Date: May 20, 2020
Time: 1:30 P.M.
Pangatlong araw na ng rehearsals para sa Mr. and Ms. Star of the night at ang pinapractice nila ngayon ay ang kanilang blockings kung saan sila lalakad, saan ang mga pwesto nila, pati ang pag introduce nila sa kani-kanilang sarili.
Turn na nila Jade at Chris para mag-practice na i-introduce ang sarili nila at nasa gitna na sila ng stage.
"Good Evening, I'm Jade Reyes, from the Operations Department at naniniwala sa kasabihang-"
Napatigil si Jade sa kanyang introduction na nakapamewang at todo ang pag pose, nang bigla siyang sinigawan ni Will na naka pwesto sa labas ng stage.
"Jade! Bakit may gan'yan!? Walang gan'yan! Ano to barangay pageant? From the top!" sigaw ni Will habang tawa siya ng tawa dahil sa ginawa ni Jade.
"Ay kala ko may kasabihan kasabihan pa!" pabiro ni Jade.
"Ulit! Walang gano'n! Baka gayahin ka ni Chris! Ikaw sisihin ko, nako ka talaga!"
"Good evening, I'm Jade Reyes, from the Operations Department!"
"Good, next Chris-"
"Good... Eve...ning... I-I'm... Chris... Villafuerte... from... from..."
Kinakabahan si Chris at nag-stutter habang pinapakilala ang kanyang sarili.
"Chris anong nangyari? Bakit ka nag-stutter? Mag shake ka muna ng katawan. Relax lang, wala pa tayo sa actual event kinakabahan ka na. Paano pa sa actual event? Okay, hingang malalim then exhale, go!" paalala ni Will.
"Kaya mo 'yan Chris!" binulungan ni Jade si Chris at pinapalakas ang loob nito.
"I'm Chris... Good... eve... Vi... Villa..."
"Okay, Chris. Wait, bakit ka kinakabahan? Ako lang 'to oh? Kami lang 'to, magkakakilala tayo lahat." sambit ni Will.
Napayuko si Chris dahil pakiramdam niya ay nag-fail na naman siya, dahil simpleng pakilala lang ay hindi niya maayos.
Binulungan siya ni Jade, "Chris, gusto mo ba tawagan ko si Jin?"
"'Wag na po Ms. Jade, tsaka may match pa sila. Hindi siya makakapunta dito." malungkot na hirit ni Chris.
Naawa si Jade para kay Chris at nag-isip siya ng paraan. Bigla siyang may naalala, kaya bumaba siya ng stage at may kinuha na tablet sa kanyang bag at pagkatapos ay lumapit siya kay Will at binulungan ito.
"Mr. Will, pwede mo po ba hawakan 'yung tablet ko tapos iharap mo po kay Chris pag magpapakilala na ulit siya?"
Kinuha ni Will ang tablet at nang binuksan niya ito, ay nakita niya ang photo ng isang tao na pamilyar sa kanya.
"Si Jin 'to ah? Bakit ko ihaharap kay Chris?" Napatingin si Will kay Jade na biglang nanlaki ang mga mata, kaya na-gets niya agad, "Oh, you mean-" binulungan ni Will si Jade dahil naintriga siya.
"Mr. Will, hindi pa sila ano ka ba! Support system ni Chris si Jin. Hindi kasi makarating si Jin kasi may basketball match pa, kaya medyo malungkot 'yan si Chris." paliwanag ni Jade.
"Aw. Nakakainis naman nakakainggit!"
"Same, Mr. Will. Ako din! Sama sama tayo mainggit sa kanilang dalawa!"
"Pero hindi pa talaga sila? As in walang label, secret on, or nagkakahiyaan lang?"
"'Yung pangatlo Mr. Will, wala pang umaamin sa isa't isa. Kaso hayaan natin and bigyan natin sila ng time."
"'Wag ka mag alala, hindi matatapos 'tong pageant na hindi nila marerealize na mahal nila ang isa't isa!" assurance ni Will para kay Jade.
"Go, Mr. Will, aabangan ko 'yan! Babalik na ako sa pwesto ko. Ikaw na bahala sa picture ni Jin kung paano mo siya gagamitin kay Chris ah?" natatawang bulong ni Jade.
"Go, tabihan mo na si Chris."
Bumalik na si Jade sa pwesto, nilapitan niya si Chris at nginitan ito. Tumingin naman si Chris kay Will para hintayin ang go signal nito.
Kinausap muna siya ni Will bago mag simula, "Chris, para hindi ka kabahan, ganito, isipin mo 'yung taong nagbibigay sayo ng lakas ng loob. Sino ba 'to?"
"Si Ji-"
Biglang naputol ang sasabihin ni Chris dahil agad siyang siningitan ni Will.
"'Wag mo na i-mention, Chris!" Biglang sumingit si Will dahil narinig niya na may babanggiting pangalan si Chris, "Okay, isipin mo na siya lang ang tao dito sa loob ng Midnight hall. Wala kang ibang taong nakikita kung hindi siya. Kunwari sa kanya ka lang magpapakilala at kunwari siya lang ang audience. Go!"
Pumikit muna si Chris at nag internalize. Inisip niya na si Jin lang ang nanonood sa kanya sa puntong ito, at nasa harap niya lang ito na pinapalakpakan at nag che-cheer sa kanya.
Sa isip ni Chris, sa malawak na room ng Midnight hall, walang ibang tao kung hindi silang dalawa lang. Si Chris na nasa stage at nakatingin sa mga mata ni Jin na nasa baba ng stage at nakangiti sa kanya.
Habang nagiinternalize si Chris, ay dahan dahan ni Will iniharap ang tablet at pinakita ang picture ni Jin kay Chris.
Pagkamulat ni Chris ay nakita niya ang picture ni Jin at iniisip na silang dalawa lang ang magkasama.
"Good evening everyone, I'm Chris Villafuerte, from the Operations team!"
Pinalakpakan ni Jade at Will si Chris dahil hindi na ito nag stutter at napakilala niya ng maayos ang kanyang sarili with confidence.
"Good job, Chris! Ganyan dapat! Sa actual or kahit sa practice, ganyan ang isipin mo para hindi kabahan!" natutuwang bati ni Will.
"'Wag ka, Mr. Will, may dagdag na 'everyone' 'yan kahit si Jin lang nasa isip niyan." hirit ni Jade
"Eh siempre si Jin lang ang nakikita niya sa atin. Para sa kanya, Jin is Everyone! Love love love!"
Date: May 21, 2020
Time: 11:30 P.M.
Pang apat na araw na ng preparation ng Mr. and Ms. Star of the night at ang lahat ay nagre-rehearsal para sa kanilang performance para sa opening number ng kanilang pageant kung saan magsasayaw sila.
Habang tinuturan sila ng kanilang coordinator, ay biglang dumating si Jin at umupo sa di kalayuang pwesto para manood. Nang makita siya ni Chris ay nginitian at kinawayan niya ito, kaya ngumiti rin ito pabalik sa kanya.
Napatingin rin si Julian kay Jin na nakangiti at kumakaway. Ang nasa isip niya ay kung siya ba ang kinakawayan nito. Ready na dapat siyang kumaway nang bigla niyang napansin na si Chris pala ang kinakawayan at nginingitian ni Jin.
Natawa na lang si Julian sa kanyang sarili at tila naguguluhan, "Hindi 'to totoo! Bakit iniisip ko na ako 'yung kinakawayan niya? Myghad! Julian! Kaaway mo si Jin, bakit ka kakaway sa kanya? Hindi ikaw kinakawayan niyan!" nasa isip ni Julian.
"Okay guys, good job! Break muna tayo 15 mins, then 11:45 a.m., balik ulit sa mga posts niyo."
Nag-announce ang coordinator ng breaktime, kaya naman lumapit sina Jade, Luna at Chris kay Jin habang nakasunod si Julian sa likod nila.
Pagkalapit nila, ay inabutan ni Jin si Chris ng malamig na bote ng tubig at may kasamang towel.
"Chris, oh baka nauuhaw ka?"
Kinuha ni Chris ang bote ng tubig at towel kay Jin at nag-thank you siya. Pero dahil siya lang ang binigyan, umangal na agad ang dalawang babae.
"Eh nasaan naman 'yung sa amin? Ano si Chris lang ang bibigyan mo? Jowa ang peg?" asar ni Luna kay Jin.
"Oo nga, Jin? Wala ka bang panulak dyan? Kanina pa kami nag pa-practice mag sayaw, uhaw na uhaw na kami." hirit ni Jade.
May kinuha si Jin sa kanyang bag at inilabas ito.
"Siempre naman, mabait ako. Dinalhan ko din kayo!" nakangiting sinabi ni Jin.
"Ay! Akala ko 'yung jowa niya lang 'yung inaalala niya, Luna 'no? 'Di pa rin pala tayo nakakalimutan nito." pabirong sinabi ni Jade.
Inabot ni Jin ang mga bote ng tubig kina Jade at Luna. Napansin niya rin na nakatayo lamang si Julian sa likod nila Jade at hindi nagsasalita, kaya tinawag niya ito.
"Julian, sa'yo 'to oh."
Inabutan ni Jin si Julian ng bote ng tubig.
Natuwa si Julian nang abutan siya ni Jin ng tubig. Ngingiti na sana siya nang maalala niya na kalaban niya si Jin, kaya bigla siyang sumimangot.
"'Wag mo kukunin, Julian! 'Wag mo kukunin! 'Wag ka matuwa sa bait niya! Hindi siya ang gusto mo! Si Chris ang gusto mo!" sinisigaw na ni Julian sa kanyang isip ngunit ang kamay niya ay dahan-dahan nang kumikilos at tila may sarili itong buhay, "Ano ba 'tong kamay ko! Bakit gumagalaw mag-isa! 'Wag mo kukunin! 'Wag-mo-KUKUNIN!"
Dahil dahan-dahan lang kung kumikilos ang kamay ni Julian, ay hinawakan na ni Jin ang kamay niya at ibinigay ang ang bote ng tubig at inilagay sa mga palad niya. Isinara na rin ni Jin ang kamay niya, dahil hindi na kumikilos ang mga daliri at kamay niya, at baka malaglag ang bote ng tubig.
Biglang namula si Julian sa ginawa ni Jin na paghawak sa kanyang kamay at nakatingin lang siya sa mga mata nito, at biglang napansin ito nina Jade at Luna.
"Julian, may problema ba? Bakit ka bigla namula?" tanong ni Jade.
"Wa-wala! Naiinitan ako. Salamat sa tubig, nauuhaw lang ako, oo nauuhaw ako!" paliwanag ni Julian at agad itong umalis at lumayo na sa pwesto nila Jin. "Bakit gano'n? Bakit nahihirapan ako! Bakit 'pag tumitingin ako sa mga mata ni Jin, para akong nahi-hypnotized? Waaahh! Kaaway siya, kaaway siya!" nasa isip ni Julian habang naalala niya ang mga mata ni Jin.
"Anong problema no'n? Ba't umalis 'yun? Hindi naman natin pinapaalis?" tanong ni Luna.
"Hindi ko alam? May ginawa ba ko?" nagtatakang tanong ni Jin.
"Nahihiya si Julian sa'yo kaya siya umalis." biglang nagsalita si Chris.
"Huh? Ba't naman siya mahihiya kay Jin?" tanong ni Jade.
"Oo nga, Chris, paano mo nasabi? Eh noong isang araw lang ayaw ni Julian kay Jin, nakikita ko." hirit ni Luna
"Kasi hindi siya kinalimutan ni Jin na bigyan ng tubig. Oo, ayaw niya kay Jin, at hindi niya 'to gusto. Pero, dahil mabait si Jin sa kanya, nailang siya. Feeling ko, gusto niya makipagkaibigan sa'yo, tsaka sa atin." paliwanag ni Chris.
"Eh ba't pa siya nahihiya, hindi naman na kailangan. Tsaka noong tinulungan ka ni Julian sa photo shoot, kaibigan na din turing ko sa kanya." paliwanag ni Jin.
"Oo nga, ako din. Aaminin ko noong una, medyo naiinis ako sa kanya kasi masyado siyang clingy kay Chris! Pero, mabait naman siya. Kami lang talaga ito ni Luna na pinag-iisipan siya ng masama." hirit ni Jade.
"Me too. Ayaw ko sa kanya at first. Pero Jin, ituloy mo lang pagiging mabait mo kay Julian. Feeling ko magkakagusto sa'yo 'yun." pabirong sinabi ni Luna.
"Ay girl, may bago na bang papasok sa love story?" dagdag ni Jade.
"Oo, Ms. Jade, nasesense ko si Julian. Feeling ko nalilito siya!"
"Baliw kayo! Pero magiging tropa din natin 'yan si Julian. Hindi na 'yan maiilang sa atin. Akong bahala." sinabi ni Jin habang tinitingnan niya si Julian sa malayo na nakaupo lang at tila nakatingin sa kanila.
"All right, guys, back to your posts. Magsisimula na ulit tayo." Tinawag na sila ng instructor upang mag practice.
Umupo na lang ulit si Jin sa kanyang pwesto para manood ng practice. Habang nakatingin lang siya sa rehearsals, ay narinig niya si Will sa likod niya na may kausap sa phone kaya nilingon niya ito at nakita na tila nag-aalala ito ng labis.
"Huh? Anong sorry? Ang aga namin nag-order tapos sasabihin niyo sorry kasi hindi nagawa 'yung mga orders? Grabe naman kayo, napaka unprofessional! Bibigyan ko kayo ng 1 star sa page niyo! Gutom na gutom na kami and lunch na! Mahihirapan kami umorder nito at nagugutom na mga participants ko-" Biglang binabaan si Will ng phone ng kausap niya, "My gosh! Binaba? Bastos na 'yan! Arrhhh!" naiinis na tono ni Will, dahil nalaman niya na hindi makakarating ang order niya na lunch para sa lahat at nag-aalala na siya.
Nilapitan siya ni Jin at kinausap, "Mr. Will, sorry po 'di ko sinasadya, pero narinig ko kasi na hindi madadala ang food ngayong lunch para sa lahat?"
"Oo, Jin. Hindi ko na alam gagawin ko kasi mag lu-lunch na and gutom na 'yang mga 'yan." mangiyak-ngiyak na sinabi ni Will, "Sasabihin nila fail ang pag-organize namin dahil hindi namin sila inaasikaso ng mabuti. Ayaw naman namin na pabilhin pa sila sa labas dahil mainit at baka matagalan pa sila. Paano kaya 'to?"
"Kaya pa 'yan, Mr. Will, 11:45 a.m. pa lang naman po. Makakapag hintay ba sila kahit mga 12:15 p.m.? May alam ako na pwede kong puntahan para bumili ng food para sa lahat at masarap pa!" nakangiting sinabi ni Jin.
Nabuhayan ng loob si Will dahil sa suggestion ni Jin at tila kumikinang ang mga mata nito.
"Ikaw ang bibili, Jin?"
"Okay lang po, Mr. Will, tsaka wala naman akong gagawin. nakikinood nga lang ako dito." nahihiyang sinabi ni Jin.
"Thank you talaga, Jin! Teka, papasahaman kita." Tiningnan ni Will ang mga coordinators, "Hmmm, busy lahat ng coordinators. Magpupull out ako ng isa sa mga participants. gusto mo ba si Chris na lang tawagin ko?"
"'Wag na po si Chris, baka mahirapan siya magbuhat."
"Hmmm. Sino na lang?"
"Si Julian na lang po."
"Ay oo siya na lang. Total, parehas naman kayong malaki ang katawan. Tingin ko mabubuhat niyo 'yung food para sa lahat. Sandali, tawagin ko na siya."
Tinawag ni Will si Julian at pinull out niya ito sa practice. Lumapit si Julian at tinanong kay Will kung anong kailangan sa kanya.
"Yes po, Mr. Will? Ano pong problema? Hindi po ako nanggugulo doon."
"Oo wag ka mag alala, hindi ka mag fa-face the wall, Julian. 'Yung food kasi natin for lunch hindi makakarating. Eh wala ng ibang free na pwede bumili kung hindi si Jin. Kaso, hindi niya naman kaya buhatin lahat. Kaya papatulong sana kami sa'yo. Okay lang ba?"
"Hmmm." Tiningnan ni Julian si Jin habang nginingitian siya nito. Inirapan niya si Jin at tumingin kay Will, "Sige po, Mr. Will, tsaka may alam po ba kayo kung saan kami pwede bumili ng food?"
"Si Jin, sabi niya may alam daw siya kung saan masarap."
"Hindi ko alam kung alam mo 'yung lugar na 'yun, Julian, kasi medyo tago siya. Sa Jinny's Resto Bar, alam mo 'yun?" tinanong ni Jin kay Julian.
"Ah! Oo, Alam ko 'yun! Masarap ang food talaga doon. Tara, doon tayo pumunta. Gamitin ko na lang 'yung kotse ko, Mr. Will, para mas mabilis kaming makapunta ni Jin, tsaka hindi kami mahirapan mag buhat."
"Nice! Hindi na tayo mahihirapan." natutuwang sinabi ni Jin.
"Anong nice? Magbabayad ka sa akin ng pamasahe mo hindi 'yun libre!" asar ni Julian
"Oh, sa kotse na kayo mag away. Sige na at baka ma-late kayo." Inabot na ni Will ang budget ng lunch kina Julian. "Ito 'yung budget para sa food. Hindi ko alam kung anong pagkain doon so kayo na ang bahala, dahil alam niyo 'yung kainan na 'yun. Thank you talaga!" Pinaalis na ni Will sina Jin.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Nang makasakay na sina Jin at Julian sa kotse, ay kinausap siya ni Julian.
"Paano mo nalaman 'yung sa Jinny's Resto Bar, Jin? Bihira lang nakakaalam doon ah?" tanong ni Julian.
"May nagturo kasi sa akin. Noong natikman ko 'yung food doon ang sarap!"
Nasa kotse na silang dalawa at si Jin ay nakaupo sa tabi ng driver's seat, ngunit hindi pa rin sila umaalis at tila may hinihintay si Julian na siyang ipinagtaka ni Jin.
"Bakit hindi pa tayo umaalis, Julian?" tanong ni Jin.
Nakatitig lang si Julian sa kanya at biglang tumango. Iniisip ni Jin ang ano ang ibig sabihin ng pagtango ni Julian at bigla siyang napatingin sa kanyang chest at tinakpan niya ito ng kanyang mga kamay.
"'Wag dito, Julian! Virgin pa ko!" biro ni Jin.
"Baliw ka! Ba't kita pagnanasahan? 'Yung seatbelt mo! O baka gusto mo ako pa mag suot niyan sa'yo?" naaasar na sinabi ni Julian.
"Ay oo nga pala sorry! Hindi kasi ako sanay sumasakay sa kotse." nahihiyang sinabi ni Jin habang sinusuot niya ang seatbelt.
Pagkatapos ni Jin isuot ang seatbelt at ayos na ang lahat, umalis na rin sila at tumungo na sa Jinny's Resto Bar.
Habang nagda-drive si Julian ay tahimik lang siya, kaya naman si Jin na ang gumawa ng ingay dahil masaydong tahimik ang ambiance para sa kanya.
Kinakausap ni Jin si Julian ngunit hindi ito sumasagot at focus lang sa pagda-drive.
"Sungit naman nito!" hirit ni Jin.
Dahil hindi siya kinikibo ni Julian at patuloy lang ito sa pag-drive, ay nakatulog na lamang siya.
Nang malalim na ang tulog ni Jin, niyugyog siya ni Julian at ginigising dahil kararating lang nila sa tapat ng Jinny's Resto Bar.
Bumaba na sila ng kotse at habang naglalakad papasok sa Jinny's, ay nagtanong muli si Jin.
"Julian, Paano mo nalaman 'tong lugar?"
"Alam ko lang, bakit?"
"Wala naman. 'Pag gabi may kumakanta dito 'no? May naabutan kami noon na kumakanta. Nainis nga ko sa singer nila!" pabirong sinabi ni Jin.
Napatingin si Julian kay Jin at tila nanliliit ang mga mata nito sa galit at kinausap niya ito pagkatapos.
"Bakit ka naman naiinis doon sa singer ha? Hindi ba maganda boses niya?"
"Maganda naman boses niya kaso-"
Naputol ang pagpapaliwanag ni Jin, nang may sumalubong sa kanila at tinawag si Julian.
"Oh, Julian boy, bakit napunta ka dito? Ang aga pa ah? Gusto mo na kumanta agad?" tanong sa kanya ng owner ng Jinny's Resto bar na si Jinny. Mahaba ang buhok hanggang baywang, nasa 40 years old, 5'7 ang laki, at nakasuot ng black na polo shirt at blue jeans na uniform ng kanilang bar.
Nang marinig ni Jin ito, nagulat siya at nanlaki ang kanyang mga mata habang tinitingan si Julian, at kinausap ito muli.
"Totoo, Julian? Singer ka dito? 'Wag mo sabihing-"
"Oo! Ako 'yung kinaiinisan mo na kumanta noong pumunta kayo!" naasar na sinabi ni Julian.
Napakamot na lang ng ulo si Jin dahil sa nalaman niya at nahiya siya, dahil hindi niya sinasadya na nasabihan niya ang singer ng nakakainis at di inakalang si Julian pala ito.
"Ikaw pala 'yun! Sorry na! Hindi ko alam!" nahihiyang sinabi ni Jin.
"Oh tuloy mo! Bakit ka naiinis sa singer?" naiinis na tanong ni Julian.
"Naiinis ako kasi... ang ganda masyado ng boses!" palusot ni Jin.
"Hmmmp!" Inirapan ni Julian si Jin at kinausap na siya ni Jinny.
"Anong pakay niyong dalawa dito, Julian boy?"
"Tita Jinny, kasi 'yung pinag orderan namin ng lunch, hindi sumipot. Kaya kailangan namin umorder ng food. Kaya ba para sa 25 na tao for lunch?"
"Ay ano ka ba! Kayang kaya! 'Wag ka mag alala, tsaka para naman matikman nila at balikan nila 'tong resto bar natin. Bigyan ko kayo ng flyers, iabot mo sa kanila ah?" excited sinabi ni Jinny.
"Ako rin po, Tita Jinny, pahingi ng flyers!" hirit ni Jin.
"Tita mo? Kamag-anak mo?" naiinis na sinabi ni Julian.
"Nako, pagpasensyahan mo na 'tong pamangkin ko. Ano nga name mo?" kinausap ni Jinny si Jin.
"Jin po." nakangiting bati ni Jin.
"Nako, hayaan mo na 'tong pamangkin ko, Jin, ah? Medyo mainitin ang ulo. Don't worry, bigyan kita ng flyers and bigyan kita ng discount din sa susunod na pumunta kayo dito."
"Thank you po, Tita Jinny! Marami po ako dadalhin dito, isasama ko din si Julian 'pag hindi siya kakanta sa gabi." nakangiting sinabi ni Jin.
"Tita Jinny, 'Wag mo nga ineentertain 'yan! Hayaan mo siya, 'wag mo bigyan ng discount yan!" inirapan na naman ni Julian si Jin.
"'Tong Julian na 'to talaga! Bahala ka nga dyan! Ako na bahala sa orders niyo. Lahat ng specialty ng resto bar ang iluluto namin. Sabihin mo na din 'pag nasarapan sila, bukas ulit sa amin sila umorder ah?" hirit ni Jinny.
"Sure po 'yan, Tita Jinny, buong rehearsals nila, sa inyo lang sila mag-oorder!" hirit ni Jin.
"Ayan! Perfect! oh siya, iwanan ko muna kayo dito ah? Magkwentuhan muna kayo d'yan, tapos puntahan ko kayo pag ready na ang food." sinabi ni Jinny habang pumapalakpak sa tuwa at patungong kitchen.
Umupo muna sina Jin at Julian sa isang bakanteng table malapit sa tapat ng ilog habang hinihintay ang food na maluto.
"Ang sarap ng food dito 'no? Sino ba nagluluto?" tanong ni Jin.
"'Yung tita ko tsaka 'yung asawa niya. Oo, masarap sila magluto kasi pareho silang chef and si tita naman, bata pa lang siya, tinuturuan na siya ni Lola Rita ko." paliwanag ni Julian.
"Kaya pala masarap talaga, kasi sa amoy pa lang ng pagkain pati sa plating din, alam mo talagang hinaluan ng passion. Kaya mas lalong sumasarap 'yung food. Gusto ko nga subukan gayahin 'yung mga food na nakain ko dito para maluto ko sa bahay eh." hirit ni Jin.
"Nagluluto ka? Mahilig ka magluto?" tanong ni Julian at napatingin siya kay Jin na tila naging interesado siya.
"Oo, mahilig ako magluto. Gusto ko kasi 'yung feeling na nakikita ko 'yung mga pinaglulutuan ko na masaya sila 'pag nakakain nila 'yung gawa ko." paliwanag ni Jin.
Nang marinig ni Julian ito, ay mas naging interesado siya na kausapin si Jin, at umayos ng upo upang kausapin ito ng masinsinan.
"Oh, ayaw mo ba na maging chef na lang?" tanong ni Julian.
"Gusto ko, kaso hindi ko alam kung kakayanin ng budget ko. Tsaka iniisip ko, baka masyadong mahal ang pag-aaral ng culinary, baka hindi sumapat ang budget ko."
"Ako kasi, gusto ko mag chef, nag-iipon lang muna ako, tapos mag-aaral para matupad ko 'yung dream ko na makapagpatayo ng resto bar gaya ng kila Tita Jinny."
"Talaga? Buti ka pa! Bakit hindi ka tumutulong na lang sa kanila?"
"Ayaw nila Tita Jinny na tumulong ako sa pagluluto. Mas gusto daw nila na kumanta ako pang hatak daw ng customer."
"Buti ka pa may goal ka na sa gusto mong gawin sa buhay. 'Pag may restaurant ka na, mag-aaply ako sa'yo bilang chef." pabirong sinabi ni Jin.
"'Wag na! Baka sirain mo pa 'yung food!"
"Grabe ka naman sa akin! Pero minsan yayayain kita sa amin 'pag may inuman kami. Para naman matikman namin yung luto mo."
"Hmmp! Sinabi ko ba na sasama ako?"
"Wala naman pero, sasama at sasama ka."
"Ano bang hilig mo lutuin, Jin?"
"Ako? Mahilig ako magluto ng mga dishes na may cheese at garlic, mga pinoy food, mga gano'n. Eh ikaw ba?"
"Ako? Japanese and Italian cuisine ang forte ko"
"Aba naman! Patikim naman minsan!"
"Ng alin?"
"Ng luto mo, kako. Ano ba sa tingin mo?"
"Hmmp! Wala! Bahala ka nga d'yan!"
Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating na rin si Jinny sa kanilang inuupuan para sabihin na nakaprepare na ang food.
"Jin, Julian boy, ready na ang food nakabalot na lahat." nakangiting bati ni Jinny.
Inabot na ni Julian ang budget na binigay sa kanila ni Will, at dinala na nila ang food sa kotse niya.
Nakabalik sila ng bandang 12:15 p.m. sa Midnight Hall dala dala ang food. Nakaupo lang ang mga participants at hinintay sina Jin at Julian, at nang maamoy na nila ang food ay bigla sila nagtayuan at nabuhayan ng loob.
Pinunatahan na ni Will at ng iba pang mga coordinators sina Jin at Julian at tinulungan mag abot ng food para sa lahat. Inabot din ni Julian ang flyers kay Will kung sakali na masarapan ito at kung gusto ulit na umorder sa kanila.
Pumwesto na sina Jin, Chris, Julian, Jade at Luna para kumain din ng sabay sabay. Nang makapwesto na silang lahat at magsisimula na kumain, tinitingnan ni Jin si Chris kung mahahalata niya kung saan galing ang food, at tiningnan niya kung maoobserve ito ni Chris.
Nang sumubo na si Chris ay napatigil ito sa pag kain, at tumingin kay Jin na gulat na gulat at sarap na sarap.
"Jin! Sa Jinny's ba 'to?" tanong ni Chris.
Sumingit naman sina Jade at Luna, "Hala! Ang sarap grabe! Sana ito na lang 'yung food natin kahapon tsaka sana hanggang matapos 'yung training!" kinikilig na sinabi ni Jade dahil sa sobrang nasarapan siya.
"Oo nga! Buti na lang hindi natuloy magdala ng food 'yung unang inorderan. Galing niyo talagang dalawa, Julian at Jin!" hirit ni Luna habang ganadong ganado sa pag kain.
"Chris, naalala mo din ba 'yung singer noong kumain tayo sa Jinny's?" tanong ni Jin kay Chris, habang tinitingnan siya ng masama ni Julian. Nahihiya ito kay Chris, dahil baka malaman na siya 'yung nagsabi na cute si Chris noong unang beses silang kumain doon. Kinukurot ni Julian si Jin sa tagiliran dahil sa hiya at ayaw niya ito ipasabi kay Chris.
"Ah, oo 'yung maganda ang boses na nakakarelax habang nakatingin ako sa ilog, bakit? Nandoon ba siya noong pumunta kayo kanina?" tanong ni Chris.
"Oo, nandoon siya kanina, nandito din siya ngayon." nakangiting sinabi ni Jin habang tinitiis niya ang kurot ni Julian.
Si Julian naman ay hiyang hiya na dahil baka matuklasan ni Chris na siya yung tinutukoy ni Jin.
Napaisip si Chris sa sinabi ni Jin. Tinitingnan niya si Jin at tila parang di mapakali ito, at nakita niya na kinukurot ito ni Julian sa tagiliran. Napatingin naman siya sa mga mata ni Julian pagkatapos dahil may hinala na siya.
"Julian?"
Napatigil si Julian sa pagkurot kay Jin at tumingin ito kay Chris na medyo naiilang.
"Bakit?"
"Kaya pala nang kumanta ka noong punishment, parang pamilyar 'yung boses mo, tama ba 'ko Jin? Si Julian 'yung kumanta?" tanong ni Chris.
"Oo nadali mo! May sinabi pa nga siya noon 'di ba? Naalala mo?" parinig ni Jin kay Julian.
"Wa-wala ako matandaan!" nahihiya na sinabi ni Julian at hindi na siya makatingin kay Chris.
"Noong nag-uusap tayo sa wall ang lakas ng loob mo ah?" asar ni Jin kay Julian.
"Wait lang, wait lang! Hindi namin ma-gets, hindi kami kasali? Ano kayo kayo na lang?" sumingit si Luna.
"Oo nga, ishare niyo naman 'yung little encounter niyo with each other." dagdag ni Jade.
"Ganito kasi 'yan-" Biglang nagkwento si Jin, "Kumakain kasi kami sa Jinny's ni Kuya Jon tsaka ni Chris, tapos may nag gig. Tapos, sabi ng singer 'dinededicate ko 'to para sa isang cute na taong-" Tinakpan ni Julian ang bibig niya bigla para hindi na siya makapagkwento at hindi niya ituloy ang sasabihin.
Biglang nagsalita si Chris, "Sabi ng singer, dinededicate niya daw 'yung kanta na 'yun doon sa cute na taong nakatingin daw sa ilog at malalim 'yung iniisip tsaka nalulungkot."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Julian habang tinatanggal naman ni Jin ang kamay ni Julian sa bibig niya.
Tinuloy ni Chris ang kwento niya, "May nakita akong babae sa harap ko nakatingin rin sa ilog, malungkot at umiiyak, kaya ayun, doon ko narinig na kumanta si Julian."
Biglang nakahinga si Julian ng maluwag dahil ang akala ni Chris ay para sa iba ang kanta niya noong gabi na iyon. Tinanggal na din niya ang kanyang kamay sa bibig ni Jin.
"Ano ba 'yan! Ang alat ng kamay mo, Julian, pwe!" hirit ni Jin.
"Tara punta tayo minsan doon nila Chris, sama natin sina Rjay, tsaka Ms. Jade. Tapos, panoorin natin mag gig si Julian." biglang sinabi ni Luna
"Ay tara G, gusto ko 'yan! Kailan ba?" tanong ni Jade at excited na siya.
"Siempre kung kailan kakanta si Julian doon. Baka mamaya pumunta tayo tapos wala naman siya." hirit ni Jin.
"Bahala kayo! Hindi na ko pupunta doon!" naiinis na sinabi ni Julian.
"Gusto lang naman namin suportahan ang friend namin na singer." sinabi ni Luna at nang marinig ni Julian ang sinabi niya, ay mas nahiya ito lalo.
Kinuha ni Julian ang pagkain niya sa table at tumalikod na lang siya para ituloy ang kanyang pag kain.
Pagkatalikod niya, biglang tumayo si Jin at nilapit ang kanyang mukha kay Julian.
"Nahiya ka pa sa amin, ano ka ba, tropa ka na namin." nakangiting sinabi ni Jin.
"Sinong tropa mo? Hmmp! Bahala ka nga d'yan!" Bigla niyang inirapan si Jin at tumuloy lang sa pag kain ng kanyang Lunch.
Biglang dumating si Will sa kanilang pwesto at kinausap sila, "Jin, Julian, thank you pala ulit sa pag hatid niyo ng food dito and sobrang sarap! Lahat ng coordinators, sarap na sarap sila sa food pati 'yung ibang participants! Kaya naman bukas, ay sa kanila kami oorder ah? Pero hindi niyo na kailangan puntahan. Tatawagan na lang namin sila sa binigay na flyers ni Julian."
Umalis na rin si Will, at biglang naalala ni Jin na may discount card na binigay sa kanya si Jinny.
"Ay oo nga pala, may binigay sa aking discount card yung may ari nung Resto bar kaya mas makakatipid tayo!"
Pagkatapos nilang lahat kumain ay nagpahinga saglit, at nagmeeting ang mga participants para sa kanilang event, habang si Jin naman ay nanonood lang sa kanila, nakikinig at nakaupo sa hindi kalayuang pwesto nila.
Pinaguusapan nila kung ano ang gagawin nila para sa kanilang talent portion para ma-ready and ma-prepare para sa kanilang props.
Si Jade ay sasayaw, kaya siya na daw ang bahala sa kanyang damit at music piece, ang gusto niya lang daw ay fog machine dahil mag iinterpretative dance siya.
Si Luna naman daw ay mag ba-ballet dahil dati ay nakapag ballet lessons siya.
Si Julian naman ay kakanta, at siya na ang magdadala ng gitara niya.
Si Chris naman ay hindi pa rin alam ang kanyang gagawin o kung ano ang nais niya ipakita para sa kanilang talent portion. Binigyan siya ni Will ng 2 days para makapag-decide.
"Ano kaya ipapakitang talent nito ni Chris? Hmm. Imposible naman na sumayaw siya o kaya kumanta kasi hindi ko pa naririnig boses niya. Baka mamaya, magbasa nga lang siya ng libro, baka mag storytelling siya." bulong ni Jin sa kanyang sarili habang natatawa siya sa mga naiisip niya na maaaring gawin ni Chris sa talent portion.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Pagkatapos ng rehearsals ng Mr. and Ms. Star of the Night, nakauwi na rin si Jin sa kanyang bahay at nagpapahinga lamang habang nilalaro si Bullet sa kanyang kama. Bigla niya naisip magtanong kay Jon tungkol kay Chris.
"Jin Tanda, anong ginawa ni Chris sa talent portion? Nagbasa ba siya ng libro?" pabirong tanong ni Jin.
"'Wag mo na alamin. Gusto ko masurprise ka na lang gaya ko. Kasi ako, nagulat ako noong makita ko ang ginawa niya"
"Ano nga? Ayaw pa sabihin eh malalaman ko rin naman!"
"Edi wala ng thrill! Hindi na siya exciting sa mismong araw ng event nila."
"Pero kinakabahan ako para kay Chris. Baka kasi mamaya bigla siyang mahiya at kabahan sa stage." pagaalala ni Jin.
"'Wag mo isipin 'yun. Lalong kakabahan si Chris 'pag nalaman niyang kinakabahan ka! Basta magtiwala ka lang sa kanya. Magugulat ka na lang sa makikita mo. 'Yun ang araw na hinding hindi mo makakalimutan, at doon ka makakakita ng kakaibang Chris."
End of Chapter 18