ANDY
"Good morning, Andrew Torregozon!" masiglang bati sa'kin ni Luce pagpasok ko.
"Ey," tugon ko at umupo na ako. Napagod ako sa training namin nitong mga nakaraang araw tapos lagi ko ring naiisip si Kate. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita simula noong huli naming pag-uusap.
"Anong bati 'yon ha Drew? Ey? Hehemon ka ba? May problema ba? Simula nang mag-training tayo, parang lagi kang matamlay at tulala. Anyare?" Tumabi siya sa akin at mataman akong tiningnan.
Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-open up kay Luce about sa feelings ko kay Kate. Siya lang naman malapit sa akin bukod sa bestfriend ko na 'di na rin ako gaanong pinapansin.
Ang hirap ng ganito.
Sinalubong ko naman ang tingin ni Luce. "Ano kasi...W-wala pala."
Bigla naman siyang sumimangot. "Ano nga kasi 'yon? Nagpapabebe pa, sabihin mo na. Para kang tanga. Tayong dalawa lang naman ang makakaalam."
Wala naman sigurong masama kung hihingi ako sa kanya ng advice tutal pinagkakatiwalaan ko naman siya at alam kong wala naman siyang ibang pagsasabihan if ever dahil ako lang din naman ang ka-close niya.
"Na-try mo na bang mag-confess?" nahihiya kong tanong.
"Ah, akala ko naman kung ano na. Hindi pa, bakit? Wait lang, mag-co-confess ka ba?" curious niyang tanong at ang loka, mukhang intrigang-intriga pa.
'Di naman ako nakasagot agad kasi 'di ko alam kung ano ba talagang gagawin ko. Ang hirap kasi 'pag walang napagsasabihan or 'yong kahit makikinig man lang sana. Ang hirap talaga ng ganito. 'Yong sinasarili.
"Kanino ka ba mag-co-confess?"
Huminga muna ako nang malalim.
"Ano na lang palang gagawin mo kung may feelings ka sa taong close sa'yo? Like friend gano'n?"
"Omg, ako ba 'yan? Mag-co-confess ka sa'kin? Drew, I know you're the most nice and caring-
"Oo na lang Luce. Ang tino mo talagang kausap. Laking tulong."
"Uy joke lang! Nagsusungit agad. First time 'to ah. Anyway, sa tanong mo, I guess depende siguro kung anong meron kayo as friends. Syempre if mag-co-confess ka, worth it bang i-risk 'yong friendship niyo or not? Gaano ka na ba katagal may feelings kay 'friend'?"
Simula college.
"Two years."
Tumango-tango naman siya at ngumiti.
"Wow ha? Ang tagal mo na palang nagtatanim. For sure, malaki na 'yan ngayon. Mag-confess ka na. Wala namang masama at mawawala kung mag-co-confess ka. At least you try 'di ba? Malay mo the feeling is mutual o kaya hindi. Either way, malalaman mo kung may chance ka o wala. Basic!"
The feeling is mutual?
O kaya hindi.
Hindi siguro. Mag-co-confess ba ako? Kaso huli na. May jowa na si Kate.
"Pa'no kung may jowa na siya?"
Nagulat naman siya.
"Ay may jowa na? Kawawa ka pala. Bayaan mo na. Move on ka na, may jowa na pala eh. Marami pa namang iba diyan saka 19 palang naman tayo. Malay mo mamaya dumating na 'yong para sa'yo."
"Pero...'di naman gano'n kadali 'yon Luce eh. Na mag-move on na lang. Sobrang hirap kaya."
"At bakit naman? Hulog na hulog ka na ba sa kanya? Wala namang kayo ah! Alam mo Drew, tanggapin mo na lang ang katotohanan na may mahal na siyang iba at hindi ikaw 'yon. Dapat kasi nagtapat ka na sa kanya habang maaga at may chance ka pa. Hindi 'yong may jowa na siya saka ka pa gagalaw. Wala ka Drew, mahina," at iiling-iling pa siya.
"Look, this is my first time na ma-inlove sa isang tao.
At sa bestfriend ko pa talaga.
'Di ko alam kung anong gagawin and 'di naman basta-basta na mag-co-confess gaya ng sabi mo. It takes a lot of courage to do it. Besides, 'di ko rin naman alam na magkakajowa agad siya."
"That's the point Drew! Kaya nga kung may gusto ka sa isang tao, you better tell them na. Wala namang masama at mawawala. Like you, two years mo na palang gusto, ba't ngayon lang? Edi kung nag-confess ka noon, baka ngayon, kayo na or better, naka-move on ka na. Mahal mo ba siya?"
"Oo, matagal na."
"Mahal mo naman pala eh. You should have taken a risk. 'Pag mahal mo talaga, mag-te-take risk ka talaga ng risk and if that 'friend is worth the risk, then it is worth it. No what ifs. Saka tingnan mo, mas maganda na you take an action kesa wala 'di ba? Alam mo 'yang feelings natin always nandiyan 'yan pero 'yong tao, hindi. Kadalasan kasi sa atin, iniisip na kaagad natin na what if hindi ako gusto, kesyo ganito ganyan eh hindi pa naman nagtatapat. Ayaw kasi nating ma-reject kaya pilit na lang na inililihim ang dapat ay hindi."
"Ewan ko Luce. Basta bahala na!"
Nagkibit-balikat na lang siya at dumating na rin sir kaya nag-start na rin ang klase.
Lumilipad lang ang isip ko at walang pumapasok kung di 'yong mga sinabi sa akin ni Luce kanina.
Marami akong na-realized na mga bagay-bagay. Kung nagtapat pala ako noon pa, may magbabago kaya?
Napabuntong-hininga na lang ako sa aking mga naiisip habang nakatalumbabang nakatingin sa bintana ng kawalan.
Saka lang ako bumalik aa aking ulirat nang marinig kong "class dismissed" na.
Wala kong ganang isinukbit ang aking bag at paalis na nang tawagin ako ni Luce.
"Sa'n ka kakain? Sabay na us."
"Uuwi ako eh." Wala talaga akong ganang pumasok at boring din.
Nag-make face lang siya. "So, iiwan mo na lang ako rito? 'Wag ka ng umuwi! Sa canteen na lang tayo. Uuwi ka pa, ang hassle hassle."
"'Di naman ako maglalakad pauwi saka mamamasahe ako 'no. 'Di na rin pala ako papasok mamaya. Una na ako Luce!"
"Wow, ang lakas! Mukhang 'di takot bumagsak ah! Pasalubong ko bukas ha? Don't forget! Gagala ka lang eh. Kasama mo ba 'yong mabait mong bestfriend?" sarkastikong tanong pa niya.
"'Di ko nga alam kung nasaan 'yon eh." Buti na lang daw at nilayasan ko na siya.
Nagmadali na akong naglakad at dumaan sa hindi ko makakasalubong si Kate. Mahirap na at baka matameme na naman ako.
Kamamadali ko ay may nabunggo pa ako. Nako naman talaga!
"Pasensya ka na talaga miss."
"A-Ander? Ander!" masaya nitong sambit at niyakap ako nang napakahigpit. Parang ang tagal naman naming 'di nagkita nito. "Where are you going? Uuwi ka ba?"
"Yes, so...see you next time, Mich? Nagmamadali na kasi ako eh."
Narinig ko pa ang pagsigaw niya ng ingat sa'kin habang tumatakbo ako paalis.
Nang makasakay ako at makababa sa aming subdivision ay 'di na ako nag-abalang magbukas ng payong kahit na tirik na tirik ang araw.
Nagpapayong lang naman ako 'pag kasama ko si Kate pero ngayon, wala ng kwenta 'tong payong ko.
Nakarating ako sa bahay na pawisan lang naman dahil sa init. Bahala na kung umitim.
Pagpasok ko ay bumungad sa'kin sina Mom and Dad na nakaupo sa sofa habang kumakain. Nanonood din sila ng tv.
Napatayo naman si Mom at masaya akong sinalubong nang napakahigpit na yakap.
"Oh my, wala ka na bang pasok today? Kumain ka na ba? Sumabay ka na sa'min ng Dad mo."
Ipinagkuha na ako ni Mom ng plate at umupo na ako sa tabi ni Dad.
"Hey, nandito ka na pala," at ginulo lang ni Dad ang buhok ko habang nakatutok pa rin siya sa NBA na pinapanood niya.
"Ibalik mo nga doon kay Juday! Lagi kong inaabangan 'yon tapos 'yan na namang walang kasawaang basketball na 'yan!" Inagaw ni Mom ang remote habang ako nama'y kumakain na at pinapanood sila.
Inilayo ni Dad ang remote at biglang napatayo't sumigaw.
"'Yun oh! Panalo na naman ang Lakers ko! Panalo na naman sa pustahan namin nina Dwight." Bigla ko na namang naalala si Tito Dwight na gym buddy ni Dad.
"Sige Henry, gastos pa. Tingnan ko lang kung hanggang saan ka palalamunin niyang Lakers mo."
Pinanood ko lang silang dalawa habang humihigop ako ng sopas. Kung ano-ano ng pinagsasabi ni Mom kay Dad habang 'tong si Dad naman todo katwiran din at sinasabayan si Mom.
Bahala na sila. Basta ako kakain na lang nitong fried chicken at hindi papasok!
Nang matapos akong kumain ay inilipat ko ng channel at nanood muna ako ng Adventure Time para ma-relax ako.
"Tapos ka na po ba, kamahalan? O baka nagugutom ka pa?" Si Dad na nang-aasar na naman. Wala na rin pala si Mom.
"Dad, do'n ka nga!" at hinampas ko siya ng unan. "Si Mom pala?"
"Pinapatawa lang kita, Duke. Para ka talagang si Elena, hindi mabiro. Nananakit agad. Akala ko pa man din sa'kin ka nagmana. Wala si Elena, nag-walk out dahil 'di manalo sa'kin. Ayun, tampurorot na naman. Ba't ka pala umuwi? Halfday lang?"
"Ahh. Hindi Dad. Ano lang...hmm..."
"Magligpit muna ako. Baka magalit si Madam Elena 'pag bumaba rito." 'Pag 'di sila okay ni Mom, expected na first name basis sila. Tapos pa sa'kin naman, full name talaga as in kasama pa middle name.
Elena things nga naman.
Bored na rin akong manood kaya pumunta na rin ako sa aking kwarto at padapang humiga. I stretched my arms only to feel na ang laki ng bed ko na puro unan at may ilang teddy bear.
Dalawang teddy bear and ang pinaka-treasured ko sa lahat na pink dolphin na pure black ang mata.
May tatlo akong unan at isang hotdog pillow. Bukod dito, may extra pa akong dalawang unan. That was for Kate.
Never kong inalis 'yon since the day na first time niyang matulog dito. That was 15 years ago, when I was only four years old and she was five.
Pumikit ako habang masayang inaalala ang mga panahong una kaming nagkita. It was a long story and I'm grateful na nagkakilala kami.
I opened my eyes nang may kumakatok na sa pinto ko.
When I opened it, si Dad pala.
"It's already 1pm. 'Di ka pa ba papasok?"
Napayuko naman ako baka kasi pagalitan ako 'pag sinabi kong hindi ako papasok dahil tinatamad ako.
"Andrew. Kinakausap kita." Sinasabi ko na nga ba.
"Ah eh D-Dad...H-Hindi muna po ako p-papasok—
"Dahil?"
"T-Tinatamad a-at a-ayokong p-pumasok po."
Nakatingin lang siya sa akin at napasandal na lang sa door frame.
"Okay lang naman sa'kin kung wala kang ganang pumasok basta hindi ka mawalan ng ganang mag-aral. Ibang usapan na 'yon. Okay ka lang ba? Lately, napapansin kong matamlay ka t'wing papasok."
"Wala Dad! Pagod lang ako sa training namin sa badminton tapos marami pang ginagawa sa acads. Pero kaya namang pagsabayin Dad, don't worry hehe," palusot ko na lang para 'di na siya magtanong pa.
"Gano'n ba? Galingan mo pala ah! Talunin mo ang mga kalaban mo. Pakainin mo ng alikabok!" at ginulo na naman ni Dad ang buhok ko sabay tawa. Dalawa na tuloy kaming tumatawa ngayon dahil sa kalokohan ni Dad.
"Alam mo, okay lang naman na 'di pumasok once in a while lalo na kung 'di ka okay at okay lang din na maging 'di okay. Gano'n lang talaga ang buhay, lahat napagdadaanan kaya kung ano man 'yang pinagdadaanan mo, bukas mo na lang daanan. Break ka muna ngayon tapos balikan mo ulit bukas tapos paulit-ulit lang." Nakangisi na naman 'tong si Dad. Akala ko seryoso na.
"Humanap ka ng kausap mo Dad."
"Seryoso, napagdaanan ko rin 'yong ganyan noon kaso saglit lang. Tamad na tamad din akong pumasok no'ng college ako kaso that time pinapasaya na ako ni Elena eh. Naranasan mo na ba 'yong nakakatamad talagang pumasok tapos makikita mo 'yong nagpapasaya sa'yo araw-araw na magandang naglalakad sa hallway tapos mangingiti ka na lang kasi tinamaan ka na? Gano'n na gano'n ako kay Elena noon. 'Yon lang nga, makita lang niya ako noon, nakasungit na. Napakasungit niyang si Elena pero mahal ko naman—
"'Di ako maka-relate Dad kaya stop na, okay? Never nakaranas or never ata akong makakaranas ng ganyan except do'n sa part na sinusungitan."
Humalakhak ba naman siya.
Kung alam mo lang Dad, hay. Ang tunay kong nararamdaman kay Kate...
"Baka kasi 'di mo pa siya natatagpuan o baka naman bababagal-bagal ka o kaya'y kung saan-saan ka pa tumitingin. Nagkikita ba kayo ni Mich sa university? Ikumusta mo naman ako sa kanya minsan ha? 'Wag mong kalimutan! Tara na, alis na tayo!" at inakbayan na ako ni Dad. Pababa na kami ngayon.
Kanina pa talaga nananakit 'tong si Dad. Tagos-tagos na sa heart ko 'yong pinagsasabi niya.
"Sa'n tayo pupunta Dad? Anong gagawin natin?"
"Magpalit ka na ng damit pang-gym. Dalian mo." Magtatanong pa sana ako kaso wala na akong nagawa dahil tinutulak na niya ako pabalik.
Nagbihis lang ako ng simple white tshirt at black nike shoes na pinaresan ko ng white crocs na minedyasan ko. Pagbaba ko ay tiningnan lang ni Dad ang kabuuan ko lalo na sa crocs na suot ko.
"What is that? Running shoes please. Ang sakit sa mata. Puro kayo estetik."
"Okay na 'to Dad, sasama lang naman ako sa'yo eh," at kumapit na ako sa ma-muscle na braso niya. Ready-ng ready na siya dahil nakasukbit na sa kaliwa niyang balikat ang gym bag niya tapos kitang-kita pa 'yong batak niyang katawan dahil nakasando siya na open low cut ang gilid.
Adik sa gym 'tong si Dad eh.
Umalis na kami at 15 minutes lang ay nakarating na kami sa Power Fitness. Bumaba na ako habang si Dad ay nag-park muna rito sa harap.
Buti na lang nagsuot ako ng shades at cap. Gano'n din si Dad na naka-sports sunglasses pa siya.
"Let's go," at sumunod na ako kay Dad. Naglalakad palang kami pero agaw-pansin 'tong si Dad na parang celebrity.
Nag-shake hands muna sila bago tapik sa balikat. "What's up, brad? 'Yong pusta mo. Talo ka. Nga pala, kasama ko si Andrew," at bumaling siya sa'kin.
"Musta na po, Tito Dwight?" nahihiya kong bati kasi nakatingin pa 'yong iba sa amin. Iniwan naman ako ni Dad dito dahil daig na niya ang kumakandidato rito sa gym. Lahat na ata batiin at kilala niya.
Niyakap naman ako ni Tito Dwight at ngumiti sa'kin. "Wala ka pa rin talagang pinagbago. Mahiyain ka pa rin! Ano, mag-wo-workout ka rin ba? Try ka kahit saan diyan. Treadmill, dumbbell o kahit ano. Ako ng bahala magbayad. Start na kami ni Henry. Ingat Andrew!" at inabutan niya ako ng 500 pesos.
'Yan ang gusto ko kay Tito Dwight eh. Namimigay siyang pera para pang-motivate raw mag-workout.
To be honest, ito ang bonding namin ni Dad, ang mag-gym kapag nandito sila ni Mom syempre. Bihira lang din kaming magganito dahil lagi silang wala dahil sa business.
Naisipan kong mag-treadmill na lang sa mabagal na speed upang lakad-lakad lang. Ipinasak ko na ang airpods ko at nagsimula. After half an hour, may kumuwit sa'kin na lalaki na kakilala ni Dad at niyaya ako do'n sa may punching bag. Wala namang masama kung mag-ta-try ako ng bago.
Tinuruan muna ako nito at makalipas ang kalahati pang oras ay naliligo na ako ng pawis. Habol-hininga ako habang si Dad at Tito Dwight ay nakatingin pala sa'kin. Nakangiti si parehas.
"Ano Andrew, kaya pa?" sigaw ni Tito Dwight sa'kin pero umiling-iling na ako.
Lumapit ako sa kanila at huminto naman sila mula sa paghihila nila. Hinagisan ako ni Dad ng towel habang sila naman ay umiinom.
"You want?" alok ni Dad sa tumbler niya.
"Nope. Bibili na lang muna ako ng inumin sa labas ha Dad?"
"Ingat. Diyan ka lang sa tabi-tabi. 'Wag magpakalayo-layo."
Lumabas na ako ng gym at pumunta sa isang vending machine dito sa labas lang.
Matapos kong uminom ay ayaw ko pa munang bumalik kaya namasyal muna ako rito sa mall malapit sa gym.
Gusto ko munang mapag-isa dahil pagod na pagod ako at marami ring iniisip.
Siguro, nakakaantok na naman ang klase nito ngayon sa amin.
Naupo ako rito sa may bench sa gilid sa loob ng mall malapit sa may grocery. Habang pinapanood ko ang mga taong naglalakad ay bigla kong naalala no'ng kaming dalawa ni Kate habang gumagala sa mall.
"Andy, arcade muna tayo! Bili ka ng maraming tokens dali!"
"Kate, teka lang! Ang bilis mong maglakad. Kumain muna tayo."
"No! Uuwi na ako! Magsama kayo no'ng cashier! Kumain ka mag-isa!"
"Kate!"
"Wala!"
"Andy, gusto ko nito, please—
Bumalik lang ako sa aking ulirat nang may matandang babaeng makikiupo sa tabi ko kaya naisipan ko na ring bumalik.
Pagbalik ko ay natanaw ko na agad si Dad na masaya at may kausap na babae. Ang lakas ng boses nila at sabay pang nagtatawanan. Nagtatapikan pa silang dalawa.
"Dad," tawag ko rito ko. Sino naman kaya 'tong babae na 'to? Babago ko lang nakita.
Nahinto lang silang dalawa dahil sa pagtawag ko at humarap ang babaeng may mahabang buhok sa'kin.
"Ikaw na ba 'yan, Drew? Ang laki-laki at ganda mo ng bata ka! Payakap nga!" malapad ang ngiting bati nito sa'kin at niyakap ako nang napakahigpit.
Parang magkaedad lang sila ni Mom at may itsura rin ito gayundin ang katawan nitong halatang alaga sa workout.
Naguguluhan akong tumingin kay Dad ngunit nakangiti pa rin siya sa'kin. Kakaiba ang mga ngiti ni Dad. Halatang masaya na masaya siya nang magkita kami nitong babae.
"Kung hindi mo pa siya kilala, she's my ex."
"Ha?! Ex? Dad!"
Ito na naman ang signature halakhak ni Dad. Maluha-luha na ata siya katatawa habang ako ay 'di na natutuwa. Mukhang proud na proud pa talaga siyang ipakilala sa akin ang ex niya.
He cleared his throat bago nagsalita. Mukhang na-feel niyang 'di na ako natutuwa kaya nagseryoso na siya. I still remember na 'di pa rin sila okay ni Mom.
"Ito na nga Duke. Yes, she's my ex. My ex-secretary when I was the president of the student council sa Maximilian University noon during our college days. Ngayon alam mo na ang tinutukoy kong ex,"paglilinaw ni Dad.
Patawa-tawa lang ang babae at may pahampas-hampas pa ito sa malaking bicep ni Dad at si Dad naman, tuwang-tuwa pa!
"Chill, Andrew! Her name is Minerva and you can call her tita. 'Di ba Nervs?"
"Ako pala si Tita Minerva mo, Drew. Finally, na-meet na rin kita in person! Kauuwi ko lang kasi galing Australia."
at magiling niya akong kinamayan at niyakap ulit.
"Kumusta na pala kayo ni Michelle ko? Madalas ka kasi niyang hinahanap eh. Pwede kang pumasyal sa bahay upang makapag-bonding naman tayo and you can also invite your Mom para maka-catch up din kami sa isa't isa. I'm looking forward to it ha, Drew?"
Tumango na lamang ako bilang sagot dahil na-shock ako nang bongga ngayon.
Gusto ko na lang matulog at magpahinga kahit isang araw man lang!