CHAPTER 9 : (colored button)
Ilang linggo na din ang nakakalipas, matapos ang pag atake sakin ng magshotang low rank assasin. At napapansin kong mas lalo ng tumatalas ang pakiramdam ko. Ilang linggo na din naming paulit ulit na kinakain ang nilagang kamote. Pakiramdam ko ay mapupurga na ata ako sa nilagang kamute. Gusto ko namang makakain ng kahit nilagang mais naman, o di kayay kabute, o kanin! Halos maglaway ako sa mga pagkain na naiisip ko pa lamang.
Ilang linggo akong namalagi sa loob ng hide out sa takot na mahuli, napag alaman ko kaseng hanggang ngayon ay pinaghahanap padin ang tinatawag nilang beheader slave, na pumatay sa dalawang low rank assassin, na walang iba kundi ako. Hanggang ngayon ay wala paring alam ang tatlo sa mga kalokohan ko. At wala na rin naman akong balak na sabihin pa. Ok na ako na lamang ang nakakaalam sa karumaldumal na pinaggagawa ko habang wala sila.
Nang araw ring iyon ay napagpasyahan kong muling umalis ng hideout para muling magnakaw ng pagkaing naiiba sa kamote. Binaybay ko ang pasilyo ng tunnel na nakakonekta sa storage room. Mabilis ko itong napasok dahil wala namang bantay sa loob. At panay nasa labas naman ang mga ito. Agad kong ibinagsak sa sikretong butas ng storage room ang mga mais at mani na nakalagay sa sako.
Papasok na sana akong muli sa butas ng tunnel ng makitang gumagalaw ang saradura ng pinto ng storage room. Huli na bago pa man ako makapagtago. Gayon pa man ay nagawa ko pa ding matabunan ang butas ng kwarto papunta sa tunnel, bago pa maging huli ang lahat.
Pumasok ang isang hindi pamilyar na muka ng isang assasin. At nanlilisik ang mga mata nitong tinungo ang kinaroroonan ko.
"ANONG GINAGAWA MO DITO? MAGNANAKAW KA BA DITO SA LOOB NG STORAGE ROOM? PAANO KA NAKAPASOK NA BUBWIT KA SA LOOB NITONG STORAGE ROOM? " galit na sigaw nito saka ako sinampal ng malakas sa muka, na nagpadugo ng gilid ng aking labi.
Gayon pa man ay wala syang nakuhang sagot mula saakin.
Asa pa! Mamamatay na lang akong walang dila kaysa sagutin ang kahit na ano sa kanyang mga katanungan.
Ginaladgad ako ng lalaki sa lugar na pinagtatrabahuhan nila Sean saka ako pabalang na itinulak.
"SA HALIP NA PAGNANAKAW ANG INAATUPAG MO! MAGTRABAHO KANG PUTANG INANG BUBWIT KA DITO!" galit na sigaw ng assassin saka ako iniwang nakasalampak sa lupa.
Agad naman akong dinulog nila Sean pagkaalis ng lalaki,
"RIN!" sabay sabay na sigaw nilang tatlo.
Isang malakas na pitik sa noo ang agad na ibinungad saakin ni Josh.
"ano na naman ba kasing pinaggagawa mong bata ka ha? Hindi bat pinagsabihan ka na namin na wag lalabas sa hideout?" inis na sermon sakin ni Josh na sinagot ko lamang ng peace sign at isang malawak na ngiti.
"wth! Sean! Scold her! She's being too much!" reklamo din ni Kurt sa may gilid ko.
Tinignan ko naman si Sean habang nakanguso at nagpapuppy eyes. Sigurado namang di ako kayang tiisin ni Sean pag nagpapacute ako e! Sean let out a deep sigh, while shrugging his head.
"not with that face!" frustrated na turo ni Sean sa muka ko na lalong nagpalawak sa ngiti ko. Sabi na e! Bwahahhahaha!
Inis namang hinagis ni Josh ang isang pala sakin. Para tulungan silang magbungkal ng lupa. Nagpatuloy na silang muli sa kani kanilang ginagawa, na sya namang ginaya ko.
Di pa nakakalipas ang isang oras ng lumapit saaming tatlo nila Josh si kurt na may hawak hawak sa kanyang kamay.
"chicos! ¡mira lo que he encontrado! RIN! SEAN! JOSH! LOOK WHAT I FOUND!" pinakita samin ni Kurt ang makukulay na butones na nakuha nya habang nagbubungkal ng lupa.
(guys! Look what i have found!)
"¿Qué te emociona por un montón de botones de colores?" kunot noong tanong ko kay Kurt.
(what are you getting excited for a bunch of colored buttons?)
"woah! tu tambien sabes español?" manghang tanong ni Kurt na nanlalaki pa ang mga matang nakatingin sakin.
(woah! You know how to speak spanish too?)
"algo así como." walang paki kong sagot.
(sort of)
"¿cómo?" takang tanong ni Kurt
(how?)
"mi abuela es mitad española." muling walang ganang sagot ko na nagpatuloy lang sa pagbubungkal ng lupa.
(my granny is half spanish)
"Eso tiene sentido, por qué tienes el pelo rojo también." masiglang wika ni Kurt na mukang sobrang saya na malamang may nakakaintindi sa kanya.
(that make sense why you got red hair too)
"guys! May I remind you that theres someone here who doesn't understand spanish for pete sake!" reklamo ni Sean na hindi na nakatiis makisabat sa usapan namin.
"opps! Sorry dude! I just want you guys to see this colored buttons that I found while digging dirt!" masayang wika ni Kurt na nagpakunot lalo sa mga noo namin.
Pinagsasabi na naman ng kolokoy na ito?
"so?" masungit na tanong ni Josh habang nakatingin kay Kurt na tuwang tuwa sa mga butones.
Parang bata talaga.
Naiiling ako sa klase ng pag akto ni Kurt, but at the same time nakucutetan din ako sa kanya. Sa kanilang tatlo si Kurt talaga ang pinakamasayahin, at optimistic.
Pinakamabait si Sean, at pinakamasungit at realistic mag isip si Josh actually sya din ang pinakamatalino, tho pinakatahimik din.
" what are we gonna to do with that?" sabat na tanong ko kay Kurt.
Gamit ang pisi na hindi ko alam kung saan nya nakuha, ay ginawa nyang apat na kwintas ang apat na makukulay na butones na may kasama pang lupa lupa. Saka nya ibinigay sa akin ang pulang kwintas na butones, asul ang kay Sean, itim ang kay Josh, at berde naman sa kanya.
"when the day that we got through this hell, I just want to held something that would remind me, that sometimes inside this hell. I found a true family, with this button necklace encircled in our neck." masayang turan ni Kurt na nagpangiti din saakin habang hawak at tinititigan ang pulang butones na ginawang pendant sa pisi.
Matapos ang maikling pag uusap na yun ay muli na kaming nagpatuloy sa pagtatrabaho. Napansin kong bahagyang tumigil si Sean sa pagbubungkal ng lupa, kita sa kanya na napapagod na sya.
Nakita kong may batang babaeng namimigay ng tubig sa malapit. Pinuntahan ko ito at nanghingi ng isang basong tubig na agad naman nyang pinaunlakan.
Papalapit pa lamang sana ako kay Sean para ibigay ang tubig ng makita ko syang bunubugbog ng tatlong assassin.
"BAWAL KA MAGPAHINGANG PUTANG INA KA!! KUMILOS KILOS KA DYAN BAGO KA PA NAMIN PATAYIN!" malakas na sigaw ng nasa gitna, bago pa man sila tumalikod at iwan si Sean. Nilinga ko ang direksyon nila Josh at Kurt, ngunit masyado silang malayo sa pwesto ni Sean, at hindi nila napansin ang ginawang pangbubugbog ng tatlong assassin sa aming kaibigan.
Nanghihina namang tumayo si Sean, at lulugo lugong nagbalik muli sa trabaho. Agad ko syang tinulungang makatayo, saka binigyan ng inumin.
Pumutok ang gilid ng labi ni Sean at marami ring pasa sa katawan. Nilingon ko ang tatlong assasin na nambugbog kay Sean, at nakitang nagtatawanan at nagkukulitan na ang mga ito. Tinandaan ko ang hilatsa ng mga muka ng tatlo, bago ako muling bumalik sa trabaho.
Kinagabihan, ng makita kong mahimbing na ang tulog ng tatlo ay muli akong tumakas sa selda, at hinanap ang pinagtitigilan ng tatlong low rank assasin. Magkakaiba silang tatlo ng kwarto, ngunit magkakatabi lamang bawat isang silid nila.
Rinig ko ang malalakas na ungol mula sa kabikabilang kwarto. Ngunit ang kwarto ng low rank assassin na nambugbog kay Sean, ay tahimik. Mukang malalim na ang tulog nito, at nangangalingasaw sa amoy ng alak.
Mahigpit kong hinawakan ang dagger sa aking kamay, saka binusalan ng telang may pamapatulog ang bibig at ilong ng assassin, saka ko itinali ang kanyang dalawang kamay at paa. Bago ko sya ginilitan sa leeg.
Kinuha ko ang ulo ng lalaki at inilagay sa sako ko. Ganon din ang ginawa ko sa dalawa pang low rank assassin, saka muling nagpunta sa likod bakod nila.
Nandoon pa din ang ulo ng magjowa. Napangisi ako, saka itinusok dun ang ulo ng tatlo pang assassin.
Muli kong binaybay ang daan pabalik sa hideout, ngwalang kahirap hirap. Saka muling nahiga, at natulog.
Another long night for those assholes.