Chapter 10 - Caught

CHAPTER 10:  (caught)

The death of the low rank assassins, spread like wild fire. Hindi ko na tuloy magawang makapagnakaw ng stock, mula sa storage room dahil sa dami ng mga bantay. Ipinag igting ng Dark Claws ang paghahanap sa beheader slave, na pumatay sa limang assassins.

Dahil naging isang malaking dagok 'daw' sa Dark Claws ang pagkamatay ng limang assassins.

Bakit? Dahil kasama pala sa listahan ng soon to be official assassins ang tatlo sa pinatay ko. Kaya naman pala nuknukan ng yayabang, mga wala naman binatbat.

Napairap ako sa sariling naisip, dahil kung ano anong papuri ang mga pinagsasabi nila sa tatlong assassins, na kesyo matatalino daw ang mga ito, at di hamak na hindi basta basta, may narinig pa kong usapan na running for full pledge assassin, ang mga ito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapakunot ang noo sa mga naririnig. Dahil ng patayin ko ang mga sinasabi nilang running for full pledged chuchu nila, ay niisa sa katangian, ay wala akong nakita. Mas natagalan pa nga ata ako patayin yung dalawang bakla, kesa sa tatlo yun! Tch. Aksaya lang sila sa oras.

Nagawa kong mag ihaw ng ninakaw kong mais, bilang aming agahan.

Nang makita pa nga ni Josh kung ano ang niluluto ko, ay isang malakas na batok ang nakuha ko mula sa kanya. Apaka gaan talaga ng kamay ng damulag na yun! Tch.

Nang ihanda ko naman sa hapag, ay kumain din naman! Kaya masama ko syang tinignan, habang walang pakialam naman syang nagpatuloy sa pagkain.

"mabilaukan ka sana!" inis kong sabi saka, inis na babalatan na sana ang mais sa aking harapan ng mabitawan ko ito agad.

Nakalimutan kong mainit pa nga pala ito. Agad naman itong kinuha ni Sean at binalot sa dayami, saka, sya na mismo ang nagbalat.

"careful Rin, its still hot" nakangiti nyang turan, saka ibinigay ang aking mais. Buti pa talaga tong si Sean, sweet na mabait pa! Di tulad ng iba iba dyan! Hmp.

Nakita ko naman na nakatingin sa akin si Josh kaya, sinamaan ko sya ng tingin, ngunit nginisian lang ako nito.

"buti nga." pang aasar nya sakin.

Kamuntik ko na sanang masapok si Josh ng humahangos na pumasok si Kurt, mula sa selda. Naatasan kasi sya namin na mag igib ng tubig na iinumin namin mula sa ilog.

" GUYS! FUCKING HIDE SEAN!!! HIGH RANK ASSASSINS ARE LOOKING FOR HIM!" nagpapanic na turan ni Kurt.

Tulala kaming tatlo ng ilang segundo bago kami, nabalik sa ulirat.

"WHAT?" Sabay sabay naming tanong kay Kurt na nagpapanic narin.

Hindi na nito dala ang timba na ipinadala namin sa kanya.

" they think that the death of the 3 assasins, was done by Sean. Because yesterday many people from the dumpsite saw how they beat up Sean. I heard from some low rank assassins, that they will held an interrogation from their death, and kill Sean afterwards! Lets hide Sean!!! Help me!" mahabang paliwanag ni Kurt, ngunit huli na ang lahat, dahil bago pa man kami makakilos ay dumating na ang mga high rank assassins.

Sinubukan naming tatlo na itago sa aming likod si Sean, na hanggang ngayon ay tulala pa rin!

"we wont let you take away Sean from us!" natatakot man, ngunit puno ng conviction na saad ni Kurt.

Nanatiling tahimik, si Josh ngunit gaya ni Kurt, ay makikitaan din ng conviction sa kanyang mga mata.

"MAGSILAYAS KAYO MGA BUBWIT!" malakas na sigaw ng malaking lalaki na may malaking pilat na ex sa muka.

Basta na lamang nya kaming tatlo inihagis kung saan, saka sapilitang hinablot ang kamay ni Sean.

"NO!" malakas na sigaw ko, saka kinuha mula sa likuran ko ang dalawang dagger na ako mismo ang nag upgrade.

May galyos na itong nakalagay sa dalawang handle ng dagger. Habang ang pinaka puwitan nito, ay may mga nakadikit na patong patong na mga maninipis na parang papel na bomba. Na sa oras na maidikit sa katawan, o di kaya ay sa mga pader, ay mahirap na tanggalin. 1 minuto lang rin ang oras nito, bago tuluyang sumabog. Hindi ito basta basta maiactivate kung hindi ito intensyong maididikit.

Malakas kong itinapon ang dagger ko sa lalaking may hawak kay Sean. Ngunit nakuha nya ito. Hinila nya ang galyos ng dagger ko, at pwersahan akong nailapit sa kanya. Hinila nya ang aking buhok pataas. Pakiramdam ko ay mapupunit ang aking anit sa sakit. Napadaing ako, dahil dito. Ngunit hindi yun naging dahilan para mawalan ako ng pag asa. Habang nakalutang sa ere, ay kumuha ako ng bwelo, saka nakasampa sa balikat ng malaking lalaki. Habang hawak nya pa den ang aking buhok, ay kinuha kong pagkakataon ito para saksakin sya sana sa ulo, binitawan nya ang aking buhok at hinawakan ang isa ko pang kamay na ipangsasaksak ko sana sa kanya.

Muli nya akong itinaas sa ere, habang hawak ang dalawa kong kamay na may dagger, piniga nya ang dalawang palapulsuhan ko na naging dahilan ng pagkabitaw ko sa dalawang dagger ko. Ngunit wala man akong sandata, alam kong kaya ko pa ding talunin ang isang to. Ang dalawa nyang kasama ay mga nagsipag upo lamang dun at pinanonood kami, habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sean. Si josh at kurt naman ay parehong nasa sulok, at gulat na gulat sa klase ng pakikipaglaban ko.

Nilinga ko ang aking paningin upang humanap ng pedeng gamitin, na sandata, ngunit wala akong makita. Habang nakalutang ako sa ere, ay nakita kong bukas na bukas ang kanyang dalawang tagiliran. Kaya kinuha ko ang pagkakataong ito, na tadyakan sya sa parteng yun ng sobrang lakas, na sigurado akong mababali ang ribs nya. Ramdam ko ang sakit sa aking kaliwang paa, ngunit hindi ko na ito ininda pa. Mabilis akong tumambling papunta sa may dagger ko saka ito muling ibinato sa lalaki, na hawak ang sariling tagiliran. Muli nyang nasalo ang dagger na binato ko.

"3... 2.... 1...." pagbibilang ko, na ipinagtaka nya. Pagkasabi ko ng huling bilang ay bigla na lamang sumabog ang bandang likuran ng lalaki. Nagawa kong makapagdikit ng dalawang bomba sa kanyang bandang likuran habang nakikipaglaban kami. Nakita kong gulat na gulat ang lahat ng tao sa paligid kasama na rin sila Sean at ang dalawa pang high rank assassins na napatayo pa, dahil sa malakas na pagsabog. Bumagsak sa lupa ang katawan ng lalaking nakalaban ko.

Saktong pagbagsak ng katawan nito, ay ang pagsugod ng dalawang assassin, na alerto ko namang nilabanan.

Ngunit natigil lamang ako sa paglaban sa kanila ng makita kong may babaeng nakasuot ng itim na roba at pulang kwintas ang may hawak kay Sean. Nakatutok ang punyal nito sa leeg ng aking kaibigan.

"R-Rin..." rinig kong mahinang sabi ni Sean habang nakatingin sakin.

Binitawan ko ang aking dalawang dagger, na syang nagpakalma sa dalawang assassins. Itinaas ko ang dalawang kamay saka nilingon ang babae.

"let him go. Sa tingin ko naman ay hindi sya ang totoong pakay nyo, kundi ako hindi ba? Ill go with you peacefully, basta wag nyo lang sasaktan ang mga kaibigan ko." seryosong sabi ko, na madiing tinutulan ng tatlo.

"RIN!" rinig kong sigaw ng tatlo saka mariing umiling sakin.

"very well said." maikling sabi ng babae sa itim na roba, saka binitawan si Sean. Nilagyan nila ng posas ang dalawang kamay ko, saka ako inakay papunta sa kung saan man. Muli kong nilingon sa huling pagkakataon ang tatlo, saka binigyan sila ng mapait na ngiti.

***