Kristin
"The waves are already high, so we are not allowed to ride a boat now."
Hindi ako bumaling sa taong tumabi sa akin at lalapit narin sana ako sa coast guard pero may pumigil na sa kamay ko.
"Anong plano mong gawin?"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at humarap na dito. "Sir, pwede huwag niyo na akong lapitan o kausapin dahil hindi tayo magkakilala."
"But I know you."
"Oh talaga?"buong kumpiyansa siyang tumango sa panunubok kong tanong sa kanya.
"Paano?Paki-explain kung bakit mo ako kilala?"magkasunod kong tanong at tuluyan na akong humarap sa kanya.
Nakalimutan ko na nga na hindi kami makakasakay ng bangka ngayon, hindi ako makaka-uwi, at kung saan ako matutulog ngayong gabi.
"Nagkita na tayo sa Manila."
"Hindi porke't nagkita na tayo sa Manila, magkakilala na tayo."
"Nagka-usap narin tayo."
"Kahit nag-usap tayo, hindi parin tayo magkakilala."
Parehong deretso ang mga mata namin at walang kahit na sino sa aming dalawa ang kayang tanggapin ang sariling ideya ng isa't isa.
Hindi ako naka-imik ng lalo siyang lumapit sa akin.
"Hindi parin ba kita kilala kung nakalapit na ako ng ganito ka-iksing distansya sayo, at isa pa hawak ko rin ang kamay mo ngayon?"
"Anong ginagawa mo, Sir?"banta ko sa kanya pero habang tumatagal, humihina ang boses ko.
Ilang ulit narin akong nalapitan ng ganitong distansya ng mga nakilala kong mga lalake, at wala naman akong kahit na anong naramdaman. Kaya naiinis ako sa sarili ko dahil bakit ganito na lang ang epekto ng lalakeng ito sa akin.
"See. You called me sir, that means you know me."
Umangat ang ulo ko dahil mas matangkad siya kaysa sa akin, nakatuon lang naman ang atensyon niya sa akin, naghihintay yata ng ilalaban kong salita pero winagayway ko na ang isa kong kamay sa harapan niya.
"Oo na, oo na. Tama ka, magkakilala na tayo. Pero hindi ibig sabihin na magkakilala tayo pwede mo ng hawakan ang kamay ko at lumapit sa akin ng ganito."hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at umatras na ako.
Pero napalapit rin ako sa kanya nang bigla na lang kumulog. Tumingala ako sa kalangitan, sobrang dilim na nito at nararamdaman ko narin na lumalakas ang hangin.
"Hindi na talaga ako makaka-uwi ngayon sa ganitong kalagayan ng panahon."
"You finally realized it at last."
Bumaba ang tingin ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Lumayo na ulit ako sa kanya at hinanap na ng mga mata ko ang coast guard upang magtanong.
"Sinong hinahanap mo?"
"coast guard."
"In what reason?"
"magtatanong."
"Ano pang itatanong mo? Nagpaliwanag na ang mga coast guard kanina, hindi ka lang nakinig-"pabalang akong bumaling sa kanya.
"What?"kalmadong tanong niya lang sa akin.
Mas lalo kung inobserba ang payapa niyang mukha. Ah, gusto akong inisin ng lalakeng ito. Bakit? Pampamatay oras. Bakit? Dahil wala siyang ibang gagawin. Bakit sa akin? ako lang ang kakilala niya dito. Kaya hindi dapat ako magpatalo sa kanya.
Bumitiw na ang tingin ko sa kanya dahil napansin kong lumalalim ang mga mata niya sa akin na para bang gusto niyang basahin ang iniisip ko.
"Kailan sila nagpaliwanag?"tanong ko.
Dumikit ulit siya sa akin, nauubusan na ako ng pasensya sa lalakeng ito. "Nagtanong ako, hindi ko sinabing lumapit ka sir."
"I'll answer you but with proof."tinagilid ko ang mukha ko at kunot ang noo kong tumingin sa kanya.
"Nagpaliwanag sila kanina..."yumuko siya at linapit niya ang mukha niya sa akin, napalunok ako dahil hindi ko maiwasang hindi tumingin sa labi niya "nang magkadikit tayo ng ganito, mukhang ang buong atensyon mo kanina ay nasa akin at hindi mo na naririnig ang paligid mo."
"Just like now."
"Oo, dahil kanina ko pa gustong alamin kung ano ba talaga ang pakay mo ngayon sa akin."kalmadong-kalmado ang boses ko kahit hiyang-hiya na ako sa loob ko, alam niyang naaapektuhan ako sa presensya niya.
"flirting you."nahugot ko ang hininga ko sa sinagot niya.
"sa ganitong sitwasyon?"
"Why not? It's the perfect time for it."napakasimple niyang sagot sa akin, na muntik ko ng pinagkamalan na ito ang pinaka-normal na sagot na narinig ko na.
Hindi na ako sumagot at ilang segundo pa akong nakatayo malapit sa kanya hanggang sa nahila ko rin ang sarili kong lumayo.
Pinagmasdan ko ang bumabagsak na matataas na mga alon sa pampang, sa paraang ito gusto kong pakalmahin ang sarili ko at umayos. Pangalawang beses pa lang kaming nagkita ng lalakeng ito, kaya nahihiwagaan ako kung bakit ganito na ang takbo ng usapan namin. Anong sitwasyon ba kanina, nagsimula ang ganitong mga salita namin?
Ano na ulit....?Hindi ko maalala sa anumang nangyaring usapan sa pagitan namin kanina, dahil mas nauuna kong iniisip ang epekto niya sa akin.
"Ano pala ang sinabi ng mga coast guard kanina, sir?"sinubukan kong maging normal ang pagtatanong ko pero isang minuto narin ang lumipas, hindi pa siya nagbibigay ng kasagutan.
Bumaling ako sa kanya at gumalaw ang pareho kong kilay nang makita ko siyang naka-ismid.
"Bakit ganyan kayo?"
"Napansin ko lang na palitaw-litaw ang pagtawag mo sa akin ng sir. I'm only curious about it."
Matagal akong hindi naka-sagot, hindi ko inaasahan na pupunahin niya ito. Pero nagpapasalamat narin ako dahil nagising ako dito. Humarap na ako sa kanya.
"Ah, pasensya ka na sir. Hindi ko po namalayan."saad ko at naglakad na ako paalis sa harapan niya.
"Sir,may bagyo po ba na paparating?"lapit ko sa isang coast guard na mukhang binabantayan parin ang mga bangka sa pampang.
"Yes ma'am. Nakatanggap kami ng warning kanina na lumihis ang bagyo mula sa tatahakin sana nitong direksyon. Sinabi rin ng ahensya na dito ang minamataan na ng bagyo."
" Ah, ganoon po ba sir."tumango sa akin ang coast guard.
"Huwag kayong mag-alala. May mga inn naman na pwede niyong pagtuluyan ngayon."
May mga lumapit naring iba at nakinig narin sa paliwanag ng coast guard. Saglit akong napasulyap sa gilid habang nagsasalita ang coast guard dahil nahagip ng mata ko ang CEO na nakatayo rin sa tabi.
"At ipapaalam ko lang sa inyo na sa mga susunod na oras, hihina na ang signal kaya kung gusto niyong ipaalam sa mga pamilya niyo na na-stranded kayo dito, tawagan niyo na sila ngayon."
Nagpasalamat muna kaming mga nakinig sa coast guard bago kami naghiwa-hiwalay upang kumilos na sa dapat naming gawin. Naglakad na ako paalis sa pampang at tumungo na ako sa daan upang tawagan na si Mama.
Linabas ko na ang cellphone ko mula sa bag ko at kinalikot ito. Mabilis kong tinawagan si Mama nang makita kong ilang ulit na pala siyang tumawag sa akin.
"Hello Ma-"
"Sumagot ka narin Kristin, kanina pa kita tinatawagan."saad ni Mama sa kabilang linya at ramdam kong naiinis siya sa akin, pero nahimigan ko parin ang pag-aalala niya sa akin.
"Napanood ko sa tv na diyan sa Isla Tala tatama ang bagyo."
"Oo ma, kaya hindi na kami pinayagan ng mga coast guard na bumalik ngayon."saad ko.
"Oo anak, mas mabuti na pakinggan niyo sila. Mas delikado kung papalaot pa kayo."tumango ako.
"Opo, ano ma, hihina ang signal dito kaya baka hindi niyo ako ma-contact sa mga susunod na oras na."
"Naiintindihan ko, basta mag-ingat ka diyan."sabi pa ni Mama bago niya pinatay ang tawag.
Linagay ko na ang cellphone ko sa bag ko at nagsimula na akong maglakad para maghanap ng matutuluyan. Lalo na't kahit hapon pa lang, madilim na ang kalangitan at lumalakas narin ang ihip ng hangin.
Ang problema, wala akong makitang sakayan para sana magpahatid na lang sa malapit na inn dito. Wala narin akong masyadong nakikitang tao sa mga daan ng isla.
Napatigil ako ng maramdaman kong parang may taong sumusunod sa akin, lumingon ako dito at hindi na ako nagulat ng makita ko ang CEO ulit.
"Sinusundan mo ba ako?"tanong ko.
"No, naghahanap ako ng inn na matutuluyan."
Hindi ako kaagad nakasagot. Bakit ko ba kasi naisipan na sinusundan niya ako, nakakahiya tuloy.
"Saang direksyon ka pupunta?Dito ba o sa bandang ito?"tanong ko sabay turo sa magkabilang daan.
"Why are you asking?"
"Para iwasan ko."umismid na naman siya na nagdulot lang ng lalong pagka-inis ko sa kanya.
"Did I do something wrong to you?Why are you so irritated?"
Tinuro ko ang sarili ko na parang hindi pa ako makapaniwala na sinabi niya sa akin. "Hindi ako naiirita sayo, Sir. Ang kalma-kalma kaya ng mukha ko."
"Umuusok ang ilong mo."
Mabilis kong tinakpan ang ilong ko. "Hindi kaya."
Mahina siyang natawa kaya tumalikod na ako at humakbang na paalis ulit. Bumaling ako sa kanya ng makita kong nasa kabilang gilid na siya ng daan at pinantayan ang bawat hakbang ko.
"Pwede bang maglakad ka na lang sa ibang daan."
"Why should I do that? You don't own this road."
"Hindi ko man pag-aari ang daan na ito, ako ang nauna dito."bwelta ko sa sinabi niya.
"And so?It doesn't mean you have any rights in this road."
Nakaka-inis talaga, tama lahat ng sinasabi niya. Pero hindi ako magpapatalo dito. Huminto na ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Hindi ko alam na magaling ka pa lang makipag-debate."
"Indeed, I'm a businessman, after all."ilang ulit akong tumango.
"Oo nga, kasalanan ko na kina-usap pa kita. Pasensya na po-"
Napatigil ako at napaigtad ng maramdaman ko ang patak ng tubig sa balikat ko. Hindi ko namalayan na tuluyan ng bumuhos ang ulan. Pero nagawa ko paring tignan siya ng masama dahil talong-talong ako sa lalakeng ito.
Tumakbo siya palapit sa akin tsaka niya sinimulang hubarin ang suot niyang coat.
"Huwag mong sabihin na plano mong itakip 'yan sa akin-"
"Tama ka."nahubad na niya ito at mabilis niya nga na pinatong sa ulo ko. Kaagad ko namang hinawakan ang coat para alisin sa akin.
"Hindi ko kailangan ito-"
Hinawakan niya ang pareho kong kamay para pigilan ako. Masamang tingin naman ang pinukol ko sa kanya.
"I'm not also aware that you're stubborn."