Chereads / Burning Romance (Tagalog) / Chapter 13 - Don't fall on the spur of the moment (f)

Chapter 13 - Don't fall on the spur of the moment (f)

Kristin

"Kung gusto niyo tumuloy na kayo sa pinagtatrabahuan kong orphanage."alok ni manang, at nang marinig ko ito kulang na lang yakapin ko si manang, para bang nagliwanag ang paligid ko.

"Ayos lang po ba?"pagsisiguro ko, dahil kahit nagpapasalamat ako, nauuna parin ang hiya.

"Iha, ayos na ayos. Ang orphanage ay nagawa para sa mga taong walang mapuntahan."malungkot akong ngumiti sa sinabi ni manang.

"Salamat po."

Pagdating namin sa loob ng orphanage, nagulat ako dahil pamilya-pamilya ang bumungad sa akin.

"Nagsisilbi narin kasing evacuation ang orphanage. Kapag may bagyo, talagang maraming pinapatuloy dito."napatango ako sa paliwanag ni manang habang patuloy kaming naglalakad paloob.

"Siguradong gutom narin kayo, kaya sa kainan muna tayo ng orphanage tapos hahanap ako ng kwartong matutuluyan niyo mamaya."saad pa ni manang, pagpasok namin sa isang pasilyo, nakita ko na ang mga lamesang punong-puno rin ng mga bata.

"Teka, tignan ko kung may bakante pang upuan."

Nawala sa isip ko. Ang orphanage ay para sa mga batang iniwan o wala ng mapuntahan. Umiwas ako ng tingin, ayoko silang kaawaan dahil pati naman ako ngayon walang mapuntahan.

"Ah doon, may nakita na ako. Sa pinaka-dulong lamesa na lang kayong umupo."turo ni manang sa isang lamesa tapos tinawag niya pa ang isang kasamahan niya yata.

"Beth, paki-asikaso naman sila. Aayusin ko muna kasi 'yung kariton ko sa labas."

"Manang, hindi na po. Masyado na namin kayong na-aabala."saad ko pero ngumiti lang sa akin si manang pati narin 'yung kasamahan niyang lumapit.

"She's right. Malaki ng tulong ang pagpapatuloy niyo sa amin."

Maluwang na maluwang ang ngiti ni manang pati narin 'yung Beth sa CEO.

"Naku Sir, walang anuman po. Tungkulin po namin ito bilang manggagawa."saad pa nung Beth.

"Sige na po, upo na po kayo doon. Babalikan ko po kayo mamaya."sabi naman ni manang at tumalikod na paalis sa harapan namin.

"Kukuhanan ko na kayo ng pagkain-"

"Naku kaya na namin."pigil ko doon sa Beth.

"Pipila na kami doon."dagdag ko sabay turo sa counter.

"Pero-"

"Inaagaw ka na namin sa mga bata. Kanina ka pa nila tinitignan."natawa si Beth sa sinabi ko

"Pero sigurado kayo?"ngumiti ako.

"Sige, magsabi lang kayo kung may kailangan kayo."tumango ako kaagad.

Naglakad narin naman ako papunta sa counter, at sumunod rin naman ang CEO.

"First time?"kasalakuyan na kaming pumipila ng matanong ko ito sa kanya.

"Oo."liningon ko siya at pinasadahan ko ang kabuuan niya.

Sabagay, unang tingin mo pa lang sa kanya, masasabi mo ng hindi niya pa nararanasan ang mga ganito.

"So nagsisisi ka ba na hindi mo pinuntahan ang may-ari ng inn para akitin ito."sabi ko at binalik ko na ang tingin ko sa harapan.

"No, at hindi naman ako sigurado kung babae ang may-ari ng inn."

"At kung babae?"

"Maybe, I'll do what you suggested."

Kumuha na ako ng plato at tissue para punasan ito, tapos binigay ko sa kanya pagka-punas ko. "Gusto mo bang magtanong ako kung babae ang may-ari ng inn?"sinunod kong punasan ang kutsara't tinidor tapos binigay ko ulit sa kanya.

"Gusto mo rin bang seryosohin ko ang biro mo?"

"Ngayon ka pa lang magseseryoso?"sagot ko at sinunod ko narin ang sarili kong plato at kubyertos.

"Kanina pa kayo ako."dagdag ko sabay sulyap sa kanya.

Matagal niya akong tinitigan. "Bakit?"

Bumitiw siya ng tingin, "Nothing."

Mukhang wala na siyang planong dugtungan pa ang usapan namin kaya sa mga bande-bandehadong pagkain ko na lang tinuon ang atensyon ko. Pagkalagay ko ng pagkain sa plato ko, dumeretso na ako sa lamesang tinuro kanina ni manang.

Nagsimula narin akong kumain dahil ngayong kaharap ko na ang mga pagkain, nararamdaman ko narin ang gutom ko.

"What's with you? Hindi mo ba alam maki-sabay kumain sa kasama mo."bungad niya habang umuupo na siya sa upuang nasa kabila, katapat ng akin.

"Sino kasing nagsabi na kasama kita?"sumandal siya sa upuan at tinignan ako ng maigi.

"magkasabay lang tayong natulungan at napapa-kain ngayon."dagdag ko para maliwanagan siya sa sinabi ko.

Ito 'yun, ito ako. Hindi ako naaapektuhan ng kahit na sino. Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, kaya iba ang nararamdaman ng katawan ko at pumapasok sa isipan ko kaninang hapon.

Tumayo siya mula sa kanyang upuan, habang ako tinuon ko na ang pansin ko sa plato ko. Susubo na sana ako ng pagkain pero tumigil rin ako dahil umikot siya at bagkus umupo sa tabi ko.

Hinili niya ang kanyang plato mula sa kabila at siya na ang unang sumubo ng pagkain. Hindi ko na siya tinanong kung anong ibig sabihin ng kanyang kilos, kung bakit niya ito ginawa, o kung ano ba talaga ang gusto niyang isipin ko dahil ang mas pinili kong gawin ay dumistansya sa kanya, inusug ko palayo ang upuan ko sa kanya-

Na hinila rin niya palapit sa kanya kaya nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. "Sir-"

"I'm Carlos Sejero, call me on that name, Kristin."

Sumikdo ang puso ko at ngayon hindi ko alam sa dalawa ang dahilan, kung ito ba ay pagbanggit niya ng kanyang pangalan o ang pagbigkas niya ng akin.

Gusto kong tanungin kung bakit gusto niya akong tawagin siya sa pangalan niya at kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Pero saktong dumating na si manang at umupo na sa harapan naming dalawa kaya inayos ko na ang postura ko.

"Ayos naman kayong dalawa? Wala ba kayong kailangan? Magsabi lang kayo."

"Damit, manang. May ipapahiram ba kayong damit sa kanya. Nabasa ng ulan ang damit niya kanina."

Gusto kong umalma pero hindi ko magawa dahil pinoproseso pa ng utak ko ang mga kilos niya sa akin. Hindi ba talaga titigil ang lalakeng ito, ano ba talaga ang gusto niya?

"Iha, bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad. Baka magka-sakit ka pa niyan."umiling ako.

"Ayos lang ako manang, hindi naman ako masyadong nabasa kanina-"

"You are."putol ni Carlos sa akin.

Kinilos ko ang isa kong paa papunta sa kanya at inapakan siya. Pero hindi niya ito pinansin. Tumingin sa aming dalawa si manang kaya yinuko ko na lang ang ulo ko at nagpatuloy na lang akong kumain.

Pagkatapos naming kumain, hinanapan na ako ng damit ni manang na kaagad naman akong naligo pagkabigay niya ito sa akin.

"Dito ang kwartong pagtutulugan ninyo."saad ni manang pagbukas niya sa isang kwarto.

Ninyo?Gusto ko sanang itanong ito pero nahihiya ako na mag-demand pa ng isang kwarto kaya hindi na lang ako kumibo. At kahit itong si Carlos, hindi umalma.

"Pero, kayo ba'y magkasintahan talaga? Parang wala naman si Sir ng makasalubong kita?"tingin sa akin ni manang.

"Manang, hindi po kami magkasintahan. Paanong magiging kasintahan ko siya, hindi po 'yan mangyayari. Ang totoo po niyan, client po siya ng Boss ko."mahaba kong paliwanang na walang preno-preno.

"Ganoon ba, sabi kasi ni Beth na may namamagitan sa inyo kaya sa iisang kwarto ko kayo dinala."paliwanag rin naman ni manang habang tumingin siya kay Carlos, pero itong lalakeng ito wala man lang reaksyon.

"Sige Sir, dito na po kayo at hahanapan ko ng kwarto si-"

"Kristin po."

"O si Krtistin."

Humakbang na kami paalis ni manang pero nag-salita pa si Carlos."Why don't we just share the room?"

"Manang, halika na po."mas mabuting huwag ko na lang pansinin ang kalokohan niya.

"Maraming salamat po talaga. Hindi ko po alam kung paano ko masusuklihan ang pagmamalasakit niyo sa akin."sabi ko kay manang nang ihatid niya ako sa pagtutulugan ko.

"Ay naku, huwag mong isipin 'yan. Mga Pilipino tayo, nagdadamayan sa hirap."ngumiti ako kay manang at tumango ako.

"Sige na iha, magpahinga ka na."

Nang maisara ko ang pinto, dumeretso muna ako sa harap ng bintana. Kahit nandito ako sa loob, ramdam na ramdam ko ang hagupit ng masamang panahon. Mukhang tumama na ang bagyo sa lugar. Tinignan ko ang orasan, alas-dose na pala ng gabi.

Humiga na ako sa kama at pinikit ko na ang mga mata ko. Wala pang labing-limang minuto ang lumipas ng makarinig ako ng iyak ng mga bata mula sa labas ng kwarto. Kaagad akong bumaba at nagtungo sa pintuan.

Pagbukas ko ng pinto, saktong dumaan sa harapan ko ang babaeng may buhat na sanggol tapos dalawa pang bata na nakakapit sa magkabilang gilid ng kanyang damit.

"Manang."tawag ko kay manang ng makita kong siya ang kasama ng mag-iina.

"Kristin, nagising ka ba namin. Pasensya ka na-"

"Hindi po, manang-"tumingin na ako sa sanggol tapos sa mga bata.

"Dito na po kayo sa kwarto, kailangan po ng sanggol."saad ko, hindi ko alam kung naintindihan nila dahil nababahala talaga ako sa sanggol dahil basang-basa ang babae.

"Pero-"

"Sige na po manang."linuwagan ko na ang pagkakabukas ng pinto. Inanalayan naman ni manang ang babae na pumasok sa loob. Inasikaso na ang mga bata dahil kahit sila basang-basa rin.

"Kamusta na po ba sa labas?"tanong ko habang pinupunasan ko ang katawan at buhok ng bata.

"Malakas ang bagyo kaya patuloy ang mga rescuer sa paglilikas ng mga tao dito sa amin. Kaya nga sinasabi ko kung bakit hindi sila nakinig sa babala, alam nilang may bagyo, pinili parin nilang manatili sa mga bahay nila."saad ni manang sabay tingin na sa babae.

"Hindi ko po alam na ganito ka-lakas ang bagyo."

"Kahit hindi mo alam, isipin mo ang mga anak mo."saad pa ni manang.

May dumating pang isang pamilya kaya pinaubaya ko na ang kwarto at lumabas na ako dito.

"Teka, maghahanap ako ng kwarto-"

"Manang, hindi na po. Alam ko naman pong wala ng bakanteng kwarto-"

"Sa kwartong ginagamit ko, bakante."

"Don't fall on the spur of the moment, for it's a trap of mistakes."

-End of Chapter 2-