CHAPTER 15 ( vacation )
Anim na taon na ang nakakalipas magmula ng mahalal ako bilang isang low rank assassin. Ngayon ay isa na akong ganap na Wall Sina. At oo, dalawa na ngayon ang Wall Sina ng Dark Claws. Naging mabilis ang promotion ko dahil na rin sa sunod sunod na achievement na nagagawa ko, para sa grupo.
Dahil dito ay nabigyan ako ng pagkakataong humawak ng mga skilled assassins, at naging forte ang paggagawa ng taktika, habang si Ms Kaz naman ay nagfocus na lamang sa panggagamot, bilang Dark Claws personal doctor. Matapos ko sya matalo sa isang tactic competition na sinalihan namin pareho bilang isang Wall Sina, tatlong taon na ang nakakalipas.
Sa anim na taon ring iyon , ay nagawang maging full pledge assassin ng tatlo, upang makahabol sa akin. Mula sa pagiging isang alipin ay nagawa nilang maging skilled assassin from combat to armed, na syang naging mahirap na suliranin sa kanila tatlong taon matapos sila mapromote bilang low rank.
Sa ngayon ay palagi na kaming nasa labas para gumawa ng ibat ibang mission ng pagpatay, sa mga kilalang tao mula sa politika, na nakakalaban ng mga Elite na may hawak samin.
Nuong una ay naging sobrang hirap para samin ang pumatay ng mga inosente, ngunit nagawa kaming kumbinsihin ni Ms Kaz, para ipagpatuloy ang trabaho alang alang sa plano. Sa ngayon ay nagagawa naman namin ng maayos ang bawat plano, sa kaalamang hindi rin mabuting tao ang mga taong pinapatay namin. Naging isang malaking tulong saamin ang kahusayan ni Josh sa pag gamit ng teknolohiya, pati narin sa pagkalap ng impormasyon upang mas mapadali ang pag gawa ng ibat ibang klaseng tactics, knowing na ang madalas na nakakalaban ng grupo namin ay kapwa mga assassins din sa ibat ibang lugar under black market.
"Rin! Lets go! And take some break for now!" magiliw na saad ni Kurt ng makita ako. Katatapos lang namin tapusin ang mission. Hindi naman iyon naging mahirap para samin, dahil nagawa ni Josh makakalap ng sapat na impormasyon para sa kalabang assassins. Napatay rin namin ang Elite na ibinigay samin para tapusin na kumuha sa Red Daggers assassins. Hindi ko na kinailangan pang humingi ng back up, dahil sa aming apat lamang ay nagawa namin ng maayos ang ika sampung mission ng pagpatay para sa araw na ito.
Latang lata kaming apat ng matapos ang panghuling mission, nagugutom rin ako. Kaya minabuti ko na lamang tumabi sa sofang kinauupuan ni Sean, habang inaantay ang signal ni Josh. Baka kase may iuutos na naman yung mga kupal na Elite, wengyang yan! Ngayong linggong to, halos wala pa kaming sapat na tulog, at maayos na pahinga sa dami ng utos ng mga Elite.
Nakangiti naman akong dinulog ni Sean ng maramdaman ang pagtabi ko sa kanya, saka inilagay ang kaliwang kamay sa balikat ko. Nagugutom na talaga ako!
"Sean..." ungot ko sa nakayukong si Sean na nakikinood sa tinitipa ni Josh sa may desk, habang nagdanak ang dugo ni senator Alonzo na pinatay namin, at ang mga tauhan nito.
"Hmm?" nakangiting tugon ni Sean na di ako tinitignan.
Ampogi talaga nitong lalaking to! Lalo atang pumogi nung nagmature ang itsura nya. 23 na sya ngayon, ako naman ay 18 at dalagang dalaga na! Wala lang! Skl lang! Paki nyo ba?
Mabalik tayo sa istorya...
"Sean..." muli kong ungot, na sinusubukang kunin ang atensyon nya. (Hindi kami! Wag kayo malisyoso dyan! Pero crush ko sya!) hahaha
"hm?" sagot nito saka ako nakangiting tinignan.
"Im hungry" nakanguso kong saad, sa paraang nagpapacute, dati ko pa naman yun ginagawa, kaya wala na din bago.
" why tell him your hungry? Are you expecting that he will let you eat him?" nakakabanas na sabat ni Kurt, obviously, nang iinis na naman!
" what if i said yes? What will you do? Huh?" inis kong sagot sa walang kwentang tanong nya na, nagpasamid kay Josh at Sean.
"What the freaking hell are you talking about kiddo? " sermon na naman ni Josh habang nagtitipa sa laptop.
Ano pa ba kase ginagawa nito? Nagugutom na akot lahat lahat! Ang bagal bagal pa kumilos! Pag ako nainis, kakainin ko talaga to si Sean! Rawr! Charot!
" we'll eat after Josh hacked their system, to erase all our proof" namumulang saad ni Sean, ang cute lang!
Hehe, ang landi ko talaga puta! Tumanda lang ako, naging malandi na ako!
"The heck! Thats it? " inis na tanong ko.
Ayun lang pala yung inaantay namin, bat ngayon lang nila sinabi? Wengya naman e! Kainis! Ayoko sa lahat yung ginugutom ako e! Tss.
Sa inis ko, pinagbabaril ko na lang lahat ng cctv sa kwarto, tas inagaw ko yung laptop kay Josh saka nagsend ng sandamukal na virus sa system ng buong building.
"There! Now, lets go! And fucking feed me!" sabi kong tinatapik pa ang tyan ko.
Hindi naman nakaangal yung tatlo sa ginawa ko, lalo na si Josh na masama ang tingin sakin dahil kung ano ano pinagpipindot ko sa laptop nya. Ambagal bagal kase! May padelete delete pa, kung pede naman senddan na lang maraming virus! Che!
Madali naman kami umalis sa building na parang walang nangyare. Tumawag pa ako sa mga tao ko, para ayusin lahat ng kalat na iniwan namin dun at pagmukaing suicide ang nangyare.
Pagkatapos ay saka ko pinaharurot ang kotse ko papunta sa unit na tinutuluyan naming apat. Gusto pa nga ni Kurt na mag stop over na lang daw, at bumili ng pagkain sa may malapit na fastfood, pero madiin ko itong tinutulan, dahil una sa lahat, maarte ako!
Pangalawa, takaw pansin ang muka ng mga kasama ko! Gagawin na naman akong putang inang photographer ng mga king inang fansclub nung tatlo, e di naman sila mga celebrity!
Mga king Ina nila! Isa pa! Mas masarap magluto si Sean kesa sa luto sa fastfood! Kaya bakit ko naman pipiliin yung suggestion niya? E inaaway nya ako lagi? Behlat sya! Hmp!
Wala naman nagawa si Kurt ng awatin sya ni Sean, at sabihing ipagluluto na nga lang nya ako. Kaya pinaharurot ko na ang kotse sa unit. Pagdating na pagdating namin dun, napansin na agad naming bukas ang pinto ng unit. Kaya alerto kaming apat na napahawak sa kanya kanya naming baril.
Pagkapasok na pagkapasok namin, ay handa na sana akong iputok ang hawak kong caliber na may kasamang silencer sa nguso nito ng makilala kung sino ang dalawang babaeng prenteng nakaupo sa sofa ng unit namin at kumakain ng puking inang grahamballs ko!
Dali dali akong lumapit, at kinuha ang malaking garapon ng grahamballs na ginawa ni Sean sakin kagabi, ng makitang dudukot na naman sana si Ms. Kaz dun! King ina talaga! Nangalhati na!
"PUTANG INA! BAKIT NYO KINAKAIN GRAHAMBALLS KO?" inis na sigaw ko, matapos ko makuha ang fav. Food ko! Made with love daw kaya to sabi ni Sean! Putek talaga e!
" ang damot mo naman Rinleigh! Para kaunti yung nakain namin ni Ms Kaz" maagap na sabi ni Iris na nagawa pang uminom ng chucky ko!
Putang ina talaga! Talagang lahat na lang ng fav ko!!!!
"TANGINA MO! ANONG KONTI KA DYAN? NANGALHATI YUNG GRAHAMBALLS KO! TAS NAKAAPAT KAYO NG CHUCKY KO! ANDAMI DAMING PAGKAIN DUN! BAKIT KAILANGAN YUNG MGA FAV KO PA YUNG INUPAKAN NYO?" badtrip kong sigaw sa kanila, pinapakitang masama ang loob.
"Eh ambagal nyo dumating e! Nagugutom na kami! Sa halip na kamustahin mo kami, talagang yan pa talaga ang binungad mo samin Rinleigh? Ang layo pa ng pinanggalingan namin mabisita lang kayo! " madamdaming reklamo ni Ms Kaz na inirapan ko lang.
"Wala ako pake! Hmp!" inis ko ding saad saka inis na kumuha sa garapon ng grahamballs at kinain yun.
Umakto namang nasasaktan yung dalawang kurimaw, kakadiri sila! Mga gurang na, keaarte pa!
Umupo ako sa pang isahang sofa, saka mataman na tinignan yung dalawa. Nanatili namang tahimik ang tatlo sa likuran ko. Ganap na ganap pagiging full pledge che! Tas pag sakin kung mabatukan ako! Hmp! Mas mataas na kaya ranggo ko kay Iris! Magkaranggo naman kami ni Ms Kaz!
"So what brought you here? What do you want?" seryosong tanong ko na sinagot naman ni Ms Kaz ng isang nakakabanas na biro.
"Your grahamballs"
"ulol!" mabilis na sagot ko na nagpatawa sa dalawa ng malakas.
Nakita ko namang natatawa din yung tatlo. Mga deputa! Kala mo naman talaga, naiintidihan nila yung sinabi ko e! Che!
"Ang damot mo talaga Rin" rinig ko pang bulong ni Josh na sinagot ng gitnang daliri ko.
Inismiran lang ako ng gago, kaya inirapan ko sya.
"We knew that your team schedule this past few weeks were too hectic and busy at the same time, thats why Dark Claws Elites has sent you and your team a one week vacation on any place you desired." nakangiting saad ni Ms Kaz saka ako binigyan ng envelop na naglalaman ng memo, para don.
Kinuha ko ito saka tinignan. Nang makuha ko ang papel na laman nito, ay biglang nahulog ang apat na plain ticket papuntang Osaka Japan, na nagpakunot ng noo ko.
"Akala ko ba on any desired place we want? E bat may kasama ng ticket papuntang Japan to? " kunot noo kong tanong.
Bakas sa muka ng tatlo ang pananabik sa nasabing bakasyon. Dahil ito ang kaunaunahang bakasyon na makukuha ng grupo papumtang ibang bansa, sa loob ng anim na taon na pagiging assassins ng Dark Claws.
Dont get me wrong, nagpupunta rin naman kami ng ibang bansa, di nga lang para magbakasyon, kundi para may pataying tao.
" its a ticket to my home town. I just took the opportunity to invite the four of you to my place, and meet my family. But of course, the decision is still yours to make." magiliw na saad ni miss Kaz na halatang mas excited pa samin.
In the end ay napapayag din nila ako na sa Osaka Japan na nga lamang magpunta. Magagawa ko naman? Sayang naman yung plain ticket if ever diba? May pa decision is yours to make pa sya, e nakabili na nga sya ng ticket! Kalokohan nung babaeng yun! Tss..
Ano kaya ang nakain ng mga elite at naisipan kaming pagbakasyunin? Kung ano man yun, sana araw araw nila kainin para naman matuwa ako sa kanila kahit papano. Hmp...