CHAPTER 6: (lollipop death)
Nang dumating ang umaga, ay magkakasalo naming kinain ang mga tinapay na ninakaw ko. Ngunit bago pa man mangyari yun ay katakot takot na sermon ang inabot ko kay Josh bago pa man sila tuluyang umalis. Kaya sa halip na gawin ang balak ko sanang pagnanakaw ng isang sakong kamote sa storage room, na sana ay dapat kong gawin ngayong araw, ay napurnada. Kaya minabuti ko na lamang magensayo sa paggamit ng dagger. Sa ngayon ay hindi ko pa pedeng pag aralang gamitin ang ibat ibang klase ng baril na ninakaw ko, at mga bomba. Itinago ko ito sa may butas sa underground na palagi naming hinuhukay apat para maging isang lagusan palabas ng impyerno. Sa ngayon ay malalim at malayo layo narin ang aming nabubutas na tunnel. Ngunit hindi pa din ito ganong kalayo para hindi kami agad masundan ng dark claws.
Kasalukuyan akong nag eensayo gamit ang isang dagger sa kamay ko, ng mapansin kong mayroong nagtatanggal ng tabon na bato sa butas ng hideout.
"may nakali-" hindi ko na natapos ang anuman sa aking sasabihin ng mapansing ibang tao ang pumasok sa loob ng hideout.
Isa itong lalaking may malaking katawan, at balbas na parang sa kambing. May malaking pilat ito sa muka, mula sa kanang kilay papunta sa kaliwang pisngi. Mayroon itong tatu sa kaliwang dibdib. Isang kamatayang nasa harap ang dalawang kamay na parang may kukunin ng kaluluwa.
"dark claw." mahinang bulong ko sa sarili habang matamang nakatingin sa lalaki sa harapan.
Sa likod nito ay mayroong isang batang babae na sa tingin ko ay isang taon ang tanda saakin. Binigyan ito ng lalaki sa aking harapan ng isang tinapay na masaya nitong kinuha, saka nagtatakbong umalis.
Ngumisi sa akin ang lalaking mukang kambing, saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
Malagkit at nakakadiri ang klase ng pagtingin nya sakin na nagpatayo ng husto sa aking mga balahibo sa katawan. Parang tinatambol ang dibdib ko sa presensya pa lamang ng isang lalaki. Isa itong low rank assassin.
"so totoo ngang may itinatago dito ang mga kanong iyon na isang magandang babae." nakangisi nitong saad, bago dahan dahang lumalapit sa dereksyon ko.
Bawat hakbang paambante ng lalaki sa aking harapan ay katumbas ng hakbang ko paatras. Mahigpit kong hinawakan ang dagger na nakatago sa aking likuran hanggang sa maabot ko na ang malamig na pader sa hideout.
"gusto mo ba akong samahan sa langit iha?" nakangisi at malanding saad ng lalaking kambing saakin, habang patuloy parin sa paglapit.
Muli akong napalunok ng kulungin nya ako sa pagitan ng kanyang dalawang kamay at ng pader. Higit higit ko ang aking hininga, habang ramdam ko na ang init ng kanyang katawan, amoy ko na din ang mabahong amoy ng kanyang hininga. Hindi ata itong kambing na to marunong maligo.
"ipinapangako kong paliligayahin kita sa langit. " nakangising bulong nito sa aking kanang tenga na labis na nagpakilabot sa akin.
"MAGPUNTA KA SA LANGIT MAG ISA MO!" Malakas kong turan saka iniamba ang dagger na hawak ko sa aking kamay, na akmang isasaksak ko sana sa kanyang leeg.
Ngunit agad nya itong nasalo ng kanyang malaking kamay at pinilipit ang aking brasong may hawak na dagger, saka ako inginudngod sa malamig na pader ng selda. Ganon din ang ginawa nya sa kabila kong kamay ng akma ko sana syang susuntukin.
Inihagis nya ako sa kumpon ng mga dayaming nagsisilbing higaan namin. Saka ako pinaibabawan. Pilit nyang tinatanggal ang saplot sa aking katawan.
Nagpatuloy ako sa pagwawala ngunit isang malakas na sampal na nagpadugo sa aking gilid ng labi ang kanyang iginanti.
"MANAHIMIK AT MAGPAKAAYOS KA NGA! SA ORAS NA HINDI AKO NALIGAYAHAN SA PAGGAHASA SAYO, PINAPANGAKO KO SAYONG ITO NA ANG MAGIGING HULING ARAW MO, AT NG MGA KAIBIGAN MONG KANO SA MUNDO!" galit na sigaw nya sakin na nagpatigil sa pagwawala ko.
Tumulo ang luha sa aking mga mata, ng maisip ko sila Sean. Sila na lamang ang pamilyang meron ako, isa pa! Utang ko sa kanila ang buhay ko. Kung sana ay nakinig na lamang sana ako sa kanila nuong una pa lamang, hindi sana ganito ang kinahantungan ng buhay ko.
" ayan! Ganyan nga! Madali ka naman pala kausap e." nakangising saad ng lalaking mukang kambing sa akin habang hinuhubaran ako.
Mahinang hikbi lamang ang lumalabas sa bibig ko, ng magsimula syang halikan ang leeg at dibdib ko. Nagawa na rin nyang tanggalin pati ang nagiisang saplot na suot ko sa ibaba. Hindi ko maiwasang manghina, at mandiri sa klase ng paghawak at paghimas na ginagawa nya sa katawan ko.
Hanggang dito na lang ba talaga ako? Wala na ba talagang natitirang pag asa para sakin? Galit ba talaga sakin ang dyos kaya nya ako ipinadala sa impyernong to? Bakit? Ano bang ginawa ko? Sa pagkakatanda ko naman ay taong simbahan ako. Mas madalas akong mamalagi sa simbahan, kaysa sa bahay. Hindi ako nakakalimot magdasal at kausapin ang dyos, ngunit bakit ganto? Bakit puro kamalasan na lang ang nangyayare sakin?
Ipinikit ko ang aking mata, at muling nakita ang imahe ng aking ama, ng huli ko syang makita matapos nya ako ibenta. Nakangiti sya ng malaki habang pula ang mata. Kamukang kamuka nya talaga si Satanas.
Naramdaman ko ang bahagyang pagalis sa pagkakadagan sakin ng lalaking kambing, upang maghubad ng pantalon. Kinuha ko itong malaking pagkakataon habang abala sya sa pagbaba ng zipper ng pantalon na nastock ata, para kunin ang dagger na inihagis nya, medyo malapit sa kinaroroonan ko.
Inihagis ko ito sa kanya, na sumapol sa kanya mismong noo, matapos nyang tumunghay para sana tignan ang lagay ko.
Bumagsak ang lalaki sa sahig, habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa tabon ng mga dayami, habang yakap ang sariling binti. Nilinga ko ang aking paningin at saka kinuha ang halos mapunit kong damit dahil sa klase ng pagkakahubad sakin. Sinimulan ko itong tahiin, gamit ang sinulid at karayom na kasama sa mga nanakaw ko sa stock room. Matapos matahi ay agad ko itong isinuot.
Bakas pa din ang luha sa aking mga mata, ng muli kong ibaling sa lalaking mukang kambing ang aking paningin.
Galit kong pinuntahan ang kanyang bangkay saka tinadtad ng saksak, gamit ang dagger na hinagis ko sa kanya. Hindi pa ako nasiyahan ng simulan kong putulin ang pagkalalaki nya, pati na rin ang paat kamay nya. Sinunod ko ang kanyang ulo at ang binti. Nagawa ko itong pagkasyahin sa loob ng isang di kalakihang sako at dinala sa may bakod na pinaglalagian ng mga assasins.
Nang makitang wala na namang bantay dun ay itinusok ko sa mismong bakod ang pirapirasong katawan ng lalaki. Pati narin ang ulo nitong nagmistulang lollipop na nakatusok sa tulis ng mataas na bakod. Na inakyat ko pa mula sa puno.
Maingat din akong nagtungo sa may ilog na malapit, saka hinugasan ang sakong aking lalagyan. Sinamantala ko ang pagkakataong walang tao sa paligid saka sumalok ng tubig na nilagay ko sa bote ng 1.5 na kasama ng sako. Muli akong nakarating sa hideout ng walang nakakakita, saka sinimulang linisin at tuyuin ang mga bakas na naiwan ng lalaking mukang kambing. Saka madilim ang paninging nagsimula muling magensayo gamit ang dagger.
"isinusumpa ko. Buburahin ko gamit ang dagger ang mga pesteng ngiting maiiwan sa muka nyong mga demonyo, nangunguna na ang ngiti sa ama ko, matapos ko patayin lahat ng demonyong naghahari harian sa impyernong ito." kausap ko sa aking sarili, bago mas pinaghusayan pa ang pageensayo.
***