ANDY
Pupungas-pungas akong bumaba ng aking kwarto. Kinukusot ko pa ang aking mata nang bigla akong kinabahan. Nagising tuloy ang buong diwa ko.
"Prince! Good mor— what happened to you?!"
Si Mom, nabitiwan ang platong hawak niya. Late ko lang na-realize na itong braso ko pala! Itatago ko pa sana kaso nakalapit na si Mom sa'kin at chineck ako.
"Darling, ang aga-aga, sumisigaw ka. Pinaapoy mo ba ulit ang kusina natin?"
"Look at this Henry! 'Yong anak mo binubully sa university! Pilay ang braso oh!"
Bigla namang sumeryoso si Dad.
"Sinong may gawa niyan sa'yo, Andrew? May umaaway ba sa'yo sa Maximilian University? Mukhang di na maayos ang university na 'yan—"
Nahinto lang ang pag-uusap namin nang biglang may nag-door bell. Pinuntahan na 'yon ni Dad habang si Mom nama'y di pa rin ako tinatantanan.
"Mom, 'wag OA please? I'm fine naman na and no need to worry dahil nagamot na siya oh," at bahagya kong iginalaw 'yong braso ko para makita ni Mom. Pero napangiwi lang ako.
"Hindi ka papasok Andrew! Pupunta tayo ng ospi—"
"Good morning Auntie! Flower for you po."
Si Mich, nakangiti kay Mom habang may dalang isang bouquet ng flowers. Iniaabot niya ang isang pirasong bulaklak kay Mom.
"Oh, good morning hija. Thanks for the flower. Nag-abala ka pa. Napagawi ka rito? Wala ka bang klase?"
Bilis magpalit ng mood ni Mom. Seryoso na siya ngayon.
"Uhm, Auntie, meron po pero gusto ko pong sunduin si Ander para sabay na po kaming dalawa—"
"Hindi siya papasok today. Look at her arm. She's not fine. Hindi namin alam ng Dad niya kung sino ang may gawa. Pwede ka ng mauna, hija."
"Darling! Kararating pa lang ni Michelle, paaalisin mo na agad. Saka mukhang may dala siya para kay Prince. Michelle, dito ka muna. Nag-breakfast ka na ba? Kumuha ka na lang diyan. 'Wag mahihiya," sabat ni Dad sa'min habang may dalang isang plato na may pancake. Nakangiti niyang tinapik sa balikat si Mich.
Si Mom naman di na maipinta ang mukha kay Dad.
"Ander, for you," masayang sabi ni Mich sa'kin sabay abot ng dala niyang bouquet.
Alanganin at nahihiya kong tinanggap 'yon. "Thank you, Mich."
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumikhim si Mom.
"Manguha ka na ng food mo, Andrew. I'll talk to her first. Sumunod ka kaagad sa table," madiin at maawtoridad na utos niya sa'kin. Tinanguan ko na lang si Mom at umalis na sila ni Mich.
Problema ba ni Mom? Kanina pa siya OA tapos biglang sumungit. Parang kanina lang nasa mood pa siyang bumati sa'kin. Signs of aging siguro.
"Mom, si Mich? Nasan? Umalis na? Ang bilis ata, akala ko kakain siya rito?" tanong ko kay Mom nang makapunta ako sa table. Silang dalawa na lang ni Dad na kumakain ang nandoon.
"Sinabi kong di ka papasok today and she told me everything. Siya pala ang may kasalanan kaya nagkaganyan ang braso mo." Naiiling na lang si Mom, halatang disappointed.
"Pero Mom, siya nag-asikaso sa'kin. Dinala niya ako sa ospital. She did everything at nag-sorry naman siya kahit aksidente lang 'yong nangyari. Hayaan mo na Mom, tapos naman na. And, papasok ako," I said with finality. Baka kokontra na naman. Hinding-hindi ako pwedeng um-absent ngayon!
Mabilis siyang napaangat ng tingin at di makapaniwalang tumingin sa'kin.
"Are you really out of your mind, Andrew Torregozon? You know me. Hindi pupwede sa'kin ang ganyan. Kung di dahil sa kanya, di ka sana magkakaganyan. You should be careful next time or better if iwasan mo siya."
"Darling, calm down. Di naman sinasadya ang nangyari sa anak mo. Buti nga nandoon si Michelle eh pa'no kung wala? Sinong tutulong? Baka napahamak pang lalo kung wala 'yong bata doon."
Natawa naman nang pagak si Mom.
"Oh, Henry, you know what? Kanina mo pa kinakampihan—"
"Mom, Dad, mag-re-ready na po ako ha?" at tumakbo na ako sa cr.
Mukhang mag-aaway na sila kaya nilayasan ko na sila. Nagmadali na ako dahil male-late na ako.
Nang matapos ako at handa na ay kinuha ko na ang aking bag.
"Ihahatid na kita. Tara na." Nauna ng lumabas si Dad habang ako nama'y nagtatakang sumusunod sa kanya.
"Don't forget to lock the house!" pahabol pa ni Dad. Sinunod ko na lang para makaalis na kami.
"Si Mom, Dad?" tanong ko nang makaalis na kami.
"Umalis. Pumunta kay Laura. Nainis sa'kin eh. Magsho-shopping na lang daw sila."
"Yari ka Dad! Pero mas maganda Dad kung bibilisan mo 'yong pagda-drive para makarating na ako sa university." Parang wala sa sarili si Dad eh, ang bagal mag-drive tapos mukhang ang lalim pa ng iniisip.
"'Tigilan mo ako, Andrew kung ayaw mong iuwi kita pabalik. Ano bang meron sa'yo ngayon? I can tell that there's something because you have your DSLR right now," saway sa'kin ni Dad habang nasa daan pa rin ang atensyon niya.
"Yes Dad! Pageant namin ngayon sa university at contestant si Kate doon Dad kaya dinala ko 'tong DSLR ko! Magpipicture ako ng marami kaya hindi ako pwedeng um-absent at buti na lang umalis si Mom. Baka di niya talaga ako papasukin. Sayang di ba Dad, special day kaya ni Kate ngayon!" excited at masaya kong sabi kay Dad. Para tuloy akong kinikiliti dito sa loob pero bahala si Dad. Eh sa kinikilig talaga ako!
Ano kayang itsura ni Kate mamaya? Waah, I can't wait!
"I bet you can't. Injured 'yang kanang braso mo. Di ka makakapag-picture kaya panoorin mo na lang siya. Di ba sumali si Michelle? Sayang naman."
"Dad, we're here! Goodbye Dad! Baka ma-late ako sa pag-uwi. Pasabi na lang kay Mom." Bubuksan ko na 'yong pinto nang ayaw itong mabuksan. Tiningnan ko si Dad. Nakanguso ito ngunit mabilis na bumaling sa iba.
"Dad daw. Di bagay sa'yo magtampo." I kissed him on his cheeks at nagliwanag na ulit ang mukha nito. Parang bata.
I waved him goodbye at pumasok na ako. Dumiretso na ako sa SC office dahil excuse naman kami buong araw.
"Ba't pumasok ka Drew? Okay ka na ba?" gulat na bungad sa'kin ni Lucas. Busy sila sa pag-aayos ng mga kakailanganin sa pageant pati mga papers.
"Aba syempre! Hindi pwedeng wala ako rito 'no! Ito kaya ang pinakahihintay ko sa lahat!" proud kong sabi at tinapik-tapik ko pa ang dibdib ko.
"Dahil mukhang okay ka na, magbuhat ka ng upuan sa gym tapos itong table cover ilagay mo sa mesa. Ayusin mo tapos ihanda mo na rin para mamaya uupo na lang 'yong mga judges. Remind ko rin na ikaw ang naka-assign sa mga snacks nila kaya hanggang mamaya ka rito." Ibinato na niya sa'kin 'yong isang plastic na may lamang table cover na sinasabi niya.
"Ang dami mo namang utos, Mia. Anong oras ba 'yong pageant?"
"5pm, sa gym. Uy sakto, may dala kang DSLR! Picturan mo ako! Damihan mo, pang-dp ko!" mukhang ewang sabi niya.
"Ayoko nga! Mabasag pa 'to." Binato niya ako ng basahan habang ako nama'y tumatawang tumakbo paalis.
Pagdating ko sa gym ay di ko mapigilang matulala sa pagkakaayos ng venue. Maganda at halatang sobrang pinaghandaan dahil sa black and gold backdrop ng stage tapos may mga ilaw pa sa baba para mamaya.
Tulad ng utos ni Mia ay naghila ako ng upuan dahil di ko naman mabubuhat dahil sa braso ko. Nagpaka-busy na ako sa mga inutos sa'kin at gano'n din ang mga kasama kong ibang officers. Nandito rin 'yong ibang teachers na nag-aayos for decorations at kung ano-ano pa. Hindi pa pwedeng papasukin 'yong students dahil surprise ito at para di magkagulo.
Bigla akong napaiwas nang may lumapat sa pisngi kong malamig. Nakaupo ako ngayon dito sa bleachers, nagpapahinga.
"Pahinga ka raw muna. Lunch ka na," si Mia na may hawak na cold bottled water at dalawang malaking paper bag na ibinibigay niya sa'kin.
"Ha? Maaga pa ata. Ano bang oras na? Saka kanino galing 'yan?" Di ko na namalayan ang oras sa sobrang ka-busy-han.
"Kay Madam Pres lang naman. Kumain ka na. Sige Drew, maya na lang ulit. Marami pa kaming aasikasuhin," at umalis na si Mia.
Pagtingin ko sa paper bag ay maraming pagkain. May noodles na may steamed dumplings, lumpia, siomai at hopia.
Nakakatakam lahat kaya kumain na ako. Habang ngumunguya ay may kinakalkal pa ako sa loob ng paper bag nang may makuha akong maliit na note.
Dee,
I made these for you. Sana magustuhan mo ❤❤
- Hazel
Ohh, so Hazel nagluto? Ang thoughtful naman niya. Itetext ko na lang siya para mag-thank you pagkatapos ko.
Lumipas lang ang maghapon kong nandito sa gym para tumulong sa preparation ng pageant. Dahil 5pm daw magsisimula pero calling time lang 'yon at 5:30pm pa talaga ang event proper.
May mga dumarating ng candidates dito sa gym at ako nama'y abala sa pag-guide sa kanila kung saan dapat pumunta at nagbabantay. Saktong natapos akong kausapin ng isang professor nang bigla may kumalabit sa'kin.
"Drew, tara muna sa SC office. Kailangan namin ng kaunting tulong tapos pag-uusapan na rin 'yong snacks ng judges. Ikaw doon di ba?" si Mia, nagmamadaling hinila ako palabas ng gym.
Palubog na ang araw. Sabagay alas cinco na. Di kasi pansin sa loob ng gym.
"Ano pang kailangan, guys? May di pa ba natatapos? Malapit na mag-start 'yong pageant," tanong ko sa kanila. Nandito na kami sa SC office.
"Wala naman bukod sa ikaw ang na-assign sa pagbibigay ng snacks sa judges. Ikaw na lang bibili kasi need namin 'yong isang kasama mo. Oks lang naman sa'yo di ba?" Si Lucas ang sumagot habang 'yong iba naming ka-officers ay nakikinig lang.
"Oo basta bigyan niyo akong pambili ah!" Hirap na. Baka magkalimutan kami rito.
Iniabot na sa'kin ni Ms. Treasurer ang isang libo.
"Keep the change ko na 'to ha? Bayad for my effort."
Binatukan ba naman ako nito. "Che! Ibalik mo 'pag may natira! Mandurugas ka talaga!" Ngumuso na lang ako. Ngayon lang naman eh. Itinago ko na ang salapi sa aking bulsa.
"Saan pala ako bibili at ano ang bibilhin ko?"
May iniabot naman sila sa aking papel. Listahan no'ng snacks.
"Drew, punta na tayong gym ngayon na!" bulalas ni Mia sa'kin at kinaladkad na naman ako.
"Teka Mia! Akala ko ba—"
"Basta sumunod ka na lang!"
Nang makarating kami ay kulang na lang ipagduldulan niya ako sa backstage.
"Dee."
Nahinto lang kaming dalawa dahil sa pagtawag ng pangalan ko. Paglingon ko, si Hazel.
"H-Hazel? Ikaw ba 'yong President namin?" pagbibiro ko sa kanya.
Bahagya naman siyang ngumiti, para bang nahihiya at di makatingin sa'kin.
"A-ayos lang ba Dee? N-Nagustuhan mo ba?"
"Alam mo Hazel, bagay na bagay sa'yo ang suot mo. Tara na?" alok ko sa kanya at masaya niyang ikinawit ang braso niya sa akin.
Nagsimula na ang pageant. Nagkaroon ng masigabong palakpakan matapos simulan ng emcee ang main event at kanya-kanyang hiyawan ng mga estudyante sa kani-kanilang pambato.
Nang tinawag na si Hazel ay dahan-dahan ko siyang inalalayan habang ang braso niya ay nakakapit pa rin sa akin.
Malapad ang ngiti niya habang kami ay naglalakad sa stage. Ngumiti rin ako dahil may mga nagpipicture.
"Goodluck, Hazel," bulong ko sa kanya matapos ko siyang maihatid sa stage. Narinig ko pang isinisigaw nina Mia, Lucas at ibang ka-officers namin ang pangalan naming dalawa ni Hazel. Ang mga baliw may pa-banner pa na pangalan ulit namin ang nakasulat at may puso-puso pa.
"When I say Drew, you'll say Hazel! C'mon pips join with me! And I say Drew!"
"Hazel! Go Hazel! Our President!" sabay-sabay nilang sigaw na mga SC officers.
Ang siraulo talaga ni Mia. Basta talaga katangahan, pasimuno. Samin na tuloy ang atensyon ng lahat at na-mention pa nga kami ng emcee. Akala ko tapos na si Mia sa kaek-ekan niya di pa pala. Nambato pa siya ng isang bulaklak. Ang loka, kumindat pa.
Mabilis kong pinulot ang bulaklak. Bawal kasi magkalat kaya ibinato ko pabalik kay Mia.
Bumaba na ako ng stage. Inutusan agad ako ni Mrs. Cordova sa SC office upang kunin ang bag niya at ilang papers.
Pagbalik ko ay nautusan na naman akong magbantay sa gate upang maiwasan ang pagpasok ng mga outsiders. May kasama naman akong iba at marami kaya walang problema. Di ako nakanood ng pageant sa mga sumunod na oras dahil utos doon, utos dito at pinagpapasahan nila ako. Bumili na rin ako ng snacks ng mag judges at ibinigay sa mga ito.
Grabe 'yong pagod ko pero okay lang. Nandito kami ngayon ni Lucas sa SC office. Nagpasama kasi siya sa akin na mag-print ng ilang certificates.
"Kanina ka pa walang humpay sa pag-aasikaso, Drew. Kumain ka muna," at iniabot niya ang isang paper bag ng Jollibee.
"Sigurado ka ba Lucas? Busog pa naman ako. Ano na kayang nangyari sa pageant?" Sayang, di ko man lang napanood si Kate.Kumusta na kaya siya? Hay.
"Lucas, babalik na ako sa gym. May kailangan pa akong asikasuhin." Tumakbo na ako paalis. Hindi ko hahayaang hindi ko makita si Kate kahit patapos na ang pageant.
It's better late than never di ba?
Pagbalik ko sa gym ay napakaraming estudyanteng nagkukumpulan. Mas marami kesa kanina. Nakipagtulakan pa ako para lang makarating sa medyo harap.
Nang makalusot ako ay tila tumigil ang aking paligid at napako sa aking kinatatayuan.
It felt surreal. Siya lang ang nakikita ko. I can't contain my happiness right now for her. She's wearing the gold crown. A smile of triumph was plastered on her alluring lips. Waving at the crowd, she made everyone screamed her name, begged to be noticed by her. She won the pageant.
How could she not? She's like a goddess descended from the heavenly skies above. In this very moment, just watching her from afar made my heart spurt a wave of fluttering feelings I have for her. I want to hug her right now and tell her—
"Sobrang ganda ni Kate 'no?"
Biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig at nilingon ang nagsalita.
"What? Kung gusto mo ako na ang kukuha ng pictures niya para sa'yo," nakangiti pa nitong sabi sa'kin na ikinasalubong ng kilay ko.
"Sino ka ba? Umalis ka na, di ka kailangan dito."
"Di mo na ako natatandaan? I'm Kate's secret bestfriend, Skye Bernabe." Lumapit pa ito sa akin at akmang kukunin ang DSLR ko nang mahigpit ko itong hinawakan.
"Ako lang ang magpipicture kay Kate at ako lang din ang nag-iisang bestfriend niya so back off!" asik ko rito. Ang kapal niya masyado para sabihin ang mga bagay na gano'n.
"You are injured, my dear friend. Ako ng bahala, doncha worry. You can trust me. If not, it's not my loss anyway but I have this," nakangisi niyang saad habang ipinapakita ang phone niyang may picture ni Kate ngayon. "I do not share, Andrew Torregozon."
Is she blackmailing me?
I gritted my teeth in anger. How could she?
"Just give me your camera. I want to help. That's all."
Sinukat ko muna siya ng tingin and I gave her my camera in defeat. Magsasalita pa sana ako nang may kumalabit sa akin.
"Drew, dalhan mo pa raw ng drinks at snacka 'yong mga judges. Andon lang sa backstage ang mga pagkain, naka-carton."
Sinunod ko na ang iniutos sa akin at pagbalik ko ay biglang tahimik ng lahat. Nakakatutok sa stage.
Tumingin ako doon at biglang bumigat ang aking paghinga. Nakaluhod ang isang lalaki. Nabitiwan ko ang aking dala kasabay nito ang pagbigkas niya ng mga katagang unti-unting bumabara sa aking dibdib.
"Kate Silovera, will you be my girlfriend?"
Daig pa na tinarakan ako ng kutsilyo sa puso nang sumagot ang babaeng matagal ko ng minamahal.
"Yes."
Bago pa tuluyang maglandas ang aking luha ay may humila sa akin at kinabig ang aking mukha.
Isang malambot na labi ang dumampi sa aking labi.
I closed my eyes to take everything as I lost everything.
It was Mich.