Chereads / Burning Romance (Tagalog) / Chapter 9 - Don't fall on the spur of the moment (b)

Chapter 9 - Don't fall on the spur of the moment (b)

Kristin

"Natural bang makaramdam ng init sa katawan kapag naididikit nating mga babae ang balat natin sa mga lalake?"

Matagal na hindi nag-salita ang dalawa dahil pareho lang silang nakatitig sa akin na para bang ako ang nasisiraan ng ulo sa aming tatlo.

"Hindi natural, dahil hindi ko pa 'yan naramdaman."sagot ng nakabusiness coat na babae.

"Dear, baka may sakit ka. You need to visit your doctor and have a check-up."

Natanga na lang ako sa parehong sinagot ng dalawa. Wala man akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay pero hindi naman ako ignorante. Hindi lang ako sigurado, pero alam kong imposibleng maging natural ito, hindi lang naman 'yun ang unang lalake na dumikit sa balat ko. Kapag naman hinahawakan ako ng ibang lalake, wala namang epekto pero sa lalakeng 'yun parang naghahatid ito ng init sa aking katawan.

Gusto ko lang siguraduhin at alamin kung anong ibig sabihin nito. Pero mas malala pala ang dalawang babaeng kaharap ko ngayon. O baka naman gusto nilang ipa-intindi sa akin na obvious naman ang sagot?

"Nagbibiro kayo no? Hindi naman ako nagpapaka-inosente, kaya lang gusto ko lang talagang siguraduhin-"

"What are you saying?"

"Bakit kita bibiruin, hindi naman kita kilala."

"Oh, you don't know her."

"Hindi lang siya, pati ikaw."

"Hindi ko rin kayo kilala."saad ko narin.

"Me too, I don't know you both."pagtatapos na ng sopistikadang babae sa usapan namin.

Sabay-sabay kaming sumandal sa upuan at tumungga sa kanya-kanya naming hawak na bote. Wala na sa amin ang nagsalita at panay na lang ang inom namin.

Napatingin ako sa sopistikadang babae nang umayos siya sa pagkaka-upo at linabas niya ang kanyang cellphone mula sa clutch bag niya. Inalis ko na ang mga mata ko sa kanya ng kinalikot niya ito, kinuha ko na lang ulit ang bote at tinapat na sa labi ko.

"Doc, what does it mean if a man touches you and you feel hot?"mabilis na bumalik ang tingin ko sa kanya, may ka-tawag na ito sa cellphone niya. Kahit ang babaeng nakasuot ng business coat napabaling narin sa kanya.

Saglit na linayo ng babae ang kanyang cellphone at may pinindot ito, hanggang sa narinig ko na ang boses ng ka-tawag niya.

"A certain man or any man?"sinenyas ko sa kanya ang isa.

"P*ny*ta, parehong sira ang ulo niyong dalawa."

Hindi ko pinansin ang pagmumura ng babaeng nakabusiness coat, at tinuloy lang ng isa ang pakikipag-usap niya habang tumungga ulit ako dahil hindi ko na mahintay ang sagot ng doctor.

"You're sexually attracted."

Bumara ang alak sa lalamunan ko nang marinig ko ang sagot ng doctor. Kaya napa-ubo ako, inabot naman sa akin ng nakabusiness coat ang mineral water na kinuha pa niya sa loob ng bag niya. Binaba ko na ang hawak kong bote at tinanggap ang tubig.

"You mean Doc, gustong maka-sex ang lalake-"

"Crazy woman!"hiyaw na ng nakabusiness coat tsaka kaagad na hinablot ang cellphone at pinatay ito tsaka pinatong rin sa lamesa.

"Gusto ko lang naman na matulungan siya sa problema niya."nakasimangot ng sagot ng sopistakadang babae.

"Bakit mo siya tutulungan, kilala mo ba siya."

"No. At bakit mo ako pinapagalitan, hindi rin naman kita kilala."

"Tama ka, pasensya na."

I'm attracted to that man sexually? Imposible! Bakit ko naman mararamdaman sa kanya 'yun, isang beses ko pa lang naman siyang nakita. Pwede ba 'yun?

Hinaplos ko ang kamay kong nadampihan niya, napahinga ako ng malalim.

"Paki-buksan pa ako ng isang bote."paki-usap ko sa babaeng naka-business coat.

Mabilis kong inabot ang bote nang mabuksan ito at kaagad ko ring itinaas para uminom dito.

"Huwag mong sabihin na sa kanya nanggaling ang limang libo na 'yan?"

Tumango ako at hindi ko na inabalang tinignan kung sino ang nagtanong. Hanggang sa hindi ko namalayan ang sarili ko na kinu-kwento ko na pala ang nangyari noong Biyernes.

At hindi ko rin alam kung sino sa aming tatlo ang unang sumuko at kung anong oras ako umuwi, basta paggising ko, sobrang sakit na nang ulo ko.

Masakit man ang ulo kong gumising, pinilit ko paring bumangon at mabilis na nag-ayos ng sarili dahil ayokong mahuli ulit sa trabaho. Dahil dito, gumulo ang utak ko ng kulang-kulang na tatlong araw.

"Ang aga mo naman, Kristin."puna ng security guard sa akin. Na-trauma yata talaga ako dahil naunahan ko pa ang sekyu namin.

Ngumiti na lang ako. "Magandang umaga po."sunod kong bati. Nagawa ko parin kahit kumikirot ang ulo ko at hilong-hilong ako. Hindi ko alam kung ilang San Mig Light ang nainom ko kagabi.

Sumandal muna ako sa sofa na nasa reception area namin habang hinihintay ko ang start ng time-in namin.

Nang makita kong pwede ng magtime-in, tumayo na ako para gawin ito tsaka ako bumalik ulit sa sofa at pumikit.

"Ang aga mo, Kristin."

Tumango lang ako dahil ilang ulit ko narin na narinig sa mga sumunod na dumating kanina.

"Uminom ka kagabi, no."bumaling ako sa kasamahan ko.

"Oo."walang lakas kong sagot. Siguro naparami talaga ang inom ko kagabi dahil lutang talaga ako.

"Nakabukas na ang working area."tumayo na ako mula sa sofa at naglakad na ako patungo sa working area namin.

"Kristin, may personal delivery ka pala bukas ng maaga."habol ng ckecker namin, hindi na ako lumingon at tumango na lang ulit ako.

"Sa isla Tala."napahinto ako at napaharap ng 'di oras sa checker namin.

"Paki-ulit."

"Sa isla Tala."

Nagising kaagad ang nahihilo kong diwa dahil sa binanggit na lugar ng checker namin.

"Teka, sa labas na ng Manila 'yun. Kalahating araw ang biya-biyahe-in ko para makarating diyan, sasakay pa ako ng bangka para makatapak sa isla."tuloy-tuloy kong saad.

"Kaya nga sinabi ni Ma'am na may hazard pay ka at overtime."

"Mabuti 'yan pero may trabaho ako sa hapon."

"Wala ka namang choice, punishment mo parin ito sa pagkaka-late mo."katwiran ng checker namin kaya hindi na ako naka-sagot.

Tumalikod na lang ako. "Agahan mo bukas, alas-sais nandito ka na para kunin ang parcel."

*********************************************

Carlos

"Sir, sino po 'yang ginuguhit ninyo?"

My hand immediately stopped as I looked at my secretary. "I don't know."

"Teka, parang nakita ko na ang babaeng 'yan, Sir."mas lalong lumapit ang secretary ko at tinignang mabuti ang mukha na naka-guhit sa sketchpad.

"Hindi po ba, ito 'yung babae noong biyernes, Sir. Iyong binigyan ko ng limang libo."

Mabilis kong iginilid ang sketchpad at tinignan ko ito. Yes, it's her.

"Bakit niyo po ginuguhit ang mukha niya, Sir?"

Exactly, why am I sketching her face? I have no idea.

"Ah, nagsisisi po ba kayo na basta niyo na lang siya pina-alis. Gusto niyo po bang itawag ko para mabigyan po siya ng leksyon."mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi ng sekretarya ko.

"Why would you do that to her? At matanong ko nga kung bakit limang libo lang ang binigay mo sa kanya, kulang 'yun."

"Sampung libo po ba ang gusto niyo-"

"Twenty thousand."

My secretary was deafeningly silent for a long moment. So, I turned back my eyes to the papers in front of me.

"Kung magiging estatwa ka rin sa harapan ko, mas mabuti pang bumalik ka na sa desk mo, Richard."

"Oo nga Sir, muntik na po akong nawalan sa tamang katinuan kanina."

Inangat ko ang tingin ko sa secretary ko. "Babalik na po ako sa desk ko."

"Good idea."tinuon ko na ang atensyon ko sa mga papel.

"Ah Sir, sinabi po pala ng Chairman na kailangan niyo pong pumunta sa Isla Tala, bukas."

"Why?"

"Namatay raw po ang isa sa mga kaibigan niya at dahil nasa ibang bansa po siya ngayon, kayo na lang po raw ang makiramay para sa kanya."

Binuklat ko ang sumunod na folder sa table ko at binasa ang laman nito.

"Bakit ako makikiramay, hindi ko naman kilala ang namatay."I abruptly answered.

"Anak po kayo ni Chairman."

I looked at my secretary to inform him that I would not be visiting the funeral.

"Richard, I have a lot on my plate." I replied.

"Alam ko po Sir, secretary niyo po ako eh. Pero utos po ito ni Chairman sa akin na papuntahin kayo sa Isla Tala."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Fine."

"Agahan niyo po Sir, bukas-"

"Bukas?May meeting ako bukas ng hapon."

"Kaya nga po Sir, agahan ninyo para makabalik rin kayo dito kaagad."

Napatayo ako at bubulyawan ko na sana ang secretary ko pero mas mabilis siyang umalis sa harapan ko.

"Salamat Sir!"sabi na niya sa labas ng pintuan.