Chapter 24 - 24

ANDY

"Drew. Drew. Hello? Drew!" paulit-ulit na tawag ni Luce na siyang nagpabalik sa'king wisyo.

"Ha? Bakit?" walang ganang tanong ko naman sa kanya. Nandito kami sa canteen ngayon dahil maaga akong pumasok at saktong maaga rin siya kaya nagkayayaan kaming dalawa na kumain muna rito.

"Wala ka na naman sa sarili mo, ilang araw na. Lagi kang tulala. Napapano ka ba? Kumain ka na nga o kaya akin na lang 'yang footlong na binili mo kung ayaw mo. Pinapakain mo lang sa langaw eh," puna niya habang kumakain ng sopas.

"Okay lang ako, may iniisip lang. Excused pala ulit ako dahil sa pageant. Student council kasi ang na-assign na committee do'n kaya Luce, pahiram ng notes mo mamaya ha? Picturan ko lang. Dalian na natin, kailangan ko na ring umalis," paalam ko saka kumagat sa'king footlong.

"Drew naman, pwede bang 'wag ka nang umattend do'n? Marami naman ata kayo eh saka lagi ka na lang absent sa klase, wala akong madaldal kaya sinasabi ko na, 'wag ka nang pumunta. Pinapagod mo lang sarili mo di tulad sa room, nakaupo ka na nga lang, may cute at sexy ka pang katabi. Sa'n ka pa?"

Kay Kate.

Last bite ko na sa footlong nang biglang nahulog ito dahil may biglang umakbay sa'kin.

"Good morning, Ander! Caramel frappuccino for you, hon and iced coffee for Lucy!" masiglang bati samin ni Mich sabay kiss sa pisngi ko.

"Mich, maraming salamat dito sa inumin pero p-pwede bang bumitiw ka? Di ako makahinga eh," pakiusap ko dahil naipit na ako sa sobrang higpit ng yakap niya sa'kin.

"Ander, maya na, please? Sobrang miss kita," at nanatili lang itong nakayakap habang nakahilig ang ulo nito sa balikat ko.

"Uy Michelle, napakaganda mo talaga tapos ang bait pa. Nag-abala ka pa tuloy pero maraming salamat ha?" malawak ang ngiting sabi ni Luce pero sa'kin nakatingin. Nagkibit-balikat lang ako.

"Luce, Mich, punta na ako. Kita na lang tayo mamaya," paalam at tumayo na ako saka isinukbit na ang aking bag.

"Sa'n ka? Sabay na tayo," sunod agad sa'kin ni Mich. Iniwan na namin si Luce dahil kumakain pa siya.

"Diyan lang sa tabi-tabi. Baka may klase ka na, anong oras na rin oh," pag-iiba ko para makaalis na ako ng solo. Gusto ko munang mapag-isa.

"Sige, papasok na ako pero pupuntahan kita mamaya ha? Sa gym ka di ba?" Muli niya akong niyakap nang mahigpit at bumulong, "Mag-iingat ka palagi, Ander. If you're sad and need someone to talk to, I'm only one call away."

Tipid akong napangiti sa sinabi niya. "Sure, Mich. So, see you around?" at tinapik ko siya sa balikat. Nakangiti siyang humiwalay sa'kin at masayang umalis.

Naiwan akong nakatanaw sa papalayong pigura niya habang hawak ang ibinigay niyang frappuccino.

Nagsimula na rin akong maglakad habang lumilipad na naman ang isip ko sa babaeng gustong-gusto ko.

Si Kate.

Simula nang makauwi ako galing Palawan ay hindi pa rin niya ako pinapansin at halatang iniiwasan niya ako. Wala naman akong makitang rason para iwasan niya ako. May nagawa ba ako na di niya nagustuhan?

Ngayong nakabalik na ako, may iba na siyang kasama at kitang-kita kong masaya siya sa t'wing magkasama sila.

Akala ko ako lang 'yong laging kasama niya sa lahat ng bagay at magiging dahilan ng pagiging masaya niya. Ang hirap pala ng ganito. Siguro nagsawa na siyang kasama ako.

Balak ko pa naman sanang magtapat sa kanya pero paano ko naman gagawin 'yon gayong di niya ako pinapansin.

Pero hindi ko alam. Naguguluhan ako sa kanya. Baka wala lang talaga 'yong ginagawa namin. Siguro nga wala.

"Oh shit!" rinig kong sigaw nang may nabunggo ako. Hindi ko napansin dahil nakayuko akong naglalakad habang malalim ang iniisip.

Pag-angat ko ng aking tingin ay isang babae ang nabunggo ko. Nabuhusan ng frappuccino ang suot niyang white short sleeve blouse.

"I'm sorry, di ko sinasadyang—"

"Andy?!" bulalas niya habang ako naman ay inaalala kung sino siya. "Di mo na ako kilala? It's Alice, your bestfriend's gorgeous friend."

Lutang kasi ako kaya di ko siya nakilala agad. Niyaya ko muna siya tabi at itinapon ko na sa bin ang frappuccino.

"Sorry ah? Pero ito extrang shirt, pamalit mo. Pasensya na talaga," at iniabot ko na sa kanya ang damit at umalis na ako.

Patakbo na akong pumunta sa gym at pagdating ko ay wala pa 'yong mga candidates. Sina Mia, Lucas at Hazel pa lang na busy sa pagkukwentuhan ang nandodoon.

"Akala ko late na ako. Di pa start ng practice? Wala pa bang gagawin?" bungad ko sa kanila.

"Oy Drew, sup? Gagawin na agad nasa isip mo? Chill ka lang, halika, samahan mo na ako sa office para may matapos tayo. Wala tayong magagawa 'pag magkasama kayo ni pres kaya tara na!" Hinila na ako ni Lucas bago pa makayakap sa'kin si Hazel.

"Hoy Lucas! Ibalik mo si Dee rito dahil kayo dapat ni Mia ang magkasama!" sigaw pa ni Hazel samin pero kinaladkad na ako ni Lucas paalis.

"Drew, pakiayos 'yong mga documents tapos lagay mo sa respective folders nila. Bumili ka rin ng isang ream ng bond paper pagkatapos mo. Puntahan ko lang si Mrs. Cordova." Iniabot na niya ang pera at iniwan na ako rito sa office.

Santambak na mga papel ang nagkalat sa mahabang mesa. Bibili na lang muna ako ng bond paper bago ko ayusin ang mga nakatambak dahil baka di ako matapos kung sakali.

Nang makabili ako at pabalik na ay napahinto ako sa paglalakad at mabilis na naghanap ng ibang madadaanan. Iniharang ko na rin sa mukha ko ang aking hawak na isang ream. Baka mapansin ako tapos wala na naman.

Basta ko na lang inilagay sa mesa 'yong binili ko saka bumuntonghininga. Walang gana kong pinagkukuha ang mga papel at inayos na ang mga ito.

"Drew, ang tahimik mo ata? Naparami ba 'yong pinapagawa ko sa'yo? Nga pala, pinapapunta ka ni Hazel sa gym," saad ni Lucas sa kalagitnaan ng ginagawa ko.

"Ba't daw? Busy kamo ako."

"Maya, bago maglunch mo raw siya puntahan. "

Sinimulan ko naman nang ayusin 'yong mga folder. Lumipas ang ilang oras ay tahimik lang kaming nag-aayos ng mga paperworks dito hanggang sa isang folder na lang ang natira sa'kin.

"I'm done! Sa wakas! Lunch na tayo Lucas," sabi ko sabay inat. Nakakangalay, sakit pa sa likod.

"Ge, libre mo?" sagot naman niya habang abala sa kanyang laptop.

"Sure basta pera mo," banat ko sa kanya ngunit nasabihan lang ako ng ulol. Natatawa ko siyang binato ng eraser.

Dahil wala pa naman akong ibang gagawin ay tiningnan ko muna ang bawat folder na naglalaman ng file ng bawat candidates for the pageant.

Nilampasan ko 'yong mga di ko kilala hanggang sa napunta ako sa file ni Kate. Picture pa lang niya ay di ko na mapigilang magandahan at ma-amaze sa kanya.

Kahit alam ko na 'yong profile niya ay tiningnan ko pa rin dahil natutuwa ako 'pag tuwing nababasa ang anumang tungkol sa kanya.

'Yong apelyido niyang pinakapaborito ko sa lahat ng pangalan dahil nag-iisa lang 'yon dito tapos magkasunod pa kami.

Muntanga na akong nagbabasa rito hanggang sa napunta ako sa favorite saying niya.

"In the world full of poets, yours is my favorite."

WT? Ba't naman ganito Kate? Sa'n mo naman 'to nakuha?

Nagulat naman ako nang biglang magsalita sa tabi ko si Lucas.

"Ganda niya 'no? Medyo mataray nga lang. Ilang beses ko na ring tiningnan 'yang profile niya. Inadd ko nga sa fb pero di pa rin ako inaaccept. Kilala mo ba?" manghang saad pa niya.

Mabilis kong itiniklop ang folder at poker face siyang tiningnan.

"Wala, di ko kilala. Saka mukhang di naman namamansin ng pangit 'yan. Kalimutan mo na lang," tanggi ko dahil bakit ba.

Aagawan pa ako. Doon na lang siya sa iba, 'wag lang 'yong sa akin.

Ay wow Drew, kapal ah. Wala namang sa'yo.

Edi para sa akin.

Di ko na pinatulan 'yong utak ko dahil di naman siya mananalo sa gusto ng puso ko.

"Drew, okay ka lang? Kasi kanina ka pa mukhang ewan. Arat, lunch na. 'Wag mo ring kalimutan na ikaw ang naka-assign sa pag-aasikaso sa mga judges sa pageant." Inayos na niya ang kanyang mga gamit at gano'n din ako.

"Ba't ako? Nasa'n 'yong isang kasama kong business manager? Saka anong gagawin ko naman sa pageant?" nababagot kong tanong dahil mukhang nakakatamad eh.

"Busy mag-decorate. Uutusan ka lang naman na bibili. 'Wag mo na problemahin, tara na," at umalis na kami.

"Akala ko ba maglulunch na tayo eh ba't dito tayo dumaan. Sa'n mo ba ako dadalhin—

Bigla niya akong pinitik sa noo. "Sa gym tayo, siraulo! Ulyanin ka na talaga, Drew," at inakbayan ako ni kumag nang pagkadiin-diin.

"Lucas!"

"Drew!"

Mukha kaming engot na sumisigaw habang naglalakad patungong gym at ang mga ibang estudyante ay pinagtitinginan kami.

***

"Lucas, pwede ba, bitiwan mo na ako! Woi, ano—"

"Hi, Hazel. Lunch na tayo?" nakangiting alok ni kumag dito sabay hawak sa kaliwang kamay ko. Ang siste, ipinakita pa niya rito ang kamay naming magkahawak.

"Lucas, 'yong kamay ko sabi eh. Sisipain na talaga kita. Isa," nanggigigil na bulong ko dahil hinigpitan ba naman niya 'yong hawak sa kamay ko.

Masama nang nakatingin si Hazel samin at agad hinila palayo si Lucas. Ang kumag tawa naman nang tawa.

Naghihilahan silang dalawa kaya pati ako ay nasasama nang biglang dumating si Mich.

"Ander, buti na lang naabutan kita! I brought you a lunch. Kain na ta—why is that? What are you doing to her hand?"

'Yong una lang ang narinig kong sinabi ni Mich dahil di pa rin ako tinitigilan nitong dalawa. Nakisali na si Mich at ako naman ang pinagdiskitahan.

'Wag niyo ako pag-agawan, please. Gusto ko lang naman mag-lunch, ba't ganito pa?

Bigla akong nanigas nang maramdaman ko ang paghalik ni Lucas sa aking kamay.

Nakatanga lang ako sa kanya gayundin si Mich at Hazel.

Naramdaman ko na lang ang marahas na paghila sa'kin ni Mich kaya bigla na lang akong na-out of balance at tuluyang bumagsak sa sahig.

"Shit!" daing ko habang pinapakiramdaman ang aking likod lalo na ang aking kanang braso na di ko maigalaw. "L-Lucas, alis." Nadaganan niya ang braso kong nagkamali ng bagsak. Napapikit na ako't napakagat-labi upang tiisin ang sakit.

"Idala na natin siya sa clinic," naririnig kong sabi ni Hazel at naramdaman kong may humawak na sa'kin. Pagdilat ko ay nakapalibot na sina Mich, Hazel, Mia, Lucas at ang dalawang tao na iniiwasan kong makita dahil masakit sa mata.

"No, sa hospital na. Look at her arm, napasama 'yong bagsak," kontra ni Mich. Akmang aalalayan na ako no'ng lalaki ni Kate nang mabilis kong tinawag si Mia upang tulungan ako.

Dahan-dahan nila akong inalalayan ni Lucas hanggang makarating kami sa kotse ni Mich.

"I'll take it from here, guys. Ako ng bahala sa kanya," sabi ni Mich sa kanila matapos nila akong ipasok sa backseat ng kotse.

"Ipapa-excuse na lang namin kayo sa klase niyo. Drew, I'm sorry." Malungkot ang tingin ni Hazel sa'kin.

Agad nang isinara ni Mich ang pinto saka pumasok at pinaandar na ang kotse. Bago niya tuluyang paharurutin ang kotse ay nahagip ng paningin ko si Kate. Nasa likod siya nina Hazel, malungkot itong nakatanaw sa'kin. Saglit ko lang siyang tiningnan hanggang sa tuluyan kaming makalayo ay pumikit na ako.

Pagdating namin ng ospital ay tumawag agad ng nurse si Mich at inalalayan ako nito.

"Ma'am, ano pong nangyari sa kanya?" tanong agad nito sa kanya habang ako ay nakahiga na sa emergency room, namimilipit pa rin sa sakit.

Wala na akong pakialam sa kanilang dalawa at bahala na si Mich sa mga itinatanong sa kanya. Ang tanging nasa isip ko na lang ay matapos na ito at mawala na 'yong sakit.

Nang hawakan na no'ng nurse ang kanang braso ay doon na ako tuluyang napaaray at nawalan na ako ng malay.

***

"Ander! Thank God gumising ka na. How are you feeling? May masakit pa ba? Kumain ka na, I bought snacks and your favorites," masuyong tanong niya sa'kin ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Halatang kanina pa ito stress.

"Medyo okay na ako, Mich. 'Wag ka nang mag-alala okay? I'm fine except for..."

Di naman siguro masamang pag-alalalahanin lalo ang isang tao 'no? Minsan lang naman eh.

"Except for what? I'm going to call a doctor para ma-check ka. God, wait ka la—

Palihim naman akong natawa sa inaakto niya. Concerned much.

"Except for my tummy. Mamamatay na ako sa gutom kaya akin na 'yang mga binili mo nang mapatunayan kung masarap nga."

"Ako masarap," malokong sagot naman niya sa'kin. Natawa naman ako.

"Di ka naman pagkain eh saka ayan ka na naman. Dalian mo na para makakain na tayo."

"Di nga pagkain pero pwede namang kainin. Basta ikaw lang." Ibabato ko sana sa kanya 'yong unan pero di ako pwedeng gumalaw dahil sa kalagayan ko.

"Tanggapin mo na lang kasi 'yong sinabi ko. Willing naman ako but sa ngayon 'wag kang makulit. Nabalian ka ng buto at nilagyan ka ng arm cast para mapabilis ang recovery mo. Ako ng bahala sa'yo at sumunod ka na lang," at sinubuan na niya ako ng nuggets.

Sinabihan ko na rin siyang kumain dahil may balak ata siyang busugin ako saka syempre baka gutom din siya.

"Ander"

"Hmm?"

Hinihintay ko 'yong sasabihin niya pero bigla naman siyang tumahimik.

"Ander," muling tawag niya sa'kin. Okay lang kaya 'tong si Mich? Di pa niya sabihin 'yong sasabihin niya. Nacucurious tuloy ako.

"Ano 'yon? Baka Ander na naman 'yan ha."

Umayos naman ito ng upo habang nakapatong sa lap niya 'yong pagkain namin.

"Ano kasi, uhmm..." Nakayuko lang siya at nakatingin sa pagkain.

Mich, masyadong pabitin. Ba't kasi di pa niya sabihin.

"I'm sorry. It was my fault kung ba't ka nandito ngayon. Kung di dahil sa'kin, di ka sana—

"Mich, I'm fine. Ang mahalaga'y nagamot na ako kaya relax ka lang. Maraming salamat din sa pag-aasikaso sa akin. Buti na lang din nandoon ka para tulungan ako kung di, ewan ko na. Mich, sigurado ka bang 'yan talaga ang itatanong mo sa akin?"

Nako, yumuko na naman siya at bahagya pang namula ang kanyang mukha. Gamit ang aking kaliwang kamay, hinawakan ko siya sa baba at iniangat ang kanyang mukha. Tiningnan ko siya nang diretso sa mata but she only bit her lower lip at mabilis na inilayo ang aking kamay. Itinabi na rin niya ang pagkain.

"Michelle, may prob—"

Napapikit siya saglit at malalim siyang bumuntonghininga kaya napahinto ako sa sasabihin ko.

She cupped my face with her hands at siya naman na ngayon ang diretsong nakatingin sa'kin.

"Ander, naalala mo ba 'yong promise ko noon sa'yo bago ako umalis? That I'll marry you once I came back. Now that I'm here, I don't want to waste any more time and let it pass without you...again," seryosong sabi niya.

"Mich, I do remember that but don't you think—"

"Ander, can I court you?"

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa tanong 'yon. Ako naman ang napipi at pati utak ko ay biglang nablangko.

Tama ba 'yong narinig ko? Tell me, may dumi lang sa tenga ko kaya 'yon ang narinig ko.

Ang bobo mo, Drew.

"I'm dead serious about you, Ander. The moment we met again, I knew for sure that I'll stay until you're mine. All this time, keeping the feelings I have for you to myself, it's unbearable. I want to court you."

Totoo ba lahat ng mga sinabi niya? Nakatulala lang ako sa aking lap at ni isang salita ay wala akong masabi. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin.

Naramdaman ko ang bahagyang paglapit niya sa'kin kaya bigla akong napaiwas at kinabahan.

"Ander, can I? Silence means yes so...is it a yes?"

"Mich, a-ano kasi..." Paano ko ba sasabihin 'to...nang di siya masasaktan. C'mon Drew, isip isip ka na. Either way—ang hirap naman ng ganito!

Kaibigan ko si Mich. Childhood bestfriend to be exact. Mabait siya tapos friendly pero...ewan! Ang hirap!

"Kasi?"

"Kasi ano Mich...uhm...m-may g—bawal.Kasi di ba ano, don't you think na matagal na 'yon tapos syempre i-iba na ngayon. You know."

Hay Drew! Kaengotan mo talaga!

"Bawal? Taken ka na ba?"

Oo Mich, bawal kasi may gusto akong iba. Tapos may gusto rin siyang iba. Oh diba, mukha bang taken 'yon?

"Seems like wala namang nanliligaw sa'yo or what except me. And I haven't seen you with someone else so, you're single," she said with finality in her voice.

"Mich, just forget it okay? Di pa okay 'yong pakiramdam ko. Pwede bang umuwi na tayo?" pag-iiba ko para matapos na.

"Okay but I'm damn serious about you, Ander." Inayos na niya ang mga pinagkainan namin at humanda na kami sa pag-uwi.

***

"Mich, maraming-maraming salamat sa pag-aasikaso at paghahatid mo sa'kin. I can manage here. Don't worry about me at baka gabihin ka pa," paalam ko kay Mich nang maihatid niya ako. Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay namin.

"Are you sure? Baka may masakit pa sa'yo, ihatid na kita sa loob," nag-aalala pa niyang sabi at akmang lalabas pa ng sasakyan ngunit mabilis ko siyang pinigilan.

"I'm really good now, Mich. Ingat pauwi," at nginitian ko siya para alam niyang okay na talaga ako.

Sa wakas ay tumigil na siya. Lumayo na ako at hinintay muna siyang makaalis. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumabas at niyakap ako nang mahigpit.

"Goodnight, Ander."

Tinapik ko siya sa balikat saka ngumiti.

"Night, Mich."

Kinawayan ko pa siya habang papalayo na ang kanyang sasakyan. Napabuga na lang ako ng hangin nang maiwan akong mag-isa.

Habang binubuksan ko ang gate ay naramdaman kong parang may nanonood sa'kin kaya napalingon ako sa paligid pero wala naman. Guni-guni ko lang siguro. Sa pagod ko na rin buong araw.

Gaya ng inaasahan ko, wala ulit sina Mom and Dad kaya mag-isa na naman ako rito sa bahay. Dumiretso na agad ako sa aking kwarto at tumalon sa aking kama.

Maaga akong matutulog upang maaga akong makapaghanda para sa pageant bukas. For sure, napakaganda ni Kate bukas kaya sobrang excited na ako!

Pumikit na akong may ngiti sa'king labi kahit di ko alam kung anong naghihintay sa'kin bukas. Ang mahalaga, masaya ako sa isiping 'yon.