ANDY
"Mga pinsan, tara na. Balik na tayo sa hotel at parang pinipiga ang ulo ko sa sakit," yaya sa amin ni Kuya Ariston habang sapo-sapo ang kaniyang ulo at medyo bahagya pa itong nakapikit.
"Teka lang Kuya, ang sakit din ng ulo ko. Tayo niyo nga ako, di kaya ng katawan ko," pakiusap ko sa kanila habang nakahiga pa rin ako rito sa buhanginan na nakataas ang kamay. Hinihintay na hilahin nila ako.
Kagigising lang namin dito at hindi na kami nakauwi ng hotel dahil sa matinding kalasingan kagabi. First time kong malasing kagabi tapos hindi pa nakauwi. Paniguradong masasampolan ako nito ni Mom.
Nang maitayo na ako ng tatlo kong pinsan na lalaki ay pinagpag naman ni Sheila ang damit kong may buhangin. "Nakita niyo ba 'yong phone ko?" Pagkabanggit ko no'n ay lalong sumakit ang ulo ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
Akala ko nakakawala ng alaala ang pag-iinom. Hindi pala. Kasi lahat lahat sa kaniya ay mahirap kalimutan at hinding-hindi ko malilimutan.
Hay Kate. Lakas na nga ata ng tama ko sa'yo.
"Hoy Andrew, ba't ka nakatulala? At parang naiiyak ka? Oh, ang phone mo," at idiniin ni Sheila ang phone sa dibdib ko.
Masyado na ba akong obvious?
Tiningnan ko lang si Sheila at ngumiti nang pilit. Nagsimula na kaming maglakad papuntang hotel na magkakaakbay at medyo pagewang-gewang.
"Guys, alam niyo, bar ulit tayo mamaya. Bitin kasi kagabi 'tsaka di ako nakapagchix. Ano, tara?" nanghihikayat na sabi ni Kuya Trenton.
"Pass ako Kuya Trent. Kayo na lang. Di ko na kaya," si Sheila.
Nagkatinginan naman ang panganay at bunsong magkapatid na si Kuya Ariston at Princeton. At mayamaya'y nakakalokong tumingin kay Kuya Trenton at nginisian nila ang isa't isa. Pagkatapos no'n ay kinindatan nila akong tatlo.
Ah, one more night again. Please, be nice to me. I don't want to be called by someone so dear to me yet only to hear a man's voice. It's nauseating.
Ilang saglit lang ay nakarating na kaming lima na nakayuko. Kulang na lang ay sumubsob na naman kami dahil sa hangover.
"Oh? Nandito na pala kayong lima." Parang naghehead count pa ata si Tita Elena. "Akala namin sa makalawa pa kayo darating. Mukhang napaaga ata. At bago kayo pumasok sa loob, maghanda-handa na kayo lalo ka na Andrew."
May pupuntahan ba?
Nag-angat na kami ng tingin. "Saan po ba pupunta tita at bakit kailangan naming maghanda lalo na po ako?"
Narinig ko naman ang mahinang paghahagikgikan ng mga kasama ko at mas idiniin pa nila ang pag-akbay sa akin.
Saktong may hawak na hose si tita at nang lumabas na ang tubig mula rito ay agad niyang itinapat sa amin.
"Aba, kayong lima talaga—tanggapin niyo 'to nang mahimasmasan kayo!" at pinaliguan na kami ng tuluyan ni tita. Nagtatatakbo na kami palayo habang si tita ay patuloy pa rin at malakas nang tumatawa. Si Sheila ang pinuntirya niya habang kaming apat naman ay nagsama-sama.
"Ma! Awat na!" sigaw ni Sheila sa kalayuan. "Bakat na 'yong bra at panty ko, Ma!" Daig na niya ang basang-sisiw.
"Hoy Shiela! Huwag ka nga rito, at para kang dugong sa itsura mo! Nagkakasala na kaming apat sa nakikita namin sa'yo! Pumasok ka na!" biglang sigaw ni Princeton at sabay-sabay silang nagtawanan na magkakapatid.
Nang marinig kami ni tita ay bigla niyang itinututok sa aming apat ang tubig. "Kayong lima, lumapit na kayo rito! Isa! Lalo ka na Shiela Marie Aragones Halili!"
Wala na kaming nagawa kaya agad-agad kaming lumapit. Nakatanggap kami ng tig-iisang pingot.
Pagpasok namin ay mabilis na humiwalay sa akin ang tatlo.
"Where have you been, Andrew Aragones Torregozon?" si Mom, seryosong nakatingin habang nakapamaywang habang tinatap ang kanyang kanang paa sa floor.
"Diyan lang po sa gilid-gilid. And don't worry Mom, I'm really fine," walang gana kong sagot at mabilis na nag-iwas ng tingin.
How I wish it was true.
"You really are a terrible liar, Prince. Look at yourself. You're soaking wet. At akala namin kung saan ka na napadpad." Lumapit naman ito sa akin at inilapit ang kaniyang mukha sa akin.
"You're drunk, aren't you? This will be the first and last time ha Andrew? Ayoko ng may umuuwing lasing. Now, fix yourself at kakain na tayo."
"Beth, hayaan mo na si pamangkin. Minsan lang naman 'tsaka ngayon lang sila nakapagbonding kasama ang tatlo kong anak na barako. Alam na rin naman nila ang kanilang mga limitasyon dahil nasa tamang edad na sila," saad naman ni Tito Edward kay Mom na ngayon ay nakataas na ang kilay.
Napangiti naman ako sa sinabi ni tito. Si Mom ay tiningnan muna ako sa mata bago tuluyang umalis. "Go Andrew, sumunod ka na lang sa kusina," at tinapik ako nito 'tsaka umalis.
Umakyat na agad ako papuntang kwarto dahil nilalamig na ako. Mabilis kong hinubad ang aking mga damit nang biglang may nahulog.
'Yong phone ko! Ba't nawala ka sa isip ko, hay.
Agad ko itong pinulot at tiningnan. Buti na lang hindi nabasa kanina at walang crack. Inilapag ko na ito sa kama at patakbo nang pumasok sa loob ng bathroom.
Mabilis lang akong naligo. Nang malapit na akong matapos ay biglang may narinig akong malakas na tumutunog. Parang may tumatawag ata.
Oh holy juice! Ringtone 'yon na isinet ko para lang sa kaniya.
Wala sa sariling nagmadali na akong lumabas at kukuha na sana ako ng towel. Fita naman oh! Nakalimutan ko! Nanguha na lamang ako ng bimpo at 'yon ang ipinangtakip ko sa aking ibaba at aking braso naman sa aking dibdib.
Kumaripas na ako ng takbo. Wala akong pakialam kahit na basang-basa ako at tumutulo pa ang tubig sa aking kwarto.
Kinuha ko na agad ang aking phone at madiin na pinindot ang answer button pero sa sinuswerte ako ay ayaw mapindot. Di ko na alam ang gagawin ko at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil si Kate ang tumatawag pero peste ayaw ma-tap! Ngayon pa talaga!
Natapos ang tawag na hindi ko man lang nasagot. Ngali-ngali kong ibato ang aking phone sa bintana nang dahil sa aking kabwisitan. Wala na atang igaganda ang araw ko ngayon. Maliban na lang kung nasagot at narinig ko ang boses niya.
I really missed you, Kate.
"Andrew, pinsan! Bumaba ka na raw at kaka—"
Dahil sa gulat ay wala sa sariling napalingon ako sa tumawag at kusa kong nabitiwan ang bimpo at phone ko. Parehas na parehas ang aming reaksyon. Nanlalaki ang aming mga mata na halos lumuwa na. Para nang naengkanto si Princeton at nabitiwan niya ang hawak na iPad habang nakapako pa rin ang tingin sa akin.
Bigla na lang niyang isinara nang malakas ang pinto ng aking kwarto.
What the hell did just happen?
Nanguha na ako ng towel at mabilis na bumalik sa bathroom. Binabahing na ako. Pagkatapos ko ay nagbihis lang ako ng simple white tshirt 'tsaka black cycling. Kinuha ko na rin ang bago kong comfort slides at isinuot ito.
Patapos na silang kumain nang makarating ako sa kusina. Napatingin naman agad silang lahat sa akin. Tumayo si Mom habang ako naman ay umupo na.
Sinandukan na nila ako ng pagkain at sinabihan ng kumain. Wala akong gana dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagtawag ni Kate kanina. Nakatulala lang ako at di ginagalaw ang pagkain.
Isang paglapag ng baso ng gatas sa harap ko ang pumukaw sa akin. "Andrew ha, sinasabi ko na. Huwag mong dinadala rito 'yan. Di pa tayo tapos. Mag-uusap tayo mamaya. Put yourself together, Andrew Torregozon," pagkabulong sa akin ni Mom ay tinap niya pa ang aking dibdib at umalis na ito upang ayusin ang kanilang mga pinagkainan.
Naiwan na lang akong mag-isa rito. Di ko gaanong ginalaw ang pagkain dahil hindi ko malasahan. Uminom lang ako nang kaunting gatas na itinimpla ni Mom. Pagkaraa'y iniligpit ko na rin ang mga ito.
***
"Tell me what's going on with you, Andrew. You're acting strange since yesterday and now, you came home drunk. Are you really sure that you—"
"Mom, please. I'm one hundred one percent sure fine. Don't worry about me. I can handle myself. I'm a grown up, Mom and not a baby anymore." Niyakap ko na si Mom para tumigil na siya.
Kailangan lang ng lambing at lalambot na uli si Mom sa akin. Para okay na ulit kami.
Gumanti naman ito ng yakap at hinagod-hagod pa ang aking likod. Mom, naiiyak ako kapag ginaganyan mo ako eh. Wala na naman, Drew. Balik uli sa dati.
Nakangiti na uli sa akin si Mom at hinaplos naman ang aking pisngi. "Before I forgot Prince, may nangangamusta pala sa'yo," sabay ngiti nang nakakaloko sa'kin.
"Sino Mom?" I hope it will be Kate. Please. Please. Please.
Hindi muna kumibo si Mom. Umupo muna ito sa bedside chair dito sa kwarto nila ni Dad at lalong ngumisi sa akin.
"Sino pa nga ba eh di si—"
"Kate, Mom?!"
Bigla namang humalakhak si Mom at para na itong mauutas sa katatawa. May patapik-tapik pa sa kaniyang hita. May mali ba sa sinabi ko? Parang si Mom ang hindi okay eh.
"Of course, my amiga, your Tita Laura. Gusto ka raw niyang makita dahil namimiss ka."
Pagkarinig no'n ay napahiga na lang ako sa kama. Mom, you perfectly ruined the vibe. You absolutely turned my world upside down.
"Mom, di ko alam kung matutuwa ako sa sinabi mo eh. Anyways, I missed Tita Laura too kahit nakakatakot po siya," alanganin kong sabi kay Mom dahil bestfriend niya 'yon.
Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Paano ka pala manliligaw kay Kate niyan? FYI Prince, mabait si Laura at sadyang gano'n lang talaga siya. You should pay them a visit when we returned home."
Sasagot pa sana ako nang pandilatan ako ni Mom ng mata at lumabas na ito ng kwarto. Napasubsob na lamang ako sa unan.
Visit? Liligawan si Kate?
Hindi nga ako pinapansin. Pero para kay Kate, gagawin ko lahat.
***
Hapon na ngayon at paalis na kaming magpipinsan upang magsnorkeling. Tulad ng dati ay sa'kin sumama si Sheila at ang dalawa niyang kapatid na babae. Masama namang nakatingin sa kanya si Princeton.
Pinaghiwalay kasi silang dalawa dahil nagbabangayan na naman kung kanino ako sasama.
Inaayos na namin ang kaniya-kaniya naming equipment at isinuot na. Nang okay na ay kinuha ko ang aking GoPro underwater camera at pumunta na kami sa tubig 'tsaka sabay-sabay lumangoy.
Kasalukuyan akong nagvivideo at nangunguha ng larawan ng mga isda at coral reefs habang si Sheila ay nagpapapicture din. Siyempre hindi rin ako papahuli at nagpicture din.
We spend the entire afternoon discovering and mingling in the vast underwater.
***
"Andrew, dalian mo na para makapunta na tayo ng bar," pagmamadali sa akin ni Kuya Trenton. Nandito silang tatlo ngayon sa kwarto ko, nakabihis at bagong ligo na. Kanina pa nila ako kinukulit simula no'ng makaahon kami sa tubig.
"Teka lang guys, magbibihis lang ako. Mabilis lang ako wait." Nanguha lang ako ng gray cotton shirt at black sweat shorts.
Dumiretso na ako sa bathroom at doon nagbihis. Bagong ligo na rin ako dahil katatapos namin mag-snorkeling.
Isinuot ko na ang aking comforter slides at ibinulsa ang aking phone 'tsaka nagmamadali na kaming umalis. "Guys, baka malalagot na naman ako kay Mom nito," kinakabahan kong sabi sa kanila.
"Huwag kang mag-alala. Kaming tatlo ang bahala sa'yo. 'Tsaka andiyan naman si Papa kaya may back-up tayo," at masaya na nila akong kinaladkad papuntang bar.
Buti madilim na at wala gaanong makakakita sa'min. Good luck Drew.
***
Pagpasok na pagpasok namin ng bar ay sinalubong na agad kami ng tatlong babae at gumiling na agad ang mga ito sa harap namin.
Malakas na tugtugin. Samu't saring mga amoy at usok. Punong-puno ang loob ng bar at lahat ay bigay-todo sa pagsasayaw. Halos nakakahilo ang lahat ng nakikita ko at parang ang sikip-sikip.
Biglang may humila sa akin na isang babae at niyaya agad ako sa dance floor pero hindi ko pinansin. Dumiretso na agad ako sa may bar counter at nag-order ng tequila.
Nakailang shots na ako nang biglang tumabi ang tatlo kong pinsan sa akin. Dito na kaming apat nag-inuman.
"Mr. Bartender, bigyan mo kaming apat ng hard liquor. Basta kahit ano," si Kuya Ariston.
"Pulutan na rin, 'yong best seller niyo o basta kahit anong masarap," si Kuya Trent.
Binigyan na ulit kami ng tig-iisang shot glass at sabay-sabay naming nilagok. May apat na ring bucket ng alak sa harap namin at kumuha na kami ng tig-iisang bote. At ang pinakahuli ay ang pulutan.
"This is the life Andrew! Cheers!" sigaw ni Princeton at sabay-sabay kaming nagtoast.
Patuloy lang kami sa aming ginagawa nang hiramin ni Kuya Trenton ang aking phone at nagpicture kaming apat na medyo may mga tama na.
Lumipas ang ilang oras nang magkayayaan kaming sumayaw. Dumiretso na kami sa dance floor at di na namin alam kung sino ang mahila naming kasayaw. Masaya kaming apat at walang pakialam sa aming paligid. Todo giling sa aking harapan ang babaeng kasayaw ko at ako ay sumabay din sa kaniyang galaw.
Kinukuhanan din kami ng mga larawan ni Kuya Trent gamit ang phone ko. Kaniya-kaniya kaming pose kasama ang aming mga partners. Wala na kaming pakialam kung anong itsura namin.
Nang mapagod ay medyo pasuray-suray na kaming apat na bumalik sa bar counter at uminom ulit. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga babaeng nakikita namin sa loob ng bar. Bawat isa sa kanila ay nagtuturo ng mga tipo nila samantalang ako naman ay nakangiti lang na tumatango.
Wala kasi 'yong type ko rito. Ando'n sa malayo.
"Penchan, chay chomachawag chayo. Chi Hechel."
Iniabot na sa akin ni Kuya Trenton ang phone at sinagot ko na ito.
"Lo, sheno 'to? Beshe ko."
"Hello? Dee? Ako 'to si Hazel, gusto sana kitang yayain sa pa—"
"Shege shege Hansel. Nah poblem. Beibei."
Io-off ko na sana ang aking phone nang biglang may nagtext. Galing sa babaeng miss na miss ko na. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at napangiti ng wala sa oras.
"I'm sorry."
Eh ano 'to? Prank na naman? O wrong send? Ang labo mo Kate! Di tulad ng pagmamahal ko sa'yo. Malinaw pa sa diyamante.
Hay Kate!
Lumabas na ako ng bar na pasuray-suray. Hindi ko na kaya. Inaantok na ako. Sumunod na rin ang tatlo kong kasama at umakbay na sa akin. Magkakaakbay kaming naglalakad na pagewang-gewang.
Biglang nagvibrate ang aking phone kaya tiningnan ko. Ilang notifs mula sa social media ko. Patuloy pa rin ito sa pagvibrate pero hinayaan ko na.
Dahil di na namin kaya ay napahiga na lamang kami rito sa may buhanginan. Pipikit na sana ako nang tumunog na naman ang aking phone. Binuksan ko ulit. Ano na naman kaya 'to?
Isang text.
"I fucking hate you, Andrew Torregozon!"
Napangiti na naman ako sa simpleng text na 'yon kahit nakakakaba ang nilalaman.
And I fucking like you...
Kate.