Chapter 16 - 16

ANDY

Nandito na kaming apat ngayon sa kitchen at kasalukuyang naghahapunan. Hindi ako makatingin kay Mom at Dad dahil sa kahihiyan pero ramdam na ramdam kong nakatingin sa akin si Mom kahit nakayuko lang ako.

Ano Drew, ang sarap kumain ng mga nakakapasong tingin na amoy sermon 'no?

"Ba't hindi mo ginagalaw ang pagkain mo Prince? Hindi ba masarap?" basag sa katahimikan ni Mom na kunwaring nag-aalalang tanong nito sa akin habang may pa-puppy puppy eyes pa itong nalalaman.

Nako Lord, nagsisimula na po siya. Jusko apo patawarin. Alam ko na 'yang mga galawang 'yan ni Mom.

Nakakakilabot.

"Kumusta na pala kayong dalawa ni Prince, Mich?" nakangiti at masuyo niyang tanong kay Mich pero ang mga mata nito ay taliwas sa kanyang mga ngiti. Nagtanong siya sa katabi ko pero nakapokus ang tingin sa akin. Parang may inilalabas na invincible laser beam ang mata nito at sa akin nakatutok.

Ayan na po siya, nag-eevolve na po ang anyo ni Mom.

Hindi na tuloy ako mapakali sa aking kinauupuan. Ang dibdib kong parang tinatambol dahil sa kabang bumabalot sa aking katawan.

Pag-angat ko ng tingin ay dahan-dahang lumalawak ang pagngiti ni Mom sa akin na parang sa mga horror movies habang madiin na hinihiwa ang ulam niyang karne. Hindi ko tuloy alam kung paano igagalaw ang aking labi, kung ngingiti ba o ngingiwi.

"Okay lang naman po kami ni Ander, Tita Beth. Nagdate lang naman po kami rito ni Ander buong araw. 'Di ba Ander?" kampante at nakangiting tugon ni Mich kay Mom 'tsaka bumaling sa akin at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa at pinisil ito.

Mas mabilis pa sa speed of light ang mga mata ni Mom at dito na itinuon ang mata niyang may laser beam. Si Dad naman ay napatuwid ng upo at kunwaring umubo saka tumingin sa kamay naming magkapatong 'tsaka nagpatuloy sa pagkain.

Nice one Drew. Double dead ka na ngayon.

"Oh! So, date lang pala 'yong kanina. Ahh, now I know," sabi nito na akala mo ay gulat na gulat at parang ngayon lang niya napagtanto. Ang galing talagang umarte ni Mom. Walang katulad. "Okay pala ang date niyo rito. Nag-enjoy ba kayong dalawa o bitin pa?"

"Date lang pala ang tawag sa gano'ng posisyon. 'Yong may nakahiga at nakapatong. Bago na pala ang tawag sa gano'n." Kahit bulong lang ay rinig ko pa rin ang sinabing iyon ni Mom.

Si Mom at Mich na lang ang nag-uusap habang ako ay pinagpapawisan na at kulang na lang ay maihi na ako. Nagpanggap na lang ako na kumakain kahit di ko malasahan ang aking kinakain.

May acting skills din naman ako at hindi lang ikaw Mom. Nakahanap ka ng katapat mo Mom, kala mo ha.

"Mich, hija, ano ng balak mong gawin dito ngayon? May pinagkakaabalahan ka ba o mag-aaral?" mausisang tanong ni Mom.

"Balak ko pong pumasok sa Maximillian University at doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral," magalang nitong sagot. Tuwang-tuwa naman ang aking parents nang marinig 'yon. Ako man ay nagulat din dahil hindi ko inaasahan 'yon.

Nang matapos kaming kumain ay nanguha ng wine si Dad at sinalinan ang aming baso. Patuloy pa rin sila sa kwentuhan habang ako naman ay tahimik lang.

Ay Drew, hindi ka naman halatang guilty sa pinaggagagawa mo 'no?

"Nagkita na ba kayo ni Kate? Kayong tatlo? Ang saya niyo sigurong tatlo," patay-malisyang tanong pa rin ni Mom habang siniswirl ang glass na may lamang wine.

Biglang natawa nang pagak si Mich habang ako naman ay nasamid at lumabas pa ata sa ilong ko 'yong wine at dahilan para mapaubo rin ako.

Ilang saglit lang ay nagpasalamat at nagpaalam na si Mich at humalik na sa pisngi ni Mom at yumakap kay Dad. At bago siya umalis ay yumakap din ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Goodbye Mich. Ingat ka sa pag-uwi at itext mo ako para alam kong ligtas kang nakauwi ha?" sabi ko pagkahatid ko sa kanya sa labas. Ngumiti naman ito sa akin. "Thank you so much babe. I really enjoyed our time together. Next time ulit," at tuluyan na itong umalis.

Pagbalik ko sa loob ay nadatnan ko ang aking parents sa living room. Nakadekwatrong nakaupo si Dad sa couch habang si Mom naman ay pabalik-balik sa paglakad at tinatapik pa ang braso nito.

Tatakas na sana ako papunta sa aking kwarto nang may nakakakilabot na boses ang nagpahinto sa akin.

"Prince Andrew Torregozon. Come and sit here. Now," maawtoridad na utos ni Mom habang nakapamaywang at seryoso ang mukha.

Okay Drew. You're now in a death row.

Dahan-dahan akong sumunod at kinakabahang umupo sa tabi ni Dad. Nakatingin lang ito sa harap.

"Explain what's going on between you and Mich as well as the scene we've witnessed upon our arrival. If you can't, I'll send you to New York right away. Now, talk," seryoso at pananakot sa akin ni Mom.

Ano na namang nasa isip ni Mom? Ayoko ro'n sa New York. Mahihiwalay ako Kate. Di ko kakayanin.

"C'mon, I know what you're thinking. It's Kate isn't it?" patuloy pa rin si Mom habang tinatap na ang kanyang kanang paa.

Mom, tao ka ba o sadyang obvious ako pagdating kay Kate? Kulang na lang ay iisipin kong di na pangkaraniwan si Mom. Kakaiba eh. Paano kaya siya nagustuhan ni Dad?

"M-Mom, ano kasi w-wala 'yon. We were just pl--" Naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang phone ni Mom na nasa table.

Sumenyas muna ito sa akin na tumahimik at 'tsaka sinagot ang phone. Biglang nag-iba ang mood ni Mom at sumigla ito. Para itong nakakita ng iba't ibang tupperware, kutsara at tumbler na pwedeng idagdag ng isang nanay sa kanyang pinakamamahal na koleksyon.

Wagas makangiti eh. 'Yong reaksyon ng nanay kapag hindi mo nawala 'yong payong o kaya nabali ang hanger.

"Oh my, amiga! Kailan pa kayo nakauwi? Magbonding na tayo agad-agad bukas!" bulalas ni Mom sa kausap nito. Parang bata na binigyan ng isang balot ng kendi.

Nakaturn-off na siguro 'yong switch ni Mom kaya okay na mood niya. Salamat sa tumawag. Ay potek! Hindi! Mas malala 'yong tumawag!

May sarili ng mundo na si Mom. Bigla naman akong tinawag ni Dad. "Let's go to my study room." Sumunod na ako kay Dad at iniwan na si Mom.

Pagpasok namin sa study room ni Dad ay nilock niya agad ang pinto at umupo sa kanyang swivel chair habang ako ay nakatayo lang sa harap niya.

"What was that all about? You on top of Michelle while your hand is inside of her tshirt. Pinagsasamantalahan mo ba siya at pati damit niya ay nakalislis? Have you forgot what I've told you?" seryoso at mapaghinalang tanong nito sa akin.

Oh c'mon Dad. Ako mananamantala? Wala nga akong kaalam-alam sa gano'ng bagay.Di mo lang alam Dad, ako ata 'yong pinagsasamantalahan lagi eh. Asan ang hustisya? Kawawa ka naman Drew. Wala ka pang karanasan, napaghinalaan ka na.

Hindi ako sumagot at yumuko na lang. Grabe naman kasi.

"Ayoko ng maulit pa ito ha? Maliwanag ba? Nagiging playgirl ka na ata habang wala kami ng Mom mo. Huwag na huwag mong gagawin kay Kate 'yon dahil ora mismong pupunta ka na sa New York at doon na magsstay," paninigurado ni Dad sa akin kaya tumango ako. Ayoko no'n. Malalayo ako kay Kate. Mahirap.

Dad, kailan pa ako naging playgirl. 'Tsaka huli na, sa akin ginagawa ni Kate 'yon. Hay nako ewan ko ba. Inosente ako. Paano ko magagawa ang mga gano'ng bagay 'di ba?

Nang wala na itong sasabihin ay nagpaalam na ako kay Dad at yumakap. Paglabas ko ay dumiretso na ako sa aking kwarto at natulog na.

***

Naalimpungatan ako kaya kinapa-kapa kong hinanap ang aking phone sa bedside table. Pagbukas ko ay nasilaw pa ako. Alas-dose na pala ng hatinggabi. Babalik na sana ako sa pagtulog ngunit hindi ako dalawin ng antok.

Nang biglang may naisip ako. Dali-dali kong sinuot ang aking slide slippers at kinuha ang aking wallet. Dahan-dahan kong ibinukas at itinaas ang bintana rito sa kwarto. Maingat akong lumabas at isinara ang bintana. Nang makatalon at makababa ay isinuot ko na ang hood ng suot kong hoodie para di ako mahalata 'tsaka mabilis na tumakbo paalis ng bahay.

Gusto ko munang tumambay at kumain. Pampalamig ng ulo dahil ang daming sermon sa akin. Chill muna.

Dumiretso na ako sa Come 'n Shot convenience store. Namili lang ako ng chuckie at vitamilk at isang footlong at siopao. Nang magbabayad na ako sa counter ay bigla naman akong inalok ng cashier.

"Sir, is that all? We also have a promo. You might like our buy 1 take 1 Colossus condoms. Limited lang po 'yan at mint flavor po 'yong mabili," nakangiti nitong sabi sa akin at iaabot na sana niya sa akin pero akong tumanggi.

Ano namang gagawin ko sa condoms? Alangang ilagay ko 'yong footlong do'n. Kadiri!

Nang makaalis ako sa awkward na sitwasyong 'yon ay umupo na ako sa isang bakanteng upuan at mesa at ipinatong ang aking mga pinamili. Humigop na ako ng Vitamilk at nilagyan ng sauce ang siopao at kumain na.

Habang kumakain ako ay nakatingin lang ako sa labas kung saan tahimik at may ilang sasakyang nakapark. Lumilibot lang ang paningin ko sa labas nang mahagip ng dalawang mata ko ang dalawang babae na naglalakad sa may tapat ng shop na ito. Huminto ang dalawa sa may gilid kaya hindi sila nakikita maliban sa pwesto ko.

Hindi ko inaasahan ang ginawa ng isang babae. Isinandal niya ang kasamang babae sa pader at sinunggaban ito ng halik. Tumagal ng ilang minuto ang kanilang halikan at hindi ko namalayan na pinapanood ko na pala sila. Teka, parang pamilyar ang pigura at mukha ng dalawang babaeng 'yon.

Napatakip na lang ako sa aking bibig ng mapagtanto ko kung sino ang dalawang babae.

Siguradong-sigurado akong si Claire at Alice 'yon!