Chapter 4 - Rinleigh

CHAPTER 4: (Rinleigh)

Muli akong nagising dahil sa ingay sa loob, pati narin ang dilaw na ilaw na sa tingin koy nagmumula sa liwanag ng isang kandila.

"my butt hurt like fuck! Shit! That gayshit old hag really got his way on me! " reklamo ng isang pamilyar na boses.

"well, same here! Ive been doing all this shits, for almost 6 yrs, and yet, i still cant get over this bullshit pain, those fucktards cause me" reklamo din ng isa pang pamilyar na tinig.

"before all your bullshits. What do you think, were gonna do, about this little kid we have here? If I remind you guys, were definitely dead, if those fucktard assasin finds out were keeping her here in our cell" seryosong wika ng isa pang pamilyar na tinig.

Gustohin ko mang imulat ang aking mga mata, ay di ko magawa. Masyadong masakit parin ang mga ito, at hindi ko pa din maitatangging nanghihina ang aking buong katawan dahil sa mga sugat at pasang natamo ko sa may arena.

"lets just keep her, inside this hole we built for ages. And keep her safe. " muling turan ng malalim at baritonong tinig na pamilyar din sa aking pandinig mula sa tatlong batang nagligtas ng aking buhay. Bago ako muling kinain ng dilim ng antok, at tuluyang mawalan ng malay tao.

Nang muli akong magising dahil sa sinag ng araw na tumatama sa siwang ng mga batong pinagpatong patong, upang matakpan ang loob ng butas na kinalalagyan ko. May nakasapin sa aking mga butas butas na tshirt, at mga dayami, na nagsilbing aking higaan habang akoy natutulog. Pinagmasdan ko rin ang aking kabuuan, mga telang pinagbuhol buhol at pinunit punit ang nakatakip sa aking mga sugat na malalim ang pinsala. Lumalabo na din ang mga pasa sa aking katawan. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, at mukang ayos naman na ang aking lagay.

Kumikirot padin paminsan minsan ang aking mga sugat, ngunit hindi tulad ng nakaraan ay sa tingin koy kakayanin ko naman na makatayo at makalakad.

Napansin kong may nag aalis ng mga nakatabong bato sa labas ng aking pinaglalagyan. Nang maubos ang malalaking bato, ay tumambad sa akin ang isang binatilyong mukang amerikano. Kulay asul ang kanyang mga mata, at namumula ang balat marahil dahil sa mainit na panahon. May dala itong palanganitang may lamang tubig at kakarampot na tela.

"oh! It was good that your awake now, how are you feeling? " sambit nya saking may malaking ngiti sa labi.

Naubo ako ng aking subukang ibuka ang aking bibig. Nanunuyot ang aking lalamunan, at mainit ang pakiramdam.

"oh! Im Sean by the way," dagdag nya pa ng makitang hindi ako sumagot sa tanong nya. Agad nya akong dinulog at Nang muli akong magising dahil sa sinag ng araw na tumatama sa siwang ng mga batong pinagpatong, upang matakpan ang loob ng butas na kinalalagyan ko.

Agad nya akong dinulog at binigyan ng tubig na nakalagay sa isang lata ng sardinas, na may lamang tubig. Ipinainom nya sakin ang laman nito, saka muling sinipat ang temperatura ng aking noo.

"your still hot. I think you got a fever from being soak on the rain, when we found you." turan nya, habang pinupunasan ang aking katawan ng  telang basa.

"w-where am i?" pinilit kong magsalita kahit nahihirapan."h-how l-long am i asleep?" mahina at utal utal kong dagdag, hindi alintana ang paghubad nya sa aking suot na damit habang pinupunasan.

"3 days? And your inside the hideout inside our cell. Youll be safe here" sagot nyag nakangiti pa din habang pinupunasan ako.

"you shouldn't dare get out of here, Dark Claws assassin thought your already dead, thats why they all throw you on the dump site. If they found out, all of us are dead, do you promise? " hindi ako sumagot bagkus ay tumango lamang ako, saka muling humiga sa dayami.

Maya maya pa ay pumasok, ang dalawa pang binatilyong may dalang kahoy. Ang isa ay may bitbit na kabute.

"Sean! Lets cook this mushrooms we found from the dump site! Maybe it comes from the rainy days." masayang sabi ng isang lalaking may abohing mga mata, at may pagkareddish ang buhok, at maputi ang balat.

"oh! Gising ka na pala? Iluluto lang namin tong nakita naming kabute, sumalo ka na samin pagkatapos." sagot naman ng binatilyong may itim na buhok, may pagkamoreno, at may kayumangging kulay ng mga mata.

Hindi ako sumagot bagkus ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Umalis na ang tatlo sa butas na pinagsasadlakan ko. Muli nilang tinabunan ng bato ang butas ng hideout daw nila. Naririnig ko silang masayang nag uusap, habang magkatulong na nagluluto ng kabute.

"lets put more water on the soup, so we shouldn't have to face those gayshit fucktards for our dinner " rinig kong sinabi ni Sean bago ako muling lamunin ng antok.

****

Muli akong nagising, dahil sa mabangong amoy ng niluluto nilang kabute.  Nakita kong naghanda sila ng ilang mga bao ng niyog na nagsilbing tasa para sa sabaw ng bagong lutong kabute. Isang timba ng biscuits na may lamang malinis na tubig, at ang lata ng sardinas na nag silbing kanilang baso. Umupo ako sa saping dayami na aking hinihigaan, at saka pinanood silang masayang naghahanda ng pagkain.

Rinig na rinig ko ang pagkalam ng aking sikmura sa mabangong amoy ng bagong lutong kabute. Nakangiti naman akong dinulog ni Sean saka muling sinipat ang aking noo. Bago muling pinunasan ng damit na butas butas ang aking basang likuran.

"i see, you no longer have fever. Come! Join us for our breakfast!" nakangiti nyang turan saka ako giniya papunta sa kumpol ng kanyang mga kaibigan.

Binigyan niya ako ng baong may lamang sabaw at kabute, na agad ko namang kinuha at sinimulang kainin. Sa tatlong araw kong nandito sa impyernong ito. Ito na ata ang pinakamasarap na sabaw ng kabuteng aking natikman.

Parang nais tumulo ng aking luha ng maalala si nanay, tuwing nilulutuan ako ng ganito. Bigla ko tuloy namiss ang luto ni nanay, pati narin ang mag aral. At ang buhay ko noon ng wala pa ko sa impyernong pinaglagyan sakin ng demonyo kong amang nagbihis anghel sa harap ng nakakarami.

Bigla ko tuloy naisip na baka sya nga din talaga ang pumatay sa menordeedad na yun, limang taon na ang nakakalipas, pati narin ang nagnakaw sa kanyang ex boss. Hindi ko lubos maisip na ganito syang klaseng tao. Namumuhi ako sa kanyang eksistensya.

"by the way, im Sean" turo ni Sean sa sarili nya.

"that one right there is Kurt" turo nito sa lalaking may abong mata,

"hola!" nakangiting bati rin nito sakin.

"and that one is Josh" turo naman nya sa lalaking tingin ko ay tulad ko ding pilipino.  May mapungay itong mga mata, kayumangging kulay ng mata, mahahabang pilikmata, at morenong kulay ng balat. Hindi ito sumagot ng ipakilala ni Sean, bagkus ay tinanguan lamang ako nito, saka nagpatuloy ng pagkain.

" we are all 17 years old, and we were here for almost 5 yrs now... How about you? Whats your name? Your age? And how did you get in the dump site?" mahaba at sunod sunod na tanong ni sean sakin habang humihigop ng sabaw.

"Rinleigh." maikling sagot ko. Nakita ko namang nanatiling nakatingin sakin ang tatlo, halatang nag iintay pa ng aking sasabihin.

"thats my name." maikling dagdag ko na nagpakunot ng noo ni kurt.

"did i hear it right?  You said your name is rinleigh?" kunot noong tanong ni Kurt sakin.

Hindi ako sumagot, bagkus ay tinango ko na lamang ng isang beses ang aking ulo bilang sagot, saka muling humigop ng sabaw.

"why? Whats wrong with her name? I actually find it cool tho!" sabat ni Sean na halos di na magawang makakain, at nagpalinga linga na lamang saking muka at kay Kurt, habang si Josh naman ay patuloy lang sa pagkain at parang walang pakialam sa paligid. 

"who in their right mind would name their own daughter as rinleigh?" kunot na kunot ang noong protesta ni kurt, na nagawa pang titigan ako, na pinagsawalang bahala ko na lang.

Nginuya ko ang piraso ng kabute na kalagay sa aking bao, saka muling sumagot.

" my dad." nilunok ko ang laman ng aking bibig. Saka nakipagtitigan sa kaharap na si Kurt na seryosong nakatingin sakin.

Hinding hindi ko sasabihin sa kanila ang totoo kong pangalan dahil bagamat sila ang nagligtas sa aking buhay, ay di ko maikakailang hindi ko pa sila lubos na pinagkakatiwalaan.

Bukod don ay ang isa ko pang dahilan ay dahil wala na akong balak na gamitin ang pangalang ibinigay saakin ni tatay magmula ng akoy isilang ni nanay. Muli kong bininyagan ang sarili ng pangalang babagay sakin bilang bunga ng isang demonyo. Simula ng malinawan ako mula sa  arena, natuklasan ko ang tunay na dahilan kung bakit nanatili akong buhay matapos ang ginawang kalupitan sakin sa arena. Ang layunin kong makaalis sa loob ng impyernong ito. At paslangin ang aking demonyong ama, gamit ang pangalang Rinleigh.

"how about enlightening us Kurt? Whats so wrong about her name? " muling tanong ni Sean na hindi pa din natatapos magpalinga linga sa aming dalawa ni kurt.

Bahagyang ibinagsak ni Josh ang baong kanyang kinakainan, matapos nyang maubos ang laman. Saka walang emosyong sinagot ang kanina pang tinatanong ni Sean.

"Rinleigh. The greek term, which means, "the seed of lucifer" simpleng pagtatapos ni Josh sa usapan.

Parang nagkaroon ng patay na hangin sa palagid, dahil sa biglang pagtaas ng tensyon. Naiwang nakanganga si Sean sa narinig.

"I was named Rinleigh, because my father is Lucifer. I got here because I was sold by my own father for cocaine. I was sent in the dumpsite after i was beaten to death, because I killed 3 kids sent from the arena, to kill us. I am 12, and my goal is to get out of here, and kill my dad". Mahaba kong litanya. Na sinasagot lahat ng naunang tanong ni Sean.

Inubos ko na din ang laman ng aking bao. Nagulat silang tatlo ng mrinig ang aking sinabi na nakapagpadagdag ng tensyon.

Bagamat ganon, ay nagpatuloy pa din ang aming pag uusap, bago sila tuluyang umalis. Marami akong natuklasan mula sa kanila.

Nalaman kong kaya pala umiikot ang aking paningin, ay dahil lahat ng bata edad 12 pababa na dinadala sa pangangalaga ng Dark Claws assasins ay ginagawa munang lab rat sa loob ng isang linggo bago ipadala sa mismong arena, bilang praktisan ng mga batang assasins.

Ang mga bata naman edad 13 -18 ay ginagawang slaves, pet, ang iba naman, ay sex slaves, depende sa kung ano ang gustong gawin ng assasin na nagbabantay sa kanila.

Karamihan sa populasyon ng mga slaves ng Dark Claws ay mga katutubo, mga batang kinidnap, at mga katulad kong ibinenta.

Nagbebenta din sila ng mga slaves sa mga mayayaman, bukod sa ginagawang praktisan. Ayon kayla Sean, hindi daw sila binibigyan ng pagkain ng mga low rank assassins, kung wala itong kapalit. Depende daw sa kung ano ang kayang ioffer ng bawat isa sa kanila. Maaring ang sarili nila, kapalit ng isang pirasong tinapay, kung saan buong puso nilang ibibigay ang kanilang sarili sa mga baklang low rank, na takaw sa laman, maaaring impormasyon, at iba pa.

Araw araw daw ay nagtatrabaho sila upang magdukal ng lupa, at maghanap ng mga dyamante, o di kayay mga ginto, na makukuha mismo sa lupang kinatitirikan ng kulungang impyerno. Wala na daw nangahas pang tumakas dahil bago pa man nila magawa ay namamatay na sila.

Ngunit iba sa mga aliping nawalan na ng pag asa ang klase ng pag iisip ang meron sa tatlo. Dahil sa ilalim ng dayameng tinutulugan ko, ay may nakatakip na kahoy, na kapag binuksan mo ay mayroong sikretong lagusan sa ibaba palabas sa impyerno. Ngunit hindi pa ito ganong kalalim at hindi pa nila nararating ang rurok ng pinakamalayong parte, kung saan malayo sa impyerno ng dark claws. Ayon sa kanilay limang taon na nila itong hinuhukay. At tuwing gabi nila binubutas ang lupang nagsisilbing tunnel, para sa inaasam na kalayaan. Hindi ito imposible, base na rin sa klase ng planong kanilang hinanda para sa araw na yun.

Araw kung kailan muli kaming maghaharap ng aking ama. Araw kung saan ang pangalang Ayesha Marquez ay tuluyan ng mawawala sa mundo. At makikilala ang pangalang Rinleigh. Na uubos sa lahat ng lahi ng Dark Claws assasin. Na naging parte ng aking layunin matapos malaman ang klase ng pagtrato nila sa mga alipin.

***