Date: May 15, 2020
Time: 1:30 P.M.
Busy ang lahat sa kanya-kanyang trabaho, nang biglang nagpatawag ng meeting ang manager ng Operations team ng kanilang Department na si Dave.
Pinapunta ni Dave ang lahat ng employees ng Operations Department sa kanyang room para sa isang special announcement. Nang lahat ay nakapasok na sa kanyang room, tumayo si Dave sa gitna nilang lahat upang simulan na ang pag announce.
"Nandito na ba ang lahat sa team?" Tiningnan ni Dave ang mukha ng bawat isa upang masigurado na nandoon ang lahat at walang maiiwan.
"Good! Everybody is here. I have an important announcement and I know na ang mga oldies dito knows that already. So, para sa mga newcomers natin like Jin and Chris, I want you to know na next week, May 25, 2020, will be our company anniversary." nakangiting sinabi ni Dave sa dalawa.
Tumango naman sina Jin at Chris at nag-acknowledge para sa papalapit na company anniversary, at nagpatuloy si Dave sa pag announce.
"In line with the company anniversary, magkakaroon tayo ng mga events and contest at maglalaban-laban ang bawat departments. I want all of us to be very active and be supportive all the way through. Everybody knows this, except for our new babies, we have two biggest events for the company anniversary. Ito ang Basketball and ang Mr. and Ms. Star of the Night!"
Biglang natuwa si Jin nang malaman niya na magkakaroon ng basketball event at naisipan niyang sumali. Habang si Chris naman ay napaka-inosente lang na nakikinig, para sa kanya, wala siyang balak sumali pero susuportahan niya ang bawat isa lalo na si Jin dahil alam niya na sasali ito sa basketball.
Nagpatuloy na muli si Dave sa pag-announce, "Gusto ko na mag focus tayo sa two biggest events na ito dahil super big ng pot money na makukuha ng mananalo! This year, napakarami nating sponsors kaya super bigtime ng mga prizes! Sa basketball, tumataginting lang naman na 100 thousand pesos ang makukuha ng department na magcha-champion!"
Tuwang tuwa ang lahat dahil sa laki ng makukuha nila kung sakaling manalo sila sa basketball. Habang nag iingay ang lahat, muling nagsalita si Dave.
"Ops! Hindi pa tapos, guys!" Tumahimik ang lahat at all eyes kay Dave na nasa gitna nilang lahat, "Para sa Mr. and Ms. Star of the Night, 50 thousand pesos EACH ang makukuha ng Mr. and Ms. Star of the night and other prizes from the sponsors! Let's Discuss first sa basketball event, guys. Next week, May 18th, ay mag start na ang elimination round. If given the chance at pumasok sa finals, which I pray we will, sa 25th magaganap ang championship. We have here Jorge, our coach for Operations Department Basketball Team. I'll give the floor to him to discuss this matter."
Tinawag na ni Dave si Jorge, ang magiging coach ng basketball team ng Operations Department. Isang matangkad na lalaki, nasa 5'11 ang height. Maraming tattoo sa braso, maputi, brusko at nasa 35 years old ang age. Pumunta na ito sa gitna sa tabi ni Dave, upang mag announce.
"Hi guys! By the way, para sa ating mga newbies, ako pala si Jorge, ang magiging coach ng Basketball team for Operations Department. Every year, lagi tayong nasa 2nd or 3rd place when it comes to this event. So this year, I'd like us to make a difference and I also want us to be able to reach up until the championship. And I claim this year na makukuha natin ang title! 'Yung mga kasali dati, I hope na sumali ulit kayo this year. Okay lang ba sa inyo?"
Tumingin si Jorge sa kanyang mga kasama at sumang-ayon ang lahat ng mga nasa Operations team na kasali sa basketball event na naganap last year. Nagpatuloy si Jorge sa pag-announce—
"May gusto bang sumali sa for this year's event and hoping na there will be. This is to make changes for the lineup and para makabuo tayo ng bagong strategies and ma-improve ang gameplay natin. So, who's up?" nakangiting tanong ni Jorge habang tumitingin siya sa lahat at nag-aabang ng sasali.
Nagtitinginan lang ang bawat isa at naghihintay kung may magtataas ng kamay.
"Anybody that would like to participate?" hirit ni Dave.
Walang pag-aalinlangan na itinaas ni Jin ang kanyang kanang kamay at determinado siya na sumali at makatulong para sa Operations Team.
"So, we have our sexy baby boy, Jin?" natutuwang tanong ni Dave.
Biglang pumalakpak si Jade at sumabay naman si Chris na nagpapakita ng kanilang support para kay Jin.
"Wow! May mga supporters na pala agad to si Jin. Oo, balita ko MVP ka daw dati sa buong university niyo?" tanong ni Jorge kay Jin.
"Yes po, Sir Jorge." sagot ni Jin na medyo nahihiya at nagkakamot ng ulo.
"Good 'yan! Mukhang magkakaroon tayo ng magandang addition para sa team natin! Kakayanin natin to team! This Saturday and Sunday, start tayo ng practice natin. Okay ba sa inyo 'yun, guys?" tanong ni Jorge sa lahat ng kasali sa basketball event. Sumang-ayon naman ang lahat, kasama si Jin. "Sa Saturday, or bukas, get ready. If may questions kayo, you can reach out to me anytime. Boss Dave, the floor is yours again." nakangiting sinabi ni Jorge at muli na siyang bumalik sa kanyang pwesto.
Nag-announce na muli si Dave nang makaalis nang makabalik na si Jorge sa kanyang upuan, "All right, guys! Up next, ang hinihintay at pinaka inaabangan ng lahat, ang Mr. and Ms. Star of the Night!" kinikilig na pag announce ni Dave. Kinakabahan ang lahat dahil yearly, random na pumipili si Dave ng sasali if walang gustong mag volunteer. "Sadly, never natin nakuha ang Mr. and Ms. Star of the night title, but I'm really proud sa mga sumali in the previous years and they all did a really great job! But like Jorge said, I want us to make a difference this year so I hope na makuha natin ang titles! I already have in my mind kung sino ang isasali ni natin. My first pick is Jin for this competition." Tinuro ni Dave si Jin.
Nanlaki ang mga mata ni Jin at tiningnan siya ng lahat ng nasa room. Labis ang pag iling ni Jin dahil ayaw niya sumali at hindi naman siya mahilig sumali sa mga ganitong contest. Kung cooking contest ito, para sa kanya, baka sumali pa siya.
Nagpatuloy si Dave sa pag announce, "As much as I want na sumali si Jin, with his looks, height, tindig and all, we can already win this. But, since kasama siya sa basketball event, mahihirapan siya mag focus if dalawa ang sasalihan niya, so he is out for this event."
Biglang nakahinga ng maluwag si Jin nang marinig niya na hindi na siya isasali ni Dave sa Mr. and Ms. Star of the night. Ngunit, ang mga natira ay kinabahan dahil anytime, ang pangalan nila ang mababanggit ni Dave.
"In this case, ang isasali muna sa Mr. Star of the night ang pipiliin natin. May gusto ba na mag volunteer?" tanong ni Dave at tila napakatahimik ng buong room at walang may gustong sumali. "Wala? Okay, then I'll be the one to choose. But I can sense na kung sino ang mapipili ko, he will win this!"
Nakapoint na ang index finger ni Dave at isa isa niyang tinuturo ang bawat kalalakihan na nasa room. Sa tuwing titigil ang daliri ni Dave na nakaturo sa isang lalaki, either umiiling ito ng labis, o di naman kaya'y biglang yumuyuko.
"Charot! I already have another one in my mind kung sino ang sasali if in case hindi na pwede si Jin, and it's you!" Tinuro ni Dave ang isang walang kamalay-malay na lalaki, at attentive na nakikinig lamang sa lahat ng announcement. Nang ituro niya ang lalaking ito, nanlaki ang mga mata nito at sabay na pinagtinginan ng lahat. Pumalakpak naman ang lahat dahil gusto nila ang lalaking napili ni Dave at tingin nila na malaki ang chance nito na manalo.
"Wa-wait lang po, Sir Dave! Ako?" gulat na gulat na pagtatanong ni Chris habang labis na ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa hiya.
Tumahimik ang lahat bigla at nagsalita si Dave, "Yes, you, no other than cutie baby boy!" kinikilig niyang hirit. Bigla namang pumalakpak sina Jin at Jade na nagpapakita ng support para kay Chris.
"Boss Dave! Panalo na tayo nito! Tatayo pa lang 'yan sa gitna ng stage, wala na! Tapos na ang laban!" hirit ni Jade.
"Oo, si Chris ang nasa isip ko kung hindi na pwede si Jin. Dahil sobrang maappeal ni Chris at grabe ang feaures ng mukha ng batang ito! Fierce and mukhang nakapa-suplado, but when he smiles, his cuteness just shines!" paliwanag ni Dave.
"Hala! Totoo ba 'to? Hindi ko kaya nahihiya ako! Tsaka baka mamaya matalo lang kami!" sinisigaw na ni Chris sa kanyang utak. "Sir Dave, 'wag po ako! Baka mamaya matalo po tayo. Isa pa, wala naman po akong experience sa mga gan'yan." biglang sinabi ni Chris na nababahala at biglang pinawisan kahit na malamig sa loob ng room kung saan sila nagme-meeting.
"Hmmm. Sige na Chris? Kailangan ka namin! 'Wag ka mag alala, naka-support kami lahat sa'yo! Also, may partner ka naman so hindi ka mag-iisa. 'Wag ka kabahan because 'yung napili kong partner mo, she will guide you towards the end and I know na magiging comfortable ka sa kanya. So sige na please?" hiling ni Dave.
Nag-aalangan pa rin si Chris na sumali dahil nahihiya siya, at hindi niya kaya na dalhin ang kanyang sarili sa harap ng maraming tao. Tuloy ang pagtagaktak ng kanyang pawis kahit malamig, dahil alam niya na lahat ay umaasa na sa kanya. Napatingin siya kay Jin upang malaman ang reaction nito. Nang mapalingon siya sa nakapa amo na mukha ni Jin, nakita niya na nakangiti ito sa kanya at sumesnyas na 'Kaya mo 'yan! Nandito lang ako!' with matching okay sign.
Nawala ang pag-alinlangan ni Chris nang makita niya si Jin na tuwang-tuwa para sa kanya, and suddenly, biglang nag boost ang kanyang confidence level. "Sige! Dahil kasali si Jin sa contest at alam kong gagalingan niya, gagalingan ko din! Kaso hindi rin mawawala sa isip ko ang hiya, pero bahala na kung anong mangyari!" nasa isip ni Chris.
Tumayo si Chris at sinabi niya ng buo ang kanyang loob na sasali siya. Tuwang tuwa ang lahat ng nasa loob ng room, at nang mapalingon siya kay Jin, kitang kita niya na tuwang tuwa ito para sa kanya.
"Okay Chris! Wag ka mag-alala, dahil sabi ko sa'yo support ako lagi 'di ba? Ako ang partner mo sa contest!" biglang sumingit si Jade.
Napatingin si Chris kay Jade na labis ang tuwa.
"Talaga po, Ms. Jade?"
"Yaaas! Kaya wag ka na mabahala d'yan kasi kasama mo ko, right, Boss Dave?" Biglang tumingin si Jade sa kanilang manager na nakangiti.
"Oo, dahil nadadama ko na mananalo tayo ngayon! Kay Chris pa lang, marami na tayong votes nito. Lalo na sa ibang department! Popular kaya si Chris, kaya naman tingin ko malakas ang hatak niya." dagdag ng kanilang manager.
Tumingin muli si Chris kay Jin na katabi niya lamang sa pwesto at pinapakitaan siya ng two thumbs up.
"Time to shine mo na Chris! Tingin ko kailangan mo ng lumabas sa shell mo, dahil lagi ka nalang nakatago sa comfort zone mo. Wag ka mag-alala, nandito kami para sayo, lalo na ako! Susuportahan kita lagi! Kaya mo yan" nasa isip ni Jin habang pinagmamasdan niya si Chris na nakatingin at nakangiti sa kanya.
Nagsalita na ulit si Dave para sa mga karagdagang announcements, "Okay, Chris and Jade, pareho kayo ng basketball team. Sa 25th ang contest, pero next week ang rehearsals niyo. So, wala kayong gagawin kundi mag mag focus sa pageant. 'Yung trabaho niyo ipapasa ko muna sa iba na hindi sasali, para hindi 'to matambak. Galingan niyo para makapag-celebrate tayo after, pati na rin sa basketball team! Kailangan ay mapanalunan natin itong mga contests this year! Go go go!"
Matapos mag-announce si Dave, lumabas na silang lahat sa room nito para bumalik na ulit sa kani-kanilang mga tasks.
Nang makaupo na si Chris sa kanyang desk, ay kinausap siya ni Mike.
"Chris, galingan mo ah? Wag ka kabahan! Kaya mo yan!"
"Ngayon pa nga lang po parang hindi ko na ata kaya, kasi lahat kayo nag e-expect!" natatawa at nahihiyang sagot ni Chris.
"Ganyan din ako last year, ako kasi 'yung sinali. 2nd place lang ang inabot ko, ginalingan ko naman sa talent portion pero sa question and answer portion ako nadali. Matalino kang bata kaya alam ko kaya mo yan!" Pinalakas ni Mike ang loob ni Chris.
"Hala! Sir Mike, may talent portion po?" gulat na tanong ni Chris."
"Sa lahat talaga ng sinabi ko 'yun ang tumatak sa isip mo ah? Oo mayroon, malaking points din yan kaya isipin mo mabuti kung anong ipapakita mo. Ano bang gusto mo gawin sa talent portion?" tanong ni Mike.
"Umm, sa totoo lang po hindi ko pa alam, pero pag-iisipan ko na lang po muna." sagot ni Chris habang nagkakamot ng ulo.
Meanwhile sa pwesto nina Jin at Jade—
"Ms. Jade, bantayan niyo po si Chris ah? Baka mamaya tumakbo 'yun sa hiya. Kung maaari itali niyo sa tabi mo!" hirit ni Jin at natawa.
"Yaaas! Ready na ko sa part na yan and alam ko mahiyain si Chris talaga, 'yun ang problem. Pagdating sa looks, wala na eh, panalo na. Pero sa confidence level, hmm, mukhang doon tayo mahihirapan. Pwede mo ba siyang tulungan, Jin?"
"'Wag ka mag alala, Ms. Jade, akong bahala doon! Trabaho ko 'yun para kay Chris. Makikita mo, si Chris ang kukuha ng title, and ikaw rin!" nakangiting sagot ni Jin.
"Sana talaga makuha natin this year. Kasi naiinis ako sa mga friends ko sa ibang department, puro lang daw magaganda at gwapo sa atin pero wala naman daw brains! Nako nakakainis talaga!" nanggigigil na hirit ni Jade.
"Matakot na sila Ms. Jade, kasi mayroon na tayong panglaban d'yan! 'Di nila alam kung gaano katalino at kabilis si Chris mag isip at kung gaano kataba utak niyan!" confident na pagkakasagot ni Jin.
"Oo alam ko 'yan! Nakita ko 'yung theoretical exam niya dito, my gosh, siya lang ang tanging employee na nakakuhan ng perfect score kahit simula pa noon! Pero, may isa pang dapat pagtuunan ng pansin and that's 'Talent Portion'" nag alala na sinabi ni Jade"
"Whaaaaat? May gan'yan pa?"
"Oo! Malaki points niyan. Ako magsasayaw, pero paano si Chris? Alam mo ba talent niya?"
"Oo, magaling magbasa ng libro!" pabirong sinabi ni Jin at sabay tawa ng malakas.
"Nako! Magandang talent 'yan! Mananalo tayo d'yan! Kidding aside, ano nga talent ni Chris?"
"Sa totoo lang, Ms. Jade, hindi ko alam. Bukod sa matalino si Chris, hindi ko siya nakita na gumawa ng iba pang bagay. Pero siguro hayaan natin siya na i-surprise tayo. Magtiwala na lang tayo sa kanya." kumpyansang sinabi ni Jin.
"Oo nga, sige, kaya natin 'to lahat! Galingan niyo din sa basketball team! Talunin niyo 'yung laging first place sa basketball! Mga nakakagigil sila, ang yayabang!"
"Sino po ba ang madalas mag first place?"
"Sino pa ba? 'Yung mga management team pips! Mga kumag mga 'yun! Akala mo ang gagaling, ang dudumi naman maglaro! Naiinis talaga ako 'pag naalala ko kayabangan nila!"
"Management team? Kila Rjay 'yun ah? Tingin ko, sasali siya ngayong year. Maganda 'to makakalaban ko ulit siya sa basketball gaya lang ng dati!"
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Naglalakad na pauwi sina Chris, bagamat may driver siya para ihatid pauwi, mas gusto niya na kasabay si Jin na naglalakad dahil may kalapitan lang ito sa office building at dito rin ang route ni Jin tuwing umuuwi ito. Mas gusto niya rin maglakad kasama si Jin pauwi para sulit na sulit ang araw niya.
Habang naglalakad ay napagkwentuhan ng dalawa ang tungkol sa nalalapit na contests.
"Chris, ready ka na ba para sa Mr. And Ms. Star of the night?" tanong ni Jin.
"Sa totoo lang 'pag naiisip ko 'yan, bigla akong kinakabahan tapos lumalamig kamay ko. Tingnan mo." Nilagay ni Chris ang mga kamay niya sa cheeks ni Jin.
"Ah! Ang lamig nga! Ang lambot, ang sarap. Teka, teka, ito na naman ako!" nasa isip ni Jin habang nararamdaman niya ang mga kamay ni Chris nakahawak sa kanyang mga cheeks.
Tumigil sila saglit sa paglalakad at hindi na napigilan ni Jin ang kanyang sarili. Kumilos bigla ang kanyang mga kamay papunta sa mga kamay ni Chris na nakahawak sa cheeks niya. Nang mahawakan niya na ang mga kamay nito, napapikit siya at dinadamdam ang mga malalambot na kamay nito.
10 seconds later, tila natauhan si Jin sa kanyang ginawa, at biglang dumilat. Napatingin siya kay Chris na nanlalaki ang mga mata, at dahan dahan niyang tinanggal ang mga kamay nito sa cheeks niya. Napailing na lang siya sa kanyang ginawa at napangiti, pero this time, hindi na siya 'yung tipong naiilang ng sobra.
"Oo nga grabe! Ang lamig nga ng kamay mo, Chris. Pero, 'wag ka kabahan. Sabi ko sayo, support ka namin, lalo na ako. Kahit may practice kami, susuportahan pa rin kita. Alam ko kailangan mo ng maraming lakas ng loob. First time mo to 'di ba?" nakangiting sinabi ni Jin.
Nagsimula na sila muli maglakad at worried si Chris habang sinasabi niya ang kanyang saloobin.
"Oo doon ako kinakabahan, and lahat kayo nag e-expect sa akin kaya mas lalo akong nape-pressure. Mamaya hindi naman ako manalo."
"Hmm. Ganito na lang isipin mo. 'Wag mo isipin na kailangan mo manalo para sa amin. Isipin mo na lang, kailangan mo manalo para sa sarili mo. Kasi 'yung pagsali mo d'yan, napakalaking change na 'yun para sayo. Sabi mo nga di mo pa to nagagawa sa buong buhay mo. So ayan, mae-experience mo na rin sa wakas! Baka nga mamaya maadik ka pa sa pagsali sa pageant pagkatapos niyan."
Dahil nakikita niya si Jin na tila kampante at masaya para sa kanya, gumaan ang loob ni Chris.
"Thank you Jin! Pero gagalingan ko din kahit alam ko nakakahiya. Lalakasan ko na lang 'yung loob ko."
"Oo ayan! Tama! Oo nga pala, ano gagawin mo sa talent portion niyan?"
"Hmmm. sa totoo lang, wala pa kong idea talaga. Pag-iisipan ko muna, natatakot kasi ako baka mamaya mapahiya ako."
Tumigil si Jin saglit sa paglalakad kaya napatigil din si Chris.
Pumwesto si Jin sa harap ni Chris at tiningnan niya ito ng masinsinan.
"Oh, ayan ka na naman Chris! 'Wag mo isipin 'yan. Basta mag enjoy ka lang and kaya mo yan! Gusto ko mag shine ka sa gabing yun. Gusto ko makakita ng kakaibang Chris sa gabi na 'yun. 'Yung dati na nagtatago lang sa tabi, gusto ko na makita ng lahat kung gaano kagaling!" sinabi ni Jin ng harap harapan kay Chris sabay ngumiti ito na tila hindi na makita ang kanyang mga mata.
"Yung mga sinabi ni Jin sa akin, para bang lumalakas yung loob ko! Nawawala 'yung kaba ko 'pag siya ang nagsasabi na kakayanin ko 'to. Thank you, Jin, kasi nandito ka para palakasin yung loob ko! Basta 'pag kinabahan ako, sana nandyan ka lang para mawala 'to." Nasa isip isip ni Chris habang nginingitian niya si Jin pabalik.
"Tara na?" nakangiting tanong ni Jin.
Tumango si Chris na nakangiti at sabay na sila muling naglakad papunta sa bahay niya.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Date: May 16, 2020
Time: 5:30 A.M.
Alarm ringing!
Maaga nagising si Jin at 5:30 a.m. pa lang ay nag prepare na siya, dahil may scheduled practice ang Operations team para sa elimination round ng basketball na magaganap sa May 18.
Natutulog pa si Jon nang lumabas ng kwarto si Jin, kaya siya na ang nag prepare ng food niya, pinakain na rin si Bullet at umalis na ng bahay pagkatapos.
6 a.m. nang makarating si Jin sa tapat ng venue kung saan sila magpa-practice. Nang pumasok siya sa loob, nakita niya si Jorge na nakaupo sa isang bench malapit sa court at nag-iisa. Napansin din niya na wala pang tao kaya agad niyang nilapitan ito para kausapin. Pagkalapit niya sa pwede ni Jorge ay agad niya itong tinanong.
"Sir Jorge, tayo tayo lang po ba muna ang magpa-practice?"
"Ahh, hindi. May makakalaban tayo ngayon, 'yung Management team. Mag practice din sila dito sana. Kaso, since nandito na rin tayo, naisipan namin ng coach ng Management Department na mag practice match na lang. Pero warm up muna tayo pagdating ng iba pa nating teammates. 7:30 a.m. tayo magsisimula sa laban natin sa Management."
"Mukhang pupunta si Rjay dito ah? Ayos 'yan! Makakapaglaro kami dalawa!" nasa isip ni Jin. Habang kausap niya si Jorge, may biglang umakbay sa kanya at kinausap siya.
"Nandito ka na pala! Ang aga mo naman dumating, Jin! Galingan natin mamaya ah?"
Si Rjay na umakbay kay Jin at nakangiti nang maakbayan niya ang kanyang kaibigan na pinakamamahal.
"Uy! Ikaw pala yan, Rjay! Oo, gagalingan ko kaya galingan mo rin!" nakangiting sagot ni Jin.
"Sa'yo pa lang baka tambak na ata kami eh! Pero siempre nag improve na din ako para naman humabol ako sa galing mo!" hirit ni Rjay.
"Nako! Aabangan ko 'yan ah?"
Pagkatapos kausapin ni Rjay si Jin, nagpaalam na siya at tumungo na sa pwesto ng Management team.
Nang makaalis na si Rjay, ay muling kinausap ni Jorge si Jin.
"Kilala mo siya, Jin?"
"Opo, Sir Jorge, bestfriend ko po and kasama ko rin siya sa varsity noon, kaya magaling din po yang si Rjay!" pagmamalaki ni Jin kay Jorge.
"Ah siya pala ang tinutukoy ng team captain ng Magement na bago nilang recruit na magaling daw. Ha! Hindi nila alam mas magaling ang recruit natin!"
"Sino po?" Nagtatakang tanong ni Jin.
"Sino ba ang bagong recruit dito? Ikaw malamang! Hindi niya alam, yung M.V.P. ang kalaban nila!" napa-iling na lang si Jorge at natawa kay Jin, "Basta mamaya, pakita natin na kahit practice match lang 'to, wala na silang laban sa atin!"
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Kumpleto na ang players ng Operations team and Management team at nakapag warm up na rin ang lahat. Pumatak na ang 7:30 a.m. at oras na para sa kanilang Practice Match. Katatapos lang rin mag-usap at gumawa ng gameplan ang bawat teams at ready na ang line-up nila para sa first quarter. Parehas na kasama sina Jin at Rjay sa first five dahil gusto ng bawat coach na makita ang kakayahan ng dalawa para ito'y mapag-aralan at magawan ng strategy kung kinakailangan.
Whistle blows!
Nagsimula na ang first quarter at pinapanood ng bawat coaches ang galaw ng kani-kanilang players at mga kalaban. Pero ang mata ng lahat ay na kay Jin, dahil first quarter pa lang ay pinapamalas na niya agad ang kanyang galing sa paglalaro ng basketball. Natutulala na lamang ang mga players ng Management team na nasa court dahil sa liksi at galing na pinapakita ni Jin.
Natatawa na lamang si Rjay dahil nakita niya na hindi na agad mapantayan ng team niya ang galing ni Jin.
"Walang ka pa rin kupas talaga Jin! Iba ka talaga pag nag lalaro ng basketball, nagiging halimaw ka!" sigaw ni Rjay kay Jin habang natatawa siya.
"Salamat! Masaya lang ako kasi naglalaro ulit tayo!" sigaw naman ni Jin at labis siyang natutuwa sa laro nila.
Seryosong pinapanood ng coach ng Management si Jin at pinag-aaralan ang bawat galaw nito, habang si Jorge naman ay tuwang tuwa dahil nangunguna ang team nila sa score.
Whistle blows!
Natapos ang first quarter ng practice match at nanguna ang Operations team. Score: 21-19
Nagmeeting muna ang bawat team bago magsimula ang second quarter. Tuwang tuwa si Jorge sa pinakita ng kanyang team at binati niya ito.
"Okay team, maganda ang simula natin! Jin, maganda 'yung pinakita mo! Mukhang malakas ang laban natin ngayon sa Management, dahil madalas first round palang laging lamang na sila kahit sino ang kalaban nila. Pero ngayon, mukhang may pambato na tayo! Good job sa lahat! Okay! Papalitan ko ang line-up naman, Jin, 'di ka muna lalaban sa 2nd quarter. I-sub ka muna okay?"
"Okay po sir Jorge!" nakangiting sagot ni Jin habang nagpupunas ng pawis gamit ang light green na towel niya.
Whistle blows!
Nagsisimula na ang second quarter at nakaupo lang si Jin sa bench mag-isa habang pinapanood niya ang game.
"Hindi ka rin pala pinaglaro ngayon. Pareho lang tayo."
Biglang sumulpot si Rjay sa likod ni Jin na siyang ikinagulat niya.
"Oh nandito ka pala! Nakakatuwa maglaro ulit no? Parang dati lang, pero ngayon, magkaiba lang tayo ng team." hirit ni Jin.
Umupo sa tabi ni Jin si Rjay at nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Oo nga eh. Pero binabantayan ka na ng team captain namin." bulong ni Rjay, "Masyado mo naman kasi ginalingan! Humanda ka na sa susunod na quarter, kasi maraming magbabantay sayo." paalala ni Rjay kay Jin.
"Ikaw din! Nasayo mata ni Sir Jorge, kaya galingan mo! Maraming nagbabantay din sa'yo!" pabiro ni Jin.
Whistle blows!
End of 2nd quarter at team pa rin ng Operations Department ang lamang. 36-32 ang standing ng bawat teams.
Nagmeeting ulit ang bawat team at ipinasok ulit ni Jorge si Jin sa line up.
"Okay Jin, katulad din ng kanina, pero alerto ka ngayon. Kasi, ikaw ang babantayan nila. Team supportahan niyo si Jin."
Whistle blows!
Nagsimula na ang 3rd quarter at hindi kasama si Rjay sa game, kaya pinapanood niya lang muna si Jin.
1st half pa lang ng 3rd quarter ngunit mainit na agad ang laban. Hindi hinahayaan ng Management team na mapunta ang bola kay Jin at bantay sarado sila dito. Hindi din maipasa ng ibang players ng Operations Team kay Jin ang bola dahil nahaharang agad ito ng mga kalaban.
Habang nanonood si Rjay ay nagche-cheer lamang siya.
"Hindi ko alam kung sino ang ichecheer ko, kung si Jin ba o 'yung teammates ko. Pero sumali lang naman ako dahil alam ko sasali si Jin! Kaya, si Jin na lang ang susuportahan ko sa game na 'to!" bulong ni Rjay sa kanyang sarili habang pinapanood niya si Jin na naglalaro.
Second half na ng 3rd quarter at nalamangan na sila Jin ng Management team. Ang standing ay 41-47 at hindi pa rin makaportma si Jin ng maayos dahil maganda ang depensa ng kanilang kalaban, at tila nakaisip agad sila kung paano siya matatapatan.
Natapos ang 3rd quarter at lamang ang management team 45-51. Nagmeeting ulit ang bawat team para sa 4th quarter.
"Okay team! Good job pa rin! Okay lang yan! Ngayon, nakita ko na kay Jin sila nakafocus. Dahil na kay Jin ang focus nila, ibabaling natin ang attention nila. Jin, tuloy mo lang ang ginagawa mo, at si Fred ang lulusot para sayo."
"Okay Sir Jorge! Game!" sagot ni Fred, kasama nila sa team at advantage ni Fred ang tangkad niya kahit may kapayatan. 5'11 ang height nito kaya naman sa tangkad pa lang niya ay isa siya sa mga best player ng Operations team.
"Nakita ko na hindi nila masyadong pinapansin 'yung ibang players natin at kay Jin talaga sila naka focus. Basta ang plano, si Jin ang magiging pain natin, at si Fred ang gagalaw. At pag natuklasan nila yun ay papalitan ulit natin ito." dagdag ni Jorge.
Natapos na ang meeting ng team ng operations team at nagsimula na ang 4th quarter. Parehas ng kasali sina Jin at Rjay.
Whistle blows!
Unti-unti na nila sinimulan ang plano, at as expected, na kay Jin pa rin ang attention ng Management team. Nagkatitigan na ang mga players ng Operations team na nasa court para simulan na ni Fred ang kanilang strategy.
Dahil bantay sarado ang Management kay Jin, hindi nila masyadong napansin na gumagalaw na si Fred at agad nitong nai-shoot sa ring ang bola. Nakakuha ng puntos ang Operations team at tuloy tuloy lang sila kanilang strategy.
Sa kalagitnaan ng fourth quarter, nakakalamang na ulit ang operations team at 61-55 Ang standing ng Operations team laban sa Management team.
Nag request ng timeout ang coach ng Management team para makapag-meeting ulit, at sinamantala na din ito ng Operations team.
"Good Job team! Sabi na, si Jin ang Focus nila. Ngayon, wala na kay Jin ang focus nila at babalik na 'to sa dati. Malaya ka na ulit makakagalaw, Jin, pero alerto pa rin. Ikaw din Fred, alerto dahil babantayan ka na rin nila sa pagkakataon na to. Kung maaari tulungan niyo, team, sina Jin at Fred. Kaya natin 'to!"
Whistle blows!
Nagsimula na ulit ang laban, at this time iniba na ng management team ang kanilang strategy. Ang binantayan nila ngayon ay sina Fred at Jin. Bagamat wala sa plano ng Operations team ito, ay ginawan nila ng paraan.
Ang ibang players ng Operations team ang gumagawa ng paraan para makapuntos habang binabantayan ng mga kalaban sina Jin at Fred, ngunit hindi ito sumapat.
Malapit nang matapos ang 4th quarter at nasa 0:58 na lang ang timer. Ang standing ay 70-72 at lamang ang Management team ng dalawang puntos.
Dahil nais ni Jin na manalo at determinado siya, ay lalo siyang ginanahan na lamangan ang kalaban ng tatlong puntos sa napaka-ikling oras.
Ginagawa na ng Management team ang i-delay ang Operations para hindi na sila makapuntos pa. 20 seconds na lang ang natitira sa timer ngunit hindi pa rin nakakalamang ang team nila Jin.
Hawak na ng isang player ng Management team ang bola at ready na ito mag-shoot. Nawalan na ng gana ang players ng Operations team dahil alam nila na talo na sila. Nakaporma na ang player ng Management team at nang i-shoot niya na ang bola at nakaalis na ito sa kanyang kamay, agad nahabol ni Jin ang bola at ang mga players ng Operations team na kanina ay matamlay at tanggap na ang pagkatalo ay biglang nabuhayan ng loob. Nagulat din ang lahat ng Management team sa bilis ng pangyayari at tila nakatitig lang sila at na-shock sa ginagawa ni Jin.
Lahat ay nagulat sa bilis ni Jin, napanganga ang ibang mga teammates niya at sumisigaw naman si Jorge sa tuwa. Tumatakbo ang timer at nang pumatak ang 0:01 ay agad naihabol ni Jin ang bola at naka-score ng 3 points.
Whistle blows!
Biglang naghiyawan ang Operations team at napatalon ang mga ito sa tuwa. Si Jin naman na pagod na pagod, ay napahiga na lamang sa sahig, natutuwa sa nangyari at napahiyaw.
Nilapitan siya ng mga teammeates niya, at binuhat siya bigla ng mga ito. Hinahagis-hagis at sinisigaw ang pangalan niya dahil siya ang nakakuha ng last shot at nakalamang ng puntos at ang standing pagkatapos ng 4th quarter ay 73-72.
Tinitingnan at pinapanood ni Rjay ang pag-celebrate ng operations team sa di kalayuang pwesto. Nakangiti at masaya siya para kay Jin kahit na natalo sila.
"Wala ka pa rin talagang kupas Jin! Magaling ka pa rin talaga maglaro. Hindi lang ako napabilib sa galing mo, pero lahat ng nandito. Sobrang proud ako sayo!" bulong ni Rjay sa kanyang sarili habang tuwang tuwa siya na pinapanood si Jin na hinahagis ng mga kasama nito sa ere.
Tinawag ng coach ng Management team sila Rjay at ang iba pang kasama niya at tila kumukulo ang dugo nito dahil sa pagkatalo nila.
Habang nag-aayos at nagliligpit na ang Operations team para mag celebrate sa labas pagkatapos ng practice match at makapag-pahinga, ay napalingon si Jin sa pwesto ng Management team at nakita niya na pinapagalitan ng sila ng coach nito.
Habang pinapanood ito ni Jin ay lumapit si Jorge sa kanya, inakbayan at kinausap siya nito.
"Ganyan talaga siya. Ayaw niyang nagpapatalo kahit saan. First time nila matalo kahit sa practice game lang. 'Wag tayo makampante, Jin, kasi pakiramdam ko gagawa sila ng strategy dahil nakita nila ang laro mo. Pero, wag ka mag alala, kaya natin 'to! Tara na at mag-celebrate tayo, dahil sa unang pagkakataon, natalo natin sila kahit practice match lang 'to! Good Job Jin!"
Tinapik ni Jorge ang ulo ni Jin at umalis na rin ito. Bago umalis si Jin sa kanyang kinatatayuan, ay hinintay niyang pansinin siya ni Rjay para makapag paalam siya. Nang mapansin na siya ni Rjay, sumensyas na siya na mauuna na siya at tumango ito sa kanya pabalik.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Pagtapos ng practice match ay nakauwi na si Jin sa kanyang bahay at naabutan niya si Jon sa living at nakaupo sa sofa habang nilalaro si Bullet. Nang makita siya ni Jon ay agad siyang binati nito.
"Congrats! Baka masyado mong ginalingan?" pabirong sinabi ni Jon.
"Paano mo nalaman? Ay oo nga pala!" Napa-facepalm na lamang si Jin at pagkatapos ay tumingin kay Jon na tila natatawa, "Alam mo na nga pala mangyayari. Sandali, sino mananalo sa championship?" curious na tanong ni Jin.
Nanliit ang mga mata ni Jon at tila nagbago agad ang mood nito, "Hindi ko sasabihin! Basta galingan mo na lang!" At agad rin nag shift ang kanyang mood, "Ay oo nga pala, pwede ang outsiders sa May 25 'di ba?"
"Alam ko oo eh." sagot ni Jin.
"Nice! Manonood ako! Galingan mo! 'Wag mo tayong ipahiya!" nakangiting sinabi ni Jon.
Nanliit ang mga mata ni Jin at tila inaasar niya si Jon, "Uy! nadulas siya doon!" natatawa niyang sinabi.
"Ha? Saan?" Nagtaka si Jon dahil alam niyang wala naman siyang sinabi.
"Sabi mo manonood ka, eh sa May 25 ang finals and so ibig sabihin ba nito, makakarating kami ng finals?" natutuwang tanong ni Jin at tila kumikinang ang kanyang mga mata sa galak.
"Hindi ko naisip 'yun ah? Nadulas ako ah?" nasa isip ni Jon at natatawa siya sa sarili niyang kamalian.
"Galingan mo na lang! Si Chris ang papanoorin ko! Kala mo d'yan! Sabi ko lang wag mo lang tayong ipahiya. 'Wag ka mag assume!" naisip na palusot agad ni Jon.
"Okay sige! Akin na nga yan si Bullet! Namimiss ko na si Bullet!" sigaw ni Jin habang kinikilig siya dahil sa nalaman niya kay Jon kahit hindi nito sinasadya.
"Pati rin 'yung taong nagbigay kay Bullet?" pabiro ni Jon.
"Oo." Napaisip si Jin at biglang nagdalawang-isip sa nasabi niya, "Secret! Akin na nga si Bullet!"
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Date: May 18, 2020
Time: 10:00 A.M.
Araw na ng May 18th, nasa office si Jin at nakikipagkuwentuhan lang kay Chris at Jade habang naghihintay ng announcement para sa kanilang first match sa elimination ng basketball.
Kararating lang ni Jorge sa Operations room at sinabi niya na sa kanyang team na magpalit na ng Jersey para makapag warm-up na rin dahil malapit na sila sumabak sa first match laban sa Research and Development Department.
"Chris, Ms. Jade, magpapalit lang ako ah? Wait lang." paalam ni Jin sa dalawa.
Nang umalis na si Jin sa Operations room para makapag palit, naiwan sina Chris at Jade na naghihintay lamang na i-announce ang start ng kanilang rehearsals para naman sa Mr. and Ms. Star of the Night.
Limang minuto pa lang ang nakalipas at natapos na agad si Jin magpalit ng kanyang jersey, kaya naman tumungo na siya pabalik ng Operations room.
Pagdating ni Jin sa room ay pumunta siya sa pwesto ni Chris na magisa lang at nakaupo sa swivel chair. Umupo siya sa katabing bakanteng swivel chair at inikot niya ang swivel chair ni Chris paharap sa kanya para makapag-usap sila ng mata sa mata.
"Galingan mo sa rehearsals niyo Chris ah? Kaya mo 'yan! Wag ka mahihiya!" hirit ni Jin para lumakas ang loob ni Chris.
"Oo, medyo kabado ako, pero ikaw din! Galingan niyo!" nakangiting sagot ni Chris, at bigla siyang nag-pout at nalungkot, "Sayang hindi ako makakapanood ngayon. Pero 'pag may free time kami susubukan ko humabol." panghihinayang ni Chris.
"Wag ka mag-alala! Sa finals mo kami mapapanood!" kumpyansa na sinabi ni Jin. Confident siya na aabot sila ng finals, hindi dahil sa alam niya na ang mangyayari dahil nadulas si Jon, pero dahil determinado din siya na manalo.
Habang inaayos ni Jin ang kanyang suot na jersey, napansin ni Chris na hindi maayos ang band ni Jin sa kaliwang braso nito.
"Jin, wait lang, may aayusin lang ako." paalam ni Chris.
Nagtaka si Jin kay Chris, ngunit hinayaan niya na lamang ito. Hinawakan ni Chris ang kaliwang braso niya at marahang inayos ang nakasuot na band. Nakangiti lang siya kay Chris habang pinapanood na inaayos nito ang band sa kanyang braso.
"Feeling ko may partner tuloy ako na nag aayos at nag aalala para sa akin. Pero, joke lang Chris! Buti na lang hindi mo naririnig ang nasa utak ko! Buti na lang talaga!" nasa isip ni Jin habang natutuwa siyang pinapanood si Chris.
Habang inaayos ni Chris ang band ni Jin na labis labis ang ngiti, ay sumingit si Jade at bigla silang inasar at nagparinig.
"Talaga naman! Ang aga aga masyado ng sweet! Nakakainis! Naiinggit ako! sana may kaganyanan din ako!" pabiro ni Jade.
Nahiya bigla si Chris at medyo napaurong sa kanyang inuupuan, at si Jin naman ay natatawa at napapailing na lang dahil sa asar ni Jade pati na rin ang iba pang nasa loob ng Operations room.
"Wala na! Finish na talaga! 'Yung next M.V.P. natin, inaalagaan ng next natin na Mr. Star of the night!" pabirong asar ni Fred.
"Baliw talaga kayo!" sinabi ni Jin at natatawa siya, "'Wag niyo na nga asarin 'to si Chris. Pag siya nag back out, bahala kayo maghanap ng kapalit niya!" hirit niya sa pang-aasar ng mga kasama nila sa Operations Team.
"Nako! Kapag nag back out ka, subukan mo lang Chris! Ayoko na mag isa lang ako sa stage! Or else, you'll see me in my most terrifying form!" tinakot ni Jade si Chris ngunit pabiro lamang.
"Hindi po ako aatras,band may choice pa po ba ako? Wala na po akong choice!" natatawang hirit ni Chris.
Nang makita ni Jin na masaya si Chris at nakikipag biruan ay natuwa siya para dito.
"Ganyan nga Chris. Mas dumadami na ang friends mo at nakakausap mo, maganda yan! Hindi ka na din gaanong nahihiya sa iba. Natutuwa ako para sayo. Sana nakikita to nila Mr. Jill!" nasa isip ni Jin.
Biglang hinawakan ni Jin ang ulo ni Chris at hinaplos ang buhok nito, na siya namang ikinigulat nito.
Hinayaan lang ni Chris na haplusin ni Jin ang buhok niya dahil mas gumagaan ang loob niya at nagpapakalma ng kabado niyang puso.
Sumingit na naman si Jade dahil sa nakikita niyang moment ng dalawa.
"Hay nako, Jin! Pwede ako naman ganyanin mo please? Kailangan ko niyan! Hindi ko na kaya ang nakikita ko! Masyado kong nafe-feel ang pagiging single!" sigaw at pabiro ni Jade.
"Ako din Jin! Kailangan ko ng ganyan para lumakas loob ko mamaya sa match natin!" hirit naman ni Fred.
Napailing na lang si Jin at tinigil na ang pag haplos sa buhok ni Chris. Okay lang sa kanya ang mga pang-aasar ng mga kaibigan niya, ngunit ayaw niya na inaasar si Chris, dahil alam niya na maiilang ito sa lahat.
"Pasalamat talaga kayo mga seniors ko kayo!" pabirong sinabi ni Jin habang tinitignan lang siya ni Chris na nakangiti.
Habang nag aasaran sila, ay tinawag na ni Jorge ang buong Operations team ng basketball upang pumunta na sa gymnasium para mag simula na mag warm up.
"Okay Chris! Galingan mo sa rehearsals ah? Gagalingan din namin sa first match namin! Mamaya pag natapos kami, manonood ako sa practice niyo." Nagpaalam na si Jin at umalis na siya kasama ang team niya.
Hindi na nakapagsalita si Chris dahil nagmadali na si Jin, kaya sa isip niya na lang kinausap si Jin.
"Oo gagalingan ko din Jin, 'wag ka mag-alala. Gagawin ko yung best ko! Sana manalo kayo ngayon!"
Nang makaalis na ang buong basketball team ng Operations Department, ay biglang sumulpot ang isa sa mga coordinators ng Mr. and Ms. Star of the night sa pinto ng kanilang room, at tinawag na sina Chris at Jade.
"Mr. Chris and Ms. Jade, pumunta na po kayo sa ating Midnight Hall para sa ating rehearsals. Susunod na din yung ibang contestants. Thank you!"
Pagkatapos sila abisuhan ng coordinator ay umalis na ito sa operations room para tawagin ang iba pang mga participants.
"Alam niyo po ba kung saan yung Midnight Hall, Ms. Jade?" tanong ni Chris
"Oo Chris, malamig doon! Dalhin mo jacket mo baka magka-sipon ka pa at magalit pa sa akin si Jin! Sabihin niya hindi kita inaalagan, nako! Binilin ka pa naman niya sa akin!" paliwanag ni Jade.
Napangiti na naman si Chris nang malaman niya na ibinilin siya ni Jin kay Jade. Natutuwa siya at nakangiti at tila nawala sa wisyo na siya namang napansin ni Jade.
"Huy Chris! Narinig mo lang si Jin, natuwa ka na naman! Nako nako! Mahal mo talaga no?" tanong ni Jade at nakangiti kay Chris dahil nararamdaman niya na masaya ito.
"Ms. Jade, 'wag niyo na lang po sasabihin kay Jin ah? And, isa po kayo sa pinakamalapit sa akin dito sa office at pinagkakatiwalaan ko."
"Oo sure, para sayo Chris. Alam mo naman pareho ko kayong babies ni Jin."
"Opo Ms. Jade, Mahal ko po talaga si Jin."
"Big O.M.G.! Hindi ko alam kung magugulat ako or kikiligin kahit I know na you have feelings for him, pero kasi yung sayo mismo nanggaling? I'm so proud of you Chris!" Hinawakan ni Jade ang cheeks ni Chris at pinipisil ito
"Pero po, Ms. Jade, ang tingin po kasi sa akin ni Jin, kaibigan lang po talaga. But, I think okay lang 'yun." nakangiting hirit ni Chris.
"Matagal na ba 'yan Chris?" gulat na tanong ni Jade.
"Noong college pa po kami." nahihiyang sagot ni Chris.
"Seryoso? gano'n na katagal? Hala! Gano'n katagal mo na tinatago kay Jin yung feelings mo?"
"Opo. Pero masaya na po ako sa ganitong setup. Tsaka para sa akin, kung may iba man magustuhan si Jin, support lang ako, kahit sabi niyo nga, masakit." nakangiting sagot ni Chris.
"Hala! Halika dito, ihu-hug muna kita Chris. Sorry, kung masyado ko kayong inaasar ni Jin dalawa ah? Okay lang ba sa'yo?" nag aalala na tanong ni Jade.
"Opo Ms. Jade! Hindi naman po pikunin si Jin, and mas okay na 'yun para hindi mailang si Jin at isipin niya na joke lang lahat." sagot ni Chris.
"Pero paano kung 'yung 'Joke' na 'yun maging totoo at magkaroon or mabuo yung feelings ni Jin para sa'yo? Anong gagawin mo?" seryosong tanong ni Jade.
"Siempre po magiging masaya ako, but if ever na malaman ko na may feeling siya para sa akin, napaka-complicated po kaya ayaw ko na muna isipin. Gusto ko lang na masaya kami pareho." nakangiting sagot ni Chris ngunit may lungkot na tinatago sa kanyang puso.
"Awe! Chris, pinabilib mo ko sa tiyaga mo! Grabe! Masyadong nagmemelt ang heart ko sa mga ganitong situation. Tara na nga at baka hanapin nila tayo! Doon na lang natin ituloy 'yung kwentuhan natin!"
Umalis na sina Chris at Jade sa Operations room at pumunta na ng Midnight Hall kung saan ang meeting place ng lahat ng mga kasali sa pageant.
Nang makarating na sila sa tapat ng pinto ng Midnight Hall, ay nagsuot na si Chris ng jacket dahil sa pintuan pa lang ay nadama niya na agad ang lamig. Kinakabahan rin siya dahil pagpasok nila ni Jade, nakita niya na naghihintay na ang iba pang mga kasali at bigla siyang nahiya.
"Let's go Chris, sa harap tayo! Gusto ko ibida ka sa lahat! Dali!" hirit ni Jade.
"Hala Ms. Jade! Hindi pa po ako ready!" nahihiyang sagot ni Chris.
"Mas maaga, mas maganda! Para mawala na agad 'yang hiya mo at maging at ease ka."
Hinawakan na ni Jade ang kaliwang braso ni Chris, at tumungo na sila pwesto kung saan nakaupo at naghihintay ang ibang mga participants.
Sa loob ng Midgnight hall ay nakapwesto ang mga upuan na naka letter "U". Dinala ni Jade si Chris sa pinaka-gitna at doon sila umupo dahil ayaw ng iba na doon pumwesto. Nang makaupo na silang dalawa sa pinaka-gitna, ay nagtakip ng ulo si Chris gamit ang hoodie ng kanyang jacket dahil pinagtitinginan siya ng lahat ng nasa loob. Isa pa, kitang kita siya dahil silang dalawa lang ni Jade ang nasa gitnang pwesto at halos lahat ay nasa gilid.
Bumulong si Chris, "Ms. Jade, pakiramdam ko masusuka ata ako dahil sa hiya at sa kaba. Lahat sila nakatingin sa atin."
"Okay lang yan Chris, masanay ka na! Kasi pagdating ng contest, punuan 'tong Midnight hall. Mas maraming tao doon kaya ngayon pa lang sasanayin na kita. Tsaka kaya ka nila tinitingnan, kasi malakas ang dating mo!" Pinapalakas ni Jade ang loob ni Chris.
Habang nagtatago si Chris sa kanyang Jacket at tinatakpan niya ang kanyang ulo gamit ang hoodie, ay may nagtanggal nito.
"Chris! Ano ka ba! 'Wag mo nga itago yang mukha mo!"
Tumingin si Chris sa taong nagtanggal ng hoodie sa ulo niya. Pagkatingin niya ay nakita niya si Luna na nakangiti sa kanya at excited nang makita siya.
"Luna! Nandito ka din pala? Ikaw ba ang representative sa department niyo?" Masayang kinausap ni Chris si Luna, at medyo nawala ang kaba nito dahil nalaman niya na isa pa sa mga kaibigan niya ang kanyang makakasama.
"Oo! Ako ang "the chosen one"! Yes! Buti nandito ka! Hindi na ko mabobored, my gosh! Kasi yung partner ko mas tahimik pa sa'yo, kaya di ko masyado makausap! Pero siempre, mas sanay ako sa tahimik mo. But I'm so happy na nandito ka din!" masayang sagot ni Luna.
"Oo ako din! Medyo mababawasan na yung kaba ko. Ay oo nga pala, papakilala ko pala sa'yo. Si Ms. Jade, senior and partner ko." Pinakilala ni Chris si Jade kay Luna, "Ms. Jade, siya po si Luna. Bestfriend po namin nila Jin, sa Management department po siya."
"Aba, mukhang malakas ang panlaban ng Management department ngayon sa girls ah? Ang cutie mo naman girl! Mukha kang isang living doll!" sinabi ni Jade kay Luna.
"Nakakahiya naman po Ms. Jade, enebe! Hindi naman po masyado! Kayo din po, mukha din po kayong living doll. And super gorge niyo po sa bob cut hairstyle mo! I like it!" sinabi naman ni Luna kay Jade.
"Girl, gusto niyo dito na lang kayo umupo ng partner mo sa tabi namin ni Chris? Dali! Mag kwentuhan tayo! Feeling ko marami tayong pagkukwentuhan!" paanyaya ni Jade kay Luna.
"Sige po, Ms. Jade, para naman hindi boring. Kasi tignan mo dun sa gilid, parang walang buhay!"
"Oo, hayaan mo sila. Dito tayo sa pwesto natin! Tayo ang magiging life of the party. Tayo lang ang maingay dito ngayon!" natatawa na sinabi ni Jade.
Pumwesto sa tabi ni Jade si Luna at pinasunod niya ang kanyang partner. Habang hinihintay nila na makumpleto silang lahat, tinanong ni Luna si Chris.
"Chris, anong balita sa laban nila Jin? Tapos na ba sila?"
"Umm, hindi ko din alam. Pero kakasimula lang siguro nila. Kasi bago kami pumunta ni Ms. Jade dito, kakaalis lang nila."
"Sana manalo sila! Pero anyways, alam naman natin kung gaano kagaling si Jin sa basketball." hirit ni Luna, at napatingin siya kay Jade para mag kwento. "Alam mo ba Ms. Jade, pinag-uusapan na si Jin sa department namin lalo na ng basketball team sa amin! Nakiki-usi kasi ako!" natatawang hirit ni Luna.
"Oh? Dali! Spill!"
"Secret lang natin to ah? Siempre, friend ko din si Jin kaya support din ako sa kanya. Ingatan niyo siya, kasi minamatahan siya Management team ngayon." bulong ni Luna kina Jade at Chris.
"Not to offend you and I'm not referring to you personally, Luna, pero ang dumi talaga makipaglaro ng Management team pagdating sa basketball!" hirit ni Jade.
"Okay, lang Ms. Jade, kasi wala naman akong pakialam sa basketball team ng department namin!" natatawang sagot ni Luna. Huminga muna siya ng malalim at sinimulan na ang kanyang kwento, "Ayun na nga, nag-practice match kasi sila noong Sabado. Ang kwento, lagi daw nananalo ang Management team kahit sa mga practice match. Eh itong kuya mong Jin, siya ung nagpanalo sa team niyo! Kaya naman galit na galit yung coach ng department namin! Ngayon, hindi ko sure pero may something ata sila na balak gawin, 'wag naman sana, kasi ayaw ko mapahamak si Jin." kwento ni Luna.
Narinig ni Chris ang kwento ni Luna at medyo nabahala siya. Tiningnan ni Jade ang reaction niya at tinanong siya nito.
"Chris, okay ka lang? Don't worry, si Jorge ang bahala sa kanila. Sa laki niyang 'yun walang makakagalaw kay Jin! Kaya chill ka lang! Okay?" Kinausap niya si Chris para mapanatag ang loob nito, at bumalik ulit kay Luna ng tingin upang makipagkwentuhan. "Nako! Nag aalala 'tong cutie baby boy namin para kay Jin. Ayaw niya masaktan 'yun siempre." Bulong ni Jade kay Luna.
"Yes, truly, Ms. Jade. Naisip ko rin si Chris, kasi baka mag alala siya. Alam mo na—" Tinignan ni Luna si Jade sa mga mata at kumindat na parang may pinapahiwatig, ngunit hindi niya sinasabi ng malakas.
"So halata mo, Luna?" bulong ni Jade.
"Oo, Ms. Jade! Matagal ko nang nahahalata sa dalawa na may something, pero, hindi nila maamin sa isa't isa. Tsaka, hay nako! Sila na lang talaga inaantay ko, para ako ang abay sa kasal nila!" bulong ni Luna kay Jade
"No you didn't?" Nanlaki ang mga mata ni Jade at tila natutuwa siya para kay Luna.
"Yes I did!" proud na sagot ni Luna.
Kinilig at tuwang tuwa si Jade kay Luna dahil iisa ang kanilang motibo at interest, ang maging si Jin at Chris. Niyakap ni Jade si Luna dahil tuwang tuwa siya dito.
"Hala! I'm so happy! Dalawa na tayo na magdadasal na maging sila na balang araw!" sinabi ni Jade kay Luna
"Ako din Ms. Jade! Ako na nga naiinip para sa kanilang dalawa! Pero bigyan kita ng scoop!" Tiningnan muna ni Luna si Chris saglit kung nakikinig ito, ngunit nang makita niya na may sarili itong business ay tinuloy niya na ang pagkukwento.
"Spill the tea, girl!"
"May flavor at twist! Feeling ko kasi, may someone na nagkakagusto kay Jin! Although hindi ko pa talaga masabi kung mayroon nga, although matagal ko ng inoobserve. Hindi ko mawari kung mayroon talaga siyang feelings o wala. Ang galing niya magtago, as in! At kung hindi ka mapagmatiyag, or wala kang talent sa pang amoy, hindi mo malalaman!" bulong ni Luna kay Jade dahil ayaw niya na marinig ito ni Chris.
"Hmmm. Kung hindi ako nagkakamali at parehas tayo ng iniisip, although hindi ko pa nakikilala 'tong guy na to masyado, pero sa pagkakaalala ko kasing tangkad ba 'to ni Jin, mas maliit lang sa kanya ng onti?" tanong ni Jade kay Luna
"Yas! Truly!" Hirit ni Luna at tinuturo turo niya si Jade, tila iisa sila ng iniisip.
"Tapos may matapang na mata na akala mo bully, and lastly, mahaba ang hair at naka man bun?" tanong ulit ni Jade at may hint na siya kung sino.
"You got that right, girl! Mukhang iisa lang tayo ng iniisip, Ms. Jade!" hirit ni Luna.
"O.M! Nako! Baka magkapatid tayo sa labas, hindi lang natin alam. Bakit parehas tayo ng nasa utak!" biro ni Jade.
"Gano'n talaga, Ms. Jade! Tayong mga shippers, gusto laging nakakakita ng mga ganitong action at drama!" bulong ni Luna.
"May bago na kong friend! Pahingi ako ng number at messenger mo dali! Iuupdate kita sa mga kaganapan sa room namin tungkol kay Jin at Chris" bulong ni Jade.
"Gusto ko 'yan, Ms. Jade! Aabangan ko yang scoop mo!" natutuwang sinabi ni Luna.
Nagpalitan na ng number at messenger sina Jade at Luna, at mukhang magiging close ng sobra ang dalawa dahil sa kanilang mga gusto sa buhay.
Naghihintay pa rin sila na dumating ang trainer, habang si Chris ay pinagmamasdan lang ang paligid at ang mga taong makakasama niya sa contest. Inaassess niya ang bawat isa at tinitignan kung ano ang mga ikinikilos ng mga kasama niya.
Habang tumitingin si Chris sa paligid, ay may lumapit sa tabi niya, kinausap at nginitian siya. Isang lalaki na nasa Late 20s. Maputi, kasing laki ni Jin, mukhang korean dahil sa mga mata nito, gwapo at napakakinis ng mukha tila walang pores.
"Um, sir, mayroon bang nakaupo sa tabi mo or vacant pa 'to?"
Tiningnan ni Chris ang nagsalita upang makita niya kung sino, ngunit hindi niya kilala at sinagot niya na lamang ang nagtanong sa kanya.
"Wala po. Vacant po 'to" seryosong sagot ni Chris at tumingin na ulit sa paligid.
"Okay, thank you!" sinabi ng Lalake at umupo na siya sa tabi ni Chris.
Nakita nila Jade at Luna ang umupo sa tabi ni Chris at nagsimula na silang magbulungan.
"Alert! Alert! Grabe ang pogi ng guy na tumabi kay Chris! Kaso, mukhang may nararamdaman akong something dito sa guy na to!" pabulong na sinabi ni Luna kay Jade
"Pansin mo rin? Me too! Tingnan mo, ang dami-daming vacant na seats, at sa tabi talaga ni Chris tumabi ah? The nerve! Oo pogi siya, I'll give that to him, pero mas pogi pa rin ang Jin natin 'no!" pabulong na sinabi naman ni Jade kay Luna.
Meanwhile, kinausap si Chris ng lalaki na tumabi sa kanya at nagpakilala ito.
"Ako nga pala si Julian, and you are?" pakilala ni Julian habang nakangiti siya at inabot niya ang kanyang kamay sa harap ni Chris upang makipag shake hands.
Pinapanood lang nila Luna at Jade ang mga pangyayari, at pinaguusapan nila ito at nagbubulungan.
"I smell something fishy!" hirit ni Luna.
"Oo! Malansang malansa! Nako! Bantayan natin 'tong 'Julian' na 'to! Hindi siya pwedeng mag moves kay Chris!" sambit ni Jade.
Nagpakilala si Chris kay Julian ngunit hindi siya nakipagshake hands, kaya binalik na lang ni Julian ang kamay niya at tinago sa bulsa nito dahil pakiramdam niya ay napahiya siya.
Nagtatawanan sina Luna at Jade ngunit mahina lang dahil baka mahalata sila.
"Kita mo yun? Haha! Kawawang Julian! Akala niya madaling suyuin si Chris ah?" bulong ni Luna.
"Good job si Chris d'yan! Tuloy niya lang ang pagiging dalagang pilipina! As if naman na may laban siya kay Jin ha?" hirit ni Jade at pinanood nila ulit ang dalawa.
"Cute naman nito ni Chris, kaya lang mukhang mahihirapan akong suyuin siya." nasa isip ni Julian habang pinagmamasdan niya si Chris. Para sa kanya, gagawin niya ang lahat para mapalapit kay Chris at pinapangako niya na hindi matatapos ang pageant na hindi sila magiging close dalawa. Sobrang natutuwa siya kay Chris, dahil para sa kanya, napaka-cute nito at tingin niya rito ay mas maganda pa sa mga babae na nakilala niya lalo na kapag naayusan. "Mapapasa akin ka rin, Chris." bulong niya sa kanyang sarili. Kinausap niya ulit si Chris para magpapansin, "Anong department ka Chris, parang ngayon lang kita nakita. Bago ka lang ba dito?"
"Ay opo. Last month lang po ako na employed dito, Sir Julian."
"Grabe, Chris, 'wag mo na ko tawaging sir, at wag ka na mag opo sa akin. Magka-edad lang tayo, although mas mukha kang bata kumpara sa akin."
"Ay sige, Julian. Sa Operations department ako"
"Good! Ako naman sa Research and Development Department."
Nagside comment na naman ang dalawang babaeng nakiki-usi, "Nakakatawa! Hindi naman siya tinanong ni Chris kung anong department niya pero sinabi niya pa rin!" natatawang hirit ni Luna ngunit hinihinaan niya lang ito.
"Oo tama ka, girl! Hindi niya ba napansin na walang gana makipagusap si Chris sa kanya? Hindi niya ba alam ang rule na pag hindi ka tinanong, 'wag ka magbigay ng sagot! Nako! Funny niya doon!" hirit naman ni Jade at patuloy na naki-usi ulit.
"Mukang mailap to si Chris ah? Mukhang kailangan ko pa mag step up para mapansin niya ko" nasa isip ni Julian. Nakipag-usap ulit si siya kay Chris. "Mukhang malakas ang pambato ng Operations Department ngayon ah? Sayo pa lang mukhang taob na kami lahat!"
"Ay hindi naman, Julian. Mas marami pang may itsura sa akin dito." dagot ni Chris ngunit hindi siya nakatingin kay Julian.
"Hmmm parang hindi eh. Parang ikaw nga yung pinakacute dito."
"Thank you!" Sumagot si Chris at hindi na siya nagsalita pa at wala na rin nasabi si Julian.
Meanwhile sa tabi ni Chris kung san nakaupo ang dalawang babae, ay nagtatawanan ngunit mahina lang.
"Kawawang Julian! Na 'thank you' zoned lang ni Chris!" hirit ni Luna.
"'Yan ang gusto ko kay Chris, stick to one lang! Kung ako sa kanya titigil na ko sa pangungulit. Hindi niya ata napansin, girl, na ayaw siyang kausap ni Chris. Tara panoorin pa natin." hirit naman ni Jade at tiningnan muli sina Chris at Julian.
Kinulit muli ni Julian si Chris, "Oo nga pala, Chris pag gusto mo ng guide, nandito ako. 'Pag may hindi ka nagets sa training natin, sabihin mo lang sa akin."
"Thank you Julian, kaso kasama ko si Ms. Jade. Siya daw yung mag guide sa akin. Pero thank you pa rin."
And back to the ladies, "Narinig mo 'yun? Ms. Jade, the best ang sagot ni Chris!" bulong ni Luna kay Jade.
"Oo! Offer pa siya na mag guide kay Chris! Buti na lang sinabi ni Chris na akong bahala sa kanya. I love it! Burn si Julian! Sana dumating na si Jin para naman makita nitong Julian na 'to na taken na ang Chris natin!" hirit ni Jade.
Nag appear sina Jade at Luna dahil tuwang tuwa sila sa mga nangyayari, at sa kung paano hinandle ni Chris ang pakikipagusap kay Julian.
"Mukhang sobrang mahihirapan ako dito kay Chris! Wala pang nakakaresist ng Charms ko! Hmm, si Chris palang ah? Mafafall ka rin sa akin." nasa isip ni Julian.
Dumating na ang trainer ng pageant at nagsimula na mag salita ito para magpakilala at mag announce.
"Welcome guys and girls sa ating 1st day of rehearsals! My name is Will and ako ang magiging trainer niyo for the whole week. Mayroon tayong 9 Departments na maglalaban laban para sa Mr. And Ms. Star of the night. Kasama natin ang iba pang mga coordinators and sila ang magiging katulong natin para sa rehearsals. So, first day is workshop tayo, 2nd day naman is 'yung photoshoot natin. 3rd day to 5th day ay rehearsals para sa buong program ng pageant. Ang day 6 natin ay dress rehearsal at ang 7th day, siempre, pahinga niyo na yun dahil sa May 25 magaganap ang event at 6:30 p.m. ito magsisimula. So matagal tagal ang ating preparations, kaya naman good luck sa ating lahat at sana ay maging maayos at successful itong event na 'to!"
Pagkatapos mag announce ni Will ay pinatayo niya na ang lahat at pinatanggal ang lahat ng upuan at pinalagay sa isang corner. "Okay, itabi natin lahat ng upuan sa gilid at mag form tayo ng isang malaking Circle at dapat magkakatabi ang partners ah? Dahil magsisimula na ang ating workshop!"
Nagsimula na sila mag form ng circle pagtapos nila alisin ang mga chairs. Tumabi si Luna sa kaliwa ni Jade, habang si Julian naman ay tumabi sa kanan ni Chris. Nang makita ng dalawang babae ito, ay agad silang nagbulungan.
"Grabe! Hindi niya talaga tinatantanan si Chris! The nerve talaga!" bulong ni Jade.
"Oo nga, Ms. Jade! Don't worry, mamatahan natin yan!" hirit ni Luna.
Nang makapwesto na sila, ay nagsimula na sila sa workshop at nagsalita na ulit si Will.
"Okay, since nakapag-form na tayo ng malaking circle, umpisahan na natin ang unang workshop. So lahat ba ng partners ay magkakatabi?"
"Yes po!" sagot ng lahat.
"Good! Dahil magkakatabi ang mga mag-partner, gusto ko ay maghawak kayo ng mga kamay. Hawakan niyo ang dalawang kamay ng katabi niyo sa circle... na hindi niyo partner!"
Nagtinginan sina Jade at Luna at nanlaki ang mga mata nila, at sabay na tinignan sina Chris at Julian.
"Hala! Mahahawakan ni Julian si Chris!" kabadong sinabi ni Jade.
"Oo nga, Ms. Jade! Baka mamaya hindi niya tanggalin yung kamay niya 'pag nasimulan niyang hawakan si Chris. Kasi, sobrang lambot ng kamay ni Chris, kahit ako ayaw kong tigilan yung kamay niya pisil pisilin!" nag aalala na sinabi ni Luna.
"Kapag sinuswerte ka nga naman oh! Mahahawakan ko agad mga kamay ni Chris!" nasa isip ni Julian at tuwang tuwa siya.
"Okay! Maghawak na kayo ng mga kamay ng katabi niyo from the different department. Go!" sigaw ni Will.
End of Chapter 14