***Β
Β CHAPTER 1: (SOLD TO HELL)
"ANO BA? WALA KA NA BA TALAGA IBANG BALAK GAWIN KUNDI UMINOM NG UMINOM? WALA NA NGA TAYO MAKAIN DITO! TAPOS YUNG KATITING NA SWELDO MO SA PAGKOCONSTRUCTION, UUBUSIN MO PA DYAN SA MGA BISYO MO! KUNG GANYAN KA NG GANYAN, MAS MAIGI PANG LUMAYAS KA NA SA PAMAMAHAY KO! " malakas na sigaw ni nanay, mula sa sala.
Nagbabangayan na naman sila ni tatay, mukang may malaking problema na naman ata si tatay. Hindi naman kumibo si tatay at padabog na lamang isinalampak ang pinto, pagkalabas ng bahay.
Hindi naman kase talaga ganong walang pakialam si tatay. Hindi rin sya madalas mag inom. Nakikitagay lang sya dun sa mga tambay sa kanto, para di na mapasabak sa gulo. Mapilit kase yung mga tambay sa kanto sa lugar namin, pag di napagbigyan, uupakan ka na agad ng walang sabi sabi. Sa lagay ni tatay, baka hindi na naman sya pinasweldo ng kupal nyang amo, dahil dati syang ex convict.
Masakit man isipin. Pero napagbintangan lang non si tatay na pumatay ng isang menordeedad sa may bayan. Limang taon na ang nakakalipas. Tatlong taon syang napiit sa kulungan dahil sa kasalanang hindi naman nya ginawa, ng mga panahong nagmagandang loob lamang naman sya, sya pa ang pinagbintangan. Wala kaming magawa nun nila nanay, kase mahirap lang kami, at dinidiin sya ng mga mayayamang bagong salta na nakakita 'daw' sa pagpatay nya sa menordeedad, na ang duda koy sila talaga ang tunay na gumawa. Wala naman akong sapat na katibayan para pagtakpan si tatay, dahil wala akong matibay na ebidensya, at wala ako ng panahong nangyare ang krimen. Isa pa, sino ba naman ang mangangahas maniwala sa isang pitong taong gulang na tulad ko ng mga panahong yon? Wala. Kalokohan yun kung nagkataon. Binigyan man kami ng gobyerno ng pagkakataong depensahan si tatay sa pamamagitan ng public lawyer, ay wala ring nangyare. Isang malaking hunghang, at gungong ang lawyer na ibinigay sa pamilya namin, kaya hindi man lang nahirapan ang kabilang panig. At nadiin si tatay, at nakulong sa loob ng tatlong taon.
Dahil sa naiwang record, naging madalas ang pagbully sa kanya at sa aming pamilya ng mga taong wala namang alam sa totoong nangyare. Simula ng makaalis sa bilangguan palagi na ding nag aaway sila nanay at tatay. Sinisisi ni nanay si tatay dahil sa nangyare limang taon na ang nakakalipas.
Ang katiting na perang naitatago ni tatay, ay binibigay nya pa sakin ng pasikreto, upang magamit ko sa pag aaral. Dose anyos na ako ngayon. At marami akong kailangang bayaran sa school, dahil kahit pa sabihing full scholar ako, ay sa isang pribadong paaralang aking pinapasukan ay hindi maiwasang hindi paren kami magkaroon ng babayarang ginagawang compulsory sa aming paaralan, tulad ng mga projects, fieldtrips at iba pa na may kinalaman sa aking pag aaral.
Mula sa maliit na bintana ng aming bahay malapit sa mesang ginawang lababo, ay dinungaw ko ang papaalis na pigura ng aking ama. Sa tindig pa lamang ay mukang mainit ang ulo nito.
Ngayong mga nakakaraang buwan, ay hindi na sya nakakapagbigay kay nanay, pati ang pasikretong perang ibinibigay nya sa akin ay kanya na atang nakaliligtaan. Nakapanlulumong isiping baka marahil napakalaki na ng kinikimkim ni tatay sa bigat ng kanyang pasanin dahil sa mga ginagawang pagtrato ng mga tao sa paligid dahil sa nangyare limang taon na ang nakakalipas.
Lumipas ang tatlong linggo, at hindi na muling bumalik pa sa aming bahay si tatay. Nakikita ko palagi si nanay na nag alalang nag aabang sa labas ng aming bahay gabi gabi, kapag sa tingin nya ay tulog na ako. At kapag naman nakita nyang gising ako, ay magpapatay malisya siya, at kikilos na walang pakialam kay tatay.
Kinabukasan, ay naisipan kong puntahan na lamang si tatay sa kanyang pinagtatrabahuhan. Doon ko nalamang tinanggal na sya ng amo nya sa trabaho. Dahil pinagbintangan sya nitong ninakaw ang perang itinatago nito sa opisina nya.
Halos umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo, sa sobrang galit dahil sa nalaman ko. Alam kong hinding hindi yun magagawa ni tatay. Kaya sa kabila ng kagustuhan kong basagin ang bungo ng hinayupak na ex boss ni tatay, ay kinalma ko ang aking sarili, at tinanong kung saan ko sya matatagpuan.
Sinabi naman nito agad ang lokasyon ng aking ama, nakikitira pala ito sa isang kaibigan. Hindi ko lubos maisip na may kabigan sya, kaya masaya akong malaman yon.
Nalaman kong naroon sya sa karatig bayan, tatlong kilometro ang layo mula sa amin. Masaya ko itong tinungo, upang ibalita na hindi na galit sa kanya si nanay, at nag aalala na ito sa kanya.
Pag karating ko dun, ay agad akong sinugod ng yakap ni tatay, damang dama ko ang pangungulila nya saamin sa higpit ng kanyang yakap ng salubungin ako, matapos ko sya tawagin.
Napansin ko ang kakaibang pamumula ng kanyang mata, at ang pagbagsak ng timbang nya.
"ayos lang po ba kayo dito tatay? Nakakain po ba naman kayo ng tatlong beses isang araw? " nag aalala kong tanong habang sinisipat sipat ang lagay ng aking butihing ama.
"ayos naman ako iha." wika nyang nakangiti.
Ngunit nababagabag talaga ako sa kakaibang pula ng kanyang mga mata,At sa pagbagsak ng kanyang timbang.
" tay, bakit po mapula ang mga mata nyo? " nag aalala kong tanong, habang sinisipat sipat ang muka ni tatay.
"ah! Eh.. W-wala lang naman ito iha! K-kinamot ko kaset k-kanina pa nangangati!" utal utal na turan ni tatay saka nag iwas ng tingin.
Hindi ko na lamang ito pinansin at masayang ibinalita sa kanya ang pagkawala ng galit sa kanya ni nanay, na kinausap ko na ito ng masinsinan at pinababalik na sya.
Hindi kumikibo si tatay, bagkus ay sumilip sya sa labas mula sa bukas na pintuan ng maliit na bahay ng kanyang kaibigan. Kitang kita na nakain na ng dilim ang liwanag. Sumilip ako sa orasang nakasabit sa may dingding at hindi namalayang alas otso na pala ng gabi. Halos hindi ko namalayan ang takbo ng oras habang masayang kakwentuhan si tatay na mukang kanina pa may bumabagabag, base sa tindi ng pagkakunot sa kanyang noo, at parang halos lumuwang mga mata.
"sa tingin koy mas maigi kung dito ka na lamang magpalipas ng gabi iha. Bukas na lamang tayo umuwi sa iyong ina, alam ko namang maiintindihan nya, dahil delikado na lumabas pa ng bahay sa ganitong oras" nakangiti nyang sabi, ngunit dahil sa itsura nya ngayon ay hindi ko maiwasang hindi kilabutan. Muka syang adik sa itsura nya at sa pula ng kanyang mga mata.
Muli kong ipinagsa walang bahala ang aking napapansin, at nakangiting sumang ayon kay tatay.
Nang dumating ang isang matangkad at mapayat na lalaking may kaputian ang balat. Ay agad itong sinalubong ni tatay. Ipinakilala sya sa akin bilang kanyang kaibigan. Agad ko naman itong binati ng malawak na ngiti at malaking pasasalamat sa pagkupkop kay tatay sa loob ng mga nakaraang linggong pag alis nya. Sinuklian nya ako ng isang matamis na ngiti sa labi, saka niyayang sumalo sa inuwi nyang letsong manok. Na masaya naming kinain bilang hapunan.
Kinabukasan, malawak ang ngiting binati ko sila tatay ng isang magandang umaga, ngunit agad silang nahinto sa masaya nilang pag uusap ng kanyang kaibigang si tito Lito. Ang nag iisang kaibigan ni tatay, at sya ding may ari ng bahay.
Sinabi ni tatay na ihahatid na daw kami ni tito Lito sa bahay, dahil mayroon itong tricycle, na agad ko namang sinang ayunan.
Ngunit habang binabaybay namin ang daan, napnsin kong ibang ruta ang tinatahak namin, malayo sa dereksyon kung saan kami nakatira. Agad akong nagpanik ng mapansing walang pakialam dito si tatay.
"tay? Ano pong nangyayare? Hindi naman po ito ang ruta papunta sa bahay natin ah? " takang tanong ko kay tatay, saka kinalabit si tito Lito.
"tito! Sa bandang kaliwa po ang papunta sa bahay, hindi po dito!" parang tinatambol ng napakalas ang dibdib ko, bakit parang may mali sa mga nangyayare.
"t-tay?" natatakot kong turan, nang makita kong nagtanguan si tatay at tito Lito, bago pa si tatay naglabas ng isang panyo, saka itinakip sa ilong at bibig ko. Unti unting nanlabo ang paningin ko, saka bumigat ang talukap ng mga mata ko, dahil sa kakaibang klase ng amoy na meron sa panyo ni tatay.
"siguradong tiba tiba tayo sa anak mo Peping! Sana lamang ay hindi lang isang shabu ang katumbas nyang maganda mong anak! Bwahahaahahaha" naririnig kong malakas na tawa ni tito Lito.
"sinabi mo pa Lito! Malaki ang tiwala kong magugustuhan ni boss ang anak kong ito. Dahil bukod sa maganda, ay matalino pa! At higit sa lahat birhen pa ito, hindi katulad nung ibang mga dalagang binebenta natin! Mga laspag na! Bwahahahaha" malakas na tawa din ni tatay, ang huli kong narinig bago tuluyang manlabo ang aking paningin at mawalan ng malay.
***
Xien xien:
Hala! mukang may mangyayareng masama sa gurlash!Β Saan kaya sya ibebenta ng tatay nya?
Thanks for reading! please dont forget to vote or comment! hihihi