Chapter 11 - Ally

CHAPTER 11: (ally)

Habang nakakulong sa loob ng selda, at nakagalyos ang dalawang kamay sa isang upuan, at maraming bantay, ay iniisip ko pa rin kung ano na ang nangyare sa mga kaibigan ko.

Kung tinupad ba ng mga demonyo ang pangako nilang hindi nila kakantiin ang mga kaibigan ko? Kung anong kapalaran ang naghihintay sakin? At kung ano ano pa.

Hindi naman kase talaga ako natatakot mamatay. Dahil simula nang makarating ako rito, ay hindi ko  kinatakutan yun! Dahil simula ng ibenta ako ni tatay sa mga demonyong Dark Claws ay kinonsidera ko nang patay ang aking sarili. Minsan ring sumagi sa akin si nanay, pero hindi na mahalaga sa akin ang bagay na yun sa ngayon, ang iniisip ko ay kung paano ako makakatakas rito. Masyadong maraming bantay sa paligid sa di ko malamang kadahilanan dahil mag isa lamang naman ako. Isa pa, bata palang ako! As if naman mapapatay ko silang lahat! Masyadong oa para sakin ang dami ng kadenang nakapalibot sa aking katawan. Merong kadena sa leeg, kamay at paa. Anong kalokohan yun? Akala naman nila ay napakagaling ko para lagyan ng ganito kadaming restrictions.

Ilang beses na rin ako nabuhusan ng tubig, nasuntok, nasipa, nabugbog. Habang ininteroga! Mga kalokohan naman yung tanong, ano isasagot ko? Mga bobo! Muka ba akong espiya? Mga bulok, at inutil talaga ang mga Dark Claws. May mga manyak pa nga na gusto akong hawakan! At manyakin. Meron pang umihi sa muka ko! Wag lang talaga nilang antayin na makawala ako rito, kundi pupugutan ko sila lahat ng ulo. Tss.

Pinaka tandaan ko talagang mabuti lahat ng mga high rank assassins na gumawa sakin ng mga kababuyang yun! Buti na lang talaga di ako narape! Dahil baka bigla akong makawala dito sa kinauupuan ko at mapatay ko lahat silang mga hayop!

Kung ano anong torture na ang pinaggagawa nila sakin, na asa namang tatalab. Hindi ko malaman kung anong meron sa katawan ko, at parang manhid na ito sa sakit. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa injection na itinurok sakin nung babaeng nakaitim na cloak o ano! Tss.

Hindi ko ramdam nang pasuin nila ako ng bakal sa binti, nang subukan nilang ukitan ng kung ano anong kababuyan gamit ang kutsilyo ang katawan ko. Tila bay parang namanhid na ito ng tuluyan! Sinubukan din nilang tanggalan ako ng kuko sa paa, pero walang nangyare! Naduraan ko lang yung mukang unggoy na gumawa sakin non! Kaya binuhusan nya ako ng mainit na tubig! Pero ang nakakatawa, walang epekto yun sa katawan ko. Sa halip na malapnos, ay tila namula lang ito. Tawang tawa pa nga ako, nang makitang inis na inis na sa akin yung mukang tsonggo na nangtotorture sakin. Kinuryente na ako, at hinagupit ng latigo, pero wala pa din akong nararamdaman. Binaril na rin nila ang binti ko, pero wala pa ding nangyare! Hanggang ngayon ay wala akong nararamdamang kahit ano.

Maya maya pa, ay may nagbukas ng selda, pumasok rito ang babaeng may pulang kwintas at itim na roba. Isinara ng babaeng palagi nyang kasama ang selda, at biglang nagsialisan ang iba pang high rank assassins na nagbabatay sakin.

"anong kailangan mo?" seryoso at walang kagatol gatol na tanong ko sa kanya.

"kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nya rin, iniiba ang usapan.

" being held in this fucking cell, curse, shot, drowned, stabbed,! Yeah! I feel great! Thanks for asking " sarkastiko kong sabi na tinawanan nya ng malakas.

" your really interesting, aren't you?" she said smirking.

Luminga linga ako, at umaktong may hinahanap, kahit nakatali.

" what are you looking?" tanong nyang nakakunot ang noo.

" yung paki ko! Nawawala kase!" sarkastika ko muling sagot sa kanya, saka sya sinamaan ng tingin, na mukang hindi naman nya ininda. Bagkus ay tinignan nya lang ako, na parang amuse na amuse pa sa mga sagot at pinaggagawa ko.

" bakit mo ko tinulungan?" seryosong tanong ko sa kanya.

" what are you talking about?" tanong nya rin pabalik na nakangisi.

" that night, the first time i met you. Itinago mo ko sa bunton ng mga kahoy na kahon, saka mo pinapunta malayo sa akin ang mga bantay. Bakit mo ginawa yun?" seryoso kong muling tanong sa kanya.

" would you believe me, if i say i did it on purpose?" tanong nyang nakangisi parin nilalabanan ang mga titig ko sa kanya.

" what do you mean?"

" i have the same goals as yours! I meant to destroy the Dark Claws, the first time i got here." she said seriously.

I look for anything that might tell that she was lying, but theres none. Her words is full of convictions, i cant even get to see any flaws in her words.

" how?" seryoso ko ding tanong sa kanya.Giving all of my attention to her.

" before telling you how, i want to introduce myself to you first. Im Kazumi Fujiwara, one of the three great pillars of the Dark Claws. I am their "wall sina" their greatest tactician, and their greatest assassin. My people are both specialized in combat fighting and armed fighting." mahabang sabi nya na nagpakunot ng aking noo.

" bakit naman gugustuhin ng isang greatest assassin, and tactician na pabagsakin ang Dark Claws? E diba mataas na katungkulan mo rito? Bat mo pa papabagsakin? You also said na ayun na ang aim mo umpisa pa lang? Anong kalokohan naman ngayon ang mga pinagsasabi mo? If you want to destroy this fucking group, then why didn't you do it before? Why now? " inis at Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Kung ano anong kagaguhan na naman ang pinagsasabi nya sakin! Kalokohan! Pano pa sya nakarating sa pwesto nya kung balak nya lang rin pala pabagsakin diba? Edi sana nung may pagkakataon nya pa ginawa!

" then before i answering your questions, then why not answer mine first? I know that you and your friends are building tunnels to escape all of the slaves we have here, and i also know, that your tunnel is already far enough as an escape route, why until now, wala parin kayong napapatakas na kahit isang alipin? Or kahit kayo man lang ng mga kaibigan mo?"sabi nyang nakuha pa magdekwatro sa harapan ko.

Pano nya nalaman ang tungkol sa secret tunnel? Tang ina! Mukang mabubulilyaso pa ata ang plano namin nila Sean ah?

"h-how did y-you.." utal utal kong tanong, habang binabayo ng kaba ang aking dibdib.

" ive been keeping my eyes on you since day one. Sa lahat ng alipin na pinag eksperimentuhan namin, ikaw lang ang nag iisang nakatagal sa elixir na nilagay namin sa katawan mo. You had keep yourself immune to poison and pain. Kapag sinabi mo na hindi ka masasaktan, hindi ka talaga masasaktan. Your mind power is stronger than anyone else. Bukod dun, you had acquired fast movements from the elixir experiment we did. Hindi ka ba nagtataka? Your too fast, para masundan ka ng mga gustong pumatay sayo. Your killing instinct matters as well. Kumikilos ng kusa ang katawan mo, bago pa man ito masabi ng isip mo. Bukod dun, you are also a genuine genius." mahabang paliwanag nya, saka inilabas ang dagger na ako mismo ang nag upgrade.

" you are capable of doing almost anything, if you wanted to. Katulad nalang nito. Not everyone is capable of making paper like bombs, na sa sobarang nipis, halos hindi maramdaman ng kahit na sino kapag nadikitan. Pero ang pagsabog ay katulad ng sa isang malaking bomba. You did all this shits out of craps! I already know your the one who we've been waiting for, Rinleigh. And we saw how your body reacts from the elixir experiment from what we saw from the arena. " napapanganga ako sa klase ng observation na ginawa nya, pati ang descriptions nya sa mga pinaggagawa at nararamdaman ko.

" i answer your last question, now answer mine! Bakit hanggang ngayon, hindi parin kayo kumikilos ng mga kaibigan mo?" seryoso nyang tanong sakin na halos magpatayo ng lahat ng balahibo ko.

" because its not yet the time! Nangako kaming pababagsakin ang Dark Claws bago namin isasagawa ang plano naming pag takas! And me and my friends haven't acquired enough informations and tactics to do so," sagot ko din sa tanong nya.

" thats exactly my answer too, to your question. Because its not yet the time. Alam kong para sayo, parang sobrang hihina ng mga assassins ng Dark Claws, but your wrong! You havent yet to fight full pledge assassins. I maybe have the power now, but its not yet enough to destroy them. I need you. And i know that you and your friends need me too, to accomplish the same goal. Please Rinleigh. Lend me your strength, and I promise to lend you mine."

Matapos ang mahaba naming pag uusap, ay nagawa ako ni Miss Kaz na paanibin sa kanila. Madami akong nalaman dahil sa pag uusap naming iyon.

Dark Claws assassins has 3 great pillars/walls, na nagpoprotekta sa mga tinatawag nilang ELITES.

Ang mga ELITES, ay hindi malalakas, sadyang mayayaman lang talaga sila. Mga business man and woman's kumabaga. Sila yung mga nasa under ng black markets. Sila ang totoong nakikinabang sa mga minerals na araw araw na binubungkal ng mga alipin na kinukuha nila, mula sa mga katutubo, ang iba ay ipinagbili, habang ang iba naman ay kinikidnap.

WALL MARIA,( one of the great pillar) hinahawakan niya ang mga assassins, na specialize sa combats. Madalas sila yung mga pinapadala kapag maramihan ang kailangang pagsugod. More like assassins base vs assassins. Sila din ang may pinakamalaki ang populasyon. Para silang mga foot soldiers nung panahon ng mga kabalyero na gumagamit ng swords etc.

WALL ROSE, (one of the great pillars) sya naman yung naghahandle sa mga assassins na specialized sa pag gamit ng mga armas, like guns, daggers, bombs, etc. Sila naman yung mga soldiers na may kabayo dati, parang ganon!

WALL SINA, siya naman madalas ang tactician, hawak nya ang lahat ng assassins na specialized sa parehong field, sila din yung pinakamaonte.

SQUAD LEADER,  hawak nya yung mga full pledge assasins. Madalas sila yung inaatasan na pumatay sa kung sino sino. sila yung naghahandle ng routes saka ng plano kung paano papatayin si ganito ganyan. Sila yung parang mga ninja! Tho mas mataas pa din sa kanila yung mga assassins na hawak nung tatlong wall, since sila yung namamalagi sa mismong head quarter.

FULL PLEDGE ASSASSINS

Sila yung mga assassins na lumalabas ng head quarter para gumawa ng mga missions.

HIGH RANK ASSASSINS madalas andito lang din tong mga hinayupak na to sa head quartes. Sila yung mga nagbabatay ng mga selda na pinagtitigilan ko, mga storage rooms, yung mga bantay sa arena, etc. In short, mga walang silbi! Pero sa kanila din kumukuha ng mga full pledge assassins! ( so mga high rank pala yung tatlo? Akala ko low rank lang e! Mga mahihinang klase kase!)

LOW RANK sila naman yung mga mayayabang na panay mando sa mga alipin na gawin mo ito, bungkalin mo yan! Wag ka magpahinga chuchu, na kulang nalang sabihin nila sayo na wag ka na huminga! Tas mahilig manakit, akala mo naman inaano sila! Sila din yung mga mahihilig na magbibigay ng isang tinapay kapalit ng sex! Ayan! In short, sila yung mga manyak!

Bukod sa pyramid ng mga assassins, napag alaman ko din na nagawa akong iligtas ni Ms Kazumi, sa bingit ng kamatayan.

Paano kamo nangyare? Oh well, nagkaron daw kase ng pagpupulong ang 3 great walls ng Dark Claws kasama ng mga Elite kung ano ang gagawin sakin, tas ang suggestion nung dalawang epal na pader e patayin daw ako kase masyado akong delikado. Ang kaso dahil nadala sa alindog 'daw' ni Ms Kazumi ang mga gurang na Elite, eh mas pinaburan nito ang suhestyon niyang gawin akong low rank assassin.

Sobra ko yung ikinatuwa, knowing na makakasama ko sila Sean, kahit hindi na ako isang alipin, At mas magiging madali na rin ang pagkilos ko, dahil doon.

Ang kaso ay may hininging kapalit ang mga Elite sa suhestyong ito na hinihingi ni Ms Kazumi. Ito ay ang muli kong paglaban sa arena, kalaban ang isa sa pinakamalakas na alipin ng Dark Claws.

Si Jago. Naririnig rinig ko na rin ang pangalan nya, kapag nagkakaron ng labanan sa arena linggo linggo. May tatlong klase kase ng mga alipin sa Dark Claws, ang una ay yung pinagmulan ko, kung saan ginagawang praktisan ang mga batang alipin ng mga batang assassins, sa pagpatay.

Ang pangalawa, ay yung mga uri nila Sean na, ginagawang force labor, kung saan pinagbubungkal ng lupa at pinaghahanap ng mga mamahaling bato, tulad ng mga dyamante, emeralds, gems, sapphire, jades, etc. Maari ding langis at kung ano ano pa.

At ang pangatlo naman, ay tinitipon ang mga sobrang lalakas na mga alipin at ginagawang pustahan ng mga assassins at Elites, saka pinaglalaban sa arena.

Balita ko ay sobrang lakas daw nung Jago, na wala pa itong talo sa 100 battles. At lahat ng nakalaban nito ay talagang patay dahil brutal ito makipaglaban.

Sumang ayon ang dalawang pader sa kondisyon ng mga Elite na nakapagpabagabag daw kay Ms Kazumi, kaya ang sabi ko ay ayos lang ako, at kayang kaya ko yun. Gayon pa man ay mayroon paring takot akong naramdaman sa aking dibdib ng ibalita ni Ms Kaz ang tungkol kay Jago.