Chereads / Burning Romance (Tagalog) / Chapter 7 - There's always a first person (f)

Chapter 7 - There's always a first person (f)

Kristin

Tulala akong bumalik sa pinagtatrabahuan ko. Hindi ko alam kung anong nangyari, kung bakit nagtagal ako sa building na 'yun, at kung bakit nasaksihan ko ang pangyayaring hindi ko naman na dapat mapanood pa.

Noong naglakad ako paalis sa fifth floor kanina, bakit pa ako tumigil at lumingon sa CEO na ng kumpanyang iyon. Bakit hindi na lang ako lumingon tapos umalis rin kaagad? Bakit ako tuluyang humarap nang marinig ko ang nagagalit na boses ng CEO'ng yon? Kung sana...kung sana.....kung sana! Edi sana hindi ako nagi-guilty ngayon.

"Girl, ayos ka lang?"

Tumingin ako sa checker namin, hindi ako ayos. Sa minutong ito, unti-unti na akong kinakain ng konsensya ko.

Pinili ko na lang na manahimik, linabas ko na ang receipt pad tsaka ko binigay sa checker namin.

"May nangyari bang hindi maganda, napagalitan ka ba? May ginawa ka bang mali?"tumango ako sa sunod-sunod na tanong ng checker.

"Oo, may nagawa akong mali. Napagalitan ang isang grupo ng mga empleyado dahil sa akin."

"Ha?Paki-linaw, hindi kita maintindihan. Paanong naging kasalanan mo?"umiling lang ako sa narinig ko pang tanong mula sa checker.

Kaya nga, bakit ko iniisip na kasalanan ko? Alam naman nila na ide-deliver ko ang order nila, rinadyo pa ng guard nila pero wala akong nadatnang tao sa reception area kaya siyempre kailangan kong magsalita dahil nauubos na ang oras ko sa kakahintay sa kanila.

Pero wala iyong tao na naka-toka sa reception area dahil kinailangan ng tulong niya. At kaya hindi nila naririnig ang katok ko dahil tambak ang trabaho nila. Tapos marami na nga silang ginagawa at iniisip, nasigawan pa sila ng kanilang Boss. At bakit nagalit ang kanilang Boss? Dahil narinig niyang nagrereklamo ako, siyempre kumpanya niya iyon, malamang hindi maganda ang pakiramdam niya nang marinig niya ang lahat ng sinabi ko.

Kaya kasalanan ko. Kaya natural lang na makonsensya ako.

"Kristin, may nangyari ba sa CM?"humahangos na lapit sa akin ng boss ko.

Tikom lang ang bibig ko dahil nagdadalawang-isip akong i-kwento ito, baka matanggal pa ako sa trabaho.

"Sumagot ka, may nangyari ba? Tumawag sa akin ang mismong secretary ng CEO ng CM."

Narinig naman yata ng mga kasamahan ko ito kaya nagsi-lapitan sila kaagad sa akin. Habang napalunok ako kaagad ng marinig ko ang salitang CEO mula sa boss ko. Gusto niya ba talaga akong ipatanggal?

"Bakit ma'am, nagreklamo po ba sila?"tanong ng kasamahan ko.

"No, they send money. According to the secretary, they need to compensate my employee for wasting her time."literal na napanganga ako sa balita ng boss ko, lalo nang inabot niya sa akin ang limang libo.

"At sinabihan rin ako na pauwiin ka ng maaga kaya maaari ka ng mag-out."

Hindi ko tinanggap ito at nanatili lang akong nakatingin sa boss ko.

"Pero ma'am, bakit naman nila ako gustong bayaran?"

"How do I know? Ikaw dapat ang nakaka-alam niyan. At gusto ko mang tanungin kung bakit nga, pero ipapa-lunes ko na lang dahil late ka na sa susunod mong trabaho."

Mag-aalas tres na ng hapon, male-late na talaga ako pero hindi ko magawang umalis dahil mas lalo lang akong naguluhan. Ganoon pa man, kumilos na ako.

"Kunin mo itong pera. Huwag mo ng awayan, binigay nila sayo ito. Hindi ka nila babayaran kung wala talaga silang ginawang mali kaya tanggapin mo."

Kinuha ng boss ko ang palad ko at pinatong dito ang pera.

Nakarating na ako sa convenience store pero hindi ko parin maintindihan kung bakit ako binigyan ng pera.

"Ate naman, bakit ngayon ka lang."

Tsaka lang ako bumalik sa tamang wisyo ko nang marinig ko ang naiinis na boses ng working student na kasama ko sa trabaho.

"Alam mo naman na alas-tres ang klase ako eh. Late na ako nito."dagdag pa niya, sabay tanggal ng kanyang uniform vest.

"Pasensya ka na Jea, may nangyari kasi sa unang trabaho ko."Hindi siya kumibo, dahil nagmamadali na talaga siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.

Tinulungan ko na siya sa pag-aayos ng kanyang mga libro at notes. At bago pa siya makalabas sa convenience store, inabutan ko siya ng packed meal.

"Sorry talaga."

Bumuntong-hininga si Jea, "Naiinis parin ako sayo, Ate."ngumiti naman ako at tumango sa kanya.

"Alis na ako."sabi niya rin sa huli, winagayway ko naman ang kamay ko sa kanya

Kumuha ulit ako ng isang pang packed meal para kumain narin, kanina pang umaga na walang laman itong tiyan ko. At siguro maiintindihan ko rin kung bakit binayaran ako ng CEO na 'yun pagkatapos kong mabusog. Kailangan magkalaman itong tiyan ko para magkalaman itong utak ko.

Kaya lang pagkatapos kong maubos ang pagkain ko at malinis ang pinag-kainan ko, wala paring pumapasok na maayos na dahilan ng CEO'ng yun sa utak ko.

"Huwag ko na lang isipin, tapos na. Binayaran na ako, wala na akong magagawa doon. Sisiguraduhin ko na lang na hindi na magtatagpo ang landas namin, dahil sumasakit ang ulo ko sa kanya. Dami niyang alam sa buhay."

Inabala ko na ang sarili ko sa pag-lilinis sa mga stante ng convenience store. Tapos bumalik na ako ng counter nang mapansin ko ng nagsisimula na ulit na dumami ang mga customer. Mabuti na lang talaga at marami ang mga bumibili ngayon dahil ayoko man isipin, sumasagi parin.

Saktong alas-diyes ng gabi nang dumating ang papalit sa akin.

"Dumating ka na pala, Jayson."bungad ko habang pinupunas ko ang lamesang pinag-kainan ng mga estudyante kanina.

"Oo, Ate. Ako na ang magtatapos niyan, siguradong pagod ka na."ngumiti lang ako dito.

"Ayos lang, patapos naman na ako. Ikaw ang magpahinga muna diyan, siguradong pagod ka sa kakasagot ng tawag ng mga customer niyo sa call center na pinagta-trabahuan mo."

"Ayos lang rin ako Ate, mabait naman ang mga kinaka-usap kong customer."

"Mabuti naman."saad ko sabay basura ko sa mga nagbalatan ng pagkain.

Pagkatapos kong maglinis, nagpaalam narin ako. Napagpasyahan kong maglakad na lang tutal malapit naman na dito ang bahay namin. Napahinga ako ng malalim ng tumama ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko.

Napatingin ako sa mga sasakyang panay busina, umismid ako, traffic na naman sa mga kalye ng Maynila. Siguro sa mga taong nasa loob ng mga sasakyang ito, marami ang naiinis, pagod, namomoblema, o iniisip ang panyayaring hindi nila inaasahan na mangyari.

Katulad ko. Kahit minsan, hindi ko pa naranasan na tratuhin ako ng tama ng mga nakakasalamuha kong mayayamang tao. Minsan, hindi na ako nagpapaka-tao sa harapan nila kundi isang kawawang nilalang na lang sa mundong ito. Kaya siguro, negatibo ang pagtingin ko sa kanila.

Pero iyong CEO na'yun....Iyong lalake na yun ang unang mayamang tao na trumato sa akin ng tama. Naramdaman ko sa unang pagkakataon na tao parin pala ako, na kapwa tao ko parin ang mga mayayamang tao sa bansang ito.

Hindi lang rin ako komportable na ipa-alala sa akin na hindi lang ako ang naghihirap, alam ko naman iyon, ayoko lang isipin. Dahil gusto ko paring sisihin ang mundo kung bakit ganito ang buhay ko parin, kung bakit wala pa akong stable na trabaho, kung bakit puro part-time job parin. Sabi ko nga, tao parin ako na hindi nakukuntento sa buhay.

"There is always a first person who will let you realize things that you never believe to be as it is."

-End of Chapter 1-