi ko alam! Hindi ko siya nabati! O.M.G!"

"May plano po kasi kami. Hindi po namin siya papansinin ngayong araw at patatampuhin namin siya, kasi may surprise kami sa kanya mamaya."

"Ay talaga? Nakakatuwa naman kayo mga kids talaga. Pinaprank niyo pa si Jin! Tingnan mo siya oh, sad na sad na and nakakaawa na."

"Kung alam niyo lang po, hirap na hirap ako magpigil. Sinabihan ko na po kayo, baka po kasi magtaka kayo na hindi ko pinapansin si Jin."

"Okay, Chris. Nagegets ko na! Don't worry and tutulungan kita d'yan. Hindi ko muna kakausapin si Jin tungkol sa inyong dalawa. Okay sige babalik na ko sa desk ko."

"Ay, last na po pala Ms. Jade, pwede niyo po ba i-delay 'yung uwi ni Jin kahit mga 15 or 30 minutes lang po?"

"Ay nako madali lang yan! Kayang kaya ko yan!" confident na sagot ni Jade.

"Thank you po Ms. Jade. Sorry din po pinapunta ko kayo dito." nahihiyang sagot ni Chris.

"Ano ka ba! Basta para sa lovelife niyong dalawa, support ko kayo no! Sige, toodles!" paalam ni Jade at bumalik na si siya sa kanyang upuan at tinabihan na si Jin.

Tahimik lang si Jade habang nililigpit niya na ang mga makeup sa kanyang kulay neon pink na makeup kit. Pinapanood naman siya ni Jin na maglipit ng mga makeup n

at tila hindi mapakali, kaya si Jade na ang naunang magsalita.

"So Jin, what's your problem? Gusto mo makeup-an kita? Nakatingin ka sa akin habang nililigpit ko 'to eh." natatawang tanong ni Jade habang isa-isa niyang pinapasok ang makeup niya sa kit at dahan dahan itong inilalagay sa loob.

"Ms. Jade, may sinabi po ba si Chris sa inyo?"

"Hmmm. tungkol saan ba?"

"Kahit saan po."

"Ah wala naman. Nagtanong lang siya sa akin tungkol sa mga tasks na pinapagawa ni Mike sa kanya. 'Yun lang naman. Wala ng iba."  sagot ni Jade habang seryoso siyang nag-aayos ng kanyang makeup kit at hindi tumitingin kay Jin.

"Wala rin po siyang nabanggit kahit ano? Kahit birthday, fiesta, binyag, mga gano'n?"

"Wala rin. Tungkol sa mga tasks lang and bakit mo tinatanong? Birthday mo ba? O binyag ng anak mo? Oh my gosh! Isa ka ng tatay?"

"Wala po akong anak Ms. Jade! Wala pa po sa isip ko 'yun. Pero opo, birthday ko kasi. Pero wala lang po yun normal na araw lang sa akin 'to."

"Hala talaga? Birthday mo? Nako! Happy Birthday Jin!" Kunwari ay nagulat si Jade at hindi niya alam na Birthday pala ni Jin, "Hindi mo naman sinabi na birthday mo ngayon! Edi sana binigyan kita ng gift! Bukas na lang ang gift ko sayo ah?"

"Nako Ms. Jade, 'wag ka na mag abala. Hindi ako mahilig sa mga gano'n."

"'Wag ng pasaway! Basta bukas! Pero wait, kaya ka ba malunkgot ngayon kasi baka hindi naalala ni Chris na it's your birthday?" tanong ni Jade habang tinititigan niya si Jin sa mga mata.

"Hindi po." sagot ni Jin ngunit hindi makatingin hindi makatingin sa mga mata ni Jade.

Nakatitig lang si Jade sa mga mata ni Jin at hinihintay niya na magsabi ito ng totoo. At dahil hindi na makatiis si Jin, huminga muna siya ng malalim at saka sumagot.

"Opo." sabay tingin sa mga mata ni Jade.

Napa eye-roll na na lamang si Jade at natawa kay Jin, "Ayun! Lumabas din! Sa true lang tayo, Jin! Pakipot ka, alam mo 'yun?"

"Gano'n pala 'no 'pag nakakalimutan ng mga friends mo na birthday mo kahit hindi mo naman to nace-celebrate. Nakaka-disappoint, pero hindi ko naman sila masisisi, kasi ako na din nag-iinsist na wala lang sa akin 'tong araw na 'to. Binabati pa rin naman nila ako yearly at di nila nakakalimutan. Pero iba na ata ngayon 'pag adulting stage."

"Nako Jin, 'wag ako! Kung ako yan, magtatampo ako kasi mga friends ko hindi naalala 'yung iisang araw na special para sa akin. Kahit sabihin mo na it's nothing and it's just a normal day, tao lang tayo and masakit if the people we love will not remember it! Baka kaya ka nila hindi pinapansin kasi nakalimutan na nga talaga na birthday mo!" panggagatong ni Jade.

"Siguro nga po. Sino ba naman ako para alalahanin pa 'yung birthday ko, and mas marami pang dapat isipin yung mga kaibigan ko bukod sa akin. Lalo na si Chris, siempre may mga personal issues siya sa bahay nila."

"Hay nako Jin! Ginawa mo pang palusot mga friends mo! Ang totoo, malungkot ka kasi akala hindi naalala ni Chris na birthday mo today! pagpatuloy lang ni Chris na wag pansinin si Jin, at gagatong ako para naman mas may drama! Haha!" nasa isip ni Jade habang tinitingnan niya si Jin na nakapout dahil sa pagkabalisa.

"Awe, kawawa naman ang sexy baby boy natin, kinakalimutan na ng mga friends niya. Baka busy lang sila siguro, and sabi mo nga normal na araw lang 'to para sa'yo, kaya ayan, normal na araw na lang talaga para sa kanila. Well, you can't blame them, technically it's your fault!"

"Sorry na po Ms. Jade. Wala po ba kayong papagawa sa akin? Bigyan niyo na lang ako ng gagawin. Magpapakabusy na lang ako." request ni Jin.

"Sige, mag exercise ka d'yan sa harap. 'Yun na lang gawin mo!"

"Sige Ms. Jade. Gawin ko na po."

Tatayo na dapat si Jin nang biglang humirit agad si Jade, "Patol ka talagang bata ka eh 'no! Umupo ka nga dito! Tulungan mo na lang ako mag ayos ng mga files dito ng maaga aga tayo makapag lunch."

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Time: 12:00 P.M.

Jin's POV

Habang busy ako sa paggawa ng tasks na ibinigay sa akin ni Ms. Jade, bigla na lang kumalam ang sikmura ko at nagsasabing "pakainin mo na ako Jin, nagugutom na ko!" Kaya naman tiningnan ko ang aking camouflage na fitness smart watch tracker sa kanang wrist ko at napansing 12 p.m. na at oras na for lunch.

"Lunch na pala! Gutom na ko, mayaya nga si Chris mag lunch. Siguro naman kakausapin niya ako at sasabay siya sa akin." bulong ko sa aking sarili habang nililigpit ko ang mga gamit sa desk ko.

After ko mag ayos, nagpaalam na ako kay Ms. Jade na mag-lunch na ako at saka ko pinuntahan si Chris sa kanyang desk para yayain. Nang makatayo na ako sa tabi ni Chris, sobrang busy niya na gumagawa ng mga task sa kanyang desktop at tila hindi niya yata ako napansin.

"Ang busy mo naman Chris! Tara lunch na, 'di ka ba nagugutom?" bati ko sa kanya. Patuloy pa rin siya sa mga ginagawa niya at hindi ata ako narinig. Pero naghihintay parin ako ng sagot niya.

10 Seconds na ang nakalipas simula ng tanungin ko siya, pero walang reply! Kaya naman hinawakan ko ang ulo niya, iniharap ko sa akin at nag lean ako ng kaunti palapit sa mukha niya.

Nakatitig naman siya sa akin, kaya lang na shock ata si Chris dahil bigla siyang namula at nanlalaki ang mga mata niya. Dahil light brown ang kulay ng mga mata ni Chris, kitang kita ko na nag dilate ang pupils ng mga mata niya.

"Sabi ko, hin-di ka ba na-gu-gu-tom mag lunch na ta-yo." Alam ko this time, sasagot na siya at kakausapin niya na ako dahil harap na harap na siya sa akin.

"Ahh, mamaya na ko mag lunch, Jin. Hindi pa naman ako gutom and may tinatapos pa ko na task na kailangan masubmit after lunch. Mauna ka na lang o sumabay ka muna kila Rjay tsaka Luna." sagot ni Chris habang pansin ko na nakatitig siya sa mga labi ko at hindi sa mga mata ko.

"Aaaaaaahhh!" 

May narinig akong high pitched na tili malapit sa pwesto ko. Pero noong tiningnan ko, si Ms. Jade lang naman na nakaupo at tila busy sa pag complete ng tasks sa kanyang desktop, at nag cocompute sa ere. May calculator naman sa harap niya, bakit 'di niya gamitin?

Anyway, Nailang siguro bigla si Chris dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa, kaya naman tinanggal ko na ang kamay ko at lumayo ng kaunti sa kanya at tumayo ng maayos. Nginitian ko siya at kinausap muli para naman malaman niya na okay lang ako.

"Okay sige, Chris! Sorry sa abala. Mag lunch na lang muna ako mag-isa. Kaya mo yan! Galingan mo!"

Pagtalikod ko sa kanya, ang mga ngiti ko ay napalitan ng pagkabalisa at pagdating ko sa pintuan ng Operations room, huminga muna ako ng malalim at saka lumabas. Dumiretso na ako sa Cafeteria sa 15th floor ng Office Building at nagbabakasakaling nandoon sina Rjay at Luna na kumakain.

Pagkarating ko sa Cafeteria, punuan at halos walang bakante. Hinanap ko sila isa-isa sa mga tables ngunit hindi ko nakita. Kaya naman nag message na lang ako sa kay Rjay at tinanong kung nasaan sila at kung nag lunch na ba sila.

Jin: Rjay, wala kayo sa Cafeteria. Naglunch na ba kayo ni Luna?

Rjay: Ah, Oo. Sorry hindi ka na namin nahintay kasi pinatawag kami agad. Bukas na lang.

Jin: Haha okay lang! Sige sige.

Mukhang mag isa nga lang talaga ako ngayon. Ito ba ang epekto ng di ko pagpapahalaga sa birthday ko? Akala ko okay lang, pero nakakalungkot pala kapag hindi maalala ng mga kaibigan ko. Dahil sa pagkabalisa ko, nawalan na ako ng gana mag lunch at naisip ko na dumiretso na lang ako ng rooftop, dahil sabi sa akin ni Ms. Jade, may swing daw roon na pwedeng pag tambayan. Sana nga lang walang tao sa mga oras na 'to.

Sumakay na ako ng elevator patungo sa rooftop at agad naman akong nakarating dahil walang tao. Ibig sabihin, wala rin masyado sigurong tao sa rooftop.

Elevator Chime - Penthouse

Pagbukas ng pinto ng elevator, may daanan na masikip patungong rooftop. Siguro mga sampung lakad lang, nasa pinto ka na ng rooftop.

Binuksan ko na ang kulay silver na metal na pinto ng rooftop at pagkatungo ko roon, napaka-maaliwalas at kahit tanghali na, malamig pa rin ang simoy ng hangin. Naglakad ako at nagmasid sa paligid para tingnan kung may tao, ngunit ako lamang mag-isa kasama ang mga halaman na nandoon. Nakita ko rin ang sinasabi ni Ms. Jade na swing kung saan pwede ka magpahinga. Pinuntahan ko ito at buti na lang may malaking bubong kung saan nakapwesto ang swing. Pandalawahang tao ang swing at malambot rin ang foam ng upuan nito. Pwedeng pwede ka nga magduyan kung mag isa ka lang gagamit.

Umupo muna ako sa swing at pumikit habang dinuduyan ko ang sarili ko. Naisip ko na sana nayaya ko dito si Chris dahil alam ko na matutuwa siya. Alam ko mahilig siya sa mga tahimik na lugar, lalo na kapag mahangin at kung saan pwede siya magbasa ng libro. Ito ang tamang lugar para sa kanya, kaya lang sobrang busy lang din niya talaga. Habang nakaupo ako at naglalaro sa swing, ang dami kong naiisip na bagay.

Una, akala ko normal na araw lang para sa akin 'tong birthday ko, pero akala ko lang pala. Kahit hindi ako nagce-celebrate, nasanay na kasi ako na lagi nila akong binabati, kaso ngayon, nakakatampo kasi mukhang tuluyan na nila kinalimutan.

Pangalawa, ganito pala kapag may trabaho na. Hindi ko na sila makulit katulad noong college pa lang kami. Pag busy ka, hindi ka talaga makakausap. Sana pala, hindi ako nagmadali na magtapos ng college!

Pangatlo, sana naman makausap ko si Chris ng maayos mamaya. Naisip ko na yayain siya mag dinner sa Jinny's. Siguro naman papayag na siya at isasama ko na rin si Tanda!

Marami pa akong gustong isipin, ngunit napapikit na lamang ako at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa balat ko. Habang nakapikit ako, may naririnig akong kumakanta sa bandang likod ko. Boses ng isang lalaki na naghu-humming. Napakaganda ng boses ng lalaking ito habang naghu-hum siya at pakiramdam ko hinehele ako nito dahil sa napakalamig na boses niya, samahan mo pa ng malamig na simoy ng hangin sa rooftop.

Hindi ko alam kung bakit habang naririnig ko ang paraan niya ng pagkanta, nalulungkot ako pero at the same time nakakaramdam ako ng gaan ng loob. 'Yung tipong kakatapos mo lang umiyak kaya magaan na ang pakiramdam mo? Ganoon ang pakiramdam ko ngayon. Isa pa, parang pamilyar sa akin ang kinakanta niya, hindi ko lang alam kung saan ko ito narinig. Pero alam ko, narinig ko na ito at hindi ko lang matandaan kung saan.

Kung kailan malapit na akong makatulog sa kanyang pagkanta, dahan dahang humina ang boses niya hanggang sa hindi ko na siya marinig. Agad akong dumilat at tumingin sa aking likod para alamin kung sino ang kumanta o kung nandoon pa siya, dahil gusto ko siyang pasalamatan at napagaan niya ang loob ko kahit papaano.

Tumayo na ako sa swing at pinuntahan ang pwesto kung saang banda ko naririnig ang boses ng lalaking iyon, kaso hindi ko na siya nakita. Napatingin na lamang ako sa aking relo at nakita ko na 12:45 p.m. na pala at patapos na ang lunch, kaya naisipan ko na lang na bumalik na rin ng Operations Room upang ipagpatuloy ang mga tasks.

Habang patungo ako sa Operations Room, na-LSS na ako sa humming ng lalaking narinig ko kanina. At sana, kung hindi ko man siya makita o makilala, marinig ko man lang siya ulit kumanta. At kung may pagkakataon, sasabihan ko siya na napakaganda ng boses niya.

Nang makapasok na ako muli sa Operations Room, napadaan ako sa desk ni Chris at napansin ko na hinihingal at pawis na pawis siya. Nilapitan ko siya at tinanong dahil nag-alala ako sa kanya, isa pa, mukhang hindi ata siya nakakain ng lunch niya kakatrabaho.

"Chris, bakit pawis na pawis ka? Saan ka galing? May hinabol ka ba? Hindi naman mainit dito sa room ah?"

"Ah, kasi hinabol ko yung papers kay boss sa baba. Nag fire exit ako kasi ang tagal ng elevator kaya pawis na pawis ako!" naghihingalong sagot ni Chris.

"Ahh. Okay, sige sige. Mag punas ka! Kumain ka na ba?"

Nginitian lang ako ni Chris at ibig sabihin noon ay di pa siya kumakain. Tsk!

"Bibilan kita ng food, saglit lang, Chris."

Paalis na sana ako sa Operations Room ng tinawag ako ni Chris at may pinakita siya sa aking lunch box na ubos na. Okay, kumain na siya at wala na akong dapat ipag-alala.

"Ay oo nga pala, Chris!" Bigla ko naalala na pumunta ako sa rooftop, "Minsan dadalhin kita sa rooftop. Masarap pala magpahinga dun at tingin ko magugustuhan mo!"

"Huh? Sa Rooftop? Hindi ba maraming tao dun 'pag lunch?"

"Pumunta ako kanina, walang tao. Pero, actually meron kaso hindi ko nakita kung sino. Narinig ko lang siya naghuhumming, pero ewan ko, gumaan 'yung loob ko noong narinig ko siya. Para akong hinehele at parang familiar sa akin yung kanta. Akala ko nga makakatulog ako kanina. Sayang nga lang hindi ko nakita kung sino siya."

Nginitian lamang ako ni Chris at bigla siya humarap muli sa kanyang desktop at ipinagpatuloy ang tasks niya. Mukhang hindi ko na naman makakausap si Chris. Kaya naman, tumungo na ako sa pwesto sa tabi ni Ms. Jade na labis ang ngiti sa akin at baka may nais na naman sabihin sa akin na kung ano-ano tungkol sa amin ni Chris.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Time: 6:00 P.M.

Jade' POV

Well, I'm back again! It's me, Jade Reyes, reporting for duty! It's time to initiate Plan A "i-delay si Jin for 30 minutes" at sana wala ng plan B! Tinitingnan ko lang si Jin at pinapanood ko ang bawat kilos niya. Nagsimula na siyang mag-unat, and signal na 'to na nagre-ready na siya for take off dahil uwian na! "No, Jin! You'll stay here!" Tiningnan niya ang oras, at ako rin napatingin sa very cute kong color pink na watch, and it's 5:55 p.m. and I'll need to make a way for Jin to stay for a couple of minutes.

Isasara na sana ni Jin ang kanyang desktop kaya bigla kong hinawakan ang kanyang very veiny right hand na nakahawak sa poor mouse na hindi ko makita dahil sa laki ng kamay niya—or baka maliit lang talaga ang mouse. "Pero 'diba ang rule of thumb, if malaki ang thumb… O.M.G! Kayanin kaya ni Chris? Haha!"

"Jin! 'Wag mo muna patayin ang desktop mo."

"Bakit po Ms. Jade?"

Tinanggal ko ang kamay ko sa veiny right hand niya at nagrequest ako sa kanya ng help.

"If okay lang, can I borrow your 15 to 30 minutes, please? Magpapatulong lang sana ako sa isang task para wala ng extra na work bukas? If okay lang sa'yo, dahil nakakahiya kasi birthday mo and such and here you are stuck with office stuff." paawa kong sinabi sa kanya, "Say Yes, Jin! Dahil hindi ko alam kung anong plan B ko!"

"Okay lang po Ms. Jade! Wala naman ako gagawin mamaya sa amin."

"Good! Wala ng plan B!" I'm so relieved at the back of my mind, "Nako! Kaya favorite kita! Ang gwapo na ang bait pa! Saan ka makakahanap ng employee na ganito ka-dedicated? I guess none, but only you!"

"Ms. Jade, 'di niyo na po kailangan mambola. Haha!"

"'Wag ka ngang pahumble d'yan! Marami na may crush sayo lalo na sa ibang department. Minamatahan ka na nila! I know some of them, girls, gays and even straight guys na kilala ko sa ibang department ay man crush ka nila!"

"Grabe naman po sa minamatahan! Wanted na po ba ako?"

"Oo! But don't you worry, you are under my protection! Walang pwedeng umagaw sa'yo! Para kay Chris ka lang at siya lang ang para sa'yo! Although kay Chris, mas maraming lalaki ang nagkaka-crush sa kanya kasi cute siya. Haha! Well, hindi naman natin masisisi, kasi parang ang sarap talaga alagaan ni Chris. Tinatanong nga nila ako kung anong number ni Chris, siempre hindi ko binigay! Like duh, ano ako bugaw?"

I was looking at Jin while I'm just stating the facts, but oh my gosh! Jin looks so scary when he's agitated! Bigla siyang nainis siguro sa kwento ko tungkol kay Chris! Hindi ko alam kung matatakot ako or kikiligin! Which one is it? Hahaha!

Napansin ko na he was holding a ballpen in his left veiny hand, and I feel like mababali na ito! My gosh! Ganito siya kalakas?

"Ya'll not better mess with Chris' man!"

May nagseselos pero ayaw pahalata! Ang ballpen baka masira at matindi ang pagkakahigpit niya! So I shouted at him para matauhan siya, kasi he was looking straight at my desktop and I think he is ready to throw my monitor away na!

"Jin! Jin!"

Kinabahan ako bigla, dahil mahirap pala kapag nagselos si Jin! But why? So it means na he really is possessive over Chris? Haha! O.M.!

"Jin!" I shouted at the top of my lungs at biglang natauhan ang kuya mong Jin! Buti na lang! "Kawawa kasi yung ballpen.Walang kamalay malay pero baka mabali na." I jokingly said but with a bit of being terrified. 

Napatingin si Jin sa hawak niya na ballpen sa veiny left hand niya and nakita niya na halos matupi na ito in half. Napa-facepalm siya bigla and I think it is what I think it is.

The Denial king is also the Jealous king of the century!

"Ay sorry Ms. Jade, may naalala lang ako." he said, then he laughed at himself.

"Alin? Yung maraming nagkakacrush kay Chris lalo na mga guys?"

"Ayun po. Ay, hindi po! I mean basta may naalala lang ako. Haha!"

"Huli ka pero di kulong! Jin, okay lang! I understand. Don't worry and sabi mo nga, you and Chris are just 'friends', no more no less. And 'yung panggigigil mo kanina sa ballpen, ay nako, may naaalala ka lang na nakakafurious na pangyayari. It's not about Chris being wanted by all of the men here at the company! No, hindi." I paused for a moment, "Pero nagseselos ka?"

"Opo! Ay hindi po! Hindi ko alam!"

"O.M.G! This is it! The Denial king is unti-unti nang nawawala!" Bingo, huling-huli na si Jin, "Okay, sige, sa ngayon hindi mo pa alam. Gets kita. Nasa stage ka pa ng in-denial. Bigyan pa kita ng time to process your very own feelings."

"Hala Ms. Jade! Hindi po. Wala po dapat i-deny. Pero totoo naman po kayo. Siguro talagang gustuhin si Chris kasi cute siya."

"Ayieee! Galing sayo mismo 'yan! So gusto mo siya?"

He paused for a moment and looked at Chris' desk, only to find out na nakaalis na pala siya.

"Wala na po pala si Chris? Yayayain ko pa naman sana siya mag dinner." Binago ni Jin ang usapan bigla.

"Ay oo nga no? Nauna na siya. Sorry Jin, hindi kayo nakapagsabay ni Chris. Pero wag ka mag-alala, bukas, may time kayo para sa isa't isa! Okay?"

"Hayaan na po natin, marami pa namang bukas. Oo nga po pala. Ano ang papagawa mo sa akin? Mag 6:30 p.m. na po nag-kwentuhan lang ata tayo."

"Well that's it! Haha! Sorry Jin, request ng iyong soon-to-be boyfriend! Hihihi!" I've already initiated my one and only plan, "Ahhhmm. Naisip ko, tomorrow na lang pala! Kasi may mga—" I'm currently thinking of a reason, "nakalimutan ako na kailangan pa isama sa mga files! Sige na Jin, pwede ka na umuwi!" I've got no more excuses! Hanggang dito ko na lang si Jin made-delay, Chris. Sana ay nakatulong ako sa inyong surprise later!

"Sige po Ms. Jade. Bukas na lang po ulit. Thank you po!"

"Sige Jin, ingat pauwi. Happy birthday ulit! Bukas na yung regalo ko sa'yo!"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kabababa lang ni Jin sa bus at habang naglalakad pauwi, ay nagbabasa siya ng mga posts sa kanyang phone at tinitingnan ang mga bumati sa kanya.

"Hmmm. May mga bumati naman. Pero, bakit itong mga malalapit talaga sa akin ang hindi bumati! Hindi niyo na ba ko kaibigan? Tapos ang aaga pa umuwi hindi man lang ako hinintay!"

Habang patuloy na nagbabasa si Jin ng mga posts ng bumati sa kanya, ay nagtext bigla si Jon.

"Jin? Nasaan ka na? Kailangan ko ng tulong! Dali may hindi magandang nangyari sa bahay! Bilisan mo umuwi! ASAP!"

Kinabahan si Jin nang matanggap niya ang text. Kaya naman binilisan niya at tumakbo na siya pauwi. Bagamat naiinis siya kay Jon madalas, ay nag-aalala pa rin siya dito dahil iisa lang sila, ngunit dahil sa ugali niya na hindi siya expressive ng kanyang nararamdaman, hindi niya ito pinapakita sa harap ni Jon dahil nahihiya siya.

Nang makarating na siya sa bahay, agad niyang binuksan ang pinto at napakadilim ng sala pagpasok niya. Binuksan niya ang ilaw sa sala at sumisigaw kung nasaan si Jon. Hinahanap niya ito sa kitchen, sa C.R. at sa kwarto ngunit wala ito.

Tinawagan niya si Jon, ngunit naka off na ang phone nito. Dahil sa pag alala ay lumabas na siya ng bahay, ngunit hindi niya din alam kung saan ito hahanapin. Medyo madilim na sa labas dahil mag gagabi na, kaya lalo siyang nag-alala, pero ang nasa isip niya lang ay hanapin ang matandang Jin. Mabilis na rin ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa kaba sa pag-aalala niya. Tumayo muna siya sa labas ng pinto ng kanyang bahay at huminga ng malalim.

"Ano to? Bakit ngayong oras ko pa naisip ang pagkain talaga! Kailangan ako ni Jin Tanda, pero pagkain pa talaga ang naiisip ko!" naiinis na sinabi ni Jin sa kanyang sarili.

Palakas ng palakas ang aroma ng food na naaamoy niya at hindi na ito napigilan ni Jin. Dahil hindi pa siya kumakain ng lunch, sinundan niya ang aroma ng food. Napansin niya na habang sinusundan ang amoy, ay papunta siya sa likod ng bahay nila.

Pagdating niya sa likod ng bahay, ay nagulat siya sa nadatnan niya, dahil bigla siyang pinaputukan ng party poppers. Nakita niya na biglang may umilaw na mga christmas lights na nakasabit, at may tarp na "Happy Birthday Jin" at nakita rin niya ang mga pagkain na nakahanda. At higit sa lahat, ang hindi niya kinaya, ang makita ang mga kaibigan niya na kanina pa siya hindi pinapansin.

"Happy Birthday Jin!" 

Sabay sabay sumigaw at binati nina Chris, Rjay, Luna at Jon ang batang Jin.

Sa gulat ni Jin, ay hindi niya na mapigilan ang nararamdaman at bumuhos na ang mga luha niya dahil sa halo halong emosyon at mga bumabagabag sa kanyang isip.

Humagulgol na sa pag-iyak si Jin na ngayon lang nila lahat nakita, at nagulat sila. Dahil dito, nilapitan nilang lahat si Jin at nag group hug sila, habang si Jon naman ay patuloy na nagre-record ng video ng mga kaganapan sa kanyang phone.

"Sabi ko sa inyo, emotional to eh! Hindi lang niya pinapakita. Hindi niya lang napigilan ngayon!" natatawang banat ni Jon.

Kumalas sa group hug si Jin at sinapak niya si Jon sa braso ngunit hindi ito malakas dahil nanghihina na ito dahil din sa gutom

"Kumag ka! Pinagalala mo ko! Akala ko kung ano nangyari sa'yo! Akala ko kung napano ka na!"

"Kita mo! Nag aalala pala siya para sa akin. Akala ko wala kang pakialam sa akin!"

"Baliw ka talaga! At kayo namang tatlo! May kasalanan kayo sa akin!"

Natawa at nahiya sina Rjay, Chris at Luna dahil sa ginawa nila kay Jin ng buong araw bago ang surprise, ngunit nagpaliwanag na sila isa isa.

"Sorry Jin! Sinasadya ko 'yung kanina. Nakita na kita sa elevator. Kaso, kailangan ko muna ikaw iwasan, baka masira plano namin! Tapos 'yung sa lunch, binilisan namin talaga kumain ni Luna para hindi mo kami maabutan. Sorry talaga!" paliwanag ni Rjay.

"Ako din, Jin! Love kita! Hindi totoo na mayroon ako ngayon! Nag palusot lang ako para hindi din kita makausap kanina. Kasi feeling ko, madudulas ako. Ang galing ko ba mag acting?" paliwanag ni Luna habang naiiyak na din siya para kay Jin.

Habang naiiyak si Jin na pinapakinggan  ang mga paliwanag na ito, ay tumingin naman siya kay Chris para sa paliwanag nito.

"Jin! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya na hindi ka pansinin kanina! Pinilit ko lang yung sarili ko, at nagpatulong pa ko kay Ms. Jade para pauwiin ka ng late. Kaya sorry talaga!"

Luluhod na dapat si Chris at pinigilan nila ito.

"Mga hinayupak kayo! Akala ko talaga kinalimutan niyo na ko!" naasar na sinabi ni Jin, ngunit masaya siya.

"Makakalimutan ba namin? Eh ikaw nga 'tong laging present sa mga birthday namin, tapos ikaw 'tong ayaw mag birthday! Kaya ito, surprise!" hirit ni Rjay.

"Oh 'di ba? Ngayon ka na lang ulit nakaranas ng sarili mong birthday party? Siempre, ang pasimuno, yours truly." biglang sambit ni Jon.

"Oo nga Jin, ikaw 'tong ayaw mag-celebrate ng birthday tapos ikaw pa 'tong madi-disapoint kasi hindi binabati! Pero wag ka mag alala, never namin nakalimutan. Advanced pa nga kami kasi tingnan mo pinagplanunhan at pinag-effortan oh!" paliwanag ni Luna habang tinuturo-turo niya si Jin.

"Oo, Jin, thank you kasi pag birthday namin, ikaw lagi ang life of the party. Ikaw 'yung nagpapasaya sa amin, at saka ikaw din taga ubos ng pagkain namin. Kasi, sabi mo sayang pag hindi naubos. Kaya, kami naman yung bumawi sayo. Gusto namin, ikaw naman yung mapasaya namin." nakangiting sinabi ni Chris.

"Alam niyo, kayo talaga, mga kaibigan ko talaga kayo! Namana niyo na 'yung kalokohan ko! May isa lang akong wish, kalimutan niyo na umiyak ako! Parang awa niyo na!" sinabi ni Jin habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata niya.

"Sorry Jin! Pero may remembrance na kami, Ito oh—" Pinakita ni Jon ang video ni Jin na humagahol nang masurprise siya.

"Whaaaaattt! Burahin mo yan! Buburahin mo yan o ikaw ang buburahin ko sa mundong to!" naiinis at  natatawang sinabi ni Jin.

"Sorry, tatago ko 'to!" Tinago na ni Jon ang phone niya sa bulsa at nagsalita na si Luna.

"Okay! Alam ko na everybody's hungry. Pero, mag gift giving daw muna tayo, request ni Rjay, dahil hindi daw pwedeng hindi buksan 'yung gift niya after kumain. Kasi, baka masayang daw!" paalala ni Luna.

"Hala! Bakit nagabala pa kayo! Nakakahiya! Dapat hindi na kayo nag regalo!" nahihiyang sinabi ni Jin.

"Ang arte mo, Jin! Ikaw nga, binibigyan mo kami ng regalo na pinag-isipan mo, tapos kami ayaw mo kami bigyan ng chance!" paliwanag ni Rjay.

"Okay! Ako muna ang mauuna na magbibigay ng gift. Umupo ka muna d'yan, Jin. Ikaw ang guest of honor namin kahit bahay mo 'to." sinabi ni Luna kay Jin at sabay inabot ang gift. Nang makuha ni Jin at binuksan ang regalo ni Luna sa kanya, "Charaaaaann! Alam ko mahilig ka magluto, Jin. Kaya naman, binigyan kita ng set ng cook books at utensils. Ayan may pang-dagdag ka na sa kitchen mo. Lahat yan kulay green kasi favorite color mo!" sinabi ni Luna kay Jin.

"Hala Luna! Grabe 'to! Salamat! Marami na ko maluluto nito" paliwanag ni Jin.

"Nako! Ako na nga nagluluto madalas dyan!" hirit ni Jon.

"'Wag ka nga. Binubuking mo ko eh!" sagot ni Jin kay Jon, "Pero salamat talaga dito Luna. The best ka talaga!" nakangiting sagot niya kay Luna.

"All right! Ako naman ang susunod." Sumingit naman si Rjay at kinuha ang regalo niya na nakalagay sa isang green na plastic box at inabot ito kay Jin.

"Ano ba 'to? Bakit parang sasabog ata laman nito ah? Ang init!" sinabi ni Jin habang hawak niya ang regalo ni Rjay. Nilagay ni Jin  ang green na plastic box sa table para buksan ito. Nang matanggal niya ang cover ng box, ay bigla niyang naamoy ang isa sa mga paborito niyang pagkain. "Wow! Kaya pala ayaw mo na madelay ang pag open ng mga regalo kasi pagkain pala, tapos baked oysters pa!" natutuwang sinabi ni Jin.

"Naalala mo ba noong nagpasama ako sayo sa grocery? 'Yan 'yun. Sabi ko piliin mo yung mga magagandang quality ng oysters. Kasi ikaw talaga ang kakain, kaya ikaw pinapili ko! Tikman mo na dali! Luto ko 'yan" proud na sinabi ni Rjay.

Kinuha ni Jin ang isa sa mga baked oysters at tinikman ito. Habang tinikitman niya ito, ay kinakabahan si Rjay sa magiging reaction niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makain niya ang isa sa mga baked oysters na niluto ni Rjay. 

"Grabe! Ikaw ba talaga nag luto nito Rjay? Bakit gano'n?" sinabi ni Jin.

"Hala! Hindi ba masarap?" tanong ni Rjay at medyo nalulungkot na siya.

"Nakakainis—" Nalugmok si Rjay sa reaction ni Jin, "—nakakainis kasi mas masarap pa to sa ginagawa ko!" hirit ni Jin.

"Talaga? Kala ko hindi ka nasarapan eh! Ubusin mo lahat 'yan!" masayang masaya at natutuwang sinabi ni Rjay dahil nakuha niya ang expectations niya sa pagluluto ng baked oysters.

"Oo, sobrang sarap! Gusto ko sana i-share sa inyo, kaso, pasensya na kayo at isang kainan ko lang 'to! Thank you, Rjay, sa regalo mo!" sagot ni Jin.

"Oh si Chris naman! Chris, ano regalo mo kay Jin?" hirit ni Luna.

"Ako naman, yung regalo ko kay Jin, nasa loob ng bahay. Pinatago ko kay Sir Jon. Alam ko mahilig si Jin dito at gustong gusto niya magkaroon ng ganito. Kaya lang, gusto niya daw may breed." sinabi ni Chris habang dinedescribe niya yung regalo na ibibigay para kay Jin.

"Hala! Ano yan? Kanina, hinalughog ko 'yung buong bahay kasi hinanap si Kuya Jon, bakit wala naman ako nakita?" paliwanag ni Jin.

"Tinakpan namin para hindi mo muna makita! Sige na, hanapin mo na! " utos sa kanya ni Jon.

"Wow may pa treasure hunting pa kayo ng regalo ni Chris ah?" sinabi ni Jin habang kinakabahan pero natutuwa siya dahil may hint na siya.

Pumasok si Jin sa bahay at hinanap ito. Wala sa kwarto, wala rin sa kitchen at wala rin sa C.R., kaya tiningnan niya mabuti ang sala.

"Hmmm, malakas ang kutob ko na buhay to eh kaya hindi nila ilalagay to sa mainit na lugar. Pero bakit hindi ko makita?"

Napalingon si Jin sa kitchen dahil may naisip siyang plano.

"Ahh alam ko na kung anong gagawin ko!"

Pumunta si Jin sa kitchen at kumuha ng maamoy na food dahil alam niya na mag rereact dito ang sinasabing regalo ni Chris. Nang nailbas na niya ang maamoy na pagkain, ay may narinig siyang isang matinis na tunog.

Meow!

Hinahanap niya ang pusa habang tinatawag niya ito at tine-tempt gamit ang pagkain. Palakas ng palakas ang narinig niya hanggang sa napansin niya na nasa likod ito ng sofa ni Jon.

Inusog niya ang sofa, at nakita niya ang isang kulay gray na persian kitten na nakalagay sa isang box na may unan.

"Whaaaaaat! Ang cute naman nito! Pero talaga naman, bakit dyan ka nila tinago? Kawawa ka naman! Halika nga dito, baka naiinitan ka na d'yan!" Kinarga ni Jin ang pusa at napaka amo nito sa kanya. Hindi ito nanlaban at nagpakarga ito sa kanya. Gustong gusto ng pusa si Jin at tahimik lang ito habang buhat niya ito. "Waaaahhh ang cute mo naman! Iisipin ko pa muna ang itatawag ko sayo. Ilalabas muna kita, papakita kita sa kanila. At saka sa isa mo pang daddy, kung kanino ka nanggaling!"

Lumabas na si Jin habang karga niya ang pusa. Tahimik lang ito at nakayakap din sa kanya. Nang lumabas na siya dala ang pusa at tumungo sa likod ng bahay, ay nakita agad nila ang pusa na regalo ni Chris.

"Hala! Cutie! Persian cat yung regalo mo kay Jin, Chris? Grabe ka! Ano ba 'yang regalo mo! Masyado mo naman ginalingan and ang mahal niyan!" asar ni Luna kay Chris.

Nahiya si Chris at napatingin siya kay Rjay ng hindi sadya. Nakatingin sa kanya si Rjay ngunit hindi ito masaya, at parang kinakausap ang mga mata niya na "Ah wala palang gusto ah", kaya lumihis na lang ng tingin si Chris dahil naiilang siya.

"Gusto ko din siya kargahin Jin! Ako naman please! Parang gusto ko siya pisilin ang cute and cuddly kasi!" nanggigigil na sinabi ni Luna dahil sobra siyang natutuwa sa pusa. Nang inabot na ni Jin ang pusa at hawak na ito ni Luna, ay nagsimula na ito magingay at parang gustong kumawala. "Hala! Ayaw niya ata sa akin! Kunin mo na, Jin, dali!" sinabi ni Luna habang nilalayo niya sa kanya ang pusa dahil baka makalmot siya nito.

Kinuha na ni Jin ang pusa at pinahawak niya naman ito kay Rjay. Kinuha naman ni Rjay ngunit ayaw din ng pusa sa kanya at kumakawala.

"Si Jin lang ata gusto ng pusa na 'to eh!" pabirong sinabi ni Rjay.

"Oo nga 'no? Bakit pag sa akin tahimik lang siya tsaka mabait?" pagtataka ni Jin pero natutuwa siya.

"Ikaw nga, Chris? Tingnan natin kung gusto niya sa'yo." tanong ni Luna.

"Ayoko. Hindi ako marunong magkarga ng pusa tsaka baka mamaya mabagsak ko siya pag gusto niya kumawala sa akin." paliwanag ni Chris.

"Edi si Keye Jen ne leng! Hehehe! Keye Jen, kerge me nemen se meneng. hehehe!" pakiusap ni Luna kay Jon. (Subtitle: Edi si Kuya Jon na lang? Kuya Jon, karga mo naman si muning)

Inabot ni Jin ang pusa kay Jon, at nang makarga na nito ang pusa ay katulad ito ng kay Jin, tahimik at nakayakap sa kanya ito at tila gustong gusto rin siya ng pusa.

"Hala! Gusto din ng pusa si Kuya Jon! Mukang may favoritism ata 'to ah?" pabirong sinabi ni Rjay habang palihim niyang tinitingnan si Chris ng masama.

Habang hawak ni Jon ang pusa, bigla niyang naalala si Bullet sa panahon niya. Iniisip niya kung okay pa ba ito dahil walang nagpapakain dito. Pero naalala niya na nag set siya ng automatic feeder, ang problema niya lang, kung hanggang kailan ito kakayanin.

"Anong gusto mong ipangalan sa kanya Jin?" tanong ni Jon habang kinakarga niya ang pusa.

"Hmm? Ano nga ba? Puring? Haha!" suggestion ni Jin.

"Ano ba 'yan! Jin, 'yung mas cute naman!" naiinis na sinabi ni Luna.

"Chris…" at napatingin silang lahat kay Jin, "Oh, 'di si Chris na lang ang mag suggest kasi siya ang nagbigay sa akin niyan." hirit ni Jin at napatango silang lahat.

"Hmmm, para sa akin siguro, gusto ko—Bullet." suggestion ni Chris sa kanila.

"Bakit Bullet? Paano mo naman naisip 'yun?" tanong ni Jin.

"Kasi, sabi sa akin ng owner ng pet shop kung saan ko nakuha si Bullet, malakas daw ang pang amoy niya sa gun powder. May pumasok daw na nagpapanggap na customer at nang dumating daw 'yun, di daw mapakali si Bullet at iyak ng iyak. Pinaghihinalaan daw nila yung customer at tumawag sila ng security. Ayun, nahuli na may dalang baril at dapat daw nanakawan 'yung petshop. Kung hindi daw nag ingay si Bullet bigla, hindi daw sila makakaligtas sa oras. Naisip ko kung 'Gun' ang pangalan, parang di ko gusto, kaya, Bullet na lang." kwento ni Chris sa kanila.

"Aba! Super cat pala 'tong si Bullet! Sabagay, cute para sa pangalan niya ang Bullet. Tsaka, buti binigay nila si Bullet sa'yo? Kasi, kung may ganito silang pusa na talented, nako mahal 'to! 'Yung totoo Chris, magkano 'to? Kasi baka hindi ko matatanggap tong si Bullet." paliwanag ni Jin.

Kinabahan bigla si Chris dahil baka ibalik ni Jin si Bullet, kaya nag palusot na lang siya.

"Ahhh, binigay sa akin 'yan ng may-ari kasi malaki ang tinulong sa kanila ni papa. Kaya parang regalo nila sa akin si Bullet. Eh puro aso sa bahay namin kaya hindi magiging safe si Bullet doon. Tapos naalala ko na mahilig ka sa mga pusa, ayan. Surprise!" paliwanag ni Chris.

"Maawa ka naman kay bullet oh? Tsaka, ikaw ang love niya sa lahat. Sa'yo lang siya tahimik tsaka maamo, tsaka sa akin. Haha!" biglang sumingit si Jon.

"Hmmm. Sige na nga! Kawawa naman si Bullet walang mag aalaga, ako na lang! Halika ka, ipapasok na ulit kita sa bahay nang makatulog ka na ulit." Kinuha na ni Jin si bullet at pumasok sa bahay. "Kumain na kayo d'yan. Aayusin ko lang muna yung tutulugan ni Bullet. Kuya Jon, ikaw muna mag asikaso sa kanila." pakiusap ni Jin bago siya pumasok ng bahay.

Nang makapasok na sa bahay si Jin, ay nilapag niya muna si Bullet sa sofa at pumasok sa kwarto. Kumuha siya ng kumot na mahihigaan ni Bullet at binalikan niya ito ulit sa sofa.

"Dito ka lang muna Bullet ah? Bibilhan kita ng hihigaan mo bukas, wag ka mag alala. Sa ngayon, dito ka muna sa extrang kumot ko." Nilapag na ni Jin si bullet sa kumot at agad na itong natulog at nagpahinga.

Lumabas na si Jin pagkatapos, upang makakakain na rin at mag celebrate. Pagdating niya sa likod ng bahay nila, nakita niya na siya na lang ang hinihintay sa table. Dahil nakapwesto na ang lahat, ay tumungo na siya sa space na binigay para sa kanya. Magkatabi sina Luna at Rjay, sina Chris at Jon naman ang magkatabi, at sa gitna naman ni Chris at Rjay ay si Jin.

Bago umupo si Jin, ay kumuha muna siya ng beer sa cooler malapit sa kanyang upuan at inabot ang mga beer isa isa. Inabot niya muna ito kay Luna, sunod kay Rjay at sunod kay Jon. Nagtaka si Chris kung bakit hindi siya inabutan ni Jin, kaya naman napatingin siya dito at bigla siyang binulungan ni Jin.

"Sorry, Chris, pass ka muna. Hindi muna kita papainumin. Baka mabinggo tayo sa papa mo!"

Hindi na sumagot si Chris ngunit tiningnan niya si Jin at nginitian niya nalamang ito. Tinitingnan naman silang dalawa ni Rjay ng palihim at tila hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya.

Nagsimula na silang kumain, nagsaya at nagsalo-salo. Nang makailang bote na din sila ng beer at medyo tumatama na ang beer sa kanila, ay tumayo si Jin bigla.

"May announcement ako!" sigaw ni Jin. Nagtinginan naman ang lahat at inaabangan ang sasabihin ni Jin. "Wala lang! Gusto ko lang kayo tumingin sa akin!" asar ni Jin.

"Hay nako! Epal ka talaga, Jin! Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin! If I know gusto mo lang mag message talaga dahil 'Emotional' ka naman talaga! Haha!" asar ni Luna kay Jin.

"Okay okay sige! Mag memessage ako. Papasalamatan ko kayo isa isa para naman sabihin niyo na wala akong bias. Hahaha! Okay, kay Luna muna. Thank you, Luna, kasi nakakilala ako ng kaibigan na mahilig uminom gaya ko, kahit na mahina ka uminom pero malakas ka magyaya! Panalo ka sa akin! Appear tayo d'yan!"

Nag appear naman sina Luna at Jin, habang si Jon naman ay napapailing, dahil siya ang nahihiya sa pinag-gagagawa ng batang Jin.

"Okay, Si Rjay naman! Thank you kasi ikaw ang kauna-unahang kong naging kaibigan noong nag college tayo. Hanggang ngayon di ka pa rin nagsasawa sa akin, kahit alam mong loko loko ako! Salamat din kasi naging mabait ka sa akin. Ayun!"

Tuwang tuwa naman si Rjay nang pasalamatan siya ni Jin at kinikilig ito ngunit hindi pinapahalata.

"Tapos, si Chris naman! Thank you, Chris, kasi binigay mo sa akin si Bullet! Ang tagal ko na gusto magkaroon ng alagang pusa, at ikaw nagbigay, kaya salamat! Tapos, salamat din kasi, kahit gaano ako ka sira-ulo, ay kinakaibigan mo pa rin ako kaya sobrang thank you! Kahit na hindi tayo ganoon ka close noong una, pero paunti-unti ay mas napapalapit tayo sa isa't isa. 'Yung Chris na nakikilala ko ngayon, gusto ko makita yung part mo na katulad ng dati na mas masayahin pa kaysa ngayon. Wag ka mag alala, tutuparin ko 'yun—" biglang naputol ang pagsasalita ni Jin dahil sumingit si Rjay.

"'Yung totoo Jin, si Chris ba ang may birthday o ikaw?" pabirong sinabi ni Rjay ngunit sa loob loob niya ay nag seselos siya kay Chris.

Nagpatuloy na si Jin sa pag-thank you, "Okay, okay, next naman! Si Tanda!" Napa eye-roll na lamang si Jon dahil sa kilos ni Jin pero masaya siya para dito.

"Simula noong dumating ka dito sa bahay, hindi na ko natahimik! Ang gulo gulo na ng buhay ko! Pero, PERO, noong dumating ka, nakakatuwa lang kasi bigla ako nagkaraoon ng nakakatandang kapatid o tatay na may nag babantay at alaga sa akin! At masaya din na kasama ka sa bahay kahit lagi tayong nag aasaran! Tsaka masasabi ko lang, wala talagang imposible! At maglinis ka lang ng bahay lagi!" Message ni Jin kay Jon

"Happy birthday Jin! Cheers!

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nasa likod pa rin sila ng bahay ni Jin at nakaupo sa table at nagsasaya.

Hilo at tipsy na sina Rjay at Luna dahil naparami na sila at ang dalawang Jin naman ay okay pa rin dahil sa napakataas nilang alcohol tolerance, habang si Chris ay hindi uminom at pinapanood lang ang kanyang mga kasama.

Nag C.R. muna si Jin saglit at naiwan ang apat. Biglang naalala ni Chris na kinuhaan ni Jon ng video ang pag-iyak ng batang Jin.

"Sir Jon?"

"Yes? Anong problema Chris?"

"May request po ako. Pwede ko po ba makopya 'yung video ni Jin na umiiyak siya kanina?"

"Bakit? Pagtatawanan mo ba?" natatawang tanong ni Jon.

"May pag gagamitan lang po ako."

"Okay sige sige. Haha!"

Nang buksan na ni Jon ang kanyang phone, ay naririnig niya si Bullet na sumisigaw. Kaya naman sinabi niya na pupuntahan niya muna ito. In-unlock niya muna ang kanyang phone at inabot ito kay Chris. 

"Teka Chris, puntahan ko lang si Bullet. Naririnig ko kasi umiiyak, baka nagugutom o nauuhaw. Hindi naman 'yun mapupuntahan ni Jin agad kasi nasa C.R. 'yun. Nasa Gallery ng phone ko 'yung vid."

Nang makaalis na si Jon ay hinanap na ni Chris ang video ni Jin sa gallery ng phone ni Jon. Nang makita niya na ang file, ay sinimulan niya na itong i-send sa kanyang phone. At habang naghihintay, ay may napansin siyang kakaiba sa phone ni Jon.

"Bakit dalawang date ang nakalagay dito. Isang April 6, 2020 at may isang date na nakalagay ay October 7, 2027. Pero hindi ba mahihirapan siya kasi magkaiba ang date nito? Ang weird ah. Pero, baka hindi niya na lang naayos siguro." tanong niya sa kanyang sarili.

Dahil hindi pa bumabalik si Jon, ay naisip niya na tingnan pa mabuti ang phone nito, kahit alam niya na parang pinapakialaman niya na ang privacy ng phone nito. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili dahil sa kanyang curiosity sa katauhan ni Jon.

Habang kinakalikot ni Chris ang phone, ay nakita niya na ang contacts lamang na nakasave sa sim card nito ay siya at si Jin. Lalong nagtaka si Chris dahil bakit silang dalawa lang ni Jin ang nakasave dito.

Isasara niya na dapat ang Contacts App sa Recent apps ng phone ni Jon upang hindi siya mahuli nito. Kaso, may napansin siyang kakaiba ulit sa Recent Apps. Napansin niya na may naka open na Recorder app at may nakalagay na pangalan niya.

"Huh? Bakit may nakasave siyang record at nakapangalan sa akin? Tsaka nakalagay dito, March 21 2021. Hindi ba, 2020 pa lang? Ano ba talaga 'to? Kung nagkamali lang ng year si Sir Jon at dapat 2020 ang year nito, hindi pa kami nag usap sa phone nito, at March 22 kami nagkakilala!" gulat na tanong ni Chris sa kanyang sarili.

Labis na nagtaka si Chris sa mga natagpuan niya sa phone ni Jon. Hindi niya na napakinggan ang record na may pangalan niya, dahil natatakot siya na baka  dumating bigla si Jon at maabutan siyang pinapakialaman ang phone nito. Kaya, binalik niya na lamang ito sa Videos app, at sinara na ang phone. 

Dumating na rin si Jon at umupo na ulit sa tabi ni Chris, "Ano nakuha mo na ba 'yung video?"

"Opo nakuha ko na, Sir Jon. Nakakatawa po si Jin dito, pero, nakakatuwa kasi nakita ko yung ganito niyang side!" nakangiting sagot ni Chris at nagpatuloy na sila sa pagsasaya.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Oh, mga kapatid, may pasok pa tayo bukas. 10 p.m. na and umuwi na kayo para makapag-pahinga na kayo lahat. Ako na magbobook ng grab niyo para di kayo mahirapan" biglang sinabi ni Jin.

"'Wag ka na mag book, Jin. Nag paalam na ko kay Mr. Jill at ihahatid na lang namin sina Rjay at Luna." biglang sinabi ni Chris.

"Okay, sige sige. Mas maganda yan, para alam ko safe kayo makakauwi talaga." sinabi ni Jin at hinawakan ang ulo ni Chris.

Nang makarating na ang kotse ni Chris sa tapat ng bahay ni Jin, inakbayan na ni Jon sina Rjay at Luna para ihatid ito at ipasok sa kotse. Magkasabay naman tumungo sina Jin at Chris sa kotse at lumabas si Mr. Jill, "Sir Jin! Happy birthday sa'yo at sana masaya ka sa birthday mo ngayon."

"Ay opo Mr. Jill! Thank you po! 'Wag po kayo magalala—" binulungan ni Jin si Mr. Jill, "hindi po namin pinainom si Chris. Ako po ang pumigil kahit gusto niya, kaya wala po dapat kayo ipagalala."

"Gano'n ba? Sayang naman! Kung kailan wala si Mr. A., hindi siya nakapag enjoy masyado." bulong ni Mr. Jill kay Jin.

"Whaaat! Sayang! Akala ko nand'yan si Mr. A. kaya todo 'yung pagpigil ko sa kanya! Pero ingat po kayo pauwi at Ingatan niyo po si Chris." bulong ni Jin kay Mr. Jill.

"Sige Sir Jin, maraming salamat sa pagbabantay kay sir Chris. Mauna na kami!"

Pumasok na ng kotse si Chris at Mr. Jill at nakaalis na rin sila.

Habang umaandar na ang kotse, ay nakatingin lang si Chris sa labas at nag iisip.

"Sir Jon, sino ka ba talaga? Bakit may record ka ng call natin ng araw na 'yun? Hindi pa kita nakakausap noon sa phone. Bakit ganun ang year naka-set sa phone mo? October 7, 2027. Bakit kaming dalawa lang ni Jin ang nasa contacts mo? Lahat ba 'to mga mali lang na details o may iba pa 'tong ibig sabihin? Kailangan ko malaman ang totoo!" 

End of Chapter 13