Kristin
"I'm not also aware that you're stubborn."umirap ako sa kanya.
"Ngayon alam mo na."
"And you're proud of it? That's not good."
Napatawa ako sa hangin at hindi ko mapigilang kagatin ang ibabang labi ko, mas mabuting panggigilan ko na lang ito para naman mailabas ko ang inis ko sa lalakeng ito. Wala talaga akong salita na papalagpasin niya, lahat sinasagot niya. At ang nakaka-inis, tama siya at mali ako.
Pero teka nga, akala ko ba nakikipag-flirt siya sa akin? Ito ba talaga ang flirting na tinutukoy niya, eh parang gusto niyang maghamon ng away sa akin? Pero kung iisipin ko, hindi ko pa naman naranasan makipag-flirt kaya hindi ako sigurado kung hindi ganito o talagang ganito.
Ah, bakit ko pala iniisip kung nakikipag-flirt ba talaga siya sakin? As if naman, binabalak ko talaga ito...
Medyo! sigaw ng munting tinig sa utak ko kaya ilang ulit kong pinilig ang ulo ko. Jusko, kung ano-ano na ang iniisip ko ngayon.
"Stop running your mind. We're already soaked here."inayos niya ang coat niyang nakapatong sa ulo ko.
"And stop biting your lips, you're turning me into a dangerous man."
Hindi na ako naka-sagot nang hawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako patakbo sa isang silong. Binaba ko kaagad ang coat niya sa ulo ko at sinubukan kong punasan ang basa kong kamay. Nasulyapan ko rin naman na nagpupunas rin siya. Mas basang-basa ang damit niya kaysa sa akin patin narin ang buhok niya-
Tuluyan na akong napatitig sa kanya nang sinuklay niya ang basa niyang buhok gamit ang kamay niya, na mukhang gusto niya pang subukan na patuyuin ito.
Humigpit ang hawak ko sa coat niya habang pinapanood ko siya sa kanyang ginagawa sa buhok niya, tumingin naman siya sa akin kaya humarap na ako dahil sa gulat. Hindi dahil sa pagsulyap niya sa akin kundi sa saglit at malakas na pagpintig ng dibdib ko na parang kinapos pa ako ng hininga ng isang segundo.
Tumingin ako sa gilid at hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko, kung sa daan, sa mga bato, o sa mga puno.
Napapitlag ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang basa kong buhok, at hindi ito ang dahilan kung bakit nawawalan na akong pokus sa paligid ko, ito ay dahil dumikit ang daliri niya sa balat ng balikat ko. Alam ko naman na malamig ang panahon pero kabaligtaran nito ang nararamdaman ko.
Saglit na tumigil na ang paghinga ko nang dumukwang pa siya sa akin, naramdaman ko ang paghinga niya sa balikat ko, parang ito narin yata ang nagsilbing hininga ko dahil ito ang pinapakealaman ko kaysa sa sarili kong paghinga.
"Tumigil ka sa kung anong binabalak mong gawin-"hinila niya sa kamay ko ang coat niya kaya napaharap ako sa kanya.
"I was planning to get my coat. And I didn't stop because it's mine, after all."kaswal niyang saad.
Sa abot ng aking makakaya, pinigilan kong mamula at mahiya sa harapan niya ngayon. Kaya nagawa ko rin na maging deretso ang mukha ko sa kanya.
"Ah, nakalimutan kong coat mo pala 'yan."umiwas siya ng tingin pero nakita kong may sumisipol na ngiti sa labi niya.
"Totoo nga, nakalimutan kong-"hindi ko rin tinuloy dahil umepekto narin ang hiya ko sa kanya. Tumagilid na ako at hinintay ko na lang na tumila ang ulan kaysa tuluyan kong ipahiya ang sarili ko sa harapan niya.
Naglakad na ako paalis sa silong nang tuluyan ng tumigil ang ulan. Hindi ko na siya muling liningon kahit naramdaman kong nasa likod ko siya. Kasi malamang, nasa likod ko siya dahil hindi ko ito daan at naghahanap rin siya ng matutuluyan. Napakasimpleng dahilan kung bakit binigyan ko ng ibang kahulugan ito. Galing, mapalakpakan ko nga ang sarili ko pag-alis ko sa islang ito.
"Sorry, ma'am, but there are no already rooms available right now."bumagsak ang balikat ko at na-iyuko ko na lang ang ulo ko sa front desk ng inn.
"Miss, kanina pa ako lakad ng lakad, ginaw na ginaw na ang katawan ko-"tumigil rin ako sa pagsasalita. Kahit ano pang pagmamakaawa ko dito, wala ng kwarto at wala naring magagawa ang empleyado sa sitwasyon ko.
Pero saan ako pupunta ngayon? Halos, natutuyo na ang damit ko dahil kanina pa ako libot ng libot sa lugar para makahanap ng matutuluyan.
"Miss parang awa mo na, ito na ang huling inn na matatagpuan dito sa isla, kung walang bakanteng kwarto, kahit ano na lang diyan basta may matuluyan lang ako."
"Pasensya na talaga, ma'am. Kahit kami hindi namin inaasahan na mapupuno ang inn ngayon. Lahat po kasi ng mga na-stranded, nandito."
Miss, pati naman ako na-stranded dito, so bakit wala akong kwarto ngayon? Sige nga, ipaliwanag mo. Bakit nandito parin ako sa labas ngayon kung lahat ng na-stranded ay nasa kanya-kanya ng kwarto ngayon at malamang humihigop na ng kape?
"Ganoon ba? Kaya naman pala wala ng available na kwarto. Sige, thank you."sabi ko at tumalikod na.
Bumaling ako sa CEO na hindi linulubayan ang likod ko, buti sana kung may tulong. Bumalik ang tingin ko sa receptionist tapos sa CEO ulit.
"Tutal nandito ka naman, gumawa ka ng paraan."mahina kong sabi pagkalapit ko sa CEO.
"They don't know me here yet."inikot ko ang mata ko sa sinagot niya.
"Gamitin mo ang mukha't katawan mo."mababang saad ko ulit.
"What?!"
Lumingon ako sa receptionist at ngumiti sa kanya, tapos binaling ko ulit ang mga mata ko sa CEO. "Bakit mo linalakasan ang boses mo, mahahalata ng receptionist."sabay tapak ko sa paa niya
"Fuck."daing niya. "Ano ba kasing gusto mong gawin ko?"
"Hindi ko alam, ikaw ang lalake, dapat alam mo kung ano paano makuha ang isang babae."gulat siyang tumingin sa akin.
"You mean, you want me to seduce that lady for a fucking room only."saad naman niya na ikinasama ng tingin ko sa kanya, hindi sa fucking niya kundi sa room only.
"Mas importante ang kwarto kaysa sa pag-iinarte mo."hindi siya kumilos.
"Sige na, kindatan mo, ngitian mo, o kahit maghubad ka na sa harapan niya."
"If ever that she will give me a room, then are we going to share?"
Ilang ulit akong kumurap sa harapan niya. hindi siya kumilos. Oo nga no, maaaring bibigyan siya ng receptionist pero imposible ako.
"Hindi, sina-suggest ko lang sayo."saad ko at humakbang na ako palabas sa inn.
"Even if I seduce the lady, they will not still provide me a room."saad niya nang maabutan niya ako sa paglalakad.
"Wala kang tiwala sa sarili mo."
"I have, but I don't trust the lady."sumulyap ako sa kanya.
"Empleyado rin lang naman siya sa inn, ang may-ari parin ang magdedesisyon."dagdag niya habang nakatingin parin siya sa harapan.
"Kung ganoon, iyong may-ari ang akitin mo."
"That's even better, as long as it's a woman."
"Paano kung may asawa?"
"Then, I'm doom."
Pareho kaming natawa sabay baling ko na sa harapan.
"Damn, I regretted not looking at you."nai-tagilid ko ulit ang mukha ko sa kanya na ngayon ay nakabaling na siya sa akin.
"You laughed, and I didn't see it."umiwas ako ng tingin.
"Pinagsasabi mo-"
"If I did, that would be the first time I see you laughing."
"Huwag kang bumanat, gabi na, bumabagsik narin ang panahon, at siguradong bubuhos na ulit ang malakas na ulan pero wala parin akong nahanap na matutuluyan ko."mahaba kong sabi at hindi ko na napigilang yakapin ang sarili ko dahil kanina pa talaga ako linalamig.
Pinatong niya sa akin ang hawak niyang coat kaya tuluyan narin akong napahinto sa paglalakad.
"Tinapat ko kanina sa mga heater kaya tuyo na'yan."
"sa mga heater?"tanong ko habang sinusuot ko na ang coat niya.
"Inisa-isa ko ang heater ng mga inn na pinuntahan mo."
Na-udlot ko ang pag-susuot ko sa coat niya dahil napatitig na ako sa kanya.
"Wait, stay here."saad niya pero sa likod ko na siya nakatingin.
Pagkasabi niya, umalis na siya sa harapan ko habang tuluyan ko ng sinuot sa sarili ko ang coat. Tapos humarap narin ako para tignan kung saan siya pumunta.
Nakita ko naman na may tinutulungan siyang babae sa pagpupulot ng mga nahulog na mga plastic mula sa isang kariton. Lumapit narin ako para tumulong rin.
"Naku, salamat sa inyo--iha?"umangat ang tingin ko at tumigil ako sa pagpupulot ng mga plastic.
"Manang, kayo po pala 'yan."saad ko nang makilala kong siya pala ang babaeng tumulong sa akin.
"Anong nangyari?Hindi na ba kayo pinayagan na pumalaot?"umiling ako sa tanong ni manang.
"Hindi na po, manang."
"Delikado kasi kung papayagan pa kayo."ngumiti ako at tumango.
"Pero ano pang ginagawa mo dito?"tanong ni manang sabay lipat ng tingin sa CEO.
"Naghahanap po ng matutuluyan, manang. Wala na po kasing available na kwarto sa mga inn."
"Kung gusto niyo tumuloy na kayo sa pinagtatrabahuan kong orphanage."