Chapter 33 - 33

ANDY

Panibagong araw, panibagong buhay.

Kailangan ko ng mag-move on.

Kahit mahirap ay kakayanin.

Naiiyak na naman ako pero pinigilan ko dahil baka mahalata nina Mom.

"Good morning! Kain ka na," masayang bati sa'kin ni Mom pagbaba ko.

Nginitian ko lang si Mom nang tipid habang at binati ko rin si Dad na busy sa pagbabasa ng newspaper. Binaba lang niya 'yong newspaper pati 'yong eyeglasses niya at tiningnan lang mula ulo hanggang paa at balik ulit sa pagbabasa.

Sabay-sabay na kaming kumain.

"How's school lately, Andrew? Marami ba kayong ginagawa?" Mom asked habang kumakain kami.

"Yes Mom. May badminton tournament ako next week then may group reporting and conference."

"What conference?"

"Darling, student council conference. Alam mo naman kung gaano siya ka-active sa university nila. Naayos mo na ba ang documents na kailangan? Pinirmahan ko na rin ang parent's consent mo. That will be in Baguio for three days and two nights. Enjoy your stay there and mag-iingat palagi. Marami kang matututunan doon at you can make connections that will help you after college."

'Di na maipinta ang mukha ni Mom mula sa mga narinig niya from Dad. She doesn't have any idea about the conference though nabanggit ko naman 'yon kagabi.

"I don't like this but sige, I'll ready na ang maleta mo. Umayos-ayos ka at 'wag kang mag-iiinom ng alak doon kung gusto mong may uwian ka pa. Update me kung nasaan ka lagi. Understand, Andrew Torregozon?"

"Yes Mom," and smiled at them sadly. Nakakapagod naman mag-pretend na masaya.

"After all those activities, mag-fafamily bonding tayo." Pagkarinig ko no'n ay na-excite naman ako kahit papaano.

I busied myself na para pumasok at umalis na ako.

Pagpasok ko, gusto ko na uling umuwi dahil parang pagod na pagod ako kahit wala pa akong ginagawa tapos malungkot pa.

Naiisip ko pa lang 'yong mga sinalihan kong extra curricular, parang babagsak na ako this sem.

Bagsak na nga sa pag-ibig, bagsak din sa acads.

Hay buhay!

'Di na kami nagbabatian ni Luce at feeling ko ay iwas na iwas siya sa'kin. I know it's my fault kaya iniiwasan niya ako. I want to make amends with her pero wala akong energy to do that.

I sighed in defeat.

Siguro starting today, I'll face everything all by myself. Wala akong ka-close dito sa room maliban kay Luce tapos wala na rin akong bestfriend kasi mahal ko na 'yon kaso wala rin. Wala ng pag-asa dahil may boyfriend na siya.

Ang sakit sakit naman ng mga nangyayari sa'kin. Deserve ko bang masaktan ng ganito? Wala naman akong ginagawang masama.

"Pst, Andrew! Tinatawag ka ni ma'am!" Saka lang ako bumalik sa ulirat at nagtaas na ako ng kamay. Nakataas na rin kasi 'yong kilay ni ma'am na drawing namanf. Kilay is life.

Buong klase namin, lutang at lumilipad lang ang isip ko na para akong naka-high dahil sa katatakbo ni Kate sa isip ko. Napapatulala tuloy ako sa bintana at sa malawak na kawalan.

I tried to open my phone secretly to see my wallpaper na kaming dalawa ni Kate nakangiti habang magkadikit ang mga pisngi namin.

Good ol' days when everything was fine and sailing smoothly. Ngayon, lumubog na.

I smiled at the memory.

"Ms. Torregozon! May naghahanap sa'yo."

Muntikan ko nang mabitiwan 'yong phone ko dahil akala ko nabuking na ako. Napakasungit pa man din nitong si ma'am.

Lumabas ako at nakita ko si Mia kasama si Lucas.

"Nasa'n na 'yong forms mo? Need na namin for compilation tapos tatlong signature na lang dito." Pumirma na ako at ibinigay na 'yong hinihingi ni Mia.

"Si Hazel pala? Ang tagal ko na siyang 'di nakikita. Kayong dalawa kasi ang laging magkasama. Kayo na ba?" biro ko kay Mia na 'di na maipinta ang mukha.

"Oh ba't ikaw? Ba't mo hinahanap si Hazel? Siguro namimiss mo na siya—

"Blah blah blah! Balik na ako!" at iniwan ko na sila.

Buong araw, napaka-busy ko dahil puro kami group activities. 'Di ko na rin naharap mag-lunch dahil busy pa kami sa powerpoint presentation namin. Reporting na pala namin mamaya dahil pina-move ni ma'am at 'di kami prepared dahil akala namin next week pa.

Itong leader namin, ginugulo ako sa design ng presentation namin dahil magaling daw akong gumawa ng mga ganito.

Kung alam niya lang talaga ang totoo ay nako.

"Gusto ko 'yong gawa mo dati. 'Di ba sa'yo 'yong presentation na the best daw sabi ni ma'am tapos 'yon pa ang ginawang example para gayahin ng buong klase? Gano'n na lang din gawin mo para tayo 'yong best group."

Hay nako, napakaliit na bagay. Lumalaki na ulo ko niyan, joke!

Sa isip-isip ko naman, nang-uuto pa talaga 'tong si Lyka na leader namin. Simple lang naman 'yong gawa kong 'yon na pinanood ko lang din sa youtube kung pa'no gawin.

'Di ko akalain na napapansin din pala nila 'yong gawa ko kahit na puchu-puchu lang 'yon. Nakakatuwa lang for me.

"Guys, bilisan na natin. Malapit na mag-1pm. May explanation na ba kayo rito? Lyka, James, kayo mag-explain no'ng mahihirap na part," napepressure na sabi ni Maria sa tabi ko.

Muntikan ko na talagang ma-backspace ng dire-diretso 'yong tinatype ko nang marinig ko na James pala ang name ng isang kagroup namin.

"Oy, 1pm na. Punta na raw sa room 102, sa room ng section A. Sama-sama raw ang tatlong section para minsanang reporting at discussion daw dahil tayo raw ang mauunang magreport."

"Wait lang, 'di pa ako tapos dito. Mauna na kayo, tapusin ko lang 'to. Konti na lang naman eh. Pareserve na rin ng upuan Lyka, pwede?" Kinakabahan na kasi ako dahil sa section A pala kami magroroom. Ang tatalino pa man din ng mga tao doon. Mga competitive.

"Ikaw Mark, anong ambag mo sa report natin? Puro ka ML diyan, 'pag ikaw walang nasagot mamaya...'Pag tayo nagisa mamaya, makikita mo talaga," nabubwisit na sabi ni Lyka rito.

"Ako pa talaga madam Lyka ang sinabihan mo. Buhatin ko pa kayong lahat sige. Kung gusto niyo ako na magdiscuss niyan lahat eh at manood na lang kayo. Oh ano pustahan? Ikaw nga 'di mo pa alam sasabihin mo eh."

"Guys, tapos na! Tara na, baka late na tayo," yaya ko sa kanila. Ako na ang nagdala ng laptop ni Lyka pati bag at charger nito. Nauna na sila sa kabilang room habang inaayos ko pa ang mga gamit.

"Ander, wait! For you pala."

Papasok na sana ako nang maabutan ako ni Mich. May dala na naman siyang starbucks coffee at may cheesecake pa.

Hingal na hingal pa siya at mukhang tinakbo niya pa rito.

"Thank you," and I smiled at her. I sipped in my coffee at sabay nang pumasok pero 'di pala kami kasya sa pintuan kaya pinauna ko na siya. Natawa na lang kami sa sarili naming katangahan. Pagtingin ko sa loob, nakatingin pala sila sa amin pati 'yong mga kagroup kong nakatayo nang naghihintay sa harap.

Dali-dali na akong kumilos at nag-excuse dahil medyo siksikan na sa loob. Nandoon na rin 'yong projector. Kabado naman 'yong mga kasama ko habang nag-aayos ako.

"Ander, sa'n ka nakaupo? Patabi nga. Wala na akong maupuan." Sumunod pala siya sa akin.

"Ewan ko Mich kung saan ako nakaupo. Tanong mo si Lyka. Nagpareserve ako sa kanya."

"At sino naman 'yang Lykang 'yan ha?"

"Good afternoon class. First presenters, start na kayo."

"Hoy, sinong mag-iintro sa'tin? Ayoko ha? Nahihiya ako at 'di ako prepared. Maria, ikaw na magstart dali mo," bulong ni Lyka at nagtuturuan pa sila.

"Ako na," at nagstart na ako.

Binati ko na silang lahat at ipinakilala ang aming grupo. Kay ma'am lang ako nakafocus para 'di ako kabahan at madistract.

"Galing mo talaga Andrew," bulong sa'kin ni Maria sa tabi ko. Umupo na ako at nagsimula na kami. Syempre ako ang tagapindot samin.

"Talagang may pa-face of the group pa ang grupo niyo, group 1. Go on," comment agad ni ma'am at may pangiti-ngiti pa siya.

Nagstart na silang magreport. Grabe 'yong pakiramdam ko ngayon dahil para akong pinapawisan nang malamig. 'Di na ata kami kaya ng aircon dito sa dami namin.

Nauutal na si Lyka sa pag-eexplain at pabalik-balik siya sa papel niyang lukot na kaya si Mark na ang sumalo.

Inenglish niya ang reporting kaya napasandal si ma'am sa upuan niya at napataas ng kilay. Nagsusulat na rin siya sa iPad niya.

Si Mark at James na ang buong nagreport in English kaya tutok na tutok sa kanila si ma'am. Pati ako napapanganga at natutulala lalo na kay Mark. Ang fluent niya mag-English tapos naeexplain in a simple way 'yong topic na medyo complicated.

"Grabe na talaga silang dalawa. Kung alam ko lang na magiging display at moral support ako, ginandahan ko na sana."

"Maria, ikaw na, uy!"

"Next please."

Natauhan tuloy kaming dalawa. Ayan tuloy, natatawa siyang magbasa ngayon.

Muntik na akong masamid nang biglang yumakap sa likod ko si Lyka.

"Grabe Andrew, kinabahan talaga ako. Buti na lang nandiyan si Mark at James. Anong itsura ng mukha ko ngayon? Hindi ba mukhang tanga o namumula?" tanong niya habang kunwaring nagpapaypay ng sarili niya.

"Hindi naman. Ang galing niyo nga eh," at humigop na ulit ako ng coffee. Kinuha niya 'yong extrang upuan at tumabi sa'kin. Nagpresinta siyang siya na ang magnext next kaya nagpalit na kami ng upuan.

"And that's all our topic for today. Thank you for listening and I hope you learned something from our report. If you have queries, don't hesitate to ask," pag-eend ni Mark at nagsipalakpakan ang mga kaklase namin pati si ma'am ay nakangiting pumalakpak which is bihira lang mangyari dahil laging mataas ang standards niya tapos ayaw niya ng basta-basta may maipresent or ginawa lang kung di lait at katakot-takot na tanong ang ipapaulan niya sa'yo.

"So, I have some questions to ask...so, I'll start with you, James." Ayan na si ma'am seryoso na siya at kung ano-ano pa ang pinagsusulat niya sa kanyang iPad.

Ako 'yong kinakabahan kasi wala akong alam ni isa!

Inisa-isa niya kaming gisahin lalo na si Maria na nagkandautal-utal na sa pagsagot kay ma'am. Lahat sila nagreview at ako lang ang hindi.

Kahiya-hiya na naman ako nito!

"And for Ms. Face of the Group..."

Walang umiimik sa amin at nakaabang lang kay ma'am.

"Ba't walang nagsasalita sa inyo?"

Nagtinginan lang kaming magkakagroup.

"Sino ba kasi 'yon? Ikaw ata 'yon Andrew."

"Andrei."

"Ma'am wala pong Andrei sa amin. Andrew lang po," pagcocorrect ni Maria kay ma'am.

"Oh, I'm sorry. I mean Andrew."

Napakamot naman ako sa ulo ko at napangiti na lang. "Yes ma'am?"

Pangiti-ngiti lang ako pero kinakabahan na talaga ako.

"Ms. Face of the Group, kindly collect lahat ng powerpoint presentations ng lahat ng sections after nila magreport. That's all for today, class. See you next meeting and prepare for our quiz. 100 items and essay only. Ms. Face of the Group, in my office now," at umalis na si ma'am.

Nakahinga naman nang maluwag ang mga kagroup ko at nag-apiran pa sila. Nagpaalam na ako sa kanila dala ang coffee ko.

"Is that your favorite drink?" tanong ni ma'am sakin habang nakasunod ako sa kanya.

"Ah, hindi po ma'am. Bigay lang po sa akin 'to."

Pagpasok namin sa office niya ay napakalamig dahil naka-aircon. Siya lang ang nakaoffice dito dahil siya ang department head namin.

Spacious ang office, maaliwalas at malinis tingnan kaya sobrang nahihiya na naman ako. Di naman kasi normal kay ma'am na magpapunta ng student niya rito.

Umupo na siya sa swivel chair saka sumandal at pumikit.

Napayuko na lang ako dahil di ko alam ang gagawin kung tatanungin ba siya kung anong gagawin ko rito o uupo na lang pero saan naman hanggang sa di ko sinasadyang makita ang nakaprint na naming quiz next meeting.

10 items na puro essay nga.

"Nasaulo mo na ba lahat ng tanong? That will be your quiz next meeting," nakasmile na sabi ni ma'am sa'kin. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin.

"I-I'm sorry po ma'am! 'Di ko po sinasadyang—

"No, it's fine. I'm just kidding anyway. Here's my flashdrive. Dito mo na lang icompile lahat ng powerpoint then isubmit mo rin dito sa office ko. Submit it 'pag tapos na ang lahat magreport. Got it?"

"Y-Yes ma'am."

"Good. Any questions regarding sa quiz or anything? Baka may hindi naintindihan?"

Nag-isip naman ako ng pwedeng maitanong pero wala talaga eh.

Ma'am, answer key nga sa quiz. Joke!

"Wala po ma'am."

"Walang tanong or walang naintindihan?"

"Walang tanong po ma'am ah! Grabe naman po kung walang naintindihan edi bumagsak po sa subject niyo," at sabay kaming natawa ni ma'am.

First time kong makitang tumawa 'tong si ma'am ah! Lagi kasi siyang seryoso at parang naka-tiger look sa klase.

"Don't worry, di ka naman babagsak sa akin. If you have questions pa, you can message me directly or email me. Alam mo naman na kung saan ako kokontakin di ba? You may go now. Baka ma-late ka na sa next class. Mag-aral mabuti, Andrew."

"Yes po ma'am. Thank you po." Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin si ma'am at umalis na ako.

Palabas na ako nang may kumatok at biglang bumukas ang pinto.

Si Kate.

"Good after—

"Consultation hours is every Friday during and after class. Send a message on my email. Thank you and kindly close the door," pagputol ni ma'am kay Kate kaya umalis na ulit ito.

Paglabas ko, inirapan ako ni Kate. Muntikan ko pa siyang mabangga dahil nakatayo pa siya sa labas.

"Kate, okay ka lang ba?" alanganin kong tanong kasi nakasimangot na naman siya eh wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Mukha ba akong hindi okay ha?"

"Kasungitan mo talaga. Nagtatanong lang eh. Ba't ka kasi nakabusangot? Kamukha mo na tuloy 'yong nasa registrar," pang-aasar ko kaya lalo siyang sumimangot.

Natawa naman ako sa loob-loob ko. Pikunin talaga.

Hinampas niya ako nang malakas kaya nahulog 'yong hawak ko.

"Ang tanga Kate! Flashdrive ni ma'am 'yan! Hoy, baka nabasag. Dito ipapasa 'yong mga powerpoint natin, gagi Kate."

Tinarayan lang niya ako at nag-cross arms pa.

"Wow. Tinatanga-tanga mo na lang ako ngayon ha. Oh kasalanan ko ba kung nahulog mo? Ikaw kaya may hawak niyan. Ang lampa mo kasi. Sabihin mo kay ma'am mo na bulok 'yang flashdrive niya o kaya bilhan mo ng bago. Lalong matutuwa 'yon sa'yo. Bilhan mong sampu."

Nilayasan ko nga siya. Hindi porke't mahal ko siya, gaganyan-ganyan na siya. Ano siya, diamond?

"Ander, may class ka pa? Sabay na tayo. Here's your bag pala. Ako na ang nagdala and I waited for you. Baka mawala pa gamit mo eh. Nauna na rin pala 'yong mga groupmates mo. They said na sumunod ka na lang and they want to talk pa raw."

"Thanks Mich. Naabala ka pa tuloy. Wala ka bang class ngayon?" Sinukbit ko na ang aking bag na walang kalaman-laman.

"Ba't parang nakasimangot at problemado ka? And ang tagal mo rin. Pinagalitan ka ba ni ma'am? Di ka siguro nag-aaral no?"

"Hay Mich, kung alam mo lang. Nahulog kasi 'tong flashdrive ni ma'am. Baka nabasag. Baka may important files si ma'am dito. Sige pala Mich, bye!"

Pagpasok ko sa room namin, nagsisimula na ulit ang klase namin. Buti na lang di ako pinansin ni sir. Nagwave ang mga kagroup ko at ngumiti sila lalo na si Lyka.

"Excuse me sa bagong dating. Ikaw si Andrew Torregozon di ba? You're excused dahil sa badminton. You may go now."

"Thank you po sir."

Pumunta na ako sa gym. Naglalakad na ako nang biglang may tumatawag sa phone ko. Si Coach Amir.

"Hello po sir—

"Drew! Drew! Wait!" Paglingon ko si Mia na tumatakbo palapit sa'kin.

Pinatahimik ko siya habang kinakausap si coach. Wala na nga akong maintindihan dahil isa pa 'tong si Mia na di na ata makahintay.

"Ano na naman Mia? Ano na namang need mo?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong kausapin si coach.

"Naayos ko na lahat ng kailangan mo para sa conference natin. Ako na ang nag-asikaso lahat dahil hindi ka mahagilap. Hindi 'to libre Drew ha? Ano ka, sinuswerte? Hanggang Monday na lang 'yong bayaran ng 7,000 at kasama na lahat ng expenses natin doon. Check mo na lang gc nating apat. Kasesend lang kasi pero nandon na lahat. Ingat Drew! Sabay-sabay na lang tayong magbayad sa Monday! Bye!" at binigay na niya sakin ang mga papel sabay layas niya.

Ba't alam niya kung nasan ako? Ang galing naman niya ata. Daig niya pang stalker.

"Oy, teka lang sir. San ka pupunta? Class hours pa. Bawal magcutting. Anong pangalan at sinong teacher mo?" pagharang sakin ni manong guard nang palabas na ako ng gate.

"Excused po ako saka babae po ako at hindi sir."

"Pangalan na lang po at palabas na rin ng ID. Isuot ang ID ah. Anong year mo na? 1st year ka palang ba?"

Mukhang di ako kilala ni manong ah! May tarpaulin na nga kami rito noon.

"Andrew? Hmm, babae pala ha," sarcastic pa talagang sabi niya at maloko pang ngumiti.

"Palog-in na lang diyan tapos punta ka mamaya sa disciplinary office. Don mo kunin 'tong ID mo. Honesty is the best policy, bata at bawal magsinungaling. Di ba itinuturo sa'yo 'yan?"

Mauubos na talaga ang pasensya ko rito kay manong guard. Ipipilit pa niya 'yong gusto niya. Eh babae naman kasi talaga ako! Name ko lang 'yong panlalaki!

"Pero sir, 'di naman po ako nagsisinungaling saka excused po talaga ako—

"Ay hinde. Don ka magpaliwanag—

"Excuse me Mang Ramon!" malambing na tawag ng isang boses kaya napatingin kaming dalawa kung sino 'yon. "She's my student and wala na rin siyang klase. Pwede niyo na po siyang palabasin. Sasabay na po siya sa'kin," nakangiti pa nitong sabi habang sakay sa kanyang black Fortuner.

Pagtingin ko kay manong guard, nakatulala na siya at di man lang kumukurap.

"Hello, Mang Ramon? I'm Professor Papadakis by the way."

"Y-Yes ma'am! G-Good afternoon po. S-sige po," utal-utal na sagot ni manong guard sabay abot ng ID ko.

Paalis na ako nang tawagin ako ni ma'am.

"Get in the car, Andrew." Wala ng hiya-hiya ay sumakay na ako para makaalis na rito kay manong guard.

"T-Thank you po ma'am. Muntikan na po akong di palabasin kung di dahil sa inyo. Loko rin kasi si manong guard. Nakatulala pa po ata sa inyo ma'am. Maraming salamat po ulit."

"Shh, it's fine and I know that he likes me. Every time na papasok ako, he's always like that. That kind of people isn't my type. I prefer someone younger than me. Anyway, it's the second time around na nagkita tayo within a day. Hay, what a coincidence or maybe not. So, san ka pala nakatira? Ihahatid na kita," nakangiting sabi ni ma'am. Palabas na kami ngayon ng campus.

"Diyan na lang po sa may sakayan ma'am sa labas. Magcocommute na lang po ako pauwi."

"No. I insist. Since nandito ka na lang din, isasabay na kita. Delikado magcommute nowadays tapos marami pang nangunguha ng mga bata. Be careful when commuting, Andrew. Alam mo 'yong mga puting van? Black na sila ngayon tapos di na rin van."

"Gano'n po ba ma'am? Black Fortuner na po ba sila ngayon?"

"Oo."

Sabay kaming nagtawanan ni ma'am at marahan akong hinampas sa balikat. Muntikan ko ring hampasin pabalik, buti na lang naalala ko na prof ko pala siya.

"You're like your humor ha, I like it."

I laughed at her kasi anong humor ko ba? Pangpatay nga raw lagi mga jokes ko sabi ni Luce noon.

Sinabi ko na rin sa kanya 'yong address ko at nagtanong din if I want to grab some coffee but I declined and told her na may training pa ako ng badminton at babalik pa ulit ng university.

"Ma'am taga-saan ka po?" out of nowhere kong tanong kasi sobrang awkward. Nahihiya akong lalo dito sa tabi niya while siya chill lang tapos happy face unlike her usual look sa school.

"Greece."

"Meaning po, magdadrive po kayo hanggang doon kaya maaga po kayong umuwi?"

Biglang nahinto si ma'am nang narealize niya 'yong sinabi niya.

"Silly! I mean, diyan lang ako sa may malapit na condo na halos katabi na rin ng university. I've been here for a year pa lang but madali namang ma-navigate 'tong city pero always traffic. Please keep this as a secret, Andrew ha? Ikaw lang ang nakakaalam."

Tumango ako at nagpromise.

Sa wakas, nakarating na kami sa subdivision.

"Dito na lang po ako ma'am. Thank you—

"No. Ipapasok ko sa loob. Maglalakad ka pa." Pumayag na ako dahil kanina pa siya makulit.

"Ma'am dito na lang po ako—

"Wait! Before you go, may gusto lang akong sabihin sa'yo."

Bigla naman akong kinabahan at nagulat dito kay ma'am. Di ko kasi inaasahan.

"Ano po 'yon?"

"Be careful not to drop my flashdrive ha? Madali kasing mabasag 'yon and there are some files in it. That's all. Dito na pala ang bahay mo. Ingat Andrew, see you on Friday. Don't forget your quiz."

Patay! Baka basag na ang flashdrive niya. Kate kasi!

Alanganin akong nagpasalamat at nagpaalam kay ma'am na smiling face. I waved her goodbye at bumusina siya before leaving. I watched her car leaving the subdivision at pumasok na ako sa amin.

Saglit lang ako. Nagpalit lang ako ng pangtraining then inayos ko na rin ang panglaro ko. I also texted my parents na male-late na ako ng uwi.

Pagdating ko sa gym, sabak na agad sa training dahil kanina pa sila nagsimula. Stretching at warm-up muna bago maglaro.

Grabe ang training namin ngayon. Sobrang strict ni sir at kapag may nagkamali, magagalit siya at balik-umpisa na naman kami. Tinututukan niya kaming lahat lalo na ako tapos 'yong doubles na babae sa'min dahil nagkakalat sila sa laro.

Mga boys namin, singles at doubles, wala ng problema. Lahat mga halimaw lalo na si Roi sa singles tapos 'yong kambal na Japanese sa doubles.

Habang pinaparusahan ni sir 'yong girls doubles namin ay back to drills kami kasama ko si Luce pati na sina Roi at Kurt.

"Andrew, laban tayo mamaya."

"Ge Roi," sagot ko habang pumapalo kami. Sunod daw si Kurt samin. Umoo naman ako.

"Luce, last ka. Laban tayo." Pinaluan lang niya ako bilang sagot na iniwasan ko lang dahil kung hindi, sa bewang ko tatama. Nakangisi ang loka.

Nagsimula na kaming maglaro. Una si Roi.

Unang set, panalo si Roi ng 10 points.

21-11

"Sobrang galing mo Roi. Di ka na matatalo. Binatak mo na masyado," puri ko rito dahil totoo naman at 'di man lang siya hiningal at pinawisan.

Second and third set, nakuha ko. Nakailang tie kami at muntikan pa akong malamangan dahil nakakahabol din siya. Nakahiga na ako ngayon sa malamig na sahig habang habol ang aking hininga. Nakailang palit din ako ng damit dahil parang daig ko pa ang naligo. Pumikit na ako habang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Tangina mo, captain. Sobrang hina ko pa pala. Nakakatanggal ka ng angas."

Natawa naman ako sa kanya. "Nakachamba lang ako sa'yo."

"Walang chamba chamba at chumachamba sa paglalaro, Andrew Torregozon. Lagi mong tandaan 'yan."

"Yes coach," at tumayo na ako pero parang bibigay ang mga tuhod ko sa sobrang pagod.

"Hoy Andrew! Next na, tayo ka na diyan!" sigaw ni Kurt sa'kin na nakapwesto na sa kabila at ngiting-ngiti.

Nagpalit lang ako ng damit saglit tapos nagpa-wait lang ako ng five minutes para habulin ang hininga ko.

Si Coach Amir nakatayo na habang naka-crossed arms sa gilid ng court katapat ng net. Nakikita ko na naman ang silver niyang relo na Rolex ata or Patek. 'Pag nakasuot na siya ng ganon alam na namin. Si Roi at Kurt lang ang nagsabi sa'kin noon.

Pumwesto na ako at nagsimula na kaming maglaro. Si coach na ang taga-score. Si Kurt na ang first service.

Pagreceive ko palang ng shuttle at napataas ko 'yong palo ay tinalon na niya at nagsmash kaya naka-score agad siya. Seryosong nanonood samin si coach. Pinagmamasdan niyang maigi ang laro namin.

Natapos ang first set na lamang si Kurt ng five points.

Nakangisi na siya habang may palaro-laro sa kanyang raketa. Si Kurt kasi 'yong acrobatic samin. Every game at training namin, hinahaluan niya ng tricks at acrobats ang mga galaw niya. Lagi niyang ginagawa 'yong behind the back na pagpalo tapos 'yong between the legs din. Sobrang liksi niya rin tapos di rin maanticipate ang galaw niya sa sobrang likot niya.

Malaro talaga siya sa loob ng court. Kumbaga sa lalaki, parang babaero. He is full of fun kapag naglalaro.

Naiiling-iling pa siya sa akin. Natawa naman ako.

Pinapanood na pala kami ng lahat at huminto na rin muna sila sa paglalaro.

"Pagkatapos ni Lucy at Andrew, 'yong dalawang reserve, Daniel at Kisha, get ready. Kayo ang susunod. Ten laps, now. 'Pag huminto, no game then make it 20 laps. Go!"

Second set na namin, lumamang na ulit ng 8 points si Kurt habang ako'y pagod na pagod na. Nanghihina na ako.

"Ang matatalo, 100 push-ups tapos 10 laps at maglilinis ng buong gym."

"Coach, gawin mo ng 150 push-ups," sulsol ni Kurt sabay payag naman ni coach at tingin sa'kin.

Mukha ba akong matatalo ha? Minsan din talaga, ang mga lalaki, mga kupal.

Ay si coach pala 'yan.

Hahaha!

"Ahh, ayoko na. Pagod na pagod na ako." Nakadapa na ako sa floor na hingal na hingal. Ang bilis ng paghingal ko at naligo na ako ng pawis. Naibato ko na rin sa gilid ang raketa ko.

Konti na lang ay papikit na talaga ako sa matinding pagod.

Sinilip ko si Kurt sa kabilang court. Nakahiga na rin siya at tulad ko, hingal na hingal na rin siya at di makagalaw.

"Hayop ka talaga, Andrew. Tinapos mo na naman ako. Wala kang awa sa amin ni Roi. Pagbabayaran mo ang ginawa mo samin!" sabay tingin sakin.

"May bukas pa, master Kurt."

"Tumayo na kayo diyan! Last game na bago tayo magdinner then game ulit. Andrew, 15-minute break ka muna."

Umupo muna ako sa bench upang magpahinga. Gusto ko ng matulog pero bawal pa. Uminom din ako ng gatorade saka nagpalit ng damit. Last ko ng damit 'yon at wala na akong extra.

Naglaro na ulit kami ni Luce. Service ko at seryosong-seryoso talaga siya. Alam kong pinakahihintay talaga niya 'to. Kilala ko si Luce at gustong-gusto niya talagang kalaban ako.

Ang thrilling daw kasing talunin ako tapos challenging pa. Tuwang-tuwa siya 'pag natatalo ako. Malaking achievement daw 'yon 'pag nangyari. Competitive talaga siya at wala naman akong problem about don since pursigido naman siya sa training namin.

Her favorite shot, drop shot.

Pahahabulin ako kung saan-saan niya trip tapos magdadrop tapos pag nakuha ko ganon ulit hanggang sa mapagod ako.

"Team captain talaga! Idol! Lodi! Mamaw masyado, sure win na tayo mga tropa!"

"Easyhan mo naman master Andrew! Sobrang batak talaga! Panalo na naman! Sa susunod, tatlo na kami!"

Masayang inannounce ni coach ang pagkapanalo ko. I won by 2 points lang. Ginawa ko na talagang kama ang malamig na floor.

Nakatingin lang ako sa nakakasilaw na ceiling ng gym dahil sa mga nakabukas na ilaw.

"Congrats, Andrew. Job well done." Bakas sa mukha ni coach ang pagiging proud sakin, saming mga players niya.

Tinaas ko ang kanang kamay ko at tinanggap ang nakalahad niyang kamay kasabay ang pagkislap ng suot niyang mamahaling relo dahil sa ilaw.

Nakangiti ito sakin.

Matapos ay tinawag na niya ang lahat at nagkaroon kami ng meeting.

Inalalayan ako nina Kurt at Roi.

"Team, makinig mabuti. Next week na ang tournament natin. I hope walang kinakabahan sa inyo. Base sa nakita kong laro niyo medyo kaya niyo na pero alam kong may ilalakas at igagaling pa kayo. Nagpapasalamat din ako sayo Andrew dahil bumalik ka na." Tinanguan ko lang si coach. "Makinig mabuti lalo ka na, Andrew. Dahil wala ka kanina, ang napag-usapan namin ay dito muna tayo mag-istay sa university hanggang matapos ang tournament. In short, mag-oovernight tayo rito kaya mag-empake ka na, kayo ng mga gamit niyo para tuloy-tuloy tayo. Wala kayong gagastusin dahil sponsored ng university ang lahat ng kailangan natin. Food, transportation, you name it, wala tayong gagastusin but make sure na maayos at malinis ang pagkakagamit ng bawat facilities at walang masisirang gamit, maliwanag ba, team?"

"Yes coach!" sabay-sabay naming sagot.

"You may have your dinner na. It's already 6:45pm. Balik kayo after an hour." Nakaready na ang mga pagkain namin na nakalagay sa clear tupperware. Marami ring tubig at gatorade na maliit at may 1 liter pa. May snacks din na burger at kung ano-ano pa. Walang soda, bawal eh.

Umalis muna si coach, bumalik sa office niya rito sa gym.

Laking gulat ko nang biglang yumakap sakin si Luce. Napakahigpit ng yakap niya.

"Wahh Drew! Namiss kita ng sobra! Thank God you're back na! Huhu," at nagpabuhat pa sa akin. Muntikan kaming matumba kaya hinawakan at kinarga ko na siya habang nakapulupot legs niya sa waist ko.

"Bati na tayo, Luce? I'm sorry."

Tumango lang siya at niyakap lang akong lalo.

"Uuwi muna ako Luce. Kukuha ako ng gamit ko." Bumaba na siya.

"Sama ako!"

"San punta? Sama rin ako!" biglang sigaw din ni Kurt.

"Sa bahay ni Drew. Kukuha raw siya ng gamit niya," tugon ni Luce dito.

"Sama rin ako! Tara, lusubin natin ang bahay ni captain!" segunda ni Roi.

"G na guys! Van na ni Roi ang gamitin!"

'Yong kambal na ang nagpaalam kay coach at sumama na nga silang lahat.

Nakasakay na kami ngayon sa silver hiace van ni Roi at katabi ko si Luce sa kanan at si Kurt sa kaliwa bale sa gitna nila ako.

"Groupie squad!" wika ni Kisha at sabay-sabay kaming nagpose. Siya katabi ni Roi sa harap. G na g ang lahat samin.

"Sana hanggang U.S. ganito tayo," sabi ni Daniel sa likod.

"Syempre naman basta manalo tayo," sagot naman ni Benji na isa sa kambal.

Sa matinding pagod ay di ko namalayang nakatulog ako.

***

"Drew, nandito na tayo," paggising sakin ni Luce.

Parang ang bilis naman ata.

Bumaba muna siya bago ako.

"Roi, wait niyo kami rito ha? Gusto ko makita Mama ni Andrew este bahay nila. Ciao!" at hinila na ako ni Kurt.

"Hoy Kurt! May gusto ka ba kay Drew ha? Wagas kung makahila ah. Sayo-sayo?" diretsang tanong ni Luce.

"Baby girl ko naman, nagseselos ka na agad. Come to daddy," Tila diring-diri naman 'tong isa.

Maloko ka talaga Kurt.

Pagpasok ko ay natigil ako sa pagtawag kay Mom nang makita kong nandoon si Kate, Tita Laura at Tito Alfred na nakaupo sa dining table at nakikipagkwentuhan kay Dad. Nakatingin silang lahat samin lalo na si Kate habang si Mom ay nakatalikod, naghahanda ng food.

"Andrew? Ba't ngayon ka lang? Sino ang mga kasama mo?" si Dad na nagtatanong ang mga tingin lalo na sa magkapulupot na braso namin ni Kurt.

"Andrew! Ba't ngayon ka lang? I called you many times. San ka galing? At sino itong mga kasama mo? Nandito rin sina Kate at amiga. We're having dinner. Sumabay na kayo." Mom looked surprised pero pati mga mata niya ay nagtatanong.

"Mom, this is Kurt and Luce, my teammates sa badminton. May training po kami kaya di ko nasagot 'yong tawag."

"Nice to meet you po tita and tito," magiliw na bati ni Kurt sa parents ko. Nagmano siya sa kanila at gano'n din si Luce.

Tiningnan ko si Kate, busy siya sa phone niya. Nalungkot naman ako.

"Sabay na kayong kumain samin," alok ni Mom at nagmamadaling kumuha ng plates.

"W-We can't. Babalik din po kami agad sa school. Sinamahan lang nila akong kumuha ng gamit. Doon po kami matutulog. Saglit lang kami Mom, aalis na rin at may naghihintay sa labas."

I don't want to disappoint Mom kasi I know that every time na magdidinner dito sina Tita Laura at Kate, she always make sure na nandito ako at pinaghahandaan talaga niya.

"Padadalhan ko na lang kayo ng niluto ko." I could feel it na nasad si Mom and I felt sorry for her. Di ko rin kasi alam and this is my first time to miss our family dinner with Kate.

Nagpresinta na si Kurt na tumulong habang sumama sakin si Luce sa kwarto ko upang tulungan ako sa pag-eempake.

Nanguha ako ng maraming damit tapos mga iba pang kakailanganin ko. Babalikan ko na lang siguro 'yong iba bukas.

"Drew, wala ka na bang nakalimutan? Ilalagay ko na 'to sa van. May mga extra rin ako, pahiramin na lang kita."

"Sige, salamat Luce," at umalis na siya dala ang bag kong malaki.

Napatingin naman ako sa picture namin ni Kate sa bedside table ko. Hinaplos ko ito at malungkot na ngumiti.

"Aalis ka na talaga? Can't you stay for the night? Kahit ngayon lang, Andy."

Nahinto ako at hindi makatingin sa kanya dahil nalulungkot ako nang sobra.

"Pwede ka namang sumunod di ba? Dito ka na lang magdinner. Nandito ka naman na."

"K-Kate. I-I can't. May training pa kami. I-I need to leave."

"Please? Andy?"

"S-Si James, hindi ba siya pupunta?"

"Drew, tara na! Tumawag na si coach kay Roi. Nasan na raw tayo! Tayo na lang ang hinihintay!" May kumakatok sa pinto.

"Bye Kate," at nagmamadali na akong lumabas.

Nagpaalam na ako sa aking parents pati na kay tito at tita. Paalis na ako pero si Mom humirit pa ng cold treatment sakin.

I'm sorry Mom. Babawi na lang ako next time.

"Mag-iingat kayo ha? Dahan-dahan kamo sa pagmamaneho. Tumawag ka samin pag nakarating na kayo ha?" bilin ni Dad na paulit-ulit.

"Yes Dad. Bye na po."

Nagpasalamat na si Luce at umalis na kami. Masaya kaming sinalubong ng mga kasama namin sa loob ng van lalo na si Kurt.

"Grabe si tita, ang daming pinabaong pagkain oh! Kukunin ko na sana 'yong kaldero niyo eh kaso baka di na ako makaulit! Solb solb na naman ang players ni Amir! Amen!"

"Amen!" sabay-sabay nilang sabi at puno ng tawanan ang loob ng van.

Palayo na kami nang maalala ko si Kate.

I'm sorry Kate but it's for the best.