Chapter 17 - Captured

CHAPTER 17: ( Captured )

Nang makarating ay inilibot muna kami ni Ms Kaz sa kabuuan ng mansion nila, saka nag umpisang maglaro yung tatlo kasama ni baby Hiro sa may swimming pool ng bahay. Habang ako ay pinagkasya na lamang ang sarili sa pag upo sa isang wooden bench na nasa tabi ng isang malaking payong malapit sa pool.

Busy ako sa paglalagay ng sunblock sa aking katawan ng maya maya ay lumapit sa akin si Kurt habang hawak ang isang botelya ng sunblock lotion.

"Want me to put some on you? " nakangiting saad nito, hinaharangan ang sinag ng araw na tumatama sa maputi nyang balat. Habang nakasuot ng floral shorts.

"Yeah sure" maikling sagot ko, saka tumalikod sa kanya.

Nakasuot lang ako ngayon ng kulay red na two piece. Wala naman na kaso sakin magsuot ng mga ganitong klase ng saplot dahil sa totoo lang, kasama din kase sa trabaho ko ang maging seductress na minsan ko na din ginagawa para sa bawat missions ko. At bilang isang tactician dapat alam ko din ang daloy ng bawat pangyayare. Dapat ko yun Ipredict ng tama at naayon para sa success ng bawat missions. At higit sa lahat, dapat kong mapagalaw ang target namin sa ibabaw ng aking mga palad para sa itatagumpay ng bawat mission. At kasama na duon,  ang pang aakit.

Dumapa ako sa may wooden bench na naiistretch para maging isang folding bed. Saka hinayaan si Kurt na tanggalin ang tali ng bra sa likod ko, saka nagpalagay ng sunblock.

Hindi pa man ako tuluyang nalalagyan ng may rumaragasang bola ng volleyball na ang tumama sa ulo ni Kurt. Galing yun sa dereksyon nila Sean.

"What the hell dude!" inis na turan ni Kurt saka tumingun sa dereksyon nila Sean at Josh na parehong nakakunot ang noo.

Problema na naman ng dalawang to?

Patakbong pumunta si Kurt sa dereksyon ng dalawa saka pinahid sa muka nung dalawa ang sunblock lotion na nasa kamay. Tatawa tawa naman yung dalawa na nagtatakbo kay Kurt na takot din malagyan ng lotion sa muka.

"I smell someone getting jelous ~" pakantang turan ni Ms Kaz na naupo sa katabing wooden bench na inuupuan ko.

Nakasuot sya ng two piece na kulay black. Habang sa gilid naman nya ay si Akihiro na daladala si baby Hiro. Parehong nakasuot ng floral shorts yung mag ama at kapwa nila suot ang shades. I mean silang pamilya nakasuot ng shades! Muka silang pamilya ng artista sa suot nila.

"Pinagsasabi mo dyan? " kunot noo kong tanong kay Ms Kaz na maarteng humihigop sa straw ng strawberry juice sa baso nya.

Nuknukan talaga ng arte nitong babaeng to. Tss.

Maya maya pa ay natapos na ata maghabulan yung tatlo at naisipan na lamang na magtampisaw sa may swimming pool.

"You know what? Minsan hindi ko din talaga alam kung hindi mo lang talaga napapansin, o sadyang manhid ka lang talaga." sabi ni Ms. Kaz na ibinaba ang basong hawak habang nanonood sa kalokohang pinaggagawa ng tatlo.

Naisip ko lang, kung siguro hindi kami naging assassin, baka hindi rin namin natatamasa ang mga bagay na natatamasa namin ngayon. At mananatili rin kami sa loob ng impyernong yun. Everything was thanks to Ms Kaz effort, on bringing us to where we are now.  

"What do you mean?" kunot noo kong tanong na sinagot nya lang ng malakas na tawa.

"Hahahahaha! Manhid ka nga! Haha" tawa nya pa na mas nakapagpakunot ng noo ko.

"Nababaliw ka na." iiling iling na sabi ko saka tinignan ang tatlong kurimaw na ngayon ay nagtutulakan sa pool.

"Maybe? Haha, pero hindi ko ugaling makialam sa mga bagay na di ko naman sakop. Ill just let the three lovers to confess. And you to find out." ngisi nya saka kinuha si baby Hiro sa asawa, at pinupog ito ng halik.

Iiling iling ko naman syang inirapan saka pinikit ang mga mata ko. Nang maramdaman kong may tatlong presensya ang nasa may gilid ko. Problema na naman ba ng tatlong to?

"Problem?" tanong kong nakapikit pa den, habang ang isang braso ay nakatakip sa aking mga mata.

Gusto ko lang talaga matulog ngayong araw na to.

"Pftt. Nothing" pigil tawang sagot ni Kurt.

Di ko man nakikita ang pagmumuka nilang tatlo, ay alam ko naman na panay nakangisi sila ngayon dahil may kalokohan silang naiisip.

Huli na ng balakin kong makatakas. Nang buhatin na nila akong tatlo papunta sa pool.

"GET YOUR FUCKING HANDS OFF ME! JERKS! ILL DEFINITELY KILL YOU!!!" panay sigaw ko pero tinawanan lang ako ng mga gago, saka tuluyang inihagis sa may pool.

"F-FUCK YOU!" inis na sabi ko na patik-ab tik-ab dahil sa dami ng tubig sa pool ang nalunok ko.

Humugong ang tawanan ng tatlo dahil sa naging itsura ko. Sinubukan ko umakyat paitaas sa may pool para gumante, pero ang mga gungong salitan pa sa pagtulak sakin kaya di ako makaahon.  Mga king ina talaga!

"Comm'on Rin! Lemme help you" nakangising saad ni Josh na naglahad pa ng kamay sakin.

Inabot ko naman ang kamay nya, at nung akala nya maitutulak nya na naman ako , ay talagang hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya, at isinama sya sa pagbagsak ko sa tubig. Matapos yun ay dinambahan ko sya sa may likod nya, saka sya nilunod, at namatay na sya- Joke!

Sumisid si Josh pailalim saka mabilis lumangoy papunta sa kabilang part ng pool. Ganon din naman ang ginawa ko, pero masyado syang mabilis kaya nakatakbo pa ang mokong. Nang magawa kong makaalis sa pool ay pinagtutulak ko din si Sean at Kurt sa pool.

"Fuck! I think I've lost my soul on that fall! fuck you Rinleigh!" mura ni Kurt na hinahabol ang hininga dahil sa sobrang unexpected ng pagtulak ko sa kanya habang nakain sya ng hotdog on stick.

"Oh god! I think i swallowed one gallon of chlorine water from the pool!" reklamo din ni Sean habang tinataktak ang tenga nya, napasukan din ata ng tubig.

Nang makita ko si Josh ay tinulak ko din ito. Na syang ginawa din naming apat kay Iris na syang bising busy sa pag iihaw ng mga hotdog on sticks at bbq.

Napuno ng sigaw at tawanan ang buong mansion ng mga Fujiwara nang araw ring yun. Nang matapos kami sa pambabasa ay naisipan naman naming kalaruin si Baby Hiro na di mabibili ang tawa. Isa pa ding suplado.

Pero ang pogi nya lang din kase. Hindi rin sya ganong kahyper tulad ng ibang bata. Panay yakap lang sakin ang ginawa, habang halos malagot na ata ang litid at ngala ngala ng tatlong kolokoy para mapatawa lang ang bata. Nanatili lang si Baby Hiro na nakayakap at nakasandig sa balikat ko, hanggang sa makatulog na nga ito ng tuluyan.

Alas dos ng madaling araw ng magising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng bigla akong mauhaw. Bumaba ako sa may hagdan at nagpunta sa may kusina. Pagdating ko dun ay nakita ko si Sean na nakaupo sa may upuan sa may dining table habang umiinom ng canned beer.

"Cant sleep?" tanong ko kay Sean saka kumuha din ng canned beer sa ref at uminom.

"Sort of" nakangiting sagot nito saka muling lumagok.

" a penny for your thought?" muling tanong ko ng mapansing masyadong malalim ang iniisip nya.

Bigla naman syang tumayo saka inilahad ang kanang kamay sakin.

"Want to take a lil walk around this mansion together? " seryosong tanong nya. Hindi ako nagsalita, pero inabot ko ang kamay ko sa kanya.

JOSH POV

Naalimpungatan ako ng may marinig akong nagbukas ng pinto ng mansion sa labas. Perks of being assassin na din siguro na naging sobrang talas ng pakiramdam ko. Tinignan ko ang kabilang kama at nakitang himbing na himbing ang tulog ni Kurt, habang ang kabilang kama ay walang tao.

Mukang si Sean ang lumabas ng mansion. Saan naman kaya pupunta yun? Sinilip ko sya sa may veranda ng silid na pinagtutulugan namin at nakitang kasama nya si Rinleigh at magkahawak ang kamay nilang dalawa.

May kung anong sumikip sa aking dibdib dahil sa aking nakita, ngunit ipinagpawalang bahala ko na lamang ito, at nagdesisyong sundan ang dalawa.

Sa may isang garden sa likod ng mansion na punong puno ng mga pulang rosas ko natagpuan ang dalawa. Sa gitna ng magaganda at namumukadkad na mga bulaklak ay mayroong malaking fountain na may rebulto ng isang anghel na may dalang banga. Sa gilid nitoy natagpuan ko ang dalawang magkahugpong ang kamay, at magkatabing nakaupo sa gilid.

Ang sumunod na pangyayare ay ang syang nagpaguho ng mundo ko.

RINLEIGH'S POV

Nang ayain ako ni Sean maglibot ay dinala nya ako sa may garden na nagmukang secret garden dahil napapalibutan ng mga bulaklak ang isang malaking fountain na may anghel na desenyo. Ang paligid na dingding nito na nagkukulong sa kabuuan ng garden ay nababalutan ng mga vines at pulang rosas.

Sobrang romantic ng vibes ng buong lugar, nakikisama pa ang liwanag ng buwan na syang naging ilaw sa amin ni Sean. Isama pa ang mga maningning na bituing kumikislap sa kadiliman ng madaling araw.

Walang nagsasalita sa aming dalawa, pero hindi yun naging hadlang sa aming dalawa ni Sean.

Walang kahit anong maririnig sa paligid kundi ang mga mumunting huni ng mga kulisap sa paligid at ang lakas ng tibok ng puso namin na nagsisilbing musika sa aming pandinig.

" are you cold?" maya maya ay tanong ni Sean ng biglang humihip ang malakas na hangin.

Hindi ako sumagot bagkus ay itinango ko na lamang ang aking ulo bilang sagot. Hinubad ni Sean ang suot nyang jacket saka ito ipinatong sa aking mga balikat. Muli ay napuno ng katahimikan ang paligid.

Para kaming tanga na wala naman nagsasalita, pero nakakaramdam ng kakaibang saya. Crush pa ba talaga tong nararamdaman ko? O pagmamahal na? Tanda ko, ganitong ganito din ang pakiramdam ko kapag nakikita kong nag aalala sakin si Sean, o kahit kapag malapit lang sya sakin noon. Nahihigit ko ang aking hininga at lumalakas ang kabog ng aking dibdib sa kadahilanang kahit ako ay di ko din alam kung bakit, at paano nangyayare.

" before i was sent to that hell in the arms of the Dark Claws, i have a good life. With a kind father. A step mom, and a sick brother. His name is Noah Clark. Back then, my step mom hates me, my father is always away doing all his business things. So i was left with my step mom and my eldest brother Noah. Me and my step mom are not really in good terms. She hates me for being the legitimate son. And that my grand parents loves me so much, while they never put any attention on her son, Noah, who is really sick that time. There are times that she will beat me, when no ones around. And act nice in front of my father. She despised my existence to the point that she wishes for my death badly." Malungkot na kwento ni Sean habang nakatingin sa buwan.

Sa simpleng kwento nya pa lang non, gusto ko na agad hagilapin ang step mom nya at patayin. Ano na ba kase talagang nangyayare saken? Masyado akong attached kay Sean to the point na ayoko na nasasaktan sya.

"She hates me because my father love my mom so much, even after her death the only woman he ever loved is my mom. She hates me, because my father only see my mom, even after knowing that she's pregnant with my brother Noah. And when I came in to the picture, my dad loved me and my mom more. That he spend almost all of his family's fortune just so he could get my moms illness cured. That he only get to lay his eyes on his sick son after moms death. " Mapait syang ngumiti saakin, ng lingunin nya ako.

"But my brother Noah is different. When his mom beats me, his there stopping her, even if he got hurt . He share his toys with me, even tho his mom wouldn't let me touch any of the toys my dad bought for us two. He made me food even if his sick, when my step mom refuse to give me some, when no ones around. His so kind, he seems like an angel. And so I thought he was..."

Malungkot nyang kwento saka tumingin sa paa nya.

"What do you mean?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Nilingon nya ako na may lungkot sa mga mata, at medyo naiiyak pa.

"I really thought his an angel sent from heaven, not untill I found out who he really is. 11 years ago. Im only 12 that time and his 14 when he told me to get inside an unknown truck, so he could hide me from my step mom, who are planning to throw me out of the house when my father died from a car accident. He lock the door of the truck and the truck start moving. The guy driving the truck told me , that no one from my family loves me, because my step mom and my half brother sold me to the Dark Claws. That's when few memories from the past come flashing in, where I caught my half brother Noah and my step mom talking how they will kill my dad. And shut my grand parent's mouth. " tumulo ang luha sa mata ni Sean na agad ko namang pinunasan gamit ang hinlalaki ko.

"They betrayed me. My brother who I thought was an angel betrayed me. And sold me to hell. I already lost my mom in my youngest days, and my dad because of them. And they were still not contented, they even sold me out. I really thought everything is a mess, that maybe, someone out there hates my existence too that's why his doing all this bullshit mess to make my life even worst. Then I met Kurt, and Josh and you, and became an assassin, kill innocent life which I never once in my life thought I'll do. But its OK. Its always OK because I had you, and the two idiots. I thought I already forgotten about them but I just can't. Not until I saw Noah on the airport awhile ago. In his suit. Wearing my fathers necklace. And my madness come building up inside me, and all I want is to slit his and his moms throat. For doing all this shits." Sean said crying.

Yes! He is literally crying in my shoulder now. Crying like a little kid inside his moms arms.

"Then all of the pain, the memories I had with him comes flashing in. Eating my whole system like wild fire. And my memories with you. And then I remember how sick he was before. And now he looks fine. And then I realized its not really hate or loathe that I feel about him Rinleigh. I miss him. I miss my granny and my grandpa. I miss my life before. I miss my dad, and my mom. I miss them so damn much, that I just want to run towards them and hugged them so tight. Then I realized that even when I experience hell, its OK for me, because I saw my brother Noah healthy, alive and kicking. That it doesn't really matter to me now how much pain they've cause me, and all that matter for me now is that they are in good health."

My heart is melting with his every words. He's different. Really different than I am. If I want to kill my dad so much, and get even with him, Sean is different. He always see the good side on each people. His too selfless. Too kind. That even those people hurt him , still he want the best for them.

King Ina! Napofall na ata ako sa kanya. I enveloped Sean on a tight hugged. Patting his back. And brushing his hair.

"Its ok... Everything will be ok soon enough. Just be patient, we are so close on pulfilling our goal. Youll be with your family again, and hugged them tight. Im sorry if we cant make it a little sooner. You know, we cant just let the others stay slave forever inside that hell right? Im sorry if you cant do it now. Just wait patiently. Ok?" nakangiti kong turan habang hinahaplos haplos ang buhok ni Sean.

Pinunasan ko gamit ang kamay ang nga luhang pumatak sa mga mata nya, habang mataman syang nakatitig sa aking mga mata, tila kinakabisado ang bawat sulok at anggulo ng aking mata.

"Did i ever told you i love you before?" seryosong tanong ni Sean na nagpainit sa aking pisngi.

Parang kanina lang nagdadrama to, ngayon naman pinapakilig ako! Wengya talaga tong lalaking to! Tss.

"Yeah? I think you already told me you love me, and that im your little princess forever." sagot kong nakikipag sukatan din ng tingin sa kanya.

"No. Not that. What i mean is I really love you. As a guy to the woman his heart keep on beating." sabi nya pa, saka kinuha ang isang kamay ko at inilagay sa dibdib nya.

Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ni Sean.

" i already fall for you at first sight. But your too young. Too young for me. Your too different for other girls. Your principle made me fall for you deeper. Unlike other girls your not looking for a man to protect you. Instead, your the one who always protect us, even if it cause you harm and worst your own death. You were so different even at young age. Because of you, slaves from that hell such as I am was able to believe there's still hope in escaping such miserable life. And because of that I always admired you. And sooner, I just found myself falling in love deeper and deeper with you." Mahabang pag amin nya, habang nakalagay and isang kamay sa may pisngi ko, habang ang isang kamay naman ay nakahawak pa den sa kamay kong nakalagay sa dibdib nya.

Ramdam na ramdam ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ni Sean, at ang sariling pusong halos magwala at magpumilot umalis sa loob ng dibdib ko.

Nanatiling nakatitig sa akin si Sean hanggang ang titig nya ay bumaba papunta sa aking labi. Nanatili akong nakatitig sa kanya, hanggang paunti unti ay inilalapit na nya ang muka nya sa muka ko.

Hanggang sa di ko namalayang nakapikit na pala ako at nagdampi na ang aming labi. Sa una ay nanunuyo ang labi nya sa ibabaw ng labi ko. Hanggang sa tumatagal ay nagigi na itong agresibo. Halatang naekspertuhan na nya talaga ang paghalik. Dahil sa klase ng halik na ginagawad nya ay halos baliwin ako sa sarap.

Kinagat nya ang aking pang ibabang labi, na naging dahilan kung bakit bahagya ko itong naibuka, na naging dahilan kung paano nya naipasok ang mapusok nyang dila sa bibig ko. Nilalaro nya ang dila nya sa akin. Hes kisses is too inviting, naramdaman kong ginamit nya ang kanyang kamay para itulak ang ulo ko para mas mapalapit sa kanya. At dahil dito nilagay ko na din ang aking dalawang kamay sa may leeg nya habang mas lalong tinutulak ang labi nya sa akin. Naadik ako sa klase ng paghalik na ginagawad nya sakin. Na nagagawang patugunin ang katulad kong walang kaalam alam sa paghalik sa pamamagitan ng pag gaya sa klase ng kanyang paghalik.

Halos maubusan kaming dalawa ng hininga ng matapos kami maghalikan. Nanatili pa syang nakatitig sa akin ng muli sana nya akong hahalikan, ng biglang tumunog ang phone ko.

JOSH POV

Matapos ko sila makitang maghalikan dalawa, ay napagdesisyunan ko na lang na bumalik na lamang sa may kwarto, at ipagpatuloy ang pagtulog. Hindi ko alam kung anong meron, pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Yung klase ng tibok na masakit at nakakasofocate? Yung klase na parang may ilang milyong karayom ang tumutusok? Nararamdaman kong nangingilid ang luha ko, nagpaflash back sakin ang mga nasaksihan ko sa may garden. Itiningala ko ang aking ulo, at pilit pinapabalik ang luhang nagnanais kumawala sa aking mga mata.

Itiningala ko ang aking ulo at tumingin sa taas, ngunit ang pesteng luha ay nagawa pa ding makatakas. Nasasaktan ako. Sobra akong nasasaktang makitang may kahalikang ibang lalaki ang nag iisang babaeng minahal ko sa tanang buhay ko. Matagal ko ng mahal si Rin. Magsimula ng unang beses ko sya makitang makipag laban ay nahulog na ako sa kanya. Pero wala akong lakas na sabihin sa kanya yun dahil alam ko naman na nasa iisang lalaki lang nakatuon ang atensyon nya. Kay Sean. Alam kong umpisa palang talo na ako. Pero hindi ko magawang ibaling sa iba ang pagmamahal ko. Hindi ko rin magawang pigilan pa. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero wala naman akong magagawa. Wala akong karapatang ipilit ang pagmamahal na hindi naman dapat.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay agad kong pinahid gamit ang kamay at ang collar ng damit ko ang aking luha. Mahirap na pag nakita pa ako ni Kurt, asarin pa ako nong gay! Tss.

Pero pag bukas ko ng pinto. Walang Kurt ang sumalubong sakin, bagkus ay may nakita akong sulat sa ibabaw nito.

" if you still want your friend alive. Go to the abandoned building here in Tokyo, and get him yourself. @ 10:00 pm DARK CLAWS.        

~ RED FANGS "

Agad kong tinawagan ang numero ng cp ni Rin , at ipinaalam sa kanya ang pagkawala ni Kurt pati na rin ang sulat sa ibabaw ng kama nito.

Please be safe Kurt. Will come after you, and save you from those demons....

***