Chereads / March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 15 - Chapter 15: Workshop Day Part 1

Chapter 15 - Chapter 15: Workshop Day Part 1

Date: May 18, 2020

Time: 10:45 A.M.

Nagsimula na maghawak kamay sina Jade at Luna, Chris at Julian at iba pang participants na nasa circle. Nakangiting tinitingnan ni Julian si Chris, habang ilang naman ito sa kanya. Sina Jade at Luna naman ay sinisilip sina Chris at Julian para makita kung anong nagaganap para iligtas agad nila si Chris kung sakaling may gawin itong hindi maganda. 

Habang hawak ni Julian ang mga kamay ni Chris ay tine-take advantage niya ang pagkakataong ito, "Wow! Grabe! Kamay ba 'to ng lalaki talaga? Bakit ang lambot. Ang sarap pisilin. Parang ayaw ko na tanggalin yung pagkakahawak ng kamay ko sa kamay ni Chris!" nasa isip ni Julian habang pinipisil niya ang malambot na kamay nito.

Nagsalita na ulit si Will para iannounce ang kanilang activity for the workshop, "Ito ang first activity natin sa workshop. Gusto ko ay ipapakilala niyo ang mga sarili niyo sa isa't isa. Pero ang twist, ipapakilala niyo ang partner niyo sa inyong kahawakan ngayon. At ang partner niyo sa department ang magpapakilala sa inyo sa hawak niya ngayon."

Parehas nanliit ang mga mata nina Jade at Luna at sabay nilang tiningnan ng masama si Julian. Habang pinagmamasdan nila ito, nagpatuloy si Will sa pagbibigay ng instructions.

"For example, si Chris at Jade ang mag partner dahil galing sila pareho sa Operations team. Ang ka-holding hands ni Chris ngayon ay si Julian from Research and Development, and habang si Jade naman ay si Luna from Management. Ipapakilala ni Chris si Jade kay Julian, at si Julian naman ay ipapakilala niya ang kanyang partner kay Chris. Ganun din si Jade, ipapakilala niya si Chris kay Luna, at si Luna naman ay ipapakilala ang partner niya kay Jade. Gets ba?"

"Yes po!" sagot ng lahat.

"Bibigyan ko kayo ng 2 minutes para ipakilala ang partner niyo. Sasabihin ko pag times up na. Okay, timer starts now!"

Nagsimula na ang bawat isa na ipakilala ang kani-kanilang partner. 

Meanwhile kina Luna at Jade, "Girl, papakilala ko pa ba si Chris sa'yo eh kilalang kilala mo na 'yan!" sabi ni Jade kay Luna habang natatawa.

"Oo, Ms. Jade, 'wag na. May feeling ako na mage-exchange ng partners mamaya. 'Wag ka magbabanggit ng kahit ano tungkol kay Chris!" hirit ni Luna.

"Oo akong bahala d'yan, Luna. Teka, Pakilala mo yung partner mo. Hindi ko pa siya kilala."

"Ay oo nga pala, 'yung partner ko si Kit, tahimik lang siya at seryoso. Tingnan mo oh,  hindi sila naguusap nung kasama niya ngayon." Tinignan nina Luna at Jade si Kit at nagtatawanan silang dalawa.

"Oo nga! Ang tahimik naman niya. Paano siya sa contest niyan?" tanong ni Jade.

"Part time model kasi siya, Ms. Jade, kaya siya ang napili. And 'yung dating niya malakas din talaga pagdating sa projection." paliwanag ni Luna.

Meanwhile kina Chris at Julian, nauna ipakilala ni Julian ang partner niya.

"Chris, yung partner ko nga pala, si Maxene. Junior ko siya, nasa mga 25 years old pa lang siya. Medyo suplada lang pagkinausap mo lalo na pag hindi ka kilala, pero mabait yan, 'pag tulog at pag may pagkain." pabirong sinabi ni Julian.

"Ako naman yung partner ko si Ms. Jade. Hindi ko na sasabihin kung ilang taon siya, ayaw niya kasi sabihin kung ilang taon na siya. Age doesn't matter daw kasi pag tinatanong siya. Basta ang alam ko siguro mga nasa late 30s siya, pero hindi ako sigurado, mukha kasi siyang bata. Mabait si Ms. Jade at lagi niya ko tinutulungan sa lahat."

"Ah, okay. Oh may natitira pa tayong time, pwede ba na sarili mo naman ipakilala mo sa akin?" Nahihiya ngunit nakangiti si Julian habang tinatanong niya si Chris.

Nag alangan si Chris, ngunit dahil mabait siya, ay pinagbigyan niya ang request nito. Magsasalita na dapat siya nang biglang nagparinig si Luna.

"Mr. Will, hindi po namin pwede ipakilala yung mismong sarili namin? RIGHT?" tanong ni Luna sabay tingin kay Julian na nakataas ang isang kilay.

"Oo hindi pwede. Ang partner niyo lang ang papakilala niyo dapat." sagot ni Will.

Nagtawanan ang dalawang babae dahil narinig nila si Julian na nagrerequest na magpakilala si Chris at pinigilan nila ito.

"I love it, Luna! Gusto ko 'yang parinig mo na 'yan!" binulong ni Jade kay Luna habang tawang tawa siya.

"Ikaw ang bahala next, Ms. Jade. Dapat wala siyang malaman kay Chris."

"Oo, wala talaga siyang malalaman. Yung physical lang ang babanggitin ko sa kanya!"

Nadismaya si Julian nang marinig niya na bawal nila ipakilala ang sarili nila mismo. Nag salita na si Will dahil matatapos na ang two minutes na time nila.

"All right guys! Times up! Next naman ay ang magpartners sa department ay mag exchange ng pwesto. For example, si Chris at si Jade ang mag-partner. Magpapalit silang dalawa ngayon ng pwesto. Likewise ganun din sa mga magpartners ng ibang department. So ang mahahawakan naman ni Chris ngayon ay si Kit na partner ni Luna sa department, at si Jade naman ay hahawakan si Maxene na partner ni Julian sa Department. 2 minutes ulit ang pagpapakilala sa mga partner niyo tapos sasabihin ko pag times up na para makapag exchange na ulit ng partner hanggang sa mapakilala niyo na sa lahat ang parnter niyo. Gets ba?"

"Yes po!" sagot ng lahat.

Nagsimula na ulit sila sa kanilang activity. Tuloy tuloy lang ang flow hanggang sina Jade at Julian na ang magkahawak ng kamay.

Nagsimula na ulit ang timer para ipakilala nila sa isa't isa ang mga partner nila.

Nakangiti na si Julian habang hawak niya si Jade. "Yes! 'To na ang hinihintay kong pagkakataon! Malalaman ko na rin ang mga bagay bagay tungkol kay Chris." nasa isip ni Julian.

Si Jade naman ay tiningnan si Julian at nasa isip niya na tila isang weirdo ang kasama niya dahil ngumingiti ng walang dahilan.

Nauna nang ipinakilala ni Julian ang partner niyang si Maxene, at sumunod naman si Jade.

"Ang partner ko ay si Chris." Medyo mataray na nagsalita si Jade at nakataas ang isang kilay at naghihintay si Julian ng sasabihin ni Jade. "Cute siya, tahimik, at mabait." pakilala ni Jade kay Julian. Tumigil na siya sa pag describe kay Chris at tila naghihintay pa si Julian ng iba pang details.

"'Yun lang po ba? Wala na po iba? Kunwari, mga likes and dislikes niya po. Tapos mga hobbies or mga interests niya po?"

"Ah 'yun ba? Likes and dislikes niya, like niya 'yung tao na hindi siya GINUGULO. Dislike niya, yung taong GINUGULO siya! Hobbies niya, ginagawa niyang hobby ang maging tahimik at hindi makipag-usap sa hindi niya kilala. Ang interests niya, sa isang tao lang siya interesado at hindi ikaw 'yun. Okay na ba?" sagot ni Jade na may mataray na tono at pinapakitaan niya ito ng sarcastic na ngiti.

Wala nang masabi si Julian at nag okay sign na lang siya kay Jade na may pilit na ngiti.

"Mukhang wala akong nakuhang impormasyon kay Chris. Pero sabi niya, may gusto daw siya! Hmm, sino kaya yun? Kailangan malaman ko kung sino!" nasa isip ni Julian habang pinagmamasdan niya si Chris na nakatalikod kay Jade.

Sinenyasan ni Jade si Luna na okay na ang pagpapakilala nito, at walang nakuha si Julian na kahit ano tungkol kay Chris.

Nagsalita na rin si Will para sa next announcement, "Okay, great! Times up! Dahil tapos na kayo lahat magpakilala, ay, hindi pa nagtatapos ang first activity natin! Dahil napakilala niyo na ang mga partners niyo sa lahat, ngayon, kailangan ay alam ninyo ang pangalan ng bawat isa. Para naman fair sa lahat, bibigyan ko kayo ng ID with numbers from 1 to 18."

Isa-isa nang inabot ng mga coordinators ang I.D. na may corresponding numbers sa bawat participants. Nang mabigyan na lahat ng I.D. ay nag-patuloy na sa pag-bigay ng instructions si Will.

"Next, bibigyan namin kayo lahat ng 1 sheet of paper at ililista niyo ang pangalan ng lahat ng kasama niyo from numbers 1 to 18, kahit first name lang okay na. Bibigyan namin kayo ng 5 minutes, pwedeng magtulungan ang magpartner sa bawat department pero bawal kayo magtanong sa kabilang department. After ng 5 minutes ay times up na. Gets ba?"

"Yes po." sagot ng lahat.

"At dahil mahilig ako sa twists, ang may pinakamaraming mali ay may pa intermission number na agad. Ang team na makakakuha ng perfect score ay may prize! So galingan niyo!" kinikilig na pag-announce ni Will at kinabahan bigla ang lahat dahil sa intermission kapag sila ang lowest. "Okay na? Timer Starts Now!" sigaw ni Will.

Nakuha ni Chris ang 15, si Jade naman ay 16 at 17 naman ang kay Luna at nagsimula na rin mag usap-usap ang bawat partner ng kada department.

"Chris, ikaw ang inaasahan ko dito! Alam ko magaling ka sa pag-oobserve at pagkilatis kaya nakadepende sa'yo ang results natin.Nakalimutan ko na yung iba. Ikaw ba?" tanong ni Jade at natatawa siya dahil halos hindi niya natandaan ang pangalan ng iba.

"Opo, Ms. Jade, tinadaan ko po sila isa-isa, kaya 'wag ka po mag alala. Hindi tayo mag iintermission." nakangiting sinabi ni Chris.

"Good job ka talaga, Chris! Nako Simulan na natin. Sino yung nasa number 1 nga? 'Yung magandang chinita na babae? Alam ko nagsisimula sa 'L' pangalan niya. Lorna ba? Lorrie? Nakalimutan ko name niya!" tanong ni Jade habang tinitingnan niya ang babae na nakakuha ng number 1 na I.D.

"Si Lizzie po yung number 1." bulong ni Chris.

"Galing mo talaga, Chris! Kaya love na love kita! Buti na lang ikaw kasama ko. Oh yung parnter niya, sino naman nga? Patch ba?"

"Si Butch po yung number 2." sagot ni Chris habang sinusulat na nila ang pangalan sa kanilang papel.

"The best ka talaga! Perfect! Mukhang makukuha natin lahat dahil sa'yo ah!" tuwang tuwa na sinabi ni Jade.

Tuloy-tuloy lang sila nagsulat ng mga pangalan hanggang sa makumpleto nila ito.

Meanwhile kina Luna, "Kit? Ano natandaan mo ba mga pangalan nila? Mga boys lang natandaan ko! 'Yung sa mga girls hindi ko masyado natandaan." tanong ni Luna habang iniisip niya ng mabuti ang pangalan ng bawat isa.

"'Yung iba oo, 'yung iba hindi." seryosong sagot ni Kit.

Meanwhile kina Julian, "Ano, Julian? Isang tao lang natatandaan mo talaga? Ano ka ba naman! Gusto mo ba mag intermission tayo?" naiinis na sinabi ni Maxene na partner ni Julian.

"Oo gusto ko, para mapanood niya ko!" pabirong sinabi ni Julian.

"Julian—" Huminga ng malalim si Maxene at pagkatapos ay kinausap muli si Julian na nakataas na ang isa niyang kilay, "Nako ka talaga! Kahit senior kita, Grrrr!" naiinis na sagot ni Maxene.

Natapos na ang timer at tuwang tuwa si Jade dahil kumpleto nila lahat ng pangalan at kampante na makukuha ang prize. Nagsalita na rin si Will para mag announce, "All right guys! Pakibigay na ang papers niyo sa ating mga coordinators. Make sure na may pangalan niyo 'yan para alam kung kanino ito. Magsisimula na tayo at iva-validate ng mga coordinators natin ang mga sagot niyo. Simula na tayo kay number 1. Go number 1 magpakilala ka na!" lively na pagkakasabi ni Will.

"Ako po pala si Lizzie." pakilala ng may suot na number 1 na I.D.

Tuwang tuwa si Jade dahil tama sila, at hinawakan niya si Chris sa magkabilang balikat at shinake ang katawan nito dahil sa tama ang sagot nila.

"Go number 2 anong name mo?" hirit ni Will.

"My name is Butch, nice to meet you all." nakangiting bati ng may suot ng I.D. number 2.

"Ang galing galing mo talaga Chris!" sinabi ni Jade kay Chris habang niyayakap niya ito sa tuwa.

Sumingit naman si Luna at binulungan niya si Jade, "Buti pa kayo Ms. Jade! D'yan talaga magaling si Chris, kaya tingin ko makukuha niyo yung prize. Nakakainggit naman!" natutuwang sinabi ni Luna habang medyo naiinggit siya, but in a good way.

Tuloy-tuloy nagpakilala ang bawat isa hanggang sa matapos ito at ma-check na ng coordinators ang papel ng bawat isa.

Nagannounce na si Will nang makuha niya na ang results, "All right guys! Nasa akin na ang results! Mukhang may makakakuha ng prize natin for today!" kinikilig na sinabi ni Will sa lahat.

Nagkatinginan ang lahat, nagtataka at naguusap-usap kung sino ang nakakatanda ng lahat ng pangalan. Si Jade ay naka chin-up at confident na dahil alam niya na nakuha nila ang lahat ng pangalan dahil kay Chris.

"Okay! Ang makakakuha ng prize natin for today na Date Voucher na may 2 tickets para sa isang spa/massage, 2 tickets for movies and 2 tickets para sa eat-all-you-can! Dahil mahirap ang game na 'to, ay siempre dapat grande ang prize! Akala ko walang makakakuha ng perfect score! Pero mayroon!" natutuwang ina-announce ni Will.

Kinabahan bigla ang lahat dahil gusto nila makuha ang prize, at nagdadasal na sana sila ang manalo.

"Ang nakakuha ng prize natin ay ang department ng— drum roll please!" Nag drum-roll ang lahat ng coordinators at nag hintay muna ng 10 seconds si Will at nag-announce, "Department ng Operations, sina Chris at Jade!" tuwang tuwa na sinigaw ni Will. Bilib na bilib ang lahat sa dalawa at pinalakpakan sina Chris at Jade.

Si Jade naman ay tuwang tuwa at si Chris ay medyo nahihiya at naiilang dahil tinitingnan sila ng lahat. Pinapunta na sila ni Will sa gitna para kunin ang prize.

"Wow naman! Paano niyo nakuha lahat ng names? Ang galing niyo naman!" tanong ni Will.

"Siempre! Magaling ang baby boy ko dito! Siya ang nakamemorize ng lahat ng pangalan!" sinabi ni Jade at narinig ng lahat kaya bilib na bilib sila kay Chris.

Tuwang-tuwa din si Julian at bumilib sobra kay Chris. "Kakaiba ka talaga! Lalo akong mas nagiging interesado sa'yo. Hindi ka lang cute, matalino ka pa. Gusto ko yan, crush!" Bulong niya sa kanyang sarili.

Inabot na ni Will ang prize kina Chris at Jade at nag picture taking. Pagkatapos ng photo op, at habang pabalik na ang dalawa sa kanilang pwesto, ay kinausap ni Jade si Chris.

"Chris, itong prize na nakuha natin dahil ikaw ang nag-panalo sa atin, this is for you. So gusto ko, yayain mo si Jin dito. Okay ba?" bulong ni Jade kay Chris.

"Hala, Ms. Jade! Baka hindi siya pumayag! At saka isipin niya na baka date namin 'to." Nahihiyang sinabi ni Chris

"Eh bakit? Date Voucher naman talaga 'to! And deserve mo itong prize na 'to so treat mo si Jin! Kailangan mag picture kayong dalawa! Pakitaan mo ko! Bawal ang walang pictures! Okay?" nakangiting sinabi ni Jade kay Chris.

"Sige po, Ms. Jade, try ko po yayain si Jin pero hindi ko alam kung papayag siya." nahihiyang sagot ni Chris.

"Kahit hindi ka na mag try, papayag 'yan si Jin basta marinig niya lang 'yung eat-all-you can, baka mas mauna pa yun sayo sa venue!" pabiro ni Jade.

"Yayayain ko si Jin. Sana pwede at pumayag siya." Sinabi ni Chris sa kanyang isip.

Nang makabalik na sina Chris at Jade sa kanilang upuan, ay nagannounce na ulit si Will.

"Okay! Next naman, ang mag-intermission para sa atin ngayong araw. Nakuha nila ang lowest point na may 6 points lamang! Ang department ng—ready na kayo mag intermission Research and Development!"

Kinurot ni Maxene si Julian sa tagiliran dahil sila ang nakakuha ng lowest score at ang mag-iintermission.

"Ang galing galing mo talaga Julian! Nako! Hmmp!" pabulong na sinabi ni Maxene kay Julian habang inis na inis siya.

"Sorry na Maxene." natatawa na sinabi ni Julian.

Pinapunta na ni Will sina Maxene at Julian sa gitna upang mag perform.

"So anong ipapakita niyong talent sa amin ngayon?"

Si Maxene ay hindi alam ang isasagot dahil sa kahihiyan, ngunit si Julian ay naglakas loob na nagsabi kay Will na kakanta siya.

"Mr. Will, kakanta po ako ngayon." confident na pagkakasabi ni Julian.

"Aba naman! Sige, palakpakan natin si Julian, ang Korean heartthrob ng Research and Development!"

Nagkatinginan sina Luna at Jade at nagma-make face habang nagsasalita si Julian. Si Chris naman ay nakatingin lang at nanonood sa mga pangyayari at seryoso ang mukha.

Nagsalita muna si Julian bago kumanta, at nakatingin lang siya kay Chris.

"Umm, dinededicate ko nga pala 'tong song para sa isang tao na kakakilala ko pa lang  pero nabihag niya agad ang puso ko." nahihiyang sinabi ni Julian.

Nanlaki ang mga mata nina Jade at Luna, at sabay nilang tiningnan nila si Chris at ang reaction nito. Si Chris naman ay nakatingin lamang kay Julian na walang emosyon habang hinihintay na kumanta ito.

"Aba! Julian first day pa lang natin pero may moves ka na agad ah!" biglang sinabi ni Will.

Tumahimik na ang lahat at nagsimula ng kumanta si Julian.

Kung pwede lang itigil ang oras,

walang sasayangin na sandali.

Hihigpitan ang pagyakap

sa ilalim ng mga ulap...

Nawindang sina Luna at Jade nang marinig nilang kumanta si Julian. Lahat ay napatahimik at tila pinagmamasdan lang siya habang kumakanta. Nang marinig ng lahat ang husky voice ni Julian, ay hindi nila mapigilan ngunit pakinggan ito na kumanta dahil sa ganda ng kanyang boses. Sina Jade at Luna na tila puro pagpupuna ang ginawa kay Julian, ay natulala at pareho silang nakasandal sa isa't isa habang pinapanood nila si Julian.

"Girl, hindi ko naman alam na may talent pala to si Julian. Akala ko puro landi lang alam!" sinabi ni Jade kay Luna.

"Ako din Ms. Jade! Maganda pala boses niya. Pero, siempre hindi pa rin ako boto sa kanya!" hirit ni Luna.

Pinapanood ni Chris si Julian na kumakanta at napangiti siya dahil natuwa siya sa boses nito, tila familiar sa kanya ang boses ni Julian.

Nang makita ni Julian na nakangiti si Chris, ay unti-unti siyang lumapit sa harap nito.

Sina Luna at Jade ay hindi mapigilan ang kanilang mga sarili, hindi nila alam kung kikiligin ba sila o dapat mainis sila.

Nang makalapit na si Julian at nakatayo na sa harap ni Chris, ay nagsisigawan na ang iba pang mga contestants at tila inaasar na nila ang dalawa at sinisigawan na sila.

Sina Jade at Luna naman ay nakikisigaw din, ngunit pinapalayo nila si Julian kay Chris.

Biglang nailang si Chris at sinabi na mag-C.R. muna siya. Nang tumayo na si Chris sa kanyang pwesto at tumungo sa C.R. ay nag "Aww" ang mga kasama nila. Tuwang-tuwa naman sina Jade at Luna dahil umalis si Chris.

Nagsalita na ulit si Will upang tapusin na ang intermission. "Okay, Julian, salamat sa iyong pagkanta. Okay na yan para sa Department niyo, hindi na kailangan mag perform ni Maxene. Pwede na kayo maupo dalawa."

Umupo na sina Julian at Maxene sa mga pwesto nila pagkatapos at muling nagsalita si Will, "Mukhang hindi na kayo masyado nahihiya sa isa't isa at may inlove na agad first day pa lang ah? So dahil d'yan, mag Lunch muna tayo at itutuloy natin ang ating 2nd Activity para sa ating workshop after. May hinanda na kaming Lunch para sa inyong lahat. Naka-set na ito at puntahan niyo nalang 'yung isang coordinator sa bandang kaliwa ko para makuha niyo ung food. Mag Start ulit tayo by 1:30 p.m. Eat well guys!"

Nagsitayuan na ang lahat at pumunta na sa mga coordinators kung saan makukuha ang food nila for lunch. Nang makuha na nila ang kanilang food, ay naghanap na sila ng kanya kanyang pwesto para kumain. Magkatabi sina Jade at Luna sa isang table at hinihintay nila si Chris galing C.R.

Pagkatapos ni Chris mag-C.R., ay pinuntahan niya ang pwesto nila Luna at kinausap siya nito, "Chris, kunin mo yung food mo dun sa isang coordinator for lunch. Tapos tabi ka samin, dali!" sinabi ni Luna kay Chris at pinapamadali niya ito.

Maglalakad na sana si Chris papunta sa coordinator na may hawak ng food, nang may tumapik sa kanyang likod.

Tiningnan ni Chris kung sino ang humawak sa kanya at nang tumalikod siya, ay nakita niya si Julian na inaabutan siya ng food.

"'Wag ka na pumunta doon, Chris. Kinuha ko na 'yung para sa'yo."

Inabot ni Julian ang food ni Chris na kinuha naman nito at umupo malapit kina Jade at Luna pagkatapos.

Sumunod si Julian kay Chris at nagtanong kung pwede siya sumabay na kumain sa kanila.

"Okay lang ba na sumabay ako sa inyo kumain?" tanong ni Julian kay Chris habang labis ang kanyang ngiti at nagpapa-cute.

"Okay lang sa akin. Okay lang ba sa inyo Ms. Jade and Luna?" tanong ni Chris at emotionless pa rin siya.

"Kung okay lang kay Chris, okay lang sakin." hirit ni Jade at nag eye roll pagkatapos.

"Sa akin, sige! Hindi naman ako madamot. Basta kakain lang ah? Walang magsasalita!" hirit naman ni Luna at nag eye roll din siya pagkatapos.

"Thank you! Sige hindi ako magsasalita. Naka-sarado lang bibig ko. Bubuksan ko lang pag kakain ako." nakangiti pa rin na sagot ni Julian at umupo na siya sa tabi ni Chris.

Habang kumakain sila, ay pinapanood nila Jade at Luna si Julian. Binabantayan nila ito dahil baka kausapin na naman si Chris.

Napansin ni Julian na pinagmamasdan siya nina Jade, kaya naman tiningnan niya ang mga ito at nginitian.

Kinilig sina Jade at Luna at nagsimula na magbulungan, "Girl! Cute din naman talaga kasi tong si Julian! Pero ewan ko may hindi ako magandang feeling." bulong ni Jade kay Luna habang pinipigilan niya ang kilig.

"Hala! Ms. Jade, parehas tayo! Ako din, feeling ko may ibang motibo to si Julian. Kaya kahit gaano pa siya ka pogi, 'wag tayo masisilaw! Kaya natin to Ms. Jade! Lalaban tayo!" bulong naman ni Luna.

"Oo kaya natin 'to! Para kay Chris and Jin!" hirit ni Jade.

"Speaking of Jin, kamusta na kaya yung match nila?" Biglang natanong ni Luna at kinausap niya si Chris pagkatapos nila mag bulungan ni Jade. "Chris, Alam mo ba kung panalo sila Jin?"

"Hindi ko pa alam. Hindi pa niya sinasabi sa akin." nakangiting sagot ni Chris.

"Text mo nga siya. Mas mabilis mag reply 'yung kumag na yun pag galing sayo eh." pabirong sinabi ni Luna.

Nakikinig si Julian sa pinag-uusapan nila nang marinig niya ang pangalang "Jin".

"Siya kaya yung tinutukoy ni Ms. Jade na gusto ni Chris? Yung Jin ba yun? Hmm. Maobserve nga." nasa isip ni Julian at nacurious siya na malaman kung sino ang kalaban niya kay Chris.

Tinext ni Chris si Jin upang malamang ang standing nila.

"Jin, kamusta yung laban niyo? Pinapatanong din ni Luna. Kasama ko siya ngayon sa contest din eh. :)"

"Na-text ko na si Jin, hintayin na lang natin reply niya."

Biglang nag-bilang si Luna, "5, 4, 3, 2, 1..." at nag-vibrate ang phone ni Chris. Humirit bigla si Luna, "Oh 'di ba? It'll only take 5 friggin' seconds pag si Chris ang nag-text sa kanya! Pero sa akin or kay Rjay, 30 minutes bago mag reply!" pabirong sinabi ni Luna sa kanila.

"Talagang nabilang mo na kung gaano siya kabilis mag reply girl ah?" hirit ni Jade habang natatawa siya.

"Oo Ms. Jade! Nako, proven and tested, 5 seconds lang lagi 'pag si Chris nag text sa kanya. Pag samin naman hindi haha!" paliwanag ni Luna.

"Well, we know na kung sino ang priority ni Jin." Kinikilig na sinabi ni Jade, habang si Chris naman ay napapailing na lang sa hiya.

Narinig ito ni Julian at mas tinalasan niya pa ang kanyang pandinig habang focus lang siya sa kanyang pagkain, pero hindi niya pinapahalata na nakikinig siya sa usapan nila.

"Oh ano sabi ni Jin, Chris, Dali!" Minamadali ni Luna si Chris na basahin ang text galing kay Jin.

Binasa ni Chris ang text ni Jin, "Mamaya ko sasabihin! Sabihin mo kay Luna wag na siya sumali baka matakot sa kanya iba pang mga contestants! Haha!"

"Ay nako! Pabitin talaga 'to si Jin! Ayaw pa sabihin kung nanalo sila o hindi! Pero tingin ko panalo naman na yan sila." sinabi ni Luna.

Nakangiti lang si Chris habang kumakain, at napansin ito ni Julian kaya pinagmamasdan lang siya nito.

"Mukhang may mabigat akong kalaban kay Chris. Mukhang yung Jin nga na yun ang tinutukoy ni Ms. Jade. Hmm." nasa isip ni Julian habang patuloy siyang kumakain.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Pagkatapos nila kumain lahat ay tinawag na sila ni Will ulit para sa 2nd activity at pinagather ulit sa kani kanilang pwesto kaninang umaga.

"Sana nasarapan kayo sa ating food today at nabusog kayo. Dahil ang next na activity natin ay very engaging! Okay, please form a circle again guys as long as magkatabi ang mag-partners from each department."

Nagtabi muli sina Jade, Luna at Chris. Tumabi din si Julian kay Chris, at pinag-uusapan na naman ng siya dalawang babae si Julian

"Hay nako girl! Talagang hindi siya papaawat no?" naiinis na bulong ni Jade kay Luna.

"Oo nga Ms. Jade! Nako kung ako yan sinigawan ko na yan!" hirit naman ni Luna.

Nagsalita na si Will para i-announce ang next activity, "All right mukhang naka form na tayo ng circle. Pwede na kayo umupo lahat." Nang makaupo na ang lahat ay muli siya nagsalita. "Ang next activity natin ay 2 Truths and lie, with a twist! Siempre hindi mawawala ang twist natin."

Tuwang tuwa ang lahat ng mga participants dahil gusto nila ang activity na ito, at lalo na si Julian dahil may malalaman siya tungkol kay Chris.

"So ang game natin ngayon, ay kunwari si Jade ang magbibigay ng kanyang 2 truths and 1 lie." patuloy ni Will, " So Lahat kayo ay huhulaan niyo kung ano yung lie."

"Paano po kami sasagot?" tanong ng isang participant.

"After magbigay ni Jade ng kanyang mga statements, ay isisigaw ko ang number ng isa sa kanyang  mga statements. Pag sinigaw ko ang number, magtataas kayo ng kamay kung tingin niyo ay lie ito. Gets?" tanong ni Will.

"Yes po." sagot ng lahat.

"Bibigyan ko kayo ng 1 minute para i-make sure ang sagot niyo. After ng 1 minute, times up na. So pag nagtaas ka ng kamay at nagkamali ka, may parusa tayo. Pag walang nag taas ng kamay naman, ibig sabihin lahat may parusa para naman fair tayo!"

Nag isip na ang bawat isa ng kanilang mga statements at binigyan sila ni Will ng 3 minutes.

After 3 minutes ay nagsalita na si Will, hudyat na magsisimula na ang activity, "Okay guys! Simulan na natin ang ating activity. Dahil ganun parin naman ang pwesto niyo tulad ng kanina, so si Lizzie ang magiging first na magsasalita. Simulan na natin para malaman kung gaano ka exciting ang magiging ang ating punishment sa mga magkakamali! Ready na ba kayo guys?"

"Yes po!" Sagot ng lahat.

"Game, Lizzie! Start mo na ang 2 Truths and a lie" Hirit ni Will.

"Okay po Mr. Will" nakangiting bati ni Lizzie at tumayo na siya para ipahayag ang kanyang statements' "Hi guys, so number 1 ko is mahilig ako kumain ng spicy food, Number 2 is Magaling ako mag drums, and number 3 is Magaling ako mag bake."

"Okay guys! Narinig niyo ba ang mga statements ni Lizzie? Pag isipan niyo na dahil mag bibigay na ko ng number at ang pipiliin ko ay number 3! Ito ba ay Lie? Taas ang kamay ng nagsasabi na lie ang 3 ni Lizzie na magaling daw siya mag bake!" sigaw ni Will.

Nag-aalangan ang iba na magtaas, dahil baka mamaya ay hindi pala lie ang number 3. Sina Jade at Luna ay kinakabahan din dahil baka magkamali sila. Si Chris naman ay nag-iisip at tinitingnan si Lizzie.

Tinanong at kinausap nila Jade at Luna si Chris kung anong naiisip nito na sagot.

"Chris, ikaw ano sa tingin mo kung lie ba yung number 3 ni Lizzie?" tanong ni Luna.

Sumabat si Julian sa kanila, "Tingin ko truth ung number 3 niya. Kaya wag kayo magtaas ng kamay."

"Paano mo naman nalaman na truth yan? Kilala mo ba yan? Ha?" hirit ni Jade.

Nagsalita na si Chris ngunit hininaan niya ito para sila lang ang makakarinig. "Nakaisip na ko ng strategy." biglang binulong ni Chris at lumapit sina Luna at Jade sa kanya, pati na rin si Julian ay nakinig.

"95% na tingin ko, gagana 'tong naisip ko. Tingnan niyo kung magtataas ng kamay si Butch. Partner niya si Lizzie so malamang alam niya ang sagot. Isa pa, wala talagang way na malaman natin ang sagot lalo na hindi natin kilala ang yung iba dito. Pwera nalang kung magkakakilala na tayo before. So si Butch, Hindi niya hahayaan na magkamali siya dahil siempre ayaw niya maparusahan. So, tingnan natin kung mag tataas si Butch ng kamay." paliwanag ni Chris.

"Oh em! Hindi ko naisip 'yan Chris! Ang galing mo talaga mag observe! Grabe talaga ang taba ng utak mo!" Natutuwang sinabi ni Jade kay Chris ngunit hininaan niya lang ito para hindi marinig ng iba at sila lang ang makakaalam ng strategy.

Nagtaas na ng kamay ang iba hudyat na ang sagot nila ay lie ang number 3 ni Lizzie. Pinagmamasdan ng grupo nila Chris si Butch, ngunit hindi ito nagtataas ng kamay. Nang magtaas na ng kamay ang iba ay nakigaya na rin ang mga ito, at halos 10 na ang nagtaas ng kamay na nagsasabi na lie ang number 3.

Hindi nagtaas ng kamay si Butch, kaya hindi rin nagtaas ng kamay sila Chris hanggang matapos ang timer ni Will.

Nagsalita na si Will para mag announce. "So ready na ba tayo malaman kung ang number 3 nga ba ay lie? Okay Lizzie, the floor is yours. Lie ba ang 3?" Tanong ni Will kay Lizzie.

"Ang number 3 po ay—"

Kinakabahan ang lahat sa isasagot ni Lizzie, pati narin sila Luna at Jade ay nanginginig. Si Chris naman ay nakangiti lang, habang Julian ay nagaabang ng sagot na kabado din.

"Hindi ko po sinasadya sa mga nagtaas ng kamay. Truth po ang no. 3. I'm so sorry po!" sinabi ni Lizzie ang kanyang sagot habang nahihiya siya sa mga nagkamali.

Natuwa at kinilig sina Jade at Luna dahil tama ang kanilang sagot sa tulong ni Chris at niyakap nila ito.

"Chris! Ang galing galing mo talaga! Thank you! " Naiiyak sa tuwa na sinabi ni Jade kay Chris habang niyayakap niya ito.

"Proud ako na naging kaibigan talaga kita Chris!" sinabi naman ni Luna habang niyayakap niya si Chris.

"Iba talaga si Chris! Ang talino kaya lalo ko siyang nagugustuhan!" nasa isip ni Julian. "Ang galing mo Chris, buti nakinig ako sayo!" Tinapik ni Julian ang likod ni Chris at hinahaplos ito pagkatapos

"Lucky guess lang yun." naiilang na sinabi ni Chris habang hinahawakan siya ni Julian sa likod.

Biglang napalingon si Luna sa likod ni Chris at nakita niya na hinahaplos ito ni Julian. Kaya naman nairita siya at agad niyang tinanggal ang kamay nito at sabay inirapan.

Nagsalita na ulit si Will upang ituloy na ang laro, "Okay guys, meron tayong 10 participants na nagkamali. Dahil dyan, ay may punishment kayo. Ready na ba kayo sa inyong punishment? Tayo na sa gitna ang 10 na nagkamali." nakangiting sinabi ni Will.

Nag-sitayuan na ang mga nagkamali, at pumunta sa gitna habang  kinakabahan sa magiging punishment nila.

"Ang punishments natin ay iba iba para exciting at hindi boring. So ang punishment for this stage ay iinom kayo ng isang shot ng pure ampalaya juice! Gusto ko ay healthy pa rin ang punishment natin. So coordinators pakidala na ang 10 shots ng pure ampalaya juice!" patuloy ni Will.

Nilabas na ng mga coordinators ang ampalaya juice at binigay na ito isa isa sa mga participants na nagkamali.

Ang iba ay inaamoy pa lang ang juice ay nasusuka na. Sila Jade at Luna naman ay natutuwa dahil hindi sila iinom ng ampalaya Juice. Si Chris naman ay nanonood lang at tila natutuwa sa mga nakikita niya ngunit naaawa siya para sa iba, habang si Julian naman ay nakatingin lang kay Chris.

"Okay guys, Simulan niyo na! If hindi niyo kinaya, may nakaready kaming plastic bags dito. Pwede kayong sumuka. Basta dapat ubos ang shot glass." dagdag ni Will.

Nagsimula na inumin ng bawat isa ang ampalaya juice. Ang iba ay diring diri nang matikman nila ang pait. Ang iba naman ay naubos, ngunit kumuha agad ng plastic bag para sumuka, at ang iba ay uminom ng maraming tubig.

Nang matapos ang punishment, ay nagsalita na ulit si Will habang pabalik sa kani-kanilang pwesto ang 10 participants na sumabak sa punishment.

"Okay! Napaka-excting ng ating punishment! 'Wag kayo mag alala, marami pa tayong nakahandang punishments just all for you! Next natin ay si Butch na. Go Butch, the floor is yours."

"Hello Everyone it's me again, Butch. Okay, so first one is I love hanging out and going to the beach. Two, I hate insects, especially the flying ones. Three, I'm Bisexual."

Pagkatapos mag salita ni Butch, ay nagannounce na ulit si Will kung anong number ang pagpipilian. "So guys, ang number na huhulaan niyo ay 3! Lie ba ang number 3? Go!" sigaw ni Will.

Nagisip-isip na ulit sila, habang sina Chris naman ay pinagmamasdan ngayon si Lizzie kung magtataas ito ng kamay hindi.

May mga nagsimula na magtaas ng kamay, at nakigaya na rin ang iba. Nang mag times up na si Will, hindi nagtaas ng kamay sina Chris dahil hindi rin nagtaas si Lizzie ng kanyang kamay. Ngayon ay may 7 participants na nagtaas ng kani-kanilang kamay at nagsimula na magsalita si Will.

"Okay Butch, anong tamang sagot?"

"Ang tamang sagot, number 3 is—"

Kinakabahan na naman sina Jade at Luna at nagyayakapan sila dahil sa suspense ng activity.

"Number 3 is Truth! Sorry guys and for those who got it wrong, I'm bisexual for you information."

Napatili sina Jade at Luna dahil tumama sila, at pinuri na naman nila si Chris.

"Chris! Panalo ka talaga! Feeling ko matatapos 'tong activity na 'di tayo masasama sa punishment!" natutuwang hirit ni Luna.

Napailing nalang si Julian at napangiti sa tabi dahil tumama na naman siya dahil kay Chris.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

As the activity goes on, hindi napasama sa punishment ang grupo nila Chris. Si Julian na ang susunod na mag-sasalita at binigyan na siya ni Will ng hudyat.

Nagbulungan muna sina Jade at Luna bago magsalita si Julian—

"Ms. Jade, alerto tayo dito, mamaya gantihan tayo nito! Kanina kasi, tinanggal ko yung kamay niya sa likod ni Chris tapos inirapan ko!"

"Tingnan na lang natin si Maxene, para alam natin kung ano ang lie." hirit naman ni Jade.

Nagsalita na si Julian para sa kanyang statements, "Hi guys, number 1 ko is mahilig ako magluto. 2, May tinatayo akong business for clothing line, and 3—" Bago sabihin ni Julian ang last statement ay tumingin muna siya kay Chris at ngumiti, "Mahilig ako sa mga cute."

Nang matapos si Julian, ay sinabi na ni Will ang pagpipilian, "Okay Guys! Ready na ba kayo? Dahil ang number na huhulaan niyo ay hindi number 3 dahil mukhang alam natin ang sagot lahat! So, number 2! Go!"

Nang marinig ni Maxene ang number na dapat huhulaan, ay nanlaki ang mata nito. Tiningnan niya ng masama si Julian at binulungan, "Hoy Julian ano 'to? Hindi ko alam kung may tinatayo ka nga na business! Loko loko ka talaga!" naiinis na sinabi ni Maxene.

Tiningnan nina Jade at Luna si Maxene at pinag-usapan nila ito—

"Girl, pano na tayo nito? Tingnan mo pati si Maxene hindi niya ata alam 'yung sagot." bulong ni Jade kay Luna at tila nangangamba sila pareho.

"Paano na to? Mukhang maiisahan tayo ni Julian! Baka mamaya mali yung masagot natin!" bulong ni Luna kay Jade.

Kinalabit nila si Chris at tinanong kung anong iniisip nito.

"Chris, ano sa tingin mo? Tama ba ang number 2 na lie?" tanong ni Jade kay Chris.

Tiningnan ni Chris si Julian sa mga mata at nginitian naman siya nito pabalik. Pinagmasdan niya ang mga damit nito para tingnan kung ang suot niya nga ba ay mga designer clothes, upang malaman kung marami itong alam pagdating sa mga damit.

"Pwedeng totoo ang sinasabi ni Julian na nagtatayo siya ng business for clothing line. Hmm, mukhang hindi din alam ni Maxene ang sagot. Pero may sinabi siya na mahilig siya magluto which is number 1. Hindi ko sigurado kung totoo 'yun pero sa pagkakataong to—" nasa isip ni Chris habamg ina-analyze niya ang mga posibleng sagot.

Biglang kinausap ni Luna si Chris, "Ano Chris, tingin mo lie ba 'yung 2 niya?"

"Sa totoo lang, mukhang kailangan natin hulaan. Hindi ko masabi eh. Alam kasi ni Julian yung strategy natin, kaya nagisip siya ng bagay na hindi alam ni Maxene kaya wala tayong basehan." nahihiyang sagot ni Chris. "Sorry kung ano man 'yung makuha natin na punishment kung magkamali tayo. Magtataas ako ng kamay."

Nakita ni Julian na nagtaas ng kamay si Chris at napailing siya bigla. Sina Jade at Luna naman ay nagdadalawang isip pa.

"Girl. Tignan mo kasi yung mga damit niya, halatang mga designer clothes talaga. Ibig sabihin, may interests siya sa mga damit. So hindi ko alam, pero hati muna ang decision. Baka hindi ako magtaas ng kamay." bulong ni Jade kay Luna.

Hindi na rin nagtaas ng kamay si Luna, pati na rin si Maxene. Walang nagtaas ng kamay maliban kay Chris ngunit hindi niya pinansin ang iba. Basta desidido siya sa kanyang sagot.

Nagsalita na si Will, "So, wala na magtataas ng kamay at si Chris lang? If nagkamali siya, siya lang ang tatanggap ng ating punishment. Pero pag tama siya, ready na kayong lahat. So, anong tamang sagot, Julian?"

"Ang tamang sagot is ang no 2 ay—" Pinakaba muna ni Julian ang lahat at hindi muna sumagot. Kaya naman sinigawan na siya ng lahat para umamin at napilitang sumagot,  "Sorry, hindi ko sinasadya. Si Chris lang ang nakakuha ng tamang sagot. Lie." sagot ni Julian habang nakangiti lamang siya kay Chris at tinataas ang dalawang kilay niya.

"What? As in?" napasigaw bigla si Luna.

"Girl, mukhang it's our time to shine para sa punishment!" hirit ni Jade na naiinis dahil kay Julian.

"Dapat sinundan ka namin Chris! ikaw lang tumama sa lahat" sinabi ni Luna at tila nagsisisi siya dahil sana ay ginaya niya ang sagot ni Chris.

Nagulat ang lahat ng hindi nagtaas ng kamay, at nagtataka kung bakit ito lie. Kaya naman ay nagpaliwanag si Julian sa lahat.

"1 is truth, passion ko ang pagluluto. 3 is also true and 2 is lie at si Chris lang ang nakakuha. I wear designer clothes, oo, marami akong alam pagdating sa mga damit. Pero, ang gusto ko talaga is makapagtayo ng restaurant."

Napatingin si Julian kay Chris at tuwang tuwa siya dahil si Chris lang ang nakakuha ng sagot at pakiramdam niya ay may alam si Chris sa kanya. "Paano mo nalaman Chris na lie ang number 2?"

"Sa totoo lang, hinulaan ko lang talaga. Sorry!" nahihiyang sagot ni Chris.

"Akala ko pa naman dahil interesado ka sakin kaya alam mo." nasa isip ni Julian at sobra siyang disappointed.

Nagsalita na si Will para mag announce ng punishment nilang lahat. "So guys, Ibig sabihin si Chris lang ang ligtas sa ating punishment, at lahat kayo ay mararansan ang ating exciting na punishment. Ready na ba kayo?"

"Hindi po!" Sagot ng lahat.

"Ang ating punishment for this round is, lahat kayo mag sho-shot ng toyo with milk! Ready na ba kayo?"

Halos masuka ang lahat nang marinig nila ang iinumin nila. Sina Jade at Luna ay diring diri nang malaman nila na 'yun ang ipapainom sa kanila. Tinitingnan nila si Julian ng masama habang Tiningnan sila nito pabalik na nang-iinis na ngiti. Si Chris naman ay nagchecheer lang habang nakaupo.

"Dapat talaga sinundan natin si Chris dito nako!" hirit ni Luna.

"Oo nga girl, kaso ito na. 'Wag ka mag alala! Bawian natin 'yan si Julian mamaya!" sinabi ni Jade.

"Oo Ms. Jade, sama ako dyan! Lagot sa atin yang Julian na yan. Dalawang beses yan mag makakaranas ng punishment!"

Binigay na sa kanila isa-isa ang tig-isang shot glass na may magkahalong toyo at gatas. Nang inumin ng lahat ito ay agad sila kumuha ng kani-kanilang inumin upang mawala agad ang lasa nito sa kanilang dila.

Nang matapos na at makabalik na silang lahat sa kani- kanilang upuan, ay si Chris na ang susunod na magbibigay ng kanyang statements at pinagsalita na siya ni Will. Kaya naman tumayo na siya at nagbigay na ng kanyang 2 truths and 1 lie.

"Hello po sa inyo. Ang 1 ko po is tahimik ako at mahiyain, 2 mahilig ako sa pusa, and 3 mahilig ako sa books." nahihiyang sinabi ni Chris at habang tinatago niya ang kanyang ulo sa hoodie ng jacket niya.

Nag-usap sina Jade at Luna pagkatapos magbigay ni Chris ng kanyang statements.

"Girl, tama ba ko, number 2 yung Lie?" bulong ni Jade kay Luna.

"Oo Ms. Jade, napakahilig niyan ni Chris sa aso. Marami silang alagang dogs sa bahay nila na nakatago at hindi mahilig si Chris sa cats. Ewan ko, natatakot siya hawakan 'to. Pati nga mismo 'yung regalo niya kay Jin na cat ayaw niya. Take note, persian cat ang regalo niya kay Jin!" bulong ni Luna.

"Mayaman, persian cat!" Natatawang hirit ni Jade, at naging seryoso siya muli nang makita niya ang nakangiting mukha ni Julian. "So alam ni Julian ang strategy. Mamaya na tayo magtaas ng kamay if ang number na mapipili ni Mr. Will ay Lie talaga. Pero 'pag truth 'yun, magtaas tayo ng kamay at bago matapos 'yung timer, tsaka tayo magbaba agad para hindi mapansin ni Julian!" bulong ni Jade kay Luna.

Nagsang-ayon ang dalawa sa kanilang plano, at may evil grin na tingin bigla kay Julian. Napansin naman ito ni Julian at ngumiti sarcastically sa kanila pabalik.

Nagsalita na si Will upang ibigay ang number na pagpipilian, "So ang number na pipiliin ko ay number 2! Ito ba ay lie, Chris? So guys, timer natin ay 1 minute para mag isip at magsagot! Go!"

Hindi pa muna nagtataas ng kamay sina Luna at Jade. Dahil nakita ni Julian na hindi nagtaas ng kamay ang dalawang babae, ay hindi rin ito nagtaas ng kamay.

Napansin ni Chris na hindi nagtaas ang dalawa at sinensyasan ito kung bakit hindi sila nagtaas. Sumenyas din ang dalawa na nagsasabi na sila ang bahala at may plano sila.

May mga nagsimula na magtaas ng kani-kanilang kamay at bago matapos ang timer, nang nasa 0:59 na ay biglang nagtaas ng kamay sina Jade at Luna.

Nang maghudyat si Will na times up na, ay hindi na ito napansin ni Julian at hindi na nakapagtaas ng kamay.

May 13 na nagtaas ng kamay na nagsasabi na lie ang 2 ni Chris kaya nagsalita na si Will.

"So Chris, ano nga ba ang tamang sagot? The floor is yours."

"Ang number 2 ko po is lie. Sorry sa mga nagkamali." nahihiyang sagot ni Chris.

Pumapalakpak sa tuwa sina Jade at Luna dahil naisahan nila si Julian. Pinatawag na ni Will ang lahat ng mga nagkamali at pinapunta na ang 4 participants na tatanggap ng punishment.

"Ang punishment natin for this round ay mag shot kayo ng fish sauce or patis with condensed milk!" Sigaw ni Will.

Nanginig sa pandidiri ang mga kukuha ng punishment, habang tuwang-tuwa naman ang dalawang babae at tila parang nanalo ang kanilang feeling dahil sa naisahan nila si Julian.

"Tama lang 'to, dahil hindi ko alam ang sagot kailangan talaga maparushan ako! Mas aalamin ko pa lahat ng tungkol kay Chris!" bulong ni Julian sa kanyang sarili at tanggap niya ang punishment.

Nagshot na ang lahat ng participants at pagkatapos ay bumalik na sila sa kani-kanilang mga upuan.

Binigyan na ni Will si Jade ng signal upang siya naman ang magsalita.

"Hello, guys! So ang aking 1 is nasa late 30s na ako, 2 is I love BL, and 3 Magaling akong kumanta!"

Nagsalita na si Will upang piliin ang number na pagiispan ng lahat, "Hmmm. ang pipiliin ko ay ang number 1 dahil interesado ako malaman. So lie ba ang number 1? Go!"

Nagbulungan ang dalawang babae, "Girl, truth ang number 1 wag ka magtataas ng kamay!" bulong ni Jade kay Luna.

Nagulat si Luna sa nalaman niya, "Totoo Ms. Jade? Akala ko nasa late 20s ka lang? Grabe ang bata mo tingnan!" bulong ni Luna.

Kampante si Jade na hindi magtataas ng kamay si Chris. Ngunit nakikita niya rin na hindi nagtataas ng kamay si Julian. Dahil hindi nagtaas ng kamay si Julian, ay naisipan ni Jade na magtaas ng kamay si Luna para malito ito.

Nang magtaas ng kamay si Luna, ay nakita ito ni Chris ngunit hindi siya nagtaas. Hindi rin nagtaas ng kamay si Julian dahil nabanggit sa kanya ni Chris sa introduction ng partners na nasa late 30s na si Jade.

Tinataasan ni Luna ang kanyang kamay para makita ni Julian at sundan siya, ngunit hindi niya napansin na malapit na mag time dahil naka focus siya kay Julian pataasin ang kamay nito. Biglang nagtimes up si Will at nagulat sina Jade at Luna at pareho nanlaki ang mga mata nila.

Naiyak si Luna dahil hindi agad naibaba ang kamay niya, at niyakap nalang siya ni Jade. Nainis siya kay Julian at inirapan ito, habang natawa naman si Chris dahil alam niya kung anong plano ng dalawang babae ngunit hindi nagtagumpay.

Tinawag na ni Will si Jade upang magbigay ng sagot.

"Ang number 1 po is truth." nakangiting sagot ni Jade habang proud siya sa sarili niyang baby face beauty.

Nagulat si Will nang sabihin ni Jade na truth ito, pati narin ang iba dahil akala nila ay nasa late 20s lang si Jade. 11 ang nagkamali kasama si Luna at pinapunta na sila sa gitna para sa kanilang punishment.

Nagsalita na si Will, "Okay guys, ang next punishment natin ay iinom kayo ng raw egg!"

Halos masuka suka si Luna ng malaman niya ang punishment, at nanlisik ang mga mata niya at tinignan si Julian.

Pagkatapos nila sa punishment, ay tinitingnan ni Luna si Julian ng masama at nag eye roll ito, habang si Julian naman ay nakangiti lamang kay Luna na lalong kinaiinisan nito.

Pagkaupo ni Luna sa kanyang pwesto, ay agad siyang kinausap ni Jade,  "Sorry Girl, nasira ang plano natin! naisahan nanaman tayo ni Julian!" naiinis na bulong ni Jade.

"Oo nga Ms. Jade! Ako bahala d'yan next! Tingnan natin kung makalusot pa siya!"

Pinasalita na ni Will si Luna para sa turn niya.

"Okay, so ang 1 ko is mahilig ako sa interior designing, 2 I'm a party goer and 3 naman is I hate dancing."

Nagsalita na si Will upang magannounce, "Okay guys, ang huhulaan niyo is 1. Lie ba ito Luna?"

Nag-isip na ang mga participants at ang iba ay nagtaas na ng kamay na nagsasabi na lie ito. Siyam na ang nagtataas ng kamay sa pagkakataong ito.

Si Chris ay hindi nagtaas ng kamay at ganun din si Jade, kaya naman ay nakigaya na din si Julian.

Sinenyasan ni Luna si Jade na gumawa ng paraan para magkamali si Julian.

"Hmm, para magkamali si Julian, kailangan ay magtaas siya ng kamay. Hindi nagtaas ng kamay si Chris at siya lang ang sinusundan nito. Sasabihin ko na magtaas ng kamay si Chris, at biglang ibaba ang kamay pag malapit na ang timer ng hindi napapansin ni Julian! Tama!" nasa isip ni Jade.

Binulungan ni Jade si Chris, "Chris, magtaas ka muna na kamay, tapos 'pag malapit na mag times up, tsaka mo ibaba pero wag mo papahalata kay Julian. Okay ba?"

"Sige po Ms. Jade."

Nagtaas si Chris ng kamay, at nagulat si Julian nang makita niya na nagtaas ito ng kamay. Kaya naman nagtaas din siya ng kamay.

Nagusap na ang dalawang babae nang makita nila na nag taas na ng kamay si Julian—

"Grabe! Talagang si Chris yung sinusundan niya! Tingnan natin kung maisahan niya pa tayo! Sabi ko kay Chris, ibaba niya agad kamay niya pag malapit na mag times up!" bulong ni Jade kay Luna.

"Kawawang Julian! Lagot siya ngayon!" bulong ni Luna kay Jade habang tuwang tuwa sa plano nila.

Habang hinihintay nila mag times up si Will, ay kinausap muna ni Julian si Chris, "Chris, Totoo ba na lie yung number 1 ni Luna?"

"Ummmm, Sabi kasi nila sa akin—"

Nakita ni Jade na kinakausap ni Julian si Chris, at tila malapit na mag times up. Napansin rin niya na  0:58 seconds na lang, at malapit na mag times up si Will. Kaya naman ay hinawakan niya na ang kamay ni Chris na nakataas para ibaba ito. At nang mahawakan niya ang kamay nito upang ibaba—

"Times up! Okay sino sino ang mga nakataas ang kamay?" Biglang sumigaw si Will.

Nanlaki ang mga mata nila Luna at Jade dahil nakataas ang kamay ni Jade habang inaabot niya ang kamay ni Chris para ibaba dapat ito.

12 Participants ang nakataas ng kamay, kasama sina Julian, Chris at Jade.

Napalunok nalang si Jade,  dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nakasama siya.

"So Luna, ano ang tamang sagot?" tanong ni Will.

Nahihirapan bigkasin ni Luna ang sagot at sabihin ito, dahil makakasama sa punishment si Jade at for the first time, si Chris.

Binulungan ni Jade si Chris, "Sorry hindi ko sinasadya! Dapat kasi, plano namin na magtaas ng kamay si Julian hanggang dulo hanggang mag times up, at yung sayo nakababa na para masama siya sa punishment! Ang ending, iyak!" nalulugmok na sinabi ni Jade.

"Okay lang 'yun Ms. Jade! Gusto ko din maranasan yung punishment, parang nakakatuwa kasi tignan." natatawang sagot ni Chris.

"Nako, Chris. Ano na ba gagawin ko sa'yo!"

Nagsalita na si Luna para sabihin ang sagot, "Ang number 1 is, is truth!" Binulungan ni Luna sina Chris at Jade "I'm sorry talaga!" At tiningnan niya si Julian at inirapan niya na naman ito.

Pumunta na si Julian, Chris at Jade sa gitna upang tanggapin ang punishment.

Nagsalita na si Will upang sabihin na ang next punishment, "All right! So meron tayong 12 participants na nagkamali. Sakto, 6 guys and 6 girls. Mag sama-sama ang guys dito sa right side at sa left side naman ang girls. Tapos kada team may 3 pairs. Go mag pair up muna kayo!"

Naghanap na sila ng kanya-kanyang partner, at si Julian ay agad na kausap si Chris upang silang dalawa ang maging mag-partner. Sa malayo, si Luna ay napapa-facepalm nalang, habang si Jade naman ay ino-observe ng mabuti si Julian at Chris.

Nang matapos na sila mag pair up, ay sinabi na ni Will ang kanilang gagawin, "Okay! Mukhang nakaayos na lahat! Ready na para sa next punishment! Siempre mahilig tayo sa drink, and this time, marami-rami ang ating drinks!"

Isa-isa na nilabas ng coordinators ang 6 pieces na 12-ounce size na baso, ngunit metal ang cover nito kaya hindi nila makita ang nasa loob ng baso.

Malamig lamig pa ang baso ng hawakan ito ng participants, ngunit hindi pa rin nila alam kung ano ang laman nito dahil nakatakip ang baso.

"Ang hawak niyo ngayon is ang favorite niyong Pure ampalaya juice, but added with extra healthy ingredient!   Mayroon itong raw egg! Very healthy right?"

Diring-diri ang lahat ng sasabak sa punishment lalo na si Jade na mangiyak-ngiyak na dahil ayaw niya ng ampalaya, habang si Chris naman ay ayos lang sa kanya, dahil madalas ay umiinom siya ng pure ampalaya juice dahil may pagka health conscious siya.

"Bibigyan kayo ng mga coordinators natin ng straws, so dahil pair kayo, ay pagtutulungan niyong ubusin ang 12-ounce na ampalaya juice with raw egg!"

"Ayos pala tong punishment na to eh! Magkasama kami ni Chris na iinom sa iisang baso!" Nasa isip ni Julian habang kinikilig siya.

Inabot na sa kanila ang mga straws na gagamitin at inilagay na ito sa kani-kanilang mga baso. Binigay na ni Will ang hudyat para inuman ang 12-ounce ampalaya Juice.

Unang sipsip palang ni Jade ay tila masusuka na siya sa lasa ng ampalaya at dagdagan pa ng texture ng raw egg.

"Hindi ko talaga alam kung kakayanin ko 'to!" napatili si Jade dahil nandidiri siya sa kanyang iniinom.

Sa pwesto naman nina Chris, nandidiri din si Julian sa lasa, ngunit nangingibabaw ang tuwa niya dahil share sila ni Chris ng inumin. Pinipilit ni Julian na uminom ngunit hindi niya talaga makaya ang lasa. Huminga muna siya ng malalim at nang pagkasipsip niya gamit ang straw, ay hangin na lamang ang naramdaman niya.

"Huh? Ubos na?" nagtatakang tanong ni Julian.

"Oo, naubos ko agad. Sorry, gusto mo ba?" tanong ni Chris.

"Hindi, thank you Chris." sagot ni Julian. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil naubos agad ni Chris, o malulungkot siya dahil hindi man lamang sila nag tagal.

Bumalik na sa pwesto sina Chris at Julian dahil tapos na sila at pinapanood na lamang nila si Jade ns hindi pa tapos sa punishment.

Nagcheer sina Luna at si Chris, para kay Jade, ngunit naiiyak na ito at tumutulo na ang mga luha, sumisigaw na ayaw niya ng ampalaya at tawang tawa ang iba dahil para itong bata.

"Please! Ayaw ko ng ampalaya! PLEASE! Maubos ka na!" napatili na lang si Jade. Tinakpan niya na ang kanyang ilong at ininom ng tuloy-tuloy ang ampalaya juice. Nang maubos niya ito ay halos masuka na siya. "I'll never do this again!" naiiyak na sinabi ni Jade.

Nilapitan nila Luna at Chris si Jade para sunduin ito, at ibalik na sa kanilang pwesto at binigyan nila ito ng matamis na candy pampawala ng lasa.

"Nakakainis! I hate ampalaya!" sinabi ni Jade habang naiiyak pa rin, at niyakap siya ni Luna na natatawa pa rin sa mga nangyari.

"Nang dahil sa ampalaya naiyak ka, and may isa kasi dito talaga siya ang may kasalanan ng lahat ng kamalasan natin! Hmmp!" Sinabi ni Luna sabay umirap kay Julian.

Nagulat naman si Julian ng irapan siya ni Luna at, napailing na lang, kaya tinanong niya si Chris.

"Galit ba sakin si Luna? Kanina niya pa ko iniirapan eh."

"Ahhh. Baka kasi inaaway mo? 'Wag mo kasi asarin."

"Hala! hindi ko nga siya kinakausap."

Nang matapos na rin ang huling nagbigay ng statement na si Kit ay na hindi kasama sa punishment sina Chris. After ng 2nd activity nila ay nagannounce si Will.

"Medyo maraming ganap sa ating 2nd activity. Pero sana ay marami kayong natutunan sa bawat isa, dahil 'yun ang goal ko. Tingin ko ngayon ay mas nagiging familiar na kayo sa isa't isa, at hindi na gaanong magkaka-ilangan. May last activity pa tayo, pero mag break muna tayo for 30 minutes. Tatawagin ko kayo ulit and 5:30 p.m. tayo mag start. Pwede na kayo mag break!"

"Grabe naman 'tong activity na to hindi ko akalain na paiiyakin ako nito! Tara girl, mag-CR muna tayo." paanyaya ni Jade.

"Tara!" sabay kinausap ni Luna si Chris para magpaalam, "Chris, mag C.R. muna kami ni Ms. Jade. Mag ingat ka sa isang tao d'yan habang wala kami!" paalam ni Luna kay Chris habang pinaparinggan niya si Julian.

"Sige. Mag C.R. lang din ako" hirit ni Chris at sumama sa kanya si Julian papuntang C.R.

Habang naglalakad silang dalawa patungo sa C.R., ay nakatanggap ng text si Chris galing kay Jin.

"Chris, saan kayo ngayon? May dala ako sayo, tingin ko matutuwa ka dito!"

Biglang napangiti si Chris nang mabasa niya ang text ni Jin, at napansin ito ni Julian, "Siya 'yung Jin? 'Yung nasa pintuan ng C.R.?" biglang sinabi ni Julian kay Chris.

End of Chapter 15