Chapter 23 - 23

KATE

Abala ako sa pagkain ko ng aking tuna sandwich nang biglang may sumigaw.

"Hoy Dina! Himala't napakaaga mo ngayon at nag-iisa ka pa. Practice mo na ulit ng pageant? Excuse ka na naman?" Mapang-asar na boses pa lang ay alam ko na kaya di na ako nag-abalang lingunin siya at kumagat na ulit sa aking tuna sandwich.

Umupo na siya sa tapat ko at nag-ingay na naman. Gusto ko lang naman ng peace of mind kahit one second lang kaya maaga akong pumasok pero may dakila na namang taga-bwisit ng araw ko.

"Dina ka na talaga! DINA namamansin, DINA nakakausap at DINA sumasama sa'min! Pinagpalit na kami sa may lawit hayst. Speaking of lawit, asan 'yong jowa mo at ba't 'yan lang ang kinakain mo? 'Yan na lang ba ang kaya niyang ipakain sa'yo?" pang-aasar niyang lalo sa'kin.

Di na ako nakapagpigil at malakas kong hinampas ang mesa, dahilan upang tumahimik siya. Buti na lang ay wala pang gaanong estudyante na pagtitinginan kami.

"Will you shut that ferocious mouth of yours?! Walang kinalaman si James sa pagkain ko at higit sa lahat hindi ko siya jowa kaya kung pwede ba umalis ka na lang kung wala kang magandang ambag sa umaga ko," seryoso at gigil kong sabi sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya para malaman niyang hindi ako nakikipagbiruan. Sa halip na tumigil siya ay nginisian lang niya ako at binato.

"Sa'yo na 'yang double chicken burger ko. Kawawa ka eh pero pacheck nga kung di ko pa nakagatan. Saka alam mo ikaw, ngayon ka na lang nga nakita di ka pa mabiro at ba't ba ang sungit sungit mo? Chill ka nga lang, sa'n ka ba stress? Sa pageant, sa jowa mo o sa ibang bagay?" usisa niya habang inihahalo na niya ang kanyang spaghetti saka sumubo.

"Sa'yo ako naistress dahil ang dami mong tanong na puro walang kwenta, daig mo pa si Mama. Anyway, naipagsulat mo ba ako ng mga notes? Kung oo, ipagpatuloy mo lang tapos ihatid mo na lang sa bahay," balewalang sagot ko at kinagatan na ang burger na binigay niya sa'kin.

"Pass muna sa Mama mong nakakatakot at 'wag mong iniiba ang usapan, magkwento ka naman kaya, kasi ako maraming kwento. Ge, ibato ko na lang sa gate niyo 'yong notebook mo para di na ako papasok. Easy," balewa ring sagot niya habang may laman pa ang bibig niya. Sige magdaldal ka lang nang mabulunan ka.

"Ba't ako? Ikaw pala ang maraming kwento, edi ikaw ang magkwento. I'll listen. But for sure, mga babae mo na naman 'yan sa volleyball team niyo kaya no thanks. Sa'n pala si Claire at Alice?" Tagal ko na ring di nakikita 'yong dalawang bruhang 'yon.

"Overnight ka muna sa bahay bago ko sabihin," nakangising sabi ng babaeng bungol na kaharap ko. "Di mo na ako binibisita, lagi ka na lang doon kay ano mo saka sa jowa mo. Kakatampo."

Napairap naman ako dahil mukha siyang tanga, kung ano-anong pinagsasabi, di naman bagay para sa isang tulad niyang playgirl.

"Luh, ayoko nga. Baka ano pang gawin mo sa'kin at wala akong tiwala sa'yo. 'Wag ka ring feeling sad girl diyan, ew."

"Ay wow, ang kapal mo ring babae 'no? Wala raw tiwala pero kung makapagsabi at magkwento sa'kin tungkol kay Andy niya na kesyo may ibang kasamang babae, na confused daw siya tapos may padrama-drama pang iyak sa'kin no'ng highschool kami at do'n pa natulog sa bahay dahil sa di raw siya isinama ng bestfriend niya at marami pang iba. Di pa kasi amining cru-"

"Fuck, Skye! Di mo na kailangang ipaalala! Di na talaga ako magsasabi sa'yo! Bahala ka diyan!" Tumayo na ako para umalis nang bumanat na naman siya.

"Narinig ko na 'yan-siya, siya, inumin nga! Bilhan mo ako, binigyan kita ng burger diyan. Dali na!" sigaw niyang utos sa'kin at ngayo'y pancake naman ang kanyang kinakain.

"Oh, sa'yo na 'yan. May natira pang konti," at iniabot ko na sa kanya ang aking cup ng hot choco. Kinuha ko na ang aking bag at nagsimula nang maglakad.

"Hoy, tanga! Wala ng laman 'tong punyeta ka! Napakasama talaga ng ugali mo Kate! Masubsob ka sana!" naririnig ko pang tawag niya sa'kin pero ngiting tagumpay ako dahil sa ginawa ko. Serves you right, Skye Bernabe.

Dumiretso muna ako sa cr upang mag-ayos saglit. After kong mag-apply ng lip balm ay umalis na ako dahil may mga ibang estudyanteng babae na rito which is ayoko. I hate crowded places tapos nagchichismisan pa.

I have few minutes left before magstart ang klase. Pagdating ko sa'ming room ay wala pang prof. Buti naman.

Kauupo ko pa lang ay may nag-iingay na agad sa tapat ko. Dapat ipalipat na ng section 'tong tatlong musang.

"Girls, pasampal ako kung tunay ba 'to ha?" at isang malakas na sampal ang natamo ko sa'king mukha.

"What the fuck, Claire?! Crazy bitch!" sigaw ko habang mahigpit na hawak ang kanyang pulso. Ramdam kong napatingin saglit ang iba naming mga kaklase pero wala akong pake.

"Uy nandito ka na pala Kate. Bakit? Wala kang practice?" Marahas ko nang binitiwan si Claire at bumaling sa usiserang nasa kanan ko.

"Ano ba sa tingin mo Alice? Wala ka bang mata? Kasalanan niyo naman talaga kung ba't ako nasama sa lintek na pageant na 'yan. Kung di dahil sa pagpipresinta niyo edi sana tahimik ang buhay ko at wala sana akong nakikitang pangit!" reklamo ko sa kanila kasi totoo naman. Ginatungan pa nila 'yong prof namin at sumang-ayon pa sa kanila kaya buong klase ay majority.

"Ikaw lang naman 'yong nag-iisang perfect candidate sa college natin. Maganda, matangkad, matalino at famous lalo na sa basketball team. Saka sa gandang 'yan sure win ka na eh 'yong Hazel lang naman ng student council ang medyo may laban sa'yo. Aayaw ka pa ba no'n?" katwiran naman ni Skye sa kaliwa ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kahit sabihan niya ako ng ganyan, di pa rin mababago na sila ang may pakana ng lahat.

Bago pa makapagsalita si Claire ay dumating na si Mrs. Lopez, ang prof namin for our first subject.

"Good morning class. Before we start, may I introduce to you your new classmate for your Income and Business Taxation subject. This is Michelle Ortega, a transferee student. So Michelle, you can sit wherever is available," at umupo ito sa tabi ni Claire.

What the fuck?! Anong ginagawa niya rito sa klase namin at ba't dito siya napunta?! Doon dapat siya sa last section dahil doon siya nababagay.

"Kate, tingnan mo oh, nakatulala 'yong mga lalaking ulol kay Michelle. Ang ganda naman kasi niya," bulong sa'kin ni Skye na nagpakulo ng dugo ko.

"I don't give a damn, Skye. Isa pa talaga, I swear-

"Ms. Bernabe, define taxation and Ms. Kate, define taxes," biglang tawag agad samin ni ma'am. Basta may narinig na ingay kahit gaano pa kahina, magtatawag talaga.

"Taxes are the enforced proportional contributions from persons and property levied by the law-making body of the State by virtue of its sovereignty for the support of the government and all public needs," sagot ko matapos magsalita ni Skye.

"Very good, you two. Better keep quiet kung ayaw niyong mag-graded recitation tayo ng wala sa oras," strict na pahayag ni ma'am at nagpatuloy na kami sa lecture.

Nang matapos ang aming klase ay agad nang nagdaldal itong si Alice. Hobby na niya 'yan tapos 'yan lang din ata ang dahilan kung ba't siya pumapasok.

"Michelle, right? I'm Alice, nice to meet you." Todo ngiti naman talaga siya habang si dwarf naman ay nakangiti rin sa kanya.

"Nice to meet you too but I need to go. Bye," at dali-dali na itong umalis. Buti naman. 'Wag na sana siyang bumalik. Ngingiti-ngiting parang baliw naman itong si Alice kaya biglang tumikhim si Claire.

"Quiz na, maya na 'yan," pukaw samin ni Skye kaya hiningian na namin siya ng papel at nagsimula na ang quiz naming dictation.

"Sa'n tayo kakain? Gugutom na ako. Na-drain utak ko sa quiz ni sir. Di niyo man lang ako pinakopya pero for sure perfect ko naman 'yon. Ewan ko lang sa inyo. So, where na us?" tanong samin ni Alice na abala na sa pagreretouch sa kanyang mukhang ewan.

"Sa canteen na lang. Ayoko munang lumabas, nagtitipid ako dahil wala na akong pera. Ikaw ba Claire? May date? Narinig kita kanina eh." Napatigil naman kami ni Alice saming ginagawa at naghihinalang tumingin kay Claire.

"What? Ba't ganyan kayo makatingin? As if—tapyasin ko talaga 'yang tenga mo, Bernabe. Issue mo masyado. Sa canteen na lang din siguro pero kayo bahala. Ikaw ba Kate?"

"Sa plato na lang siguro," tanging sagot ko sa kanila at isinukbit na ang aking bag. Paalis na kami nang biglang nagsalita ulit si Skye.

"Kate, may naghahanap ata sa'yo oh," sabay nguso niya sa may pinto sa may harap. Si James siguro 'yan. Doon na kami lumabas.

Bigla naman akong napahinto nang mapansin ko ang taong naghahanap sa'kin.

"Andrew?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ah...K-Kate...may itatanong l-lang sana ako. M-may e-esco—

"Ano ulit? Pakiulit, di ko maintindihan saka dahan-dahan pwede?" mataray kong sabi dahil di niya buuin 'yong sasabihin tapos nagugutom na rin ako.

"Hmm, may escort ka na ba?"

"Andrew, pwet mo lang ata 'yong nakarinig. May sinabi ka ba? Kasi dinig na dinig ko talaga," sarkastikong saad ko naman dahil bukod sa sobrang hina ay mabilis pa. Tinitrip mo lang ata ako, Torregozon.

Di naman siya makatingin sa'kin at sa baba lang nakatingin. Huminga muna siya nang malalim saka diretsong tumingin sa'kin.

"Kate, gusto ko lang sanang itanong kung may partner ka na? I mean escort...para sa pageant?" Sa wakas ay nasabi rin niya nang maayos pero ako naman ang naguluhan.

"Ha? Escort? Need ba ng gano'n sa pageant? Wala namang sinabi samin na—"

"Bakit, niyayaya mo ba ang frennie namin?" may himig ng panunuksong tanong ni Skye kaya palihim ko siyang siniko. Napakawalanghiya talaga. Walang preno ang bibig.

Bigla naman siyang kinabahan at alanganing tumawa. "N-Natanong ko lang naman."

"Weh, Andy? Sigurado ka bang 'yan lang ang ipinunta mo rito? Kasi pwede mo namang itext si Kate. Or...ikaw ba, may partner na?" segunda naman ni Alice kaya sinagi ko rin ito.

Mga epal.

Tuy, gustong-gusto mo naman. Ba't di mo pigilan ang mga kaibigan mo?

"A-ako? Di ako kasama sa pageant pero 'yon...kailangan ko nang umalis, hehe," at patakbo na siyang umalis.

"Mukhang masaya 'yong pageant! Manonood talaga tayo, di ba? Di ba?!" Pumunta na kami sa canteen habang kinaladkad na nila si Alice na nababaliw na naman.

Kumakain na kami nang biglang may nakiupo sa table namin.

"Hello babe! Pwede ba kaming maki-share sa inyo? Namili na rin kami ng extra foods." Si James, nakangiti samin habang kasama nito si Diego at Luis.

"Oki doki, mga pogi! I'm Alice, by the way." Bida-bida na naman siya. Tinanggap naman ng dalawa ang kamay niya at nakipagkilala rin habang si James naman ay binati siya.

Akmang tatabi na sana si Luis kay Skye nang bigla siyang umusod sa dulo at hinila palapit sa tabi niya si Claire.

"Claire, dito ka lang sa tabi ko. 'Wag mo akong itatabi sa mga 'yan. Jusko, ba't kasi dito pa," mahinang saad ni Skye na di na maipinta ang mukha gayundin si Claire na tinatanggal ang kamay ni Skye na mahigpit na nakahawak sa red sleeves niya.

Ngayon ay katabi ni Claire si Luis habang nasa pagitan namin ni Diego si James at nagsimula na ulit kaming kumain.

"Pota, nakakadiri. Wala man lang manners, dito pa nagsusubuan," naririnig kong ngitngit ni Skye samin ni James. Palihim ko naman siyang sinipa sa paa upang magtigil siya.

"So, James, gaano na kayo katagal ni Kate? I heard that you're having a great time together and our friend here told us that she loves being with you all the time that she can't wait to spend more hours with you and she misses you a lot everyday. And we're really happy na may nakapagpaamo na sa kanya. James, ikaw na ata si the one, omg! Pakiingatan na lang siya 'pag sinagot ka—ouch! May naligaw atang malaking aso rito sa canteen," nakangiwing sabi ni Alice sa tabi ko at sinamaan ako ng tingin. Pasimpleng humigop lang ako ng aking juice.

"Babe, sinasabi ko na nga ba eh. Kung gano'n tanu—di bale hihintayin ko na lang. Kain ka pa oh. Ano pang gusto mo?"

"Ikaw daw pare," at nagkantiyawan ang dalawang kaibigan ni James habang si Claire at Skye ay naka-poker face na.

"Cr lang ako, guys," paalam ni Skye ngunit nakakapit pa rin sa kanya si Claire. "Sama ako."

Kaming lima na lang ang naiwan dito. Itong si Alice naman tingin nang tingin sa'kin.

"What, Alice?"

"Huh? 'Wag kang feeling, sina Andy 'yong tinitingnan ko, duh. Looks like she's watching us you know o baka guni-guni ko lang. Anyway, di na ata kayo nag—"

"Babe, may practice ba kayo mamaya? Manonood ako, wala kaming klase," sabat ni James samin. Di ko rin napansin na kanina pa siya nagsasalita dahil mas nakikinig ako sa sinasabi ni Alice.

"Yes, may practice kami later. Buong hapon and excused ulit ako. Sure, sabay na tayong pumunta sa gym para makapagbonding pa tayo habang naghihintay," nakangiti kong sagot kay James. Nabigla naman ako dahil sa biglaang pagyakap niya sakin.

"Ah pasensya ka na babe, sobrang natuwa lang ako sa sinabi mo," at mabilis siyang humiwalay sakin. Pagtingin ko sa mga kasama namin ay nanunukso ang kanilang mga tingin lalo na si Alice.

"Alice, pasabi kay Skye 'yong inuutos ko sa kanya 'wag niyang kalimutan ha? Mauuna na kami, ikaw na bahala rito. James, I'm done na. Let's go na sa gym baka ma-late pa ako." Nag-ready na kaming dalawa at nag paalam na kay Alice.

Tahimik lang kaming naglakad ni James papuntang gym habang pinapayungan niya ako at siya na rin ang may dala ng aking bag.

"Kate?"

"Hmm?"

"Totoo ba 'yong sinabi ni Alice kanina? 'Yong ano...tungkol sa ahm, nami...miss mo ako?"

Bigla akong napahinto sa paglalakad at hinarap siya.

"Kaya lagi tayong magkatext at magkachat di ba?" at kinuha ko ang payong na hawak niya at hinawakan siya sa kamay. "James, let's enjoy what we have right now."

Kita ko ang pagsilay ng ngiti niya at hinila na siya paalis.

Oh god, what am I saying? Forgive me.

Pagdating namin sa gym ay iilan pa lang ang nandoon kabilang na si sir Ramona.

"Nak, pakisuyo nga itong speaker sa stage para makapagsimula na tayo," utos sakin ni sir ngunit si James na ang gumawa nito.

"Alright, pumwesto na kayo at magsisimula na tayo!"

Okay na kaming lahat nang humahangos na dumating si witch. Dapat di na siya dumating.

"I'm sorry po sir. May inasikaso pa po kaming dalawa ni Dee sa student council." Tumango lang ito sa kanya. "Lalaki ba 'yang Dee? Pakisabi nga rin diyan sa Dee na 'yan na ayusin 'tong stage at magdagdag pa sila ng ilang decorations tapos 'yong mga upuan ng judges paki-arrange na rin. Kung may kilala kang kasama no'n, pakiutusan na rin. Salamat," sunod-sunod na utos ni sir sa kanya.

Ibang klase talaga, 'pag ako na-late, pinapagalitan tapos 'pag siya tango lang? Di naman halatang favorite si witch.

Nagsimula na kami sa command ni sir. Patuloy lang kami sa pagrampa nang bigla akong nairita sa nakikita ko kaya medyo nawala ako sa focus at napansin na naman ako ni sir kaya napatigil ito sa pagpapaypay.

"Oh candidate no. 3, why did you stop? Nakalimutan mo na naman 'yong steps?" Ayan, nagsisimula na naman siya.

"Ah sir, di ba bawal pong may naglalaro rito? Meron po kasing naglalaro ng volleyball eh baka tumama po rito 'yong bola. Matamaan 'yong mga decorations at at baka may mabasag po," katwiran ko at itinuro ang dalawang taong naglalaro or I'd rather say na naghaharutan.

Pinuntahan agad sila ni sir at kinuha nito ang bola kay Torregozon habang si dwarf naman ay patawa-tawa pa kay sir kaya nakatikim silang dalawa ng palo ng pamaypay ni sir.

"Kayong dalawa, maglinis kayo rito! Di 'yong ginagawa niyong playground 'tong gym. Wala ba kayong mga klase at tumatambay lang kayo rito, aba naman. Pinapaaral kayo ng mga magulang niyo tapos—oh ayusin niyo 'yang mga upuan at walisin 'yang mga kalat oh. Ikaw, nasa student council ka pa man din. Hay nako pagbalik ko makintab at maayos na 'yan ha?" talak sa kanila ni sir habang hila-hila sila nito.

"Mich! Teka, 'wag mo akong kiliti—haha! Mich, ang bigat-bigat mo, bitiwan mo ako! Isa!"

"Ayoko nga, Ander!"

'Yan ang naririnig kong sigaw nila habang busy kaming nagpapractice dito. I tried to focus my attention in our practice but I'm too distracted because of them. Sinusubukan kong itago ang pagkainis ko at baka mapansin ni sir na pati pagngiti ko ay pilit but lalo akong naiirita.

"Alright ladies, let's take a five-minute break." Pagkasabing 'yon ni sir ay dumiretso na agad ako sa bench kung saan kanina pa naghihintay si James.

"Babe, mukhang napagod ka ata. Ito,snacks for you," sabay abot sakin ng isang paperbag ng Jollibee.

"Thanks James. Share na tayo rito." Akin 'yong large fries habang burger naman ang sa kanya. Kahit papaano ay nakakawala ng stress ang pakikipagkwentuhan kay James.

May sarili kaming mundo rito nang biglang may maingay na naman.

"Ander! Meryenda na tayo. I bought coffee and sandwich for us. Don't you worry I know your favorites kaya dalian mo rito!"

"Coffee and sandwich? Para naman tayong nasa lamay niyan Mich eh! Nanguha ka na rin sana ng lugaw haha!"

"Coz why not? Kung patay na patay naman ako sa'yo and kung ayaw mo, I have monay here. Gusto mo bang tikman 'tong monay ko? Mababaliw ka once na matikman mo ko haha!"

"James, busog na ako. Practice na ulit namin." Yumakap muna ako sa kanya saka dumiretso na sa stage. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Makalipas ang tatlong oras ay natapos na ang aming practice at buong practice ay wala ako sa mood. Kaya pagpunta ko ng bench ay di ko pinapansin si James.

"Babe, uwi na tayo. Hatid na kita sa inyo o may gusto ka pang puntahan?" tanong niya sakin habang bitbit na ang aking bag.

"Sasabay muna ako kina Skye dahil may aasikasuhin kaming groupwork and napagod din ako buong hapon," palusot ko pero totoo naman 'yong huling sinabi ko at para di na humaba pa ang usapan.

"Sige babe. Itext mo na lang ako 'pag nakauwi ka na. Ingat kayo ng mga kaibigan mo sa pag-uwi." Hahalikan na sana niya ako sa pisngi nang umiwas ako at kinuha na sa kanya ang aking bag.

"I'm really sorry James but I need to go na. Babawi na lang ako next time," at marahan ko siyang pinisil sa braso saka umalis.

Nang makaalis ako sa gym ay agad kong tinawagan si Skye. Nakailang ring muna bago siya sumagot.

"Nasa'n na kayo? Uwi na tayo, tapos na ang practice ko. I'll wait you sa parking lot. Ayokong naghihintay," sabi ko sa kanya dahil uwing-uwi na talaga ako.

"Tanga, may klase pa kami. Pumasok ka kaya tutal may 30 minutes pa, sayang din. Napakatamad mo talaga. Dito ka na lang kung ayaw mong maghintay nang matagal. Walang manunuyo sa'yo if ever magtantrums ka kaya—

Binabaan ko nga siya dahil sino ba siya para sermunan ang isang tulad ko. I mentally rolled my eyes dahil no choice ako kaya dumiretso na ako sa parking lot kung nasaan ang aking kotse.

I'd rather choose na maghintay na lang dito kaysa umattend pa ng klase dahil uwian na rin naman.

Nagscroll na lang ako sa aking phone habang nakaupo ako rito sa passenger seat. Para kahit papaano pamatay ng oras sa paghihintay.

Wala namang bago sa socmeds ko kung di puro friend requests at notifs and the rest, walang kwenta na. While scrolling, napa-stop ako nang mabasa ang name na Michelle Ortega. Picture lang naman niya from Australia. Dahil bored ako at kahit napaplastikan ako sa picture niyang nakangiti ay ini-stalk ko siya.

Gusto ko lang namang malaman kung anong nakita ni Torregozon dito at lagi siyang nakadikit dito at halos di niya maiwasan. Peste. Nakakagigil.

Ohh. Ayos 'tong mga pictures niya. Nice. Ang gaganda grabe and famous din pala ang bruha kahit puro baka ang kasama niya sa pictures. Siya at isang baka lang, umabot na ng libong likes, well, nadala sa pa-cleavage niya. Ay wow, may manok pa tapos cleavage ulit. Nahiya pa, kulang na lang ipakita niya dibdib niya, pwe.

Nagtingin pa ako ng ilang pictures at di ko alam kung tatawa ako or what. Kaya ang sarap mag-stalk minsan, may mga nakikita kang di dapat. But di naman niya malalaman.

Napunta naman ako sa feed niya. Ay, puro quotes naman siya at hugot tapos may GIF pa. Ano 'to? Lakas maka-tita ng peg.

Pumapatol din pala 'to sa mga mention your crush and jowa reveal chuchu. Wala namang naka-tag pero may mga caption naman na letter A at heart emojis. Kahit gano'n lang, dami pa ring nagrereact at nagcocomment ng mga heart emojis din.

Nagscroll pa ako pero puro gano'n ang captions hanggang sa napunta ako sa isang picture niya recently na nasa isang restaurant tapos naka-blurred pa 'yong kasama niya. At ang huling picture ay halos ikainit ng ulo ko. Picture niya habang nakayakap kay Torregozon na nakatodong ngiti rin.

Puro pictures na nilang dalawa ang nakikita ko kaya konti na lang baka mabasag na 'tong screen ng phone ko.

"The fuck! Gago kung sinuman ka mang—Skye?! Ba't ka nanggugulat?! Kung mahulog 'tong phone ko at mabasag? Di lang sumpa aabutin mo," sigaw ko dahil muntikan nang mapindot 'yong like sa kagagahan niya. Mabilis ko ring in-off ang aking phone dahil knowing them, mga tsismosa.

"Ang OA mo, Kate as in. Seriously. FYI, kanina pa kaya kami rito. Dahil mukhang tutok na tutok at busy-ng busy ka sa phone mo, di mo kami napansin. Nanonood ka lang ng porn eh. Masyadong focus at kunot na kunot pa ang noo. Pigil-pigil din 'pag may time," pang-aasar niyang lalo sa'kin.

Inirapan ko nga siya. "I don't watch porn, like ew. Don't make me like you and your dirty thoughts. Let's go home na. Kayo na ang mag-drive."

"I'mma drive! Uuwi na ba tayo? Oki!" sabay hablot sa'kin ni Alice ng susi.

"Alam niyo ba, may napapansin ako lately," panimula ni Alice habang nasa biyahe kami.

"Na may feelings ka na para kay Cl—"

"Bobo mo naman, Skye! Anyway, about kay Kate."

"What about me, Alice? Can you just drive? Wala ka na naman sa hulog kaya ganyan. Now is not the time," seryoso kong sabi sa kanya.

"C'mon Kate, seryoso kasi. Pansin ko lang, di na ata kayo nag-uusap ni Andy? Why is that? It's very uncommon kasi sa inyong dalawa na di magkasama since the first day in the univ. And, alam niya ba na nanliligaw sa'yo si James?" diretsang tanong ni Alice habang nakatutok pa rin siya daan.

"That's none of your business, Alice. Stop calling her Andy. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo. No one should call her like that except me."

"Whatever. It's not that I'm prying but I want to know lang naman, di ba girls?" Tahimik lang sina Skye at Claire sa backseat.

"Just forget about it but if you still insist, then all I can say is that it has nothing to do with you and these things are only between me and Andy. Things happen for a reason, Alice. Maybe yes or maybe not na alam niya."

But I'm sure na alam naman niya kahit di ko sabihin.

"And what reason could that be?"

"We're here na sa bahay. Thanks sa paghatid, girls. Ingat kayo sa pag-uwi," at nauna na akong bumaba. Sumunod din sila. Yumakap at bumeso muna sila sa'kin bago umalis.

"Next time ulit at goodluck sa pageant mo, Ka—

Di ko na narinig ang sinabi ni Skye nang biglang may dumaan na maingay at mabilis na motor.

"Nakita mo ba 'yon Kate? 'Yong sakay ng motor na kadadaan lang?" biglang tanong ni Claire.

"Hindi. Hindi naman ako tumitingin sa iba. Bakit? Riding in tandem ba?"

Parang demonyong tumawa naman si Alice saka sumagot.

"Tungeks, si Michelle at Andy 'yon."

At halos hindi mag-sink in sa utak ko ang sinabing 'yon ni Alice.